Press Briefing

Day-Ender Presser on the Coronavirus Disease 2019 by Secretary Carlito Galvez, Jr., Chief Implementer of the Government’s National Policy Against The Coronavirus Disease 2019 (Covid-19)


Event Day-Ender Presser on the Coronavirus Disease 2019

Sa ngalan po ng lahat ng bumubuo ng National Task Force Against COVID-19, isang magandang gabi po sa inyong lahat.

Tatlong major activities ang ating idi-discuss po sa inyo ngayong gabi. Una, ang planong pag-conduct ng targeted and expanded testing sa iba’t-ibang focus area; pangalawa, iyong localized management ng pandemic crisis o iyong mahalagang dapat gampanan ng ating mga leader ng local government units against COVID; at iyong pangatlo, iyong mga developments sa ating tinatayong quarantine facility para sa ating COVID cases and OFWs.

Ang malawakang testing at contact tracing ay napakahalagang milestone sa ating kampanya laban sa COVID. Ito ay naglalayong maihiwalay nating lubos ang mga suspected COVID cases sa ating komunidad; mapigilan natin ang pagkalat nito at nang ating magamot nang maaga ang mga COVID patients.

Pangalawa, ay para maubos ang mga suspected cases at maging real time ang ating mga datos na kung ano talaga ang tunay na state of affectation sa lugar at masundan natin ito ng relentless contact tracing. Sa paggawa po natin ng malawakang testing, makikita na natin ang common and true picture sa lahat ng mga affected areas.

Sa aming pagpupulong sa Malacañang kagabi, inaprubahan na po ng ating Pangulo ang pagbili ng additional na 900,000 PCR testing kits at dalawang milyong rapid testing kits. Ito po ay para po ma-extend ang services natin doon sa mga nangangailangan na ma-test kaagad. Kasama dito ang mga PCR machines, automated extraction machines, mga freezers at mga iba-iba pang pangangailangan ng RITM para maka-capacitate ang mga accredited testing laboratories.

Atin pong tinataya na tayo ay nakapag-test ng 5,000 hanggang 8,000 isang araw. Gusto ko pong ibalita sa inyo na ang RITM ay mayroon ng tinatayang more than 3,000 tests per day. RITM is doing its best para mapabilis po ang accreditation ng iba pang 15 para ito po ay maging tunay na pong makapag-test ng ating mga kababayan. Nasa stage 5 na po ang kanilang paghahanda.

Sa localized management ng pandemic crisis, nananawagan po ako sa ating MMDA, mayors at barangay captains at ang ating PNP at AFP, lalo na po nating paigtingin ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine para po hindi masayang ang isang buwan nating paghihirap. May mga nakita po kaming mga tahasang paglabag ng lockdown, muli po kami’y nananawagan sa ating mga kababayan to stay at home to be safe. Huwag po tayong magpabaya dahil buhay ninyo at inyong pamilya ang nakataya. Nakita natin ang nangyari sa mga bansang hindi sumunod sa social distancing at lockdown. Libo-libo ang namamatay sa kanila araw-araw. Inuulit ko po: huwag po tayong pasaway.

Ugaliin natin ang paghuhugas ng kamay, maging malinis sa sarili, mag-social distancing at palaging magsuot ng face mask, kaya po tayo’y laging nakasuot ng face mask kahit na nasa TV. At kung wala po tayong importanteng gagawin sa labas ay manatili po lamang tayo sa loob ng ating tahanan.

Nakita natin ang lugar na may disiplina ay unti-unti nang gumaganda ang kanilang sitwasyon. Ehemplo natin dito ang Baguio City sa pamumuno ni Mayor Gen. Magalong; sa Valenzuela, sa Davao at Caraga Region. Sumunod po tayo, maging disiplinado tayo at huwag po tayong magpasaway. Kailangan natin ang kooperasyon at partisipasyon ng lahat. Again, we should stay at home.

Sa ating itinatayong mass quarantine na treatment areas, kahapon po binisita natin sa Ninoy Aquino Stadium at pormal na po nating nai-turnover sa Lungsod ng Maynila at sa Armed Forces of the Philippines ang pasilidad. Nagpapasalamat po kami kay Chief-Of-Staff General Filemon Santos for volunteering more than 200 medical personnel para po tauhan ang Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Coliseum at ang World Trade Center.

Nagpapasalamat din po kami sa PNP na siyang namumuno sa PICC, kay Chief PNP, sir Chief, maraming salamat po. Nagpapasalamat din po kami kay Secretary Art Tugade at ang ating Philippine Coast Guard, Admiral Garcia, sa pagpe-prepare sa ating mga inbound seafarers and overseas workers. Parating po sila sa mga susunod na mga araw.

Nagpapasalamat din po tayo sa embahada ng Tsina para sa libreng pagdala ng 12,000 PPEs para sa ating mga healthcare workers. So nandito po ngayon, nakita po natin dumating na po ang ating mga PPEs.

Tayo po ay kasalukuyang naghahanda sa pagbabalik ng 70,000 hanggang 100,000 na OFWs sa bansa. Sila po ay isasailalim ng 14 days mandatory quarantine procedure para makasiguro po tayo na hindi po sila imported carriers.

Inuulit ko po sa ating mga kababayan na huwag nating maliitin ang COVID. Nakita natin na ang US at ang European countries na minaliit ang epekto ng COVID, ngayon sila ay nagsu-suffer ng consequences. Huwag ho nating hayaan na tayo po ay matulad po sa mga ganitong sitwasyon.

Inuulit ko po, wala pong gamot ang COVID at pag tumama po sa atin [ay] maaari po tayong mamatay. Araw-araw po ay 20 hanggang 50 ang sa atin ay pumapanaw; sa Estados Unidos, halos araw-araw 2,000 po ang namamatay at 23,649 na po ang total ng kanilang mga patay.

Sumunod po tayo. Again, stay at home; observe social distancing; wear mask; protect our elders. Ugaliin ang kalinisan and be self-aware sa ating kalusugan. Magandang gabi po at maraming salamat po. Sumunod po tayo para ma-heal po tayo as one.

 

# # # #

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)