MODERATOR: Magandang umaga po, kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasama na natin ngayon dito sa Malacañang ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, kabilang na sina Cabinet Secretary Karlo Nograles, DILG Secretary Eduardo Año at PNP Chief General Archie Gamboa. Ngayon po ay mapapakinggan natin ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.
CABSEC NOGRALES: Maraming, maraming salamat po. Mga kasamahan ko sa gobyerno, mga magigiting na front liners sa laban na ito, mga kaibigan natin sa media at sa ating mga kababayan, magandang umaga po sa ating lahat.
This morning, we would like to reiterate the directives of the President made last night that were directed at our local government units. To quote the President: “We are in a critical time. We have resorted to this extreme measure of an enhanced quarantine for Luzon because the magnitude of the threat we are facing calls for it. By its nature, it severely restricts the freedom of movement of our countrymen. The national government needs your help during this time. Do not make this quarantine more difficult for our people than it already is.”
The President was very concerned because reports had reached him that several LGUs are implementing the enhanced community quarantine in different ways; and in some cases, contrary to the directives of the national government. He pointed out the inconsistencies in applying the ECQ guidelines issued by the IATF. Sabi ni Pangulo, “One LGU does this and another does that.”
So pinaaalala po niya, hindi po hiwa-hiwalay na republika ang mga LGU po natin. Iisa lang po ang republika dito – ang Republic of the Philippines. All LGUs and I quote: “should abide by the directives of the national government when it sets the standards and protocols to be observed during this quarantine.
The President as a former Mayor recognized… he recognizes that all our LGU Chief Executives have a mandate and a responsibility to their constituents. But as he pointed out last night, the COVID-19 outbreak is an emergency of national proportions that requires a coordinated and national response, so it is the national government that is taking the lead in formulating the policies and regulations to be applied in our efforts to contain COVID-19.
As the President said this should be very clear, and I quote: “The national government body in charge of laying down the standards for this quarantine is the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.” Kaya po kapag direktiba po ng IATF na dapat huwag nating ipitin ang pagta-transport ng lahat ng cargo, dapat po lahat. Hindi pupuwedeng gumawa ng sariling patakaran ang ating mga LGU at sabihin na ang puwede lamang pumasok sa lugar nila ay pagkain at essential goods lamang.
By setting their own individual standards, LGUs will make this quarantine more difficult than it already is. So in this regard, the President has emphatically ordered all LGUs issuing directives inconsistent with the IATF guidelines to withdraw these immediately and abide by the directives of the IATF and those issued by the Office of the President.
Malinaw po ang punto ni Pangulong Duterte: Ang mga sinasabi ng IATF na manatiling sarado, dapat sarado; Ang mga sinasabing manatiling bukas, dapat bukas.
The President reminded everyone last night that the authority of LGUs to impose quarantine restrictions emanate from the directives issued by the national government. However, he emphasized that LGUs that sets standards beyond or outside the directives issued by the national government are already abusing their authority. To address this, the President has directed the DILG and the DOJ to closely monitor the compliance of LGUs with the directives of the IATF and the Office of the President, and to file the necessary cases against LGU officials that refuse to comply and cooperate with the directives of the national government.
Sabi ni Pangulo sa darating na araw, kakailanganin po natin ang tulong ng mga LGUs. Kaya magtulungan po tayo para maayos at ma-implement natin nang maayos itong enhanced community quarantine.
The President stressed that this starts with making sure that the actions taken by LGUs are consistent with national directives to avoid confusion.
Mga kababayan, we are facing a pandemic that has affected the whole world. But as the President said last night, and I quote: “Let our country lead the way in imposing a lockdown that is strict enough to effectively kill COVID-19: Liberal enough so that our people will not die of hunger; and orderly enough so that our country will not be driven towards chaos during this difficult time. We have to look further and think of the economic survival of the country even after this crisis is over.”
The message of the President is straightforward. To our partners in our LGUs, let us move forward together with one accord. Implement this quarantine and save our people from this dreaded disease once and for all.
Tandaan din po natin, ang sabi ni Pangulo kung magkaniya-kaniya po tayo, hindi tayo magtatagumpay. Together we can beat COVID-19. Together, we heal as one. Maraming salamat po!
MODERATOR: Maraming salamat CabSec. Nograles. Makakasama rin po natin via Skype si DOH Undersecretary Rosette Vergeire. Ngayon naman questions from MPC, Maricel Halili from TV5.
MARICEL HALILI/TV5: Hi sir, good morning. Sir when you say inconsistencies, ano po ba iyong nakikitang inconsistencies ng national government doon sa pinapatupad ng ilang LGU?
CABSEC NOGRALES: I’ll ask Secretary Año to respond.
SEC. AÑO: Well, unang-una, mayroon tayong guidelines na ibinigay, ang IATF-EID, at ito ay naging memorandum, signed by Executive Secretary Salvador Medialdea. Now may mga ibang LGUs na nag-iba ng interpretation; like for example, the checkpoint and passing of cargoes ‘no. Kasama diyan dapat lahat ng cargoes, especially food and medicine should be unhampered. But because some LGUs in Visayas and Mindanao, nag-lockdown sila ng kanilang border, ayaw na nilang paraanin itong mga cargoes na ito na kailangang-kailangang makarating sa iba’t ibang lugar, kasama na rin ang island of Luzon.
Second, itong mga stranded passengers who were caught during the declaration of lockdown. Ang ating polisiya dito ay iyong mga inabutan sa biyahe ay dapat makauwi. Pauuwiin dapat sila at padaanin dapat sa kanilang mga jurisdictions. So for example, kapag nag-lockdown ang border niya, iyong isang probinsiya, eh hindi naman makakatawid iyong mga stranded without passing the province – it has to be allowed. Huwag na lang pababain iyong mga tao sa mga populated areas, but they should be allowed to pass through.
Airport flights, wala sa authority ng LGU ang mag-cancel ng mga airport flights particularly domestic flights because that belongs to another government department. So there must be a coordination, there must be a dialogue and there must be an agreement. So you’ll find a lot of people gets stranded because some LGU officials suddenly declared that domestic flights in their respective areas are already cancelled or will not be allowed.
Iyong ating mga OFWs, balikbayans and foreign nationals, we are allowing them to leave our country anytime. But because some balikbayans and some foreign nationals cannot pass through a particular jurisdiction, they cannot get through the international airport.
SEC. AÑO: Malinaw naman iyong mga ibinigay nating guidelines, dapat ay susundin ito ng ating mga LGUs.
And lastly, ang Luzon ay under enhanced Community Quarantine or similar to the total lockdown; Visayas and Mindanao are not, they have the option to impose general community quarantine. But before they can issue the enhanced or the lockdown, it has to be cleared with the DILG and the DOH. So, dapat susunod tayo sa ganyang mga guidelines para walang kalituhan at walang mai-stranded na mga kababayan natin.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, sinu-sino po itong mga LGU na sinasabi natin na sumuway doon sa guidelines na binigay ng national government?
SEC. AÑO: I cannot name those LGUs, but there are already official communications that we are doing with them.
SEC. NOGRALES: Siguro ganyan na lang: Ang pakiusap lang po natin, for the LGUs is just coordinate lang with the DILG. Iyon lang ang hinihingi namin. Tapos when DILG says something na kunwari nahihirapan na kami dito or you know gives its directives, it gets the authority from the President eh, so sunod lang. Just cooperate with the DILG, iyon lang naman ang ating ano dito. Kasi ang DILG may presence sa IATF eh, sa IATF kasi nadi-discuss ang lahat – economic, health, all aspects nadi-discuss. So, sa implementation when the DILG says something or nakikiusap sa LGU, follow lang, iyon lang.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, clarification, because well, ilang araw na rin na naging isyu iyong tricycle doon sa Pasig City. And sinabi na rin naman—-
SEC. NOGRALES: I think tapos na iyong isyu.
MARICEL HALILI/TV5: Opo, sinabi rin naman ni Mayor Vico na susunod sila. Pero what makes it different from the e-trike na ginagamit doon sa Manila. So iyong e-trike allowed iyon?
SEC. NOGRALES: Let’s ask Sec. Año to respond.
SEC. AÑO: Iyong public transportation ay ipinagbawal natin, kasi ito iyong key para maipatupad mo iyong total lockdown, make it hard for people to move so they will stay at home. My job is how to make people stay at home. Now, if you allow mass transport, like kunwari iyon nga, iyong tricycle, you are opening a gate, we have about 4.5 million tricycles in the whole country. Much more dito sa Metro Manila, pinaka-minimum diyan is about 270,000 tricycles. Now, the difference doon kay Mayor ng Manila, iyong e-trikes, e-vehicles ay hindi pumapasada, ito ay hinire at kinomisyon ng Manila on dispatch system for the purpose of bringing health workers to the hospital. So hindi sila pumapasada, they are on dispatch system, to pick-up the health workers – specific. Hindi iyong pumi-pick up ka ng pasahero at alam mo naman, kapag pinayagan mong mamasada kahit kaunti lang iyan, you cannot control it anymore.
Speaking of 270,000 tricycles, sabihin na nating 100,000 tricycle, I don’t want the PNP and the AFP check 100,000 tricycles every moment, just to check kung sino ang sakay. I’d rather have them focus their efforts on keeping the people staying at home.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, paki-clarify din po iyong policy doon sa media, kasi ang sinasabi sa amin, extended until March 21 supposedly iyong passes, pero so far sa experience namin apat na teams na iyong hinaharang sa checkpoints, kasi wala naman daw pong black and white na order na kilalanin iyong mga company ID and certificate of employment, eh wala pa naman pong napo-provide na IPC ID for us. So can you clarify, sir, the policy?
SEC. AÑO: Well, all media now are allowed to pass the checkpoint, kahit na ginagawa pa iyong uniform ID, the company ID is enough. So, kung mayroon mang kaguluhan, nandito si General Gamboa, ngayon pa lang ina-announce namin sa lahat ng ating law enforcers na i-allow ninyo iyong media sa mga checkpoint kapag sila ay dumaan.
MODERATOR: Okay, sir. Follow up lang po from Celerina Monte of Manila Shimbun. Davao City Mayor Sara Duterte is one of the Chief Executive who barred domestic flights, should she be reminded for that?
SEC. AÑO: Everyone is reminded. We are not pinpointing an individual LGU or person. This is the guidelines of the President intended for all LGUs.
SEC. NOGRALES: Let’ make this clear ha. Let’s not start this ball rolling of identifying LGUs, alam ko where this is going. So, hindi po ito, let’s not fall into that. Okay, magtulungan po tayo. Wala na iyong ganyang, sinong LGU iyan, nagtuturuan na eh. Parang that is not healthy anymore. Please ano lang, this is a general directive of the President and everybody just follow. So, huwag na iyong mag-intriga pa ng ganito, ganyan. Pare, COVID-19 ang kalaban natin dito, hindi tayo-tayo ang magkaaway dito.
MODERATOR: Phone-in question from Arianne Merez of ABS-CBN News online. For CabSec.: The whole week, Presidential Spokesperson Salvador Panelo has been saying that the government has enough funds, pero biglang nagpapatawag ng special session for Congress to pass a supplemental budget. Sa ngayon po ba magkano po ang pondo pa ng gobyerno para sa COVID-19 response at hanggang kailan po ito tatagal? Magkano po ba ang kailangan na budget ng gobyerno para dito sa kabuuan?
SEC. NOGRALES: I don’t know if I am authorized already to give a statement regarding that ‘no. But number one, let me make this clear, totoo po may pera po ang gobyerno. We have the funds to battle COVID-19 and take care of all Filipinos. Number two, we need the help of Congress. When the time is right we will tell you how you can help. But at this moment, already the President has instructed some persons to already contact the leaders of Congress. So mayroon na po tayong pakikipagugnayan. Maybe in the coming days, an announcement will be made. But right now, wala pa po akong clearance to make that announcements, so let the people in-charge do their jobs and let’s respect muna the way they do their job. Basta ang assurance ko lang, number one, may pera po ang gobyerno and number two, we need the help of Congress.
MODERATOR: And for DOH naman, kasama rin po natin si Ma’am Vergeire via skype. How is Secretary Duque, and another, should the President be in self-quarantine or should he be tested again for COVID-19?
Okay, back po muna tayo sa mga kasama natin dito. Isa pang question, last question from Arriane Merez. For CabSec and PNP: May feeding program po sa Manila na tumigil na muna, dahil pinagsabihan ng mga police na nagba-violate ng social distancing measures. Ano po ang policy ng government para sa mga street dwellers?
SEC. NOGRALES: First of all, totoo po iyon. Ang front liners muna natin are the LGUs, but in terms of the implementation, siyempre LGU iyan with the assistance of the PNP.
PNP CHIEF GAMBOA: Yes, generally what should be observed, mayroon tayong prohibition for mass gathering, but siyempre feeding program – if especially if this addressed to the less fortunate – then I think what should be observed is the social distancing. But it should not prohibit, especially kung ang pinapakain natin are the less fortunate of our society.
MODERATOR: Okay, ngayon, kasama na po natin si Usec. Vergeire. Ulitin lang po natin iyong question. How is Secretary Duque, and should the President be in self-quarantine or should he be tested again for COVID-19 given that he had contact with Secretary Duque last Monday and Secretary Duque is already under self-quarantine?
USEC. VERGEIRE: Yes, good morning sa inyong lahat. And good morning sa CabSec and our Secretary AÑO and PNP Chief Archie Gamboa. Klaruhin lang po natin para naiintindihan ng ating sambayanan. Unang-una po si Secretary po ay nasa maayos na kalagayan, siya po ay nagtatrabaho sa kanyang bahay ngayon. We have regular communication with him through tele-conference and phone calls. Siya po ay na-test noong isang araw, dahil nga po siya ay na-exposed sa isang kawani ng gobyerno. Siya po ay tinest, dahil siya po siya po ay kasama sa ating vulnerable population – siya po ay may asthma, may high blood at saka kasama na po siya sa ating elderly population. Siya po ngayon is in good condition.
USEC. VERGEIRE: Pangalawa po, kung si President po ay kailangan nating i-test, tandaan po natin kapag gumagawa po tayo ng contact tracing, mayroon po tayong initial contacts or the direct contacts of the case; mayroon ho tayong second layer contacts, third layer contacts, and so on and so forth. Si Secretary Duque po is a direct contact; wala pa ho iyong test niya. Si Presidente ho kung saka-sakali ay nakasalamuha ni Secretary Duque. Kapag lumabas po ang resulta ni Secretary Duque at kung sakali po ay ito po ay – huwag naman po sana na – mag positibo siya tsaka po natin bibigyan ng abiso ang ating Presidente para mag-test ulit at para mag-quarantine.
MODERATOR: Okay. Thank you so much, Usec. Vergeire. Ngayon naman po ay kumuha tayo ng questions mula dito sa ating kasama dito, si Manny Vargas of DZBB.
MANNY VARGAS/DZBB: Sirs, good morning po – kay Secretary Año o kay CabSec. Sir, iyong nasabi po tungkol sa mga stranded, ano po ba iyong kailangan ng mga stranded na gawin, ipakita para sila po ay payagang makapagbiyahe? At kailangan po ba nilang magpakita ng IDs na mayroong proof of residency nila para sila ay makauwi? Kasi may mga information po na, halimbawa, mayroon pong tao na nasa Northern Luzon pero taga-rito sa Metro Manila, hindi po makapagbiyahe. At the same time po, kung sakaling walang sariling sasakyan, mananatili ba muna siya roon habang mayroon tayong enhanced community quarantine?
SEC. AÑO: Okay. Lilinawin ko lang muna iyong definition ng stranded ‘no. Ang stranded, ito iyong person or group of persons who are already on transit going home. For example, the group of young students na mayroong activity na in-attend dito sa Northern Luzon, 9,000 silang lahat, nakauwi naman iyong iba but nine students with their teachers got stranded because hindi kasi sila gumagamit ng airplane ‘no; sila ay nag-by land tapos nag-RORO. So inabutan sila ng lockdown, iyong ang stranded.
Iyong mga taong nag-aaral sa Manila tapos gustong umuwi ng probinsiya, hindi stranded iyon. They have to stay where they are because that is the rule of the lockdown. Kaya iyong sinasabi nating tatlong bus na nagbibiyahe, noong nag-lockdown, nasa bandang Bicol na sila from Manila; and they have to be allowed to go home – so sila iyong stranded.
Mayroong mga tao naman na sabi niya ay nandito siya sa Manila tapos mayroon siyang namatay na kamag-anak sa probinsiya at gusto niyang umuwi doon, hindi iyon stranded. So lilinawin natin iyong definition ng stranded; it’s very easy. At kapag stranded, we will allow them to go home.
Iyong mga foreign nationals na gustong umuwi sa kanilang country, iyong iba naman ay nag-choose na mag-stay na lang where they are, doon sila magka-quarantine. Pero iyong uuwi ng kanilang bansa, they’re foreign nationals, we regarded them as stranded kaya pinapayagan natin sila.
MANNY VARGAS/DZBB: Thank you. CabSec, sir, mayroon na pong utos na lumabas para sa mga government offices na magtipid po sa tubig. Pero ano naman ang payo ng IATF sa mga kababayan natin—
SEC. NOGRALES: Totoo ba iyon?
MANNY VARGAS/DZBB: Yes, sir. Mayroon pong memorandum para po sa … iyong pagtitipid po natin ng tubig, conservation ng tubig. Paano naman po iyong dapat gawin ng mga kababayan natin para po makapagtipid ng tubig in the midst po na kailangan nilang maglinis ng paligid at palagian pong maghugas ng kamay especially iyong panahon ng tag-init?
SEC. AÑO: Ako na ang sasagot. We are now actually … nasa summer season na tayo ngayon ‘no, this is a Fire Prevention Month. And obviously, we need to conserve water. But because we have a lockdown especially in Luzon, mas lalong lalaki iyong pangangailangan natin sa tubig. Kaya nananawagan tayo sa ating mga mamamayan na magtipid sa tubig, but of course, not sacrificing iyong hand washing.
So this is an appeal to everyone because, as you know, mas kailangan lalo ang tubig ngayon at alam din natin na mababa din iyong level ng Angat Dam, especially in Metro Manila. Sa outside of Metro Manila, hindi naman talaga iyan actually problema eh. So dito sa mga residents ng National Capital Region, kung pupuwede talaga sana ay wisely at judiciously ang paggamit natin ng tubig.
SEC. NOGRALES: Siguro ano, alam naman natin, matatalino naman ang Pilipino. Sabihan mo lang na ito ang kailangan nating gawin, susunod naman iyan. So we don’t have to, alam mo na, iyong detail-detail iyan. Sabihin lang natin na ibalanse po natin, kagaya nang sinabi ni Asec. Año. Matalino ang ating mga kababayan!
MANNY VARGAS/DZBB: Sir, last na lamang po, last two questions po kay Usec. Vergeire. May mga natatanggap po kasi kami na mga paghingi ng tulong para po sa mga kababayan natin. Number one po iyong may mga nagtatanong, papaano daw po iyong mga relatives nila na nade-deny na raw po sa mga hospitals? May pinadala pong message sa amin na iyong isang taga-Cavite, iyong kamag-anak niya, puwede pong naasikaso na ito pero siguradong may iba pang cases na hindi na po tinatanggap sa hospitals because nagkakaroon ng problema na sa facilities, availability ng facilities.
And then secondly, Usec. Vergeire, ma’am, mayroon na pong in-announce ang FDA na may approved test kits for commercial use. Ano naman po iyong dapat malaman ng mga kababayan natin, number one, para po maiwasan iyong pekeng products na ito o kung may mga peke po na lalabas? And then at the same time po para masigurong legitimate or tama iyong mga results na makukuha nila kasi po bago lahat tayo dito eh. Thank you po!
USEC. VERGEIRE: Unang-una po, iyong mga tinatanggihan ng ospital, sana po ay maklaro po natin kung ano po ang circumstances kung bakit po tinanggihan ng ospital. Mayroon po tayong pinapatupad ngayon na mga pamantayan at patakaran ukol sa mga taong dapat lang i-admit sa ospital sa ngayon nang sitwasyon natin. Unang-una po, ang mga tao po na may severe na mga symptoms o di kaya sila po ay elderly o kaya my underlying conditions or high risk pregnant na may mild symptoms. So pagdating po sa COVID-19, iyan po ang ating mga tinatanggap sa ating ospital.
Atin lang pong binibigyang tugon ito pong mga nababalita at nao-obserbahan na napupuno na ang ating mga ospital. Sa katunayan nga po, nai-announce na po kanina ng ating Secretary of Health, UP-PGH already has agreed to become our COVID-19 hospital. They are slowly transitioning para po magamit na natin sila in the coming days para specific lang for COVID-19 cases.
Ang atin pong iba pa ring ospital, katulad ng Lung Center, mayroon na pong dedicated wing para sa mga kasong ito. And also, ina-assess na po natin ngayon iyong ating N. Jose Rodriguez Memorial Hospital doon sa Caloocan para ma-equip natin para maging ospital din specific for COVID-29 cases.
So ito pong lahat ay mangyayari sa mga susunod na araw. So iyon pong mga tinatanggihan apparently, sana malaman po natin iyong circumstances. Itawag ninyo po sa hotline namin para mabigyan namin sila ng karampatang solusyon o response diyan po sa kanilang inirereklamo.
Pangalawa po, iyon pong sa ating mga testing kits. Mayroon na pong naaprubahan ang ating Food and Drug Administration na apat na testing kits na puwede na pong gamitin for commercial use. Ngunit gusto lang nating paalalahanan ang ating mga kababayan: Ito pong testing kits na naaprubahan ng FDA para sa commercial use ay maaari lang gamitin sa ating mga ospital o laboratoryo na may kapasidad para gamitin ito. We need a molecular biology laboratory para gamitin po itong mga testing kits na ito. Hindi po ito basta nabibili sa mga drugstore at gagamitin sa bahay. Kailangan pa rin ho sa ospital gagamitin ito. Ang kagandahan po nito ay mas marami na pong ospital ang maaaring makagawa ng testing dito sa ating bansa.
MODERATOR: Ngayon naman po, phone-in questions ulit, para ulit kay Usec. Vergeire. This is from Sofia Tomacruz from Rappler: Usec. Vergeire, we’ve been receiving reports on the ground that PUIs who get tested still haven’t received their test results for almost a week now. Why is this so? Is there a backlog in RITM, if so, how much? And what’s RITM’s current testing capacity?
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Maganda po iyang tanong ninyo, kasi marami na rin pong nagtatanong at maraming nababahala. Ang sinasabi po natin ngayon, gusto nating maging straight forward: We are being challenged right now with our testing capacities, our laboratory capacities. So simula pong nakakuha tayo ng mga ganitong datos simula po noong nakuha natin itong mga reports na ito, nagkaroon na po ng pagmo-mobilize nang mabilis. Ang ating sub-national laboratories ay binuksan na, binigyan na ng mga reagents at testing kits at nag-uumpisa na ho silang mag-test dito po sa atin sa Davao, sa Cebu, sa ating Baguio General Hospital, ang ating San Lazaro Hospital, ang Lung Center of the Philippines.
Sa katunayan po, ang ating mga laboratoryo rin ng malalaking hospital dito sa Metro Manila ay mino-mobilize na natin. Pupuntahan ho natin mamaya, may team tayo na pupunta sa limang malaking ospital dito sa Metro Manila para po makita natin if we can already extend our capacity to them para makapagtulungan with us.
USEC. VERGEIRE: So iyon pong mga nababalita na medyo may delay, totoo po iyon. We are being challenged right now, but we have already tried to facilitate para po mapabilis at saka mai-spread po natin ang capacity sa mga different facilities natin para bumilis po ang testing natin.
MODERATOR: Opo. Ma’am, follow up question lang from Tina Mendez of Philippine Star: “What is the government’s contingency plan in case Metro Manila hospitals reached full capacity?”
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. The contingency plan is really – agree po kami sa private sector, pinag-uusapan na ngayon – is really to have a dedicated COVID-19 hospital; not just one but hospitals that can be situated in strategic areas of the country. Kapag nangyari po ito at nagkaroon na tayo ng COVID specific hospital, masi-spread out po iyong ating mga kaso, mapupunta na po lahat sa COVID-19 hospitals natin at made-decongest po ang ibang ospital para tanggapin naman po nila ang non-COVID cases. So hopefully po, ito po iyong ating pinaplano and hopefully it will work for all of us.
MODERATOR: Opo, ma’am. And another follow up Usec. Vergeire from Joyce Balancio of DZMM: “Kanina po may mga nabanggit na kayo na mga COVID-19 hospitals – Ma’am, paano naman daw iyong mga PUIs and PUMs, saan po sila dadalhin?
USEC. VERGEIRE: Ganoon pa rin po ang patakaran natin ‘no, hindi po tayo nagbabago ng proseso sa ngayon dahil mayroon na tayong dini-designate na COVID-19 hospitals. Ang sinasabi lang po natin, kapag nagkaroon na po tayo ng specific na ospital para sa mga kaso ng COVID-19, lahat na po ng iniisip natin o sinususpetsa at kasama doon sa ating criteria na kailangang matingnan sa isang ospital ay doon na lang dadalhin.
Mapi-prevent na ho natin ang mix of patients sa iba’t ibang ospital natin, madi-decongest na rin natin iyong mga ospital natin na kailangan naman natin para sa non-COVID cases. So PUIs or PUMs, and actually po PUMs po, hindi natin dinadala sa ospital, sa bahay lang. Iyong mga patients under investigation, severe cases with underlying conditions, diyan na po natin uumpisahang dalhin, mga bagong matatala natin na ganito sa ating mga COVID specific hospitals.
MODERATOR: Okay. Sorry Usec. Vergeire, marami pa po tayong questions for DOH. Another follow up from Angel Ronquillo of RMN: “For Usec. Vergeire. Sa Japan may case doon na after recovery noong COVID patient, noong tinest ulit siya, nag-positive na naman. Sa atin ba sa Pilipinas, iyong mga recovered patients ay mino-monitor ulit para malaman kung talagang COVID-free na sila?”
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Mayroon ho tayong protocol na kapag ikaw ay COVID positive tapos po ay wala na kayong sintomas, maari kayong pauwiin but we still continue self-isolation for 14 days. But what’s important is after 14 days of being tested positive, kailangan ma-test kayo ulit para mag-negatibo po kayo.
MODERATOR: Okay, thank you Usec. Vergeire. Ngayon balik po tayo ulit sa MPC, Vanz Fernandez.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: To CabSec. CabSec regarding dito sa PPP program ng ating pamahalaan. Tuloy po ba ito hanggang ngayon, kasi alam naman natin na maraming mahihirap ngayon in time of this crisis na nangyayari sa ating bansa?
CABSEC NOGRALES: May mga ginagawa na pong hakbang ang DSWD tungkol diyan, hindi lamang sa PPP kundi pa na iyong sa mga senior citizens at iba pang mga tinutulungan ng DSWD na mga—iyong regular clients po nila, kasi marami naman po tayong mga tinutulungan mula sa iba’t ibang mga programa ng DSWD. So may mga ginagawa na pong hakbang ang DSWD para mapanatili at matuloy natin in a way na protected din iyong ating mga social workers at ma-exercise din po natin iyong social distancing.
So sa susunod na mga araw ay maglalabas po ng mga guidelines at directives po ang DSWD, si Secretary Bautista. Lagi naman po namin pinag-uusapan iyan sa IATF. So when the time is right, maglalabas na po si Secretary Bautista ng mga guidelines niya para doon sa mga regular clients po ng DSWD.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Mga kailan kaya ito, sir?
CABSEC NOGRALES: Nakausap ko kasi si Sec. Bautista kagabi during the meeting, so may mga pina-finalize lang po sila – sa lalong madaling panahon!
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Sir, some of the SSS pensioners are still awaiting. May nagagawa po ba ngayon ang SSS para maibigay iyong kanilang mga pensiyon?
CABSEC NOGRALES: Oo. Kinakausap din namin ang SSS dito at siguro hintayin din po natin iyong announcement mula sa SSS. But yes, SSS is also one of the offices na kinakausap natin tungkol dito. Actually ano naman eh, siguro ang general rule is lahat ng mga benefits para sa ating mga kababayan, itutuloy naman natin. Hindi naman natin pipigilan iyan, pero kailangan malinaw kasi kung paano natin gagawin ito in light of the COVID-19, na dapat ma-exercise iyong social distancing, dapat hindi rin ma-expose sa dangers iyong ating mga fellow government workers ‘di ba or mga social workers natin.
So kailangan maayos lang natin, but ang assurance po natin is those who regularly receive benefits from government will continue. Hindi naman po titigil iyan, inaayos lang natin in a way na safe po lahat.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Okay, on another issue. Sir I will not pinpoint any LGU, but my question is about LGUs. Sir may mga LGUs na dumadaing, na sinasabi nila na naubusan na raw sila ng budget when in fact malaki ang kanilang sinasakupan para sa kanilang mga—itong mga constituents nila, siyempre nag-aabang para sa kanilang tulong. Now, will the government, the national government try to help them also?
CABSEC NOGRALES: Oo naman, of course—
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Even, let’s say sir, may i—
CABSEC NOGRALES: No, wait. Sige po…
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: May I interfere? Kasi malaki na iyong nasasakupan nila when in fact they’re giving a big amount for their supplemental budget. Now, ito dadaing sila?
CABSEC NOGRALES: Ah hindi, ganito naman iyan. Alam naman po namin sa national government kung magkano sa bawat LGU ‘no. Alam naman po namin, we have the data. So alam namin kung magkano iyong kaya ng LGU, iyong capacity ng LGU at down to the last LGU, alam namin iyan. So alam namin anong kakayahan nila, alam namin kung magkano ang kaya po nila – given that, nandito rin iyong national government to help.
So the LGU being the frontliner, sila ang mauuna ‘di ba using their quick response fund which alam naman din namin kung ano iyong quick response fund po nila. Tapos, augmentation at tulong ay iyong national government, papasok to augment and help the LGU – kasi frontliner ang LGU! Iyong sistema, in place na po iyan; iyon lang, that’s why we need better coordination, iyong magandang coordination with the LGUs. At maraming mga LGUs ‘no, maraming LGUs are doing a fantastic job and we commend them for it.
Alam po namin ang sakripisyo po ng mga LGU – alam namin, kino-commend po namin sila sa lahat ng ginagawa nila. And the DILG is here to help, magtulungan lang po tayo, iyon lang naman ang message.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Yes, sir. Para po kay DOH Usec. Vergeire. Ma’am, are you amenable of online consultation? Kasi alam po natin, we should stay at home.
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Mayroon po kami ngayon hotlines ng DOH kung saan po tinalaga natin ito para makatawag po ang ating mga kababayan na may mga questions regarding the situation, tungkol po sa inyong mga nararamdaman at iba pa hong impormasyon na kailangan ninyo. Maari lang po kayong tumawag sa 1555, iyan po iyong isang hotline; at itong isa is 894-COVID.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Okay, thank you ma’am. Sir, kay PNP Chief Gamboa. Sir may itatanong lang po ako, last time dumaan po ako going to San Juan. Ang sabi nila sa akin, hindi daw ako puwede pumasok when in fact boundary lang po siya ng Manila. So I had to go to the market and the groceries, hindi po ako pinayagan.
PNP CHIEF GAMBOA: Okay. First, are you presenting yourself as a member of media or the only authorized in the family?
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Yes, I told them.
PNP CHIEF GAMBOA: Okay. If your function is for the media, then dapat walang question. Once you present your company ID, then you should be allowed to pass. Second, if you are the designated person in the family who’s supposed to go to the grocery or do the marketing, then it’s also one of the acceptable exemption, then you should have passed the checkpoints.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Okay, sir. Pero ang sagot po sa akin noong PNP or that—I don’t know if that’s a solider ‘no kasi naka-fatigue, sir. Sabi niya, utos lang po.
PNPCHIEF GAMBOA: Mali nga ang interpretation eh! That is why kami sa PNP, we even disseminate on a daily basis kasi everytime there is a new directive coming from the inter-agency, kung mayroong mga amendments doon who can only pass, because we keep on defining that in every inter-agency conference, then we immediately disseminate through our regional directors and we already created a Viber group para mas mabilis ang dissemination. But as a general rule, kapag ikaw iyong designated nga ng family to do the marketing, to do the grocery, to buy medicines. Then you should be one of the exempted people who should be able to pass through checkpoints.
MODERATOR: Okay, another phone-in question, gawin ko na po ito, lahat na po ito kay Usec. Vergeire. From Joseph Morong of GMA News. Usec. Vergeire, do we know the extent of contamination of COVID in Metro Manila and, another question, are we looking at a more aggressive approach to testing, say magbahay-bahay sa mga areas, where there is a concentration of confirmed cases or a high number of PUM?
USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. Unang-una iyong sa tanong extent of contamination. What we know for now is, in basing it on facts would be the data o iyong mga datos po na pumapasok para po sa mga kasong nagpo-positibo. As to the extent of contamination, iyan po ay hindi ko masagot, kasi unang-una droplet infection, it lands on surfaces. But if you find a positive case nakapag-disinfect ka after 24 hours, that’s okay already. Ang virus po doesn’t stay that long na maglala-last for how many days. Pag nag-land po sa surface iyan ating coronavirus, after 8 to 9 hours wala pa ngang supporting evidence talaga na accurate iyang information na iyan, ay wala na po iyong virus na iyan. Also, kapag nag-apply nga po kayo nitong tinatawag natin na mga disinfectants, kapag nasa bahay kayo, kahit po iyong household bleach puwede. After 24hours, you can already use the space or the unit kung saan mayroon naging positibo ang kaso.
MODERATOR: Okay, Ma’am, another follow up. How many testing kits do we have?
USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po mayroon na pong mga pumasok na mga donations coming from different partners and from the Chinese Embassy, mayroon po tayong pumasok na 2,000 galing sa Mammoth Foundation. May pumasok pong 1,000 kits galing po sa South Korea, mayroon pong papasok sa Sabado ang dating 100,000 kits galing po naman sa Chinese Embassy. At marami pa po tayong inaasahan na mga donasyon na mga testing kits dito sa ating bansa.
MODERATOR: Ma’am, From Rosalie Coz of UNTV. Usec. Vergeire ano po ang gagawin ng DOH doon sa umano’y nawawalang pasyente sa Quezon City na nag-positive sa COVID pero tumakas? Paano siya malo-locate?
USEC. VERGEIRE: Nakikiusap po kami sa ating sambayanan, nakikiusap po din po kami sa ating mga media practitioners, sana po i-verify niyo muna sa amin kung totoo iyong mga tumatakas na pasyente. Because it’s really scaring our community. Katulad po kahapon may naitala na may nakatakas daw apparently na pasyente sa General Trias, Cavite. Noong tsinek po namin sa data, the specific name, iyon pong profile ng tao, wala po kaming ganoon sa listahan naming, kaya agad-agad po kaming nagpalabas that, that was fake news. So, ito po ngayon, ipadala niyo po sa amin, ito pong profile, ipadala po ninyo sa amin ang information and we will be verifying this immediately and immediately post kung totoo man po ito o hindi.
MODERATOR: Ma’am, last follow up na lang po. Usec. Vergeire, what is the status of PUIs in the regions. Is there a possibility na may mga positive doon, considering walang testing doon?
USEC. VERGEIRE: Hindi po walang testing doon, ma’am. Nagkokolekta po tayo ng mga specimens doon sa mga taong katulad ng sabi natin ay kailangan na ma-test doon sa ating mga regions. Mayroon na nga rin po tayong na-mobilize na sub-national laboratories, kung saan puwede na rin ho tayong magpa-test. Ang sinasabi ho natin, ang ating mga kaso ngayon or mga patients under investigation, ay malaki ang porsiyento na nandito po sa atin sa Luzon area. Sa regions po natin, about 20 to 25% of our patients, who we are monitoring are there. So, kaya nga po araw-araw kinakausap na rin po ng ating Secretary of Health and ating mga regional directors, ang ating Execom members na in-charge dito sa mga lugar na ito, para po mapag-igting pa natin ang ating surveillance and of course the capacity to manage our cases there. If I may take this opportunity, ma’am, imbitahan ko lang po lahat ng ating sambayanan and our media practitioners, please join our DOHPH COVID-19 viber community para po nakikita ninyo araw-araw ang aming updates at saka fact checks. Kung mayroon ho kayong mga information na nakakalap at gusto ninyo i-verify, you would find it here, because we immediately verifying news that we get from social media.
MODERATOR: Okay. Thank you, Usec. Vergeire. And for CabSec Nograles lang po. Another question from Rosalie Coz. Sir, may susunod pa po bang IATF recommendation sa Pangulo at no po ba ang worst case scenario? May mas mataas na alert level pa po ba sa sub level 2? At ano po ang magti-trigger para dito kung sakali?
SEC. NOGRALES: May IATF meeting po kami pagkatapos po nito. So, tingnan natin kung after the meeting magbibigay ba kami ng mga panibagong guidelines after the meeting. So marami kaming pag-uusapan. So kayo po kung gusto ninyo sa evening o gusto ninyo sa morning natin ia-announce, it’s up to you kung ano ang gusto ninyo, but may meting po kami ngayon.
MARICEL HALILI/TV5: Ma’am, mabilisan lang po. Ma’am, are we capable of doing a more aggressive testing for the COVID-19 positive, like iyong mga bahay-bahay na test?
USEC. VERGEIRE: In other countries, though it has been done like in South Korea, they did mass testing, pero ito po ay mayroon silang well.., capable ang kanilang health systems at capacity for that. Sa ngayon po hindi pa naman nakikitang kailangan nating gawin ito pong mass testing na ito. Ngunit of course nandiyan po iyan sa ating talaan, nasa mapa, nasa radar kung sakaling dumating iyong panahon, we have enough resources and that our government can do it and it is already imperative for the government to do it – gagawin po natin iyan kung saka-sakali.
MARICEL HALILI/TV5: Ma’am, iyon pong 8 patients na naka-recover from COVID-19. Ano po ang nakikita nating common denominators, common factors, bakit po sila naka-recover?
USEC. VERGEIRE: Well, most of them, Ma’am, do not have underlying conditions. Most of them are not in that age group na medyo vulnerable na. So, ito po iyong mga common denominators that we can see among all of these 8 patients who have recovered!
MARICEL HALILI/TV5: Usec., marami lang pong nagpapatanong from netizens iyong alleged preferential treatment daw po sa ilang politicians na nakapagpa-test ng COVID-19, the likes of senator Zubiri and his wife na asymptomatic naman daw po. Ano po ba iyong policy natin, bakit po napayagan daw silang mag-test despite ng lack of test kits?
USEC. VERGEIRE: Klaruhin lang po natin ito, Ma’am. Matagal na po nating sinasagot ito for these past days, dahil nga po maraming nai-isyu tungkol dito. Unang-una po noong ginawa po natin ang mga test na ito sa ating mga high-level officials, ang atin pong testing or ang ating diagnostic criteria ay hindi pa nababago. If you will take not of the chronology doon po sa mga polisiyang inilalabas namin, atin pong binago ang aming criteria for diagnosing, for identifying people na ia-admit o kaya ite-test mula po noong araw iyon. Hindi ko po matandaan if it was March 16 or earlier than that. Pero po, ito pong mga na-test na higher level officials during the time ay nakapasok pa po sila doon sa criteria natin, ibig sabihin po, kasi dati kahit po walang sintomas, basta may history of exposure, basta may history of travel for the past 14 days in a country with localized transmission ay tine-test natin. So, lahat po ng na-test natin na higher level officials during that time ay pumasok po iyan sa decision criteria natin.
MODERATOR: From Julie Aurelio of Inquirer, for CabSec Norales. Did the IATF approved SFA Locsin’s decision to cancel all visa issuances for foreigners and ban them?
SEC. NOGRALES: Iyong pronouncement ni SFA was based on mga data na prinovide ng IATF sa kanya.
MODERATOR: Sir, another question from Rose Novenario of Hataw. I think this is for PNP or DILG. Ano po ang gagawin ng pamahalaan sa mga ulat na nagiging bayolente na ang mga nagugutom na maralita bunsod ng sitwasyon ngayon. Paano po maiiwasan ang mga mob rule kung mabagal ang pamamahagi ng pagkain sa mga pamayanan?
PNP CHIEF GAMBOA: First, iyong mga lumabas lahat na mga balita kahapon were all fake news and I have already tasked the anti-cybercrime group to trace them. But again, this is a warning to everybody because based on the Revised Penal Code as amended on stiffer penalties under Republic Act 10951. You can be punished by disseminating, posting fake news.
So, again we discourage people to do this, hindi kayo nakakatulog. But the Philippine National Police will go after you. So, huwag ninyo kaming subukan at hahabulin namin kayo! And as a matter of fact, my directive to the anti-cybercrime group and the different regional directors, mag-sample tayo, para makita ng publiko na kaya nating mag-aresto at mag file ng kaso pag nagpo-post ng fake news.
PART 6 – IATF, MARCH 20, 2020
MODERATOR: Okay, another phone-in question, from Karen Lerma of Reuters News. What is the status of supplies, meaning, masks, PPEs, respirators? And do we have local manufacturers, and how about bed capacities of hospitals? They said they feel they are on their own. For Usec. Vergeire, ma’am.
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Ang status po ng ating mga personnel protective gears, mayroon ho tayong mga parating na donations din po galing sa ating mga partners, private sector also and other countries. Nandito na po, ini-imbentaryo na po natin. At ito po will be rationally allocated. Ibig sabihin, lahat po ng mga nangangailangan ay pipilitin nating matugunan ang kanilang pangangailangan, even local government hospitals.
So ang amin nga pong hiling lang, sana po dumiretso po sa tanggapan ang kanilang tawag. Huwag na po nating i-post sa social media because it adds to the fear of people na nawawalan tayo ng mga ganitong mga kasangkapan o gamit. Tumawag po kayo sa amin at titignan ho natin kung paano natin matutugunan ang inyong mga pangangailangan.
MODERATOR: Okay. Thank you, Usec. For Secretary Año po: While the government called for social distancing, what measures have you implemented to keep our inmates, under the BJMP and provincial governments, free or least susceptible to COVID-19? Will you move for their possible recognizance?
SEC. AÑO: Unang-una, sa ngayon, ang ating lahat ng prison, detention cells ay COVID-free. So actually this is the safest place now. We will not allow anyone to enter the prison and detention cells. Lahat ng bibisita diyan ay ipinagbawal na natin. At kung may ipapasok na bagong inmates diyan, they will undergo mandatory quarantine bago ipasok sa loob ng kulungan.
So, if we will not allow anyone to enter iyong mga unauthorized na papasok diyan, we are sure that they are 100% safe.
MODERATOR: Thank you, sir. For CabSec Nograles from Melo Acuña. I learned Jack Ma will donate 500,000 face masks and several thousand test kits. Other groups have also signified their intention to help. Pleases tell us how these will be distributed?
SEC. NOGRALES: Mayroon kaming mekanismo, mayroon kaming grupo within the IATF who’s supposed to handle all of that, iyong pagtanggap at—and then, of course, the allocation will be depende sa DOH. Gaya nang sinabi ni Usec. kanina ‘no, it will be done in a way na ano naman, that would be based on science and evidence; hindi ito basta-basta. So ano iyan, sa needs basis, mayroon silang formula diyan.
MODERATOR: Okay. And another for Usec. Vergeire. Ma’am, do we have total number of patient tested for COVID-19 in the country?
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Mayroon ho tayo sa ngayon na ating pinanghahawakan na mga datos kung saan po ay nakakapag-test na po ng 1,170 tests. Gusto ko lang ipaliwanag, ma‘am, kasi this is taken out of context. Kapag nagte-test po tayo ng COVID-19, hindi lang po isahang test ito. Halimbawa po, nag-test ng positive ang isang pasyente, kapag nasa ospital na ho siya, mayroon pa ho tayong tinatawag na second and third test collection. Ibig sabihin, ang isang tao, hindi lang po isang test ang magagamit niya.
So marami ho kasing nagsasabi na bakit nauubos, ito lang naman ang nate-test. So kapag bumilang po tayo ng ‘testing-done’ – ito po ay isang tao na maaaring magkaroon ng tatlo hanggang apat na testing, depende po sa kaniyang kalagayan if he is admitted.
MODERATOR: Okay. Thank you so much, Usec. Vergeire. May questions pa po ba ang ating mga kasama dito ngayon? Last question from Manny Vargas of DZBB.
MANNY VARGAS/DZBB: Sir, magandang umaga po ulit. Kanino po makikipag coordinate ang mga ‘health professionals’ po natin, health workers natin? Kasi po may tanong pong pinaabot sa DZBB, galing po kay Jason Macedonio, isa raw po siyang health worker. Sabi niya: “Paano kaya sa mga gaya naming health workers, 12 hours kaming duty sa ospital. Rider ako, gusto ko sanang isabay ang katrabaho ko dahil wala siyang masakyan. Hindi talaga namin alam ang gagawin! Hindi siya makapasok, mas malaking kakulangan ito sa amin dahil kinakailangan naming mag-extend kapag wala iyong mga kasama namin.”
SEC. NOGRALES: Rider, meaning to say motorcycle?
MANNY VARGAS/DZBB: Rider po siya, sir. Gusto niyang isabay sana iyong mga kasama niya.
SEC. NOGRALES: Bawal ang motorcycle eh.
MANNY VARGAS/DZBB: Iyon nga po. Siguro ang tanong dapat siguro dito para sa kanila is, kanino sila puwedeng mag-coordinate para malaman nila kung saan sila puwedeng pumunta na may mga libreng sakay para ma-accommodate sila?
SEC. NOGRALES: Nag-announce na kasi iyong DOTr ‘di ba, at DOH, ng mga point to points – so iyon, iyong point to points, iyon iyong ating ginawang hakbang para matulungan iyong ating mga health workers to get to work. Pero iyong motorcycle, hindi po talaga puwedeng angkas; hindi puwedeng mag-back ride.
MANNY VARGAS/DZBB: Sir, can they coordinate with the LGUs para kung sakaling—
SEC. NOGRALES: Of course.
MANNY VARGAS/DZBB: Medyo malayo sila.
SEC. NOGRALES: Yes, yes. In fact, we encourage that na mga LGUs na tulungan iyong mga health workers. May mga LGUs who are already—si Sec. Año po.
SEC. AÑO: Ang DOTr ay mayroong kinumisyon na 74 buses na umiikot iyan at naka-announce iyong mga pick up points. So coordinate lang with their LGUs. And iyong DOTr also ay nag-coordinate doon sa mga hospitals din kung saan iyong mga pick up points.
MANNY VARGAS/DZBB: Huling tanong na lamang po para kay Usec. Vergeire. Pinapaabot din po ng mga kasamahan namin, number one daw po: Ano raw po iyong mga opsital na puwedeng puntahan para magsasagawa daw nitong mga COVID-19 test? At sabi po ni Ms. Nimfa Ravelo: Magkano naman daw po iyong price ng approved na test kits? At kung saan daw po ito itsa-charge, kung ito po ba ay doon sa pasyente or puwede raw po bang i-charge doon po sa Philhealth? Thank you po.
USEC. VERGEIRE: Okay. Mula pa naman po noong una ‘no nagsabi na tayo kung saan po tayo puwedeng pumuntang mga ospital kung sakaling nakakaranas tayo ng COVD-related symptoms at pasok po doon sa ating sinasabing dapat lang pumunta muna sa ospital para maiwasan ang paglaganap pa ng impeksyon.
So mayroon po tayong level 2 and level 3 hospitals. Pakihintay lang po ang ating announcement baka po mamaya pagkatapos ng meeting namin with UP-PGH this afternoon, kung atin na pong sasabihin sa ating mga kababayan na maaari na kayong pumunta sa UP-PGH at sa iba po ho nating designated hospitals para doon na kayo titignan.
Pangalawa po, magkano po ang ating mga commercially available na ngayon na mga lab test kits – wala pa ho akong impormasyon ukol diyan. Gusto ko lang paalalahanan lahat, ginagawa pa rin po ito sa isang ospital na may kapasidad ang laboratoryo para gawin po ang mga tests na ito.
MODERATOR: Okay. Isang pahabol lang po kay Usec. Vergeire. From Agence France-Presse: Patanong naman po iyong contact tracing ng mga Muslims na sumama sa tabligh sa Malaysia. Nahihirapan yata ang contact tracing, ma’am?
USEC. VERGEIRE: Yes, nakuha na po natin itong impormasyon na ito noong isang araw pa. At mayroon ho tayong isinagawang coordination with our Undersecretary diyan sa Mindanao area na siya po ang namamahala ng ating pagsasagawa ng contact tracing for all of these, apparently 202 Filipinos, na nagpunta po sa Malaysia at nakabalik dito.
So, nakikipag-ugnayan tayo ngayon directly with our BARMM, ang kanilang mga opisyales doon para makuha ho natin ang mga datos na ito.
MODERATOR: And, ma’am, super last na talaga. From NPR: What is the projection we’re looking at given the rise of the number of cases?
USEC. VERGEIRE: Ganoon pa rin po ang sagot natin ‘no. Katulad ng sabi ko noong isang araw, nagkaroon na po ng modeling estimates ang ating mga eksperto kasama ang World Health Organization na sinasabi, at that minimum na sinasabi natin na reproductive rate ng isang taong may COVID positive case, maaaring makapanghawa ng dalawa. We are projecting based on evidence na maaaring umabot tayo ng 75,000 in two to three months kung hindi tayo gagawa nang maayos na pagpapatupad nitong mga stringent measures na ginagawa natin sa ngayon.
Gusto ko lang hong klaruhin na mangyayari lang po ang pagtaas nitong bilang na ito sa ganitong kataas na 75,000 kung hindi tayo susunod sa gobyerno. Kaya nga po tayo nagpapatupad ng ating mga measures ngayon katulad ng enhanced community quarantine ay para maputol ang transmission and hopefully, ma-flatten natin iyong curve, ma-spread natin into many months ang mga kasong ito para mas makaresponde tayo appropriately.
MODERATOR: Okay. Thank you, Usec. Vergeire. Now the last question from Vanz Fernandez.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: To CabSec Nograles, from Tina Mendez of Philippine Star: Has the Palace tapped President Duterte’s 16 billion contingency fund and the 13 billion calamity fund for COVID, if yes, magkano po?
SEC. NOGRALES: Kagaya ng sinabi ko, ayaw ko pong pangunahan ang any announcement that will be made. I stick to what I said a while ago na mayroon po tayong pondo, at we will need the help of Congress. And the President has already assigned certain persons to talk to Congress on how we will work together to make these funds available for all of the needs na kailangan natin, in all aspects – health, social amelioration, pagtulong natin sa ating mga kababayan and even sa economic recovery – so lahat po iyan.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Pero, sir, still intact po ba daw ito, itong two lump sums?
SEC. NOGRALES: Basta iyong pera natin is available ‘no and we just need the help of Congress in certain—basta, we will make the announcement when it’s’ …
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Sir, last na lang po kay Usec. Vergeire. Patanong po from GMA Lei Alviz. Sabi niya: Ilang beses po, ilang test po ang ginagawa sa RITM?
MODERATOR: Parang nawala na po si Usec. Vergeire sa ating line. Pero kasunod po ng ating IATF briefing ay ang Laging Handa program sa People’s Television Network. Patuloy po tayong mag-abang sa ating mga kababayan. Mag-i-stay pa rin ang ating mga opisyal para sa Laging Handa program sa People’s Television Network. Maraming, maraming salamat po.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)