Sa ngalan ng buong puwersa ng National Task Force Against COVID-19 sa pamumuno ni Secretary Delfin Lorenzana at DILG Secretary Eduardo Año, isa pong magandang gabi sa atin pong lahat.
Maganda pong balita, ayon po sa report ng DOH sa nakalipas na tatlong magkakasunod na araw ay mas mataas na ang bilang ng mga gumaling sa sakit kumpara sa mga namamatay. Mayroon na po tayong apat na daan at walumpu’t pitong recoveries; samantalang tatlong daan at walumpu’t pito naman ang mga pumanaw sa COVID-19.
Apat na bagay po ang ating tatalakayin sa report na ito. Ang una, ang pagbubukas ng mga mass quarantine facilities; ang pangalawa, ay ang localization ng National Action Plan Against COVID-19; ang pangatlo, ay ang pagpapalakas ng kakayahan ng bansa na magsagawa ng massive testing or iyong tinatawag na expanded testing; at ang panghuli, ay ang panawagan ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Pilipino.
Masaya ko pong ibabalita sa inyo na may mga bagong mega-quarantine facilities tayong ipapatayo sa labas ng kalakhang Maynila. Ito po iyong mga tinatawag nating outside of the NCR. Nitong nakaraang araw, ang inyong likod kasama sina BCDA President and CEO Vince Dizon at ang local chief executives ng Central Luzon ay bumisita sa ASEAN Convention Center sa Clark, Pampanga; pati na sa New Clark City sa Capas, Tarlac, City of Government Building at ang Athletes’ Village sa Capas, Tarlac.
Ang tatlong pasilidad na ito ay may kakayahang tumanggap ng isang libo at pitong daang COVID patients. Dito po natin dadalhin ang mga pasyente mula sa Pampanga at Tarlac at pati na rin ang mga galing sa ibang karatig pook ng lalawigan ng Region III. Nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga LGUs at sa BCDA, ng Region III for the preparation that they have done to this COVID-19 crisis.
Kasalukuyan na pong tinatapos ang pag-convert ng Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Ito ang quarantine facility na tatanggap sa mga pasyente mula sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City at Bulacan.
Ang Philippine Sports Arena o ang Ultra sa Pasig na kasalukuyan pang tinatapos ay kayang tumanggap ng isandaan at limampu’t anim na pasyente.
Para naman sa mga residente ng buong Metro Manila at karatig lalawigan ng Region IV, bukas na po ang Ninoy Aquino Stadium, kasunod na nito ang PICC at ang World Trade Center.
Ayon sa DILG, mayroon na po tayong dalawang libo at pitong-daan at walumpung quarantine facilities para sa suspected and mild COVID cases sa buong bansa. Kaya nitong mag-accommodate ng humigit kumulang na 168,000 na pasyente. Iba pa po dito ang mga quarantine ships na pinapagamit sa atin ng pribadong kumpanya care of Secretary Tugade ng ating DOTr at saka iyong ating Philippine Coast Guard na si Admiral Garcia. Kasama pa po ang barko na Ang Pangulo na tumatanggap na po ng mga COVID patients sa ngayon.
Kapag pinag-uusapan po natin ang pag-flatten ng curve, mahalaga na kasama natin lahat palagi sa pagpaplano ang mga local government units or ang LGU. Kaya kailangang maibaba ang implementasyon ng National Action Plan Against COVID sa regional, provincial at city level, even to the barangay level. Sa pamamagitan nito magkakaroon ng ownership ang mga LGUs;-kasi magagaling talaga iyong mga LGUs natin kaya bilib na bilib din si Presidente sa mga LGUs na talagang naningkamot gyud.
Nakakapag-share din sila sa isa’t-isa ng mga best practices katulad ng Baguio, Valenzuela, ang Davao Province at Davao City at ang Cordillera Administrative Region at marami pang mga ibang LGUs na nagpupunyagi sa mga araw na ito.
Ang LGUs po ang ikinokonsidera bilang isang steward ng health system at first responder. Sila po talaga ang main responsible sa kanilang constituent at mga general welfare ng ating mga kababayan. Napakalaki ng papel na ginagampanan ng mga LGUs upang ma-control natin ang pagkalat ng virus. Sa presentation nga ng DOH kanina, sinabi nga nila na dapat ang maging ano natin ay nationally directed but it should be LGU-led.
Ang mga chief executives ang nakakalaam ng tunay na sitwasyon sa kanilang mga lugar, at dahil dito, sila ang pinakamabisang makakatugon sa mga hamong kinakaharap ng kanilang mga mamamayan. Katulad po doon sa probinsiya ng Pampanga na binisita po namin nang isang araw, kahapon, nagtayo ang mga LGU ng quarantine areas para sa mga OFWs, COVID positive patients at saka iyong mga tinatawag nating suspected COVID cases.
Sa pamamagitan nito, nako-control na nila ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng ginagawa nilang mga modeling at iyong tinatawag nating mga talagang ginagawa nilang models para mapuksa ang threat ng virus. Mahusay at advanced na rin ang kanilang quick reaction team. Kapag may tumawag po sa kanilang hotline tungkol sa posibleng COVID case, agad nila po itong pupuntahan upang ma-assess ang kalagayan ng pasyente at nandoon po, mayroon rin silang PPEs, ang kanilang mga ambulance may mga plastic.
Napakaganda po ng preparasyon ng Pampanga at Tarlac, talagang nagko-coordinate. Nakikita natin ang cohesion, parang Davao, iyong mga Davao provinces, ang cohesion ng adjacent provinces. May mga hotel at ibang pasilidad na naka-dedicate para sa mga COVID-19 positive at ang mga possible cases na tinatawag nating PUIs. Sana ay ma-replicate natin ito sa mga ibang bahagi ng ating bansa at nakakasiguro ako na madali nating ma-flatten ang curve kung ganitong klase ang ating mga LGUs.
Nitong linggo ay pinanawagan na po tayo ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumili ng rapid test kits upang mapalakas ang ating kapasidad sa pagte-test sa mga indibidwal na posibleng positobo ng COVID-19. Kasalukuyan pong pina-finalize ang protocols ngayon sa technical levels ng NTF COVID-19 ang tamang paggamit ng rapid test kits para sa mga close contacts na persons under quarantine at para sa ating mga inbound OFWs.
Isa sa mga lungsod na nagsumite ng proposal na paggamit ng rapid test kits ay ang Baguio City at ang mga private sectors. Ang implementasyon nito ay nararapat at sumasang-ayon sa guidelines ng DOH at aprubado ng IATF protocols.
Bukod pa dito, tayo ay bibili ng nine hundred PCR or tinatawag na polymerase chain reaction at dalawang milyon na rapid test kits kasama na rin ang iba-ibang medical equipment at supplies na kailangan ng ating national at subnational testing laboratories.
Sa ngayon po, mayroon na tayong labingpitong COVID-19 testing centers kasama na po ang Philippine National Red Cross. Bahagi din ito ng hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang ating kakayanang magsagawa ng expanded or iyong tinatawag nating mass testing.
Sa Martes po, ayon po kay Philippine Red Cross national chairperson at Senador Richard Gordon ay mabubuksan na natin ang kanilang testing center na may kakayanang makapag-test nang ilang libo kada araw. Gusto nating magpasalamat kay Senador Gordon sa kanilang tulong para mapalakas ang ating testing capacity. Maraming salamat po, mahal na senador. Sa pamamagitan ng ating testing center na ito, kaya na nating magsagawa ng walong libo hanggang sampung libo na test kada araw at uunahin po natin ang NCR.
As of April 16, limampu’t pito na ospital ang sumasailalim sa assessment ng Department of Health at ang Research Institute for Tropical Medicine or RITM upang aprubahan sila bilang mga COVID-19 test centers. Labingpito dito ay nasa stage 5 na ang proseso at malapit na po ang accreditation. Hopefully, we can have them at the soonest possible time, kasama na po dito ang Marikina.
Kagabi ay muling nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Pilipino na sundin ang mga guidelines sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine or iyong lockdown.
Ang mensahe niya ay simple at malinaw: Magtago tayo, magtago tayo.
Ang ibig sabihin ng ating Pangulo ay magtago tayo sa ating mga bahay at huwag tayong lumabas kung hindi lubos na kailangan. Parang takot tayo kay misis, iyong mga mister na ayaw umalis ng bahay. Hindi naman po ito mahirap intindihin ngunit hanggang sa ngayon marami pa rin sa atin ang—mayroon pa ring mga kababayan na hindi nakakaunawa at talagang pasaway.
Nakita po natin ang ating palengke sa Maynila na dagsa pa rin ang tao at hindi sumusunod sa social distancing. May mga kababayan din tayo na nagsasabong pa, na kaya pang magsabong, doon sa rooftop, kitang-kita doon sa video; nag-a-attend ng mga party at nagpupunta sa beach. Sa aming palagay ay wala talaga silang takot o sadyang mababaw ang kanilang pag-uunawa… wala silang pasensya.
Alam na po natin ang nangyari sa mga bansang hindi sumusunod sa social distancing. Libo-libo sa kanilang mga mamamayan ang nagkakasakit at ang pumapanaw. Nakita natin dalawang libo apat na raan sa isang araw. Napakasakit tingnan na panay kabaong ang nasa harapan. Ayaw po natin na magkaganito ang mangyari sa Pilipinas.
Nakakalungkot po kapag ikaw ay tinamaan ng COVID-19, hindi mo makakapiling ang iyong pamilya, hindi mo rin puwedeng bisitahin ang iyong pamilya—iyong mga pamilya po hindi po pupuwedeng bumisita po talaga at may nangyari po sa isang ospital na parang tinapon na lang iyong bangkay dahil kasi ayaw nilang ano—na talagang wala pong mag-claim. They died alone at sinunog sa crematorium para hindi makahawa.
Kami po ay nananawagan muli sa ating mga LGU na suportahan ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mapuksa ang COVID-19. Kayo po ang susi sa maayos na implementasyon sa mga alituntuning naitala ng ating mahal na Pangulo.
Uulitin po natin, kapag tayo ay lumabas, napakataas ng tsansa na tayo ay mahawa ng sakit at kalaunan ay makahawa din tayo sa ating pamilya at sa iba pa. Kaya kung tunay nating mahal ang ating pamilya, manatili na lamang po tayo sa ating mga tahanan, sumunod po tayo kay misis. At kung tayo naman ay kinakailangan talagang lumabas, i-observe po natin ang social distancing; wearing of face mask at huwag humawak kung saan-saan.
Ang tagumpay po natin sa kampanya laban sa COVID ay nakasalalay sa mahusay na sama-samang pagpapatupad ng bawat probinsiya, munisipalidad, lungsod at barangay ng National Action Plan Against COVID-19. Sumunod po tayo. Stay at home; observe social distancing and physical distancing; wear our mask, kaya tayo talaga lahat lagi mag-wear ng mask; protect our elders; ugaliin natin ang kalinisan and be self-aware sa ating mga kalusugan at sa ating pupuntahan.
Maraming salamat po sa inyong lahat. Sinasabi po natin, ng ating mahal na Pangulo: Tapang, malasakit, bayanihan, kaya natin ito. Together we heal as one.
Maraming salamat po at mahal po kayo ng ating mahal na Presidente. Mabuhay po kayong lahat.
####
—
Source: News and Information Bureau-Data Processing Center