PCO USEC. CASTRO: Magandang araw, Malacañang Press Corps.
Pangakong accessible internet, tinupad ni Pangulong Marcos Jr. Upang masigurong walang maiwan sa digital world, muling nagbalik si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Tacloban City ngayong araw upang tuparin ang pangakong pagbutihin ang internet access sa Eastern Visayas lalo na sa mga geographically isolated and disadvantaged areas sa rehiyon. Sa isang Regional Development Council meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Marso, ipinangako ng Pangulo ang maayos na internet access sa rehiyon na kabilang sa efforts ng gobyerno na palawakin ang reliable connectivity doon.
Bilang pagtupad sa kaniyang pangako, ngayong araw ay pinasinayaan ni Pangulong Marcos Jr. ang Phase 2 and 3 ng National Fiber Backbone na nagsisilbing tulay ng impormasyon at government services. Dahil dito, halos 1,781 kilometro ang inilatag para sa bagong fiber network na ito. Ang Phase 1 ng programa ay una nang inilunsad noong nakaraang taon, sinimulan ito sa Ilocos Norte hanggang Quezon City. Ngayon, pinapalawak pa ng gobyerno ang programa sa Cagayan Valley, CALABARZON, Bicol, Eastern Visayas at Mindanao na inaasahang magpapalakas sa internet access sa mahigit 600 na tanggapan ng gobyerno. Mapapakinabangan naman ito ng halos 17 milyong Pilipino.
Kapag nabuo ang National Fiber Backbone project ng Marcos administration, inaasahang mababawasan ang gastos ng mga telco at internet providers at magkakaroon ng mas abot-kaya at mas mabilis na internet. Ibig sabihin, mas maraming Pilipino ang konektado sa Bagong Pilipinas sa ilalim ng Digital Bayanihan.
[VTR]
Agarang maibalik ang load limit sa San Juanico Bridge, ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr. Ilang linggo matapos ang kaniyang pagbisita sa Tacloban City upang inspeksiyunin ang kondisyon ng San Juanico Bridge, nagbalik si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw. Ipinag-utos ng Pangulo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na bilisan ang retrofitting at tapusin agad nang maayos ang tulay.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., mayroong mahigit kalahating bilyong piso na pondo ang nakalaan para maibalik sa 12 hanggang 15 metric tons ang load limit sa San Juanico Bridge ngayong December. Ipinag-utos din ni Pangulong Marcos Jr. sa DPWH at Department of Budget and Management (DBM) na gawan ng paraan upang maitaas ang buong kapasidad ng tulay sa 33 metric tons.
[VTR]
At maaari na po akong tumanggap ng inyong mga katanungan.
CHLOE HUFANA/BUSINESSWORLD: Good afternoon po, Usec. Is President Marcos supportive of the Finance Department’s proposal to impose a new tax on online gaming operators, given concerns that such a measure could discourage investment in the sector or push some operators underground? How is the President weighing the potential revenue gains against the possible impact on industry growth and employment?
PCO USEC. CASTRO: Ang proposal po na ito ng DOF na magkaroon po ng tax para po marestriktuhan ang mga online gaming ay para naman po sa ikabubuti ng pamilyang Pilipino. Batid po ng Pangulo ang maaaring mangyari sa mga gumon sa sugal at hindi niya naman po tututulan basta po mayroon pong sapat na pag-aaral tungkol sa buwis na ipapataw man. Maliban po dito sa mga online gaming sites na licensed or lehitimo naman, paiigtingin po lalo ang paglaban sa mga illegitimate o iyong hindi tama o hindi rehistradong mga online gaming sites.
CHLOE HUFANA/BUSINESSWORLD: Follow up lang po from Sir Dexter of Inquirer. What is President Marcos’ position about online gambling with lawmakers filing bills to either outright ban or impose tighter regulations on online gambling operators and e-wallets and acknowledging that Filipinos get addicted to online gambling regardless if they are playing on legal or illegal apps or websites?
PCO USEC. CASTRO: Iyon nga po, kagaya ng ating sinabi, ang Pangulo po ay nakikinig kung anong nangyayari sa ating mga kababayan at kung anuman po ang bill na ipapasa nila, ito’y pag-aaralang mabuti kung ito’y makakabuti sa ating ekonomiya and at the same time makakabuti para sa taumbayan.
CHLOE HUFANA/BUSINESSWORLD: Last po from Sir Dexter. How will the Marcos administration address the issue of online gambling in a health perspective given addiction is a public health problem?
PCO USEC. CASTRO: Muli, katulad ng sinabi natin, gusto nating limitahan ang ganitong klaseng mga pagsusugal at mabawasan ang mga gumon sa sugal at ito po ay para sa taumbayan at ang lahat ng puwedeng suggestion at maaaring batas para ito ay masawata, hindi naman po iyan tututulan ng ating Pangulo.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Usec., si Senator Zubiri naghain po ng Anti-Online Gambling Act para sa total ban ng lahat ng uri ng online gambling at nananawagan siya sa Pangulo na maglabas ng malinaw na pahayag na posisyon tungkol dito. Ito ho ba’y inaasahan nating matatalakay ng Pangulo sa kaniyang nalalapit na SONA? Tama po bang sabihin that the President is taking a closer look at online gambling in the middle of all these proposals?
PCO USEC. CASTRO: Opo, pero hindi po natin masasabi kung ito po’y makakasama sa SONA. Wala pa po akong detalye kung ano po ang sasabihin at ipapahayag ng ating Pangulo sa SONA. At ito naman pong mga suggestion po na ito ay makakarating sa ating Pangulo.
LETH NARCISO/DZRH: Good afternoon, Usec. Inanunsiyo po ng PHAPi (Private Hospitals Association of the Philippines, Inc.) na hindi muna sila tatanggap ng guarantee letters mula sa gobyerno. Nasa 530 million pa daw po kasi iyong hindi nababayarang claims, ano pong masasabi ng Malacañang dito?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Nakausap po natin mismo ang pamunuan ng DOH, ang sinasabi nila na 39 hospitals lamang po sa Batangas ang nagkakaroon ngayon ng usapin patungkol sa ‘di umanong pagbabayad nang mabilisan ng mga amount base sa guarantee letters dahil ito po daw ay wala pang kaukulang mga dokumentong naisusumite. Pero hindi po nangangahulugan na iyong ibang mga ospital po ay nagkakaroon ng problema pagdating po sa bayaran.
At tandaan po natin na sa Universal Health Care Act ay mayroon pong supposed to be guaranteed na 10% na authorized bed capacity ang mga private hospitals para patungkol po sa zero billing ha. At dapat nga po ay hindi na po kinakailangan iyong—iyong tinatawag nating medical assistance for indigents and financially-incapacitated patients dahil dapat zero na po ang balanse dahil po sa PhilHealth.
At kung mas kakailanganin po ng ating mga kababayan na sila ay—at malapit sila sa mga DOH hospitals, hindi po kailangan ng GL doon or guarantee letters. So, marami po tayo, mayroon po tayong mga listahan po dito ng mga DOH hospitals na hindi po kailangan ng guarantee letters from any politicians dahil po kapag po DOH hospitals, ang social worker po mismo ang tumitingin kung sila’y qualified at hindi naman po pulitiko.
So, ang ilan po dito na aking mababanggit, marami po kasi ay Philippine Medical Center, Lung Center of the Philippines, NKTI, Philippine Heart Center, East Avenue Medical Center, Amang Rodriguez Memorial Medical Center at marami pa pong iba. Mamaya ibibigay ko po sa inyo kung kayo po ay nangangailangan ng kopya ng DOH hospitals.
LETH NARCISO/DZRH: May plano po ba ang Pangulo na kausapin ang mga opisyal ng DOH para pagpaliwanagin o linawin itong bagay na ito kasi may pangako po siya na tutugunan iyong mga basic na pangangailangan ng taumbayan, bagama’t private hospital po iyong pinag-uusapan, programa pa rin po ito ng gobyerno.
PCO USEC. CASTRO: Yes, opo. Mayroon naman po kasing MOA ang DOH with the private hospitals at sabi nga po natin, hindi naman po nagkakaproblema ang gobyerno patungkol po sa pagbabayad ng mga bills po ng ating mga kababayan na covered po ng guarantee letters. Dito lamang po sa 39 hospitals na kinakailangan po ng DOH iyong ibang mga dokumento para po sila’y mabayaran. So, doon po sa maniningil na mga hospitals, kumpletuhin lang po iyong inyong mga dokumento dahil po ang DOH ang sinasabi sa atin ay may sapat na pondo.
EVELYN QUIROZ/PILIPINO MIRROR: Good afternoon, Usec. Usec., may identities na po iyong mga policemen involved at saka iyong alleged politicians doon po sa mga missing sabungeros?
PCO USEC. CASTRO: Nakausap natin ang isang kinatawan sa DOJ at sinabi po nila na hanggang sa ngayon po ay pinag-aaralan at hindi muna po nila iri-reveal ito dahil patuloy po ang kanilang pagsasagawa ng imbestigasyon.
EVELYN QUIROZ/PILIPINO MIRROR: Another topic lang po. Iyong sa case naman po ni VP Sara, if the findings of the Ombudsman is against the Vice President, sa tingin ninyo po ba ay makakatulong ito sa impeachment proceedings na kinakaharap niya ngayon?
PCO USEC. CASTRO: Ayaw ko po muna magbigay ng anumang sagot sa isang hypothetical question. Tingnan na lang po muna natin kung anong mangyayari. Salamat po.
EVELYN QUIROZ/PILIPINO MIRROR: Thank you po.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Ma’am, this is a question on the national debt – dalawang bahagi po iyong tanong: As of end March 2025, nasa close to 17 trillion na po ang utang ng bansa – ito ay 62 percent ng debt-to-GDP ratio. Of the more than four trillion borrowed under the Marcos administration, can we account where it largely went and is a 62 percent debt-to-GDP ratio still within what can be considered healthy?
PCO USEC. CASTRO: Ito po ay ginamit sa mga growth enhancing investments tulad ng infrastructure, education, agriculture, health at social services. Makikita po natin kung ano ang mga itinulong ng Pangulo at ng pamahalaan sa mga farmers natin, sa mga mangingisda po natin; pati po itong pagpapataas din po ng mga ayuda at tulong sa ating mga kababayan – makikita ninyo po iyan.
Ito po, ayon sa ating Department of Finance [DOF] ay sustainable, nasa sustainable level po tayo dahil po 70 percent po ang international threshold for the debt-to-GDP ratio. So, nandoon pa po tayo dahil sabi ninyo nga po noong nakaraang taon nasa 60.2 – kung hindi ako nagkakamali 60.7 percent pero ngayon mukhang tumaas nang kaunti but still nandoon pa rin po tayo sa range, it’s supposed to be below 70 percent.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: And can you tell us kung ano pong targets in the next three years of the administration kasi po sa unang SONA ng Pangulo, if I may point it out, target po na ibaba sa 60 percent or below ang debt-to-GDP ratio?
PCO USEC. CASTRO: Sa ganiyang katanungan, tatanungin po muli natin ang DOF at iyong ating economic team patungkol po diyan para mas detalyado ang aking maiulat sa inyo.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Thank you.
MARICAR SARGAN/BRIGGADA: Good afternoon po, Usec. May panukala po si Senator Chiz Escudero na ipawalang-bisa iyong Bank Secrecy Law para ho sa mga government officials and employees para daw po maiwasan iyong pagtatago ng mga ill-gotten wealth. Si Pangulong Marcos po ba ay willing na suportahan iyong panukalang ito? And if ever na maging batas, bukas din po siyang buksan iyong kaniyang bank records?
PCO USEC. CASTRO: Ang Pangulo po ay sang-ayon po at dapat lamang po nating ipatupad itong accountability and transparency sa gobyerno. So, hindi po tayo magkakaroon ng negatibong sagot mula sa Pangulo.
At gusto ko lamang pala i-update po kayo dahil noong nakaraang araw po ay humihingi po kayo ng mga pangalan ng barangay. Napakarami po at hindi ko po ito mababasa sa inyo, mauubos po ang araw natin kung babasahin ko sa inyo ang bawat isa. So, ibibigay ko na lamang sa inyong opisyal itong mga kopya, nandidito po iyong sinasabi ninyong mga barangay na nasasabi nating drug-cleared, drug-free. So, ibibigay ko po sa inyo ang summary dahil ngayon lamang po binigay sa atin ng PDEA. At ang ibang mga pangalan po ng barangay ay ibibigay ko rin po sa inyo pero hindi ko po lahat masasabi, mayroon dito pong Maghipid sa Lope de Vega, sa Northern Samar; Barangay San Jose sa Municipality ng Lope de Vega, Northern Samar; Gebonawan, Lope de Vega, Northern Samar; at nandidito po iyong mga pangalan. So, ibibigay ko na lamang sa inyo at para po magkaroon kayo nang kaunting detalye. At iyong iba po na gusto ninyo pa po ng detalye, maaari po ninyong itanong mismo sa PDEA. Okay.
Sa ibang balita: “Walang Gutom Program” beneficiaries, makakabili na ng benteng bigas. Upang mas gumaan pa ang pamumuhay ng mga beneficiaries ng “Walang Gutom Program” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., simula ngayong araw ay makakabili na sila ng 20 pesos na bigas sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron Na” sa WGP Program.
Ang programang ito ay bunga ng pinagsamang puwersa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Agriculture (DA) na naglalayong magbigay ng mas abot-kayang bigas sa mga food-poor sectors kabilang na ang mga solo parents, senior citizen at may mga kapansanan.
Inilunsad ang “Benteng Bigas Meron Na” sa WGP Program sa isang food redemption activity ngayong araw sa Tondo, Manila. Sa ilalim ng “Walang Gutom Program” ang mga beneficiaries ay makakatanggap ng 3,000 pesos monthly food credit sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) cards na magagamit lamang sa pagbili ng masustansiyang pagkain. Mabibili lamang ang 20 pesos na bigas sa mga DA-accredited suppliers at retailers kabilang na ang mga KADIWA outlets.
Sa ngayon ay mayroong ng 300,000 low-income households ang nakikinabang sa “Walang Gutom Program” ng Marcos administration. Layon ng administrasyon na maabot ang 750,000 beneficiaries bago matapos ang termino ng Pangulong Marcos Jr.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: Parang umu-order lang sa fast food center – ganiyan kabilis. Isang malaking bagay sa partnership na ito ang paglunsad ng self-service digital kiosk sa mga pilot areas para sa mas madali at mas mabilis na food access sa mga beneficiaries. Kasama ito sa digitalization agenda ni Pangulong Marcos Jr. Ang mga kiosk na ito ay makakatulong sa mga beneficiaries sa mga susunod na i-redeem lang ang kanilang food credits, i-check ang kanilang transactions at i-access ang program information gamit ang QR codes or digital IDs.
Maliban sa food access, layon din ng programa na palawakin ang kaalaman sa teknolohiya ng mga beneficiaries lalo na iyong mga nasa liblib na lugar.
Sa kabuuan, ipinapakita sa programang ito na ang “Walang Gutom” ay hindi lamang tungkol sa ayuda, ito ay pamumuhay sa kakayanan at kinabukasan ng bawat Pilipino upang maging mas malusog, mas matatag at mas handa sa makabagong mundo.
Baha sa Zamboanga City. Aabot sa halos 600 boxes ng family food packs, ipinamahagi sa mga flashflood victims sa Zamboanga City.
Sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agarang mabigyan ng tulong ang mga apektado ng baha, namahagi ng 571 boxes of family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng flashfloods sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City noong Sabado. Ipinag-utos agad ni Pangulong Marcos Jr. sa DSWD na siguruhing mabigyang-atensiyon ang pangangailangan ng mga residente doon at siguruhing tuluy-tuloy ang suporta sa mga naapektuhan ng flashfloods.
Mayroon nang mahigit 100,000 food packs at 20,000 non-food items ang na-preposition sa Zamboanga para sa emergency response sa rehiyon.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: Food inflation rate, bumagal sa 0.1 percent nitong June, ayon sa DEPDev. Maliban dito, bumaba rin sa -14.3 percent ang rice deflation rate at nananatili namang nasa -.4 percent ang inflation rate sa mga tinaguriang poorer households.
Ayon sa DEPDev, ito ay resulta ng mga hakbang ng gobyerno upang gawing mas stable ang food supply at paunlarin ang agrikultura at logistics sa bansa.
Bilang pagsunod sa nais ng Pangulo na bawasan ang pasaning pinansiyal ng mga Pilipino, palalawigin pa ng ahensiya ang mga intervention nito upang mapababa pa ang inflation rate sa bansa.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DEPDev sa DA at DOE para sa mabilisang pag-rehabilitate sa swine industry at pag-moderate sa presyo ng mga produktong petrolyo.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: At dito na po nagtatapos ang ating press briefing. Magandang araw para sa bagong Pilipinas.
###