Magandang gabi sa ating lahat at maligayang Linggo ng pagkabuhay. Sa ngalan ng lahat ng bumubuo ng National Task Force Against COVID-19 sa pangunguna ni DND Secretary Delfin Lorenzana at DILG Secretary Eduardo Año, kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng ating mga frontliners [na] sa kabila ng panganib ay patuloy pa rin na nagsisilbi sa ating mga kababayang Pilipino. Kayo po ang mga tunay na bayani, mabuhay po kayong lahat!
Gagamitin ng pamahalaan ang extended quarantine period upang mas mapaigting pa ang ating laban sa COVID-19 at maka-adopt tayo sa sinasabi nating new norm or new normal social order hanggang magkaroon tayo ng vaccine.
Nais kong iparating ang isang magandang balita para sa lahat. Sa Lunes po, bukas, ay magsisimula na ang full operation ng Ninoy Aquino Stadium bilang isang quarantine facility; it can accommodate 112 patients. Ang pagtatayo ng quarantine facilities ay kinakailangan sa bawat lungsod at bayan ng buong bansa upang matugunan ang pangangailangan nito sa lalong madaling panahon.
Katangi-tangi ang pagtutulungan na ipinamalas ng mga Pilipino lalo na sa panahon ng krisis. Isa ang pribadong sektor na nangungunang magsagawa ng mga proyekto upang makatulong sa ating mga kababayang nangangailangan. Sa pamamagitan ng Project Ugnayan, ang pribadong sektor ay nakalikom ng P1.7 bilyon para makatulong sa 1.5 milyong pamilya na nasa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.
Sa kasalukuyan, ang Project Ugnayan ay nakatulong sa mga more or less five million Filipinos. Mayroon itong limang distribution channels at mga networks. Bayanihan at malasakit is very much alive. Sa lahat ng mga tumulong sa Project Ugnayan, maraming, maraming salamat po.
Nandiyan din ang Indian community at Federation of Indian Chambers of Commerce and Industry na nag-donate ng seven thousand na N95 masks at seventy-five thousand na N88 masks na nagkakahalaga ng P12 milyong piso para sa ating mga frontliners.
Sa ngayon ay mayroon na tayong 15 COVID-19 testing facilities, kasama na dito ang St. Luke’s Global at Quezon City, V. Luna Hospital, The Medical City sa Pasig, Makati Medical Center at Molecular Diagnostic Laboratory. Ang mga pasilidad na ito ay makakatulong upang mapabilis at mapalawak ang ating kakayanan na makapag-test at makapag-identify ng COVID patients upang sila ay mabigyan ng karampatang medical treatment.
Mayroon na tayong 2,673 quarantine facilities sa buong bansa para sa mga suspected at probable COVID-19 cases. Ang mga ito ay may total bed capacity na humigit kumulang na 165,756. Sa kasalukuyan ay mayroon tayong 645 probable COVID-19 cases at 900 suspected cases na ginagamot sa mga pasilidad na ito.
Sa darating na linggo, aasahan natin na magiging operational na rin ang anim na mass quarantine facilities na may kakayahang tumanggap ng higit na 2,000 na suspected at probable COVID-19 patients. Sa mga susunod na linggo, madadagdagan pa ito ng siyam na mass quarantine facilities bukod pa rito ang apat na COVID referral hospitals na may 830 bed capacity.
Ang aggressive or iyong targeted testing and contact tracing will be our game changer. Inuulit ko po: iyong aggressive testing at targeted testing will be our game changer.
Kapag natapos natin ang large scale na testing sa mga priority areas in NCR and other regions ay masa-satisfy na natin ang implementasyon ng ating estratehiya: Detect, isolate and treat the patient.
Nagsisimula na ang Quezon City, ang Valenzuela at susunod na rin ang Manila. Ang private sector ay tumutulong na rin para maisagawa ang large scale focus testing sa ating mga priority areas. Dapat talagang i-localize po natin ang ating pakikipaglaban sa COVID-19 at kailangan po natin ang leadership at strategic focus ng mga LGUs to execute testing and contact tracing aggressively. Hindi tayo makakaahon sa enhanced community hanggang hindi tayo magkakaroon ng targeted testing. Una, matatapos natin ang NCR na iyong more than 6,000 to 10,000 suspected COVID carriers, kasama po ang ating targeted testing areas ang ating mga frontliners.
Malaki po ang naitulong ng Luzon-wide Enhanced Community Quarantine upang ma-control natin ang pagkalat ng COVID-19. Pinatutohanan po ito mismo ng World Health Organization, ni Western Pacific Regional Director Dr. Takeshi Kasai. Sinasabi ni Dr. Kasai na hindi nagkamali ang pamahalaan sa pagpapatupad ng ECQ. Kanyang idiniin na kinakailangang ma-suppress natin ang paglaganap ng sakit, kaya po napakahalaga ng suporta ng taongbayan dito sa ating ECQ o lockdown kaya inuulit po natin: Please stay at home.
Pinapaalalahanan po natin ang publiko na suportahan ang ating medical frontliners, sila ang haligi ng ating kalusugan. I’m calling to the people to treat fairly with compassion all COVID patients. Huwag po natin silang i-discriminate at huwag na po natin silang bigyan ng kanilang tinatawag na emotional distress; bagkus, ipagdasal po natin ang kanilang agarang paggaling dahil walang pinipili po ang virus, mahirap man o mayaman.
In order to protect our frontliners, as of April 10, nakapamahagi na po tayo ng more than 66,000 personnel protective equipment o PPEs sa mga pampubliko at pribadong ospital sa buong bansa. Bahagi ito ng ating layunin na protektahan ang ating medical frontliners.
Pinasasalamatan din po natin ang local government units at saka executives na nagsusulong ng best practices upang labanan ang COVID-19. Gusto natin pong pahalagahan sila, na nagsisilbing ehemplo ang mga LGUs ng Manila, Valenuzuela, Marikina, Pasig, Baguio, Davao, Caraga at Bicol Region na kung saan ay mahigpit ngunit maayos nilang naipatupad ang ECQ.
Kaya naman hinihikayat namin ang mga LGUs na mga nabanggit, na tularan ang kanilang mga examples. Pag-aralan na maigi ng IATF ang rates and trends ng COVID-19 sa kasalukuyan sa ating buong bansa pero ang dapat ang LGUs, ang namumuno nito ang dapat manguna para mai-flatten natin ang curve sa kanilang mga lugar at bayan kaya dapat i-localize po natin ang paglaban sa COVID-19.
Iyong datos at threshold na po ay magiging basehan upang maiwasan natin lumaganap ang tinatawag nating second wave or pagtataas na naman ng new cases at saka cases ng death. Let us not waste our efforts and gains that we achieved during the past three [weeks] under ECQ.
Maaari pong magkaroon ng selective quarantine kung magiging maayos po ang ating pagsunod sa CEQ. Magagawa natin ito kapag nagkaroon po tayo ng massive testing sa suspected cases at tumataas na recovery rate ng mga pasyente; bumaba ang number of deaths at new cases at tumaas ang capacity ng ating mga local health units sa level na kayang-kaya na ng ating health workers na mag-react nang normal na hindi parang krisis.
Patuloy po nating pinaiigting ang ECQ sa buong Pilipinas kaya po as of April 11 ay mayroon na po tayong 4,467 quarantine control points sa buong bansa. Umaabot sa 60,979 personnel galing sa PNP, AFP, BFP at Philippine Coast Guard ang nagbabantay sa mga checkpoints na ito.
Nagbibigay ng direktiba si Secretary Lorenzana na lalong higpitan ang pagpapatupad ng mga checkpoints at ng ECQ sa Metro Manila dahil sa nakaraang pagsuway sa ating mga implementasyon ng lockdown. Nakikipag-ugnayan din po kami sa MMDA para palakasin pa ang checkpoints na ito para ma-implement nang maayos ang ating social distancing, ang ating wearing of mask at saka iyong ECQ.
Sinisiguro po natin ang tuluy-tuloy na pagdating ng pagkain at medical supplies sa buong Pilipinas, this is to ensure food security and price stability of goods. Susi sa tagumpay ang pagkakaisa at kooperasyon ng bawat mamamayan kaya ang lahat po ay pinapakiusapan na sumunod at makipagtulungan sa pamahalaan.
Stay at home, kung hindi ay masasayang lamang ang lahat ng ating pinaghirapan nitong mga nakaraang linggo. Unti-unti na po nating naramdaman ang apekto ng ating hakbang upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19. Isa dito ang pagbagal ng transmisyon ng COVID-19. Kung hindi natin naisagawa ang ECQ, maaaring umabot tayo [sa] mahigit 140,000 to 550,000 cases mula Abril hanggang Hunyo ayon sa pag-aaral ng mga expert natin sa UP at sa international community.
Pero huwag po tayong magpabaya, sumunod po tayo. Sumunod po tayo sa lockdown at curfew. Katulad po ng paulit-ulit na paalala ng ating mahal na Pangulo, iwasan na po nating lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan. Ito ang pinaka-epektibong paraan upang mahinto ang pagkalat ng sakit sa ating komunidad.
Patuloy din po nating sundin ang social distancing at panatilihin ang kalinisan ng ating mga katawan at ang ating mga tahanan. Ugaliin ang wastong paghugas ng kamay palagiang pagsuot ng face mask; iwasan na din po natin ang mass gatherings or iyong tinatawag na pakukumpul-kumpulan. Mga kababayan, bawal muna ang inuman at barkadahan.
Kaya tayo po ay magsama-sama at magtulungan at malalampasan po natin ang krisis na ito. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta sa pamahalaan. Together we shall win this battle and heal as one.
Magandang gabi po muli sa inyong lahat. Again, happy Easter. Ang Easter po means love kaya po tayo ay magmahalan sa isa’t-isa. Love will conquer all, even COVID.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)