PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.
Malapit nang makasakay ang mga commuters sa tren na puno ng good vibes. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na gawing madali at komportable ang pag-commute ng mga Pilipino, maaasahan na ang mga istasyon at tren sa Metro Manila ay magkakaroon nang mabilis at libreng internet. Magkakaroon din ng mga improvement at smarter technology kagaya ng contactless payment gamit ang inyong debit or credit card, smartphone o e-wallet.
Pinag-aaralan din ang paggamit ng AI-powered security screening systems para mapabilis ang mga safety check. Ipapatupad ng Department of Information and Communications Technology ang libreng Wi-Fi sa lahat ng MRT station na may kasunod pang plano na pagbibigay din ng libreng internet access habang nasa loob mismo ng tren. Nakikipagtulungan ang DICT sa mga telecommunications providers para makapagbigay ng mas malawak na bandwidth at mas maayos na internet coverage sa mga critical transit zones, kasama na rin dito ang pagkakaroon ng in-station fiber networks at enhanced signal infrastructure.
Ayon sa Department of Transportation, kapag naipatupad na sa MRT ang nasabing improvement, iru-rollout din ang programa sa LRT 1 at LRT 2. Sa pamamagitan ng mas matibay na pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan, binubuksan nito ang daan para hindi lang maging mas mabilis at efficient, kung hindi ay mabigyan din ng dignidad at mas maginhawang pagku-commute ang mga Pilipino.
[VTR]
Sa tuluy-tuloy na pagtutok ng administrasyong Marcos sa kalusugan ng mga Pilipino, inulat ng Department of Health ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng dengue mula 12,050 new dengue cases noong March 2 hanggang March 15, bumaba sa 9,289 ang bagong kaso ng dengue na naitala pagdating ng March 16 hanggang 29.
Iniuugnay ng DOH ang pagbaba ng mga bagong kaso sa pagpapatupad ng pinaigting na vector control sa mga komunidad. Bukod pa rito, ang mas maagang pagkonsulta dahil sa health education program ay nakatulong din para maipababa ang case fatality rate. Naging mabilis rin ang pagbibigay ng sapat na medical attention para sa mga dumudulog sa dengue fast lanes ng DOH hospitals.
Paalala ng DOH, huwag bitawan ang disiplina sa paglilinis at maagang paghahanda para sa tag-ulan at ituloy ang “Alas Kwatro Kontra Mosquito.” Ito’y paanyaya sa lahat ng mga kababayan natin ang alas kuwatro ng hapon para hanapin at sirain ang mga posibleng pinamumugaran ng lamok sa bahay, paaralan, at mga lugar sa trabaho.
[VTR]
Good news pa rin po ang dating at ang dala para sa military uniformed personnel. Pinirmahan ng Pangulong Marcos Jr. ang RA 12177 na nagbibigay ng libreng legal assistance sa mga military at uniformed personnel, bagay na ipinagpapasalamat ng Department of Interior and Local Government. Dito ay mabibigyan ng libreng serbisyo ang mga kawani ng AFP, PNP, BJMP, BFP, PCG, BuCor at marami pa na may kinakaharap na sibil, kriminal o administratibong kaso dahil sa pagganap sa kanilang mga tungkulin. Sa ilalim ng batas na ito, siguradong may suporta silang legal na maaasahan para mas makapaglingkod sila sa bayan.
[VTR]
Ilan lamang po iyan sa mga good news natin sa araw na ito.
Bago po tayo dumako sa ating briefing ay kamakailan lamang po ay pinagtibay ng Fitch Rating ang ‘BBB’ credit rating ng Pilipinas na may stable outlook. Ibig sabihin, maraming foreign investors ang handang magpautang sa Pilipinas at mababa ang interes dahil sa magandang economic fundamentals ng bansa.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, naging batayan din ng Fitch Rating ang mga reporma na ipinatupad ng gobyerno para palakasin ang ekonomiya ng bansa. Inaasahan din ng Fitch Rating na lalago ang ating ekonomiya sa 5.6%. Pinuri rin ng ahensiya ang mga hakbang na ginawa ng gobyerno sa fiscal consolidation at pagpapababa ng budget deficit.
Para mas maipaliwanag po ito at masagot ang inyong mga katanungan tungkol sa Fitch Rating ng bansa, kasama po natin ngayon si Finance Assistant Secretary Neil Cabiles. Asec. Cabiles, good morning.
DOF ASEC. CABILES: Yes, hello. Magandang umaga. Good morning.
So, base sa release ng Fitch Ratings noong April 29, 2025, pinagtibay or in-affirm ang rating ng Pilipinas na ‘BBB’ with a stable outlook. So, first and foremost, ano ang ibig sabihin ng credit rating is that ang credit rating ay simple lang na, actually, measure ng kakayahan ng isang umuutang kagaya ng Pilipinas or ng pamahalaan ng Pilipinas sa kaniyang kakayahan para bayaran o i-meet ang obligasyon nito o ang utang nito. Sa BBB rating which is investment grade, ibig sabihin nito ay mataas ang kakayahan na makabayad sa utang at mababa ang chances na mag-default sa utang na ito.
Ang importante na parte dito sa pag-affirm ng Fitch Rating is iyong outlook na stable. Base sa mga consultations namin ng credit ratings advisors ng mga bangko na tumitingin din ng credit quality ng Pilipinas at sa mga contacts namin mismo sa credit ratings, ang view ngayon sa karamihan is that either negative or even downgrade for most of the countries dahil sa geopolitical tensions and sa trade tensions. So, the fact na nakakuha iyong Pilipinas ngayon ng stable outlook shows the confidence na mayroon itong credit rating agencies natin particular noong Fitch sa Pilipinas.
Just to point out kung ano iyong factors na nagpa-affirm at nagbigay ng stable outlook ng rating ng Pilipinas ng Fitch, ito ay ang continued na paglago ng ating ekonomiya, isa sa pinakamataas na paglago sa ASEAN; ang malaking size ng ekonomiya natin mismo kumpara doon sa mga ibang mga tinitingnan ng credit ratings na nasa ‘BBB’ profile rin; at ang fiscal consolidation o pagsunod natin sa medium-term fiscal framework kung saan pinapababa natin ang level ng utang at ng deficit natin dito sa bansa.
In terms of kung ano iyong importance or ano iyong halaga ng credit ratings, so ang credit ratings kung ipapakita niya na investment grade ka, na maganda ka, ibig sabihin, mababa iyong cost ng iyong pag-utang. So, ibig sabihin, mababa iyong interest na babayaran ng gobyerno para sa mga utang na kaniyang gagawin para i-finance iyong mga projects natin, so mas mataas iyong kakayahan ng gobyerno para makapag-deliver sa mga projects nito.
Pangalawa, ang mataas din na credit ratings and investment grade ratings is actually also an indicator of investor confidence in the Philippines, so that would actually bring in more investments dito sa ating bansa and, of course, mas marami rin tayong trabahong aasahan sa mga investments na ito.
Thank you.
PCO ASEC. DE VERA: Thank you, Asec. Neil. First question, Harley Valbuena, PTV 4.
HARLEY VALBUENA/PTV4: Hi! Good morning, Asec. Sir, in simpler terms, how will this positively impact the ordinary Filipinos?
DOF ASEC. CABILES: Yes, as we mentioned ‘no, so first and foremost, since mataas iyong credit rating mo, mas mababa iyong interest na babayaran kapag nangutang iyong Pilipinas para suportahan iyong mga projects niya. So, kung ganito iyong mangyayari, mas mataas iyong kakayahan natin para ma-deliver iyong projects kasi makakahanap tayo ng mas murang paraan ng pagpondo nito.
Pangalawa, since maganda iyong credit rating mo, ang mga investors ay makikita nila na magandang investment destination ang Pilipinas, so kapag mag-invest sila dito, definitely, makaka-generate ito ng trabaho. And particularly important ito ngayon kasi kung titingnan ninyo sa nangyayari dito ngayon sa trade tensions natin, iyong tariff ni Philippines relative to other ASEAN countries, mas mababa siya. So, iyon pa lang ay medyo nakakapag-attract na ng investments iyon tapos iyon, may magandang credit rating ka pa so marami kang magandang balita na maibibigay sa investors para pumasok dito.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Asec, good morning po. Asec, in terms of pagbabayad natin ng utang naging magandang rason din ba iyon para gumanda iyong standing natin, ano ba iyong track record natin sa pagbabayad ng utang?
DOF ASEC. CABILES: Yes, of course, iyong track record natin sa pagbayad ng utang ay maganda; wala tayong recent history of any default. So, that in itself was a good basis for us to actually have an affirmed rating of investment grade.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Asec, ano iyong coverage ng magandang track record natin sa pagbabayad ng utang, since when, Asec?
DOF ASEC. CABILES: I can give you kung nag-start tayo ng BBB rating was actually as far back as 2017 – the BBB rating from Fitch.
PCO ASEC. DE VERA: Do we have more questions for Asec. Neil? Usec. Claire.
PCO USEC. CASTRO: Thank you, Asec. Cabiles, napakagandang balita po niyan. Ibig sabihin ay wala pala tayong record ng default sa pagbabayad ng utang kahit napakalaki po ng utang na naiwan sa atin ng nakaraang administrasyon. So, ibig sabihin nito ay hindi pala totoong itim ang kulay ng bansa sa ngayon. Thank you po for that good news.
At handa na po tayong tumugon sa inyong mga katanungan.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec, good morning po ulit. Usec, kakamustahin lang po iyong turnout ng launching ng pagsisimula ng 20 pesos per kilo ng bigas. Ano po ang feedback pati doon sa quality ng rice na ipinamahagi kahapon?
PCO USEC. CASTRO: Nakita po natin, lalung-lalo na po sa mainstream media, na napakarami pong nag-avail, marami pong pumila, marami pong nakinabang sa mga kababayan natin sa Cebu at nakabili po ng bigas na bente pesos po kada kilo. At ito po ay sinundan po ng mga—iyong sa mga reporters po, sinundan po mismo iyong nakabili at sila po ang nagpatunay na maganda po ang bigas, naisaing po nila at tuwang-tuwa po ang mga kababayan natin sa Cebu. Sana po nga ay magtuluy-tuloy po ang proyektong ito para sa mas nakakarami pang Pilipino.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Bale patunay na dito, Usec, doon sa parang kontra na rin doon sa mga naunang pananabotahe sa programa natin, ano?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Kung ito naman po ay hindi manggagaling din naman sa mainstream media at mga responsible social media content creators, huwag ninyo na pong paniwalaan iyong mga fake news peddlers. Paniwalaan po natin kung ano po iyong nakikita natin sa mga news na may kredibilidad.
MARIZ UMALI/GMA 7: Hi, ma’am, magandang umaga po. Ma’am, how long can the government sustain the subsidy or program of a 20-peso price for the rice? And will there be a wider rollout?
PCO USEC. CASTRO: According to the reports given to the President, the program can be sustained up to December of this year. And maybe by the following year, 2026, it will be considered or will be included in the budget.
MARIZ UMALI/GMA 7: Ma’am, may itatanong lang po ako. Kasi mayroon po kaming reporter, I just forgot where he was last night, pero mayroon daw area na hindi natuloy iyong 20 pesos. Mayroon po bang nakarating sa inyo na ganitong information?
PCO USEC. CASTRO: Sa Cebu?
MARIZ UMALI/GMA 7: Sa Kadiwa po, ma’am.
PCO USEC. CASTRO: Ng Cebu?
MARIZ UMALI/GMA 7: Opo. Parang hindi ko alam kung saan exactly, pero mayroon pong nakarating na hindi raw po natuloy doon sa particular area na iyon. Mayroon po bang ganitong nakarating sa inyo and kung ano iyong dahilan bakit hindi natuloy doon sa area?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po ay wala pa po tayong nadinig na ganoon pong balita. Pero ipa-follow up po namin at aalamin namin kung totoong may nangyaring ganoon po at kung ano iyong maaaring naging dahilan kung mayroon man po.
MARICEL HALILI/TV5: Usec, magandang umaga po. May update na po ba tayo tungkol doon sa ni-request na exemption for the 20 pesos per kilo ng bigas? Pinayagan din ba sila na maibenta outside Cebu but within Visayas?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, itong oras na ito, itong minuto na ito ay wala pa pong napaparating sa akin kung napayagan po ng Comelec iyong exemption. Pero pagkatapos po ng press briefing, kakausapin po natin si DA Secretary Kiko kung anuman po ang pinaka-latest dito.
MARIZ UMALI/GMA 7: Ang sabi po, ma’am, sorry, hindi po pala sa Cebu – Kadiwa store sa Bureau of Plant Industry sa San Andres, Malate, halos likod lang ng church. Dahil po ba hindi kasama siya supposedly doon sa bente?
PCO USEC. CASTRO: Supposed to be kasi ang launching po sa Visayas Avenue ay ngayon. So, since kung hindi pa po ito pinayagan ng Comelec, hindi po siya magro-rollout doon. Kasi po supposed to be, ang launching for that Visayas Avenue, sa Bureau of Animal Industry. Tama po ba?
MARIZ UMALI/GMA 7: Bureau of Plant Industry po.
PCO USEC. CASTRO: Kasi supposed to be ang launching is Bureau of Animal Industry, iyong launching ng NFA. Pero hindi pa po kami nabibigyan ng update patungkol po doon kasi ang rollout po talaga is sa Cebu Kadiwa stores sa Cebu.
MARIZ UMALI/GMA 7: So, that’s the only reason?
PCO USEC. CASTRO: Yes.
MARIZ UMALI/GMA 7: Hindi dahil kulang ng supply?
PCO USEC. CASTRO: Ay, hindi po. Marami po tayong supply sa ngayon.
MARIZ UMALI/GMA 7: And iyong sinasabi ninyo po na it will be sustained until December, iyong wider rollout po ba to different sectors, posible po ba iyon or it will just be for the indigent only for the meantime?
PCO USEC. CASTRO: Yes, for the meantime, only for those vulnerable sectors po.
EDEN SANTOS/NET25: Good morning po, Usec. Clarification lang po: Kasi sabi ninyo last time, lahat po puwedeng bumili nitong bente pesos na bigas pero ang sabi po ng DA, mga piling sektor lamang po ng ating lipunan iyong makakabili nitong murang bigas. Alin po ba talaga iyong totoo doon?
PCO USEC. CASTRO: Iyon po ang unang plano. Pero dahil po napag-aralan po na unahin muna po iyong nasa vulnerable sector, uunahin po muna natin sila. Iyan din po ang pahayag ni DA Secretary Kiko Laurel. Binalak po na lahat po para sa Kadiwa stores, but pinag-aralan po para hindi rin po magkagulo at mauna po iyong mas nangangailangan po, uunahin po muna iyong mga nasa vulnerable sectors.
EDEN SANTOS/NET25: Okay. Kasi po nauna nang sinabi ni DA Secretary noong nagsaing po sila ng bigas na pili lamang, then the next day kayo po ang nagsabi na lahat puwedeng bumili. Medyo nagkaroon lang po ng kaunting pagkalito doon.
PCO USEC. CASTRO: Hindi po ganoon ang ating nasabi. Ang sabi po natin ay pipilitin po na lahat. Iyan din po ang nasabi po ni NFA Administrator. Noong atin pong niliwanag din kay Secretary Kiko, sinabi po niya na iyon din po talaga ang binalak pero uunahin po muna iyong vulnerable sectors.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Hi, Usec. Good morning po. Ma’am, first po on VP Sara Duterte’s comment regarding the PrimeWater probe, sabi niya po ay it’s political and ginagawa lang daw po ito ng administrasyon dahil sa pulitika and dahil daw po rin sa kaniyang endorsement kay senatorial candidate Villar. Ano po ang comment natin dito?
PCO USEC. ATTY CASTRO: We cannot expect, anything nice or any nice word from the Vice President in favor of the President and of the present administration. She will always use that excuse or defense of mamumulitika without really answering or responding directly to the issues. Unang-una po, since 2023 noong pumutok na po ang patungkol sa confidential funds na ito ay nagastos sa loob lamang ng 11 days, iyan din po ang kanyang nasabi. Napakaagang pamumulitika. Ngayon po, may issue pa rin po tungkol sa 12.3 billion na COA findings patungkol po sa DepEd unsettled ‘no, financial transactions ng DepEd sa pamumuno po ni VP Sara, iyan pa rin po ba ang sasabihin niyang pamumulitika.
Ngayon, patungkol po dito sa pagpapaimbestiga ng PrimeWater. Tandaan po natin, marami na po na mga kababayan natin, ang customers po ng PrimeWater na siyang umiiyak. Hindi po ito bago, kaya po nakakapagtaka kung bakit hindi ito nasolusyunan sa nakaraang administrasyon. Well, anyway namayagpag naman po ang PrimeWater noong taong 2018 sa panahon po ni dating Pangulong Duterte. At ang nais lang sana natin, kung anumang pakikipag-argumento po o pakikipagdiskusyon ng ating Bise Presidente, sana po ay i-level up po natin, rason sa rason, datos sa datos, huwag gamitan ng masasamang salita or pagmumura. Tandaan natin: Ang PrimeWater, anuman naging transaksiyon nito dahil umiiyak ang karamihan dapat po talagang maimbestigahan, so wala pong pamumulitika ito. Hindi po lahat ng ginagawa ng administrasyon para sa taumbayan ay pamumulitika. Kailangan pong trabahuhin, obligasyon po ng gobyerno at ng Pangulo na tugunan ang lahat ng hinaing ng taumbayan.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, hihingi lang po details doon sa investigation. Which agency will investigate PrimeWater at kailan po ito magsisimula?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Nag-start na po ngayong araw na ito ang LWUA (Local Water Utilities Administration).
MARIZ UMALI/GMA7: Ma’am, sabi ninyo po kanina, marami ang umiiyak tungkol doon sa mga complains nga po na ito, so, puwede ninyo po bang mabanggit sa amin, what’s specific complaints the DTI’s—well, this investigation particularly in how widespread at kung saka-sakali, ma’am, na the finding confirms the lapses, ano pong sanctions ang puwedeng kaharapin ng PrimeWater or other providers, if ever?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Unang-una, ang umiiyak po ay Bulacan, Cavite, Laguna, Bohol, Pangasinan; hindi lamang po iyan, marami pa pong iba. Kung ‘di po tayo nagkakamali, mayroon 73 joint venture agreements ang PrimeWater sa mga water district, local water districts. So, malaliman pong pag-iimbestiga ito, kung ano man po ang maaaring mangyari dito, saka po na lang namin kayo bibigyan ng update.
MARIZ UMALI/GMA7: Ma’am, kung ano pong sanction?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Bibigyan po natin muna kayo ng update, titingnan po muna natin kung ano po ang nasa loob nito at kung anuman po ang natatago or kailangang maimbestigahang mabuti, ipagbibigay-alam po namin sa inyo, kapag nagkaroon na po kami ng mga detalye.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Hi, Usec. On another topic naman po. Just yesterday the defense team of former President Rodrigo Duterte formally asked the ICC pre-trial chamber to dismiss or drop the case against the former President, citing lack of jurisdiction and legal basis. And may sinabi rin po sila doon sa kanilang letter na mayroon daw pong supposed letter from President Marcos, stating his administration would not assist the court. Can the Palace confirm if such letter exists na hindi po makikipag-cooperate iyong Marcos admin sa ICC, isa po iyon kasi sa binanggit ng defense team doon sa pag-ask nila na ma-drop iyong charges against the former President?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Kung ang depensa nila ay walang jurisdiction ang ICC, then that’s part of due process. Let them be! At kung ano ang magiging tugon po dito ng ICC ay nasa kamay po iyan ng ICC. With regard to the letter? Wala po ako sa ngayon kung mayroon man patungkol sa letter na iyan. Ang letter po ba ay sinasabing hindi makikialam ang Marcos administration sa gagawin ng ICC? Kahit siguro po walang letter, hindi naman po talaga tayo makikialam kung ano po ang magiging mandato ng ICC.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Pero hindi po worried ang Palace, for example, that those statements of not cooperating with the ICC would weaken the charges against the former President?
PCO USEC. ATTY CASTRO: It has been said, many times, na hindi naman po tayo nakikipag-cooperate sa ICC. At dahil nga po, as of now, wala pa pong jurisdiction ang ICC sa bansang Pilipinas.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Thank you, po.
EDEN SANTOS/ NET25: Usec, sabi po ni Vice President Sara Duterte, impeachable offense daw po iyong ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. or ng gobyerno sa pagsuko sa ICC kay FPPRD at hindi po ba nababahala dito si Pangulong Marcos na baka puwede rin pong maibalik sa kaniya at puwede siyang kasuhan po ng impeachment or puwede siyang ma-impeach sa ground po ng sinasabi niyang betrayal of public trust?
PCO USEC. ATTY CASTRO: So, ang tanong ay kung nababahala ang Pangulo? Hindi po.
JINKY BATICADOS/IBC13: Good morning, ma’am. Ma’am, yesterday po the President announced about the reduction ng SSS ng calamity loans po, ma’am ‘no, sa interest rate po nila and it will be effective po on July. So, may you please expound further on this po, ma’am and what does it mean for current and future borrowers?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Napakaganda pong balita niyan. Ang nais po kasi ng Pangulo sa programang ito ay magkaroon po talaga ng poverty reduction. Kapag po nalaman natin na iyong interest po ay bababa para sa mga kababayan natin na may kasalukuyang utang sa SSS, maganda pong balita iyan, para po kahit po iyong kanilang kinikita o ang kanilang kaunting savings para maibayad mababawasan iyong kanilang pagbabayad sa kanilang mga utang dahil liliit po ang interest.
So, iyon po iyong nais ng ating Pangulo at ito’y po para sa taumbayan, para po kahit papaano ay maibsan ang kanilang kahirapan o nararamdamang kahirapan sa kasalukuyan. Kaya muli sasabihin natin: Hindi po talaga kulay itim ang bansa.
JINKY BATICADOS/IBC13: Usec, also po, kahapon din ina-announce po din niya sa wage board, he actually gave directive na dapat they have to review further the minimum wage on the respective areas po, may timeline pong binigay ang Pangulo sa kanila?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Okay, sa kasalukuyan po, dapat po na malaman din po ng ating mga kababayan na lahat po ng region ay natupad po ang utos ng Pangulo na taasan po ang salary o minimum wage through Regional Tripartite Board – nabigyan po ito, for the whole 2025 nabigyan po naatasan po. At ngayon sa kasalukuyan, pag-aaralan muli para naman sa susunod na taon. Opo, ganoon po iyon, so para po ito sa mga manggagawang Pilipino po.
ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec, good morning, follow-up lang po. Ilang mga mambabatas po kasi nanawagan kay Pangulong Marcos na sertipikahan na po daw urgent ang wage hike bill, ano po ang reaction ng Malacañang sa panawagan na sertipikahan po na urgent ang wage hike bill?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Ganito po iyan: Kailangan po nating lahat alamin, ito po’y ayon din sa Pangulo, lahat ng stakeholders dapat po makausap, malaman ano po iyong maaaring magandang idulot na positibo at negatibo. So, lahat po ng stakeholders kailangan kausapin kung kakayanin din po ba ng mga employers at kung ano iyong nararapat sa mga manggagawa.
So, sa ngayon po ay dapat pag-usapan lahat-lahat po iyan. Pero, kung ano po iyong makakaya ng Pangulo, sa kaniyang pag-uutos, katulad ng sinabi po natin sa pamamagitan po DOLE ibibigay po natin sa mamamayan, hindi nga lang po siguro ganoon kalaki katulad ng hinihingi ng ibang mga kababayan natin but at least po, gumagawa po ang Pangulo, sa abot ng makakaya na maibibigay para sa taumbayan at mga manggagawa.
ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: Lastly po, Usec. Ang labor group po ay nananawagan din ng parang meeting with the President, bukas po ba ang Malacañang na makipag-usap sa mga labor groups? Thank you.
PCO USEC. CASTRO: Ang Pangulo po ay lagi pong bukas sa ano man pong diskusyon para po sa ikabubuti ng mga manggagawa at hindi po iyan isinasara iyong pintuan. Kailangan lang din po siguro natin na masabi sa Pangulo kung papaano, kailan, para po magkaroon sila ng magandang pag-uusap?
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, ma’am. Kahapon naglabas ng statement si President Marcos regarding the suspension of Governor Gwen Garcia sa Cebu. How should we interpret the President’s position on the suspension of Governor Gwen, considering po na she is a close ally of the administration and also the leader of the powerful One Cebu Party?
PCO USEC. CASTRO: Okay, maliwanag din po ang sinabi ng ating Pangulo, dapat pong paigtingin ang rule of law, patibayin ang due process, walang dapat umaabuso sa anumang kapangyarihan maging sino ka man. So, susunod po tayo kung ano ang sinasabi ng batas at kung ano po ang procedure na dapat gawin, siguro maaari po itong i-avail ni Governor Gwen Garcia. At kung ito naman po ay naaayon sa batas ay dapat pong tuparin.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ano po ba iyong pananaw ng Pangulo tungkol dito sa suspensiyon niya? Does he believe that the suspension was politically motivated and that the Ombudsman did not follow the rule of law?
PCO USEC. CASTRO: Ang pananaw po ng Pangulo ay laging kung ano ang dapat sa batas, hindi po natin gagamitin iyong excuse ng pamumulitika. Maaari siguro na may mga issues patungkol sa pamumulitika, but still ang Pangulo, ang gusto lamang po niya ay masunod kung ano ang sinasabi ng batas.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Do we expect any intervention from Malacañang?
PCO USEC. CASTRO: Hindi po gagawin ng Pangulo iyan.
GILBERT PERDEZ/DWIZ: Good morning po, Usec. Nasa alert level 3 pa rin po ang Bulkang Kanlaon at habang papalapit po iyong eleksyon, ano pong paghahanda ang ginagawa ng pamahalaan para matiyak po iyong kaligtasan ng mga botante at ng mga election personnel po natin partikular po doon sa mga apektadong komunidad?
PCO USEC. CASTRO: Opo, nagkaroon po ng MOA patungkol po dito sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon. Ang sabi po sa MOA ay paiigtingin po ang kanilang pagsiserbisyo para masiguro po ang kaligtasan ng mga kababayan natin at matuloy po ang sinasabing eleksiyon sa darating na May 12. At ito po ang sinabi mismo ni Usec. Ariel Nepomuceno ng Office of the Civil Defense: “The vote of every citizen is vital even during calamities. We cannot allow voting to be hindered”. So, iyon nga rin po, pinagtibay din po at pumirma po ang Pangulong Marcos Jr. ng Executive Order creating National Task Force for Kanlaon. So, this order formalizes the entire effort to manage risk and respond effectively. Iyan po ay nabanggit po ng Office of Civil Defense.
So, hindi po pababayaan iyong mga kababayan po natin na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon at saka ng Bulusan para hindi po matuloy ang pagboto.
GILBERT PERDEZ/DWIZ: Follow-up lang po, mayroon po bang mga emergency voting centers para po doon sa mga personnel na tumutugon sa mga disaster efforts po ng pamahalaan para po halimbawa mauna silang bumoto o kaya mayroon silang partikular na lugar na pupuntahan po para makaboto?
PCO USEC. CASTRO: Opo, ginagarantiyahan po na magkakaroon ng plano para sa evacuation ng polling precincts, pagkakaroon po ng incident command post sa eleksiyon at ang pag-i-explore para ma-deputize ang OCD personnel para makasuporta sa election security sa mga high risk areas.
VANZ FERNANDEZ: Ma’am, on Governor Gwen. Regarding doon sa kaniyang pagmamatigas na ayaw niyang bumaba sa puwesto, papayuhan kaya ito ni Pangulong Ferdinand Marcos?
PCO USEC. CASTRO: Maliwanag nga po, sinabi ni Pangulong Marcos, dapat sundin ang batas. So, kung ano po ang naaayon sa batas, iyon lang din po ang dapat sundin, walang dapat umabuso. Wala po tayong sinasabi kung ang umabuso ay ang Ombudsman o si Governor Gwen Garcia. Kung ano po ang nasasaad sa batas, kung may depensa man po si Governor Gwen Garcia at sinasabi na hindi dapat magpatupad ng suspension sa loob ng 90-days during the election period, kung iyon po ang nasasabi ng batas, iyon po ang sundin.
VANZ FERNANDEZ: Thank you, ma’am.
PCO USEC. CASTRO: Bago po tayo magtapos: Bilang update sa inisyatibo ni Pangulong Marcos Jr. na magbigay ng libreng sakay sa LRT I, LRT II at MRT 3, umabot sa mahigit 1.2 million commuters ang nakinabang sa unang araw ng Labor Day bilang sakay noong April 30. Nauna nang sinabi ng Pangulo na ito ay isang pagbibigay-pugay sa mga manggagawa at sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya at sa lipunan. Tatakbo ang libreng sakay para sa lahat sa LRT I, LRT II at MRT 3 hanggang bukas, May 3.
[VIDEO PRESENTATION]
At dito po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali para sa bagong Pilipinas.
###