Magandang tanghali po sa inyong lahat. Maraming-maraming salamat.
Mabuti naman at kayo’y nakarating dito sa aming ginagawa. Ito po ay ginagawa po namin—mayroon tayong kasama natin dito job fair. Mayroon tayong Kadiwa sa labas. Mayroon po tayong – ngayon, dinagdagan po natin ng medical mission.
Nandito lang po ako para tiyakin na maganda at maayos ang pagbigay ng mga benepisyo galing sa DSWD, ang TUPAD naman na galing sa DOLE, pati na ang pagbibigay ng trabaho.
Alam niyo po ay napakaimportante na makapag-matching ng trabaho. Ano ‘yung kakayahan ng isang nais magtrabaho ay kailangan makahanap siya ng trabaho na bagay sa kanya. Kaya’t ‘yan po ang trabaho ngayon sa job fair para naman ay lahat ng ating mga – lahat ng ating mga kababayan ay makahanap ng magandang trabaho. Hindi po ‘yung mga trabaho na dalawa, tatlong araw tapos nawala na. Kailangan ang hinahanap natin ‘yung trabaho na tatagal, ‘yung makakapagbigay talaga ng magandang hanapbuhay sa bawat mga – sa lahat ng ating manggagawa para naman sila ay makapagbigay ng kaunting ginhawa sa kanilang sarili at sa kanilang mga pamilya, at sa kanilang komunidad. Kaya po namin ito ginagawa.
Kaya’t nandito po mayroon akong nakikitang t-shirt “HOTS” ang nakalagay. Hindi po ibig sabihin hot sila. Ibig sabihin po hired on the spot sila. [palakpakan] Kaya ‘yan po nandiyan na sila.
Kaya’t ipagpatuloy po natin… Ayan! Ayan! Ayan ‘yung mga… Ayan ‘yung mga hired on the spot natin. Kaya’t malaking pagkakataon po ito na dinadala namin sa taong-bayan para naman magkaroon ng magandang trabaho ang ating mga – ang hindi pa nakakahanap ng trabaho.
Mayroon din tayong medical mission. Nakapagkonsulta na sila sa 600 – halos 600 plus na pasyente at patuloy ‘yan dahil sa medical services. Alam naman po natin na napakahalaga para sa atin na ang ating kalusugan ay ligtas sa kahit na anong sakit at ligtas sa kung ano-anomang karamdaman.
Kaya po ‘yung ating medical mission pasalamatan po natin ‘yung mga Bicol Medical Center. Sila po ang nagma-man nung ating medical mission ngayon. [palakpakan] Maraming salamat sa inyong pagsama sa amin dito.
Kaya naman po iyon lang naman po at ito ay patuloy. Hindi lang po namin ginawa ito dito sa inyo, kung hindi ginagawa po namin ito sa buong Pilipinas. At nataon lang at nandito tayo ngayon at mayroon tayong kaunting rally na pupuntahan. Kaya’t sinasabay na rin namin lahat po ng mga serbisyong ito na ibinibigay para sa taong-bayan dahil po alam niyo naman po maraming nangangailangan ngayon. Medyo magulo ang mundo ngayon. Maraming nagbabago na kailangan nating pag-aralan at kailangan nating bigyan ng solusyon.
Kaya naman po ay ang una naming tinitingnan kung ano ang pinakamagandang serbisyo na maibigay namin sa tao. At sa aming palagay, ito na po ang pinakamahalaga sa bawat isa sa atin na tayo ay maganda — ‘yung ating kalusugan na mabuti, tayo’y malalakas, hindi tayo – wala tayong sakit. Mayroon tayong trabaho para mayroon tayong magandang hanapbuhay. Mayroon tayong mabilhan ng mga pangangailangan na hindi – na medyo nakakamura nang kaunti, hindi kasing mahal doon sa ibang lugar.
Kaya’t ito po ang ating ginagawa. Kaya’t sana po ay kayong lahat ‘yung mga nag-a-apply ng trabaho sana kayong lahat ay makahanap ng magandang trabaho at maipagpatuloy ninyo ang inyong pagpaganda ng buhay ng inyong mga pamilya at ng inyong komunidad.
Kaya’t nagpapasalamat ako sa lahat ng nakilahok dito na tumutulong sa pamahalaan dahil hindi lang po pamahalaan ang gumagawa nito, hindi lang gobyerno po ang gumagawa nito.
Marami po tayong mga participant dito galing sa mga private na korporasyon. Sila po ay naghahanap din ng manggagawa, at ‘yung matching na na ating ginawa. Maraming salamat sa inyo sa inyong pakikilahok dito sa aming ginagawa na job fair.
At lahat po ng ating tatanggap ng benepisyo sa 4Ps – na mga 4Ps ay sana po ito’y makatulong sa inyo para mabigyan naman kayo ng kahit papaano, mabigyan po kayo ng kaunting ginhawa.
‘Yun lang naman po. Maayos naman po. Maraming, maraming salamat sa napakainit niyong salubong.
Good luck po sa inyong lahat!
Marami pong salamat! [palakpakan]
— END —