Oh nakita ninyo, ang gagaling nitong mga pala ko eh. Ang lalakas ng boses. Naku, pasko na nga at nandito na naman tayo sa ating maligayang pasko na selebrasyon. Eh alam naman natin na ang pasko ay ang katunayan niyan ay talaga para sa mga bata.
Kaya’t alam ko, naramdaman ko na kaagad ‘yung pasko dahil andito na naman ang maiingay, ang malilikot, at makukulit na mga bata na kumakanta nang malakas na Christmas carol.
[cheers and applause]
Welcome back sa Malacañang!
At alam niyo naman, basta’t ‘pag pasko ito’y ino-open house namin dahil ganiyan talaga ang naging tradisyon sa pamilya namin, Pamilya Marcos, noong bata pa ako at dito pa kami nakatira. Basta’t pasko mayroon kaming handa para sa ating mga maliliit na inaalagaan kaya nandito po tayo ulit.
At alalahanin ninyo, itong ating pagsasaya dito ay hindi lamang dito sa Palasyo kundi sa iba’t -ibang lugar sa buong Pilipinas. At dahil, kagaya nga ng sabi ko, ang pasko naman ay para sa mga kabataan kaya’t tinitiyak natin na kahit sino at napadpad sa malalayo, sa kanilang pamilya, sa kanilang mga mahal sa buhay ay kahit papaano ay mayroon din silang pasko.
Kaya’t, maraming, maraming salamat. Lahat ng mga staff, lahat ng mga tumulong sa atin, siyempre led by DSWD ito. Pero — kaya nga hindi maliit na selebrasyon ito, hindi maliit na preparasyon ito dahil nga hindi lamang dito kundi sa buong Pilipinas. Kaya’t gawin natin ang lahat — nahirapan tayo nitong nakaraang taon, at tinamaan tayo ng kung ano. Nag-umpisa sa El Niña — La Niña, nag tagtuyot ang ating agrikultura tapos sinundan naman ng mga — ng ano — una, ‘yung El Niño, sinundan naman ng La Niña na puro bagyo naman.
Kaya’t sana naman ay mag-Merry Christmas lang tayo. Kasi’t tayo’y nabigyan ng kaunting oras, kaunting pagkakataon na makasama ang ating mga mahal sa buhay. Nakapag-celebrate nang kaunti, magsaya nang kaunti, at kumain ng masyadong maraming lechon at saka mga hamon. Iyan ang pasko para sa Pilipino. At ang Pilipino ay talaga naman pagka pinagdiriwang ang pasko, naiba ang selebrasyon ng pasko ng Pilipino. Kaya’t ipagpatuloy natin ang tradisyon na ‘yan.
At, sa inyong lahat, Maligayang Pasko at Manigong Bagong taon.[cheers]
— END —