PCO USEC. CASTRO: Magandang araw sa ating lahat. Ako po si Undersecretary Claire Castro, at welcome po sa ating 2025 Post-SONA Discussions. Live pa rin po tayo ngayon sa Facebook at YouTube ng Radio Television Malacañang, Presidential Communications Office at ibang mga ahensiya ng pamahalaan. Sana rin ay nasa maayos na kalagayan tayong lahat matapos ang sunud-sunod na bagyo at pag-ulan.
Matapos ang matagumpay na State of the Nation Address ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mahalagang magkasama-sama tayo ngayon upang talakayin pa at maunawaan nang mas detalyado ang mga nalalaman ng talumpati ng ating Pangulo.
Mula sa paksa ng seguridad sa pagkain, pagpapaunlad ng ekonomiya, pagprotekta sa kapakanan ng mga manggagawa, pagbuti ng serbisyong medikal at marami pang iba – lahat ng ito ay tatalakayin natin sa susunod na dalawang araw.
At ngayong tanghali sa ating ikalawang sesyon, masusi nating pag-uusapan ang isa sa pinakamahalagang usaping nakakaapekto sa lahat—ang environmental protection and disaster risk reduction.
Upang samahan tayo ngayong tanghali, isang masigabong palakpakan para sa ating mga panauhin: Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr., Department of Environment and Natural Resources Secretary Raphael Lotilla, Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., at Local Water Utilities Administrator Jose Moises Salonga.
Sa mga pagtugon natin sa mga kalamidad tulad na lamang sa mga naranasan natin nitong mga nakaraang linggo, ipinahayag ng Pangulo, hindi dapat tayo tumigil sa ating mga ginagawang paghahanda dahil ang banta ay patuloy na naririyan. Dapat ay maging likas at automatic na ang mga wastong gawi sa tuwing may sakuna.
Ano po ba ang kahulugan ng ‘automatic na’ para sa DND? Tinawag din new normal ng Pangulo ito noong isang araw. Ano po ang konteksto ng pahayag na ito, Sec. Gibo?
DND SEC. TEODORO: Well, iyong automatic na mga pag-react ng tao sa mga sakuna – maging lindol maging baha or maging sunog ay part ng adaptation iyan na tinatawag sa disaster risk reduction. So, ito ay kumbaga sa national government whole-of-government approach ibababa natin sa community kasi ang ating mga komunidad dahil tayo ay kapuluan iba’t ibang klase ang mga hamon sa kalikasan na hinaharap nila – ang iba ay tinatamaan ng bulkan, ang iba binabaha, ang iba storm surge, ang iba vulnerable sa lindol kaya sinisikap ng ating gobyerno na i-identify talaga ang vulnerabilities ng kahit—lahat ng mga lugar sa Pilipinas down to the barangay level at ito’y convergence effort, Usec. Claire, ng lahat ng kaanib na ahensiya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Kami po ay ang coordinating body kung saan nagtitipun-tipon ang iba’t ibang mga kawani ng gobyerno na may expertise sa isang lugar: Wari ninyo sa weather at saka sa bulkan, si Sec. Rene sa DOST. Sa Mines and Geosciences Bureau mayroon silang targeted na epekto ng pag-ulan down to the barangay level at namamapa rin nila ang daloy ng tubig at ang mga dams na kaalinsabay rin ng DOST.
Ngayon ang partner agency namin sa enforcement at action dahil barangay, munisipyo, probinsiya, rehiyon napakaimportante ng role ng DILG kay Sec. Jonvic lalung-lalo na po sa first responders. Kami po sa OCD ay nakita namin na ang expertise dapat na pagtuunan muna namin ng pansin dahil sa dami ng natural calamities na sunud-sunod na naging mas mahirap i-predict at mas malakas ang mga epekto nito – nakikita lang natin ngayon at last year na sabay iyong bulkan, lumindol at bumagyo.
Response, maagap na response kasama natin ang DSWD at DOH kung saan ina-anticipate na natin ang maaaring mangyari, nagkakaroon ng tulungan sa sapat na stocking levels ng relief goods para naka-preposition na ito sa mga lugar lalong-lalo na katulad po sa lalawigan ng Batanes ay kapag maghintay tayo na bumagyo pa, huli na bago magparating ng relief goods kaya antimano pa lang nagkakaroon ang DSWD ng adequate stocking levels para naka-preposition na doon.
Ang Armed Force of the Philippines naman ay ang katulong nila na nagdadala ng mga goods at kapag malaki ang sakuna ang mga partners natin, mga kaalyado natin ay tumutulong. Sa katunayan sa oras na ito nagsasama ang Philippine Air Force at US Marines na nagdadala ng relief goods papuntang Batanes hindi para mamigay kung hindi para mag-replenish ng mga naka-preposition nang mga goods ayon sa utos ng ating Pangulo na agapan at i-anticipate na lahat ng mga pangangailangan.
Ngayon, pagdating naman sa ating mga tao, iyong automatic response for example ang pinakamadali ay kapag may lindol ‘di ba – hold, duck, cover – iyon iyong mga automatic na responses kaya nagsasanay tayo ng earthquake. Gusto rin naman natin na maibaba ito sa pinakamababang lebel katulad noong unang panahon, iyong mga barangay noong araw pagkalembang ng simbahan alam ng tao kung saan pupunta – iyan medyo nawala na ngayon kasi nagkaroon ng habitation pero kailangan iyong mga behavior na ganoon ay mangyari uli. Hindi lang dito dapat mangyari ang nangyayari sa ibang mga bansa para sa iba’t ibang klaseng disasters – natural or manmade.
PCO USEC. CASTRO: So, kahit papaano po masasabi natin kahit sa ibang bansa ay nagkakabaha na rin dahil sa climate change; tayo po ay nakapag-adjust na para sa mabilisang pagresponde?
DND SEC. TEODORO: Ito ay karera kasi nagbabago nga ang climate at walang isang bansa na masasabi na na-conquer na nila iyong climate change. Kahit na gaano kayaman ang isang bansa ay hindi kakayanin ng isang bansa lamang – ito ay napatunayan na sa mga lindol. Wari ninyo sa China, mayaman na bansa iyan kapag lumilindol tinutulungan din sila; iyong Myanmar, tinulungan natin; sa Amerika, nakita ninyo iyong baha sa Texas – nagkaroon ng malaking pinsala. Kaya itong pinakamahirap na kaaway talaga ay ang kalikasan.
So, bagamat hindi natin masasakop lahat, tayo ay nagpapatuloy sa pamamagitan ng whole-of-government approach – ito talaga ang whole-of-government approach sa pangunguna mismo ng ating Pangulo na lahat kami ay tumutugon sa isang pahina upang sa ganoon si Juan dela Cruz, si Juana dela Cruz ay kaagad masagip, maligtas ang buhay – pinakaimportante; at pangalawa, malagay—kung lumikas man sila sa ibang lugar ay ayos ang kalagayan at kalusugan nila lalo na ang mga kabataan at sanggol.
PCO USEC. CASTRO: Maliwanag. Pero, karagdagang saad pa rin ng ating Pangulo, “Patuloy tayo sa pagpapatibay ng ating kapulisan at Sandatahang Lakas. Ang mga armament, sasakyang pandigma at sandata ng ating kapulisan at Sandatahang Lakas ay patuloy na nadaragdagan angkop sa layuning modernisasyon at komprehensibong pagtatanggol ng ating mga kapuluan.” Gaano po ito kahalaga upang masiguro na may sapat na puwersa ang Pilipinas na handang rumesponde sa panahon ng mga kalamidad dulot ng climate change, Sec. Gibo, kung mayroon pa po kayong idadagdag?
DND SEC. TEODORO: Malaki talaga ang role ng Armed Forces of the Philippines, at ang PNP, ang Bureau of Fire Protection, kahit na ang Coast Guard of the Philippines at BJMP din. Lahat itong mga public security officials ay nagiging first responders. Ang role ng armed forces ay ang mabibigat na logistics, mabibigat na pangangailangan na i-transport from point A to point B; ginagamit ang kagamitan ng Armed Forces of the Philippines, kasama na rin ang Philippine Coast Guard. Ang Philippine National Police ay ang granular, ‘ika nga na sila ang tumutulong dahil nandoon na sila sa komunidad, tumutulong sila unang-una to maintain peace and order kahit na may peligrosong panahon, kailangan ng peace and order, kasi may nanamantala na ginagamit ang pagkakataon na manamantala.
Pangalawa, sila ay katulong at kami actually ay nadi-deputize nila dahil sila ang nasa pronta, ang LGU ang nasa pronta. First responder is the LGU, kami ay support lamang.
PCO USEC. CASTRO: Salamat po. Sa usapin pa rin ng pagtugon sa mga hamon ng nagbabagong klima, ang sabi ni Pangulong Marcos sa kaniyang talumpati kahapon: “Dahil sunod-sunod ang mga sakuna, lalo na ang bagyo, mahalagang itanim ang prinsipyo ng continuous improvement kung saan tayo ay natututo at palaging humuhusay sa bawat karanasan, nariremedyuhan kung saan tayo nagkukulang at saan natin dapat galingan.” Ito po ay naman sa kalihim ng kagawarang namamahala sa ating mga local government units or LGUs. Ano po ang inyong masasabi rito, Secretary Jonvic?
DILG SEC. REMULLA: Napapahamak ako diyan eh, hindi. Ang lesson kasi natin dito, ang dating suspension ng classes, kunwari, magmi-meeting kasi kami sa OCD, sasabihin kong anong mangyayari, may geo-hazard mapping na ibinibigay. Ang problema rito ay minsan kung sa local government lang inaasa ang response, may ibang siyudad nagdi-declare, ibang siyudad hindi. Kaya ginawa na namin ang whole-of-nation approach ang pag-announce. Dati ina-announce iyan alas-siyete ng umaga habang bumabagyo, minabuti na namin na alas-kuwatro ng hapon, ang latest time ng announcement namin para iyong mga magulang hindi na nag-iisip, ang mga bata hindi na rin nag-iisip.
Kasi ang pinakamahirap ang mga magulang na naghihintay hanggang hatinggabi, hindi pa nila alam kung ano ang mangyayari sa susunod na araw, minabuti talaga namin na sa hapon pa lang ang information ay disseminated na. Iyon na nga, iyong paraan ko ay through Facebook, through social media. Minsan ay—sa Cavite kasi, ganoon na ako, ganoon pa lang eh, hindi ko akalain na may resistance noong umpisa, pero ngayon na-appreciate naman nila iyong substance of the matter kung bakit ginagawa iyan at kung ano ang sinasabi ko.
PCO USEC. CASTRO: Okay, idagdag natin diyan, tutal kayo na po iyong nag-open niyan. Dumami, tama po ba, dumami iyong followers sa Facebook account ng DILG noong sinimulan po ninyo iyong patawag sa mga “abangers”?
DILG SEC. REMULLA: Opo, nag-umpisa po kami ng 3,000 ngayon po 1.2 million na ang follower ng DILG, dahil nga doon dahil naghahanap sila ng—iyong mga abangers, nag-aabang na iyan eh. Iyong mga abangers, naman hindi naman kalokohan iyan, lahat talaga nag-aabang kung ano ang anunsiyo, naghahanap sila ng liderato kung paano gagawin iyan, naghahanap sila ng sistema kung paano i-announce iyan. Sa ginagawa naming institutional approach to disseminating public information, iyong mga abangers, iyong mga nanay iyan, iyong mga estudyante, nag-aabang na lahat iyan, at agad-agad nalalaman na nila.
PCO USEC. CASTRO: So, since dumami nga ang followers ninyo, mas maraming nakakaalam ngayon ang anunsyo ng DILG?
DILG SEC. REMULLA: Oo, saka hindi na po granular, dati kasi nangyayari, San Juan, nagsu-suspend, Quezon City, hindi pa; minsan Manila nagsu-suspend, Mandaluyong, hindi pa. Ngayon, isa na lang ang titingnan nila para makita nila. Ako naman ay guided by Science, galing sa report ni Secretary Solidum, galing sa OCD meeting namin ni Secretary Gilbert na nakikita na namin kung saan ang heavy rainfall and anticipated, ganoon iyong announcement namin. Alam na namin kung saan mangyayari.
PCO USEC. CASTRO: Ayan, maliwanag po iyan. Nagbigay rin po ng paalala ang Pangulo para sa ating mga kababayan, kooperasyon sa mga malawakang ensayo, pagsunod sa mga babala at tagubilin tulad ng agarang paglikas at pag-iwas sa mga danger zones, disiplina lalo na sa wastong pagtapon ng basura. Secretary Jonvic, ano po ang masasabi ninyo rito kaugnay sa pagtugon sa mga sakuna dulot ng mga kalamidad sa lebel naman ng ating LGUs?
DILG SEC. REMULLA: Makikita mo kasi na bawat LGU may hazard map iyan, natural hazard maps at provided iyan ng DENR at DOST to the barangay level. Alam na namin kung saan puwedeng magka-landslide, kung saan babaha, lahat iyan predictable.
Ang hindi predictable, human behavior. Iyong magdi-drain ka ng kanal at ng river, makukuha mo refrigerator, kama, furniture, kung anu-ano ang makikita mo sa ilalim and that’s all human behavior. And that is correctable if we enforce it properly. Iyan ang tugon ng LGU ngayon, sa Friday may summit kami ng mga mayors kung paano namin i-institutionalize iyong disiplina sa mga tao dito sa Metro Manila at sa ibang mga lalawigan na iyong daan ng kalikasan, hindi basurahan iyan, para iyan sa kalikasan talaga.
PCO USEC. CASTRO: Very well said, Secretary Jonvic, thank you po.
Ibinida rin ng Pangulo ang mga makabagong pamamaraan sa pangangasiwa ng tubig: “Mayroon din tayong mga makabagong sistema upang salain ang tubig at gawin itong malinis para mainom lalo na para doon sa mga taga-isla.” Iyan po ay maliwanag na sinabi ng ating Pangulo sa SONA. Secretary Lotilla, ano po ang masasabi ninyo rito?
DENR SEC. LOTILLA: Thank you, Usec. Claire. So, maraming mga programa ang DENR alinsunod sa utos ng ating Presidente. So, mayroon tayong initially nag-start ng 2024, anim na filter and desalination plants para sa mga island barangays, itong mga isolated barangay sa buong bansa. So, by 2025, we will be adding an additional 28. Ang gusto natin dito, mai-demonstrate na kahit maliit lang iyong pondo, maaaring ma-improve iyong water services sa mga isolated barangays sa buong bansa. So, iyong filtration, para mayroon na silang fresh water source, ipi-filter na lang puwede nang inumin; iyong sa desalination naman, dahil nga island barangay ito, kukunin nila iyong tubig galing sa dagat at ito ay through the desalination process, maaari nang gamiting pang-inom.
Pero gusto kong balikan iyong sinabi ninyo tungkol sa automatic na policy at integrated policy. Ang ginawa ng ating Presidente noong 2023 ay magkaroon ng integrated water resource management policy. So dito, alam ninyo, Claire, ngayon ang ating problema ay baha ngunit pagdating ng tagtuyo, ano ang problema natin, walang tubig. So, kailangan na-anticipate na natin ito, mayroon nang programa na ang sobrang tubig during the rainy season ay ma-capture natin at magamit ito during the dry season.
Sa DENR naman iyong ating forestry, kasi upland forestry, doon nagkakaroon tayo ng mga small impoundment projects dahil nga sa reforestation hindi lamang sapat na magtanim tayo ng seedlings, ito ay sa tagtuyo nangangailangan ng tubig. So, iyong small impoundment systems na ito sa uplands ay siyang magbibigay ng tubig para mabuhay iyong reforestation projects natin. At nakakatulong din ito to control the flooding during the rainy season. Ngayon, tinitingnan din natin kung paano ang mga dams ay makapag-control ng flooding as well ‘no, so kahit iyong Wawa Dam nakita natin at a certain point nag-overflow, hindi ito designed para mag-flood control, ito ay para sa potable water or sa inumin. Ngunit, nagsisilbi siyang flood control din to the extent na ma-store niya iyong sufficient water supply during the rainy season.
So, I think the policy that the President wants is to integrate all of these: We can just think about flood control but we have to relate that with storing the excess water and therefore provide additional water not only for drinking para din sa agrikultura at para din sa energy, iyong hydropower. So, lahat ng ito nagkakaroon tayo ng coordination sa mga ahensiya, iyong groundwater atlas ng DENR in 2024, so available iyan for public use. Na-identify na natin kung ano ang mga groundwater as well as fresh or surface water sources ng bansa. So, magtutulungan tayo upang magamit ito, not only during the flood season but also during dry season.
PCO USEC. CASTRO: Mayroon po kasi, Sec. Lotilla, mayroon po kasing isang opisyal na nagtawa sa suhestiyon ng Pangulo tungkol sa pag-iipon lalung-lalo ng tubig-ulan, eh iyon po ay binanggit ninyo ngayon. So, gaano ba kahalaga at gaano ba katotoo itong suhestiyon ng Pangulo na importante itong pag-iipon ng tubig ulan?
DENR SEC. LOTILLA: Napakaimportante kasi nga, ‘di ba ang sinasabi nating magandang halimbawa sa BGC, hindi bumabaha dahil mayroon cistern. Iyong ibang lugar sa bansa, especially sa urban areas ay magkakaroon din ng policy towards having cisterns. So, pinag-uusapan namin ni Sec. Ping Aliling, ng housing department natin na magkakaroon tayo ng polisiya para bigyan natin ng requirement or incentives iyong mga subdivision developers iyong mga housing developers na mayroon na silang cisterns para ito mag-store ng tubig and then ang tubig puwede niyang magamit during, again, during the difficult period.
So, tingnan na lang natin, iyong mga golf courses iyong—marami tayong potential areas kung saan natin ma-store even temporarily iyong tubig. Alam ninyo even during the pre-war periods iyong UP Diliman campus mayroon siyang lagoon at saka mayroon siyang sunken garden. Ito ay napakalawak na fields ngunit ma-maximize natin ito, na ang intensiyon na ang tubig will be held or stored temporarily in order to slowdown the drainage into the low-lying areas of Metro Manila or Quezon City in particular.
So, ganitong mga prinsipyo dapat nandoon na sa ating mga plano. When the President says automatic, hindi na natin kailangang hintayin pa iyong disaster, ngunit anticipatory. During the planning stage, we have to build in these extreme events. Otherwise, it’s time na lang mayroon tayong—half of the year we are just responding to flooding disaster. And then, the other half of the year, we are responding to El Niño or drought problems. But with better planning then we can at least manage these problems.
And then, finally iyong sa garbage, malaking tulong ito dahil nga iyong clogging natin ng drainage systems, iyong complaint niya ‘di ba ng DPWH at MMDA, hindi tayo nagkakaroon ng spring cleaning bago mag-tag-ulan. Ngunit kung linisin natin lahat ng mga drainage systems, bago mag-onset ang ulan then malaking tulong din and that’s why we are working closely with DILG and MMDA to make sure that this is going to be done regularly.
PCO USEC. CASTRO: Ayan, maliwanag na po iyan ha. So, mas maganda po talaga nanunood, uma-attend or at least binabasa iyong mga sinabi ng Pangulo sa SONA pati na po sa Post-SONA para hindi po kayo nabibiktima ng fake news, iyan.
Teknolohiya ang sagot ang ating pamahalaan sa pagtugon sa mga hamon ng climate change, sabi ng Pangulo: “Ginagamit na natin ngayon ang mga makabagong teknolohiya lalung-lalo na sa maaga at mabisang prediksyon, mga Doppler radar, broadband seismic stations, landslide censors systems ng PAGASA at saka PHIVOLCS sa iba’t ibang lugar sa bansa. Sa epektibong pagsasaklolo nakakatulong ang mga mobile command and control vehicles ng DOST na ipinamahagi natin sa labing-isang LGUs sa buong bansa. Paki-bigyan ninyo nga po kami tungkol dito impormasyon ukol dito sa mga ginagawa ng inyong kagawaran, Secretary Solidum?
DOST SEC. SOLIDUM: Maraming salamat. Unang-una, kami sa Department of Science and Technology at ng buong scientific community ay naniniwala na ang Pilipinas sa ngayon ay ang tingin sa atin ay biktima parati ng mga kalamidad – climate change, lindol, pagsabog ng bulkan. Pero sa siyensiya at teknolohiya at inobasyon at maigting na pagtutulungan at disiplina, ang mga Pilipino ay puwedeng manalo sa mga posibleng trahedya. We can become victors and not victims of the disasters.
Paano po ba natin tinitingnan ito? Apat pong mapaparaan ang ginagawa ng Department of Science and Technology: Unang kailangang malaman, ano iyong mga panganib na puwedeng tumama sa inyong mga lugar at sa paligid nito, ano iyong papatay sa atin kumbaga – mapa-climate change, lindol, pagsabog ng bulkan, tsunami. Nandiyan din ang DENR sa baha at landslide kasama po namin, ginagamitan po natin ang iba’t ibang pamamaraan nagbibigay po tayo ng pag-pondo sa PHIVOLCS, PAGASA minsan sa DENR at mga universities para paigtingin pa locally ang mga hazards assessment.
Pangalawa, kailan ba mangyayari iyong sinasabi nating mga panganib, dito na pumapasok iyong monitoring systems na mo-modernize po natin at kami ay nagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta sa PAGASA at PHIVOLCS. Marami tayong mga Doppler radar, kailangan din siguraduhin na dagdagan pa natin ito. Ganoon din po sa pag-modernize ngayon ng PHIVOLCS, dadagdagan pa ang mga seismic stations – 125 na, gagawin po iyang mas marami, siguro mga 300 ang gusto nating abutin. Dagdagan pa natin iyong—mga malalakas na lindol ay dapat nating masubukan na malaman kaagad kung nasaan iyong lindol na iyon baka magka-tsunami, so dadagdagan po natin ng mas marami pa, gusto naming mga 400 at dadamihan pa iyong mga tsunami warning stations.
Ito po ay ginagamitan din ngayon ng artificial intelligence para pagdating ng weather forecast ng PAGASA ay ma-improve natin. Sa tulong po ng DOST nagbigay po tayo ng pondo sa PAGASA, sa Advance Science Technology Institute na makipagtulungan sa isang American company weather AI ang ginagamit, upang iyong forecast na five days mapahaba natin sa 14 days; iyon processing time na three hours, gagawin natin 15 minutes; at iyong forecast ay two-square kilometer lang mas localize pa. So iyong mga ganoon, alam na natin ito ang magti-trigger.
Pangatlong kailangang gawin, ano naman iyong communication and warning information? So ang mga tao gustong malaman ano ang mga panganib sa kanilang bahay, sa eskuwelahan, sa mall na papasyalan, sa tourist areas kaya na po nilang makita sa kanilang cellphone o computer. Mayroon po tayong GeoRisk Philippines na pinondohan ng DOST nakagawa ng iba’t ibang app. Ito po iyong hazard hunter in less than one minute malalaman ninyo ang mga panganib na tatama. Kung ikaw ay politiko, barangay captain, mayor, governor, puwede mong tingnan per barangay, per town, per province ano iyong mga lugar na tatamaan, ilang tao, age ng mga tao, bata, matanda; kung may PWD, puwede ninyong ilagay. So, sa pagpaplano puwede nang magamit.
Ngayon, siyempre iyang mga iyan kailangan nating gamitin sa pagpaplano. Tayo lang sa Pilipinas ang nakagawa ng automated planning for disaster recovery sa tulong ng DOST, Office of Civil Defense at World Bank. Kaya po nating gawan ng disaster recovery planning, puwede po nating ma-anticipate iyong mga panganib na tatama, aling lugar, gaano kalaki para may tamang pagpaplano.
So, iyong mga planning na pong iyan, pagkatapos po niyan kapag nangyari iyong disaster, ano naman ang pagriresponde? Marami po tayong tinutulong sa local government, nabanggit ‘no iyong MoCCoV – Mobile Command and Control Vehicle – ito po ay standalone na may satellite communication, may mga weather system, mayroong pang-rescue na boat, may pang-triage at siyempre marami pang puwedeng itulong. Communications, puwedeng gamitin hindi lang sa disaster kung hindi sa mga event na malalaki, ito’y ipagpapatuloy natin.
Pero kailangan ng tubig, kailangan ng pagkain pagdating ng disaster so mayroon po tayong ginagawa ngayon na mga pamamaraan para malinis ang tubig – public good na po siya, safeWaTrS (safe water treatment system) ang brand. Iyong desalination, mahigit isang dosena – mga bente na siguro ang nalagay natin sa mga islands na desalination para ready sila sa disaster. Iyong pagkain, kami’y nagpapasalamat sa partnership ng DSWD, iyong ready-to-eat food – DOST products na po iyon na pinamigay natin, pina-license natin. Sa mga MSME may kita sila, nakakatulong pa sa mga kababayan.
So, itong mga ginagawa po natin ay napakaganda pero pagdating ng klima, ng baha, ang problema natin ay mga basura. Kaya kami ay mayroon kaming Science, Technology and Innovation for Circular Economy Framework para iyong mga plastic, para iyong mga agricultural waste ay hindi lang itapon kung hindi ma-convert natin sa mga bagay na pagkakakitaan. At iyan po ay marami po tayong research kaya sana po i-convert natin po iyong mindset natin at ugaling pagtatapon ng basura, ipunin po natin kasi puwedeng pagkakitaan iyan. Using science, technology and innovation, makakatulong sa inyong bulsa, makakatulong pa sa kalikasan at sa mas maraming tao.
PCO USEC. CASTRO: ‘Ayan. Secretary Rene, salamat po diyan.
Tumatak din ang sinabing ito ni Pangulong BBM upang mas maayos na mapangasiwaan ang tubig para sa ating mga kababayan. Giit niya… naku, LWUA Admin Joy [laughs]: “Kaya’t ginagawa ng LWUA ngayon ang mga mabisang hakbang laban sa palpak na serbisyo ng mga water districts at kanilang mga joint venture partners. Titiyakin ng LWUA na mailalagay na sa ayos ang serbisyo ng tubig ng milyon-milyon nating mga kababayan at gawing mas abot-kaya naman ang presyo. Higit sa lahat, titiyakin nating mapapanagot ang mga nagpabaya at nagkulang sa mahalagang serbisyo-publiko na ito.” Admin Salonga, pakipaliwanag po itong pahayag ng ating Pangulo.
LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Maraming salamat, Usec. Claire. Napakahabang quote niyan na mainit na mainit na utos ng Pangulo natin.
Dapat natin sigurong tingnan na papaano ba tayo umabot sa ganito ‘di ba? Balikan natin iyan. Mayroong panahon kasi na hindi talaga nabigyan ng pansin itong water industry natin sa Pilipinas, nawalan ng pondo ang LWUA. So, there was a time that these water districts had to go to private partners. Sometimes maayos naman ang partnership pero mayroong mga times na talagang hindi naging mahusay. Bakit tayo humantong sa ganito?
Natatandaan ko rin sa isang briefing sa Malacañang may nagtanong: “Matagal na pala ang problema na ito, bakit ngayon lang inaaksiyunan?” Ang sagot diyan, matagal nang sinusubukan ng mga water districts na tingnan ang kanilang kontrata at tingnan kung ano ang magagawa nila para kumalas o para mapabuti o para ma-compel o mapilitang gumawa ng paraan iyong ka-partner nila. Taon din nilang ginagawa iyon, taon ding pumapalpak, taon ding walang nangyayari.
Now, ang tanong: Bakit ngayon lang? Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na busisiin, tingnan, guidance na mayroong magagawa, mayroong batas, mayroong mga katulong na magagampanan na ayusin ito, okay. Sa joint venture partners na ito, sa ating problema na ‘to, tinitiyak kong may plano at sinisiguro ko sa inyong gagalaw. Hindi lang ako ngayon makakapagbigay ng detalye for obvious reasons ‘no pero detalyado, at ang strategy – kinukumpuni na, pina-fine tune na para maayos at mabisa ang galaw ng gobyerno. It will not be just an OP approach, a LWUA approach – it’s a whole-of-government approach that would affect. Kasi gasgas na eh, water is life pero literally, kapag walang tubig doon, hindi ka mabubuhay nang mahusay ‘di ba?
The President has heard, the President has read. Hindi exaggeration iyong dalawang balikbayan boxes na pinadala namin sa opisina niya, worth of documents and complaints. Hindi rin joke iyon or trolling ang natatanggap naming reklamo, araw-araw mayroon kaming natatanggap diyan! Kung mayroong telepono, mas marami pa sa social media, so maraming apektado. Estimate namin, estimate ng OP, six million people affected so malaki. So, kapag gumalaw kami, matitiyak ninyo mararamdaman nila na mayroong gobyerno – na mayroong gobyernong gumagalaw at may gobyernong mabisa na tutugon sa problema nilang pantubig ‘no.
Ang next ano pa natin is that, what about iyong regulations? Since nabuhay ulit ang LWUA, maraming international partners na lumalapit sa amin na nagbo-volunteer na tingnan or magbigay ng bagong models on regulation ‘no. Kasama ito sa initiative ni Secretary Lotilla na magmi-meeting kami eh regarding these models of regulations kasi nga minsan—ako po galing ako sa energy industry, mas mature ang regulations sa energy industry rather than the water industry natin.
So, isa naming adhikain is to modernize, kung papaano ba talaga dapat tinitingnan at ma-administer itong water industry natin kasi nagkakagulo-gulo eh, iba-iba pa ‘di ba. We have a regulator only for Metro Manila pero everywhere else outside of Metro Manila kami naman ‘di ba, so ang dami-dami noon. Sometimes iba ang regulation ng NWRB, iba naman sa LWUA, mayroong regulator for private entities, may regulator for public. Hindi mo naman alam nasaan iyong divide, sometimes blurred iyong lines na iyon.
So, mayroon ring adhikain na magtayo ng Department of Water which is good also ‘no, to harmonize all these things and I would like that department to come pero dapat tingnan natin – maayos iyong pagkakabalangkas, napakinggan ang bawat sector. So, those are the things that we’re trying to do here.
Now, mainit at natatandaan ko talaga iyong utos ni Presidente. You can rest assured, ma’am, and the other people na apektado, na walang tubig ngayon na darating sooner than later iyong tulong ng gobyerno at solusyon.
PCO USEC. CASTRO: Wala tayong babanggitin kung anuman itong mga joint venture entities na kasama ng local water districts. Pero ang tanong natin: Sa inyong pag-aaral, ano po ang naging problema? Una, may umabuso? Pangalawa, hindi sila marunong sa industriya na ito? Pangatlo, pinagkakitaan lang?
LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Okay. Ang usual problem na nakita namin is there was a lack of investment ‘no. Mayroon kasing kontrata iyan na dapat ito ang dapat nilagak na kapital, hindi nasunod iyon ‘no. With regards to mayroon bang technical capabilities, well, puwede nating sabihin na bago kasi nga ano naman but I don’t think they’re necessarily without experience kasi sanay naman mag-construct ‘no.
Pang-abuso? Iyong tagal lang [laughs] I think is just… iyon, medyo talagang tingnan nang mabuti. Bakit ang tagal? Bakit hindi kayo nag-invest? Bakit ang ingay-ingay ng mga tao doon, hindi pa kayo tumugon o gumawa ng paraan?
LWUA ADMIN. SALONGA: Now, nakakatanggap kami ng catchup plan. But the catchup plan is actually an admission that there is fault, that’s why you need to catchup ‘di ba. And then, ano naman ang makukuha ng mga tao sa catchup plan? Is it just another wait ‘di ba, ganoon ba? Maghihintay na lang tayo? Sinong may kasalanan nito? At admittedly, may pagkukulang iyong mga panahon na iyon pero hindi iyon ang excuse kung bakit tayo nandito ngayon. At saka, we’re here, hindi ba dapat ayusin na natin ngayon at the soonest possible time dahil napaka-inconvenient, 2025, wala kang maasahang tubig sa gripo ‘di ba, parang mali na iyon.
PCO USEC. CASTRO: Yes, tama ‘no, lalo na kung mangangako tayo ng public service.
Ayan, sa puntong ito, atin pong sasagutin ang mga katanungan mula sa ating mga kaibigan mula sa media. Unahin po natin si Secretary Jonvic: Since sabi ninyo nga po kanina, maraming nagtatapon ng mga sofa, ref, diyan sa mga daluyan ng tubig. Paano po na natin matutugunan ang problemang ito lalung-lalo na po ito ay nagiging sanhi ng baha at paano natin mapapatulong nang maayos ang mga barangay at local government units?
DILG SEC. REMULLA: Well, ang number one diyan ay iyong collection system natin ng basura. Ang Metro Manila ay walang cohesive plan to dispose of solid waste – mayroon tayong nagtatambak sa Rizal; mayroon tayong nagtatambak sa Quezon City; mayroong nagtatambak hanggang Capas, Tarlac – iba-iba iyon eh. Dahil sa inefficient ang planning natin in the last 30 years sa solid waste management, ang mga local government units ngayon ay nahihirapan sa collection system. Kasi minsan sasabihin every Tuesday and Wednesday lang kami puwedeng magtambak, or every four to ten in the evening lang puwedeng dumaan ang truck. Kasi tatawid iyan, kunwari, mula …kung pupunta sila sa Payatas, pupunta sa San Mateo, pupunta sila sa Pampanga, may oras lang na puwedeng dumaan ang mga truck na ito. Dapat diyan kasi mayroon tayong systematic approach na east, west, north and … sa buong Metro Manila and south. Mayroon na tayong integrated waste management systems na ma-service ang buong city. Pero ito’y hindi lang sa city ito, pati iyong mga probinsiya, pati lalawigan, dapat may ganoon na rin.
Mayroon tayong very faulty provision sa Local Government Code na nakalagay doon na ang waste management is a municipal problem. So, may munisipiyo kang maliit, katulad sa amin sa Noveleta, 14,000 lang ang tao, walang open space, nasu-suspend ang mayor doon dahil wala siyang sariling dumpsite. Mayroon kang malaking siyudad katulad ng Manila na punung-puno rin, doon pa sila sa Navotas nagtatambak. Again, the wording of the Local Government Code is one of the biggest hindrances of the government in planning waste management and it’s something we have to revisit and to rewrite and to create a more holistic approach into garbage disposal.
PCO USEC. CASTRO: Tanong ko po, since dito po, nakita po nga natin at ng MMDA na ang daming naging basura, naging sanhi yata po ito ng baha. Kung hindi ako nagkakamali, Araneta Avenue po yata ito?
DILG SEC. REMULLA: Oo, Araneta Avenue, isa sa pinakamalalim iyan.
PCO USEC. CASTRO: Ayan, since—dapat po naman kasi nakikita rin ito ng barangay sana! Ano po iyong puwede nating sabihin sa mga barangay officers para maiwasan po iyong ganoong klase na pagtatapon? Kasi hindi na po iyon normal eh na sofa, ref, makikita mo sa creek na nagiging sanhi ng baha.
DILG SEC. REMULLA: Well, dapat nga makita ninyo ang ginawa ni Chairman Artes bago … itong ano pa lang, January hanggang May ay nag-clean up na sila. Sa isang maliit na estero sa San Juan – maliit lang – sampung truck ang nahakot nila na basura. Doon pa lang ha. Pero isipin ninyo, kung hindi niya ginawa iyon, ginawa niya iyon all over Metro Manila, I think several hundred tons ang nabuhat nila mula sa estero. And in one month, napuno ulit iyong mga estero na iyan.
So, kahit gaano kagaling ang MMDA natin, at napakagaling ng trabaho nila, dapat from the barangay level and municipal level, mas efficient talaga ang collection ng garbage kasi wala tayong rules tungkol sa disposal—basta kama kasi, hindi kukunin ng basurero iyan eh; basta refrigerator, hindi rin kukunin iyan eh. So, ang ginagawa nila, tinatambak na lang kung saan-saan. So, we have to get better rules and regulation paano gagawin ito.
PCO USEC. CASTRO: Salamat, Sec. Jonvic.
Kay Secretary Lotilla, okay po, dahil nga po tuluy-tuloy iyong pag-ulan, na-saturate po iyong kalupaan lalo na po sa mga bundok na naging sanhi po ng landslide. So, mayroon po—muli, sabi nga natin, ang Pilipinas po ay highly susceptible sa landslides kasi mayroon tayong mountainous terrain. At sa ganitong klaseng sakuna, iyong landslide, masasabi po ba natin—pati po kay Secretary Rene—one hundred percent or totally ba mapi-prevent ng pamahalaan ang landslide? Kasi parang pati iyong landslide ay parang sinasabi na kasalanan ng gobyerno.
DENR SEC. LOTILLA: Thank you, Usec. Claire. Siguro tingnan natin una sa pagresponde sa kalamidad. For landslide forecasts or predictions, ang sinabi nga ni Sec. Gilbert at ni Sec. Rene, iyong ating Mines and Geosciences Bureau sa DENR ay mayroong two to three-day forecasts kung saan iyong landslides and floods are likely to happen, ito ay base rin sa forecast ng PAGASA kung ano ang rainfall at mayroon nga tayong hazard maps na na-prepare na. At siguro una ay dapat malaman natin na mayroong information na ganoon so that we will not be able to completely avoid iyong landslides and floods, but ang mangyari ay makapag-prepare tayo.
Pangalawa, not only for local government units but kahit na sa mga pamilya ay personal nating ma-check iyong HazardHunter na sinasabi ni Secretary Solidum dahil nga dito, we want to have all the information there including the forecasts or predictions for landslides and flooding para ma-check na ng nakatira sa hazard-prone areas na ito kung the likelihood na mayroon silang … mayroong danger na ganoon.
Iyong iniisyu ng DENR ay nakalista iyong bawat barangay na may likelihood na mayroong flood and landslide hazard. Pero in the long-term, iyong ano nga natin na again sa planning, iyong mga residential developments should not be built in those hazard-prone areas. So dito, kung iyong mga housing developers at mga subdivision developers ay mayroong ganoong impormasyon, ang hinihiling natin na they will take it into account; at iyong mga prospective buyers naman, i-check na natin kung gaano ka-susceptible nga ang area na iyan bago tayo bumili ng unit or bumili ng lupa.
So, iyong basic information na ganoon, malaman natin kung ano ang mga riesgo na nandiyan. And then even iyong sinasabi ni Usec. Rene na earthquakes, so we should avoid building in areas that are hazard-prone, and there is a way of checking from the buyer’s perspective whether the developer has actually built them in areas that are hazard-prone or not.
Now, for ano naman, sa upland areas, kaya iyong ating reforestation projects are ongoing. Sa good news, ang sinasabi nga ng report ng Presidente, nagkaroon na tayo ng increase sa forest coverage. Pero gusto pa nating mapalawak iyong reforestation na iyon upang ma-retain iyong water sa uplands. Iyong programa natin na five million trees, because of the cooperation of private sector, we might be able to increase to 10 million trees by 2028 at ang ating National Greening Program ay nakapag-contribute rin to the increase at sa ating Sustainable Forest Land Management program ngayon may additional 1.2 million na half of that would have to be devoted to planting for forest and the other half can be used for related activities that can help the local economy.
PCO USEC. CASTRO: Thank you, Secretary Lotilla. And last question kay, LWUA Admin. Sir, sabi ninyo po kanina—from the media—ay ang problema ay iyong kapital, okay. Pero ang sabi po ng mga consumers sila po naman ay tuluy-tuloy na sinisingil – so, paano magkakaproblema kung tuluy-tuloy silang naniningil, walang tubig pero bakit sasabihin parang kulang iyong kapital nila para mag-invest?
LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Iyon ang misteryo ng nangyari doon sa JV agreements nila na kailangan nating tingnan, baka ibang ahensiya na dapat ang tumingin doon kung saan napunta iyong kapital. But definitely you know sa mga water districts po, nagbabayad iyong mga tao nang religiously—kanina lang may kausap akong water district, ang collection rate nila is 99.4 percent – probinsiya po ito. Regular po na kapag tiningnan mo iyong statistics nila above 90 nagbabayad iyong mga tao – mas importante sa tao magbayad ng tubig kaysa sa kuryente. Sa energy industry, mataas ang 90 percent collection rate; sa water industry, mababa iyon. So, hindi natin alam kung papaano ba nagamit iyong koleksiyon nila, saan napunta.
PCO USEC. CASTRO: Iyon ang misteryo. Salamat po sa pakikibahagi ng ating mga kaibigan sa media. May mga kasama rin tayong mga mag-aaral dito ngayon na nais magtanong, mula sila sa San Juan City Tech-Voc and Livelihood Senior High School. Para po kay Secretary Lotilla, mula po ito Lyka Monteron: Puwede po bang malaman kung may ginagawa ang gobyerno para protektahan iyong mga bundok, ilog at dagat sa lugar namin – San Juan po?
DENR SEC. LOTILLA: Ganoon din iyong tanong ko, mayroon bang bundok sa San Juan?
PCO USEC. CASTRO: Siguro sa Pilipinas.
DENR SEC. LOTILLA: So, mayroon nga tayong iyong protected areas whether by proclamation by the President or by Congress has passed laws declaring these protected areas whether they are marine protected areas or the terrestrial or land-based protected areas at dito regulated nga iyong development activities.
So, siguro again sa implementation nangangailangan ng coordinated action dito dahil nga hindi rin natin kaya i-police o protektahan iyong millions of hectares na forest land. So, iyong local government units as well the barangays would be big help in enforcing our laws here dahil kulang na kulang tayo sa forest rangers. At mayroon din tayong mga—besides the protected areas, mayroon din tayong mga parks. So, dapat siguro tingnan natin na iyong mga natural parks sa urban areas – so, siguro hindi ko nakikita sa San Juan kung mayroong park eh—Pinaglabanan? So, we have to protect those areas dahil nga ito siguro para sa inyo na mga estudyante at mag-aaral ay it’s not only a place for recreation but helps also reduce pollution and is actually a big help to everyone who wants to have a good quality of life.
So, marami tayong magawa as individuals and let us just not depend on government. The same with iyong garbage problem, ilan sa atin dito ang nagsi-segregate sa audience? Sa bahay natin ilan ang nagsi-segregate ng garbage? Mayroong ilan diyan but hindi lahat. So, even from the household level, Sec. Jonvic, is in effect saying each one of us has to take responsibility kasi lahat ng ito kung hindi tayo nagsi-segregate dadagdag ito sa garbage na dapat mina-manage natin.
Pero ang good news naman na 50 to 60 percent ng ating waste ngayon ay avoided iyong pag-dump dahil nga mayroong recycling, mayroong materials recovery facilities – so, dapat talagang i-enforce natin itong mga steps at ang pagtapon nga ng basura sa ilog ay dapat maiwasan kasi there are other ways of disposing the garbage. So, iyon lang ang masasabi ko ngayon at tulung-tulong tayo lahat.
PCO USEC. CASTRO: Ayan, Secretary Lotilla, salamat po. Bob Dylan Obana, may tanong din siya—nasaan si Bob Dylan Obana? Pero iyong katanungan mo ay mukhang nasagot na kasi ang tanong niya po ay bakit patuloy pa rin ang pagbaha? So, nakita po natin of course may climate change, maling pagtapon ng basura – so, magtulung-tulungan po tayong lahat hindi lamang ang gobyerno kundi tayong lahat po para po maiwasan na po natin ang ganitong klaseng mga sitwasyon.
Nais kong tanungin na lamang ng isang katanungan ang ating mga panelist: Ano ang aasahan ng taumbayan sa administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr. upang mas mapaganda at maiangat ang buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng Bagong Pilipinas? Complete the sentence very briefly lang po – Sa Bagong Pilipinas… Unahin po natin si Sec. Gibo.
DND SEC. TEODORO: Sa Bagong Pilipinas makakaasa tayo na ang buong gobyerno ay tutugon bilang isang gobyerno na sama-sama sa ilalim ng liderato ng ating Pangulo na magbigay ng tunay na serbisyo sa ating mga kababayan. At ang sinabi ng ating Pangulo, hindi lamang siya naglalagak para sa ngayon kung hindi para sa kinabukasan.
Nagsabi din, i-recap ko na rin, gamitin ko na ang pagkakataon kasi may mga importanteng bagay sa disaster risk reduction na nasabi ang ating Pangulo. Una is the Build Better More. Napakaimportante ng tamang imprastraktura sa tamang mga lugar. Katulad ng flood control na nabanggit ng ating Pangulo, ito ay kailangan tugunan ng national government sapagkat ang mga sistema, water systems ay malalawak at malalaki. Pangalawa, sa peace and order lamang, isang cause ng disasters ay ang illegal and small scale mining. Iyan dapat rin, aming sinusubukan na sugpuin. Tapos ang imprastraktura, sinabi ng ating Pangulo, napakaimportante – railroads, airports, seaports, daan; mag-i-improve ang railway system hanggang sa Bicol, iyong South Luzon Expressway i-extend, ang mga airports at seaports. Hindi lamang importante iyan sa ating mga mamamayan kung hindi sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Sa huli naman, ako ay nakikiusap din sa ating mga kababayan na ang pinakamahirap talaga kung papaano mag-communicate ng babala dahil—nag-usap nga lang kami kanina ng ating staff—dahil ang oras ng ating mga kababayan na makinig o manood o magtingin sa social media ay limitado. Kaya kailangan na ang mga babala ay makuha ang atensiyon nila sa madaling paraan. Iyan ang pinakamahirap at iyan ang trabaho din ng PCO at lahat ng ating mga ahensiya kung papaano to communicate effectively, safely and securely, ibig sabihin walang fake news.
PCO USEC. CASTRO: Salamat po, Sec. Gibo. Sec. Jonvic?
DILG SEC. REMULLA: Ang Bagong Pilipinas, ang DILG kasi ay ang first responders department ng buong bansa – nandiyan ang pulis, nandiyan ang fire department, nandiyan ang lahat ng hanay nasa ilalim namin. Makakaasa kayo na pagdating Setyembre, magkakaroon na tayo ng unified 911 system na covered ang buong bansa. At within five minutes ang response time ay guaranteed ng PNP at ng BFP at ang Department of Health para sa ambulansiya, fire trucks at sa mga pulis.
Makakaasa kayo na ang unified 911 ay regional sensitive – kung nasa Ilocos kayo, Ilokano ang sasagot sa inyo, kung nasa Pampanga kayo, Kapampangan ang sasagot. We take the sensitivities in hand and we make sure na kung may emergency sa bawat bahay, the best way to communicate is through your native language, your mother tongue at ang sasagot sa inyo ay pareho kayong komportable sa sinasabi ninyo.
PCO USEC. CASTRO: Ano po ba sa Cebuano ang salitang abangers?
DILG SEC. REMULLA: Hindi ko alam eh, sino ba ang Bisaya dito? Sa mga abangers, September 15 iyong unified 911 system.
PCO USEC. CASTRO: Thank you po, Sec. Jonvic. Secretary Lotilla.
DENR SEC. LOTILLA: Sa Bagong Pilipinas, sama-sama tayo at tayo ay magtatagumpay. At right now, there are 40 million Filipinos who do not have access to safe and secure water resources. So, that is one big challenge for all of us. At nangangailangan na protektahan natin iyong ating environment at likas na kayamanan, dahil ito ang magsisilbi na basehan ng ating development as a country. So, let us work together, and under the leadership of the President, we hope to achieve those goals that are found in the medium-term development plan. Iyong hindi pa familiar sa medium-term development plan, ang Philippine Development Plan is undergoing updating and therefore the updated goals based on what has been achieved in the last three years, we will be working on those to realize by 2028. Thank you.
PCO USEC. CASTRO: Thank you po, how about Secretary Rene?
DOST SEC. SOLIDUM: Gaano kahaba ang sagot? Sa Bagong Pilipinas, ang Agham ay Ramdam, iyan po ang ating pangako? Paano po natin gagawin ito, sa siyensiya at inobasyon, mga negosyo ninyo ay tiyak kikita. Mayroon po tayong mga small enterprise technology upbringing program, start-up fund, you have Program Propel to help investors and technologists to discuss, to create enterprises and create new jobs.
Sa industriya aarangkada, ang kalusugan ay sisigla, ang pagsasaka ay sasagana. Sa mga kabataan, may scholarship po tayo sa Science Technology, Engineering, Mathematics, ang bukas ninyo ay may pag-asa. Kaya, pangako po natin: Sa kasalukuyang administrasyon, ang Agham ay Ramdam.
PCO USEC. CASTRO: Thank you, Sec. Rene.
Naku, mag-apply na kayo ng scholarship ha, malaking bagay iyan, tulong din iyan sa Pilipinas kapag kayo ay naka-graduate agad.
LWUA Admin Jose Salonga?
LWUA ADMIN. SALONGA: Ma’am, sa akin, sa Bagong Pilipinas, may pag-asa ang Bagong Pilipino. It means that hindi pupuwedeng iasa sa gobyerno lahat. Ang gobyerno natin ay gumagawa ng paraan, bagong paraan para sa mabuting pagpapatakbo ng gobyerno. Pero hindi lang doon nakaasa ang ating ikauunlad. Dapat tayo rin, as citizens, iwaksi natin iyong mga maling ugali natin – katamaran, mga pag-iingay lang, walang gawa. So, dapat kung gumagalaw ang gobyerno, gumagalaw rin iyong mamamayan natin. So, I think, iyon ‘yun. Sa Bagong Pilipinas, may pag-asa ang Bagong Pilipino. Thank you.
PCO USEC. CASTRO: Salamat, LWUA Admin Jose Salonga.
So, doon sa mga Filipino na walang ginagawa huwag na lang kayong mamintas, tumulong na lang kayo, makipag-cooperate kayo sa pamahalaan. Thank you po.
At bago tayo magtapos, gusto nating pasalamatan at batiin si Mayor Francis Zamora, nakasama natin ngayong araw salamat po. Napakaganda ng ating San Juan National Government Center, thank po rito. Maraming salamat sa ating mga panelist at sa mga nakilahok sa napakasiksik nating talakayan tungkol sa pangangalaga ng ating kalikasan at pagtugon sa mga hamong dulot ng kalamidad sa ating bansa.
Malinis at ligtas na kapaligiran, makabago ang pamamaraan sa pagtugon sa pandaigdigang pagbabago ng klima. Iyan ang Bagong Pilipinas. Maraming salamat po. Magbabalik kami mamayang alas-tres para sa huling bahagi ng ating diskusyon sa araw na ito para pag-usapan naman ang health and social welfare protection.
Muli, ako po si Undersecretary Claire Castro, at ito ang 2025 Post-SONA Discussions.
##