Thank you, Secretary Anton Lagdameo.
The other Cabinet members here – [Please take your seats.] the other Cabinet members here present; Philippine Charity Sweepstakes Office Chairman Felix Reyes; Philippine Charity Sweepstakes GM Mel Robles; Misamis Oriental Governor Peter Unabia; Cagayan de Oro City Mayor Klarex Uy; other – the governors of Bukidnon are also here and Misamis Occidental are here. Today we just finished our discussions with the RDC 10th, Region X, kaya’t nandito ang ating mga iba’t ibang gobernador. My fellow workers in government; distinguished guests; ladies and gentlemen.
Maayong adlaw sa inyong tanan! (Magandang araw sa inyong lahat!)
Maraming salamat sa lahat ng mga mamamayan ng Cagayan de Oro sa mainit na pagtanggap ninyo sa amin.
Ikinagagalak kong makasama kayo ngayong araw para sa isang napakahalagang layunin—ang paghahatid sa inyo, kasama na ang mga kababayan natin sa Hilagang Mindanao at BARMM, ng mga tinatawag nating Patient Transport Vehicles o PTVs.
Bilang dating opisyal ng lokal na pamahalaan, alam ko naman kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng sasakyan na magagamit tuwing may mga kababayan tayong kailangan madala sa pagamutan.
Batid naman nating lahat na kapag kalusugan ang pinag-uusapan, ang bawat segundo ay mahalaga.
Kaya ang tunay na hamon dito ay kung papaano tayo makarating kaagad sa ospital o kung anong health facility.
Itong mga PTVs na ito ay makakatulong sa ligtas at maayos na pagdadala sa ating mga kababayang nangangailangan ng medikal na atensyon.
Alam po ninyo, sinadya ang disenyo ng mga sasakyang ito upang makarating kahit sa makikitid na daan at malalayong lugar.
Ito’y naging leksyon na natutunan namin sa Ilocos Norte dahil nangyari sa amin, mayroong nag-donate galing sa Amerika, ‘yung nakikita natin sa sine, ‘yung sa television, ‘yung malalaki talaga na ambulance na kumpletong-kumpleto. Kahit dalawa pa ang pasyente puwedeng isakay.
Mayroon kaming dalawang ganoon. Number one, ‘yun na nga, hindi makapasok sa maliliit na daan. Pangalawa, ‘pag nasira, walang marunong mag-ayos; pangalawa, walang piyesa.
Kaya’t noong mag-order kami nitong mga sasakyan, sinabi ko ‘yun ang naging problema namin. Kailangan ‘yung tinatawag na “appropriate technology”. Huwag na tayong kumuha ng pinakamalaki, pinakamaganda na ginagamit sa Amerika dahil malalapad ang kalsada sa Amerika, kaya’t hindi babagay dito sa atin. Tapos ‘yun na nga, ang hindi naman minsanan ito, kailangan – kailangan tumakbo ito nang taon-taon kaya’t kailangan… Madaling ayusin ito. Kahit saang mekaniko, kahit sa casa man o hindi at madaling makakuha ng piyesa.
Kaya’t naisip namin hindi na – hindi pala praktikal ang mga ganyang klaseng PTV lalo na’t nais natin na matulungan ang mga nangangailangan lalo na ‘yung mga nasa malalayo. Sila talaga ang nangangailangan nitong mga PTV na nito.
Kaya nakakatiyak ako na maraming matutulungan nitong ating PTV at itong Medical Transport Vehicle Donation Program ng PCSO.
Ang programa na ito ay sagot sa pangangailangan ng ating komunidad; katuparan ng ating pangako na makapag-abot ng maagap at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino—nasaan man sila. Ito po ay tugon ng pamahalaang handa, mabilis, at inyong maaasahan.
Mula noong Hunyo 2022, nakapagbigay na po tayo ng 570 PTVs sa mga lokal na pamahalaan, maliban pa sa NCR.
Noong nakaraang taon, nangako tayo na ang lahat ng lalawigan ng bansa ay makakatanggap ng PTVs. Simula noon, 291 PTVs ang naipamahagi natin.
Bilang patunay sa pagtupad ng pangakong ito, ngayong araw ay magkakaloob naman tayo ng 91 PTVs—85 para sa Northern Mindanao, anim para sa BARMM.
Sa 91 na ito ay 68 na beneficiaries ay first-timer. Iyong 91 na ipamimigay natin na transport vehicle ang makakatanggap – 68 sa mga makakatanggap ay hindi pa nagkaroon ng ambulansya, ng Patient Transport Vehicle sa kanilang kasaysayan. Kaya first time na sila ay magkakaroon ng ganito. [palakpakan]
Layunin ng PCSO na makapamahagi ng 985 PTVs upang matiyak na lahat ng munisipalidad sa bansa ay may sasakyang magagamit para sa pasyente.
Ngayong taon na ito, inaasahan namin at ako’y nakakasiguro na makakakumpleto na tayo, lahat ng ating munisipyo ng ating kabuuang bansa ay mabibigyan na – ilan ang LGU natin? 1,552. Ang naibigay na natin – naipamigay na natin… We have been able to give this year – this year lang ito: 567. Naipamigay na natin this year. [palakpakan]
Ang ibibigay ay nine hundred – ang ibibigay pa na tatapusin natin by the year 2025 ay 985 na dagdag. Lahat-lahat, 1,552 ang ipapamigay natin. Ang LGU natin 1,492. Kaya’t mayroon ng mga LGU na pangalawa na ang tatanggapin nila nitong taon na ito. [palakpakan]
Kapag nangyari ito, sa kauna-unahang pagkakataon, masasabi natin 100 percent coverage na lahat ng munisipalidad sa loob lamang ng tatlong taon. Ito’y para sa akin isang tagumpay na hindi pa nagagawa sa ating kasaysayan. [palakpakan]
Dahil… Ito’y talagang hihingi ako ng paumanhin niyo at medyo ipagmamayabang ko ito dahil napakahalaga para sa akin ‘yung health care dahil ito’y naging karanasan ko. Kung minsan nakakalimutan natin ang health care. Hindi tayo masyadong – hindi natin masyadong iniintindi. Siguro dahil dinivolve (devolve) ‘yung health care sa local government ay hindi naman talaga – hindi pa naman sanay ang mga local government na magpatakbo ng health care program, magpatakbo ng mga hospital system kaya medyo napabayaan.
Kaya naman kami sa national government, nakikita naman namin, nauunawaan naman namin ito. Kaya naman ginawa namin itong programang ito para at least para sa mga vehicle transpo – transport vehicles, hindi na ninyo kailangan mag-alala.
Kung maalala ninyo ‘pag humihingi dati tayo sa PCSO, kasama din ako, governor din ako eh. “Cry- cry” ang tawag namin eh. Cry-cry lang kami sa PCSO, “Pahingi naman ng ambulansya. Kulang kami sa ambulansya.” O kung hindi malakas ka kay presidente, malakas ka sa DOH, malakas ka kung kanino, mayroon kang matatanggap.
Ngayon, siguro kung malakas ka sa Presidente, eh baka mapabilis lang ng mga five days pero lahat makakatanggap kahit sino, kahit hindi natin… [palakpakan] Kahit sasabihin na – hindi ko man nakausap o hindi naman nakilala, hindi kahit na ano. Basta’t titiyakin natin lahat ng LGU – all of the 1,493 LGUs of the Philippines will receive at least one of these transport vehicles.
Dahil kapag kailangan ng Pilipino, nandito naman ang ating pamahalaan.
Ang aking hiling lang po sa ating mga lokal na pamahalaan ay mapangalagaan ninyo ang mga PTVs na ito.
Iyong mga nai-release na natin, ‘yung mga nauna, maganda pa rin ang takbo basta’t alagaan natin. Matitibay ito. Talagang ni-research namin nang mabuti kung alin ‘yung pinakamaganda at matitibay naman ito. Kagaya ng sabi ko kahit na halos lahat ng mekaniko kaya nilang ayusin ‘pag may nasiraan at madaling makahanap ng piyesa.
Sa aking mga kababayan dito sa Hilagang Mindanao at sa BARMM, alam ninyo kung paano nagkulang noon ang sistemang dapat sana ay naging sandigan ninyo sa mas maayos na buhay. Ngunit, ipinakita ninyo sa amin kung papaano bumangon. Kailanman, hindi kayo sumuko.
Ganyan din po ang pamahalaan sa inyo, hindi kami titigil sa pag-iisip ng ibang hakbangin upang magbigay ng serbisyong kinakailangan ninyo.
Kaya sa mga doktor, nurse, driver, rescuer, tanod, volunteer: Ito po ay para rin sa inyo. Kayo ang mga Bagong Pilipino na may disiplina, may kahusayan, at pagmamahal sa bayan.
Isa lang po itong patunay sa ating dedikasyon sa pagbabago ng ating bansa—para sa isang mas makatao, makatarungan, at mas inklusibong Bagong Pilipinas.
Nawa’y sa bawat paglakbay ng mga PTVs na ito, makapag-abot tayo ng pag-asa at tulong—anumang oras, saang sulok man ng bansa.
‘Yan ang ating pangako.
Daghang salamat.
Mabuhay ang Cagayan de Oro!
Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [palakpakan]
— END —