Sa ating mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na narito ngayon, lubos akong nagagalak na makasama kayo at nais ko kayong batiin sa inyong nalalapit na pagtatapos sa 4Ps.
Ito ay inyong tagumpay—simbolo ng inyong pagsisikap, pagtitiyaga, at determinasyong tumayo sa sarili ninyong mga paa.
Nilalayon naming mas dumami pa ang ating mga kababayang may kakayahang tugunan ang kanilang sariling mga pangangailangan.
Dahil ibig sabihin nito ay higit na marami pa ang mag-aambag sa pagpapaunlad ng ating bansa.
[Kaya narito ngayon kasama natin ang mga ibang secretary. Secretary Rex Gatchalian of DSWD; Secretary Benny Laguesma of DOLE; and DA pinaka importante ngayon, DA, si Secretary Kiko Laurel. Lahat kami ay nandito para tumulong sa inyo.]
Ang hangad namin sa inyo, gaya ng lagi nating sinasabi: Walang maiiwan at walang mapag-iiwanan sa Bagong Pilipinas na ating itinatatag.
Maraming salamat at mabuhay tayong lahat.
Mabuhay ang Bagong Pilipinas.
—END—