Maayong hapon kaninyong tanan Dumaguete! Please, magsiupo po tayo at baka ‘pag ginanahan ako papahabain ko nang husto itong aking speech. Mapipilitan ang ating mga kandidato rito na magpakain sa inyong lahat. [tawanan]
Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat na kayo ay nakarating po dito sa aming rally upang makilala po ang kandidato po natin na para sa Senado ng Alyansa sa Bagong Pilipinas.
Ito po ang aming ipinagmamalaki at tinitingnan po natin – pagka tinitingnan po natin ang mga ibang naging kandidato eh ako iniisip ko kung ako man ay kandidato para sa Senado, eh baka ‘pag nakita ko itong grupong ito talagang mapapaatras ako dahil mahirap kalaban itong mga ito dahil masyado nang magagaling, masyado nang mahaba ang karanasan sa serbisyo publiko, masyado nang maganda ang ipinakitang performance, at marami na po naitulong sa taong-bayan, marami na po naitulong sa ating minamahal na Pilipinas.
Narinig niyo po ang kanilang mga programa. Hindi lamang ‘yung mga programa na ninanais nilang gagawin kapag sila ay naluklok na sa Senado. Eh iyon din ay napag-usapan din kung ano ang nagawa na nila. At nakita naman po ninyo na ang record ng bawat sa ating mga kandidato ay napakatingkad, napakaganda.
Kaya’t malakas po ang loob ko na humarap po sa inyo at iharap at ipakilala at samahan ang ating mga kandidato para sa susunod na halalan, ang ating mga kandidato para sa Senado.
Narinig niyo na po sila. At kung iisa-isahin po natin, kung iisa-isahin po natin sa kanilang bawat sarili ay mayroon talagang sinasabi, mayroon talagang pinagdaanan, mayroon talagang pagmamahal sa Pilipino.
At lahat ng buong buhay – ng buong buhay ng bawat isa po dito sa mga kandidato natin ay itinaya na nila para sa taong-bayan, itinaya na nila para sa serbisyo publiko.
Kaya po dapat huwag natin kakalimutan na ito ang mga kailangan natin na uupo sa Senado.
Lahat sila tig-isa sila magaling. Pinagsama-sama po natin silang lahat. At kapag pinagsama-sama mo, nakakagulat talaga na makakita ng isang grupo na ganito na kasing galing, at kasing sikat, at kasing experienced nitong mga kandidato natin.
Alam niyo po tingnan po natin, isa-isahin po natin at tingnan po natin ano ‘yung mga katangian na ating maaaring ipagmalaki dito sa ating grupo.
Alam niyo po na walo po sa ating kandidato rito ngayon ay naging senador na. Kaya’t ibabalik po natin dahil nakita naman po natin noong nag-senador po sila ay nakita po natin marami po silang natulungan, marami po silang nagawa.
Ang naging senador na po dito sa grupo natin: si Senator Cayetano, Senator Lacson, Senator Lapid, Senator Marcos, Senator Pacquiao, Senator Revilla, Senator Sotto, Senator Tolentino.
Kaya’t pagka nasa Senado sila ulit ay wala na pong kailangan magtanong-tanong, wala na po nagkakapa-kapa. Alam na po nila ang trabaho. Alam na po nila ang pangangailangan ng taong-bayan. Alam na po nila ang kanilang gagawin upang makatulong upang pagandahin ang buhay ninyong lahat.
Pito naman dito sa ating grupo – pito po ay nanggaling naman, dumaan po sa mababang kapulungan, dumaan po sa House of Representatives, naging congressman po. At si – ang mga naging congressman po ay si: Congressman Abalos, si Congressman Binay, Congressman Cayetano, Congressman Marcos, Congressman Pacquiao, Congressman Tulfo, Congressman Villar.
Sanay na sanay na po upang sumulat ng magagandang batas na tunay na nakakatulong sa hanapbuhay, nakakatulong sa kabuhayan, nakakatulong sa kalikasan, nakakatulong sa lahat ng mga iba’t ibang sektor ng ating lipunan.
Ang iba po naman sa kanila ay dumaan na sa Cabinet position, naging secretary na po ‘yung iba rito. Si Benhur Abalos secretary po ng DILG. Noong una po kaming umupo, tinatanong sa akin sino pa kayang pinakamagaling na puwede nating ilagay DILG? Ika ko may magaling na mayor galing sa Mandaluyong. Dapat siguro ay tingnan natin kung papayag siya na magsilbi. Nagsilbi na po siya bilang DILG secretary at hindi lang siya nagsilbi kundi marami pong nagawa na maganda, na pinaganda ang ugnayan ng ating mga local executive at saka ng national government.
At naging – naging secretary naman ng DSWD si Erwin Tulfo. Ito rin po eh noong ako’y bagong upo ay naisip namin sino ba talaga ng kilalang-kilala sa mga – sa buong Pilipinas? Kilalang-kilala na tumutulong, walang ginagawa kundi tumulong sa taumbayan. Hindi lang tumutulong, ipinaglalaban ang karapatan ng maliliit, ipinaglalaban ang pangangaila – ang mga mabuting dapat gawin ng pamahalaan para sa mga nangangailangan na taumbayan. Iyan po ay si secretary of DSWD, Erwin Tulfo.
Si Senator Lacson naman ay siya naman ang namuno ng Yolanda Rehabilitation Commission. Dahil po siya po ang gumawa ng lahat upang pagkatapos ng pagdaan ng napakalakas na bagyo na Yolanda ay siya po ang nagdala ng tulong para sa mga nasalanta. Siya po ang nagdala ng tulong upang buhayin ulit ang ekonomiya ng mga nadaanan ng Yolanda. Siya po ay ang nag-organisa sa pagbubuo ulit ng imprastraktura, pagpapatayo ng mga bahay para sa mga nawalan ng bahay. Ito po, ‘yan po ang ating – ‘yan po ang ating isang secretary-level po ‘yun. Kaya’t si secretary at that time Secretary Ping Lacson ay sanay na rin sa pagserbisyo bilang isang secretary.
At si Senator Tolentino naman ay siya naman ay nasa MMDA. Ang MMDA po, ang Metro Manila Development Authority. At sila ay ang bumubuo ng lahat ng mga iba’t ibang mayor sa iba’t ibang mga lungsod, sa iba’t ibang mga bayan sa Metro Manila.
Hindi po madali ang trabaho na ‘yan dahil maraming mayor po ay kailangan makahanap kayo ng paraan upang magtulungan, upang magkaisa, upang maging maganda ang daloy ng traffic, upang maging maganda ang tinatawag na public transport natin sa Maynila. Eh sila…Ang MMDA din ang namamahala sa mga flood control. Sila po ang gumagawa niyan, ‘yan po ang naging katungkulan, ‘yan po ang tungkulin ni secretary – ni Senator Tol Tolentino noong siya ay nasa MMDA.
Mayroon lang po akong idadagdag dahil hindi ko po makalimutan. Noong nandoon po kami sa – nasa Tacloban po ako. Walang tatlong araw pagkadaan ng Yolanda, pumunta na kaagad ako sa Yolanda. Matagal po kami nag-aantay ng tulong galing sa national government. Nagulat po kami ang unang dumating na malalaking makinarya, na mga heavy equipment para tulungan ang recovery ng mga biktima ng Yolanda ay ang MMDA, pinangungunahan noon ni Secretary Tolentino. [palakpakan]
Ang kanilang tinatakbuhan ay ang lehislatura. Kaya’t kailangan marunong sila sa batas.
Nauunawaan nila ano ‘yung batas na tama, ano ‘yung batas na maganda, ano ‘yung batas na kailangan, at paano isusulat iyang magagandang batas na iyan. Kaya naman po, mabuti naman at dito po sa grupo natin, apat po ang abogado.
Nandiyan po si Abalos, Abalos – Atty. Abalos po iyan – bago naging mayor, Atty. Abalos. Nandiyan din po Atty. Binay, Atty. Cayetano, Atty. Tolentino.
Mga magagaling po na abogado iyan. At kung siguro kung hindi sila pumasok sa serbisyo publiko ay mayayaman na po sila siguro. Kagaya ng mga sikat na mga abogado. Pero nagsakripisyo po sila dahil mas mahalaga sa kanilang mga puso ang makatulong sa kanilang minamahal – na magpayaman ng kanilang mga sarili.
Pagdating naman kung saan sila po nanggaling. Dahil po ay siyempre hindi natin masisisi ang ibang tao eh papaano iyan lahat naman ng mga sikat na iyan galing lahat sa Maynila iyan. Hindi nila alam ang mga pangyayari dito sa amin sa lugar namin. Hindi po tama iyon. Hindi po totoo iyon. Dahil po ay sila ay nanggaling sa buong lawak ng Pilipinas.
Simulan po natin. Kilala niyo naman ang ating kinahahangaan si Senator Manny Pacquiao. Siya po galing Bukidnon, Sarangani, at sa GenSan. Si Erwin Tulfo naman ay lumaki siya sa Davao Oriental. Davaoeño po siya at saka lumaki siya sa Sulu dahil doon po nadestino ‘yung kanyang ama na naging bayani ng Pilipinas.
Ang unang Vicente Sotto. Kung maalala po ninyo – baka hindi niyo po naalala na ay matagal na rin iyon. Ang unang Senator Sotto po, Senator Vicente Sotto ay galing naman sa Cebu. Kaya’t ‘yung mga ninuno po ng ating butihing Senator, Tito Sen, ang tawag po namin sa kanya Tito Sen. Ang kanyang mga ninuno ay galing po sa Cebu.
At alam naman po ninyo para mailapit-lapit naman po natin dito sa inyo, ang ina namin ni Imee ay Waray, 100 percent Waray po ang aking – ang aming ina. Kaya’t po naintindihan po natin, naranasan po natin ang buhay, at naintindihan natin ang buhay ng mga tiga-doon po.
At baka hindi niyo po alam na ang mga ninuno ni Camille Villar ay mga Ilonggo. Kaya naman ay mayroon siyang special spot sa kanyang puso para sa mga Ilonggo.
Kaya naman — asahan po ninyo hindi kayo makakalimutan kapag nandiyan na si Senator Camille Villar.
Mga kababayan, malinaw ang direksyon natin. Ang direksyon natin ay ang mapaunlad ang Pilipinas, hindi mang-aapi. Pag-unlad, hindi takot ang solusyon. Ang solusyon ay ang dapat pagandahin ang ating patakbo ng ating pamahalaan.
Ang mga kandidato ng Alyansa ay kasama natin sa pagtataguyod ng interes at kapakanan ng bawat isang Pilipino.
Ipaglalaban natin ang ating soberanya at karapatan ng may diplomasya at may dignidad.
Hindi natin isusuko ni isang pulgada ng ating teritoryo. At hindi tayo kailangan sumunod o magpaapekto sa kagustuhan ng sinomang iba. Tayo ay may ganap na karapatan at dapat makinabang sa yaman ng ating minamahal na bayan.
Sa laban kontra krimen at droga, hindi po nating kailangan dumaan sa madugong solusyon. Wala po kaming paniniwala na kailangan pong pumatay ng libo-libong Pilipino para mabigyan ng solusyon itong problema na ito. May tamang paraan po para tiyakin ang kapayapaan.
Kailangan – para maging maayos ay kailangan mayroon – ang gagawin natin sa pamamagitan ng mga maayos na batas, epektibong pagpapatupad, at mga malakas na suporta sa ating mga pulis at lalong-lalo na sa ating mga lokal na opisyal.
Sa ekonomiya at trabaho, hindi natin kailangan umasa sa ilegal na industriya tulad ng POGO na naging pugad ng krimen, naging pugad ng karahasan. Ang solusyon ay tunay na trabaho, disenteng suweldo, at suporta sa maliliit na negosyo. [palakpakan]
Ito po ang aming inihaharap sa inyo, ito pong Alyansa. Bakit po tawag sa amin ay Alyansa? Dahil kung titingnan niyo po, kung minsan pagka lumalabas ang mga kandidato, pare-pareho pong kulay ang suot na t-shirt. Eh kami iba-iba dahil sa iba’t ibang partido kami nanggagaling.
Ngunit pumayag po silang lahat na magsama-sama dahil nakakaunawa po sila na ang tanging solusyon para sa mga problema natin ay ang magkaisa. Kapag tayong lahat – pagka tayong mga Pilipino ay nagkapit-bisig, kapag tayong mga Pilipino ay nagtutulungan at nagmamahal sa isa’t isa, makikita po natin na maganda ang magiging – ang pupuntahan, ang tutunguhan ng ating minamahal na Pilipinas. [palakpakan]
Kaya po nandito po kami upang muli hingiin ang inyong suporta para sa darating na halalan, para sa kaunlaran ng Pilipinas, para sa pagpaganda ng buhay ng bawat Pilipino, para sa pagpaganda ng Pilipinas, ito po ang Alyansa sa Bagong Pilipinas! [palakpakan]
Maraming salamat, Dumaguete!
Maraming salamat po! Mabuhay ang Pilipinas! [palakpakan]
— END —