Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and Undersecretary Atty. Claire Castro


Event PCO Press Briefing with MPC
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.

Good news po sa larangan ng digitalization. Pinalawak na ang digital infrastructure sa labas ng Metro Manila. Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng AI-ready VITRO Sta. Rosa Data Center – isang malaking hakbang para sa isang tech-driven na Bagong Pilipinas. Ang VITRO Sta. Rosa ay isang hyperscale ready na data center, ligtas, mabilis at handa para sa mga makabagong teknolohiya tulad ng AI. Konektado rin ito sa mga data center sa Makati, Pasig at Parañaque para masiguro ang seamless network reliability.

Pinuri ng Pangulo ang data center bilang simbolo ng kahandaan ng bansa para sa digital na kinabukasan at repleksiyon ng makataong pamamaraan ng administrasyon sa pagsulong ng teknolohiya. Binigyang-diin ng Pangulo ang halaga ng pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor para maisulong ang digital transformation ng bansa. Ayon sa Pangulo, gawain ng gobyerno ang lumikha ng tamang kondisyon para sa pag-unlad pero ang tunay na progreso ay nanggagaling sa pagtutulungan, tiwala at iisang layunin. Pinagmamalaki rin ng Pangulo ang galing ng manggagawang Pilipino na ayon sa kaniya, ang pinakamalaking yaman ng bansa.

[VTR]

Isa pa pong good news: Patuloy ang pagtutok ng pamahalaan sa kalusugan ng bawat Pilipino. Kasabay ng pagsisimula ng tag-init na panahon, nagpaalala ang PhilHealth na saklaw ng PhilHealth benefits ang mga karaniwang sakit tuwing tag-init. Ang mga package na kasama para sa mga sakit na heatstroke, dehydration, chickenpox, typhoid fever at sore eyes ay aabot mula 7,000 pesos hanggang 19,000 pesos. Panoorin po natin ito:

[VTR]

Ito po ang mga good news natin sa araw na ito. Maaari na po tayong tumanggap ng mga katanungan.

MARICEL HALILI/TV5: Usec, magandang umaga po. Usec, kahapon nabanggit ng National Security Council that there are indicators that China has been trying to interfere with the midterm elections. How concerning is this for the Palace?

PCO USEC. CASTRO: Ito po ay talagang nakakaalarma at paiigtingin pa po natin, sa utos na rin po ng ating administrasyon, na imbestigahan nang malalim para malaman po natin kung anuman ang katotohanan patungkol po dito.

MARICEL HALILI/TV5: So far, Usec, mayroon pa po ba tayong additional information na natanggap aside po doon sa mga impormasyon ng NSC? Ano iyong mga indicators na nakikita natin na posible ngang nakikialam sila?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, ang sinabi po sa atin ay paiimbestigahan pa po muna para malaman natin kung ano pa po ang mga detalye dito at kung ano po ang napapaloob sa mga ganitong klaseng pangyayari. So, ang iba pa pong mga detalye ay maaari po nating matanong or aming kakausapin muli ang National Security Council.

MARICEL HALILI/TV5: Nakarating na po ba kay Presidente itong information na ito, Usec?

PCO USEC. CASTRO: Dahil nga kahapon po ito nangyari at nagkaroon ng pag-iimbestiga, nakarating na po ito sa Pangulo kaya po kailangan po talaga ng maagaran, mas malalim na pag-iimbestiga.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec, good morning po. Medyo lilihis lang po ako nang kaunti. Just recently, nagkaroon ng statement si Pangulong Marcos tungkol doon sa Russian-American vlogger na si Vitaly. Any update doon sa nagsisilbing videographer niya since ang sinasabi rin naman ng mga awtoridad ay mayroon ding liability iyong kaniyang videographer? Any update lang po tungkol doon?

PCO USEC. CASTRO: Tama po kayo, hindi po nagustuhan ng Pangulo ang ginawa na ito ng isang Russian vlogger dito pa sa bansa at dito sa ating mga kababayan. Kaya nagkaroon din po—ngayon po ay humaharap sa kaso itong Russian vlogger ng mga kasong unjust vexation, alarms and scandal, theft and attempted theft. Pero para po dito sa sinasabing videographer or cameraman po na kasama po ni Vitaly Zdorovetskiy, ngayon po ay nasampahan po siya, ayon po sa PNP, nasampahan na po siya ng kaso, itong si Christopher Dantes alias “Skylane”, nasampahan po siya ng kasong unjust vexation in relation to RA 10175 and RA 995 at saka po Anti-Photo and Video Voyeurism Act. Iyan po ang latest po mula sa PNP.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Just to give us an idea, Usec, ano po ba iyong pupuwedeng maging kaparusahan doon sa mga kasong naisampa dito kay Christopher?

PCO USEC. CASTRO: Sa aking pagkakaalam, unjust vexation malamang po ay mga 30 days na imprisonment or fine. Tingnan na lang po natin kung gaano ba ang magiging lalim ng mga ebidensiya para malaman din natin at madetermina kung anong klaseng parusa kung sila naman po ay maku-consider na liable or guilty.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: So, since nasampahan na siya ng kaso, Usec, anytime puwede nang lumabas iyong arrest warrant?

PCO USEC. CASTRO: Hindi pa po, kasasampa pa lang po ng kaso. Bibigyan po—Okay, tayo po, sa administrasyon po ni Pangulong Marcos, ang lahat po ay binibigyan ng karapatang magdepensa for them to exercise the right to due process. Hindi po ito babalewalain ng pamahalaan lalong-lalo na po sa pamumuno ni Pangulong Marcos. Importante po ang due process sa mga Pilipino.

EDEN SANTOS/NET25: Usec, good morning po. Sa isa pong campaign sortie sinabi ni Vice President Sara Duterte kung saan kasama nga po doon si Senator Imee Marcos na plano po ni Pangulong Marcos na amyendahan ang Saligang Batas at ito naman po ay talagang open naman po ‘no, na iyong pagsuporta ng Marcos administration sa charter change sa pamamagitan po noong pag-amyenda sa economic provisions. Sa ngayon po, mayroon po bang bagong direktiba ang Pangulo pagdating po sa Cha-Cha sa Kamara at sa Senado?

PCO USEC. CASTRO: Wala pa po tayong nadidinig mula sa Pangulo kaya nagtataka po tayo kung bakit ganito po ang naging turan ni Bise Presidente. Sa ngayon po, tatak fake news iyan, intrigang walang ebidensiya. Wala pa pong napag-uusapan tungkol diyan.

EDEN SANTOS/NET25: So, ang Marcos admin po ba mayroon pa ring plano na isulong itong charter change sa susunod pong Kongreso?

PCO USEC. CASTRO: Wala pa pong napag-uusapan patungkol diyan.

EDEN SANTOS/NET25: Ano po iyong tingin ninyo bakit in-open up ito ng Bise Presidente sa isang campaign sortie, about dito sa pag-amyenda po sa Salitang Batas?

PCO USEC. CASTRO: Kung anuman po ang kaniyang adhikain at layunin sa mga ganitong klaseng pananalita, hindi po natin alam. Pero as far as we are concerned, tatak fake news.

KENNETH PACIENTE/PTV: Hi, Usec, good morning po. Usec, may update na po ba doon po sa isang principal po sa Antique na nagpahubad po ng toga during graduation rites po?

PCO USEC. CASTRO: Opo, dahil na rin po sa naging direktiba po ng Pangulo, agaran pong kumilos ang ating secretary, DepEd Secretary Sonny Angara, at ang sinasabi pong guro ay tinanggal na po bilang principal sa nasabing eskuwelahan.

MARICEL HALILI/TV5: So, ma’am, tinanggal, as in removed, hindi na siya puwedeng mag—

PCO USEC. CASTRO: As principal.

MARICEL HALILI/TV5: As principal, pero lisensiyado pa rin po ba siya?

PCO USEC. CASTRO: Tinanggal lamang po siya sa pagiging principal. Iyong license naman po niya ay hindi naman manggagaling sa pag-uutos ng Pangulo o ng DepEd Secretary.

MARICEL HALILI/TV5: So, does it mean po na puwede pa rin siyang magturo sa ibang mga public school? Allowed pa rin po ba siya?

PCO USEC. CASTRO: Allowed pa rin po siya, at siyempre titingnan pa rin po kung ano bang klase ang kaniyang behavior. Kailangan po iyan, importante po iyan lalo na po’t siya ay isang guro.

GILBERT PERDEZ/DWIZ: Nabanggit ninyo po na natanggal na po iyong principal. Tapos na ho ba agad, wala ho bang isasampang kaso pa sa kaniya bukod sa pagkakatanggal niya?

PCO USEC. CASTRO: Iyan po ay kukunin muna natin kung ano ba ang dapat na gawin pa ni Secretary Angara. Pero for the meantime, ito po ay mabilisan na aksiyon na ginawa po ni Secretary Angara.

PCO ASEC. DE VERA: Usec., we have one more question from Kenneth Paciente, PTV.

KENNETH PACIENTE/PTV: Usec., hingian lang din po namin kayo ng reaksiyon doon po sa sinabi ni VP Sara na kayo po at si Representative Castro ay magpinsan po. Reaksiyon po, ma’am?

PCO USEC. CASTRO: Siguro ito po iyong nakakalungkot: Bilang isang Bise Presidente, dapat na nanunood po siya ng mga press briefing. Niliwanag ko na po iyan minsan, at alam ninyo po iyan, ang patungkol sa nasasabing relasyon namin ni Representative France Castro. Sinabi ko po na kami po ay hindi magkamag-anak; magkapareho lang po siguro ng surname. Pero hindi ko po ikakahiya kung siya man po ay naging kamag-anak ko dahil siya po ay makabayan. Masasabi po nating makabayan, makatao rin po. Pero nagkataon lang po, hindi po kasi kami magkamag-anak.

So, sa ganito pong mga statement po ni VP Sara, hindi maganda po na bise presidente pa po ang nagpapakalat ng isang disinformation. Okay?

IVAN MAYRINA/GMA 7: What can you tell us about the President’s trip to Rome, Italy? Baka may dagdag detalye na po kayo kung natuloy siya, kung nakarating na?

PCO USEC. CASTRO: Natuloy po. Natuloy po siya kagabi, at tatlong caretakers po ang natalaga – si ES Lucas Bersamin, si SOJ Boying Remulla at saka po si Secretary Estrella. So, natuloy po sila. Iyong iba pong detalye ay hindi ko na po masasabi. Okay po? Thank you.

ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec, reaction lang ng Malacañang. Kasi this week, nagkaroon po ng powerhouse symposium ang Lakas-CMD headed by Speaker Martin Romualdez, at pina-mobilize na niya ang lahat resources ng Lakas para nga mapanalo or parang target ipanalo itong 11 senatorial bets ng pro-administration. Ano po ang reaksiyon ng Malacañang dito?

PCO USEC. CASTRO: Siguro po ang mas may authority na magsalita po rito ay si Congressman Toby Tiangco. Siya po kasi ang campaign manager at siya lang po ang makakapagsabi kung ano po ang epekto nito sa 11 senatoriables po ng Alyansa.

ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Ma’am, last na po. Reaction lang din po: Sinabi kasi ng pamilya Duterte na ang pamilya Duterte po raw ay magiging agresibo na rin sa pangangampaniya. Ano po ang reaksiyon ng Palace? Thank you.

PCO USEC. CASTRO: Good luck. Okay? Katulad po ng binanggit ko sa inyo kahapon na mayroon po kaming pasabi na mag-ingat po na malamang ay may manabotahe sa proyekto pong ito ng Pangulo patungkol po sa bente pesos per kilo or kada kilo ng bigas. Ang sinabi po natin ay “Baka mayroon na namang mga fake news peddlers na gumamit at ipakita na ang mga bigas na ibibenta ay panghayop,” dahil iyon po ang sinabi ng Bise Presidente.

At para patunayan malamang ang sinasabi ng Bise Presidente ay nagkalat na naman ang mga fake news peddlers. Ingatan po natin ito dahil muli sasabihin po natin, ang ibibenta na bigas ay iyong halagang 33 pesos kada kilo. Ito po iyong regular na ibinibenta sa ngayon.

Mayroon po tayong nakitang isang vlog or post. Panoorin po natin ito. Iyong pinakasimula po nito. So ito po, habang hinihintay natin iyong video na maipalabas—okay. Ang ibig daw sabihin nito ay parang “Nguyain ninyo, inyo na iyan.” Pinapakita po iyong halaga na bente pesos na ang pinapakita sa taumbayan ay ito ang bigas na sinasabi sa proyekto ng Pangulo. Unang-una po, that’s fake news, disinformation. Mag-ingat po tayo lalung-lalo na po na nakita po, pinakita po ni Senator Tolentino ang halaga sa isang tseke para sa mga keyboard warriors. So dito po, mag-ingat po ang mga Pilipino dahil ang ibibenta po na bigas ay iyong sa mga authorized outlets. Mag-ingat po tayo sa fake news peddlers, sinisira ang proyekto, sinisira ang Pangulo, sinisira ang hope, ang pag-asa ng bawat Pilipino.

Hindi pa po nasisimulan ang paglabas ng bigas na ibibenta sa market at sa Kadiwa patungkol po dito sa proyektong ito. Hindi pa nga nakikita, wala pang nakikitang bigas na ibibenta, pinipintasan na, pinipintasan na panghayop. Sinabi na rin po ni Secretary Laurel ang pagkadismaya niya sa statement na ito ng Bise Presidente.

So muli, tandaan po natin, mga kababayan ko, ang kagustuhan po ng Pangulo ay makapagbigay ng magandang serbisyo sa inyo. Huwag po nating hayaan ang mga ganitong klase ng pananalita ay makasira hindi lamang sa Pangulo kung hindi sa buong bansa. Hindi pa po naro-roll out itong mga ibibentang bigas. Hintayin na lang po natin kapag natapos na po iyong guidelines at nailabas na po ito, at saka natin maipapakita kung ano ba ang magiging resulta para sa mga kababayan natin lalo na kapag nasa laylayan ng lipunan.

Okay, tapos na po ang tanungin natin kanina, binanggit ko lamang po ang mga videos na ito na mag-ingat po tayo.

At dito po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps. Magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.

 

###