Mga minamahal kong kababayan na Overseas Filipino Workers, ang gabing ito ay handog namin sa inyo.
Ito ay simbolo ng aming taos-pusong pasasalamat at pagsaludo sa inyong di matatawarang sakripisyo at dedikasyon upang mapabuti ang inyong pamilya, komunidad, at bansa.
Isa kayo sa mga dahilan sa pag-unlad ng ating bayan.
Patuloy ninyong ipinapamana sa mundo ang likas na galing, tatag, at sipag ng lahing Pilipino.
Sa katunayan, sa bawat bansang aking napupuntahan, laging may banyagang nagsasabi na ang gagaling ng mga Pinoy, at tuwing naririnig ko ‘yan, talagang tumataba ang puso ko.
That makes me truly proud to be a Filipino because of how well you have represented us beyond our shores.
You’re serving with passionate hearts and genuine smiles.
Indeed, Filipinos really do give the world our best.
Kayo ang patunay na ang mga Pilipino ay kayang-kayang makipagsabayan sa ibang lahi saan mang sulok ng mundo, dahil sa inyong disiplina, tapang, at malasakit sa bayan.
Makakaasa kayo na laging nandidito ang pamahalaan upang protektahan, alagaan, at itaguyod ang kapakanan ninyo at ng mga pamilya ninyo.
Ngayong gabi, nawa’y ang alay namin na musika at saya ay makapagbigay sa inyo ng ligaya at kaunting pahinga.
Magsilbi rin nawa ito bilang isang paalala na bilang magkakaisang lahi, sama-sama tayong naglalakbay tungo sa isang mas progresibo at mas maliwanag na Bagong Pilipinas.
Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat.
Mabuhay ang mga bayaning OFW!
Mabuhay ang Bagong Pilipinas!
— END —