Speech

Video message of President Ferdinand R. Marcos Jr. for the Meeting with the Filipino Community in Dubai


Kumusta na diyan mga kababayan sa Dubai?

Salamat at kayo ay nakahanap ng oras para tayo’y sana dapat na magsasama-sama. Dapat ay magkasama tayo ngayon sa malaking pagtitipon ng Fil-Com sa iba’t-ibang bansa. Kaso na nga lang ay medyo malungkot kasi hindi tayo natuloy.

Alam naman ninyo may mga bagay na kailangan agad na asikasuhin. Isa na dun ‘yung ating mga kababayan, mga kapwa Pilipino natin na na-hostage, labimpito sila na na-hostage at ginagawa natin lahat ng paraan upang sila ay maiuwi na.

At sa – kaya’t binubuo natin ang isang delegasyon para pumunta sa kanila at makipag-usap dun sa mga may hawak sa kanila para makauwi na sila. Kaya’t, siguro naman maunawaan ninyo, na inuna muna natin ‘yan dahil kailangan nating tiyakin ang syempre ang seguridad ng ating mga kababayan.

Katatapos lang natin naiuwi lahat ng ating mga Pilipino na naiwan sa Gaza – doon nga sa labanan ng Israel at saka Gaza ay ‘yung iba na-hostage. Mayroon nga tayong casualty, napakalungkot.

Ngunit ‘yung mga naging hostage at saka ‘yung mga hindi makalabas ay nailabas na natin. Kaya’t patuloy naman ang aming ginagawa upang ang ating mga kababayan ay maging maganda naman ang kanilang sitwasyon at sa lalong madaling panahon ay sana makauwi na sila.

Nakakapanghinayang nga dahil I was looking forward to being with you dahil alam niyo sa lahat ng aking mga pagbibiyahe, ang pinakamasaya sa lahat ng biyahe na ‘yan ay pagka nagkikita tayo, mga Pilipino ay dahil syempre pagka maraming Pilipino laging masaya; laging may kantahan; laging may tawanan at I feel very bad that I have – I will not be able to do it with you this time.

Ngunit ay ipinapangako sa inyo, pagka nagkaroon ng iba pang pagkakataon ay gagawin natin ulit ‘yan at I will make it up to you at gagawin pa natin ay mas magandang programa pa para naman makabawi naman ako sa inyo.

Na hindi ako nakarating ngayong panahon na ito, ngunit magkakaroon pa tayo ng pagkakataon at titiyakin natin na ang magiging pagsasama natin – maging pagsasama ng Filipino community ay magiging matagumpay at masaya kagaya ng lagi basta’t kasama ang mga Pilipino.

Sa ngayon, gusto ko lang pasalamatan kayo sa inyong malaking ambag sa bayan, ang sipag; ang kahusayan; at pagtataguyod niyo ng serbisyong Pilipino ay isang kahanga-hangang halimbawa para sa ating lahat dito sa Pilipinas at kinikilala na sa buong mundo.

Maagang maligayang pasko, sa inyong lahat! Mabuhay ang bawat Pilipino sa Dubai at sa buong UAE! Maraming, maraming salamat po! Namimiss na kayo namin basta’t asahan niyo magkikita rin tayo.

— END —