Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and PCO Undersecretary Atty. Claire Castro with Department of Transportation Secretary Vince Dizon


Event PCO Press Briefing with DOTr
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps.

Pinulong kahapon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Private Sector Advisory Council-Education and Job Sector Group (PSAC) upang plantsahin ang mga plano para makamit ang economic objectives ng bansa. Tinalakay sa pagpupulong ang Philippine labor market, semiconductor industry, education, at artificial intelligence upscaling para sa mga mag-aaral.

Sa ulat ng PSAC, nagkaroon ng 20 simultaneous job fairs nitong Labor Day na nagtala ng 2,285 on-the-spot hires at 28 simultaneous job fairs naman noong Independence Day kung saan nakapag-hire ng 2,372 jobseekers. Inilatag din ang detalyadong plano para sa enterprise-based education and training for artificial intelligence para maging future-ready ang kabataang Pilipino.

Makakatulong ang upscaling initiative gamit ang AI upang mapalawig ang AI literacy sa bansa. Ihahanda rin ang mga empleyado para sa isang AI-powered future at palalakasin ang kapasidad ng bansa hindi lang sa paggamit kung hindi sa paggawa ng AI systems. Bukod sa upscaling, paiigtingin din ang student work immersion para maagang exposure ng kabataan sa professional work environment. Katuwang ang private sector, patuloy lang ang trabaho at aksiyon ng pamahalaan para makamit ang development at economic goals ng bansa.

[VTR]

Ngayong umaga naman po ay makakasama natin si DOTr Secretary Vince Dizon via Zoom para bigyan tayo ng detalye tungkol sa iba’t ibang usapin sa transportasyon. Magandang umaga, Sec. Vince.

DOTR SEC. DIZON: Magandang umaga, Usec. Claire. Magandang umaga po sa Malacañang Press Corps at sa ating mga kababayan.

Magbibigay lang po ng kaunting updates ang Department of Transportation tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Unang-una po dito, magbibigay po tayo ng update tungkol dito sa ginagawa nating crackdown ng mga illegally operating taxis sa NAIA. Maaalala natin na marami sa mga kababayan natin ang nag-report ng mga pang-abuso galing sa ating mga taxi drivers sa NAIA na nag-o-overcharge.

So, last week po, noong Sabado sinimulan natin ang crackdown dito sa NAIA. Ang LTO at ang LTFRB as of today ay nakahuli na ng labing-isang mga taxi na nag-o-overcharge at iba’t ibang mga taxi din na either paso o mali ang ginagamit na prangkisa ng kanilang mga taxi. Lahat ng mga taxi operator na ito ay sinuspinde na habang iniimbestigahan pati na rin ang pagsuspinde ng mga lisensiya ng mga driver. Tuluy-tuloy po tayo dito, araw-araw po ang ginagawang crackdown ngayon ng LTO at LTFRB sa tulong ng Manila International Airport Authority at ng San Miguel Corporation.

Importante dito siguro, Ma’am Claire ‘no, na maintindihan ng mga kababayan natin na napakaklaro po ng direksiyon ng ating Pangulo – na itong napakatagal nang pang-aabuso ng mga taxi sa airport hindi lamang sa mga kababayan natin kung hindi pati sa mga turista na nagbibigay ng napakalaking kahihiyan sa ating bansa ay kailangan mahinto na.

Kaya ngayon po, hindi lamang tayo nagka-crackdown kung hindi nakikipag-ugnayan na po tayo sa bagong operator ng NAIA para gumawa ng mas maayos, mas transparent, at mas magandang sistema diyan sa NAIA para maiwasan na itong matagal nang ginagawa against our people.

At ang isa pa na importante din, gusto nating malaman ng lahat na ongoing po ang investigation tungkol sa sabwatan ng mga taxi at ng airport police na nauna nang na-report last week. Mayroon na po tayong limang tinanggal sa kanilang puwesto at ongoing po ang malalim na imbestigasyon. Tayo po ay nagpalabas ng special order na ina-appoint, among others, si Office of Transport Security General Arthur Bisnar na isa sa mga pinakarespetadong retired general ng PNP. Siya ang magli-lead nitong investigation na ito katulong si MIAA GM Eric Ines. Magbibigay po tayo ng mga updates tungkol dito sa mga susunod na araw at susunod na linggo.

Ikalawa po, kahapon maalala natin nagkaroon po ng aberya sa LRT 2, halos limang oras po ang naging aberya mula Antipolo hanggang Cubao. Marami po sa mga kababayan natin—ay sorry ho, iyong susunod pala – marami sa mga kababayan po natin ang medyo na-late, hindi nakasakay at humihingi po tayo ng paumanhin sa kanila.

Alam ninyo po, napakaluma na po ng sistema rito kaya minsan po talaga mayroon tayong mga hindi maiiwasang aberya. Kahapon po ay nagkaroon ng problema sa kuryente at mga limang oras bago ito naayos. Kaya ang ginawa po nating mabilis ay, unang-una, nagpadala po tayo ng mga bus at van para isakay ang ating mga kababayang na-stranded dito sa segment ng LRT 2 na ito mula Antipolo hanggang Cubao.

At ikalawa, nilibreng sakay na po natin ang buong LRT 2 kahapon at buong araw din ngayon. Tulong na lang ito sa ating mga kababayan lalong-lalo na iyong mga naaberya at uulitin po ‘no, sa ngalan po ng ating Pangulo ay humihingi po tayo ng paumanhin sa lahat ng naapektuhan.

Ikatlo po, nabalitaan ninyo din po siguro na itong GV Florida na nasangkot dito sa karerahan sa national highway papuntang Cagayan ay kakasuhan daw po iyong nag-upload noong video at kakasuhan ng cybercrime. Ito po iyong video, nakikita ninyo ngayon ‘no. Siguro nga magandang makita ulit itong video na ito at kahit na totoo man iyong sinasabing finast-forward ito, nakita naman po natin iyong reckless at napakadelikadong ginagawa nitong mga bus ng GV Florida.

At para po doon sa nag-upload ng video, in-assure po natin siya kahapon na siya po ay puprotektahan ng gobyerno at magbibigay po tayo ng legal assistance sa kaniya laban dito sa threat ng GV Florida na kasuhan siya. At gusto din nating sabihin sa lahat ng ating mga kababayan na sinabi na rin ng ating Pangulo na lahat ng mga kababayan natin ay ini-encourage nating mag-upload ng mga video kapag mayroon silang nakikitang abuso at kapag ito ay na-validate ng DOTr ay sigurado pong aaksiyunan natin nang mabilis laban doon sa mga nang-abuso.

Finally po, mayroon tayong kaunting updates po tungkol dito sa fuel subsidy. Siguro mayroon po tayong kaunting mga slides yata na ipapakita. Ang fuel subsidy po natin sa taong 2025 ay nagkakahalaga ng 2.5 billion. Ito po ay intact, hindi pa po nagagamit. Mayroon din pong 2.5 billion noong 2024, ito po ay nagamit na pero mayroon pong natirang 617 million. Ito pong pondong ito ay pinahanda ng ating Pangulo para immediately natin itong ma-distribute at ma-disburse ayon sa guidelines na nakapaloob sa 2025 budget. At ang guidelines po dito ay simple lang: Kapag po ang global oil price ay umabot o lumampas ng otsenta dolyares kada barrel, immediately po ay gagamitin natin ito agad-agad.

Noon pong nakaraang araw, ang pinakamataas pong inabot, at ito po ay nakuha natin sa DOE, ang pinakamataas na inabot ng oil price hike sa global market ay $78 per barrel; hindi pa po siya umabot ng otsenta. Pero makakasiguro po ang ating transport groups na nakahanda na po ang DOTr, ang DILG at DICT para i-distribute agad ang pondo kapag kinailangan na ito.

Siguro po magbibigay tayo nang kaunting detalye lang tungkol dito. Mayroon pong mahigit isang milyong beneficiaries na kasama sa programang ito. Ito po ay kasama ang mga public utility vehicles, kasama na ang mga bus, ang mga modern jeep, ang mga traditional jeep.

Ika-clarify kong muli: Kinorek po natin ang unang statement ng LTFRB, at lahat po ng PUV operators, whether sila ay nag-consolidate o hindi pa ay kasama sa mga magiging benepisyaryo ng programang ito.

Kasama rin diyan ang mga tricycles natin, mahigit 700,000; ang magdi-distribute po nito ay ang DILG dahil alam naman po natin na ang mga tricycles ay under sa ating mga LGUs. At ikatlo po, tutulungan po tayo ng DICT na mag-distribute sa ating mga riders at drivers sa mga ride-hailing applications tulad ng Grab, tulad ng Angkas, MoveIt, JoyRide, etc.

Ang iba’t iba hong paraan ng distribute ay ipapakita rin po natin ngayon. Kasama po diyan ang mga existing Pantawid Pasada cards na hawak na ng marami sa ating mga transport workers; kasama na rin po ang kanilang mga registered e-wallet, mga GCash at Maya; kasama rin po ang mga bank-to-bank transfer para sa mga nagbigay at na-validate na mga account; at mayroon din po tayong cash distribution through the LandBank of the Philippines.

So, iyon lang po, Usec. Claire, sa ating mga partners sa Malacañang Press Corps ang ating update and open po tayo sa ibang mga katanungan. Maraming salamat po.

LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Sec. Doon lang po sa aberya sa LRT ‘no. Binanggit ninyo po na makaluma na iyong sistemang ginagamit. So, ano na po iyong ginagawa ng pamahalaan o gagawin para hindi na maulit ito?

DOTR SEC. DIZON: Alam ninyo, hindi ganoon kadaling ayusin itong mga sistemang ito ‘no. Ang pangmatagalang solusyon talaga dito ay dapat i-PPP na itong mga sistemang ito kagaya ng LRT 2 at MRT 3. Iyon talaga ang pangmatagalang solusyon dahil habang ang gobyerno ang nag-o-operate nito, limitado tayo sa budget, limitado rin tayo ng ating mga procurement rules. Ibig sabihin niyan, hindi ganoon kabilis ang ability natin na mag-ayos nitong mga sistemang ito kaya iyon talaga ang ultimate solution.

Pero ang ginagawa natin ngayon, pinipilit nating mabilis na maayos ang mga aberya pero nagdagdag na rin, ayon na rin sa utos ng Pangulo, ng mga paraan para kahit papaano naman ay maibsan nang kaunti iyong hirap ng mga kababayan natin kapag nadatnan ng mga ganitong aberya.

So, for LRT 2, mayroon tayong planong i-PPP na ito sa susunod na taon. Tinutulungan tayo ng International Finance Cooperation ng World Bank para mabilisan nang ma-PPP ito; ang MRT 3 naman, tinutulungan tayo ng Asian Development Bank para ma-PPP na rin ito at tuluy-tuloy na rin ang maayos na pag-operate at maintain nitong dalawang luma nang linyang ito.

JEAN MANGALUZ/PHILSTAR.COMHi, Sec. Can we expect a speedup of the PUV modernization program to protect ourselves from external shocks like what’s happening in the Middle East? Because right now ‘di ba, mostly we’re still running on traditional fuel, and the PUV modernization will push us towards electric. Will we expect na mas mabilis ang pag-implement ng PUV MP?

DOTR SEC. DIZON: We’re trying our best to implement this as fast as we can. But as we have already said in the past, ang daming problemang kailangang ayusin dito and we cannot just fast track this without addressing those very basic problems which essentially involved economic viability. Meaning, kailangan nating i-address iyong problema ng masyadong mga mahal na vehicles; kailangan nating i-address iyong isyu ng lack of spare parts and maintenance; at kailangan din nating i-address iyong isyu ng limited access to financing na iyon talaga ang nagiging problema dahil nga marami sa mga modernized nating mga operators ngayon ay hirap magbayad ng kanilang mga utang. Ibig sabihin lang noon ay nalulugi sila.

So ano ito ‘no, medyo masalimuot itong problemang ito; pipilitin natin pero we will be making some announcements on the major changes that will be made in the coming weeks.

JEAN MANGALUZ/PHILSTAR.COMSir, are we making space in the 2026 budget for the implementation of the PUV MP?

DOTR SEC. DIZON: Well, there is space there. There are subsidies in place. But the problem is we cannot rely on subsidies alone to modernize our public utility vehicles. This needs to be primarily market-driven. Meaning, the economics has to make sense. Meaning, dapat bottom line dito, may insentibo ang mga operators at drivers natin na mag-modernize dahil kikita sila. Dahil kung hindi sila kikita, kahit ano pang gawin natin, mahirap ma-incentivize ang mga transport groups na mag-modernize.

So, there is budget for some subsidy here, as has been given in the past, but that is not a sustainable solution to ultimately modernize.

ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: Sec., good morning. May mga panawagan kasi na suspendihin po muna ang Value Added Tax at saka excise tax sa mga petroleum products dahil nga sa Iran-Israel tension. Although bumaba naman po iyong presyo ng langis sa world market, pero sa panig po ng Department of Transportation open po ba kayo sa panukalang amyendahan po ito at ano po iyong posisyon ninyo dito, Sec.? Thank you.

DOTR SEC. DIZON: Pasensiya na po, ma’am, hindi po ako makakapag-comment diyan, iyan po ay nasa purview ng ating economic team. Pero ang masasabi ko lang, ang utos ng Pangulo natin ay simple lang: Kapag mayroong mga nangyayari sa ibang bansa, sa ibang parte ng mundo na wala tayong kontrol at apektado ang ating mga kababayan kasama na ang transport sector ay kailangang umaksiyon agad ang gobyerno. Mayroon naman tayong mga paraan at pondo para dito halimbawa na diyan ay iyong fuel subsidy program natin.

ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: So, ibig sabihin nito, Sec., malamig po kayo sa panukalang…

DOTR SEC. DIZON: Hindi ko sinabi iyon.

ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: Okay, lilinawin ko lang, Sec. Okay. Thank you.

DOTR SEC. DIZON: Malinaw iyon, wala akong sinabing ganoon.

EDEN SANTOS/NET25: Sec., good morning po. Regarding po sa fuel subsidy ulit ‘no. Sabi po ng Pangulo yesterday, “The price of oil has not gone up so we do not need to talk about the subsidy yet.” Pero may staggered price increase po ang mga oil companies. Paano po natin pag-uumpugin ito para naman maka-survive din po iyong mga dapat mag-benefit dito sa fuel subsidy?

DOTR SEC. DIZON: Opo. Klarung-klaro po kasi ang probisyon ng batas: Puwede lang nating magamit ang fuel subsidy budget kapag pumalo ng otsenta dolyares per barrel ang oil. So, ang sinabi ng ating Pangulo, klarung-klaro: Dapat mag-ready tayong lahat. Kapag nangyari ito dapat mabilis nating ma-distribute ang ating pondo para sa ating mga transport sector members – so, iyan po ang ginagawa natin. Handa po tayo kasama ng DICT at ng DILG para i-distribute ito agad-agad kapag nangyari itong mataas na increase sa oil prices sa world market.

EDEN SANTOS/NET25: Kahit po mayroong five pesos na pagtaas although staggered pero pinakamataas po ito sa history sa presyo po ng langis.

DOTR SEC. DIZON: I think naman po unang-una, napakaganda po ng ginawa ng ating DOE Acting Secretary Sharon Garin ayon na rin sa utos ng Pangulo na huwag bibiglain ang ating mga kababayan. So, malaking bagay na po iyon. And ang tingin ko naman po kagaya ng sinabi ninyo na rin nakikita na nating bumababa ang presyo ng oil kaya siguro bababa na rin hopefully in the next few days or weeks ang local price.

Pero uulitin ko, klaro po ang probisyon ng batas at kailangan po nating sundin.

EDEN SANTOS/NET25: Isingit ko na kasi DOTr hindi ko lang sure kung concern din po ninyo ito, Sec. May mga pagbaha po sa mga nakalipas na araw na umulan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Sinasabi po ng ilang barangay dahil daw po doon sa MRT-7. Ano po ang masasabi ninyo dito?

DOTR SEC. DIZON: Titingnan po natin. Makikipagtulungan po tayo sa DPWH kung mayroong nangyari dahil sa pagpapagawa ng MRT-7 although hindi naman po siguro ‘no dahil nasa gitna po ang MRT-7 at ang mga drainage naman natin ay nasa side, nasa outermost lanes. Pero makikipag-ugnayan po tayo sa DPWH.

Pero ang importante tingin ko dito is talagang kailangan finally matapos na ang MRT-7 at iyon ang pinipilit nating gawin ngayon ayon sa utos ng ating Pangulo na hopefully in the next year and a half to years ay operational na ang MRT-7.

SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Good morning, sir. Mayroon na po bang mga companies na nag-express regarding po doon sa plan nila na ipa-privatize ang LRT-2 po?

DOTR SEC. DIZON: Sa pagkakaalam ko mayroon nang mga kinausap ang [unclear] World Bank iyong ating adviser diyan. Pero siguro ‘no hintayin na lang natin iyong kanilang final report. Pero ang pagkakaalam ko, within the year ay masisimulan na natin ang proseso dahil ito ay ibi-bid out natin as a PPP.

So, very important iyan kasi lumalaki ang ridership ng LRT-2 although hindi pa siya kasintaas tulad ng LRT-1 at MRT-3 pero dahil na rin sa extension nito hanggang Antipolo at mayroon tayong pinaplanong extension papuntang North Harbor, tingin ko ‘no kailangan na talaga nating i-PPP ito para maging maayos ang operations and maintenance ng LRT-2.

SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Okay, sir. Follow up ko lang po, na-mention ninyo po iyong expansion, makakaapekto po kaya iyong privatization ng LRT-2 doon sa plano na expansion ng line at saka doon sa mga programs ng government iyong 1+3 at saka iyong parang 50 percent discount for students kung halimbawang maging operated by private sector?

DOTR SEC. DIZON: Hindi naman kasi subsidy naman talaga iyan iyong mga programang iyan at ginagawa na rin natin iyan kahit sa LRT-1 na privately operated na. So, walang epekto iyan.

SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Thank you po, sir.

CLEIZL PARDILLA/PTV4: Good morning po, Secretary. Sec., can the DOTr assure that the alleged 60-40 extortion scheme between airport police and taxis does not exist anymore? And what new systems are in place to ensure that overcharging incidents are being reported and responded po?

DOTR SEC. DIZON: Maraming salamat. Alam naman natin na nangyayari itong overcharging na ito pero ang sigurong nakakagulat na impormasyon na nakuha natin ay ito ngang garapalang 60-40 scheme na sa kasalukuyan ay iniimbestigahan natin. So, hindi ko muna masasagot iyong tanong mong una dahil nga ongoing tayo sa imbestigasyon natin at iimbestigahan natin iyan both on the side ng mga taxi at ng operator at more importantly sa loob mismo ng airport police division ng MIAA.

So, pabayaan na lang siguro muna natin si General Bisnar at si GM Ines na gawin ang kanilang trabaho at magri-report tayo kaagad sa publiko kapag may resulta na ito.

CLEIZL PARDILLA/PTV4: Sir, follow up na lang po, how many taxis are nor calibrated to new flag down rate and how crucial it is po?

DOTR SEC. DIZON: Sa kasalukuyan ay mino-monitor ng LTFRB ang metro ng mga taxi sa airport ‘no. Hihingi tayo ng report sa kanila kung ilan na ang na-recalibrate o mayroon ba silang nahuling dinadaya ang metro. Pero lahat po iyan at hindi po tayo titigil, araw-araw pong nandiyan ang LTFRB at LTO ngayon at sana matakot na itong mga mapang-abusong mga taxi driver at pati na rin iyong mga kasabwat nila sa airport police dahil hindi talaga natin titigilan ito. At saka kung sinuman ang mahuli dito, paulit-ulit naming sinasabi pasensiyahan po tayo.

RADYO BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, good morning po. Just going back doon sa PPP doon sa MRT at saka LRT-2. Anong ini-expect natin, Secretary, in terms of service sa riders kapag na-push through itong PPP? And may go signal na ba dito si Pangulong Marcos?

DOTR SEC. DIZON: Opo, mayroon na po. Alam ninyo naman ang PPP (Public-Private Partnership) ay isa sa mga napakaimportanteng programa ng ating Pangulo, talagang gusto niyang ma-PPP ang mga infrastructure facilities natin, lalo na iyong operations and maintenance dahil nga naniniwala siya, at naniniwala tayo, na ang idudulot nito ay mas magandang serbisyo para sa ating mga kababayan.

So, kampante tayo na iyan ang mangyayari, pero gusto rin nating i-assure ang mga kababayan natin na hindi ibig sabihin na kapag nag-PPP tayo ay ganoon-ganoon na lang ang pagtaas ng presyo dahil ang gobyerno pa rin ang magri-regulate sa fares ng mga tren natin, kasama na dito ang LRT-2 at MRT-3, kaya makakaasa pa rin ang mga kababayan natin na hindi naman ganoon magiging kataas ang magiging pamasahe kahit na maging private na ang operator nitong mga train system na ito.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, doon lang sa pagsasampa ng kaso ng Florida Bus Transit doon sa uploader, do you see this as possible harassment doon sa nag-upload?

DOTR SEC. DIZON: Absolutely, harassment iyan ‘no, klarong-klaro. In fact, inutusan ko na iyong ang LTFRB na talagang sabihan ang GV Florida, na kung ipu-pursue niya iyong kaso against iyong kababayan natin na nag-upload and talagang makakabangga niya ang buong DOTr at ang buong gobyerno dito. Hindi ko alam kung gusto niyang gawin iyon, kasi hindi talaga papayagan natin, paulit-ulit na sinasabi ng Pangulo natin na gagawin natin ang lahat para maging safe ang ating mga kababayan sa kalye. At dahil nga diyan, ini-encourage ang mga kababayan natin na mag-report ng pang-aabuso. Kaya itong harassment na ito hindi natin papayagan ito na gawin against our concerned citizens na ang gusto lang naman ay mag-report ng pang-aabuso para maging safe ang ating mga kababayan.

TUESDAY NIU/ DZBB: Good morning, Secretary. Alam naman na po natin na hanggang po ay nakabitin pa po iyong pagpapalabas ng fuel subsidy dahil nga po bumaba na iyong presyo ng langis sa world market pero habang nakabitin po iyan, iyong ating mga drivers and operators ng public transport ay pumapasan din nitong bigat noong mataas pa rin naman presyo ng langis. Wala po bang chance na mapagbigyan iyong kanilang hiling na provisional increase sa pamasahe para habang nakabitin iyong fuel subsidy kahit papaano mayroon din daw po naman silang mapakinabangan, kahit iyong piso na hirit na provisional increase?

DOTR SEC. DIZON: Pag-uusapan po natin iyan ‘no, kasi kailangan alam ninyo naman na kailangan natin balansehin din iyong epekto ng pagtaas ng pasahe sa ating mga commuters, sa ating mga kababayan. Kailangang pag-aralan natin at i-balanse natin ng mabuti iyan, so iko-konsulta na po natin iyan sa ating economic team para makakuha tayo ng guidance.

TUESDAY NIU/ DZBB: Thank you, po.

DOTR SEC. DIZON: Maraming salamat po, God bless po.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Maraming salamat, Sec. Vince. At maaari na po akong kumuha ng inyong mga katanungan.

EDEN SANTOS/ NET25: Good morning po Usec. Regarding po doon sa flood control project ng gobyerno po natin, kumusta na po ang status ng mga proyekto since panahon na po ng tag-ulan at nakakaranas na rin po ng mga pagbaha sa iba’t ibang lugar, especially po dito sa Metro Manila?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa ngayon po ay wala pa po akong detalye at hindi pa po natin nakakausap si Secretary Bonoan. Pero malamang po by next week ay makakakuha na po ako ng detalye. Ang nasa akin lamang po ngayon ay ang kanilang naging trabaho dito sa Tanza, rather Tangos-Tanza Navigational Gate at nag-ulat na rin po, nagbigay na rin ng ulat itong si Representative Toby Tiangco, at nakikipag-ugnayan nga daw po ang DPWH sa pamumuno po ni Secretary Manuel Bonoan, at ito po ay matatapos na po, magiging fully operational na po itong flood gate na ito sa July 1, inayos po nila ito para po maibsan naman po ang pagtaas or ang pagbaha sa nasabing lugar lalung-lalo na po kapag high tide. So, iyon lamang po muna ang aking maiuulat. But pinapangako ko po na kapag nagkaroon na po ako ng detalye patungkol sa—yes, project ay ibibigay ko po sa inyo lahat agad.

LUISA CABATO/INQUIRER.NET: Good afternoon po, Usec. Kahapon po pinuna ni Vice President Sara Duterte, pag-lead ni Pangulo sa incineration ng drugs sa Capas, Tarlac. And sabi po niya, ‘Hindi trabaho ng Presidente ang pag-photo ops sa nahuli na drugs at mag-photo ops sa pagsira na nahuli na drugs kasi maganda sa paper, maganda sa picture hindi ganoon, dapat paniguraduhin mo na gumaganda ang buhay ng bawat Pilipino’. Ano po iyong masasabi ng Palasyo dito?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Ang Pangulo ay gumising ng maaga kahapon, pumunta sa Tarlac, nag-trabaho, nag-utos hindi nagbakasyon at binantayan ang pagsira ng illegal na droga. Nais ng Pangulo na masawata ang droga, ang iligal na droga sa ating bansa. At ang pagtatrabaho po ng Pangulo ay dapat maramdaman ng tao; hindi po ito pang photo ops lang, ito ay nagsisilbing babala sa mga kriminal at nagsisilbi rin po itong inspirasyon sa taumbayan na nagnanais na masawata ang iligal na droga.

Mas maganda po siguro talaga na pasinayaan at makita mismo ng Pangulo ang pagsira sa mga iligal na droga na ito kasya po walang gawin sa mga nawalang iligal na droga sa magnetic lifter. Kailan nga ba ito nawala, 2018? Iyan. At baka po nakalimutan din po ng Bise Presidente na ang kaniyang ama ay nagkaroon din po ng pagwi-witness sa incineration ng 7.51 billion dangerous drugs sa Cavite. Ito po, baka po nakalimutan niya po ito, baka puwede nating palakihan. Kailan po ba ito? Wait lang 202o lamang. So, baka nakalimutan po ito ni Bise Presidente. So, ang pagtatrabaho po naman ay hindi dapat itago dapat nakikita ng taumbayan, dapat nagri-report ang Pangulo sa taumbayan.

IVY REYES/BILYONARIO: Hi, Usec. Good morning. Still on VP Sara po. May sagot po siya sa statement ng Palasyo on her overseas trips. Hindi niya raw po alam kung hindi ninyo lang naiintindihan or and I quote “Bobo lang talaga iyong administrasyon”. She also confirms that her trips are indeed personal but that she never used any government money.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay po, nakita po natin kung papaano po sumagot ang Bise Presidente, napaka-emotional. Sabi nga po natin, may kasabihan po na ‘when emotions are high, intelligence is low’. Never speak out of anger. Dahil maliwanag po sa ulat na personal trip ang ginawa po niya.

At hindi natin kinukuwestyon, ang sabi po natin noong nakaraan ay it her choice kung diyan po siya abala sa kaniyang private or personal trips with her family. Pero hindi po niya kasi ibinunyag na gagawa siya diumano ng official functions. Magiging magkaiba po iyon kung ang sinabi niya po, kahit po isa sa inyo, sa media na personal trip, pero mayroon po pala siyang gagawing official functions. Kasi, magkakaroon po dito ng ethical and accountability concerns. Since siya po ay medyo emotional kahapon yata po iyon ay nabanggit niya nga po na hindi lang ito personal trip.

So, ang tanong natin, kung hindi ito personal trip, sana ay naging tapat siya sa pagsasabi kung ano ba ang dahilan ng kaniyang pagpunta sa Australia at hindi naman ito tututulan ng administrasyon. At ginamit niya ang OVP Facebook, ito ay parte ng gobyerno pero pang-personal trip, so magkakaroon po talagang confusion, conflict of interest. At ngayon na inamin niya, sinabi niya na siya ay nagtatrabaho bilang Bise Presidente, lumabas siya ng bansa, kailangan na po siyang mag-ulat sa bayan, ano ang ginawa niya sa Australia, ano ang naging resulta ng kaniyang official function, sa pagganap ng kaniyang official functions sa Australia at kailangan din niya po iulat sa taumbayan kung sino iyong mga kasama niya at kung lahat ba ng kasama niya ay pinondohan lamang niya. Kasi po ang naging official functions ang sabi niya, talagang kailangan niya na pong mag-ulat. Kung private or personal trip po iyan, hindi naman po talaga kinakailangan niyang iulat kung anong ginawa niya. So, dapat may result po na maganda sa bansa iyong kaniyang paglakbay o kaniyang mga paglalakbay sa iba’t ibang bansa. Kaya, muli, bayan o sarili? Tanong iyan ni Heneral Luna.

IVY REYES/BILYONARYO: Follow up na lang din po. She also said that she is the frontrunner for the 2028 presidential race so the admin pushed for her impeachment to eliminate the frontrunner and that it’s the intent of the President to stay in power.

PCO USEC. CASTRO: Siguro iyan po ang nais niyang maging naratibo, ipakita sa taumbayan pero nawawala po iyong issue patungkol sa kaniyang accountability tungkol sa confidential funds at iba’t iba pang mga complaints na napapaloob sa articles of impeachment. Siguro po, nais din po nating malaman ang katotohanan at huwag lamang pong magtago sa naratibo na siya iyong frontrunner para sa 2028 presidential election.

At sabi nga natin, kapag ikaw ay taong-gobyerno at public servant ka, obligasyon mo na ipakita lahat at sagutin ang mga isyu na kakapalooban o kakasangkutan mo. So, ini-expect po natin iyan kay VP Sara dahil talagang mukhang diversionary tactic po ito.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., doon sa travel pa rin ni VP Sara. May we know kung—kasi ang alam natin whether official or personal travel, kinakailangan mayroong mag-issue ng travel order eh. Sino ba ang nag-i-issue noong travel order sa…?

PCO USEC. CASTRO: Humingi po siya sa Office of the President at siya naman po ay napayagan. Pero iyong kung sinuman po iyong mga delegado po niya, sa opisina niya po ito manggagaling. So sabi nga niya po, official function ito so kailangan niya pong mag-report sa taumbayan kung sino-sino iyong kaniyang mga naging kasama at kung lahat po ba ito ay sinagot niya ang mga gastusin.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Doon sa part ng official trip niya, obligado siya na magpasa ng liquidation, Usec., ano?

PCO USEC. CASTRO: Sinabi niya po kasi na official functions kasi kung hindi po siya official function at personal trip at pera niya po ang ginamit, hindi po ito magkakaroon ng issue. But since inamin niya na nagtatrabaho siya diumano sa Australia so kailangan niya pong mag-report ‘di lamang po sa gobyerno, sa taumbayan. Kasi sinabi niya po na nagtatrabaho siya so ano ang naging result nito para sa taumbayan? So, iyon po ang pinakaimportante doon at… so iyon po.

EDEN SANTOS/NET25: Usec., i-clarify ko lang po ‘no kasi sabi niya, hindi ibig sabihin na personal na lakad iyan ay holiday o pamamasyal iyan. Kasi parang ang—nabanggit ninyo po kasi iyong ‘bakasyon’ kaya siguro medyo doon nagkaroon ng pagsagot ang VP regarding doon sa issue ng bakasyon. So, it’s personal pero hindi ibig sabihin namamasyal or holiday po iyon.

PCO USEC. CASTRO: So, papaano ninyo po ikakategorya iyon? Kung hindi po siya personal trip, hindi siya namamasyal, hindi pangsarili, ano po? Nagtatrabaho po ba siya o bakasyon talaga? On leave ba siya? So, dapat po si VP Sara mismo ang magliwanag niyan sa atin dahil magulo po ang kaniyang mga salita.

IVAN MAYRINA/GMA7: Lilihis lang po ako ng topic saglit, Usec. Nakapanayam po ng himpilan namin si Palestinian Ambassador to the Philippines Mounir Anastas at naniniwala siya na napapanahon nang tumulong ang Pilipinas na kumbinsihin ang Israel na resolbahin na ang krisis sa Gaza lalo’t sinusubukan ng Pilipinas na makakuha ng non-permanent seat sa United Nations Security Council. In the words of the ambassador and I quote, sabi po niya: “We hope that since the Philippines has good relations with Israel, is to apply some pressure on Israel in order that Israel respects the humanitarian question in Gaza especially, and in the West Bank as well.

PCO USEC. CASTRO: Opo. Ang Pilipinas po ay laging sumusuporta sa two-state solution. Two independent states na Palestine and Israel na mag-coexist side-by-side, na kinikilala ang kaniya-kaniyang mga borders. Sinusuportahan din po ng pamahalaan ang pangmatagalan at komprehensibong kapayapaan sa Middle East na naaayon sa UN Charter at relevant UN Security Council resolutions.

So, kaya po nananawagan din po ang bansa natin, ang ating pamahalaan para masiguro po na wala sanang tigil ‘no, unhampered delivery ng tulong sa mga Palestinian nating mga kaibigan. Pero patungkol po sa kaniyang panukala, idi-defer po natin ito sa DFA.

IVAN MAYRINA/GMA7: Ang hiling po nila is for the Philippines to apply some pressure. Malinaw po iyong sinabi ninyo na posisyon ng Pilipinas but how are we going to manifest that position?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, idi-defer natin ang inyong katanungan sa DFA dahil ito ay foreign policy po.

MARICAR SARGAN/BRIGADA: Good morning, Usec., ibang topic din po. What is the Palace reaction po to criticism from Kabataan Representative Renee Co and I quote, ito po iyong sabi: “Kahihiyan ang Pangulong ito na sunud-sunuran sa dikta ng mga dambuhalang korporasyon. He merely follows the whims of these corporations. Hinarangan na nga ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa at hinayaan pa ang pagtaas ng presyo ng langis.” Although DOE Acting Secretary Sharon Garin said nakaraan na it was the President who asked or who appealed to the oil companies na i-stagger iyong price hike ng oil. Ano po reaction ng Palace, ma’am?

PCO USEC. CASTRO: Opo. Sana po medyo maliwanagan po ang Kabataan Partylist kung ano po ba talaga ang ginagawa ng Pangulo. Unang-una po, sinabi ninyo po yata hinadlangan na ang pagtaas ng sahod. Hindi po naghahadlang, gusto po nating i-correct iyan – hindi po humahadlang ang Pangulo sa pagtaas ng sahod. Makikita po nila iyan sa record po sa Regional Tripartite Wage Board natin, taun-taon po iyan po ang hiling ng Pangulo na magkaroon po ng pagtaas ng suweldo.

Kung ito pong hinihiling nila ay 200-peso wage hike, iyan po ay nasa Kongreso. Kung hindi po nagkakasundo sa ngayon ang House of Representatives at ang Senado, hindi po puwedeng basta po magdikta ang Pangulo. Hindi po ba ayaw natin ng isang lider na diktador? Ayaw natin ng lider na hindi nag-iisip, ayaw din natin ng lider na puppet lang at ayaw natin ng lider na nagbabakasyon lang.

So, tandaan natin, sinabi po ni DOE OIC Sharon Garin na ang presyo ng krudo ay nababase po sa global market forces at mayroon po tayong Oil Deregulation Law. So, kung nais po talaga na madiktahan ang presyo ng krudo, mas maganda pong gumawa na agad ng batas at magbalangkas na rin ang Kabataan Partylist patungkol po dito para kung mayroon na pong batas ay mai-implement po at mai-enforce po ng Executive Department.

LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Usec. Ma’am, plano po ng Amerika na buwisan ang remittance ng mga foreign workers sa US, although ito ay pinagdidebatihan pa naman sa US Senate. Pero alam naman po natin na ang remittance ay malaki ang ambag sa ekonomiya ng ating bansa. Ang sabi po ng IBON Foundation, this is something that the Philippine government should raise directly with the US. Ano po ang masasabi ng Palasyo?

PCO USEC. CASTRO: Opo, nakipag-ugnayan po tayo sa Department of Finance. At ayon po sa DoF’s chief economist, ito po ay, and I quote, “Out of the 4.4 million overseas Filipinos in the US, only 20% will be affected by the proposed tax proposal which is seen to take effect on January 1, 2026 if passed. The tax will affect non-US citizens including green card holders and those with working visas – each one visa holders. Although, 41% of the remittances are routed to the US, not all of these are from Filipinos in the US because remittances are routed to the US via correspondent banks. The expected loss in remittances might only be as much as $100 million out of the US$36.5 billion projected remittances in 2026. The estimated effect is minimal decline of 0.003% of GDP. While we see the estimated effect is minimal in the economy, it may be substantial for many families who solely rely on the remittances from a family member in the US, talking about non-US citizen. Based on the BSP survey, about 90% of the remittances are spent on food and other household needs.”

So, nagbigay po sila ng example. Ang halimbawa raw po, the tax for US$100 remittance is only US$3.50, so essentially, only US$96.50 will be received by the family in the Philippines.

LETH NARCISO/DZRH: Bukod po diyan, ma’am, concern pa rin ng mga Pilipino sa US ay iyong mahigpit na immigration policy ng Trump administration. Are we still pushing po iyong earlier plan of the President to meet with President Trump0?

PCO USEC. CASTRO: Wala pa po sa aking nakakarating. Sorry po, magbibigay na lang po ako ng detalye sa susunod. Hindi pa po ako nabigyan ng detalye patungkol diyan.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., doon sa PSAC meeting kahapon, Usec., natalakay po ba iyong posibleng job offers sa mga OFWs na iniri-repatriate from Israel and …?

PCO USEC. CASTRO: Hindi po doon napag-usapan in particular kasi mayroon naman pong ginagawa ang OWWA at ang DMW na proyekto para sa mga na-repatriate na mga OFWs natin. Ito nga po iyong binanggit natin na 150,000 pesos; ito ay manggagaling, paghahatian, 75,000 from DMW Action Fund at 75,000 from OWWA Emergency Repatriation Fund. At iyon nga po, ang accommodation and transport assistance will also be provided by the OWWA, lalung-lalo na po iyong mga nakatira po sa probinsiya. At magkakaroon din po ng livelihood assistance and training voucher assistance na ibibigay po ng National Reintegration Network Members katulad po ng DTI, DSWD and TESDA, pati po iyong DOH ay magbibigay din po ng medical assistance.

So, so far, iyan lang po ang detalye na maibibigay ko sa tulong sa mga kababayan natin na magbabalik.

CHLOE HUFANA/BUSINESS WORLD: Good afternoon po, Usec. Is the government reassessing its target economic growth po for this year considering the Middle East conflict as well as the American tariffs?

PCO USEC. CASTRO: Actually, sabi nga nila, medyo premature pa kung tatanggalin natin iyong balak, iyong goal. So far, tingnan po natin, nagmo-monitor naman po sila sa bawat mangyayari, pero iyong goal pa rin po ng growth natin ay nananatili pa rin na iyon pa rin iyong goal.

CATH VALENTE/MANILA TIMES: Good morning, Usec. Hingiin lang po namin if the President has accepted the resignation of SAP Secretary Anton Lagdameo? And follow-up din po kung ano na po ang update doon kay Secretary Galvez, kay Secretary Gadon and sa atin din pong Presidential Assistance on Maritime Affairs Andres Santino kung na-accept na rin po ba iyon or rejected?

PCO USEC. CASTRO: So far, wala pa pong pinaparating sa atin. Kapag mayroon pong bago na desisyon patungkol po sa mga naghain ng courtesy resignation ay ipapaabot ko po sa inyo; pero sa ngayon po ay wala.

At bago po tayo magtapos: Kahapon, June 25, ay tumungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Capas, Tarlac para pangunahan ang pagsunog sa halos 9.5 billion pesos na halaga na iligal na droga.

Ikinagalak ng Presidente ang agarang pagsira sa mga nakumpiskang kontrabando. Aniya, salot sa lipunan ang ipinagbabawal na gamot kaya nararapat lang na wasto ang pag-dispose nito at hindi na muling ikalat pa.

Kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya, nasaksihan ng Pangulo ang pagsunog sa mahigit 1.5 tons na illegal drugs. Binigyang-diin ng Pangulo ang pangako ng administrasyon, hinding-hindi titigil ang gobyerno hangga’t hindi nauubos ang mga malalaking sindikato ng droga. Kahit aabot na sa halagang 62 billion pesos ang nasabat na droga mula 2022, nais pa rin ng Pangulo na gawing mas matagumpay pa ang tinaguriang “bloodless war on drugs” ng pamahalaan. Kaya ang utos ng Pangulo sa PDEA at PNP, siguraduhin ang integridad ng lahat ng operasyon mula buy-bust hanggang proper disposal; maging mas listo upang maagapan ang pagkalat ng droga sa mga komunidad; paigtingin pa ang mga operasyon nguni’t panatilihing payapa, makatao at naaayon sa batas ang laban kontra-droga.

Buo ang paniniwala ni Pangulong Marcos Jr. na sa Bagong Pilipinas, walang puwang ang illegal drugs.

[VTR]

PCO USEC. CASTRO: At dito na po nagtatapos ang ating press briefing. Magandang umaga para sa Bagong Pilipinas.

 

 

###