Labindalawa!
[Crowd: Alyansa!]
Labindalawa!
[Crowd: Alyansa!]
Maayong gab-i sa pinalangga namong Negrense.
Maraming, maraming salamat.
[Magsiupo po kayo.]
Maraming-marami pong salamat.
[Crowd: BBM!]
Sa inyong pagdating dito po sa aming rally kung saan inihaharap po namin sa inyo ang ating mga magigiting na mga kandidato ng Alyansa para sa Senado.
Bakit po tinawag po na Alyansa itong samahan po na ito? Ito pong samahan na ito ay tinawag na Alyansa dahil ay pinagsama-sama po natin at hinanap po natin, talaga po ay pinag-aralan nang mabuti kung sino ba talaga ang pinakamagagaling. Hindi lang ‘yung sikat ang pangalan, hindi lang ‘yung kilala sa buong Pilipinas, kung hindi, tiningnan po natin kung ano ba ang kanilang naging record, kung ano ba talaga ang kanilang nagawa habang sila ay nasa serbisyo publiko.
Dahil po naman maipagmamalaki natin, lahat po na nandito na kandidato ng Alyansa ay ang buhay — buong buhay nila ay binigay na nila para sa serbisyo ng publiko para tulungan ang ating mga kababayan, para pagandahin ang ating minamahal na Pilipinas.
Narinig niyo na po ang kanilang mga karanasan at narinig niyo na po ang kanilang ninanais na gawin, ano na ‘yung kanilang nagawa, at nakikita – maliwanag na malinawag naman po, lahat po ng kanilang pinaplano, lahat po ng kanilang ginawa sa nakaraan ay para tulungan ang taumbayan.
Ginawa po nila ‘yan dahil ito pong mga kandidato ay sila po ay ang pinakamalalaki ang puso na nagmamahal sa mga kapwa nilang Pilipino.
[palakpakan]
‘Pag tinitingnan ko po, ako ay napakapalad dahil sinasabi ko ay mukhang unang-una, napakalakas ng aming ticket. Ngunit bukod pa doon ay napakapalad ko bilang Pangulo na makakasama ko sila, na sila kasama ng — kasama sa executive, sila ay nasa lehislatura kasama namin sa executive ay mayroon kaming tulungan, magkakatulungan po kami at wala na akong hihingin kung sino ba ‘yung mas magaling pa kaysa dito sa grupong ito.
Eh naririnig ko po ‘yung ating mga katunggali ay siguro ninenerbiyos na po sila. Kasi kung ako man, kung tatakbo akong senador at wala ako dito sa grupong ito at titingnan ko sila, naku! Ninenerbiyosin din po ako, sasabihin ko: Mahirap na laban ito. Masyadong magagaling itong katapat ko. Masyadong sanay, masyadong marunong at masyadong nagmamahal sa Pilipinas.
At kaya naman po, malakas ang loob ko po na humarap sa inyo at ipakilala si — at ipakilala natin itong ating mga kandidato para sa Senado sa darating na halalan sa Mayo.
Alam niyo po, hindi po siguro, na kagaya po ng aking nasabi na nakita po ninyo kung ano ‘yung kanilang — narinig na po ninyo kung ano ang kanilang mga plano, kung ano ang kanilang naranasan at nakita naman ninyo ang mga record nila na napakahusay ay talaga naman — e iba-iba po naman ang pinanggalingan, marami na pong pinagdaanan itong mga — itong mga kandidato natin.
Tingnan po natin ang — itong grupong ito.
Walo po — walo sa kanila ay dumaan na sa Senado. Ang walong ‘yun: Senator Cayetano; Senator Lacson; Senator Lapid; Senator Marcos; Senator Pacquiao; Senator Revilla; Senator Sotto; at Senator Tolentino.
Ang bigat naman na grupo na ‘to. Talagang mga kilala at respetado. Hindi lamang sa pamahalaan pero sa lahat ng pupuntahan nila sa buong Pilipinas. Wala — pagka naupo po sila ay hindi na po sila kakapa-kapa sa trabaho, alam na po nila ang gagawin nila. Alam na po nila kung anong pangangailangan ng taumbayan, alam na po nila kung papaano paandarin ang gobyerno upang ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan ay maibibigay nila. Iyan po ang serbisyo sa publiko na ipinapakita nila, ipinakita nila noong senador sila, ipina — ipapakita nila kapag sila’y naluklok ulit sa mataas na posisyon ng senador.
At pito naman, pito naman po ang dumaan sa mababang kapulungan. Naging congressman po, House of Representatives, subok na subok po sa Batasan. Ang mga naging congressman po rito: Congressman Abalos; Congressman Binay; Congressman Cayetano; Congressman Marcos; Congressman Pacquiao; Congressman Tulfo; at Congressman Villar.
Hindi po bagito, wala pong bagito dito, lahat po itong mga ito ay nag-aral para maging maganda ang kanilang serbisyo para sa inyo.
Sa Cabinet level naman po, ay ‘yung tinatawag natin Cabinet level, ‘yung mga nag — umupo sa mga Cabinet position na katumbas ng secretary ng departamento.
Ito po ay — unang-una, nandiyan si — ang dating Secretary Abalos ng DILG. Siya ang nag— noong ako’y umupo ay hinanap ko. Sabi ko eh sino kaya ang pinakamagaling para maganda ang maging ugnayan, maganda ang maging kooperasyon ng national government at saka ng local government, kaya po napili natin si Secretary Benhur Abalos. [palakpakan]
Si Erwin Tulfo, Erwin Tulfo ay — siya’y — noong umupo rin ako, naghanap ako, sino ba –eh walang… Sino ba ‘yung kilala ko na wala ng ginawa sa buong buhay niya kung hindi tumulong sa mga maliliit? Ang tumutulong sa mga naaapi, tumutulong sa mga wala ng pag-asa sa kanilang — na maayos ang kanilang problema. Siyempre, naisip ko, Erwin Tulfo, naging Secretary ng DSWD. [palakpakan]
Si Senator Lacson, Senator Lacson ay inilagay bilang namumuno nung Yolanda Rehabilitation Commission. Ito po ang organisasyon na nagdala ng tulong sa Yolanda, na sa mga nabiktima ng Yolanda pagkatapos po ng dumaan ang Yolanda. Ngunit isa lang bagay ‘yan. Kagaya — siguro naman naaalala ninyo na si Senator Lacson ay naging hepe ng PNP. Isa sa pinakamahirap at pinakamasalimuot na trabaho sa Pilipinas. Napakahirap po ng gagawin niya. Isipin ninyo, siya ang namamahala ng kapulisan sa buong Pilipinas, sa dami-dami po nila. At kagaya ng nakita natin, nabanggit po niya, inayos po niya ang PNP, nilinis po niya ang PNP. [palakpakan]
Kaya’t noong panahon po niya, noong panahon po ni Chief PNP Lacson, noong panahon po niya eh ‘yung lang po nagka — ‘yun lang ang panahon na napakataas, pinakamataas na approval rating ang PNP dahil sa kanyang mga ginawa sa PNP, inayos, nilinis, na-organize nang mabuti para naman tayo ay makatulog nang mahimbing.
At si Senator Tolentino ay ganoon din. Siya po ay humawak ng MMDA. Ano po ‘yung MMDA? Metro Manila Development Authority. Sila po ay isa pa rin na mahirap rin na trabaho po ’yan dahil kailangan niyang ipagsama-sama, ipagkaisa lahat po ng mga lungsod at bayan ng Metro Manila.
Hindi lamang ‘yung nasa Metro Manila, pati na nasasama na ‘yung mga iba sa labas. At noong panahon niya, marami po siyang nagawa. Mayroon — marami po siyang inisiyatibo… Kung pupunta po kayo ng Maynila, pupunta kayo ng Metro Manila, marami pong — marami kayong makikita, ‘pag sinabi ninyong magandang ginawa nila dito, galing po ‘yan kay Senator Tolentino. [palakpakan]
Alam na nila ang trabaho ng gobyerno mula sa Gabinete. Hindi po dada, marami po silang ginawa. They will stand in the Senate not to oppose, but to propose. Anong ibig sabihin nun? Ibig sabihin, sila ay hindi riyan — hindi pupunta sila sa Senado upang makipag-debate lang nang mahahaba, ora-oradang nagdedebate, o nakikipag-away kung kani-kanino. Sila po ay pupunta sa Senado upang gawin lahat para pagandahin po ang mga buhay ninyo, ang buhay ng inyong mga pamilya.
Tatlo naman po ang naging gobernador na matataas, na malalaking probinsya. Unang-una po, Governor Imee Marcos, doon po sa amin sa Ilocos Norte. Nandoon po siya, siya ay naging — nahawakan ng tatlong term — ng tatlong term, siyam na taon ang Ilocos Norte. Ang Ilocos Norte, diyan nagpasok na ‘yung aming mga turista, nagpasok na — pinaganda ang agrikultura at nakita naman natin ang improvement noong siya’y nandiyan.
Ang isa pang naging gobernador, Senator Lito Lapid, Gobernador ng Pampanga. [palakpakan] Alam niyo nam — alam niyo po napakalaki din ng Pampanga. Ngunit pupun — pumunta po kayo sa Pampanga ngayon, tingnan po ninyo kung gaano kaganda ang pag-uunlad ng probinsya ng Pampanga. May kinalaman ‘yan — pagka susuriin po niyo nang mabuti ‘yung mga progresong ‘yan, ‘yang mga kaunlaran na nakikita niyo, mayroon ‘yan — titingnan mong mabuti, may kamay ang ating Gobernador Lito Lapid sa lahat ng mga nangyari diyan. [palakpakan]
At saka mayroon din tayong gobernador na sumasayaw, Governor Bong Revilla ng Cavite. [palakpakan]
At hindi lang po hanggang sayaw lang ‘yan ay siyempre magaling talaga siya sa ganyan. At eh naiinggit nga kami, naiinggit ang mga ibang kandidato kasi kailangan din nilang tapatan ang sayaw ni Governor Bong — Bong Revilla. Pero alam niyo po ang Cavite ngayon ay ang pangalawang pinakamalaki na probinsya sa Pilipinas na. At ‘yan po ay dahil marami pong trabahador na pumasok sa Cavite para magtrabaho sa Maynila. Marami po doon ay mga Waray, marami doon — marami doon mga Ilonggo. At ‘yan po ay kagaya ng… Kung tutuusin po ninyo ay napakahirap kasi magtatayo kayo ng bahay, maglalagay kayo ng bagong kalsada, maglalagay kayo ng — maglalagay — lahat ng serbisyo na kailangan ng tao para mabuhay nang disente. ‘Yan po ang ginawa ng ating governor, Governor Bong Revilla. [palakpakan]
Mayroon pa tayong tatlo na mayor, na naging mayor ng iba’t ibang lungsod. Unang una, si Mayor Benhur Abalos ng Mandaluyong. Siya po ay matagal na nagsilbi bilang mayor ng Mandaluyong at sa panahon po niya, marami pong natanggap na premyo ang Mandaluyong dahil po sa mga inisyatibo na ginawa ng ating butihing Mayor Benhur Abalos.
Mayroon din tayong naging mayor po, Mayor Abby Binay ng Makati. Alam niyo naman siguro ang Makati ay ang nakikita… Ang Makati ang pinakamayaman na lungsod dito sa Pilipinas. Kaya naman, anong ginawa? Edi maganda, maganda ang — maraming malalaking negosyo doon eh. Kaya’t maraming pondo na gagamitin. Anong ginawa ni Mayor Abby Binay? Ginawang libre lahat, lalo na para sa matatanda, binigay na lahat, lahat ng serbisyo, lahat ng healthcare. Lahat ng — mayroon silang — ginaya po ng national na ‘yung pagka-umabot po ng isang daang taon ang isang tao eh may premyo, bibigyan ng kaunting premyo, mayroon pang cake. At lahat ng serbisyo ng City of Makati ay libre naman para sa kanila, kaya naman po ay kitang-kita po ang malaking puso ng ating naging mayor, Mayor Abby Binay.
At ‘wag po nating kalimutan, kung pag-uusapan po natin ay local government eh ang — si Senator Sotto po ay siya ay naging — baka hindi niyo po alam, naging vice mayor po siya ng Quezon City. So, kaya alam ko, nakikita niyo sa sa Senado, nakikita niyo siya bilang isang senador ngunit dumaan po siya sa local government. Kaya’t alam po niya kung hindi lang sitwasyon mula sa taas, alam po niya ang sitwasyon mula sa grassroots level.
At tingnan po natin, hindi po natin kinakalimutan ang ating kababaihan dahil apat dito sa ating kandidato ay babae. At masasabi ko dahil kilala ko naman sila lahat nang mabuti, hindi po pangkaraniwan na babae ito. Itong mga ito isa — siguro ito ‘yung pinakamatatapang na makikita mo at makakasiguro po kayo, makakatiyak po kayo na ang mga kababaihan dahil sa kanila, dahil sa ating apat na kandidato ay maririnig ang boses ng kababaihan at ipaglalaban nila at ipagtatanggol nila ang karapatan ng lahat ng kababaihan. Iyan po ang mga babae na nasa — na kasama natin sa ating ticket.
At dahil ang trabaho ng senador ay maging mambabatas. Kaya naman eh masasabi natin puwede — pati doon, mayroon tayo mga sanay na mambabatas at mayroon tayo na abogado.
Apat po ang abogado dito sa grupong ito. Nandiyan po si Atty. Benhur Abalos. Siya’y naging abogado at — pero iniwanan din niya at nagserbisyo na ngayon sa publiko. Ang isa pang abogado namin ay si Abby Binay, Atty. Abby Binay din ay si Mayor Abby Binay, attorney din ‘yan. At kaya alam na alam niya kung papaano magandang sumulat para pagandahin ang mga batas natin.
Isa pa si Pia Cayetano is also an attorney—Atty. Pia Cayetano. Ay siya rin isa pa na talaga naman sa palagay ko naririnig ninyo at talagang inaalalayan niya ang taumbayan. Ganoon po ang kabaitan niya pati kayo pinag-exercise. Oh, kita ninyo ngayon napunta lang kayo sa rally napag-exercise pa kayo para lalakas po ang mga katawan ninyo.
Atty. Tol Tolentino. Si Atty. Tolentino din abogado din po ‘yan. At kung makakausap po ninyo makikita naman po ninyo ang galing niya bilang abogado. At maganda siguro kasi napakagaling nitong mga abogado na eh siguro magpapagalingan ‘yan sa Senado para talaga maging maganda ang resulta ng kanila pambabatas.
Pagdating naman sa kung saan ang iba’t ibang pinanggalingan ng ating mga kandidato. Huwag niyo pong alalahanin ng lahat ‘yan taga-Maynila lang, lahat taga-Luzon. Hindi po totoo ‘yun.
Dalawa po sa kandidato natin ay taga-Mindanao. Kilalang-kilala niyo naman ang ating champion, si Manny Pacquiao. Manny Pacquiao ay galing Bukidnon, Sarangani, at GenSan. Kaya’t may representante din ang lahat ng taga-Mindanao.
Si Erwin Tulfo din, Dabawenyo po ‘yan. Siya ay lumaki sa Davao Oriental at sa Sulu dahil doon po nadestino ang kanyang ama na naging bayani ng Pilipinas.
At huwag po niyong…baka hindi niyo po alam dahil may kaunting history lesson po tayo ang unang Senator Sotto sa kasaysayan ng Pilipinas ay Senator Sotto na galing sa Cebu. Kaya’t ang mga ninuno po ni Senator Sotto ay taga-Cebu at ganoon din. Alam niya ang mga kailangan ng ating mga kaibigan sa Cebu at sa Kabisayaan.
At kami naman ni Imee, alam naman ninyo, si Imelda, ang mother namin ay Waray ng Waray ‘yan. 100% Waray po kaya’t naiintindihan ni Imee. Nagwa-Waray po ‘yan si Imee. Siya lang sa aming tatlo na magkakapatid ang natutong mag-Waray. Ganoon talaga ang pagkapalaki sa amin at para malaman namin nakakausap namin ang tao. Hindi kami naka-spoiled lang doon sa Palasyo. Kaya’t ganyan kami pinalaki kaya’t si Imee rin alam niya kung ano ang sitwasyon at kung ano ang kalagayan ng ating mga kaibigan.
Si Camille naman—si Camille Villar, ang kanyang mga ninuno po ay galing naman – ay mga Ilonggo naman po .Kaya mayroon kayong kababayan dito, mayroon kayong kasama dito. At makikita naman po ninyo lahat ng kahit sino sa Pilipinas ay may representate na nanggaling doon sa malapit sa kanila o sa kanila mismo. Para naman hindi na sinasabi ang inaalala lamang na trabaho, ang tinitingnan lang na mga problema ay ‘yung mga problema sa Maynila. Hindi po tama ‘yun. Dapat talaga kahit masyadong maingay ‘yung Manila ay kailangan pakinggan din po natin ang mga hinaing, ang mga hingi, ang mga pangangailangan ng lahat po ng Pilipino.
Mga kababayan, palagay ko naman na malinaw ang pinatutunguhan ng ating Alyansa. Ito ay ang kaunlaran, hindi pag-aaway-away, hindi ang pang-aapi.
Alam niyo po kaya po kami… Sinasabi ko nga siguro po pagka ‘yung ibang eleksyon, ibang kampanya makita niyo po lahat ng mga kandidato pare-pareho ang suot na kulay. Eh kami iba-iba ‘yung kulay namin. Bakit? Tingnan niyo po. Dahil sila ay isinantabi nila ang politika, isinantabi nila ang kanilang sarili na political ambition, political party, at isantabi nila upang magkaisa lahat at magtulungan lahat para maging matibay, maganda ang kanilang performance pagdating nila sa Senado. [palakpakan]
Kailangan po natin sa napaka-komplikadong panahon na ito ay ang mga solusyon. Hindi po natin kailangan ‘yung mga maiinit at maaanghang na salita na wala namang kinalaman para sa ikabubuti ng ating lipunan, sa ikabubuti ng ating kabuhayan.
Ang mga kandidato ng Alyansa ay kasama natin pagtataguyod ng interes at kapakanan ng bawat isang Pilipino.
Ipaglalaban natin ang ating soberanya at karapatan sa pamamagitan ng diplomasya at dignidad.
Hindi natin isusuko ni isang pulgada ng ating teritoryo at hindi tayo kailangan sumunod sa kahit na sino pa dahil ang Pilipino lang ang may karapatan na magkaroon, na gamitin, at magkaroon ng hanapbuhay sa ating teritoryo. Hindi po ang mga dayuhan.
Sa laban kontra naman sa krimen at sa droga, hindi natin kailangan dumaan sa madugong solusyon. Wala kaming paniniwala na ang solusyon sa droga at saka sa krimen ay pumatay ng libo-libo na Pilipino. May tamang paraan po para tiyakin ang kapayapaan at kaayusan. ‘Yan po ay sa pamamagitan ng maayos na batas at epektibong pagpapatupad ng mga malalakas na suporta sa ating mga kapulisan at sa ating mga local government official.
Sa ekonomiya naman, ‘wag po tayo na maliligaw. Hindi po natin kailangan na umasa sa ilegal na mga industriya kagaya ng POGO. ‘Yung POGO, ang nangyari POGO pero naging pugad ito ng krimen at karahasan. Kaya po ibi-nan (ban) na natin, itigil na natin. Marami po tayong ibang mas magandang puwedeng gawin para sa mabuting hanapbuhay.
Ang solusyon po ay tunay na trabaho, kabuhayan, suporta sa maliliit at sa lahat ng mga nangangailangan.
Magkakaisa po tayo sa pagpili ng mga lider na tapat sa tungkulin. Buo ang paninindigan at handang maglingkod para sa mga – para sa taumbayan, para sa buong Pilipinas, at ipaglalaban ang Pilipinas kahit saan sa buong mundo.
Taus-puso nating suportahan po at iboto ang Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas. Ito po ang aming mga kandidato. Ito po ang aming ipinagmamalaki. Ito po ang magdadala ng kabutihan ulit sa ating bansa. Ang ating mga kandidato, Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas!
Mabuhay ang Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas! [palakpakan]
— END —