Kasalukuyan kaming nagwo-workshop para sa mga staff namin para maging maayos ang patakbo ng aking opisina.
Habang kami ay nagtatrabaho, lumabas ang mga iba’t ibang resulta sa mga achievement report— performance report tungkol sa mga iba’t ibang sektor na ating ginagawa.
Unahin ko ‘yung sa Farm-to-Market Road. I am happy to share a significant update sa ating Farm-to-Market Road Network program. Ang ating dapat na maging target is 131,410.66 kilometers sa anim na taon, maaari ko nang mai-report na 51 percent of that nabuo na natin. We have built 67, 328.92 kilometers, katumbas nito na para tayong pabalik-balik mula Aparri hanggang Jolo ng 32 times kaya’t mahabahaba po ito.
It is a testament to the magnitude of accomplishment of the government. It is not an initiative only to do with agriculture, it is a connection between all the different communities but of course its main purpose is to connect the markets and the producers— sa ating mga agricultural sectors lalo.
Patuloy naman naming gagawin ito— mukhang mabubuo naman natin ‘yung ating 131, 410 kilometers at nakapag 51 percent na tayo at patuloy naman nating gagawin ito. So, we will continue to Build Better More.
—END—