Maraming, maraming salamat sa ating butihing kalihim ng DSWD Secretary Rex Gatchalian. [Please, magsiupo po kayo.]
Magandang hapon po sa inyong lahat at ako’y natutuwa na kayong lahat ay nandito upang mabigyan namin ng kaunting suporta dito sa pamamagitan ng aming ginagawa dahil mayroon sa DSWD nagbibigay ng AICS, nagbibigay ng assistance po.
Kaya po ang ginagawa po namin ay unang-una, ang pagka-report sa akin ni Secretary Rex Gatchalian ay sabi sa akin ay magga-graduate ngayong hapon, ngayong araw na ito sa 4Ps ang magga-graduate ay 3,000 – mahigit kumulang 3,000 ang magga-graduate.
Ang ibig sabihin po nung napa-graduate ibig sabihin ‘yung dating tinuturing at kinakalkula namin, tinuturing nating mahirap at nangangailangan pa ng tulong sa DSWD ay sila po ay gumanda na ang kanilang sitwasyon na hindi na sila nangangailangan ng tulong sa DSWD.
Ngunit kailangan pa rin na magkaroon ng trabaho. Kailangan pa rin na kahit na – eh para mas pagandahin pa ang kanilang kabuhayan ay kailangan po makahanap po ng magandang trabaho. Kaya po mayroon din tayong job fair na tinatawag na Trabaho Para sa Bagong Pilipinas. Ito po ay pinagma-matching po natin, pinagma-match po natin lahat ng mga aplikante doon sa mga trabaho na bagay sa kanila, na bagay sa kanilang kakayahan.
At iyan po ay iniinspeksyon lang po naming. Nandiyan din po ang iba’t ibang ahensya para ‘yung mga clearance na kailangan para makapag-apply nang mabuti o para makapagkuha ng trabaho ay nandiyan po lahat upang – eh ‘yung tinatawag nga lagi po nating naririnig eh ginagawa, ipinapatupad po natin ‘yung ganoong klaseng konsepto ay One-Stop Shop. Pagpunta niyo po rito ‘yung mga bibigyan ng tulong, ng AICS ng DSWD ay makakakuha nung kanilang suporta na galing sa pamahalaan.
At kasama na rin doon ang nandiyan ‘yung job fair para makahanap ng magandang trabaho. Iyong iba nga pagpasok ko mayroong – may isang grupo nakasuot na ng t-shirt na “HOTS”. Ibig sabihin “hired on the spot.” Ibig sabihin mayroon na rito nakakuha na ng trabaho. Congratulations sa inyo! [palakpakan]
Iyong mga iba po na nag-a-apply pa lang ay good luck sa inyo. Sa palagay ko naman, kahit papaano sa galing, sa galing ng ating mga — ng ating mga manggagawa ay makakahanap ng trabaho na maganda at tuloy-tuloy po ang aming binibigay na pagtulong sa lahat ng taumbayan upang ay…
Alam naman po natin na kung minsan, nakikita po natin, maliwanag naman na ‘yung iba sa ating mga kababayan ay hanggang ngayon ay nangangailangan pa rin ng tulong. Kaya po kami’y nandito upang ipagpatuloy ang ibinibigay ng DSWD at tuloy-tuloy ang aming tulong na gumawa ng paraan upang ‘yung mga naghahanap ng trabaho ay makausap po nila ang mga employer para naman ay mabigyan ng trabaho ang mga ibang naghahanap ng mas magandang trabaho doon sa kanilang ginagawa ngayon.
At bukod pa roon, mayroon po tayong Kadiwa sa labas kung saan ay nakakapagbigay po tayo ng mga iba’t ibang – iba’t ibang produkto. Mayroon diyan pagkain, mayroon diyang iba’t ibang – ‘yung ibang produkto galing po sa pamahalaan. ‘Yung mga bigas, ‘yung mga gulay, dito po galing.
Kaya po nagagawa po namin na mapagbili ng 29 pesos lang po ang bigas na binibigay nga sa Kadiwa ngayon. [palakpakan] At lahat ng mga bilihin ay makikita po ninyo ay mas mura kaysa sa presyuhan pagka tayo’y lumabas dito.
Kaya’t isa pa ‘yun, isa pang bagay ‘yun upang ‘yung mga ibang hirap – naghihirap para buohin ang ipapakain nila para sa kanilang mga pamilya ay kailangan mabigyan ng tulong ay hindi na sila masyadong mahirapan dahil nakapagbili na po ng mga iba’t ibang produkto na nakamura sila at kahit papaano nabigyan natin ng tulong ng pamahalaan.
Patuloy po ito. Hindi lang po ito dito sa Dumaguete. Ginagawa po namin ito sa buong Pilipinas kung saan… Habang ginagawa po natin ito, hindi po kung saan lang ako pupunta.
Patuloy po ‘yung mga ginagawang job fair at saka ‘yung DSWD assistance at saka ‘yung Kadiwa ay habang ginagawa po natin ito dito sa Dumaguete ay may ginagawa din po sa mga iba’t ibang lugar.
Kaya’t ginagawa po lahat ng inyong pamahalaan upang mabigyan ng tulong ang mga nangangailangan ng tulong. Ang mga nahihirapan makahanap ng trabaho ay tinutulungan din po natin upang makahanap ng magandang trabaho.
Hindi lang po ‘yung mga pangkaraniwan lang na trabaho. Sana naman ay mabigyan ng trabaho na may future ika nga na sinasabi na kahit ‘yan ang trabaho mo baka ma-promote ka pa, baka gumanda pa ang sahod pagka tagal ng panahon at pagka maganda ang performance ninyo sa trabaho. At sabay doon ang mga produkto nga sa Kadiwa.
Sana po itong aming ginagawa ay makatulong sa pagpaganda ng inyong kabuhayan, pagpaganda ng buhay ng inyong mga pamilya, at sa ganoong paraan ay pagpaganda ng ating minamahal na Pilipinas.
Alam niyo po, asahan po ninyo na ang inyong pamahalaan ay laging nandito at nakikinig sa inyo. At lahat po – ay kaya’t huwag po kayong – huwag po kayong nahihiya. Kapag kayo’y may pangangailangan, sabihan niyo po itong magigiting nating mga LGU, mga LGU executives, sabihin niyo ang ating mga iba’t ibang department at iba’t ibang agency kung ano ‘yung pangangailangan niyo.
Nakikinig po kami sa inyo at sa ganoong paraan ay gagawan namin ng paraan upang pagandahin ang serbisyo na ibinibigay ng pamahalaan.
Lagi po kaming nandito, hindi po kami – hindi na po ang ating mga kalihim ay hindi na po natutulog itong mga ito. Alam ko po ‘yan dahil ako rin hindi na po ako natutulog. ‘Pag tinatawagan ko ng alas-dos ng umaga, alas-tres ng umaga ay sumasagot. Kaya’t mabuti na lang ‘yan. Saka na tayo matutulog at marami pa tayong gagawin.
Kaya’t maraming, maraming salamat sa inyo.
Ako po ay nandito po. Nandito ang inyong pamahalaan upang lagi kayong pakinggan; upang lagi kayong tulungan; upang gawin ang lahat upang pagandahin ang inyong kabuhayan; upang pagandahin ang buhay ng inyong mga pamilya, ng inyong mga komunidad, at sa ganoong paraan ang buong Pilipinas.
Maraming, maraming salamat!
Daghang salamat kaninyong tanan! [palakpakan]
— END —