PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps, welcome sa ating press briefing ngayong araw.
Simulan natin sa mga magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas: Puwede nang mahanap sa Google Maps ang West Philippine Sea. Ayon sa National Maritime Council, ang inisyatibong ito ay repleksiyon ng pagtanggap nang mas nakakarami na ang WPS ay bahagi ng soberanya at hurisdiksiyon ng Pilipinas. Naaayon din ito sa 1982 United Conventions on the Law of the Sea at ng 2016 South China Sea Arbitral Award na pinagtibay ng Republic Act 12064 o ang Philippine Maritime Zones Act.
Dagdag pa ng NMC, ang paggamit ng West Philippine Sea sa isang global platform na kagaya ng Google Maps ay makakatulong na mas lumawak ang kaalaman sa buong mundo sa maritime entitlement ng ating bansa.
Muli ring iginiit ng NMC ang kanilang commitment na protektahan ang maritime rights ng Pilipinas batay sa international at domestic law. Hinihikayat din nila ang patuloy na pagkakaisa sa pagsulong ng interes ng Pilipinas partikular sa West Philippine Sea. Panoorin po natin ito.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: At good news mula sa DICT. Sa pangunguna ng Department of Information and Communications Technology, muling nagpulong ang Commission on Elections Advisory Council (CAC) nitong nakaraang linggo. Layon ng pagpupulong na tiyaking ligtas at malinis ang ating halalan sa gitna ng lumalalang banta online. Kasama sa mga hakbang ang pakikipag-ugnayan sa mga tech giants tulad ng TikTok, Google at Meta na ngayon ay nagpatupad ng pagbabawal sa mga bayad na political ads sa kanilang platforms.
Ang CAC na binubuo ng iba’t ibang sektor ay regular na nagpupulong para talakayin ang mga isyung may kinalaman sa halalan. Pinag-usapan din ang digital at automated election systems at mga rekomendasyon para sa COMELEC.
Bilang tech partner ng halalan, katuwang ng DICT ang COMELEC sa pagpapatatag ng digital infrastructure. Ilan sa mga proyekto ng ahensiya ang configuration hubs para sa maayos na proseso, online tools gaya ng precinct results finder at registration status verifier at election results website para sa real time na resulta. Kasama rin dito ang cybersecurity initiatives tulad ng vulnerability testing, security protocols at paggamit ng Philippine National Public Key Infrastructure (PNPKI), digital certificates para sa mga guro na magsisilbing electoral board members.
Sa digital bayanihan sisiguraduhin ng DICT na ligtas ang halalan at ang boto ng bawat Pilipino ay mananatiling sagrado.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: At sa ating huling good news: Dahil sa direktiba ng ating Pangulo at mabilis na aksiyon ng PNP Anti-Kidnapping Group, naaresto na ang tatlong suspect sa pagdakip at pagpatay sa Filipino-Chinese businessman na si Anson Que at sa kaniyang driver na si Armanie Pabillo.
Isa sa mga suspect ay isang Chinese national na ayon sa PNP ay sangkot umano sa mga pagdukot ng may mga utang sa POGO; sinampahan ng kasong kidnap-for-ransom with homicide ang mga suspect. Patuloy naman ang imbestigasyon sa posibleng koneksiyon ng krimen sa mga sindikatong sangkot sa iligal na operasyon ng POGO.
Nagpasalamat naman ang pamilya ni Que kay Pangulong Marcos Jr. at sa PNP sa pagtutok at sa paglutas ng kaso.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: At iyan po ang good news natin sa araw na ito. Maaari na po tayong tumanggap ng inyong mga katanungan.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., good afternoon po. In connection doon sa third good news natin. Following the arrest of the three suspects in the Que kidnapping-slay case, the Philippine National Police has formed a Joint Anti-Fake News Action Committee to reinforce its commitment to truth in information. Does the Palace agree with the move of the Philippine National Police that there are efforts of misinformation and disinformation that threatened public trust, peace and national stability?
PCO USEC. CASTRO: Yes, opo. Napakaganda po niyang gagawin dahil kanina lamang po ay nagkaroon po tayo ng pagmi-meeting kasama po si DICT Secretary Aguda, kasama po ang Pangulo at pinag-uusapan po kung papaano talaga pong mapapahinto itong fake news.
Kamakailan lamang po ay nalaman din natin itong good news natin na nahuli na nga po ng PNP Anti-Kidnapping Group ang tatlong suspek na sangkot sa kaso ni Mr. Que, pero mayroon pa ring mga fake news peddlers na nagsasabi na ang mga nahuli daw ay mga fall guys lamang. Ito ay hindi maganda na mula sa mga fake news peddlers or sa ibang mga tao na nagsasabi na ang ibinabalita mismo ng gobyerno at ng mainstream media ay fake.
Kaya lahat po tayo hindi lamang po ang pamahalaan, hindi lamang ang administrasyon pati po kayo lahat sa mainstream media at mga responsible social media content creator, magtulung-tulong po tayo na sugpuin ang fake news na ito. Dahil sabi nga natin, kapag ang fake news ay lumaganap, mismong sarili nating pagdidesisyon ay maaari na tayong magkamali dahil ito ay impluwensiya lamang ng fake news.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Usec., in relation to the sectoral meeting that you had I believe hours ago…ngayon araw po iyong DICT meeting?
PCO USEC. CASTRO: Mayroon pa po ongoing, lumabas lamang po ako.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Okay. Pero mayroon na po bang mga direktibang nilabas ang Pangulo patungkol doon sa sinasabi ninyong laban sa disinformation?
PCO USEC. CASTRO: Mayroon po pero hangga’t hindi pa po natin ito nadidetalye or nakukumpleto, hayaan ninyo po munang hindi ko muna ito sabihin. At kapag po nakumpleto na po ang mga detalye at kaya na po itong i-implement ay ibibigay po namin sa inyo ang mga detalye.
ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Pero bago po kayo umalis para sa briefing na ito, ano na po iyong mga puwede ninyong ibahagi kahit iyong mga points lang na na-raise?
PCO USEC. CASTRO: Basta ang direktiba po ng Pangulo sawatain, tigilan ang fake news. Marami na po, hindi lamang po ang Pilipinas ang nagsasabi kahit po iyong ibang mga firms mula sa ibang bansa nagsasabi na po na dumadami po talaga ang fake news dito sa Pilipinas. So, hindi na po ito biro dapat po talaga itong bigyan ng pansin.
CLEIZL PARDILLA/PTV: Good morning po, Usec. Claire, connected po ito sa question ito naman po ay sa fake accounts. Cong. Dong Gonzales and Jay-jay Suarez expressed alarm over a report by Reuters that one third of social media accounts discussing Duterte’s ICC case were fake. The report claimed ghost accounts and fake influencers were part of an organized effort to defend Duterte and shape public opinion before the elections. Where does the Palace stand on this report and when will users start seeing the results of government’s efforts against the surge of fake accounts?
PCO USEC. CASTRO: Katulad ng aking nasabi, we just had a sectoral meeting a while ago and there’s still ongoing meeting with the President. So kung anuman po ang detalye po, ang masasabi ko lamang po ay madiin po ang direktiba ng ating Pangulo na sawatain, pigilan ang fake news. Hindi po ito nakakaganda sa gobyerno, hindi po ito nakakaganda sa ekonomiya at hindi rin po ito nakakaganda sa taumbayan.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Good morning, ma’am. In relation, ma’am, regarding doon sa sectoral meeting with the President at sa DICT this morning bukod po sa fake news, may other matters po bang napag-usapan like internet connection enhancement or cybersecurity during po doon sa sectorial meeting? Thank you.
PCO USEC. CASTRO: Mayroon po. Ang pinag-uusapan din po natin ay magkaroon ng magandang connectivity, isa po ito sa proyekto ng ating Pangulo. Pero kung anuman po ang ibibigay natin na magandang serbisyo para sa taumbayan, hindi ko po muna ibibigay iyong detalye. Siguro by June ay mararamdaman na po ito ng taumbayan. Pero hindi ko po muna sasabihin ang mga detalye.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Hi, Usec., President Marcos has been vocal sa kaniyang position sa claims ng gobyerno at ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ano po iyong naging reaksiyon doon sa balita nga po na lumabas sa Google maps iyong West Philippine Sea?
PCO USEC. CASTRO: Definitely po, masaya po ito, nakakatuwa po ito. Kung hindi po tayo nagkakamali ay last week pa po ito nabalita kaya alam namin kung gaano po iyong kasiyahan, hindi lamang ito para sa atin, para ito sa buong bansa. Masaya na makilala ang West Philippine Sea, kahit na ang iba ay sinasabing gawa-gawa lamang daw ang West Philippine Sea. Muli, dahil nagkaroon ng pagkilala sa isang platform katulad po ng Google maps, ito po ay isang ipinagpupunyagi po natin dahil sa pagkilala ng West Philippine Sea ay sa atin.
MARICEL HALILI/NEWS 5: Magandang tanghali po, Usec. Mayroong lumabas na Pulse Asia survey na nagpapakita na malaki po ang iyong ibinaba ng approval at trust ratings ni President Marcos. How concerning is this for the President?
PCO USEC. CASTRO: Nalaman po natin ang respondent dito ay 2,400. So, sa 2,400 hindi naman po ito nagre-reflect ng sentimyento ng kabuuang more than 100 million people or Filipinos in the country. Dahil nga nakita at nabanggit natin itong mga fake news, sumasalamin din po ito sa impluwensiya ng mga fake news na nagkakalat. Katulad ng sinabi, mayroon ngang findings na nabanggit ang Reuters at ito ay galing sa isang Israel-based data intelligence firm or disinformation security firm, and I quote: “The level of coordinated disinformation seen in the Philippines was far above the typical 7% to 10% range of online conversations globally about highly sensitive or polarizing issues”.
So, kung ang mga tao man na ito ay nagbigay ng kanilang mga opinyon, marahil ay bunga ito ng mga fake news. At kung ito man ay totoong nagkaroon ng pagsagot, hindi naman pabayaan ng gobyerno dahil dapat nating malaman ang mga respondents, saan ang mga respondents. Ang mga respondents bang ito ay nakakatanggap ng totoong news o naiimpluwensiyahan ng fake news. Ang mga respondents bang ito ay hindi nakakarating ang tulong ng gobyerno.
So, dapat din po nating malaman ito sa parte ng administrasyon. At kung anuman po ang nagiging desisyon ng Pangulo at ng administrasyon at ito ay magri-reflect sa isang survey, nanaisin pa rin po at ipapatupad pa rin ng Pangulo kung ano ang ang nasa batas at kung ano ang tama at hindi kung ano po ang sasabihin sa isang survey.
MARICEL HALILI/NEWS 5: Pero, ma’am, considering that the survey was conducted from March 23 to 29 or just a few days after the arrest of the former President, sa tingin po ba ng Malacanang gaano kalaking factor iyong pulitika sa naging resulta ng survey, especially sa nangyari kay former President?
PCO USEC. CASTRO: Okay, lumalabas nga po dito na bumaba diumano ang rating ng Pangulo. Pero sabi nga po natin na ito ay titingnan pa rin ng administrasyon, hindi naman po natin hindi papansinin kung ano ang mga sinasabi ng survey. Pero muli 2,400 ay hindi po ito kabuuan na sentimyento ng buong Pilipinas. Magtatrabaho pa rin ang Pangulo, katulad ng aking sinabi, kung ano ang tama, kung ano ang sa batas, hindi dahil ito ang idinidikta ng tao na hindi naman naaayon sa batas.
MARICEL HALILI/NEWS 5: Ma’am, last point. During the interview of Pulse Asia President Ronald Holmes over True FM – kanina lamang po ito – ang sabi niya, isa daw marahil sa dahilan ng pagtaas din ng disapproval rating ni PBBM ay iyong pagtugon sa pangunahing problema like iyong mataas na presyo ng bilihin, kakulangan sa kita o iyong sahod at iyong paglaban daw po sa katiwalian. Where do you think the problem lies?
PCO USEC. CASTRO: Una, tingnan natin. Nabanggit na natin, nagpakita na po tayo dito, nakausap na natin at natanong po ninyo ang mga heads po ng ibang departamento patungkol po dito, halimbawa po iyong Walang Gutom Program, kaya nga ang tanong natin dito – 2,400 nakakarating po kaya ang serbisyo ng gobyerno?
Pangalawa po, sinasabi po natin, ‘di ba iyong tungkol sa suweldo binanggit na rin po natin ang direktiba ng Pangulo patungkol po sa pagtaas ng suweldo sa pamamagitan po ng Regional Tripartite, so hindi po iyan tinulugan ng Pangulo, iyan po ang direktiba para tumaas ang suweldo ng ating mga kababayan. So, kung saan man nanggagaling po itong opinyon ni Mr. Holmes, iyan ay kaniyang opinyon. Siguro mas maganda rin po na malaman niya kung ano po ba talaga ang katotohanan, baka po kasi nasasapawan ang good news ng mga fake news.
MARIZ UMALI/GMA 7: Good afternoon. Ma’am, before I proceed to my question on kidnappings, may I just do a follow-up question on the question of Maricel? I understand that the 2,400 who were asked in the survey are not representative of the general sentiments of the hundreds of millions of Filipinos. But are you alarmed or are you concerned by the fact that survey results somehow shaped the decision-making of individuals especially when it comes to elections or since we already have an upcoming election?
PCO USEC. CASTRO: That is the reason why we have this directive from the President that we should curtail fake news. Since day one that we have been appointed, we were tasked to do our job, to spread the truth and not fake news.
Totoo po iyan, sinabi po natin before na ang fake news makakapagdiskaril ng isipan ng tao, ng taumbayan. Kaya nga po gumagawa ngayon ng aksiyon, nagkakaroon po ng pagpupulong ang Presidente, ang Pangulo sa mga heads of agencies especially DICT para po matugunan na po at mabawasan na po itong mga fake news na nagkakalat lalung-lalo na po ngayong campaign season.
MARIZ UMALI/GMA 7: All right, ma’am, with regards to my question. In light of the recent spate of kidnappings, what is the reaction of Malacañang in terms of calls for President Marcos to tap the military intelligence to go after kidnappers?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa ngayon po, lumalabas naman at ayon ito sa sinabi rin ni Chief Marbil, muli babanggitin ko ang kaniyang sinabi: “These are isolated, calculated acts rooted in personal and financial vendettas. The situation is firmly under control, our law enforcement strategies are effective, criminal networks are being taken down.” So, tingnan na lang po natin kung ano po ang magiging aksiyon muli at magiging estratehiya po ng PNP kung kinakailangan pa po talaga nilang gamitin ang military intelligence.
MARIZ UMALI/GMA 7: But as far you are concerned, there is no need at this point to tap military intelligence?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Opo, dahil hindi naman po—wala pong widespread na—Pinapakalat din ng iba na may widespread kidnappings spree in the country, hindi po iyan totoo, malaki pong fake news iyan.
MARIZ UMALI/GMA 7: Thank you, ma’am.
ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: Good afternoon Usec. Reaction lang po from the Palace. Last week kasi matapos pong inendorso ni Vice President Sara si Senator Imee Marcos, naglabas din po ng pahayag si dating Presidential Spokesperson Harry Roque, at sinabing ‘batay sa isang magazine ay may report daw talaga na gumagamit ng illegal na droga ang Pangulo’, kaya hinamon ni Roque ang senadora na patunayan na gumagamit nga talaga ng illegal drugs ang Pangulo, dahil imposible po daw na walang alam dahil kapatid niya po ito. Thank you.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Unang-una po, si Attorney Harry Roque ay lumalabas na ngayon bilang isang fake news peddler. Siya po ang sinasabing nagpakalat ng isang fake polvoron video, at ngayong wala pa siyang napapatunayan at wala siyang ebidensiya, kahit na nga iyong kaniyang ebidensiya sa Quad Comm ay hindi pa rin niya napapatunayan, ngayon ay maghahanap pa siya ng tulong para makapagbigay ng ebidensiya. Sila po ang nagsasabi ng ganitong mga klaseng akusasyon, hindi na niya kakailanganin ng tulong kung mayroon po siyang ebidensiya.
ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: May mensahe po ba kayo sa mga ginagawa ni dating Presidential Spokesperson Roque? Ano po iyong mensahe ninyo sa kaniya?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Go home.
ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: Thank you po.
PCO ASEC. DE VERA: Eden Santos, Net25.
EDEN SANTOS/NET25: Usec., good morning po. Wala po bang plano ang Marcos administration na humingi po ng tulong sa Interpol para maaresto sina Attorney Harry Roque at Maharlika na sinasabi ninyo pong sila iyong nagpapakalat ng fake news regarding doon sa polvoron video since mayroon naman po tayong maigting na cooperation sa Interpol para naman po, sabi ninyo nga, makabalik din sila dito para harapin iyong kaso na isinampa po sa kanila inciting to sedition if I’m not mistaken?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Wala po tayong sinasabi na ang nagpakalat po ng fake polvoron video ay si Attorney Harry Roque. Siya po mismo ang nagsabi nito, sa isang Maisug rally sa Vancouver. At hindi rin po tayo ang nagsabi nito, kung ‘di iyong isang blogger or vlogger na si Pebbles Cunanan. Pero ito naman base sa kanyang mga sinabi sa kaniyang talumpati sa Maisug rally.
Sa ngayon po, nakipag-usap po tayo sa DOJ at wala pa pong nasasabing naisampang kaso sa korte. So, wala pa po itong lumalabas na warrant of arrest issued by the court, so hindi pa po natin kakailanganin kung anuman po ang hihinging tulong mula sa Interpol at hahayaan po muna natin ang DOJ sa kanilang magiging aksiyon patungkol po dito. But as of the moment po, wala pa pong anumang update patungkol diyan.
EDEN SANTOS/NET25: Bakit wala pang naisasampang kaso where in fact, ang NBI po ay nagsabi na ang mga fake news peddlers na nasa bansa at nasa ibang bansa ay kanilang aarestuhin? Medyo nagkakaroon po ng delay sa pagpa-file ng kaso laban sa kanila or hindi pa rin po ganoon kabigat ang ebidensiya para sila po ay masampahan ng kaso?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Ang bigat po ng ebidensiya ay makikita ninyo naman po sa kanilang mga sinasabi. Ito po ang kaibahan siguro ng ating administrasyon, sa kasalukuyan administrasyon, binibigyan po natin ang bawat suspect or respondents ng due process. Kailangan po nilang ma-enjoy, kailangan din po nilang—yeah, ma-enjoy this right to due process. Hindi po ito basta-basta manghuhusga; kailangan po itong dinggin, bigyan po sila ng karapatan na sumagot, mag-file ng kanilang counter affidavits.
EDEN SANTOS/NET25: Doon na lang po sa last question po, iyong pagpapatawag po ng meeting ni Pangulong Marcos sa iba’t ibang head of agencies para pag-usapan iyong fake news at tila ito po ba ay nagbigay ng pagkabahala sa Pangulo, iyong pagsadsad po ng kaniyang ratings kaya po nagkaroon ng ganitong pagpupulong?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Hindi po, hindi po nabahala ang Pangulo sa anumang ratings sa survey. Sabi natin kanina, ang Pangulo kahit anuman ang rating – mataas, mababa ay magpapatuloy siya sa kaniyang trabaho. Hindi po siya mapapahinto ng anuman survey; basta ang gagawin lamang po ng Pangulo ay gumawa ng naaayon sa batas at magtrabaho ng tama. Ang pagpapatawag po sa DICT ay para pag-usapan po ang paghinto ng fake news at iyong tungkol po sa magiging good news po natin patungkol sa connectivity para sa mga kababayan po natin, iyan po iyong dahilan noong meeting.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., any update po doon sa dapat sana ay meeting ni Secretary Frederick Go sa US Trade Representative para ma-negotiate iyong free trade agreement between the Philippines and the U.S?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Yes, nagkausap po kami kaninang umaga at sinabi po niya na ang kanilang plano na pagpunta po sa US ay first week of May. At sa kasalukuyan po ay nagkakaroon ng meeting ang economic team para po ito ay malamang na ilalahad nila sa kanilang pagpupulong sa darating na Mayo.
ALVIN BALTAZAR/ RADYO PILIPINAS: Are we hopeful, Usec., na magiging maganda iyong resulta noong gagawing pagbiyahe ni Secretary Go?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: We should always be hopeful dahil ang mundo natin at ang bansa natin ay hindi kulay itim.
ALVIN BALTAZAR/ RADYO PILIPINAS: Salamat po, Usec.
SAM MEDENILLA/ BUSINESS MIRROR: Good morning, ma’am. Mayroon pong mga senatorial candidates na nagpo-propose na mabalik po iyong kapangyarihan ng NFA sa pagbili ng bigas po. Mayroon na pong proposal iyong economic managers or economic team pagdating doon sa legislation para ma-implement iyong proposal na iyon?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Actually po, matagal na po nagkaroon ng proposal ang administrasyon para mabigyan po ng sapat na kapangyarihan ang NFA. Gusto nating ipabatid na kapag po nabigyan natin ng karapatan ang NFA na makapagbenta ng diretso sa taumbayan at makontrol ang presyo ng bigas, hindi po tataas ng ganito ang presyo ng bigas. Dahil sa kasalukuyan po, because of the Rice Tariffication Law, na ang author ay si Senator Cynthia Villar, ay ang nag-iimport po dito ay mga private companies. Hindi po nahahayaan ang government na mag-import.
Kung government sana through NFA, government-to-government mas maganda po ang tsansang mabigyan po tayo ng murang presyo para po maibigay din natin sa taumbayan. Dahil dito sa Rice Tariffication Law, nawalan po ng kamay ang NFA at pati po ang pag-regulate ng presyo ng NFA ay hindi na po naipapatupad. Ang nangyayari po ngayon, ang NFA ay makakapagbenta lamang po sa Kadiwa, sa FTI, sa LGU.
So, iyon po ang hindi maganda sa provision na ito. Kaya po noon pa po hinihiling ng administrasyon na magbigay po ng power, magkaroon po ng amendments ang RTL patungkol po sa karapatan at authority at power ng NFA pero ito ay hinadlangan po ni Senator Cynthia Villar. So kayo na po ang mag-research kung paano ba napapakinabangan ng mga importers, alamin ninyo na rin po kung sino ba ang malalakas mag-import ng bigas.
SAM MEDENILLA/ BUSINESS MIRROR: Follow up question lang po, may mga lawmakers na po kayang nakipag-coordinate sa Malacañang para i-push iyong legislation at kailan po kaya balak ng Palace na i-push iyong legislation, sa 19th Congress or sa next congress?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Malamang sa next congress na po, kasi magkakaroon pong muli, dahil nga po ito ay nahadlangan ni Senator Cynthia Villar, magkakaroong muli, propose amendments para po magkaroon muli ng authority/power ang NFA. Ito naman po ay para sa taumbayan para po ma-regulate natin ang presyo ng bigas.
Kung may problema man po sa sinasabing NFA, sa mga nagpapalakad, hindi po dapat ang tanggalin ay iyong mga NFA na pinagdududahan ang kredibilidad at integrity; hindi ang power ng NFA.
SAM MEDENILLA/ BUSINESS MIRROR: Thank you, po.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: At diyan po nagtatapos ang ating press briefing sa ngayon, magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.
###