USEC. ROCKY IGNACIO: Magandang umaga po, welcome po sa ating weekly Economic Press Briefing co-hosted by the Economic Development Cluster and PCOO. Welcome po sa inyo.
Isa po sa mga layunin ng 0 to 10-point socio-economic agenda ng Duterte administration ang pagpapabuti lalo pa sa mga programa upang protektahan ang mahihirap mula sa mga ‘di inaasahang pangyayari tulad ng mga kalamidad at natural disasters. Sa nagdaang mga buwan, ilang mga kalamidad na ang naranasan ng ilang mga lugar sa ating bansa; nagkaroon ng serye ng mga lindol sa Mindanao; at nito lamang po, tumama ang Bagyong Tisoy sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.
Dahil dito, marami sa ating mga kababayan ang labis po na naapektuhan, mayroong mga nawalan ng tirahan, namatayan ng mga mahal sa buhay at ang iba naman po ay nawalan ng hanap-buhay. Bukod pa rito, maraming imprastraktura ang hindi na napakinabangan dahil sa pagkagiba at pagkasira nito.
Para po matulungan na bumangon muli ang ating mga kababayan ay naghanda ang gobyerno ng calamity at disaster relief packages po upang magbigay suporta sa mga biktima ng sakuna.
Upang magbigay po ng impormasyon sa mga programang ito, makakasama natin ngayong umaga sina Vice President Leopoldo Casio mula sa GSIS; si Senior Vice President Pedro Baoy mula po sa SSS; Senior Vice President Celso Gutierrez mula sa PhilGuarantee; at ang First Vice President Emily Tamayo mula po sa Landbank; siyempre, kasama rin po natin si Attorney Andres ng GSIS. Magandang umaga, Mayroon po ba akong hindi nabanggit na pangalan?
SSS VP OCAY: Ako po si Vice President Boobie Ocay ng SSS.
USEC. ROCKY IGNACIO: Okay. Welcome po sa Economic Briefing. Go ahead, sir.
GSIS SVP ANDRES: Okay, magandang hapon Ms. Rocky. As far as GSIS is concerned, we are still offering our emergency loan program. The emergency loan program is given to those who are residing or working in the affected areas of the calamity. Ito po ay binibigay din po namin sa mga pensioners na nakatira po sa mga tinamaan ng kalamidad.
Aside from the GSIS emergency loan program, nandoon din po ang aming traditional products… sa general insurance. At nandiyan din po, for those who are not within the calamity zones, nandiyan din po ang GSIS Financial Assistance Loan which we could discuss in more details later.
But as far as the emergency loan package is concerned, ang kailangan lang po dito ay isang declaration ng state of calamity whether it’s national or local plus a request from the Sanggunian asking for the granting of the said loan within their areas of jurisdiction. Entitled po dito lahat ng mga miyembro ng GSIS who are working in the areas which have been declared as calamity or residing threat as well as the pensioners po. Twenty thousand po ang loan na ito plus 3 years to pay po at 8% ang interest lang po, napakababa pa. Thank you.
LANDBANK FIRST VP TAMAYO: Magandang umaga po sa inyong lahat. Sa Landbank naman po, napakarami po naming programa na naibibigay sa mamamayan. Pero bukod tangi po kapag may kalamidad o mayroong mga peste at mga diseases, mayroon po kaming specific na programa – ang title po noon ay Calamity Rehabilitation Support Program o iyong tinatawag po na Landbank CARES.
Ito po ay mga pautang, working capital, term loan, rediscounting, livelihood financing at concessional rates po ito – mahaba ang term, mababa ang interest at ito po ay naibibigay namin sa lahat mga nasalanta ng kalamidad na officially declared po ng LGU or ng national government. Ito pong kalamidad na ‘to eh whether man-made or natural, kagaya po noong mga ASF, so lahat po ‘yan puwede rin po naming i-cater dito sa CARES program namin.
So ang interest naman po nito para po sa mga magsasaka ay 5% at para po sa mga iba pa pong mga borrowers namin ay 6%. Puwede rin po kaming magkaroon ng grace period, mayroon din po kaming differed interest at mayroon din po kaming mahabang pautang. In other words po, concessional po ang rates and terms po nitong CARES program for as long as ito pong mga borrowers namin ay nasalanta talaga ng mga calamities.
SSS VICE PRESIDENT OCAY: Magandang araw mga miyembro ng SSS. Ang SSS po ay may special calamity package, ito po ay binubuo ng tatlong programa; ang pinakasikat po rito ay ang Calamity Loan Assistance Program. Ang CLAP po sa maikling term ay isang buwang pautang sa lahat ng mga bonafide miyembro ng SSS. Ito po ay may term na 24 months at may interest rate na 10%.
Ang pangalawang package po ay para naman sa aming mga pensioners. Ito po ay advance three months pension sa ating mga pensioners at ang huli naman po ay direct house repair moratorium na may moratorium on interest rate payment for six months – iyon po ang tatlong package ng SSS ngayon.
Ngayon po ay may ongoing program para sa nasalanta ng earthquake sa Mindanao, ito po ay ongoing starting November 18 up to Feb 20, 2020. Ongoing po ang mangyayari sa nakaraang Bagyong Tisoy. So, ito po ay tuloy-tuloy na project ng SSS, ito ang calamity package namin.
SVP GUTIERREZ: Magandang umaga po. Siguro naninibago kayo sa Phil Guarantee, ang Phil Guarantee po, merger ng limang organisasyon at programa ng gobyerno: Una iyong Phil Exim or Trade and Investment Development Corporation of the Philippines; Home Guarantee Corporation; Industrial Guarantee Loan Fund; at saka iyong Agricultural Guarantee Fund Pool; At ang huli iyong Guarantee function ng small business corp.
So ang aming programa po for calamity areas ay iyong rehabilitation mostly and para sa mga maliliit na negosyante mayroon kaming mga programa na para matulungan sila at patuloy silang tulungan ng mga private banks. Kasi nakikipag-kuwan kami sa private banks, hindi diretso sa lender. Tinutulungan namin sila para magpatuloy na magpautang ng concessional rates, mahaba iyong repayment terms, para makabawi iyong mga negosyante namin.
Doon naman sa pabahay po, iyong sa Home Guarantee portion, tinutulungan namin iyong mga nasalanta kung kailangan nilang bumili o lumipat ng lugar, bumili ng panibagong property; iyong mga property po ng Home Guarantee Corporation ay puwedeng bilhin at 10% down payment, 6% interest and up to 15 years to pay. Mayroon din tulong ang Home Guarantee Function namin na kung nasalanta at kailangang bumili ng panibagong bahay, puwede rin pong mag-avail ng guarantee mula sa Home Guarantee Corporation through the private banks.
And lastly, mayroon kaming programa na kung talagang kailangang i-restructure iyong loan ng housing, eh matutulungan namin siya para iyong bangko ay magkaroon ng leeway na habaan iyong repayment.
Sa food production naman po, iyong agricultural guarantee fund pool. Iyon ay talagang tumutulong sa mga maliliit nating farmers para makabawi naman sila kung nasalanta sila ng mga ganitong calamity. So, iyon po ang tulong ng Phil Guarantee.
USEC. IGNACIO: Pero papano ninyo po ina-assure, kais siyempre iyong mga naapektuhan, kailangan mabilis, mayroon ba kayong programa, iyong tinatawag nating fast lane para naman po hindi na sila nahihirapan kung saan man sila pupunta dapat. Mayroon po bang ganoon?
VP SSS OCAY: Sa parte po ng SSS, napakaraming branches ng SSS all over the Philippines, almost 300 branches. Ang calamity loan program namin ay file anywhere sa bawat SSS branch. We just need a certification from your Barangay that you were really affected by the said disaster or calamity. For the advance pensioners ganundin po – file anywhere po kami.
USEC. IGNACIO: Sa Landbank naman po.
FIRST VP TAMAYO: Kami naman po ay lahat, nationwide po kasi ang aming mga branches ang lending centers. Normally po kasi, lalo na ang mga lending centers namin kilala ang mga mamamayan at doon din nakatira naman sila, iyong mga personnel namin. So, alam nila kung sino iyong mga nasalanta talaga. So, madaling nakakapag-communicate sa mga potential borrowers o iyong mga existing borrowers na namin kung gustong magpa-restructure, mabilis namin silang naabot pagdating mga ganyang ano.
USEC. IGNACIO: Sa GSIS naman po?
ATTY. ANDRES: Ganoon din po sa GSIS, napakabilis po ng proseso namin ng mga emergency loans na ito. In fact even Saturdays po, bukas ang GSIS upang i-entertain ang ating mga miyembro.
SVP GUTIERREZ: Sa Phil. Guarantee naman po, nakikipagtulungan kami doon sa mga banks na may branches doon sa affected area. Kaya close coordination kami roon para maibigay kaagad iyong tulong ng mga apektado na mga negosyante doon sa lugar.
MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir, ma’am. Good morning. Sir, just a clarification po sa GSIS. You mentioned earlier na kailangan ng declaration ng state of calamity before the emergency loan program, so paano po iyong mga affected but hindi nag-declare ng state of calamity? Do you have available—
ATTY. ANDRES: Aside from the declaration of calamity po by the national government, even the local governments can do that. So since the local government po is headed by the mayor, so as long as there is a resolution by the Sanggunian and the occurrence of that calamity came within three months of that declaration, gina-grant po namin iyon.
So iyon lang po. Hindi po kailangan national, maski po local in character ay in-allow din po namin.
MARICEL HALILI/TV5: And usually po, they can have an emergency loan up to what amount?
ATTY. ANDRES: Twenty thousand po.
MARICEL HALILI/TV5: Twenty thousand pesos.
ATTY. ANDRES: Yes, ma’am.
MARICEL HALILI/TV5: Per family po?
ATTY. ANDRES: Per member po. Whether you are an active member or a pensioner po, P20,000 po.
MARICEL HALILI/TV5: Ma’am, on the part naman po of SSS. Na-mention ninyo po kanina iyong mga programs, may we know kung anu-ano iyong mga requirements lang po na kailangan for those who are interested to avail?
VP OCAY: Unang-una po dapat ay nakatira doon sa area … dapat po ang record sa SSS ay doon nakatira sa area ng naapektuhan, ng nasalanta. So paano namin in-assure iyon? – kumukuha po kami ng barangay certificate from our barangay, from the area – so ito po ay personal filing sa ating branch.
So ang pinakasikat po rito ay iyong calamity loan – this is a one-month salary credit loan na payable in two years at 10%. So sa advance pension po, ganoon din po para sa ating pensioners: They need to get a certification from their barangay or the NDRRMC or the local government na sila ay domiciliary doon sa lugar na iyon.
USEC. IGNACIO: Attorney Andres?
ATTY. ANDRES: Gaya po ng sinabi ko, aside from the emergency loan, mayroon pong mas magandang package pa kaming inu-offer for everyone, that’s the GSIS Financial Assistance Loan. Nagsimula po itong GFAL, tinarget po namin, ang beneficiaries ay mga teachers po, sa DepEd po. So since maganda po ang feedback and marami pong natulungan, in-expand na po namin siya to include even non-teaching personnel. So outside DepEd po, puwede na rin po as long as their agencies enter into a memorandum of agreement with GSIS.
Maganda po ito dahil six percent lang po ang interest nitong GSIS Financial Assistance Loan, and ito na po ang lowest sa market because we did a market scanning po. And ito po ay ginawa po talaga para matulungan ang ating mga miyembro upang ma-retire ang kanilang mga more onerous na loans sa mga private institutions.
Ang maximum po nito ay 500,000 – meaning, if ang utang ninyo po sa PLI ay P100,000 lang po, the balance of P400,000 ay puwede pong aplayan ng miyembro GSIS by way of a top-up loan. So the proceeds will go directly to the members – so six percent po, napakababa po.
USEC. IGNACIO: Pero hindi po ba kayo nahihirapan na parang … katulad niyan, kung naapektuhan ng lindol and then may bagyo, nagsusunud-sunod iyong mga kailangang loans, papaano ninyo po siniserbisyuhan iyong mga ganoong klase na mga sakuna na naranasan ng ating kababayan?
VP OCAY: Sa parte po ng SSS, hindi po maiiwasan na sa isang lugar ay numerous calamities happen: Ang policy po namin, dapat bayad ang huling calamity loan bago maka-avail ulit ng bago.
USEC. IGNACIO: Okay. No more questions? Okay. Salamat po sa ating mga bisita. Sana po talagang makatulong kayo sa mga naapektuhan talaga ng … lalo ngayon – ng Tisoy at ng iba pang sakuna. Salamat po.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)