Speech

Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa Inagurasyon ng Malitubog-Maridagao Irrigation Project Stage II


Event Inauguration of the Malitubog-Maridagao Irrigation Project Stage II
Location Barangay Bagoinged, Pikit, Cotabato

Thank you to the Interior and Local Government Secretary, Secretary Benhur Abalos [Jr.]

[Please, take your seats.]

For your kind introduction.

The DBM Secretary, Secretary Amenah Pangandaman; the Special Assistant to the President, Anton Lagdameo Jr.; the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity, Secretary Charlie Galvez; the Province of Cotabato Governor, our good friend from younger days, Lala Taliño-Mendoza; [applause] kasama din natin ang Bangsamoro Autonomous Region [in] Muslim Mindanao, Chief Minister Ahod Ebrahim; [applause] Pikit Municipal Mayor Sumulong K. Sultan; ang gumawa at nag-tapos nitong proyektong ito, ang ating Administrator ng NIA, Administrator Eddie Guillen; [applause] fellow workers in government; mahal kong mga kababayan; ladies and gentlemen; our representatives of the province of Cotabato; ladies and gentlemen, good afternoon!

Ako po ay nagagalak na makibahagi sa inagurasyon ng Malitubog-Maridagao Irrigation Project Stage II, o MMIP II.

Dahil magbibigay ito ng patubig sa halos sampung libong ektarya ng lupa na ang area na ‘yan ay mas malaki pa higit nang dalawang beses ang buong Lungsod ng Maynila. Ang MMIP ay pwede rin tawagin Mas Malaking Irrigation Project.

At hindi lang mas malaki, mas maganda pa. [applause]

At kung dami naman ang benepisaryo ng susumahin, higit sa apat na libong magsasaka ang makikinabang nito.

Ani nila ay sasagana. Buhay nila ay gaganda. Nandiyan ‘yung ang iba sa ating mga representative na mga farmer leader. Ito po ay para sa inyo. [applause]

Yan ang ginhawa na dala ng patubig.

Kaya naman ang kanal ng MMIP II ay di lang agusan ng tubig, hindi lang daluyan ng buhay, at bukal ng pag-asa ng ating lahi.

Without water, there are no farms. Without farms, there are no food. No food, no life.

Therefore, water is life.

With this comes another fundamental truth, Without water security, we cannot have food security.

Ang tubig ng irigasyon na ito ay hindi lang bubuhay sa ating pananim.

Ito rin ang didilig sa kapayapaan na ating binubuhay, sa demokrasyang ating pinapalago.

Ang patubig na ito ay hindi lang magpapalaki ng ani ng palay, mais at gulay. Ito rin ay inaasahang magbubunga ng matamis na pag-unlad, at matitikman— na matitikman ng lahat.

With this irrigation project, the land will become a fertile field of grain.

It will bring many bountiful harvests, nourish many families and ensure their children will get their fair share of progress.

It will put food on their plates, so that people may share their blessings at the table of peace.

This irrigation would water not only the crops that we grow, but the peace that we want to take root in this land.

Because peace and freedom must be tended and watered as well.

Only then can we be assured that it will flourish and bear fruit for all.

So it is not only [an] agricultural project. It is a major infrastructure for peace and development as well.

Kaya saludo po ako sa lahat ng mga nagsikap upang agad na mabuksan at mapakinabangan ng ating mga kababayan ang MMIP II. [applause]

Nagpapasalamat ako sa NIA at sa suporta ng ating local government na— at ang ating uniformed personnel na talagang nagkaisa at sama-sama ay ginawa itong proyektong ito at ‘yan po ang aming tinatawag na whole-of-government approach.

Ibig sabihin, hindi lamang isang ahensya ng pamahalaan ang magtatrabaho sa isang project, lahat ng kailangan na departamento man o ahensya ng gobyerno… lahat ng— kung kanino tayo nangangailangan ng tulong, sila ay kasama sa project. Kaya’t buong gobyerno po ang nagsikap upang ito ay mabuo.

At ang tagumpay na ito ay nagpapatunay sa determinasyon ng inyong pamahalaan upang tulungan ang ating mga magsasaka at palakasin ang ating sektor ng agrikultura.

Meron lang po akong habilin.

Ang proyektong ito ay mula sa taumbayan, tungo sa taumbayan, kaya dapat pangalagaan din ng taumbayan.

As a people-owned infrastructure, you must take care of this very valuable project that we are inaugurating today.

Mahalin, ingatan, pangalagaan, magbigayan, at huwag abusuhin.

Patakbuhin nang mabuti upang mapakinabangan ng mga darating pa na mga salinlahi.

Hindi po tayo ang nagmamay-ari ng proyektong ito, bagkus, tayo po ay tagapangalaga lamang nito para sa mga susunod na henerasyon.

Kaya tiwala ako na ang seryoso ninyong gagampanan ang inyong responsibilad sa pagmimintina— pagme-maintain nito, ng pasilidad na ating ginawa ngayon.

Buo ang aking tiwala sa ating mga irrigators’ association at ng mga— dahil ito ay isang magandang halimbawa ng tinatawag ng democracy in action, na itataguyod ang interes ng nakakarami.

Sa puntong ito, hayaan ninyong mag-gawad ako ng panata.

Hindi lang po irigasyon ang dadaloy sa inyong lupain.

Marami pang proyektong pang-agrikultura ang darating. [applause]

Marami pa pong serbisyo ang ilalaan upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan, lalo na ang mga nasa BARMM. [applause]

Ginagarantiya ko sa inyo na ang Build Better More na programa natin, ay hindi lang pangkalunsuran, ito ay pangkanayunan, at pangkalahatan.

Sapagkat saan man kayo sa bansang ito, kasama kayo sa pag-unlad na minimithi natin sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

Muli, maraming salamat sa lahat ng tumulong at nagkaisa upang matapos itong proyektong ito.

Congratulations sa inyong lahat. At sana makikita natin ang magandang bunga nitong proyektong patubig na ating binubuksan ngayon.

Maraming salamat.

Mabuhay ang Cotabato! [applause]

Mabuhay ang Mindanao! [applause]

Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [applause]

—END—