PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: Good evening my countrymen. Today is May 19, Tuesday, again we have this program of what I would call talking to the people.
Nakikiusap ako sa inyo sa lahat ng bagay at I want you to know — gusto ko malaman na ang ginagawa namin — ano ang ginagawa namin para sa inyo.
So marami ang tanong dito. Let’s start with the — ‘yung pinakahinog na isyu ngayon. I think Secretary Lopez of the Department of Trade will give us the facts and figures.Go ahead.
DTI SECRETARY RAMON LOPEZ: Okay, magandang gabi po, Mr. President, Senator Bong Go, fellow members in Cabinet.
We are pleased to report to you, Mr. President, following your directive na i-balance ang health concern and the economy and that we need to again bring back the jobs para magkaroon uli ng income ang ating mga kababayan unti-unti pong binubuksan ang ekonomiya. Ayaw din po nating biglain dahil po baka biglang kumalat at magkaroon ng second at third wave.
Iyon po ‘yung isang magandang balita ‘yung partial opening. What we have to specify po as workers are getting back to work para ho mawala ho ‘yung confusion ng ating taong bayan ay isa ho kasing kumakalat na balita ay nire-require daw ang mass testing, ite-test ang lahat ng workers bago sila makapasok.
Time and again inuulit po namin ang DTI, DOLE, kasama po ang DOH, naglabas po kami ng guidelines, ng protocol, on what should be followed by companies as they accept back the workers. Among other things ‘yung mga social distancing, wearing of face masks, sanitation, so nakalagay po ‘yon doon.
Ang isang requirement po na sinabi natin ‘yung at least ‘yung thermal scanning para malaman kung may lagnat or may sakit ang bawat employee kukunin ‘yan everyday.
Ang kailangan lang din po everyday ay may health declaration ‘yung mga pumapasok just to know ‘yung usual na tanong: Nakatabi ka ba sa isang COVID patient o may inaalagaan ka? May exposure ka ba sa isang COVID patient? Or ikaw ba ay masama ang pakiramdam?
So ‘yon po mako-consider na na suspect. Iyon lang po ang ire-require natin ng PCR test.
Iyon po ay alinsunod sa protocol, sa guidelines po na ibinigay din sa atin ng Department of Health. In other words, hindi po natin nire-require na ang lahat ng workers ay magpa-test.
Ngayon medyo siguro ho nalilito ‘yung tao dahil naririnig siguro sa media na may ilan na nagsasabi na kailangan i-test lahat pero hindi po galing sa gobyerno ‘yon. From the government, malinaw po na kung sino lang ang may karamdaman, sino ang suspect, iyon lang po ang ipi-PCR test natin at may protocol na rin kung saan dadalhin.
At ito po ay covered ng health insurance. It could be PhilHealth or it could be a private health insurance company. So hindi po sasagutin ng workers. At kung mayroon mang lagpas pa doon ang aabutin na cost, iyon naman po ay ang kumpanya na ang puwedeng sumagot pero sa test po I think ang allowance ay 8,000, hindi naman po aabot doon ‘yung PCR testing — the cost.
So aside from that, ‘yung testing mayroon din tayong isinuggest (suggest) sa mga kumpanya mag-provide ng shuttle services dahil wala pang public transportation. O kaya gawin pa rin ‘yung isinuggest natin dati na mag-provide ng temporary accommodation — ‘yon bang titira, magpo-provide ng matitirahan sa malapit, near-site, because kung ako po ‘yung kumpanya gusto kong makapasok ‘yung mga workers ko, sisiguraduhin ko ‘yung nasa malapit lang sila o kaya I will provide a shuttle service. So it is a service that should be given by the company.
Ngayon kung SME daw ‘yon, ‘yung kumpanya at baka cannot afford, iyon naman po ay puwedeng pag-usapan between the worker and the company. May iba pang paraan alternative working arrangement, puwedeng mag-work from home o kaya eh talagang mag-provide na lang ng isang tirahan sa malapit sa opisina. So iyon po ‘yung arrangement for shuttle and accommodations.
Ang isa pa pong area na pagdating sa suporta sa mga micro SMEs, during the ECQ alam po natin na nag-provide ng wage subsidies at support doon sa mga workers from informal sector at saka formal sector. Iyon po ‘yung nanggaling na support from DOLE at saka DOF and SSS. So may wage subsidy po para siguradong ang mga workers ay may nakukuha pa rin anywhere from 5,000 to 8,000 depende ho sa lugar.
And then after po ito hong magbabalikan na ang — na-lift na ang ECQ, ang DTI naman po may na-provide na out of their budget, out of our budget, 1 billion pesos na ano ‘to pautang microfinancing for the micro SMEs na puwedeng humiram doon at ang interest rate lang po ay 0.5% per month. So mababa lang. At saka ang — may grace period pa ‘to na six months bago mag-umpisang magbayad. At marami pa. Simple lang ang requirement at madali hong makuha.
Ngayon aside from that 1 billion, we are working another budget na para mapalaki ‘yung amount na ito kasi ‘yung 1 billion maliit kumpara sa number of MSMEs na mangangailangan. So in the economic stimulus package na inaayos po ngayon sa Kongreso ay mayroon pong mga proposal doon na madagdagan ng ilan pang billion, maybe 30 billion to 80 billion pesos para ho sa micro SMEs.
At puwede… Nakipag-usap din po kami sa DOF at Land Bank na ang sabi po ay puwede ring humiram doon si small business corporation para pampondo sa micro SMEs. So may mga ganito hong arrangement para ho sa micro SMEs.
At ito po kung bagong budget, this hopefully will become a zero interest loan. So iyon lang po, Mr. President.
PRESIDENT DUTERTE: Thank you and I hope that kung kayo ho ang nakikinig sana nakuha ninyo.
Now, I would like to hear Secretary Galvez, sir, you can proceed now.
PRESIDENTIAL ADVISER ON PEACE PROCESS AND NTF COVID-19 CHIEF IMPLEMENTER CARLITO GALVEZ JR.: Sir, Mr. President, Mayor, almost two months now that the National Task Force had been activated by the President and we will make some report on the almost one month and a — one month and a half of the accomplishment of the NTF Task Force.
Ito po ang ginagawa po ng DOH in order to — to ano to increase its treatment facility. Kung makikita po natin sa right side, ito po ‘yung tinatawag na occupied, ito po ‘yung available.
So sa ngayon po nag-dramatically increase po ‘yung ano — noong last meeting po natin dito, apat lang po ang COVID referral hospitals po natin, ngayon 23 na po ‘yung referral hospitals po natin. So malaki po ang inilaki ganyan po ang ano. Habang nagla-lockdown po tayo, naka-lockdown po tayo, ay itinataas po natin ang capacity ng DOH.
And we would like to thank Secretary Duque na talagang napakaganda po ng ano — ng naging ano niya po na itinaas po natin ‘yung kanyang capacity ng ano natin. Kung titingnan natin sa bed capacity, it dramatically increased to 1,748 wards available and then 5,776 isolation rooms, at mayroon po tayong available na 848 ICU be — ICU beds. At may reserve na po tayong ventilators na 1,578. Marami na po tayong ventilators. Meaning, tama ‘yung data natin na kakaunti lang ‘yung critical. More or less 100 lang po ‘yung critical na gumagamit po ng ano — ng ating ventilators.
So pumunta rin po ako sa Butuan, sir, at nagtatayo na rin po sila ng hospital po doon ng COVID hospital. Pinuntahan ko po si ano — si ano si Governor Corvera at nakabili na po rin sila ng mahigit na 40 na ventilators galing po sa Taiwan. So ‘yung ventilators po na ‘yon non-invasive ‘yung nasal — nasal ano sir nasal cannula. Mas maganda po ‘yon kasi parang ang sabi ng PGH iyon po ‘yung tinatawag na magic oxygen na after three days maganda po ang magiging kalalabasan ng pasyente natin.
Ibig sabihin po ‘yung ating mga LGUs ay they are preparing. Iyong ano po ‘yung CARAGA wala pa po ‘yan pero ngayon nagpe-prepare na po sila kahit na wala pa po silang COVID. Nabisita ko po ma’am si — si Ma’am Angel at saka ‘yung sila Sir Corvera po doon. At itatayo na rin namin po ‘yung ano — ‘yung laboratory. May dalawa po silang laboratory doon sa area ng Tandag at saka po doon sa Surigao mayroon po silang Level 3 at dito sa Butuan kailangan po magpatayo rin po tayo — nagpapatayo po sila ng ano po doon ng laboratory sa area ng Butuan City.
So kung makikita po natin napakalaki na po ng ating capacity sa hospital beds. Ibig sabihin hindi po nao-occupy.
And then ito pong PPE po, ito po ang isang malaking issue na dati dahil kasi nakita po natin noong dati mahigit na 17 doctors ang namatay. Pero po noong nag-ano po tayo ng — nag-procure po ang DOH ng 1,000 — ng 1.8 billion na PPE, nandito na po sa atin ngayon ‘yon, mabilis po ‘yung ating PS-DBM.
So sa ngayon po nakapag-distribute na po tayo ng 603,000 sets of PPE. Mayroon pa po tayong for distribution na 230,000, at saka ‘yung 200,000 po doon namin po binaba sa Davao City para at least ‘yon na po ang distribution point.
Na sinasabi po niyo we want to ano to — to accomplish your guidance na magkakaroon lang po tayo ng magaga — malalaking depot at ihahatid na lang po ng chopper o kaya nung — ng mga sasakyan ng military kung saan man idi-distribute ‘yung ating mga PPE.
So ‘yung PPE po natin sa Davao 200,000 po iyon. Idi-distribute po ‘yon sa lahat, sa Mindanao-wide. Ang kagandahang ano rin po ay ang ating 3 million PPEs ay nag-start na rin po mag-deliver. So ngayon po mayroon na tayong 250,000 PPE na nandiyan po sa port, dumating na rin po.
So mayroon na po tayong
reserve na more or less 600,000 na PPE po. So darating po ‘yung mga ano in tranches. So ngayong May baka ‘yung — ‘yung part ng 1 million ay mabubuo na po natin ngayong May. So mag-stabilize na po ang ating PPE.
Kung titingnan po natin mula noong nagbigay po tayo ng PPE wala na pong ano — namamatay na doktor since — since May. I believe na since May, we would like to report to you na we were able to preserve our frontliners. Iyon po ang guidance niyo po sa amin na we have to preserve our doctors and our medical personnel.
So sa ngayon po ito po ang medyo malaki po ang problema po natin. Mr. President, I would like to inform you na malaki po ang problema po natin sa returning OFW. Kasi po sa ngayon po more than 27,000 na po ang nandito sa Manila. At mayroon pa pong darating na 42,000 this coming May and June.
So mao-overwhelm po ‘yung ating mga — mga hotels. Sa ngayon po si General Lorenzana kinausap niya po ang Maritime Industry kasama po ang mga ibang agencies at sino-solve na po natin ‘yung ano — ‘yung ating ano — ‘yung ating problema sa OFWs. And he directed DOTr, he directed also OWWA and also the MARINA to immediately release all the ano — the OFWs that have been tested negative.
So ito po ‘yung ano ‘yung result ng ano po natin. [Next] So sa ngayon po mayroon na po tayong more or less 30,000 — 30,000 na OFWs natin na-test. Iyong result ng test ng Philippine Red Cross is 22,432. At sa 2,000 — 22,432 po rito ay 465 po ang nag-positive.
Kung hindi po natin pini-CR (PCR) po ito, itong 465 po na ‘to ito ang magiging parang second wave at kawawa po ang ating mga LGUs lalo na po ‘yung mga hindi — at walang alam, at saka walang ano, walang PCR doon po sa area at saka wala pong facilities.
So ito po maganda pong ano ‘to dahil kasi nahuhuli po natin kung sino ‘yung mga nagiging positive. And General Lorenzana is taking care of this na ‘yung lahat ng OFWs natin, especially ‘yung mga nabigyan na ng BOQ clearance ay makauwi na po kaagad. So iyon po ang alam po natin. I believe more than 800 ngayon na — 800 ngayon ang pinapaano po sa barko ni DOTr.
So ang ways forward ang gagawin po natin is we will localize the National Action Plan through the LGUs. Ito po ginagawa na po ni General Año at lagi na niya pong kinakausap ang lahat ng mga LGUs. Ang ginagawa po natin ngayon, Mr. President, baka hindi na tayo mag-declare ng lockdown per ano — per region, but ang lockdown na lang natin nito by barangay.
Ang ibig sabihin paliitin na lang natin. Ang gagawin po natin is ‘yung barangay na mayroong cases ‘yon po ang ila-lockdown natin para ma-preserve natin po ‘yung ating economic — ang economic ano po natin.
So ganun po ang gagawin po natin na bibigyan natin po ang LGU with the guidance na ‘yung ating IATF guidance ay kanila pong susundin. So iyon lang po na mga barangay o kunyari for example may isang compound na apat na pamilya ang affected, iyon po ang ila-lockdown po natn. At hindi po nating hahayaan sila na makapag — magkaroon ng infections doon sa mga economic corridor po natin. We have to preserve ‘yung economic corridor po natin.
And then also we will increase our testing capacity to 30,000 a day. Pagka nagawa po natin ito 30,000 a day ay makakapag ano po tayo, mahuhuli na po natin ang mga suspected — suspected ano po carriers.
And then also we will strengthen our contact tracing effort by DILG and DOH with the support the AFP and the PNP. And then also we will address po ‘yung stranded/returning OFW. Ayon po ang pinaka-guidance po sa amin ni General Lorenzana to address this immediately.
And then to accelerate implementation of the Social Amelioration Program in coordination with the LGU. And then prepare the opening of business and economic recovery plan and the food security while sustaining the gains of the 60-day ECQ.
Sir, mahal na Pangulo, ‘yon lang po ang mai-present ko po sa inyo. At ito po ang inano po natin ‘yung little by little na ano po natin na ‘yung atin pong opening sa modified ECQ ay babantayan po natin. Ang gagawin po namin ni DTI ay iikot po kami sa lahat ng mga malls para makita po namin na talagang sumusunod po sila. Iyong mga hindi po sumusunod ang sabi po ni General Lorenzana at saka SILG ipapa-close po natin. Marami pong salamat.
PRESIDENT DUTERTE: Thank you. This is not to be inordinate in our achievements so far however simple — we have done a lot of things overnight.
Mabilis tayong nakapag-marshal ng ating mga resources and it’s because of the team that I felt that was most — the most appropriate group of men who can respond to the emerging threat for national life.
So we would like to listen now to General Año.
DILG SECRETARY EDUARDO AÑO: Maraming salamat po mahal na Pangulo.
Magbibigay lang po ako ng update sa mga ibang inyong pinaguutos. Sa koordinasyon po kay Secretary Bautista ng DSWD ang report po ng ating LGU ang SAP distribution natin ay halos 97% na po na tapos.
Mayroon pong apat na region na talagang maagang nakatapos ang Region I, Region V, Region XII at saka ‘yung CARAGA. At dito po sa ating pagdi-distribute ng SAP ay mayroon po tayong mga na-monitor na anomalies, at 183 barangay officials ang kasalukuyan po na iniimbestigahan ng ating PNP-CIDG. At mayroon din pong 48 mayor na pinagpapaliwanag natin sapagkat hindi po sila nakaabot sa deadline at below 80% ang kanilang accomplishment.
Dito po sa ating mga iniimbestigahan mayroon na pong 12 kaso na nai-file, apat na kaso ang for filing at mayroon pang 58 na kasalukuyang hina-handle. Dalawa na rin po ang inaresto at nakakulong.
At dito rin po ay ipinagutos natin sa ating mga LGUs na iposte o ipaskil ang lahat ng mga nakatanggap para — for transparency. At mayroon din po tayong mga report na nakatanggap ng doble at ayon po sa inyong paguutos ipapapaskil din po natin itong nakatanggap ng doble.
At hinihimok natin na hangga’t maaga ay isauli nila itong mga natanggap nilang dobleng benepisyo para naman ang ibang mga kababayan natin na hindi pa nakatanggap na siya nating bibigyan ng priority para sa second tranche.
Ipinagutos ko na rin po sa ating mga LGU ang pag-submit ng pangalan nung sinasabing 5 milyon na hindi nakatanggap, 5 milyong pamilya, dahil sila po ang gusto nating unahing mabigyan ngayong pangalawang tranche natin.
Ang atin pong mga LGU at kasama ang kapulisan at ang kasundaluhan ay handang-handa dito sa pagpapatupad ng ating bagong idineklara na mga modified ECQ at saka GCQ areas. Nakapag-adjust na rin po sila at kasalukuyan namang ini-implement ‘to.
At doon po sa sinabi kanina ni Secretary Mon Lopez ay nagbigay din po tayo ng advisory sa ating mga LGU na hindi requirement ang mandatory testing sa mga empleyado para sila o bago sila pumasok.
Puwede sila mag-conduct ng screening, diagnostic pero hindi naman mandatory ang testing. Para po ito sa kalinawan ng lahat.
Iyon lamang po, mahal na Pangulo, at umasa kayo na ang ating mga LGUs, law enforcers ay patuloy na ipatutupad ‘yung ating modified ECQ at GCQ sa buong bansa. Salamat po.
PRESIDENT DUTERTE: Thank you, General Año. Nakita ho naman ninyo mga kababayan ko sa panahong ito lalo na sa umpisa pa lang nagsabi — nagsabi na ako nang prangkahan na huwag na huwag na huwag ninyong haluan ng kalokohang mga programa na ito sa COVID kasi kailangan ito at marami talaga ang nangangailangan ng tulong.
At sinabi ko sa inyo hindi kayo — hindi ko kayo papatawarin ‘pag nagkamali kayo dito. So the law is the law is the law. A rule is a rule is a rule and you — when you begin to mess up with the law, talagang ginagarantiya ko sa inyo na makukulong talaga kayo.
I will see to it that you go to prison for your — [ano bang tawag nito?] — kalokohan ninyo. Ayaw ko magmura ng tao. It’s not the time, but you know… Eh nasa sainyo ‘yan, ginawa ninyo.
Now I’d like to hear si Secretary Bautista, please. Go ahead.
DSWD SECRETARY ROLANDO BAUTISTA: Maraming salamat mahal na Pangulo. Tama po ‘yung sinabi ni Secretary Año na mataas na po ang percentage ng physical accomplishment at the same time ‘yong financial accomplishment, ‘yung minention (mention) niya kanina 97 percent.
Ang maganda po rito mahal na Pangulo ay marami din talagang mga nagsauli na mga beneficiaries dahil alam nila na nadodoble. Isa ring magandang balita ay may mga siyudad at probinsya na parang ayaw na nilang magbigay ng listahan ng mga left out.
Ito may — ito ‘yung mga waitlisted, ito ‘yung binabanggit ni Secretary Año na mayroon tayong 5 million na galing sa listahan ng mga LGU pero nabanggit ko nga kanina mayroon din talagang mga lugar na sabi nila with their own resources ng kanilang LGU, bahala nila — bahala na sila kung saan nila kukunin ‘yon basta hindi na sila magsa-submit pa ng list ng mga karagdagang mga hindi nakatanggap ng benepisyo.
Other than mga ‘yung sa SAP na aming pino-focus ngayon, tuloy-tuloy pa rin ‘yung programa ng DSWD, mahal na Pangulo. Gusto ko lang i-mention ‘yung pagbabayad natin ng ayuda, stipend ng mga indigent senior citizen o ‘yung under the SocPen na program. In fact, nakapagbayad tayo ng 1.03 million at the amount of 3.07 billion pesos.
Sa mga immediate assistance naman, sa mga kababayan natin who are in need in crisis situation, nakapagbigay po tayo ng ayuda ng 65,333 na benepisyaryo. Ito po, Pangulo, kasama dito ‘yung mga sinasabi nating mga students, construction workers, factory workers, ‘yung mga seafarers, OFWs, mga GrabFood drivers, mga stranded individuals at saka ‘yung mga iba pa, mahal na Pangulo.
Nakita namin noon na magkakaroon talaga epekto ‘yung psychological impact ng mga tao with regards sa COVID kaya naki-partner kami sa United Registered Social Workers. Ang purpose nito ay magkaroon ng psychological first aid and psychosocial services.
Ito, Pangulo, ay helplines ‘no by phone. Ang konsepto nito ay parang may online counseling relative sa gender-based violence, child abuse, and mental health cases. So ibig sabihin nito through phone mako-contact nila ‘yung mga academe and social worker practitioners. Ito mga volunteers ‘to kaya ‘pag tinawagan sila ay puwede sila magbigay ng advice sa mga apektado ng COVID-19.
Iyong support naman, Mr. President, sa “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa” since ang DSWD is part of the inter-agency council, susuportahan po namin ‘to sa pamamagitan nang pagbibigay ng transportation or relocation assistance, transitory family support package, transitory shelter assistance, livelihood settlement grants.
Ito, mahal na Pangulo, in a form of a cash pero depende pa rin ‘to sa case management doon sa mga pamilyang magbo-volunteer na bumalik sa probinsya. Bukod doon, mahal na Pangulo, magpo-provide din kami ng psychosocial support sa pamilya na babalik sa probinsya.
Tungkol naman mahal na Pangulo sa direktiba niyo na for the second tranche ay hindi na tayo magbababa ng pondo sa mga LGU at gagamitin natin ang AFP and PNP sa pamamahagi ng ayuda. Mayroon na kaming initial coordination sa liderato ng AFP at saka PNP para makatulong sila sa pagbibigay ng ayuda lalong-lalo na sa mga geographically isolated and disadvantaged areas, lalong-lalo na ‘yung mga island barangays and island municipalities pero ang magandang mangyayari dito sa second tranche payment ay gagamit po tayo ng digital payments.
So apparently ine-expect natin na since mayroong mga remittance centers, may mga bangko, sa mga highly urbanized city o kaya sa mga urban areas ay mapadali nating maibibigay ‘yung ayuda sa mga benepisyaryo. Ito maganda rito kasi bukod sa mapapabilis ang pagbibigay ng ayuda ay wala pang contact sa pagbibigay ng pera ‘no.
Relative also doon sa sinasabi nga ng AFP, sabi nila mayroon na silang actually model na puwedeng gamitin dito sa pagtulong sa DSWD. Ito ‘yung modelo na ginamit nila during the election pero ia-adjust lang nila ‘to just to — mag-tailor fit siya dito sa gagawin nating pagdi-distribute ng ayuda nationwide, mahal na Pangulo.
So iyon lang po ang update natin.
PRESIDENT DUTERTE: Thank you, Secretary Bautista. So nakita naman po ninyo that we are in the process of a gradual opening ng ating movement ng paggalaw ng tao from their place of residence to the place of work at sa ating ilalim ito ng general community quarantine.
Itong mga lugar na hindi pa binuksan o tinatawag namin — which are under the modified lockdown, ito ‘yung para nakita namin na talagang kailangan para hindi lalala ang sitwasyon. At kung maaari since there is already the opening, a gradual opening, titingnan natin kung puwede ba ‘to kasi kung babalik tayo sa dati, if the contamination will be as fast as before and it will continue to infect our — ‘yung nakalabas na, then we’ll have to just go back to the original — the program.
But ito hindi ito nalaman ng mga nandito ngayon. A pharmaceutical called Moderna… I think I heard South Africa or — I don’t know what is the legal residence of this corporation, but mayroon na silang tests — with “s”, tests — na showing positive results.
Mayroon ng vaccine but ang problema it will be ready, according to them, by 2021 pa. January at the very — at the earliest. So kung ganoon ‘wag ka sanang mamatay hanggang January, hintayin mo ‘yung vaccine.
‘Pag tinawag ka ng kamatayan sabihin mo, p***** i** ka umalis ka diyan kay may hinihintay ako na vaccine. Hindi ko pa panahon mamatay. Iyan ang good news talaga. That is what I was really hoping for, the vaccine. Because ang kalaban ng vaccine isa lang talaga, it’s — ang kalaban ng COVID, it’s the vaccine that can really fight the infection.
Wala ng iba, ‘yung sariling katawan mo lang. Walang medisina, walang antibiotic, it’s a — the germ nurtured also in your body to fight, iyan ang pag-asa natin.
In the meantime, pakiusap ako sa labas, sundin lang po ninyo ‘yung masks at saka ‘yung pag-ubo, magdala ka — magbili kayo ng panyo maski ‘yang murahin lang tapos try to cover, kung may sipon ka o ubo ka, try to cover your mouth bago ka…
At saka medyo patagalin mo nang kaunti, ‘wag mo kaagad… Siguro mabuti niyan lunukin mo ‘yung germs na inubo mo para — swallow it back so that it will not contaminate others.
Wala akong ibang explanation kung ‘pag mag-ubo ka kailan mo tanggalin? Well ako, what I do… [Nasaan naman ‘yung alcohol kong ya…?] May ano ako, may… Magbili kayo ng alcohol na maliit. Kaya without — I will not… Baliktarin ko lang kasi hindi ako mag-a-advertise eh. Ah kaibigan ko pala sa — pero hindi bale, bawal eh.
Every time that you feel like touching something or maski ano — wala mang handshaking, ba-bye, ba-bye man lang. Kung mag-galaw-galaw ka, before you touch your nose, eyes, mag-alcohol ka muna. Of course it will dry your hands but that’s only temporary.
Ah tingnan mo si Bong o kaya malayo sa ano. [Iniuno — iniinom mo pa ata ‘yan Bong ah.] [laughter]
So the… Ang… Ang dapat mas malaman po ninyo whether you are really allowed under the law to go out or those who are allowed to pursue your occupation, remember this: the loosening of the restriction — ‘yung pagluwang — ang pagluwang ng gobyerno ng restriction does not mean wala na ang COVID.
COVID will remain with us until such time that nabakunahan tayong lahat. Hindi sabihin na may bakuna na at successful na at okay na. Hanggang hindi ka mat — matusukan ng vaccine, you are still in danger.
And even if you are really vaccinated you still — you are still put at a risk if you are not really careful. So hindi ito ibig sabihin na wala na, nandiyan pa ‘yan. The corona will not disappear. It is here for all time.
Kaya lang kung may bakuna ka na, lalo na ‘yung mga anak natin kita mo diphtheria, tetanus… Kaya ‘yung mga new generation, medyo okay na sila. Nandiyan ‘yung virus but — ‘yung virus o virus — ‘yung virus hindi na puwedeng gumana.
Kaya ‘yan ang sikreto diyan kung bakit ganoon. Diphtheria noon, marami pang mga sakit at kailangan ng bakuna. But during their time, they were really very lethal. Kaya lang noong nakaimbento ng bakuna, nawala. Nandito pa sila pero lahat naman ng mga anak ninyo…
Mabuti’t nasabi ko na’t — nasabi ko na. Mayroon pang iba sa probinsya na ayaw ipabakuna ’yung ang mga anak ninyo. Kindly, ‘yung mga — ngayon mga — lahat kayong mga nanay pati tatay see to it that your children are vaccinated by tetanus, diphtheria, may ubo pa, para wala sila… Iyon ‘yung mga deadly na germs noon, kaya lang hindi na umuubra ngayon kasi lahat tayo pati ako nabakunahan na eh.
Iyan ang ibig sabihin diyan. Iyong sabi ni Secretary Lopez totoo ‘yon. There is no requirement that kailangan ka magpa-ano — magpa-test ha. It’s not a requirement, it’s not — it is not a mandatory requirement — iyong talagang must kundi kung ginusto lang ng empleyado mo — ah ‘yung employer mo rather.
Pero kung ginusto nila, ‘di sige. If you are found to be positive, then you go to the motions of getting the proper treatment.
It is not a requirement by DOLE or the DTI, no such requirement exists. Nandito ho tayo sa ulit — ulitin ko ‘yung social distancing, the wearing of the mask, the regular of — washing of the hands maski anong sabon basta sabon, at ‘yung mga proper cough etiquette.
Iyon nga ‘yung sabi ko na buk — ‘wag mong buksan ‘yung bunganga mo. Cover your mouth, have a handkerchief ready para naman sa kapwa mo tao. Then ‘yung mga employer, you must provide a — an ideal working conditions. For example, well-ventilated, may hangin pumapasok lumalabas na presko at ‘yung i-disinfect ninyo.
Iyong nakakuha, isauli na lang ninyo kasi talagang yayariin ka... [laughs] The 18 million will be ready and we are prioritizing the 5 million na hindi nakatanggap. Ngayon magtipid tayo. Gusto natin na bigyan lahat eh ang problema ho wala tayong kita. Alam naman ninyong walang nagbabayad ng buwis for all of the months that we were under a lockdown or a quarantine. So remember that we are short of tax collections. And kayo na ho umiintindi. Lahat naman tayo nagdudusa and hindi naman natin gusto ‘to.
Isa pa, I’m looking for money to — balikan ko ulit dito kasi nag-usapan — nag-usapan tayo ng pera na may pera ako pangbili ng vaccine just in case somebody else would beat the Moderna to the vaccine. I think China has already won. We are just waiting for the announcement.
Many countries are on the verge of — lumalapit na sila, malapit na sila sa vaccine. Naghahabulan. But from the — judging from the time the COVID started up to now, I’m sure that they have made a lot of progress in finding the vaccine. Nakahanap na sila. Kailangan may pera ako niyan kasi bili kaagad tayo.
May… Gusto ko nga sana magpabili pero sabi ni Doming — Secretary Dominguez na ayaw niya kasi kung magpabili daw ako ngayon, ang presyo mura kasi it’s the buyer’s option eh.
Siya ‘yung magsabi kung magkano. Hindi naman tayo nagpapabili. Tayo nangangailangan.
Sabi niya na they will have a — we’ll get a bad deal at this time. I agree but iyong akin naman that sana kung magkawala-wala na talaga ng pera — ewan ko kung saan tayo magkuha pa. Madali na siguro. Basta may vaccine na, puwede na tayong makahiram.
Itong — itong kaso ni Sinas — General Sinas ng sa National Capital Region Commander… Ako ‘yung ayaw na malipat siya.
He is a good officer, he’s an honest one, and hindi niya kasalanan kung may — may magharana sa kanya sa birthday niya.
At kung ‘yun namang sabi na nakikita hindi naka-mask, eh siyempre may mga meryenda ‘yan, may pagkain. Alang-alang naman kainin nila pati ‘yung mask. ‘Di tanggalin talaga nila. Kainan iyon eh.
Hindi ako sang-ayon. I will not just [snaps fingers]… Hindi ako ganoon. Pinag-aralan ko ‘yung merits at saka demerits, eh kailangan ko ‘yung tao. Mas kailangan ko iyong tao dito sa trabaho niya.
Marami ‘yan silang… They are all competent. But you know seniority. It is his time to be there and I do not believe in just firing him because kinantahan siya ng “Happy Birthday”.
Maski ako, kita ka noong birthday ako, walang kumanta sa akin. Ako lang mag-isa. All by my…
Alam mo sa totoo lang, ako lang kumanta sarili ko. [laughter] [Sings: “Happy birthday to you, happy birthday to me.”]
Iyon lang. Well kanya-kanyang ano eh. I’m sure na kung alam ni Sinas iyan, hindi siya pumayag.
Pero kung nandiyan na rin, mañanita nga eh. Sabi mo, “the law is the law”. Well, akin na iyon. It’s my responsibility. But I will not order his transfer. He stays there until further orders.
So iyan lang po for this — this night. I hope that we have cleared, na nasabi namin ‘yung gusto namin na sabihin para maintindihan ninyo.
Mayroon… [Ready na ba? Baka ready-ready kayo diyan tapos hindi. (Aide: Okay na, sir.) Karatehin ko kayo. Totoo?] [Aide: Yes, sir.]
May isang kaibigan ako, pangalan niya hindi ko muna sabihin ‘yung… Kung nagustuhan ninyo next time, Bisaya ito ha. Ito iyong kanta niya na Tagalog — Tagalog naman lahat kanta natin eh.
Pero iyong kanta niya nakuha niya iyong the — the spirit that we have been longing for na where we can express our — well the — the — what we feel for the moment. Itugtog daw ninyo.
[plays song]
PRESIDENT DUTERTE: Mga kababayan ko, I hope na maski na papaano we were able to convey, napaabot namin ang mensahe ng gobyerno sa inyo at we were also able to answer some of your questions.
At saka mabuti ‘yang alam ninyo na everything is transparent lalo na sa bilyon-bilyon na ibinigay. I assure you we will be able to account for it except those who were malversed by the officials down dito sa local governments na nawala, then they have to answer for it. But otherwise, to the last centavo, naibigay namin sa tao ang programa sa gobyerno.
Maraming salamat po sa inyong lahat. See you next time. [applause]
— END —
SOURCE: PCOO-PND (Presidential News Desk)