Speech

Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) Payout sa Laoag City, Ilocos Norte


Event Distribution of Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) in Laoag City
Location Centennial Arena sa Laoag City, Ilocos Norte

Diyos ti agngina (Thank you).

Diputado tayo ti primera distrito ti Ilocos Norte. (Representative of the First District of Ilocos Norte)

Naninibago pa rin ako na binabati ko ‘yung aking anak pero kailangan batiin dahil congressman na. Kaya’t Diyos ti agngina sa pagpakilala. Thank you for that introduction. To Governor Matt Manotoc; our Vice Governor, Vice Governor Cecile; ti bokales tayo at mayores tayo; at pinakaimportante, pinakamahalaga ito po, ti lima nga ribo (5,000) nga benepisyaryo para sa AKAP na payout na ating ginagawa kasama po ito.

Alam niyo po kaya namin ginagawa ito at ginawa namin dito sa Ilocos Norte, ginagawa po natin ito dahil kinikilala ng inyong national government na sa nakaraang anim na buwan ay marami pong nangyari sa ekonomiya natin, dumaan po tayo sa El Niño at ang dami — nagtataasan ang presyo. Lahat po ‘yan ang naging dahilan ay talagang magulo ang mundo ngayon. Kaya’t hindi natin malaman kung ano ang susunod na krisis na dadating at babaguhin na naman lahat.

Kaya’t nandito naman ang inyong pamahalaan. We are here to continue to support and bring whatever help we can, kung anuman ang maitulong namin para sa mga nangangailangan. At ito kaya po kayong mga benepisyaryo at alam po namin na napakahirap ang inyong dinadaanan.

Kaya’t ay sa palagay ko eh kahit papaano ang ating gobyerno ay nagsama-sama lahat. Marami pong ganyan, may AKAP payout, DSWD ito. Ngunit mayroon pong ibang mga benepisyo na manggagaling sa mga iba’t ibang ahensya, iba’t ibang departamento ng ating pamahalaan.

At ‘yan po ang patuloy na aming pag-monitor sa kung papaano na ang pangangailangan kung gumaganda ba ang sitwasyon o nagiging mas malala. Kaya’t lagi… Basta’t asahan po ninyo na nandito ang inyong national government, nandito ang provincial government, nandiyan po ang ating mga diputado, both in the first district and in the second district, na tumutulong lahat.

Ito nagagawa po namin ito dahil lahat po ng ahensya ng pamahalaan, lahat pati LGU, mga agencies sa mga department, mga agency ng government ay pinagkaisa namin lahat at sinabi naming kailangan lahat ay magtulungan at matulungan natin ‘yung tao. Itong mga kahirapan na dinadaanan natin ngayon ay makabawi naman tayo.

At sana naman pagdating ng Pasko ay mararamdaman na natin na gumaganda na. Hangga’t maaari ‘yun ay tayo ay nandito upang tuloy-tuloy na tumulong.

Tinapat na rin namin ang sa ating pag-celebrate ngayong araw, September 11, ang birthday, ang 107th birthday ng ating dating pangulo, ang aking ama, President Ferdinand Edralin Marcos na ngayon may senior na sa pangalan niya.

So, I’m very happy na nakapag — nagselebrar tayo nga birthday, ti panagkasangay ti ama (ang kaarawan ng aking ama).

And that is why we are here today. This is the way that we celebrate because ‘pag iniisip po namin kung buhay pa ang President Marcos Sr. kung buhay pa, ano ‘yung gagawin niya sa birthday niya? Alam ko na, alam naman ninyo pagka noong siya ay buhay pa, basta’t birthday niya, nandito siya at siya ay tumutulong at ulit tinitingnan kung kumusta na ang kanyang province.

Kaya’t naman ako’y gumaya sa kanya. Birthday ngayon niya, susunod ang birthday ko ng a-trece, ay iniisip ko susundin ko lang ang halimbawa ng aking ama at babalik ako sa Ilocos Norte makita naman kung kumusta na ang probinsya na aking inalagaan ng siyam na taon at mabuti naman it looks like the province is in good hands.

So, sana naman itong AKAP na payout na ginawa natin ay makatulong. At ito po ay nilakad po ng inyong mga liderato at si Governor at saka si Cong. Sandro ay — at saka si Vice Gov. ay lagi akong kinukulit. Kaya’t mahusay itong mga representante ninyo dahil hindi ako pinababayaan hanggang makatanggap ng approval. Laging may dalang folder ‘yan. Laging — pupunta sa bahay, makikikain muna tapos saka magpapapirma ng kung ano-anong folder. Kaya’t nalaing dayta nga diputado tayo (magaling ‘yang ating diputado).

And so, ladies and gentlemen, thank you for joining us in this celebration. I hope that — I hope na — sana naman itong kaunting tulong na ibinigay namin ay makapag-celebrate din kayo sa birthday namin ng aking ama. Thank you very much. Diyos ti agngina kadakayo amin apo. [applause]

— END —