Magandang gabi po! [Crowd: BBM! BBM! BBM! BBM! BBM!]
Marami pong salamat. Magandang gabi po aking minamahal na kababayan na tiga-Malolos, na tiga-Bulacan!
Maraming, maraming salamat po sa napakainit sa salubong na ibinigay ninyo sa amin, sa akin, at ang ating mga magiging kandidato – naging kandidato para sa senador para sa darating na halalan sa Lunes.
Kaya po ay napaka-inspiring po, nakaka-inspire po na makapunta rito muli sa Malolos. [Magsiupo po tayo.]
Hindi po natin makakalimutan na dito po… [Crowd: BBM! BBM! BBM! BBM! BBM!]
Maraming, maraming salamat po. O kita naman talaga natin mga tiga-Malolos kaya’t hindi – siguro po ito ay dahil eh ang Malolos ay napakalaking bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.
Kaya naman ay kaming lahat pagka kami ay nakakarating dito ay inaalala po natin na dito po itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa pangunguna ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Sinasalamin po nito ang ating pakikipaglaban sa mga dayuhan upang makamit ang isang malayang Pilipinas.
Sa araw na ito, nagtitipon-tipon po tayo upang isabuhay ang mga aral ng nakaraan sa pagtatatag ng mas progresibo at mas mapayapa na Bagong Pilipinas.
Kaya naman, ginagawa po natin – ng ating administrasyon ang lahat na kaya po nating magawa upang masuklian ang inyong pagsisikap at ang inyong suporta.
Nag-oorganisa po tayo ng tinatawag na job fair — job fair para sa Trabaho sa Bagong Pilipinas upang makapagbigay ng mga pagkakataon sa ating mga kababayan.
Unti-unti pong nagbubunga ang ating pagsisikap. Sa buong taon ng 2024, bumaba po ang tinatawag na unemployment rate. Ibig sabihin ‘yun pong mga manggagawa na hindi makahanap ng trabaho ngayon po iyan ang pinakamababa na unemployment rate dito sa Pilipinas sa nakaraang 20 taon po. [palakpakan]
Paglago po naman ng ekonomiya ay ikatlo naman ang Central Luzon. Ang Central Luzon po sa pagbulusok po ng ating ekonomiya pangatlo po at tuloy-tuloy. Dito sa Bulacan ay 5.6 percent ng ekonomiya – 5.6 percent ng ekonomiya ang luma – 5.6 percent lumaki ang ekonomiya. Talagang nangunguna ang Bulacan. Pagka talagang – ‘pag tinitingnan po natin kung ano ang mga probinsya, kung ano ang mga rehiyon na nagiging makina po ng mga ekonomiya hindi lamang sa probinsya ng Bulacan, hindi lamang sa rehiyon, ngunit sa buong Pilipinas.
Nagpapagawa rin po tayo ng tinatawag na farm-to-market road, mga post-harvest facility, mga makinarya po para sa ating mga magsasaka. Mga tractor po, mga drier, mga milling machine. Lahat po ‘yan ay ginagawa po natin para matiyak natin na ang ating magsasaka ay maganda ang kanilang hanapbuhay. At bukod pa roon, eh tinitiyak po natin na lahat po ng Pilipino ay mayroong kakainin. [palakpakan]
Simula noong 2023 hanggang sa nakaraang taon, naglaan ang pamahalaan ng 55 milyong piso para sa apat na farm-to-market roads dito sa Malolos.
Ipinatupad din po natin ang ating proyekto sa high value crop upang maging mas masagana ang ani ng high value crop. Mula 2022 po hanggang 2024, nakapaglunsad na po tayo ng 37 Gulayan sa Paaralan dito po sa Lungsod ng Malolos. [palakpakan]
Sinisikap po natin na maabot ang P20 kada kilo para sa bigas. Mas murang bigas ay mabibili ngayon sa KADIWA para sa ating mga 4Ps, para sa ating mga senior citizens, para po sa may PWD, at ‘yung mga single parents. Sa tulong ng mga LGUs po, ibubuo po natin ang programang ito at ang ating hangarin na pababain ang presyo ng bigas ng P20 kada kilo ay maaabot na rin natin.
Nitong Marso, tinatayang na nasa 51 Bagong Urgent Care and Ambulatory Services o BUCAS centers na ang naitayo sa buong bansa. Ito pong BUCAS center ay dinagdag po natin sa mga ospital para po ‘yung mga maliliit lang na karamdaman ay maaaring magpatingin kaagad kung sinoman ang may problema. At ito ay dinagdag po natin dahil po karamihan naman – ang karamihan naman po ay hindi kailangan mag-confine sa ospital. Kaya naman nasa clinic lang, magtatahi lang ng sugat o ‘yung bali ng paa o manganganak. Eh lahat po ‘yan ay kaya naman nitong ating mga BUCAS center.
Kaya’t pararamihin po natin nang pararamihin. Dito po sa inyo, nakapagbukas na tayo ng tatlo nung BUCAS center na ‘yan.
Sa usapang imprastraktura naman, itinatatag natin ang North-South Commuter Railway–North 1.
Isa itong 38 kilometro na riles, railway line, kokonekta sa Lungsod ng Malolos patungong Tutuban sa Maynila. Sa kasalukuyan, mahigit 72 porsyento na ang nagagawa. At asahan po ninyo matatapos ito siguro mga apat na taon pa – pero matatapos po ito para maging mas maginhawa ang pagbiyahe ninyo sa inyong mga trabaho at ‘pag pupunta ng Maynila. [palakpakan]
Nakatutok din po tayo sa pagsasagawa ng San Ildefonso-San Miguel Bypass Road na magkokonekta sa mga bayan ng San Ildefonso at San Miguel dito sa Bulacan.
Bahagi ang proyektong ito sa pagpapalawig ng Plaridel Bypass Road. Sa ngayon, tinataya na nasa 77 percent na ang nagawa at ito po naman ay matatapos na natin Disyembre sa taong ito.
Sa tulong ng mga repormang ito, mababawasan ang oras ng biyahe ng mga Pilipino at mas marami na kayong mailalaang panahon para sa inyong sarili at para sa inyong mga pamilya.
Kaya naman po kagaya ng nabanggit ko po, ito po ay –marami po ito ay nagsimula pa lang. Itong mga malalaking proyekto na ito hindi po natatapos ito ng isang taon, ng anim na buwan.
Ito matagalan po ito dahil malalaking proyekto na nakakatulong talaga. Kaya’t kami ay ninanais natin na magpatuloy lahat itong programa ng pamahalaan at kailangan po natin… Kaya po natin nagawa ito, kaya po natin nasimulan ay dahil po tayo po ay tinutulungan ng ating mga congressman at lalong-lalo na ang ating mga senador. [palakpakan]
Kaya naman po kung tayo po ay ninanais po natin na ipagpatuloy ang magagandang programa na ating sinimulan, kailangan po natin na makahalal ng mga senador na nakakaunawa sa pangangailangan ng taong-bayan, na nakakaunawa kung papaano ayusin at pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino.
Kaya po ako po – kami po ay nagpapasalamat sa inyong lahat na kayo’y nakarating ngayong gabi dahil po ay narinig ko po si Benhur, si Senator Benhur Abalos, narinig ko po kanina pa po kayo. Kaya’t maraming, maraming salamat at kayo’y naiwan dito upang…
[Crowd: Abalos! Abalos! Abalos! Abalos! Abalos!]
Benhur, tapos na ‘yung eleksyon mo rito yata, ayos na. Kaya naman po ako’y nagpapasalamat na nandito po kayo para namin maiharap sa inyo ang ating mga magigiting at mahuhusay na kandidato ng Alyansa para sa Senado sa darating na Lunes.
At alam niyo po malakas po ang loob ko na iharap sila sa inyo dahil po eh nakakatiyak po naman tayo kung tayo ay naghahanap ng mga kasama, tayo’y naghahanap ng ating mga tutulong para sa ating mga programa ay hinanap po natin ‘yung mga pinakamagagaling at kung titingnan naman po ninyo…
Kung iisa-isahin po ninyo, eh mga sikat na po ‘yan. Pinagsama-sama po natin at sila ang naging ticket ng Alyansa. Kaya’t itong mga bigatin po na ito eh talaga naman ay masasabi natin ay sila talaga ang pinakamagaling na senador na kandidato sa halalan na ito. [palakpakan]
Narinig niyo na po ang kanilang talumpati. Narinig niyo na po ang kanilang karanasan sa pamahalaan, sa serbisyo publiko. Narinig niyo na rin po ang kanilang mga hangarin at ninanais na gawin para tulungan ang ating mga kababayan. Sino-sino ba ‘to? Saan ba nanggaling ang ating mga kandidato?
Tingnan po natin. Alam niyo po karamihan po sa kanila ay beterano po ng Senado.
Nandiyan si Senator Cayetano, Senator Lacson, Senator Lapid, Senator Pacquiao, Senator Revilla, Senator Sotto, Senator Tolentino. [hiyawan]
Si Senator Sotto, hindi lamang senador, naging senate president pa. Na noong ako’y senador ay siya ‘yung senate president namin. Kaya’t masasabi ko mahusay talaga siyang magpatakbo ng Senado.
Kalahati naman po ng ating slate ay galing sa mababang kapulungan. Sanay na po sila sa Batasan.
‘Yan po ang Congressman Abalos, Congressman Binay, Congressman Cayetano, Congressman Pacquiao, Congressman Tulfo, Congressman Villar.
Hindi na po bagito sa pagsusulat ng mga batas.
Apat naman ang nagsilbi sa – na Cabinet-level, naging secretary sa Gabinete.
Ang nandiyan po ay – ang una po sa kanilang lahat ay noong ako’y bagong upo, siyempre tinitingnan po natin kung sino ang mga magagaling na dapat ilagay sa mga mahihirap na puwesto kasi importante ang trabaho nila.
Noong iniisip ko po ‘yung DILG ay sinasabi ko kailangan ‘yung magaling na nakakaunawa sa mga isyu ng local government. Kayo po eh ang nahanap po namin ay in-appoint ko po bilang secretary ng DILG, Secretary Benhur Abalos. [palakpakan]
Nandiyan din po ang naging secretary ng DSWD. Bakit – papaano siya naging secretary ng DSWD? Dahil po noong ako’y bagong upo, naisip ko rin, ano bang trabaho ng DSWD? Kundi tulungan ang mga biktima ng mga kalamidad, kung hindi magbigay ng tulong sa mga mahihirap, sa mga may sakit, at pati ‘yung mga nasalanta sa mga bagyo ng mga nasira na tanim ng ating mga magsasaka at ng mga nawalan ng trabaho. ‘Yan po walang ginawa kundi magbigay ng tulong.
At eh iniisip ko po, sino kaya ang kilala ko na ang buong buhay ay kanyang ibinigay na sa pagtutulong sa kanyang kapwa Pilipino. Tumutulong sa mga maliliit, sa mga walang boses, sa mga nangangailangan. Kaya po nilagay po natin bilang secretary ng DSWD si Secretary Erwin Tulfo. [palakpakan]
Ang isa pang naging Cabinet member ay ang ating naging chairman ng MMDA. Alam niyo po ba kung ano ang MMDA? ‘Yan ‘yung Metro Manila Development Authority. ‘Yun, iyon po. Ang naging chairman po ‘yan ay ang ating kaibigan si Senator Francis “Tol” Tolentino. [palakpakan]
Naiba po ang patakbo niya kahit na ’yung titulo niya MMDA, Metro Manila, naiba po ang patakbo ni Senator Tolentino. Ang patakbo ni Senator Tolentino, kahit na nasa labas na ng Maynila, basta’t matutulungan niya, tinutulungan niya.
Kaya’t makita mo naman po na kilalang – kitang-kita naman po natin ang kanyang pagmamahal sa lahat, lalong-lalo na sa mga nangangailangan.
Ang isa pa po na naging – naging Cabinet secretary ay si – ang naging – namuno ng Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery. ‘Yan po ang ating kaibigan, Senator Ping Lacson. [palakpakan] Siya po – siya po ang namahala sa pagpapatayo ng mga bahay, pagpapagawa ng mga water system, maglagay ng kalsada.
Doon po sa Region 8 at saka Region 7 na tinamaan ng Yolanda ay ‘yun po ay nandoon po siya at napakalaking tulong. Kaya po, kami po na mga… Ako po ay kalahating Waray kaya’t hindi po natin makakalimutan – hindi po namin makakalimutan ang tulong na dinala ni Senator Ping Lacson.
Ngunit bukod pa roon, si Senator Ping Lacson ay naging hepe ng PNP. Siya ang namuno ng lahat ng kapulisan dito sa Pilipinas. Isipin po ninyo ay napakahirap. Napakahirap itong trabaho na kanyang pinasok ngunit noong sa panahon po niya na siya’y hepe ng PNP, ang PNP ay nakatanggap ng pinakamataas na approval rating na natanggap ng PNP sa buong kasaysayan ng PNP na hanggang ngayon po ay hindi pa napapantayan.
Sila naman – mayroon din po tayong local government official. Sila naman – mayroon po tayong naging gobernador ng malalaking probinsya.
Ang probinsya po… Sinong… Alam po ba ninyo kung sino ang naging governor ng Pampanga dito sa ating grupo? Ayon! Governor Lito Lapid ng Pampanga. [palakpakan]
Sa Cavite naman po. Sino sa Cavite ang dito po sa grupo po natin ang naging gobernador ng Cavite? Napakalaking probinsya? Ha? Nagugulat ako at hindi ninyo alam. Si – ang naging gobernador ng lalawigan ng Cavite ay si Governor Bong Revilla. [palakpakan]
Mayroon din po tayong city mayor po na nandito na dumaan sa local government din.
Nandiyan po, nabanggit ko na po, nandiyan po ang ating kasama, si Mayor Benhur Abalos ng Mandaluyong.
[Crowd: Abalos! Abalos! Abalos! Abalos! Abalos! Abalos!]
Matagal po siyang mayor ng Mandaluyong at sa panahon po niya ay nakatanggap po siya ng maraming premyo at kinikilala po ang kanyang performance bilang mayor ng Mandaluyong hindi lamang po dito sa Pilipinas, kung hindi sa iba’t ibang bansa. ‘Yung mga international po na organization ay kinikilala ang performance – ang magandang performance ng ating butihing mayor, Mayor Benhur Abalos, noong siya’y mayor ng Mandaluyong.
[Crowd: Abalos! Abalos! Abalos! Abalos! Abalos! Abalos!]
Ito naman eh kakaunti lang siguro ang nakakaalala nito na dito sa kasamahan natin naging mayor din ng Lungsod ng Tagaytay. Sino po? Alam niyo po ba? Ang naging mayor po minsan dito sa grupo natin ng Lungsod ng Tagaytay was Mayor Tol Tolentino po. [palakpakan]
At mayroon pa pong isa tayong naging mayor – mayor pa rin nang kalaki-laking – kalaki-laking lungsod. Pinaka… Alam niyo po ba kung alin ang pinakamayaman na lungsod dito sa Pilipinas?
Hindi po Malolos. Malolos susunod pa lang. Pero ‘yung number one po, pinakamayaman na lungsod dito sa Pilipinas ay ang Makati po dahil nandoon po lahat ang mga malalaking negosyo, ang mga malalaking korporasyon.
Kaya po ‘yung iba – kasama na rin po siguro ako doon ay iniisip namin napakadali naman ng trabaho ng mayor ng Makati dahil marami siyang pondo. Ano kayang gagawin ng mayor na para sa – para magamit ng maganda ‘yung pondong nakukuha nila? Pinagmamasdan po natin at nakita na po natin ang umupo na mayor at nakaupong mayor ngayon ng Lungsod ng Makati, the mayor of Makati City, Mayor Abby Binay. [palakpakan]
At noong tinitingnan po natin, ano ‘yung – ano nga ang ginawa niya doon sa napakalaking pondong hawak niya? Baka magka – kung ano-ano eh mawawaldas lang ‘yan sa walang kuwentang paggastos. Hindi po ganoon ang nangyari. Ang ginawa po niya dahil may hawak siyang pondo ay binigyan niya ng benepisyo – libre ang lahat ng benepisyo sa Makati para sa matatanda, para sa mga may sakit, para sa mga bata, para sa mga PWD. ‘Yan po ang ginawa ng ating butihing mayor, Mayor Abby Binay ng Makati. [hiyawan]
At ‘wag po natin makakalimutan na si Tito Sen… Ang tawag po namin sa kanya Tito Sen eh. Si Senator Tito Sotto ay siya’y naging vice mayor din. Hindi niyo po siguro maalala pero siya’y naging vice mayor din ng Quezon City.
At kung titingnan po natin ay hati din. Nahahati din ang ating mga kandidato ‘pag pinag-uusapan ay ang lalaki at ang mga kababaihan. Eh masasabi naman natin po na dito po sa linya natin, mayroon po tayong mga tinatawag namin na “the fighting women of Alyansa.”
Nandiyan po si Senator Cayetano. Nandiyan po si Senator Binay. Nandiyan po si Senator Villar. Nandiyan po silang lahat na titiyak na may malakas na boses ang kababaihan sa Senado at maaasahan na sila ang magtatanggol ng karapatan ng kababaihan dito sa Pilipinas.
Dahil po ang trabaho ng mga lehislatura ay magsulat ng batas, eh kailangan po maganda ang – nakakaunawa po na marunong sumulat dahil kung hindi po maganda ang pagkasulat, hindi po natatamo kung ano ba ‘yung pinapangarap ng ating mga kababayan.
Kaya naman nandito naman tayo apat din ang abogado po na nandito: Atty. Abalos, Atty. Binay, Atty. Cayetano.
At hindi lang po ito – lahat sila ay galing Maynila, hindi po. Ay alam niyo naman po ang ating champ si Manny Pacquiao ay tiga-Bukidnon, Sarangani, at GenSan.
Si Erwin Tulfo lumaki sa Davao Oriental at sa Sulu. Mga probinsya kung saan nadestino ang kanyang ama na naging bayani ng ating bansa.
At ang unang Vicente Sotto – baka hindi ninyo po alam ‘to, na bago kay Senator Tito Sotto nagkaroon na po ng Senator Sotto. At ang unang Senator Sotto ay galing naman po sa Cebu.
Tapos po si Camille Villar galing po ang kanyang mga ninuno ay nanggaling po sa Iloilo. Kaya po ay makikita po ninyo alam po nila – sila ay nakakaunawa sa – naranasan po nila ang buhay sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa ng sa gayon ay sila ay nakakaunawa sa mga problema at nakakausap nila kayo, ang taong-bayan sa kung ano ang pangangailangan, kung ano ang kailangang gawin. At ‘yan ang kanilang gagawin kapag umupo na sila sa Senado.
Kaya naman po malinaw ang direksyon ng Alyansa. Ang direksyon po ng Alyansa ay upang tumulong, pagandahin, at ipagkaisa ang Pilipinas.
Dahil po nauunawaan po nating lahat na kung tayo po ay mag-uunlad, kung pauunlarin natin ang ating lipunan, kung pagagandahin natin ang buhay ng bawat Pilipino, kung pagagandahin natin ang Pilipinas, kailangan po sabay-sabay po tayong nagtatrabaho, sabay-sabay po tayong nagsasakripisyo, sabay-sabay po tayong nagtutulungan.
At ‘yan lang ay mangyayari pagka nagkakaisa ang sambayanang Pilipino. Iyan po ang hangarin namin dito sa Alyansa.
Nauna na kami dahil po kung titingnan ninyo kadalasan po pagka makita ninyo ang mga kandidato pare-pareho po ang suot na t-shirt, pare-pareho ang kulay. Eh tingnan niyo po kami iba-iba ‘yung kulay.
Ngunit dahil eh iba’t ibang partido po na political party ang pinanggalingan ng ating mga kandidato. Ngunit ay sinabi nila ay kahit na iba’t ibang partido, pare-pareho po ang layunin nila na tulungan ang mga Pilipino, na pagandahin ang Pilipinas.
Kaya naman po naisantabi na muna ang mga sinasabi na political concerns para naman sila ay makatulong at magsama para sila ay makapaggawa ng lahat ng kailangang gawin upang pagandahin po ang buhay ng Pilipinas, pagandahin po ang ekonomiya, magdala po ng peace and order, magkaroon po ng malalaking imprastraktura, pababain ang presyo ng mga bilihin. Iyan po ang ating mga hangarin kaya po kami po ay nagkaisa.
Kaya naman po ay nandito po ako na ikampanya ko po sila na sinasabi ko ako po ay nakakatiyak na pagdating – limang gising na lang – pagdating ng Lunes, huwag niyo pong kakalimutan na ang halalang ito ay hindi lamang sa pagpili ng ating mga magiging senador. Ang halalang ito ay magbibigay ng gabay sa ating pamahalaan, sa ating lipunan kung ano ang tutunguhan ng ating minamahal na Pilipinas.
Kaya po ako’y nakaka – ako po malakas po ang loob ko na magsabi para po mangyari, upang po magka kapayapaan dito sa Pilipinas, upang maging makatarungan ang Pilipinas, upang mag-unlad ang Pilipinas, huwag po kayong magdalawang-isip pa, pagdating po ng Lunes, pag-upo po ninyo, pagpirma po ninyo ng balota, Alyansa Straight, Alyansa All the Way!
Mabuhay ang Alyansa sa Bagong Pilipinas!
Mabuhay ang Malolos!
Mabuhay ang Bulacan!
Mabuhay ang Bagong Pilipinas!
Maraming salamat po! [palakpakan]
— END —