Speech

Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas sa Rizal


Event Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas sa Rizal
Location Antipolo Sports Hub, Lungsod ng Antipolo, Probinsya ng Rizal

Maraming, maraming salamat, Secretary Benny Laguesma ng DOLE. [Please, magsiupo po tayo.]

Nakakatuwa po na makita ko kayong lahat na nandito na nakapag-attend nitong aming ginagawa na tinatawag na job fair.

Tawag namin ‘yan ay job fair. Ngunit ang katotohanan hindi lamang trabaho ang dinadala, lalo na ng DOLE pati DSWD, pati ‘yung mga iba’t ibang ahensya.

Dahil po kung – baka narinig po ninyo sa administrasyon pong ito kinikilala namin na ‘yung mga problema ng ating mga kababayan – ‘yung pangkaraniwan na problema ng ating mga kababayan ay kadalasan kapag marami na ay hindi naman malulutas ng isang ahensya lamang.

Kaya po lahat po ng departamento, lahat po ng ahensya ay sinasama po namin sa lahat ng mga programa na ganito. Kagaya po dito kung titingnan niyo po doon po sa labas mayroon ‘yung galing sa DOLE na binibigyan dahil po – eh ‘yung TUPAD para ‘yun po ‘yung mga nawalan ng trabaho kaya’t nagbibigay nung TUPAD.

At binibigyan pati ng suporta sa equipment, sa training, at kahit sa – mabigyan ng kaunting puhunan para makapag-start po ng kanilang mga bagong negosyo kahit na maliliit lamang.

Eh pinag-uusapan po natin dati lagi natin sinasabi ang medium- and small-scale enterprises. Ngayon napunta na po tayo sa micro enterprise, nano enterprise ang tawag din.

Ang ibig sabihin nun ‘yung kahit isang tao lamang na nagtatrabaho, nagnenegosyo – shoeshine boy, nano enterprise na ‘yun.

Iyong maliliit na garahe, nag-aayos ng kotse, ‘yung naggugupit, ‘yung nagtatahi, micro enterprise na ‘yun ang tawag natin ngayon. Kaya’t ‘yun pati hanggang dun sa level na ‘yun ay tinutulungan po natin.

Iyan po ang dala po ng DOLE. At sinabay na rin namin ‘yung PhilHealth dinala namin dito. Alam niyo po maraming nag-aalala dahil sinasabi wala ng pondo ang PhilHealth para tulungan ang mga may sakit sa atin. Ay hindi po totoo ‘yun.

Kung mararamdaman po ninyo, mula noong nakaraang isang taon, imbes na mabawasan ang mga serbisyo at ipambabayad ng insurance ng PhilHealth, ito po ay dumami pa. Mas lumaki ang pambayad sa insurance, mas marami pa ang serbisyo na ibinibigay ng PhilHealth.

Napakahalaga po niyan dahil po alam naman po natin, lalong-lalo na sa mga nagtatrabaho sa mga – na mga manggagawa eh bawal magkasakit.

At hindi lang sa dahil mawawalan ka ng income, ng kita mo dahil nawala ka sa trabaho ay napakamahal kung minsan magpagamot. Kaya’t nandiyan po ang PhilHealth at nandiyan po sila upang tanggapin lahat po ng impormasyon ninyo at ilalagay po nila sa kanilang data center at makakapagbigay po sila ng PhilHealth na ID.

Kasama na po diyan ang mga nagpapatingin. ‘Yung mga iba po na may karamdaman o nangangailangan ng gamot, nandito po sila.

Bukod pa roon, sa DSWD naman, ‘yung ating – ‘yung mga iba po na nandito ay sila po ay ‘yung tinatawag namin na graduate na sa 4Ps dahil ang kalagayan nila sa buhay nila ay gumanda na. Kaya’t hindi na sila nangangailangan nung dati ng ibinibigay na tulong ng pamahalaan. Kaya’t sila’y tawag nga namin ay graduate na.

At hindi lang… Pero pagka nag-graduate na sila, hindi ibig sabihin basta’t pababayaan na lang po natin. Patuloy pa rin ang suporta ng DSWD sa anim na buwan. ‘Yung anim na buwan binibigyan sila ng assistance. Kung minsan cash, kung minsan ibang klaseng pag – assistance upang matiyak doon sa anim na buwan na na sila ay nakapag-graduate sa 4Ps ay sila naman ay may kakayahan makapagsimula o ipagpatuloy ang kanilang bagong hanapbuhay. ‘Yan po ang – kaya nandito po silang lahat.

At magpapasalamat po ako sa mga – sa D – dito po sa medical mission ay marami – puro volunteer po ‘yan: mga pharmacist natin, mga nurse natin, mga doktor natin. Puro volunteer po sila at sila ay nagmamagandang-loob na pumunta po rito upang tulungan ang ating mga kababayan.

At magpapasalamat din ako sa mga employer. At dahil ‘yung mga employer po ay pinag-usap – kinausap namin na makapunta rito upang ‘yung mga nag-a-apply sa iba’t ibang klaseng trabaho ay mabigyan naman ng pagkakataon.

At ngayon po, dito po sa Antipolo, nakikita po natin, ilan na po? O, alam niyo po kung titingnan niyo po, mayroon po ‘yung mga iba rito, ang suot nilang t-shirt, “HOTS”.

Hindi po ibig sabihin mainit na ang panahon. “HOTS” daw, ang ibig sabihin, hired-on-the-spot. Ibig sabihin, noong sila ay nag-apply doon ay sila’y kinuha na, ngayon, may puwesto na silang maganda.

Kaya po ‘yan po ang patuloy naming ginagawa. At hindi lang po namin ginagawa rito sa Rizal, kundi sa lahat ng iba’t ibang lugar sa buong Pilipinas.

Kaya po nandito ang ating mga Kalihim, nandito po ang mga head of agency natin, nandito ang mga RD natin, ang mga regional directors sa iba’t ibang departamento upang tuluyang tumulong sa ating mga kababayan.

At magpapasalamat din ako siyempre sa local government. Kung hindi naman maganda ang ugnayan ng local government at saka national government, hindi po ganito ang magiging programa natin. Hindi kasing ganda nito at mabuti naman eh very accommodating at very cooperative po ang ating mga local government officials – si Cong. Jun at saka si Gov. [palakpakan]

Kaya’t ang sadya ko lang naman po rito ay tinitingnan ko lahat po ng ganito. ‘Yung iba po hangga’t maaari ay pinupuntahan ko upang makita ko na maganda naman ang takbo at mukha naman dahil nakailan na tayong ganito.

Eh mukha namang alam na, maganda na ang takbo ng sistema at nakikita natin ‘yung mga nakakarating po dito ay kahit papaano ay natutulungan ng ating pamahalaan na national government, natutulungan ng local government, natutulungan ng mga NGO, ng ating mga volunteer.

‘Yan po ang aming serbisyo na ibinibigay at ito po ay panibagong sistema dahil sa ating pakikinig sa ating – sa taong-bayan kung ano ang pangangailangan ng pangkaraniwang mamamayang Pilipino dahil ‘yun po ang aming sineserbisyo, ‘yun po ang aming inaalala, ‘yun po ang aming inaalagaan.

Asahan po ninyo, kahit ano pang mangyari, asahan po ninyo, nandito po kami. Nandito po… Kung mayroon po kayong pangangailangan, nandiyan ang mga national government agency, nandiyan ang ating mga local government, nandiyan po lahat pati ‘yung mga volunteer. Magsabi lang po kayo. Basta’t alam namin, basta’t kaya namin maibigay sa inyo, asahan niyo, ibibigay namin sa inyo. [palakpakan]

Mabuti naman… Kaya naman… Mabuti na lang at ay ‘yung ating mga kasama rito ay napakasipag. At alam niyo po itong ating mga department secretary, mga Cabinet secretary, masasabi ko sa inyo na kahit anong oras ko pong tawagan ay sinasagot ang tawag ko. Kahit alas tres y medya ng umaga. Kaya’t pare-pareho na kaming hindi natutulog. Hindi bale basta’t maserbisyuhan kayo nang mabuti. Nandito po kami, asahan po ninyo.

Maraming, maraming salamat po.

Mabuhay po kayo. [palakpakan]

— END —