Speech

Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)


Event Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019
Location Malacañang Golf (Malago) Clubhouse in Malacañang Park, Manila

PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: Ngayon itong mga experts sa COVID-19 have been working with us — it’s a criticism, it’s a critique and we accept it. Ako mismo kasi I want a better ano ayaw kong mag — kailangan prim, prime, o prim, prime — prim and proper.

Ganito ho ‘yan, well, we are sorry that we committed the things that you are criticizing us for. We accept responsibility. At ako mismo nagpaturok, well, it’s the decision of my doctor. Anyway, it’s my life and kung anong ano nila ‘yong… How would I — ? Iyong concerns nila about others following. Just before this meeting started I had a talk with the ambassador. Sabi ko sa kanya ang mga experts nagsabi na wala pang ano ito hindi pa dumaan ng examination sa atin. Ang binigay lang ang compassionate use, which is really a legal excuse to have the compassionate use. Ibig sabihin magamit mo compassionate.

Kaya lang maybe it’s not acceptable to them but it’s legal actually. When the government allowed it to be used for compassionate use, that itself was an authority for people to be injected. Pero kakaunti lang ang naturukan nito.

So here’s a deal, sinabi ko kay ambassador criticized nila kasi hindi nga dumaan ng examination ‘yong Sinopharm, sabi ko tanggalin mo na lang. You withdraw all Sinopharm vaccines, 1,000 of them. Huwag ka na lang magpadala ng Sinopharm dito para walang gulo. Sabi ko ibigay mo lang sa amin ‘yong Sinovac na ginagamit sa lahat.

Now ngayon, kayong nakikinig sabi nila delikado daw — there are plenty, 55 of them which says that it’s deleterious or dangerous for use. Eh huwag na kayong gumamit. Doon na kayo sa Sinovac.

But Sinopharm has been used in Brazil, in Indonesia. Pero the fact that ang may kaunting ano na hindi dumaan, eh di para walang ano tanggalin na lang natin.

So we are sorry. You are right, we are wrong. Ang Sinopharm maybe tomorrow or the following day wala na ‘yan. I made it as a personal request. Ngayon, ‘yong tinurok sa akin, I said, it’s a decision of my doctor and all things said this is my life. Alam ko man compassionate use so there was this legal point that made it possible for me to… Sinabi ng doktor Sinopharm because of the record outside of the Philippines na maganda ang ano, and all of the Chinese officials Sinopharm.

Pero kung parang ganoon na maingay, i-withdraw na lang para maghintay na lang tayo ng Sinovac and others. Tutal 1,000 vaccines lang ‘yan eh. It would not make a dent doon sa supply.

Ang issue ng West Philippine Sea was boiling. So tayo as a sign of ownership sent our Coast Guard there to show that we own the body of water. Maya-maya nandito na ‘yong China. So nagkaharapan sila at standoff parang nagtutukan ng baril. So it was America who brokered na ayusin na lang ninyo ‘yan — ang Amerika ha. And ito naman si g***ng Albert, for all of his pretentious statesman deportment, pumayag silang dalawa ni — well, of course, you cannot blame the kapitan ng barko ng Pilipinas, following orders ‘yan eh.

So nag-atras tayo. Ang problema sabay para ma-defuse ang tension. Sabay kayong umatras. Tayo umatras because Albert called the maybe the ships, ordered it to withdraw. The mystery question here is: Was it approved by President Aquino? Siya ‘yong presidente eh.

So noong umalis na ‘yong Coast Guard, hindi umalis ang China ship. So ang naiwan doon na barko China na, wala na tayo. Iyon ang history tapos nag-file sila ng kaso, nanalo tayo. Iyang papel sa totoong buhay between nations, iyang papel wala ‘yan. Kung sino ‘yong tigas, United States, Britain ‘yan, pagka ginusto nilang ganyan gawin. Tayo nanalo. Ngayon pagdating ko ang barko nandiyan sa West Philippine Sea, China boat, ship, tayo wala na.

Tapos sabi nila itong papel na sa kaso nanalo tayo i-pursue mo. Pinursue (pursue) ko, walang nangyari. Sabi… Actually in — sa usapang bugoy, sabihin ko sa iyo ibigay mo sa’kin, sabihin ko sa’yo p***** i**, papel lang ‘yan. Itatapon ko ‘yan sa wastebasket.

Ngayon nagpatuloy. Style nito sige sila bira, sige bira, bira, bira. Ngayon gusto nila pumunta ako sa United Nations magmakaawa naman ako doon, kung sino-sinong lapitan ko. Ipagpatuloy ko raw ‘yong away kasi I’m wasting my time and at the same time disrupting the good relations of China and the Philippines. Na sabihin mo nag-ano ng utang na loob. P***** i**, akala ko ba Pilipino ka? Akala — alam mo ba ang utang na loob? Do you know the dimensions of utang na loob? Iyong utang na loob iba ‘yong away. Ito para tayong nandiyan ang neighbor nila naghirap, oh tinulungan tayo. So sinabi ko salamat at may utang na loob tayo.

Ngayon siguro dahil diyan kasi pumunta ako ng China sinabi ko kasama ko ang lahat ng Cabinet members, Medialdea, General Lorenzana, General Año, chief of staff, doon sa harap sinabi ko kay Xi Jinping, one day I will go to where my oil in the West Philippine Sea, sabi ko. Sabi niya na, “I think…” Mr. Xi Jinping, I said, “…you do not do that.” “Why Mr. President? That’s ours. We are claiming it as ours.” Sabi niya, “Yes, but whatever your claim is, huwag mong gawain yan.” Sabi niya, “Why?” In whispers ha, nandiyan sila, nandiyan — “Do not do that because there might be trouble.”

Noon pa giprangkahan ko na — nandiyan si Panelo, ‘di ba nandoon ka rin? Lahat. Wala na ‘yang United Nation, nagprangka-prangka sinabi na there will be trouble. So magpunta ka man ng United Nations, magpunta ka ng Amerika, magpunta ka kung saang impiyerno kung gusto mong tulong, pagdating mo papel ang dala mo o anong gusto mo, trouble is away ‘yan. Kaya mo?

Kaya ko na ipadala ko ‘yong mga Navy ko doon? For what? Ipadala ko ‘yong mga Coast Guard ko doon for them to die? Eh hindi ako g*** ng ganoon. Why would I waste Filipino soldiers’ lives? Iyon ang totoo. Iyan ang maintindihan ng lahat.

Noong nag-Presidente ako wala ng barko doon, China lang. Ang 2014 much earlier before I became President 2016, napaalis na ni Albert. Ikaw Albert, Alberto, bakit mo pinaatras? Kaninong permission ka nanghingi? Ngayon kung wala kang maibigay, p***** i** mo, huwag mong ibigay sa akin ‘yong kasalanan mo. Naghahanap kayo ng libre. Alam ninyo one day, one day you will be tasked to answer for that iyang pag-order ninyo, dapat imbestigahin ka.

And if… I don’t know what will be the history of this country because if I were a leader anymore — I will execute you by hanging. Ngayon, nandiyan ka na kasi kaibigan, wala ka man magawa. Ano bang gawin mo? Treason pa naman ‘yang makipag — magkalamano ka.

Wala, hindi naman ako humingi, offered ‘yan. Nandiyan ‘yan sila oh mga generals. I never asked anything. I asked — I was asking friendship. That was all. Tapos one after the other, sabi ni Xi Jinping, ito, ito bigay ko, ganoon, ganoon. So salamat. Salamat kung mayroon; kung wala, salamat rin. Iyon para maintindihan ng… Ang bilangin ninyo doon, bilangan ninyo 2014 doon tayo nawasak.

Itong Carpio naman, sulat nang sulat ng mga decision para sa kanyang utak lang. Isa ring ugok itong… Bak… Supreme Court justice pareho man tayo abugado. Gusto — eh gusto mo magdebate tayo? Mga dalawa, tatlong tanong lang ako. Sino ang nagpa-retreat? At anong ginawa ninyo after sa retreat? Nag-file ng kaso. Ngayon nanalo. Ma-enforce ba natin? Matulungan ba ninyo ako kung sabihin ninyo sa Amerikano, sabihin ninyo sa France, sabihin ninyo sa Britain, samahan ninyo kami kasi papasok kami. T*** i***** ‘yan.

Kaya ako naging bastos kasi you know pinipilit — pinipilit ninyo akong mag-ano maging talagang pissed off na ‘yong kasalanan mo gusto mo ako ang mag… Iyan ang totoo mga kababayan ko maski sinong abugado tanungin ninyo.

Mayroon man ‘yong abugado talaga na maski sinong abugado tanungin ninyo, iyan ang nangyari. Ngayon, kung ako ‘yong nagsisinungaling, mag-resign ako bukas kaagad. Iyan ang garantiya ko sa inyo.

Itong dalawa, walang mawala sa kanila. Porma ng partido. Ikaw? Paniwalaan ka Carpio na ikaw ang… Hindi mo alam ang pulitika. Eh istilo mo ng ganoon? Papaniwalaan ka ng mga lider doon sa mga barangay? Sabihin nila iba man ang mukha nito, para ring from the Mongolian race. Hindi man Pilipino ang mukha nito. Hindi ka man natibo. You come from a different stock. God**** it.

Now, hayaan mo Secretary ano. I apologize lahat na. So to really complete the story, kindly follow it up how it — ipa-withdraw mo ang Sinopharm. So Sinopharm will not be available in the Philippines para wala ng — wala ng worries. Wala na tayong… Tutal 1,000 boxes lang naman ‘yan. Secretary Galvez, is it okay with you?

Alam mo mga kababayan ang importante talaga ‘yong COVID kasi marami na ring namamatay, marami pa sa ospital. Sabi ng mga experts, ako hindi man, na bumaba na raw ‘yong infection tapos — pero ang mga ospital puno pa rin.

Kaya kung talagang may utak ka, if you are a thinking human person, sundin mo. Kung nag-iisip ka, may isip ka pa, sundin mo ‘yong utos ng gobyerno kay hindi ‘yan akin, hindi amin. Para ‘yan sa interes ng bayan na hindi ka makahawa, hindi ka mahawa, hindi ka mag-uwi, hindi mo mahawaan ang iba. Iyan ang ano at saka ‘yong washing pati mask.

Now itong mask, iyong iba ano lang for compliance lang. Naglalagay ng mask pero nakalabas ‘yong ilong. My orders to the police are those who are not wearing their masks properly in order to protect the public — kasi kung hindi, hindi mo madepensahan ‘yong publiko — to arrest them and detain them, investigate them why they are doing it. You have nine hours. I-detain mo tapos imbestigahin mo siya kung bakit ganoon ang behavior nila. Pagka hindi ko ganunin, hindi ko kayo higpitan, walang mangyayari. Iyan nga ‘yong for compliance lang kayo.

Eh pagka ganoon, tapos ako dito hirap na hirap, papawala na ‘yong pera natin sa bangko, tapos sige pa rin kayo galaw nang galaw diyan na hindi tama, eh mapupunta talaga kayo sa istasyon. Anybody in public wearing a mask not in the regular — regulation mask na ilong pati bunganga ang sirahan mo diyan.

Ang minor, minor ‘yan kung pa — are ordinarily during times of these, that would be a stupid requirement. But it is a critical need now. So I have — ayaw man ninyo, may mga taong ayaw maniwala, then I said kung gusto mo, sabi ko na noong past days, ayaw mo ng usapan na maganda, eh di ayan hulihin mo. Imbestigahin mo, nine hours stay in the station.

Now the next part of the program is pakinggan natin ‘yong the star of the… I hope I have said enough dito sa mga experts. Iyo —- iyo na, Secretary Duque. It’s your turn to report.

DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III: Thank you very much. Magandang gabi po, Ginoong Pangulo; Senator Bong Go, Chair of the Senate Committee on Health and Demography; akin pong mga kapwa miyembro ng Gabinete; at ang atin pong mga kababayan.

Mayroon lang po akong maiksing report, Mr. President, para update lang po ito doon sa akin pong naunang ulat noon pong Lunes.

Ito po ‘yong ating current COVID data as of May 5. Ngayon pong araw, mayroon tayong 1,073,555 total cases po ‘no.  Ang atin pong active cases ay 62,713, ang katumbas po nito ay lima at wal — walumpu’t apat na porsyento ng atin pong mga kaso at karamihan po rito mga admitted or isolated.

At ang atin naman pong recoveries sa bandang kanan, nakikita po natin ay nasa 993,042 ang recoveries, ang katumbas po nito 92.5 percent.

Ang atin naman pong mga bilang ng pumanaw ay — kung puwede po nating ibalik lang — nasa 17,800 sa loob po ng halos 15 buwan mula nag-umpisa po ang pandemya at ang katumbas po nito ay 1.66 percent.

[Next slide.]

Ito naman po ‘yong case trends po natin nationwide at saka sa National Capital Region. Dalawa po ang atin panukatan or mga metrics na binabantayan, Mr. President. Ang isa po ‘yong average daily attack rate, ito po ‘yong mga number of cases per 100,000 population. At ‘yong pangalawa naman po, ‘yong two-week growth rate. Ito po ay sinusukat ang bilis ng hawaan ng COVID. At ang makikita po natin dito sa buong Pilipinas, noong April 4 to 17, 9.2 ang atin pong mga average cases a day per 100,000 population. Bumaba po nang bahagya to 7.8. At kung ito po ay bababa pa less than seven ay mas maganda po kasi magiging moderate risk classification na po ang buong Pilipinas kasi ngayon po nasa high risk pa rin po tayo — moderate to high risk. At ang NCR naman po ganoon din, malaki din po ang ibinaba, from 34 new cases a day to 25 for April 18 to May 1. So pareho pong bumaba ‘no natio — ang Pilipinas at ang NCR average daily attack rate.

Iyon naman pong two-week growth rate makikita naman natin sa buong Pilipinas noong April 4 to 17, 11 percent. Ito po ay nasa negative 15 percent na, Mr. President ‘no. So maganda po ito. Ibig sabihin bumabagal po ang takbo o ang bilis ng hawaan. At ang NCR naman po from negative 5, nasa negative 26 percent na po ang pinakalatest natin na two-week growth rate. Negative 26 percent, ibig sabihin  talagang mas malaki na po ang ibinagal ng hawaan o ang pagtaas ng COVID-19 sa NCR.

[Next slide, please.] 

Samantalang ito naman po ang atin mga pag-unlad sa atin pong tinatawag na national healthcare utilization rate. Malaki rin ang binuti nito ang atin pong HCUR nationwide dahil sa ECQ at MECQ — maraming salamat po sa inyo, Mr. President, for approving this community quarantine classifications na talaga pong malaki ang naging epekto sa pagbaba ng kaso.

PRESIDENT DUTERTE: Please continue.

SEC. DUQUE: Salamat po. Kumpara dito po sa nakikita natin, ‘pagka kinum — ikukumpara po natin ‘yong gitna ng Abril kung saan nakita natin ang peak ng ating healthcare utilization, napababa din natin ang HCUR by 4.7 points at inaasahan na lalo pa itong bababa sa mga susunod na linggo.

So makikita po natin ‘no ‘yong mga iba’t iba: isolation beds, COVID-19 ward beds, ICU beds, mechanical ventilators ay malaki po ang ibinaba kumpara po noong nag-peak tayo iyong mga pulang mga numero. At ang May 4 natin na estado ay nakita ‘yong mga improvements po natin sa healthcare utilization rate bumaba po ang ating healthcare utilization rate by those numbers on the last column of the slide.

[Next slide.]

Sa 1,073,555 na kasong naitala sa buong bansa, halos kalahati dito ay galing naman po sa NCR. Ang katumbas po ng kaso sa NCR, 469, 338. Ngunit ang kanila pong aktibong mga kaso ay nasa 22,944. At ang atin naman pong — maliban sa NCR, nananatiling kasama sa atin pong top contributors sa mga kaso ang regions IV-A at saka Region III.

So iyon na naman po ‘yong slide natin, makikita ‘yong graph tumaas tayo doon sa may arrow na pula po iyon ‘yong peak natin, that was about the first week of April. At unti-unti po natin nakikita ‘yong mga susunod na mga bar graphs ay bumababa po ang bilang ng mga kaso.

[So, next slide.]

Ito naman pong susunod ay ang mga pag-unlad doon po sa ating healthcare utilization rate. Sa NCR naman po ito nakatuon sa — at ito po ang overall HCUR natin.

Iyong nag-peak tayo, iyong pinaka talagang nabibilaukan na ‘yong ating mga ibang bahagi ng mga ospital from 68.3 percent bumaba po ito to 56 percent ang utilization. So malaki po ang ibinagsak ng ating utilization rate by 12.3 percent. Ang isolation beds naman po bumaba by 22.1 percent, from 73.1 to 51 percent; ang COVID ward beds, from 72.3 percent bumaba po ito ng 58 percent, down by 14.3 points ang atin pong ICU beds.

Ito po ang talagang pinakamahalaga sa lahat po ng ating pagtugon sa COVID-19 infection dahil ang ICU beds ito po ang nakakasalba ng mga buhay ng may severe and critical COVID cases. So noong nag-peak tayo 87.8 percent, critical risk classification po tayo. Pero ngayong May 4, bumagsak po ito ng 16.8 percent ‘no so nasa 71 percent tayo. Halos malapit na po itong umabot sa moderate risk classification. Mapapababa po natin ito ng mga two- percentage points nasa kuwan na tayo by then moderate risk ‘no.

So malaki po ang improvement at pag-unlad. Ganoon din naman po sa mechanical ventilators, ito po ang gamit ng mga critical cases na kinakailangan po ma-intubate dahil hindi na po sila makahinga sa sarili nila, so ikinakabit po sila doon sa respirators o ventilators. So from peak of 64.5 percent nasa 53 percent tayo, down by 11.5 percent. So maganda po ang kinalalabasan pero patuloy po ang ating pagpapa-unlad at pagpapalawig ng kapasidad po natin.

Kaninang umaga, Mr. President, pumunta po kami ng IATF principal members sa NKTI dahil nagbukas na naman po tayo ng bago na mga modular hospitals and this is, in particular, adding hemodialysis beds and facilities, which a facility that’s good for 60 patients per day na kaya pong ma-servan (serve) na may sakit sa bato at may COVID.

Tapos mayroon din pong isang gusali doon na naitayo din ng DPWH. Maraming salamat po kay Secretary Mark Villar dahil doon naman po ang dormitoryo na kung saan ilalagay po ang ating mga healthcare workers na nagkaroon ng exposure so doon na lang po sila mai-isolate or maku-quarantine.

So ang susunod na slide po —- dalawa na lang po bago magtapos — ito po ‘yong ating tinatawag na death curve. At ang nakikita po natin ang peak ng atin pong mga pumanaw ay sumabay po ‘yan doon sa pinakamataas na bilang ng ating mga kaso some time in first week of April. Iyong bagong pagtaas o pinakamataas sa atin pong mga pumanaw ay mas malaki na po ang kanyang bilang kumpara doon sa nakita po natin noong Agosto noong nakaraang taon. So from 2,666, talagang ‘di hamak mas mataas kaysa sa August figure of 2,129. But hopefully mag-plateau and then — at mag-umpisa na rin pong bumaba ang atin pong deaths.

[Next slide.]

Ito lang po ‘yong pinakahuling pangunahing mensahe at paalala lang po ay sa kabuuan gaya nang nasabi ko, sir, ay mayroon na po tayong nakikitang pag-unlad at improvements at ang una rito ay ang pagbaba ng kaso sa buong Pilipinas at bumabagal rin ang bilis ng pagtaas ng mga kaso at makakakita na tayo sa NCR Plus ang mga bagong kaso ngayon ay mas mababa na kumpara sa mga kaso pong naiulat noong simula ng ECQ.

Pangalawa po, patuloy na bumubuti ang atin pong healthcare and ICU utilization nationwide dahil na rin nagkaroon tayo ng pagkakataon na palawigin ang health system capacity noong tayo ay nagtaas sa ECQ at maingat na nag-transition naman sa MECQ.

Kasabay po ng mga pagpapaunlad at pagpapalawig na ito ay nagsimula na tayong magbakuna ng ikalawang doses para sa atin pong priority group 2: ang atin pong mga seniors; at ang mga A3, ang mga kababayan natin may mga kaakibat na mga sakit o comorbidities.

Sa mga kagaya ko po na nakakuha na ng paunang bakuna ay huwag po natin kaligtaan ang pagbabakuna ng ikalawang dose upang lubos na mabigyan ng proteksyon kontra COVID at higit sa lahat po ay nabakunahan man tayo o hindi, kinakailangan pa rin po natin sundin ang minimum public health standards kasi po pagka kahit na nabakunahan po tayo, hindi po nangangahulugan na hindi na po tayo puwedeng mahawa o hindi na tayo puwedeng makahawa. So kahit na may bakuna na tayo, sir, puwede pa rin tayong mahawa, puwede rin tayong makahawa doon sa mga mahal natin sa bahay at ang ginagawa lang po ng bakuna ngayon is to prevent ‘yong severe COVID, prevent hospitalization, and therefore prevent deaths.

Iyon lang po, Mr. President, maraming salamat po.

PRESIDENT DUTERTE: Salamat, Secretary Duque.

I’ve — I have read articles in the newspaper. May mga tao pang hanggang ngayon gunggong talaga. You know, ang problema talaga natin, let’s reduce it to the barest equation kagaya nitong Scarborough — ah ‘yong pag-agaw ng ano o pag-retreat. Itong ating problema sa Pilipinas, kulang ang bakuna.

Nagbibili tayo kung saan-saan at dumadating lang ngayon pakaunti-kaunti. Were it not for, well the donation of China, wala tayo, zero. We started with nothing and we could continue preventing sickness, hospitalization, and everything kung may bakuna na tayo at na-distribute na natin sa lahat ng corners ng Pilipinas at nabakunahan na ang tao, then there is nothing to talk about herd [immunity] kung may lahat nandiyan na. Ang problema pasok ko sa — kung ayaw ninyo ipasok ko sa utak ninyo, pilitin.

Hoy, ang problema natin bakuna hindi that we are not doing anything or that we are not doing it properly. Nandiyan na nga humabol tayo. Who would ever expect, who would ever think na there will be a pandemion — pandemion in the sa kuwan  — epidemic or pandemic? Sino bang mag-akala dadating ‘yan sa mundo? Lahat, Amerika pati — hindi na ako mag-ano basta ayaw ninyong maniwala, mabuti, I am not comparing — but America, Brazil and everything are suffering the same problem. Iyong ibang lugar nga nasa sahig na lang sila.

Ang hindi lang nila alam kung gaano kahusay ang Pilipino to innovate at nakita mo naman marami namang mga modular hospital. Alam mo ginagawa nang lahat ng… Anong gusto ninyo? What do you think just a silver bullet and tomorrow the pandemic is gone?

Ang sunod and he will give you the — the… Well, it’s coming in trickles. Alam mo ang trickles? Padahan-dahan na pero nakapag-ipon tayo and Secretary Galvez will talk about it.

Secretary Galvez?

NTF COVID-19 CHIEF IMPLEMENTER AND VACCINE CZAR CARLITO GALVEZ JR.: Mr. President, Senator Bong Go, my fellow Cabinet members and public servants. Sa ngayong ano po sa ngayong gabi po, maganda po ang mga balita po natin, sir. Iyong vaccine po natin ngayon not in trickles na, sir, may mga volumes na po tayo, sir.

So ang magandang balita po natin, Mr. President, maganda po ‘yong ano maganda po ‘yong magiging volumes po natin this coming May dahil may positive po na nangyari na ‘yong COVAX mukhang makakapag-deliver na po ng Pfizer at saka ng AstraZeneca.

So ‘yong second dose po, Senator Bong Go, ‘yong second dose wala na po tayong problema. Mayroon po tayong ano mayroon po tayong makukuha ngayong May more or less baka mga 1 million or 2 million na AstraZeneca. Iyong definite date lang po ang ina-ano po natin. So matutuwa na po ‘yong mga nakapag-first dose dahil kasi mayroon pong padating na COVAX na AstraZeneca.

[Next slide, please.]

Sir, maganda pong balita po natin, nagpunta po kami sa mga areas na nagkaroon po tayo ng tinatawag na rollout ng Gamaleya. Kami po talaga nabigla po sa Parañaque dahil kasi nakausap po namin ‘yong isang anak ni ano ni Zobel de Ayala na nag-ano nag-provide ng space. So talagang dinumog po ng tao ‘yong ano ‘yong Gamaleya na we thought na ‘yong mga negative media releases coming from Brazil ay magkakaroon ng tinatawag na ano na negative impact doon sa ating uptake. Pero nagulat po kami, Mr. President, na talagang more than 2,000 ang na-inoculate natin doon sa Parañaque doon sa Ayala Malls doon po sa ano sa Manila Bay.

So sa kahapon po, nagkaroon po tayo ng more or less 2,634 na inoculation at pumunta rin po kami sa Taguig na more or less mga 400 din po ‘yong inoculate doon so more or less mga 3,000 na po itong na ano po natin na Gamaleya. And we are so happy that the ano the acceptance of the Filipino people napakataas po sa Gamaleya kasi maganda rin po ‘yong vaccine po na ‘yan.

[Next slide, please. Next slide, please.]

Sir, magandang balita rin po na-breach na natin po ang 2 million — 2 million na na-administer na po natin. So sa ngayon po, as of yesterday, 2,065,235 po ang ating na-inoculate at mayroon na po tayong 1.7 million na Filipinos na na-vaccinate na po natin na talagang ano na po ‘yong first dose.

Ang maganda po dito ‘yong delivery natin ng ano ng May, baka po from 4 million madadagdagan po tayo ng 7 million. Malaki po ‘yon, Mr. President, kasi ang dadagdag po dito ‘yong COVAX. Iyong  ano maganda po ‘yong negotiation po namin kaha — kanina ng ano ng Pfizer at dadaloy na nga po ‘yong ano ‘yong Pfizer na ano na mga COVAX ano po natin na may assurance na po na 1.3 million ang darating sa May. Darating po ng May 11 most likely ‘yong 193,000 na initial rollout na parang ‘yon po ang parang tinatawag nating mini rollout ng Pfizer para maging gamay na po natin ‘yong ano ‘yong negative 70.

So nakita namin kanina, prepared na prepared na po ‘yong mga LGU ng NCR at titingnan din po natin ang Davao at saka Cebu, ipi-prepare din po natin kasi ang sabi po ng Pfizer diretso po doon ang delivery sa Davao at saka doon sa Cebu dahil kasi napaka-critical po. So hindi na po dadaan ng Manila kaya paplanuhin po namin, Mr. President, iyong delivery po ng Pfizer. So nagpapasalamat po kami sa ano sa US government dahil tumutulong po talaga si Ambassador Romualdez, na talagang kinakausap niya po ‘yong ano ‘yong State Department and we are very happy with the support of the US na positively they will increase po ‘yong ano ‘yong delivery ng Moderna at saka po ng Pfizer.

PRESIDENT DUTERTE: Question, it’s always bothering my mind. Ito bang — sabi mo diretso, it’s delivered direct to Davao and Cebu. That’s good. I’m just worried about the handling or mishandling while it is in transit and — well, you assured me last time pero hindi pa maraming dumadating. Mayroon ba tayo doon sa Davao, sa Cebu or Ormoc, whatever, mayroon ba tayong refrigeration that is suited for these vaccines?

SEC. GALVEZ: Yes, sir. Mayroon po tayo sir na ano sir na mga ultra freezer na nandoon po sir sa ano sa Davao. I believe ‘yong — mayroon pong mga third-party provider, for example, ‘yong ano po natin ‘yong ating Pharmaserv at saka po ‘yong ating Zuellig na kinokontrata po natin, may 500,000 po na kaya nilang iano po at a time.

So mayroon po tayong ano, kumbaga sa ano po, Mr. President, tiningnan po talaga namin ‘yong simulation ng mga LGUs. Kanina nga nakita namin sa Taguig, ‘yong isang box po pala, Mr. President, ‘yong isang box, parang ano sir ‘yon three days na kahit na hindi mo — naka-sealed po ‘yon, naka-sealed po ‘yon, pagka hindi mo ni — ginugupit ‘yong seal na ‘yon naka — mayroong tinatawag tayo sir na ano eh tinatawag na automatic temperature reader. Iyong automatic temperature reader po na ‘yon ‘yong logger, temperature logger, naka-ano po ‘yon, nakalagay po ‘yon, for example, -18 po ‘yong Gamaleya kanina, naka -30 siya. Noong tiningnan namin sa loob talagang ‘yong temperature niya po sir na talagang maintain na maintain ‘yong ano, ‘yong temperature niya.

Sabi nung ano nung supply chain manager na sir kahit na three ano three days mong hindi galawin ito, hindi po mapapanis ‘yong ano ‘yong ano ‘yong ating ano ‘yong ating mga bakuna kasi preserved na preserved po ‘yong kanyang ano. Then noong tiningnan po namin ‘yong temperature, tamang-tama talaga po ‘yong temperature na hindi bumababa po ng ano ng negative -18.

So ganoon kaano kaano po, ang ginawa po natin, Mayor, Mr. President, ano po natin ‘yan talagang ni-rehearse po natin ‘yan pa noong February. Talagang sanay na sanay na ‘yong mga tao natin.

So ngayon maganda po ‘yong ginawa natin sa Gamaleya na ‘yong 15 — 15,000, ‘yon po tiningnan natin talaga ‘yong actual. Nakita namin sa limang ano ‘yong sa limang ano po na city dito sa Manila, nakita namin talaga na ano sir na Zuellig at saka ‘yong Orca ang nag-ano nag-distribute.

Maganda sir ang ano maganda ang mga services nila at saka talagang world-class po ‘yong supply chain po natin. So wala po akong pag-aalala, Mr. President, na magkaroon po tayo ng wastage.

And then ‘yong Pfizer po, nagdala — nagbigay na rin po ng needle, more or less 100,000 needles na ‘yong ano ‘yong kanyang ano po maa-aspirate mo po ‘yong ano, instead of five — five doses, six doses po ang makuha mo. So ibig sabihin makakaano sa kanyang ano na kanyang talagang vial na five ano, five doses, mayroon pa po tayong matitipid at makukuha na masisipsip na six ano six ano pang six doses.

Kaya nga po tumatawag si Dr. Rabi sa amin na makapag-prepare ng ano ng ano, and then ang ginawa po ng ano ng UNICEF inimbundled na po sa ating ‘yong ano ‘yong .3 needle na ‘yon para ma-save po natin ‘yong ano ‘yong ika-six dose ng ano ng Pfizer.

Kaya maganda po, Mr. President, nakita ko po ‘yong ating ano mga LGU at ang ating mga doktor na talagang nagsanay po dito na sinanay po ng DOH, ni Usec. Cabotaje at saka ni Sec. Duque, prepared na prepared na po sila sa ano sa mga Moderna na -20 at saka po ‘yong ano ‘yong Gamaleya na -18, and then -70, -80 ‘yong ano po ‘yong Pfizer. Talaga pong inaabangan na po nila ‘yong ano ‘yong mga vaccine na mga ganito.

PRESIDENT DUTERTE: That’s reassuring coming from you.

SEC. GALVEZ: Ang gusto po kasi po ng UNICEF wala na pong double handling kasi very sensitive po. So ang ginagawa po ng ano ‘yong sa negotiation po namin sa Pfizer, gusto po nila ‘yong diretso na po sa inoculation area.

Parang ‘yong throughput po kunwari, for example, ‘yong ano ‘yan vaccines na ‘yan diretso na po ‘yan, 120 hours na puwede po nating ma-administer. So ‘yon po ang parang ano po nila na 120 hours na pagka nai-deliver po dapat na pong ma-administer.

So ‘yong proper planning lang po, Mr. President, ‘yong tinatawag nating ‘yong throughput sa ano po sa Ingles na throughput o ‘yong tinatawag na ‘yong pataan po na kunwari ‘yong pataan niya na itong ano itong day na ‘to mag-a-administer kayo, so tamang-tama ‘yon pong ide-deliver from the manufacturer, ide-deliver po on time doon sa Davao at saka sa Cebu.

And then pagka once na medyo ano po tayo, nasanay na po tayo doon, puwede na po nating i-diretso rin po sa ibang lugar, sa Iloilo or doon sa Bacolod na mayroon pong ultra chain na ano ultra-cold chain na mga refrigerator po. Actually, bumili po ‘yong mga LGU po natin, Mr. President, para po talagang makapag-prepare. Bumili po sila talaga ng kanilang mga refrigerator.

So ‘yon po ang magandang balita po, Mr. President, na this coming ano this coming May, baka madagdagan po ng 2 to 3 million po ‘yong ating volume na from 4 million baka po maging 7 million po.

So ‘yon po ang isang magandang balita po natin sa ating mga mamamayan at we are preparing for ano for the simulation para at least magawa po natin kaagad po ‘yon. And then dadagdag na naman po doon sa ano sa this coming June, madadagdagan po tayo ng Moderna at saka po ng AstraZeneca na ‘yong nabili po ng ano ng mga private sector.

So pataas po nang pataas ang volume po, Mr. President. Talagang ang medyo nahirapan lang po tayo noong March at saka April. Pero ngayong May medyo mayroon pong bubuhos sa atin na ano at nagpapasalamat po kami sa COVAX at saka sa Gavi, and also WHO na medyo ano maganda na po ‘yong — ‘yong ano po natin sa ating mga global market.

PRESIDENT DUTERTE: May tanong ako sa’yo? In a line of single — single line of people in front of the nagba-vaccine, ‘yong mga taong naglilinya doon, do they have a choice? Sabihin nila balang araw magdating ito, maawa ang Diyos, magdating itong mga lahat, Sputnik, Gamaleya, makapili ba sila?

SEC. GALVEZ: Yes, sir. Actually, sir, ‘yong ano ‘yong ating mga healthcare workers ‘yon nga po ‘yong nakita natin na mayroon po tayong more or less 20 percent to 30 percent na hindi pa nagpabakuna dahil kasi parang hinihintay po nila ‘yong Pfizer at saka Moderna. And then ‘yong makuha natin, pagka once na ‘yong Pfizer dumating priority po talaga ‘yong healthcare workers natin.

PRESIDENT DUTERTE: Ito ang tanong ko, is there any superiority among the vaccines that are being injected now sa tao? Mayroon bang — mayroon bang lalamang diyan sa ano? Because you know ‘pag makapili ka and there is a study or somebody magsabi na itong vaccine na ito is far more superior than what is being given, ang problema niyan sa linya parang mamili ka, Astra ang akin, Zeneca. So it would — and the others, Pilipino, na gusto tapos hindi nila makuha kasi naubos na, may problema tayo diyan sa — well, if you look at it with a — tingnan mo talaga, silipin mo, discriminatory.

Kaya ang aking ano is walang — basta kung ano ang nandiyang stock walang magka — pagka magdating ng isang unit, there’s a unit of vaccine — vaccine team assigned somewhere okay, pagdating doon, kung ano ‘yong maibigay na — na karton mo, Sinovac or whatever, Sputnik, ‘yon na ‘yon para sa inyo diyan kasi kung hindi maghalungkat kayo, then it would take time and then it — there would be some — alam mo na, nakikita mo itong mga ano ngayon na hindi — hindi pa naano ‘yong hindi superior…

Nobody should… Iyo ‘yan, I put to task ikaw mismo na you just keep a blind eye and say, ito kunin niyo, ito for Sta. Ana; ito for Bulacan. Huwag mo ng iano ‘yong — tingnan kung ano kasi there will be a lot of complaints again in the matter of what — who — what vaccine is superior to the other. Tutal bakuna lahat ‘yan. Ikaw na mismo huwag mong ibi — huwag mong ibigay sa mga baba sa iyo.

SEC. GALVEZ: Sir, we will implement that po, sir. At saka nakita po naman namin sir maganda po ‘yong uptake ng ano ng ating mga mamamayan na kahit ano po ‘yong bigay na po natin talagang pinagpipilahan po talaga nila.

At saka maganda po ‘yong mga ano po ni Sir Edsel Salvaña at saka ‘yong mga expert po natin na sila Dr. Lulu Bravo na sinasabi nga nila ‘yong pinaka-epektibo na ano na vaccine ay ‘yong vaccine na nasa balikat po natin.

Ako nga po, natutuwa nga po ako dahil kasi nag-positive na ako sa IgG at saka IgM. Ibig sabihin, may antibody na po ako. So iyon po ang ano po natin na nakita na nga namin po eh ‘yong ibang nakikita po namin na ‘yong ano ‘yong sa Sinovac at saka sa ibang mga ano po natin ‘yong AstraZeneca halos pare-pareho po na ano sa dami ng tao na pumipila po.

Ibig sabihin, talagang ang mga tao po natin, karamihan po sa mga ano natin mga nakakaintindi at saka ‘yong nasa talagang common na mamamayan po natin na gustong talagang magbakuna, hindi na po namimili.

Iyong iba lang talaga na po na talagang medyo choosy na pagka may pagka-Western ang ano ang kanyang orientation, iyon po ang parang… Pero kakaunti lang po ‘yon, Mr. President. Pero we will ano — we will ensure na iyong directive niyo po, Mr. President, will be ano — will be implemented.

Sir, iyong ano po natin — [Next slide please.] — ito po, isa pang magandang balita. Nakita po natin na marami po kasing gumagawa po ng mga data na fake na data eh. Iyong ginagawa po nila, mina-manipulate po nila ‘yong data tapos nilalagay po tayo sa dulo.

So ibig sabihin parang talagang ano talagang sinisira po ‘yong ano iyong ating talagang mga diskarte para at least makita ng tao na tayo kulelat po tayo. Marami pong ganoon po na ano na mga talagang mga fake news po.

PRESIDENT DUTERTE: Mga kababayan ko, kindly focus on the itong nasa harap ninyo. You would notice that the Philippines is third. Ito vaccination rollout ASEAN based on Bloomberg and reports from Foreign Service posts as of May 2021.

Nakita nila number one ang Indonesia, then Singapore, Philippines, then Cambodia, then you have Myanmar, Thailand, Western — Vietnam, Laos, and Brunei. Nakita naman ninyo third tayo. Maniwala kayo kasi nasa gobyerno kami. Hindi kami puwedeng maglagay diyan, mag-post ng ganito na sinungaling. May parusa ‘yan. Malaking parusa ‘yan if we impose a lie to the people in connection with our work.

Tapos na po kayo? Sige, go ahead.

SEC. GALVEZ: Sir, kung makikita niyo po iyong sa slide na ‘to, iyong Indonesia at saka Singapore po nagsimula po sila ng January at saka po December 2020, iyong isa January.

And then tingnan na po natin. Tayo po nagsimula po tayo, number eight po tayo nagsimula. Ibig sabihin, iyong ano po ‘yong ating mga kapitbahay nauna pong nag-ano nag-vaccinate, iyong pito po, nauna po sa atin. So number eight po tayo.

Kung makikita po natin, iyong average po natin, pumapangalawa po tayo sa Indonesia: 31,733. Pero iyong pinakamataas po nating nakuha, nakapagtala po tayo ng 133,114 in one day. So ibig sabihin, makakaya po natin ‘yong sinasabi nga ni Secretary Duque na pagka may volume na tayo, kayang-kaya na natin ‘yong 500,000.

Hindi po ‘yon magiging imposible dahil nakikita po natin ngayon — sa ngayon, kulang na kulang po tayo sa volume pero ngayon po mabubuhos po ‘yong volume natin na mga 6 million ngayong May. Nakikita ko po, Mr. President, baka ‘yong May po, mag-2 million na po tayo or 3 million tayo. Ngayong May, makaya po natin kasi po nagre-rehearse na po ang ating mga mayors.

[Next slide po.]

Sir, as presented earlier last Monday, ang gagawin po nating strategic ano po allocation, uunahin natin po ‘yong mga tinatawag natin na mga urban centers kasi po pagka nauna ang urban centers, mawawala po ‘yong vulnerability ng ating bansa.

Kasi po kung titignan po natin, sa Manila po nanggagaling ‘yong ano eh ‘yong ating COVID-19 at na-transfer po ‘yan sa mga karatig na mga lugar and even sa mga ibang cities. Ganoon din po ‘yong mga centers ng Cebu at saka po ‘yong Davao na pagka ‘yon po na-completely heal natin at nabigyan na natin ng herd immunity, the possibility na ‘yong mag-e-expand ‘yong kanyang ano ‘yong herd immunity to other areas, mas maganda po. Ang tawag po doon po sir sa military ‘yong center of gravity. Iyong center of gravity pagka nakuha po natin ang center of gravity, ibig po sabihin niyan matatapos na natin ang giyera. So kung ang gagawin po natin by center of gravity po natin — ang center of gravity po natin ‘yong NCR plus ‘yong six provinces na karatig niya. Pagka na-heal po natin ‘yan, nagkaroon tayo ng herd immunity by October or by November, pati kasama po ‘yong Metro Cebu at saka ‘yong Davao, nakikita po natin na more or less 60 percent to 80 percent po ng economy natin puwede tayong makapag-recover.

Iyon din po ang analysis ng mga ano — ni ano — ni Speaker Velasco. Iyon po, nag-usap po kami. Iyon din po ang kanyang parang istratehiya na unahin natin ‘yong ano — ‘yong mga highly urbanized center.

Iyon din ang istratehiya ng mga private sector at saka po nila Secretary Dayrit na sabi niya we have to concentrate to geographic areas na we need to contain. We have — we are racing against time. With this affectation, if we ano — if we ano — if we immediately vaccinate those areas, puwede pong bumaba ang kaso katulad po ng nangyari po doon sa Indonesia at saka sa Turkey na pinarioritize (prioritize) nila ‘yong heavily-affected areas. So ganoon po ang ano po natin kasi considering that we have limited resources at limited vaccine, unahin po natin ‘yong center of gravity.

Iyon lang po, Mr. President, at marami pong salamat.

PRESIDENT DUTERTE: Salamat. We’ll go now to Secretary Año. Yes, sir, good evening.

DILG SECRETARY EDUARDO AÑO: Magandang gabi po, mahal na Pangulo, at ating mga fellow public servants.

Ako po ay sumasang-ayon sa ulat ni Secretary Charlie Galvez at ni Secretary Pincoy Duque, at ang Kagawaran po ng Interyor at Lokal na Pamahalaan ay sigurado po na magwo-work sa ating National Vaccination Rollout.

Ang ating LGU po ay handang-handa. Tulad nang sinabi po ninyo, bakuna ‘yong problema pero habang dumarating po ‘yong bakuna, sisiguraduhin po nating mai-roll out ‘yan. Kahit po 24 hours in a day ay magta-trabaho po ‘yong ating LGUs at ang mga ibang sangay ng aking ahensya.

Tutulong din po kami sa information campaign kasi ito po ‘yong nakikita nating kulang para mahikayat ‘yong ating mga kababayan na magpabakuna at huwag na mamili ng bakuna. Ang pinakamagandang bakuna ‘yong bakunang nasa harapan mo ngayon kasi kung mag-aantay ka pa ng ilang araw at tamaan ka ng COVID, eh baka hindi mo na abutan talaga ‘yong bakuna na ‘yan. So importante po talaga na kung ano ‘yong nandiyan ay dapat kunin na ng ating mga kababayan.

Ang sa ayuda po, ito po ‘yong ating update lang po ano. Tumaas na po ulit ‘yong ating percentage from 74.35 percent ay umabot na po sa 77.19 percent. At a total of 17,687,755 ang nakatanggap ng ating mga ayuda. So a total of 17.6 billion ang ating naipamahagi out of the 22.9 billion. At sisiguraduhin po namin na hanggang May 15 ay matanggap po ng ating mga kababayan ang lahat ng ayuda.

[Next slide, please.]

Sir, ito po naman ‘yong kabuuan sa ating mga iba’t ibang LGUs. Ang Metro Manila po ay nagtala ng 78.93 percent – a total of 8.8 billion na po ang naipamahagi. Sa Bulacan, 76.99 percent – 2.2 billion na po ang naipamahaging ayuda. Ang Cavite naman ay 68.02 percent – so out of 3.4 billion allocation, 2.3 billion po ang naipamahagi. Sa Laguna ay mataas – 90.28 percent – so 2.4 billion na po ang naipamahaging ayuda. At ang Rizal naman, 68.41 percent – so out of 2.6 billion, 1.7 billion na po ang naipamahagi natin.

At bigyang — gusto ko lang pong bigyan ng komendasyon, out of the 108 LGUs, labindalawang LGU na ang nakatapos ng pamamahagi. Ito ay ang – Tagaytay City at Amadeo ng Cavite; at sa Laguna naman – Sta. Rosa, Alaminos, Biñan, Cabuyao, Famy, Magdalena, Nagcarlan, Pangil, Pila, at Rizal. So nais po naming batiin at purihin ‘yong mga officials ng mga LGUng ating nabanggit.

[Next slide please.]

Ito naman po ‘yong ating kabuuang community pantry na na-monitor sa buong bansa. Ang pinakamarami po ay makikita natin dito sa area ng Calabarzon, area ng Region III at area ng NCR. A total of 6,715 community pantries.

Sisiguraduhin po natin na nasusunod ang lahat ng minimum health standard dito. At katulad po ng utos ninyo, ang ating LGUs, ang ating LCEs at mga pulis, sisiguraduhin na wala pong violation sa mass gathering.

[Next slide.]

So ito naman po ang DILG vaccine monitoring system.  So habang dumarating po ‘yong bakuna, ipiniprepare naman po namin ‘yong masterlist of priority eligible vaccine recipients para po pagdating ng bakuna, saksak na lang po tayo nang saksak. So simultaneous and tuloy-tuloy po ito.

So mayroon tayong a total of 6,635,438. So ibig sabihin po ito ready na po itong bakunahan ‘pag dumating ang ating mga bakuna. So ano po — hindi po kami titigil dito hangga’t hindi natin nabakunahan ang buong sambayanang Pilipino or ma-reach po natin ‘yong ating tinatawag na herd immunity.

So ang atin pong LGUs ay tuloy-tuloy po sa pagtulong sa pag-distribute ng ayuda, pagpapatupad ng minimum health standard, pag-roll out ng vaccine, pag-maintain po ng peace and order laban sa mga terorista, CPP-NPA at illegal drugs. At sisiguraduhin po natin na ang ating sambayanan po ay sama-sama sa paglaban sa ating hinaharap na pandemya.

Ah ‘yon lang po, mahal na Pangulo.

PRESIDENT DUTERTE: Thank you. Sabi ko ‘yan ang ano. Iyan ang malaman mo kung anong nangyayari lahat. Only itong mga tao na ito makabigay sabihin ko sa inyo mamaya, I’m almost tempted to open my — tsismoso kasi eh politiko eh.

Boy, mayroon ka?

DOST SEC. FORTUNATO DE LA PEÑA: Mayroon po.

PRESIDENT DUTERTE: Sige po.

SEC. DE LA PEÑA: Ang ire-report ko po, Mr. President, ay ‘yong mga clinical trials na ating isinasagawa at gagawin pa lamang. So mayroon po tayong pitong clinical trials na isinasagawa.

Ang next slide po ay — ang una nating ipapakita… [Next slide, please.] Ayan po. Ito pong una kong ipinapakita ay epekto na nung napag-usapan natin. Iyong sa Ivermectin: efficacy, safety, and effect on viral clearance of Ivermectin among asymptomatic and non-severe patients with COVID-19.

Ang proyekto po ay pangungunahan ni Dr. Aileen Wang, isang multi-awarded researcher na ang specialization ay pulmonary ‘no at ito ay — siya po ay konektado sa Philippine General Hospital. Ang schedule po ng implementation ay walong buwan at magsisimula sa June 2021 kasi po itong Mayo, ang ginagawa pa nila ay ‘yong makuha ‘yong ethics approval para doon sa kanilang gagawin at makapag-recruit ng mga tao o staff na siyang mag-a-administer ng clinical trials.

At anim na buwan po ang nakikita nilang haba ng panahon para makakuha nitong 1,200 adults na magbo-volunteer 18 years old and above, asymptomatic, and non-severe or mild to moderate. Ito po ang pinili kasi ang karamihan po ng pasyente natin talaga ay itong asymptomatic and non-severe. The project team is coordinating also with the Philippine Red Cross and other facilities para po dito sa pagkukuhanan ng mga volunteers.

Ang DOH po ang nag-commit ng 22 million para sa Ivermectin clinical trials and ito po ay inaasahan natin na makapagpo-provide ng data sa efficacy, safety, and the effect on viral clearance of Ivermectin among asymptomatic and non-severe Filipino patients.

Ang susunod po ay — [Next slide, please.] — ay ito namang randomized controlled clinical trial para naman doon sa tawa-tawa. Ito pong tawa-tawa ay isang approved health supplement para sa dengue pero susubukan po natin sa COVID-19 at ito ay isasagawa ng UP Visayas at ang kanilang agreement ay with the Corazon Locsin Memorial Hospital po diyan din po sa Region VI ano.

At ang aim po nito ay makita kung iyan bang tawa-tawa na ‘yan, which is a sprayed dried extract na ngayon ay nasa mga kapsula na, ay makakatulong sa mabilis na paggaling nung mga mayroon ng COVID-19. Ang tawag po dito ay adjunctive treatment kasi idadagdag lang ito doon sa mga gamot na ibinibigay na. Dalawampu’t — 280 patients po — at ang actually ang targeted start ng pag-a-administer ay May 5, which is today.

Ang susunod po ay isang trial naman na actually malapit na pong matapos. Ito ‘yong randomized trial para sa paggamit nung lagundi. Ito pong lagundi ay approved cap remedy ‘no pero sinusubukan po natin kung: una, makapagpapabilis sa pag-recover nung ating COVID-19 patients; at pangalawa, kung ito ay makakapagpababa ng probability na siya ay maging severe ano. In other words, mapigilan na maging severe.

Ito po ay pinangungunahan ni Dr. Cecilia Maramba-Lazarte, also ng UP National Institutes of Health. At bagamat 10 months ang kanilang plano dito ay nakikita po natin na napabilis na rin at iyong target nilang 278 participants from 17 quarantine facilities, nakuha na po ‘yong 278 na ‘yon. Kaya inaantay na lang natin na magsagawa ng analysis para dito. At iyan po ay isang makatutulong din kung lalabas talaga na makakapagpabilis nang paggaling ng mga pasyente.

Ito pong susunod naman ay itong nadidinig natin na VCO, iyong virgin coconut oil, adjunctive therapy din po. Doon naman ito sa mga hospitalized COVID-19 patients. Pinangungunahan ni Dr. Marissa Alejandria, also ng National Institutes of Health ng UP Manila. At ang schedule po nito ay 12 months ano na nagsimula nung June 1 pa 2020 up to May 31, 2021.

Dapat po ito’y matatapos na sana pero nagdaan kasi ‘yong panahon na bumaba po ang admission ng severe cases sa PGH kaya dumalang ang participants. Pero ngayon, dumami ulit ang mga pasyente. Iyon pong target 74 patients ay mayroon ng 42. So inaasahan namin na ito ay mapapabilis na rin at malaking bagay po ito kasi iyon pong virgin coconut oil ayon sa aming isinagawang pagsusuri — iyong tinatawag pong in vitro trial — hindi sa pasyente kung ‘di sinubukan lang sa laboratoryo kung ano ang epekto nito sa SARS-CoV-2 ay nakita na talagang siya’y nakaka — may anti-viral properties po siya.

Isinagawa po iyong study na in vitro sa Singapore. Wala pa po tayong facility para doon. At ito naman po ay mayroong isang katumbas din na study. Kung iyong sa PGH ay sa mga severe cases, ito naman pong isinagawa sa Santa Rosa Community Hospital ay para doon sa mga suspect and probable cases. Actually po hanggang June 2021 pero November po natapos na ito 2020. Doon po namin nakita na ang binigyan nung VCO ay mas mabilis gumaling ahead ng five days doon sa mga hindi binigyan. Pero ito po ‘yong mga mild cases lang po ito.

And then mayroon din po tayong isinasagawang trial naman para naman sa melatonin. Actually ang melatonin po para doon sa mga gustong makatulog. At ito po ay isinasagawa ng Manila Doctors Hospital.  At ito po ay para naman makita ang effectiveness or efficacy, improvement of survival, less need for intubation and mechanical ventilation, clinical improvement and recovery sa paggamit ng high dose melatonin as also as adjuvant therapy on top of the standard or empirical therapy in hospitalized patients. Ito po kasi ay ang volunteers po dito o ang patients eh ‘yong mga severe cases at ito po ay 17 ospital ang pinagkukunan ng volunteers. Sa ngayon ay 61 pa lamang out of 350 ang pasyente.

And then ito pong panghuli, itong convalescent plasma as adjunctive therapy for hospitalized patients, pinamumunuan naman ni Dr. Deonne Thaddeus Gauiran ng UP-PGH ay isinasagawa na rin at 12 months po ito. At ito naman ay inaaral ang efficacy and safety sa paggamit ng convalescent plasma as adjunctive therapy in preventing disease progression among hospitalized patients. Ito pong — siguro mas alam ni doctor, ni Sec. Pincoy ito, iyong convalescent plasma ay kinukuha doon sa mga dati nang nagkaroon ng COVID-19 ‘no.

So iyon po. So kung makikita po natin doon sa susunod na slide, iyon pong estimate namin na eight months para sa Ivermectin ay hindi talaga nalalayo doon sa duration o ibang clinical trials.

So sa Ivermectin, eight months; sa tawa-tawa, 11 months; sa lagundi, 10 months; sa VCO, 12 months; ‘yong isa pang VCO, 14 months; at itong sa melatonin, nine months; and then convalescent plasma, 12 months.

Ang ano lang po dito pagka dumami ‘yong pasyenteng nagbo-volunteer, mapapabilis po ang pagtatapos noong trials.

Iyon lamang po, Mr. President.

PRESIDENT DUTERTE: Salamat, Boy, very informative. Kalokohan ninyo. Now, let’s talk to the FDA. Dr. Domingo, [Dr. Domingo: Yes, Mr. President.]  what do you think is the timeframe from now, this moment, na matapos itong mga tests lahat pati ‘yong Ivermectin? Kasi maraming bumilib diyan eh, maraming doktor ang bumilib diyan. Kaya baka if there are doctors willing to put out their neck on the chopping board, ipusta nila ang integrity nila, so there has to be some truth in it.

Or at least ang medisina or whatever it is, has an effect in fighting COVID or building the antibodies in your system.  Gaano ito sila katagal, sir?

FDA CHIEF ERIC DOMINGO: Well, Mr. President, ang sinasabi lang naman po ng mga espesiyalista natin is that we wait for the evidence.

At makikita naman po natin in the next siguro one to two months dahil marami na pong ongoing na clinical trials sa buong mundo, makikita naman na magkakalinaw na kung talagang magagamit siya, at kung magagamit naman, kung paano ‘yong dosage ‘no kasi sa ngayon po hindi pa rin po masyadong malinaw ‘yan. Iyon pong clinical trial natin mga six to eight months po siguro ‘yon, ‘yong sa DOST, bago tayo magkaroon ng preliminary trials.

But even before that, ‘yan pong mga international magkakaroon din naman po tayo nang mas malinaw na pagkakaintindi sa gamot na ‘yan probably in the next ano one to two months po.

PRESIDENT DUTERTE: Because there’s a lot of people, thousands are waiting for the —- hoping for the positive result of Ivermectin.

Now, I — I would like to know if do you know of an iota of success up to now sa Ivermectin?

CHIEF DOMINGO: Well, iyan po kasing mga studies, some would show benefits and some would not ‘no kaya po talagang hindi pa tayo sigurado, or kung may benefit man po ay medyo maliit lang po ‘yong benefit niya. It’s not a miracle drug.

Kaya lang po kasi ‘yong mga naunang mga study, mas hindi po kasing well-designed katulad po nang gagawin ng DOST ‘no. Kaya po ‘yong mga ongoing ngayon mga well-designed studies na po ‘yan at diyan po natin makikita talaga kung — mas objective po kasi talaga at mas maganda po ‘yong ebidensiya na lalabas.

There’s a possibility po that it is useful but

there’s always that possibility po na it’s the same as not taking it ‘no. Kaya po talagang kailangan lang pong hintayin lang natin ‘yong clearer

evidence on the effect po talaga ng Ivermectin sa COVID-19.

PRESIDENT DUTERTE: I am praying that Ivermectin could be of use to maski ano na lang, palliative na ma — hindi ka mahawa kaagad. There has to be — there has to be an effect in that thing there that is being introduced into your body kasi kung for preventive mayroon ka, kung maglabas ‘yan that’s what also I am hoping that it will turn out that way that we can use it so that ako — ako ang maunang mag-ano because inumin mo para ano ka ‘yong at least preventive.

CHIEF DOMINGO: Yes, sir. Aabangan naman po natin ‘yong mga studies po overseas at saka ‘yong mga experts naman po natin talagang iniipon po nila ‘yan at ina-analyze nila and we’ll update you po as more data comes in.

PRESIDENT DUTERTE: I hope they would also take place a little bit of — hindi — an importance to those doctors who really, I said, who went out to — to proclaim the efficacy of COVID — ah itong si Ivermectin for COVID use.

Iyon lang sana ang ano ko.

CHIEF DOMINGO: Yes, sir.

PRESIDENT DUTERTE: So salamat sa information.

CHIEF DOMINGO: Sir, update ko lang din po kayo ‘yong tungkol sa mga vaccines na sa buong mundo sa ngayon. Just a few slides, sir.

Right now po, we have 111 vaccine candidates all over the world, and there are now 14 candidates that are being —- vaccines that are being used under EUA. So dumadami na po ‘yong ating pagpipilian.

[Next slide, please.]

Sa mga iba-iba pong bansa ito po ang pinaka-common ano, ang karamihan po ito ang nagagamit sa atin, ‘yong AstraZeneca, Pfizer, Sputnik, iyan pong Moderna ang pinakahuli, Janssen. Iyon pong Sinopharm iyon po kasi talaga hindi pa nag-a-apply sa atin. Iyon pong Covishield ay pareho din po ng AstraZeneca.

[Next slide, please.]

Pagkatapos po ‘yong mga susunod na diyan ‘yong Sinovac at saka ‘yong Bharat. Iyong iba po under development pa mostly from China and Russia which we believe in the next few months baka po maging mas malawak na rin po ang development ng mga bakunang ito so dadami pa po ang ating choices.

[Next slide.]

Sa buong mundo po sa ngayon wala pa po talagang approved na bakuna, sir. Talagang under emergency use authorization pa rin po ginagamit, at sa Hungary mayroon pong walong under EUA. After Hungary, sa Pilipinas na po ang pinakamaraming bakuna na pinapayagan ng FDA natin. Mayroon na po tayong pito na bakuna as of today na may EUA.

[Next slide po.]

Ito po ‘yong mga bakuna natin ngayon na binibili po nila —- ay ito po ‘yong order ninyo ‘no na allowing FDA to give the emergency use authorization.

[Next slide.]

And we only give it after ano po ‘no, after our experts make sure that it is reasonable to believe that the vaccine has good efficacy and that the benefit outweighs the risk na hindi po matimbang ‘no, walang mabigat na safety issue itong mga bakunang ito, and of course, they are of good quality.

So ‘pag po binigyan talaga ng EUA ng FDA ‘yan, dumaan po ‘yan sa lahat nang pagsusuri ng mga eksperto natin at saka ng mga regulatory officers po natin sa FDA.

[Next slide.]

So ito na po, sir, ‘yong mga under EUA na approved dito sa Pilipinas: iyong Pfizer po ang pinakauna; tapos ‘yong AstraZeneca; ‘yong Sputnik; iyon pong Sinovac.

[Next slide po.]

And this is the last slide. Iyon pong last week binigyan natin ‘yong Bharat Biotech na mayroon lang silang kailangang i-submit na papel sa amin bago mag-import; tapos po ‘yong Janssen ‘no, ‘yong sa Johnson&Johnson.

And today, we also issued EUA for the Moderna vaccine na mukhang baka possible daw po na may dumating na rin nitong May at June.

So ang talagang hinihintay na lang po natin na mga application iyon pong Sinopharm kung mag-a-apply sila para mag-submit na sana sila ng requirements pero, so far, wala pa po. At ‘yong Novavax, ito po’y isang bibilhin din ng ating pamahalaan na bakuna pero mukhang —- baka po in the next month ay mag-apply na rin po ng EUA sa atin.

So at this time, po we have seven vaccines that may be used by our vaccination program.

Salamat po.

PRESIDENT DUTERTE: Marami pa lang ano eh, iyang Sinopharm —- China, Argentina — EUA — 25 other countries?

Pero itong stock natin ipasauli ko para walang gulo. This is to avoid ano, wala ng — kasi baka mamaya may magamit pa. Kaya ako sabihin ko nga ‘wag kayong sumunod sa akin kay delikado na walang studies baka hindi — hindi maganda sa katawan, hayaan mo na lang akong magsolo.

Huwag kayong gumamit sabi ng mga doktor kasi wala pang — pero itong akin compassionate. The word is compassionate is to relate, to side, to — ah basta ganoon. Pero iyong aking injection legal na ‘yon kasi may compassionate use na. Otherwise, itong sabihin ko, bakit binigyan ng compassionate use kung hindi mo magamit? Iyan ang… This is not for you to answer, Dr. Domingo. This is for everybody.

Bakit pumasok sa Pilipinas kung hindi maganda ‘yang medisina na ‘yan? At bakit binigyan ng compassionate use kung hindi mo pala magamit? What’s the f*** — ?

Kagaya ng iba dito magsabi ibawal mo ‘yang ganoon ganoon. Sabi ko for as long — gaya ng mga inumin na bago ngayon na klase-klase wala ng ano, ang origin, ang history wala — sabi ko, once the government gives them the license, hindi mo na mapigilan ‘yan. Otherwise, why give the license at all? So dito, why give the compassionate permit kung hindi mo pala magamit?

So with that, I would like to thank everybody for this productive meeting.

Ah ito. Kasi may ano ako eh. I’d like to beg the indulgence of my companions here. Gutom na rin ‘yan sila.

The list of DN — DENR personnel dismissed from the service:

Alan Montanez, [deputized] public land inspector, cartographer-DENR Region IV-A – grave misconduct for soliciting bribe to facilitate the issuance of survey authority; Florante Orata, DENR Community Environment and Natural Resources Office-Aparri – grave misconduct, dismissal from service for soliciting and accepting money in guise of facilitation fee. The Court of Appeals affirmed his — the decision of the lower court; Abder Taboclaon, community-based forest manager program [officer], DENR- Region XIII – grave misconduct, conduct prejudicial to the service, for fraud and falsification — iyong dokumento na pag-transport ng mga logs. Akala ko ba wala ng logging itong — ? Next meeting I will take this up with the Cabinet. Akala ko ba wala na itong p***** i**** logging na ‘to? Bebiano Maputol, community-based forest management program officer – dismissed from service for fraud and falsification of official documents relative to the transport of logs.

Kayo sinabi ko sa inyo complaint lang, ang tao may magreklamo lang. Hindi ka na kailangan mag… From there, I will take it. Mag-imbestiga ako ng ano, whether nakatanggap na or gusto naghihingi. That — that’s the everyday illegal transaction dito sa Pilipinas eh.

In every office mayroon talaga ‘yan. Alam mo, ‘pag kailangan ng approval or denial ng isang opisyal, pera ‘yan, pera ‘yan. He can deny or he can approve. Pagka wala ka, denied, pera ‘yan.

Kaya kayong mga transacting sa public offices dito, magsumbong lang kayo sa akin. Mayroon pa tayong panahon, iilang buwan. Gusto ko na maubos lang itong mga tao. Kung sino ‘yong nabigyan ninyo, ‘yong nabigyan ninyo — ‘yong tapos na o maghihingi pa, isikreto mo lang sa akin.

Wala kayong problema kung ako ang mag-take over, kung tingnan ko papeles ninyo tama, i-approve ko ako, i-overrule ko ‘yon, tapos I will dismiss these people pagka graft and corruption lalo na bribery.

Magsumbong lang kayo. Hindi kayo kailangan magbigay ng pangalan at ako na ang bahala. At hindi ko na kayo kailangan pa, ako na ang mag — either maghahanap ako ng mali sa mga papeles, marami ‘yan. All we have to do is to dig into the — the documents sa past, iyong dumaan sa kamay niya.

Wala naman siguro. Ang pag-asa talaga natin mayroon man — I said, in trickles, dahan-dahan lang pero sa awa ng Diyos dumadating. Just observe the protocol, observe ‘yong mask.

Ako, tinatanggal ko kasi hindi pa, hindi — para akong hindi maintindihan. But itong kuwarto na ito ini-spray ito lahat. So… Pero there is no way — guarantee that I will not — I will not be a victim of COVID. At lahat ‘yang mga karamihan, mga kaibigan ko, a lot of my people, at no other time in my life that I have to contend with the fact that a lot of my friends which ‘yong ka-edad ko, namamatay na. And I do not exclude myself from that reality eh matanda na rin ako eh.

Mga kaibigan ko, mga kababayan ko, nasundan man ninyo ‘yong kuwento. Alam mo ako sa totoo lang however formal I am, pagka ako nagsalita maski sa — maski sa harap ng presidente noon pati kay harap ni Gloria, kasi adviser ako sa law and order, lumalabas, hindi ko sinasadya, hindi ko mapigilan pero ‘yong bunganga ko hindi ko maano kaagad eh lalo na kung nagagalit ako, so kayo na ang magpasensiya. Tutal hindi naman makaano ang presidente nagmumura. Ano ba naman ‘yang mura? Tutal ang minumura ko ‘yong mga kalaban natin, iyong mga Pilipino na mga ulol. Mag-isip parang hindi Pilipino.

Maraming salamat sa pag — listening to us. I hope to see you next time. Salamat po. [applause]

Uwi — umuwi na kayo kay the — I’m waiting for a call from the Crown Prince. Mag-ano daw siya, mag…

 

 

— END —

 

SOURCE: PCOO-PND (Presidential News Desk)