Speech

Talumpati ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Pamamahagi ng Iba’t Ibang Uri ng Tulong Mula sa Pamahalaan sa Bataan


Event Distribution of Various Government Assistance in Bataan
Location Limay, Bataan

Maraming salamat sa ating butihing gobernador ng lalawigan ng Bataan. Magsiupo po kayo at mahaba-haba itong speech ko para – baka mapagod kayo.

Magandang umaga po sa inyong lahat. Nandito po kami ang ating mga kasama sa Cabinet member dahil nanggaling po kami doon sa Kadiwa center kung saan tayo ang nagtatayo ng palengke ang tawag natin Kadiwa. At ito’y ginagawa namin upang makapagdala ng mga produkto na mas nakakamura kaysa sa palengke.

Kaya’t nandito po ang ating Secretary ng Trade and Industry, Secretary Fred Pascual; at ito po ang Department of Labor and Employment, ang ating Secretary Benny Laguesma; at ang inyong hinahantay nang husto, ang ating Secretary ng DSWD, Secretary Rex Gatchalian. Siya po ang namamahala dito po sa ating pagbigay ng kaunting tulong.

Nandito po kami para tiyakin – unang-una tiningnan po natin dahil pinaparami po natin ‘yung ating mga Kadiwa stores na hindi lamang sa malalaking siyudad, kung hindi kahit na sa malalayo ay maramdaman naman ng tao.

Ang ginagawa po namin ay pinaparami natin ang produksyon ng lahat: ng bigas, ng asukal, ng sibuyas, lahat po ng mga bilihin upang naman ay mabawasan ang gastos ng bawat Pilipino sa kanilang pamamalengke sa araw-araw.

Ngayon naman po, nandito po tayo para tiyakin na maganda naman po ang magiging assistance na ibinibigay ng pamahalaan dahil alam naman po ay ito ay nagsimula noong tayo ay naka-lockdown noong mabigat ‘yung COVID. At marami sa mga maliliit na negosyo natin ‘yung tinatawag na MSMEs, which is micro, small, and medium-scale enterprise, MSMEs, ‘yung maliliit na negosyo, marami po ang napilitang magsara dahil wala ng – kailangan nilang bitawan ang kanilang mga empleyado. Ginawa na ang lahat ngunit naubos na talaga at nagsara, at hindi na makakabalik kung hindi tulungan.

Kaya po iyon ang aming ginagawa. Tinutulungan natin ang mga maliliit na negosyante. Iyong Kadiwa bahagi diyan sa ating ginagawa. Iyong Kadiwa ay naging bahagi diyan dahil binibigyan din natin ‘yung mga local na manufacturers, ‘yung mga maliliit lang na nagpo-process ng pagkain, nagpo-process ng – gumagamit ng mga kung ano-ano, gumagawa ng bag, gumagawa ng kape, gumagawa ng – sari-sari – ay mayroon silang mapuntahan upang ipagbili ang kanilang mga produkto.

Kaya’t kahit ‘yung COVID na-lockdown po tayo marami pong nagsara. Kaya’t ang aming sinasabing tulong na ibinibigay sa mga nangangailangan na kababayan natin ay hindi lamang ‘yung cash, ‘yung TUPAD, ‘yung AICS, kung hindi pati na itong Nego-Kart Project, ito Nego-Kart Project ng DOLE ito. Tapos ito naman mga lambat, para – mayroon ding mga bangka nasa labas na ibinigay natin. Pati na doon sa agriculture program ng RCEF nakapagbigay po tayo ng mga tractor, ng mga harvester na malalaki para naman mas maging efficient ang ating pagsaka at para naman mabigyan natin ng sapat na suplay ang ating Kadiwa stores.

Iyan po ang aming sadya rito. Ngunit hindi ko po matatapos ang aking pagsalita na hindi ko sasabihin na ramdam na ramdam ko pa ang inyong naging suporta, ang inyong naging tulong. [palakpakan]

Kaya’t ito na po ang pagkakataon ko na makabalik sa inyo bilang Pangulo na kayo ang gumawa – na makabalik sa inyo bilang Pangulo [palakpakan] at magpasalamat sa inyo. At ang aking laging sasabihin po sa inyo ay hindi po namin makalimutan lahat po kami na mga kandidato na sinuportahan niyo, lalong-lalo na ako, si Inday Sara, na nakita naman ninyo napakaganda ang naging resulta dahil sa inyo.

Kaya’t ang isusukli po namin sa inyo ay walang tigil na trabaho upang gawing mas maganda ang buhay ng bawat Pilipino. [palakpakan]

Asahan niyo po na ang inyong pamahalaan hindi kayo nakakalimutan. Basta’t sinabi ninyo [na] kayo ay nangangailangan eh tuloy-tuloy pa rin po ang aming ibibigay na tulong.

Sana naman ay darating na tayo sa sitwasyon na lahat kayo ay may hanapbuhay na, may [pinagkakakitahan], at sasabihin na ninyo sa amin hindi na namin kailangan ‘yan dahil mayroon na kaming [pinagkakakitahan], mayroon na kaming hanapbuhay. [palakpakan]

Iyan po ang hangarin natin. Ito po ay ang ating pinag-uusapan noong halalan. Ito na ang pagkakataon natin para gawing totoo ang pangarap natin para sa Pilipinas.

Maraming salamat po. Magandang tanghali po sa inyong lahat. [palakpakan]

 

— END —

 

SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)