Mga kababayan, magandang umaga po sa inyong lahat at sa ating mga kaibigan sa media at lalung-lalo na sa atin mga bayaning frontliners. Happy Easter po sa ating lahat.
For most of us, even with the enhanced community quarantine, the Holy Week gave us an opportunity to take a break, take a step back and reflect on the challenge that the whole world confronts today. Kahit ilan sa mga kaibigan natin sa media, kahit papaano nakapagpahinga kayo nitong mga nakaraang araw.
However, our frontliners, especially those in charge with taking care of our sick, those who were given the responsibility of keeping everybody safe and secure, they continued to work. Kaya sa inyo pong lahat, maraming-maraming salamat po.
Please allow me resume our daily briefings by sharing with you the contents of IATF Resolution Number 22, which the IATF approved last Wednesday, bago nagsimula ang pinaka-Holy Week celebration po natin.
The Office of Civil Defense or OCD in coordination with other agencies and Local Government Units as maybe appropriate shall hereafter lead the contact tracing efforts of the government. For this purpose, the DOH and the OCD are directed to enter into a data sharing agreement in accordance with Republic Act Number 10173 or the Data Privacy Act.
Ang OCD na po ang mangunguna sa contact tracing efforts ng pamahalaan at sila ay inaatasang makipag-ugnayan sa DOH para mag-sharing ng datos alinsunod sa Data Privacy Act.
The IATF adopts the policy of mandatory public disclosure of personal information relating to positive COVID-19 cases to enhance the contract tracing efforts of the government.
Para po matulungan ang contract tracing efforts ng ating pamahalaan, mandatory or required na po ang paglalahad ng personal na impormasyon pagdating sa ating mga COVID-19 cases.
The recommendations of the National Security as presented are hereby adopted the specifics by which are as follows:
Ensure food and water security including shelter and energy of the people through the activation of the food security sub group under the technical group on resource and logistics management of the National Task Force headed by the Department of Agriculture with member agencies – Department of Trade and Industry, National Economic and Development Authority, Department of the Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development, Department of Budget and Management among others and give regular updates to the appropriate NTF-TG on food production and manufacturing.
Develop resiliency among the public, especially of the 18 million families targeted for social amelioration by ensuring the delivery of food and basis services and continuously apprising them of the government’s efforts through tri-media channels.
Aprubado na po ang rekomendasyon ng National Security Council ukol sa food and water security at sa Social Amelioration Program para sa 18 milyon na target beneficiaries. Inaatasan ang food security sub group sa ilalim ng technical group on resource and logistics management ng National Task Force na pinamumunuan ng DA na magbigay ng regular na update ukol sa food security. Inaatasan din ang gobyerno na magbigay ng updates tungkol sa Social Amelioration Program.
Paragraph I of IATF Number 14, Series of 2020, providing for exemptions for implementation of the Enhanced Community Quarantine in Luzon is hereby amended to wit and I quote letter ‘I’: The Philippine Statistic Authority shall be allowed to operate at a capacity necessary to conduct data gathering and survey activities related to COVID-19, including those related to the registration and implementation of the National Identification System or National ID. Provided that such exemption shall be without prejudice to the requirement of strict social distancing measure in all its operations and data gathering services and activities.
Kasama na po ang mga empleyado ng PSA sa mga exemptions sa mga ECQ. Kasama po dito ang mga empleyado ng PSA na nakatutok po sa implementasyon ng National ID.
Pursuant to the exemption granted in favor of Business Process Outsourcing or BPO and Export Oriented Establishments under IATF Resolution Number 13, Series of 2020, and due to the extension of the ECQ: BPOs and their service providers shall be allowed to install the necessary work from home equipment at anytime for its duration. Export oriented industries are likewise allowed to enhanced their operations by deploying their worker under onsite or near site accommodations arrangements or by providing point to point shuttle services subject to strict social distancing measures and routinely disinfection of facilities and vehicles.
LGUs are directed to allow the movement of the workers and their equipment for the aforementioned purposes.
Ang mga BPO ay pinapayagang ayusin ang mga work from home arrangements at equipment habang ang mga export oriented industries naman ay pinapayagang ayusin din ang mga onsite accommodations para sa mga operasyon nila sa pamamagitan ng pagbigay ng transportasyon sa kanilang mga empleyado.
To carry out the directives under paragraph F of IATF Resolution Number 18, Series of 2020 of ensuring the unhampered transit of Overseas Filipino Workers who have been issued certificates of completion of 14-day quarantine or those who may be required mandatory 14-day home quarantine, all LGUs are enjoined to allow the docking of maritime vessels in their ports as well as to allow the disembarkation and transit of the aforementioned OFWs to their ultimate destination in the country.
Para po sa mga OFW na natapos na po ang kanilang quarantine at nabigyan na po ng sertipikasyon na tapos na ito, ito po naman nagmensahe ng IATF sa ating mga LGUs sa buong bansa: Pauwiin n’yo na po ang mga OFWs natin at payagan po ninyo ang pagdaong ng mga barko para makauwi sila sa kanilang mga tahanan.
Sila po ay binibigyan ng sertipikasyon bilang patunay na tapos na ang kanilang quarantine, libu-libong milya ang kanilang tinahak para sila ay makauwi. Ang daming protocol na po ang sinusundan para po makabalik sila sa ating bansa, kaya po pauwiin na po natin sila. Hindi po sila banta sa kalusugan ng inyong mga bayan.
Subject to the requirements and recommendation of the Health Technology Assessment Council or HTAC, pursuant to Republic Act Number 11223 or the Universal Healthcare Act, the DOH is hereby directed to issue updated guidelines or protocol on the use of rapid test kits in the Philippines.
Ang DOH ay inaatasan na maglabas ng mga bagong patakaran ukol sa paggamit ng mga rapid test kits.
Bago po ako mag-wrap up, may mga ilang paalala lang po. We have received reports that are public markets that reopened yesterday that appear to ignore protocols regarding social distancing; kasama dito ang Balintawak Market sa Quezon City. Mabilis naman po itong inaksiyunan ito ng QC-LGU at napagkasunduan po na mananatiling bukas ito para sa wholesale operations pero isasara ito sa retail operations.
Iyong retail operations po, imbes na doon sa Balintawak gagawin, itutuloy na lang po ito sa QC fresh market on wheels program.
Another report we wish to respond to involves allegations that the government has given directives kuno to suppress information regarding COVID-19 fatalities. Sa madaling salita, hindi po ito totoo. Naglabas na po ng pahayag ang Department of Health na wala po silang ganitong utos sa ating mga ospital. Wala pong ganitong polisiya ang inyong pamahalaan.
As you all know, various government functionaries regularly appear on media to give updates on the different actions being taken in response to the COVID-19 outbreak. Tuluy-tuloy po ang pagbigay ng balita ukol sa COVID-19 response dahil alam po namin na mahalaga po ito para sa inyo, this outbreak concerns all of us. So we recognize that it is our responsibility to give you facts, all the facts and nothing but the facts. You deserved nothing less.
Kaya po uulitin po namin na mag-ingat po tayo sa fake news o tsismis na pino-forward at pino-post. Our efforts to contain the COVID-19 outbreak must be complimented by our effort to contain misinformation, disinformation lalo na pagdating sa balita involving our health; about possible remedies for the diseases and similar unsubstantiated claims.
Ang malinaw po sa mga nakaraang linggo base po sa experience ng ibang bansa at kahit sa karanasan natin, social or physical distancing works, staying home saves life, washing your hands can save live, your cooperation is crucial in our efforts to save lives. Kaya bahay muna, buhay muna.
Samantala, kami po sa gobyerno at bawat Pilipino ay nagpapasalamat sa lahat ng mga nagbibigay ng donasyon at tulong sa ating ilang bayan at sa inyong pamahalaan.
We would like to thank the Republic of Korea. The Korean government has donated 500,000 US dollars’ worth of COVID-19 testing kits to the Philippines. We would like to thank also the government of the United States of America; the government of the People’s Republic of China; and the government of Japan; as well as Americares, IAHV, INC, PRC, UNFPA, UNICEF, WFP, WHO, USAid, World Vision at iyong mga private companies that have helped us and helped the people of the Philippines.
We would like to say thank you to the following: The Aboitiz group, Bounty Fresh, FFCCCI, Indian Chamber of Commerce, FICCI, Filinvest Group, Gokongwei Group, ICTSI, LBC, LT Group, Megaworld Group, MVP Group, PDRF, San Miguel Corporation, SM Group, Unilab, Uratex Group, Wilcon and countless others. Maraming- maraming salamat po. Thank you very much.
Ulitin ko po sana ang ating kahilingan noong nakaraang press briefing. Isang beses buong araw, mag-alay po tayo ng kahit na isang minutong katahimikan at panalangin para sa ating mga yumaong kababayan sa COVID-19, mapa-frontliner man o karaniwang mamamayan, ganundin po para sa pangkalahatang kaligtasan ng buong bansa mula sa salot na ito. So, isang minutong katahimikan po.
Sama-sama magtatagumpay po tayo. Together we can beat COVID-19, together we heal as one. Maraming salamat po.
Babasahin ko na po iyong mga katanungan mula sa ating mga kaibigan sa media.
From Kris Jose of Remate/Remate Online: Ask ko lang po kung aware po kayo sa Pabunan anti-viral injection, diumano’y gamot daw sa COVID-19, although hindi pa po ito approved ng FDA pero marami na pong mga frontliners at mga infected ng COVID ang gustong sumubok nito. Marami na rin pong mga netizens ang nanawagan kay Pangulong Duterte na suportahan ang Pabunan anti-viral injection. Salamat po.
– Siguro ang masasabi natin diyan is kung hindi po siya approved ng FDA at ng Department of Health huwag po tayong mag-eksperimento ng mga gamot na hindi naman po natin alam at wala naman tayong kasiguraduhan sa kaniyang bisa, kung ito ba ay talagang nakakagamot o nakakasama pa sa katawan, hindi po natin alam. Mismo ako, hindi naman ako doctor, wala naman akong expertise dito, pero para sa akin at ito na rin ang panawagan ng DOH, kung hindi naman siya approved ng DOH, ng WHO ng FDA, huwag po tayong mag-eksperimento.
From Francis Wakefield of Daily Tribune: Tanong ko kay CabSec, reaksiyon ng IATF sa mga balita na may utos daw ang DOH na i-conceal ng mga hospital ang COVID-19 deaths. Magpapatawag ba ng probe on this?
– Nagsalita na po ang Department of Health, si Secretary Duque at maging ibang opisyales po wala po tayong ganitong patakaran o kautusan mula sa DOH o mula sa pamahalaan. Hindi po tayo nag-uutos ng concealment, bawal po iyan.
From Aileen Taliping of Abante Tonight: Reaksiyon po sana sa ginawang pang-aagaw ng NPA sa relief goods sa Eastern Samar. Thanks po.
– Wala pang nakakaabot na balita sa akin mismo, pero iyong pang-aagaw po ng relief goods ay ipinagbabawal po iyan, hindi po puwedeng gawin ang pang-aagaw, siyempre dine-distribute po iyan at ang pag-distribute po ng pamahalaan ay para sa mga nangangailangan. So, hindi po dapat makipag-agawan diyan at kung tayo naman po ay talagang qualified na makatanggap eh dapat mapaabot po sa inyo iyong tulong. Wala pong color-color dito, wala po tayong kinakampihan, lahat ng Pilipino na gusto nating tulungan at nangangailangan ng tulong ay dapat tulungan. So, wala pong color-color iyan.
From Bella Cariaso of Bandera. Reaksiyon po, trending din ng East Avenue Medical Center nanghingi ng donation for body bags.
– Nagsalita na yata iyong mga officials ng East Avenue tungkol dito. Sinabi naman po nila na may mga dumadating naman daw na mga supply ng body bags doon sa kanila. So, bagama’t nagagamit iyong mga supply nila ng body bags ay may constant flow naman po ng supply ng body bags na gagamitin. So, nasagot na rin po iyan ng East Avenue Medical Center.
Karamihan ng mga namamatay sa East Avenue Medical Center ay mga PUIs and were not included pa rin sa breakdown ng namamatay due to COVID. Kapag namatay ng hindi nate-test sa COVID ite-test pa rin ang mga ito?
– Nakausap ko po iyong mga epidemiologist natin at doon sa advisory group ng IATF – made up of doctors and epidemiologist – tinanong ko rin po ito, kung puwede bang mag-test… una, tinanong ko nga kung puwede mag-rapid test, iyong rapid test ay serum-based, iyong dugo. Ang sabi po nila kapag deceased na po, hindi po pupuwede, kasi may scientific reason sila na hindi ganoon ka-effective kung mag-rapid test… serum-based rapid test para sa namatay na ‘no. Iyong swab naman po, puwede namang gawin, but obviously… siyempre ideally dapat na-swab na siya at dinaan sa test para malaman natin ‘no and ideally dapat na-swab siya before naging deceased para malaman natin. So, kung na-swab siya before naging deceased, malalaman natin kung positive ba siya or negative. Pero kung namatay na siya at hindi pa siya nai-swab iyon pa po iyong pag-uusapan ng advisory group. So, inatasan po natin sila na pag-aaralan kung saan natin puwedeng ipasok doon sa current protocols pag deceased na po.
Iyong mga cadavers sa East Avenue – pangatlong tanong na ito – nakatambak lang sa morgue, wala sa freezer, hindi rin nasusunod ang 12 hours na kautusan para ma-cremate. Hindi ba nagko-pose lalo ito ng danger?
– Ang sabi ng pamunuan ng East Avenue, while LGU ang tasked of the cremation, hindi ito nangyari, kaya ang fallback ng hospital i-refer sa private crematorium.
In most cases, hindi na kini-claim ng relatives dahil sa mahal ng singil. Paano ito ia-address ng government?
– Napag-usapan po namin ito, nag-meeting po iyong ilang Cabinet secretaries kahapon via a video conference ‘no at isa ito sa napag-usapan namin. So ang naging kumbaga resolution namin o ang decision ng grupo ng mga Cabinet secretaries is, number one, dapat iyong 12 hours na cremation, dapat ma-fulfill iyan. Dapat hindi po ma-violate iyong 12 hours.
– Number two, iyong problema din minsan ang nagiging delay is iyong payment; naghihintayan ng bayad – sino magbabayad nito, sino magbabayad niyan. So ang naging desisyon po noong Gabinete is do not wait for payment. Kung kailangan i-cremate, i-cremate na po iyan at huwag po nating hintayin kung sino ba magbayad at magturuan. Hanapan natin ng solusyon iyan, at ang assurance po natin na mahanapan natin ng solution iyan pagdating sa bayad, sa payment; sino magbabayad, etcetera, etcetera. Pero kailangan po, we must stick to the 12-hour rule pagdating sa cremation.
– Ang isa pang naging delay iyong kailangan pa daw ng papeles, mga death certificate, etcetera, etcetera. So may mga ganiyan klaseng mga instances din po. So ang bottom line, ang napagkasunduan ng Gabinete is we must stick to the 12-hour rule pagdating sa cremation. Everything else – papeles, bayad, lahat iyan can be solved. Those are problems that can be solved at mahanapan natin ng solusyon.
From Kris Jose of Remate: “May report po na hindi po inirerekomenda ng Department of Health ang pagsasagawa ng misting or spraying operations kaugnay ng pagpuksa sa COVID-19. Sabi po ng DOH, wala pang ebidensiyang sumusuporta na namamatay ang virus sa pagsasagawa nang malawakang misting or spraying operations na may halong disinfectant. Instead raw po na mapatay ang virus, mas pinalalawak pa nito ang pagkalat ng virus habang sinasagawa ang spraying operation.”
– Opo, may nilabas po na ganitong recommendation ang Department of Health at nasabi nga at nabanggit nila ito sa akin noong Wednesday ‘no. So maaring pag-usapan namin ito sa IATF at pag-usapan namin iyong mga pros and cons po nito. At in the meantime, dahil nandiyan po iyong recommendation ng Department of Health ay we will honor the recommendation of the DOH, but pag-uusapan pa namin ito sa IATF para lahat ng mga miyembro ng IATF ay mas maliwanagan tungkol po dito.
So ang tanong po sir is: “Kailangan po ba itigil ang pagsasagawa ng misting or spraying operation dito sa Pilipinas habang marami pong bansa na infected ng COVID ang gumagawa po ng misting or spraying operations po?”
– Gaya ng sabi ko, pag-usapan muna namin—pag-usapan po namin sa IATF kung ano iyong magiging resolution namin tungkol dito sa concern po na ito.
From Samuel Medenilla of Business Mirror: “Good AM po. Number one, tatanong ko lang po ang reaction ng IATF regarding sa calls po by some groups for POEA to remove its ban for the deployment of some Filipino medical workers abroad during the COVID-19 health crisis. Does the IATF support the calls of the said groups for the position of POEA?”
– Tama po ito, ang POEA, ang Department of Labor and Employment pati ang representatives/officials ng DFA ay nag-usap-usap tungkol dito. So mayroon po silang nilabas na guidelines ‘no or memorandum tungkol po dito. Ngayon, isa rin po ito sa pag-uusapan namin sa IATF para po lahat kaming mga miyembro ay makapagbigay rin ng aming posisyon tungkol dito. At sa lalong madaling panahon ay magbibigay rin po ng guidelines ang IATF tungkol dito. But in the meantime, nandiyan po iyong memorandum at issuance ng POEA at DOLE.
“May data na po kaya sila ng PUI and COVID positive patients na na-transfer na sa mga large quarantine facilities in Metro Manila like Rizal Sports Complex and PICC?”
– Ire-report po sa amin ito tomorrow sa IATF meeting namin at ang magre-report po dito is si Secretary Galvez as Chief Implementer.
Mayroon na po kayang foreign countries na nag-send ng donation in cash sa Philippine government for its COVID measures?
– I’ll have to check with DFA ‘no in terms of cash, pero ang alam ko kasi mostly mga ano ‘to, in kind. So I don’t know about that cash component.
From Gen Kabiling of Manila Bulletin: “Any government action to prevent overcrowding in markets?”
– Opo. So, isa rin ito sa mga napag-usapan namin kahapon sa meeting ng mga iilang mga Cabinet members. So ang napag-usapan po is iyong tungkol nga sa Balintawak which na-announce ko na kanina, is mayroon na po tayong desisyon, ang Quezon City government at ang DILG ‘no na wholesale na lamang po sa Balintawak Market at wala na po iyong retail doon sa Balintawak Market.
– Ngayon ang isa pang napagkasunduan namin na mga miyembro ng Gabinete, is kailangan iyong mga markets na tulad ng Balintawak, sa nangyari sa Balintawak, para maiwasan natin ang the same thing from happening na naman, is kailangan lagyan natin ng sistema. So ang DILG ay makikipag-ugnayan na po sa mga LGUs, na-identify naman natin kung saan iyong mga public markets ‘no ng bawat LGU.
– At lagyan po natin ng sistema ‘no, one of the tinitingnan na sistema is iyong ‘one-entry, one-exit’ para sa ganoon mas mako-control po natin iyong labas-pasok noong ating mga kababayan tulad ng ‘pag bumili ka sa supermarket ‘no or sa convenience store or sa drug store, one-entry, one-exit lang iyan eh so madali mong tantiyahin ilan ang puwedeng pumasok at to make sure na may social distancing ano po.
– So that’s one method. The other method is kailangan gagawa po tayo ng joint social distancing teams made up of joint forces ng AFP pati PNP na idi-deploy natin sa mga public markets at doon sa mga palengke na maaring magkaroon ng the same as what happened in Balintawak para sila po iyong mag-enforce ng strict social distancing measures. And then of course, kailangan dito na kasama namin sa pag-implement at pag-enforce nito iyong mga LGUs. So it will be a joint team made up of AFP, PNP with the assistance ng ating mga LGUs.
“Will the government review and withdraw the deployment ban of healthworkers amid complaints that it violates the right to travel and promote involuntary servitude? Does the exit ban cover only new contracts? How will government help or compensate stranded healthworkers with existing contracts abroad?”
– Actually, even before POEA and DOLE came up with itong mga guidelines na ‘to eh nag-usap-usap naman sila, multi stakeholders naman po iyong kasama doon sa pag-uusap. But again, there is a request na ipa-review sa IATF kaya bukas po sa IATF meeting mapag-usapan namin ito. And kung anuman ang lalabas doon sa aming mapag-usapan tomorrow sa IATF meeting ay ibabalita po namin sa publiko.
Pahabol from Gen Kabiling, Manila Bulletin: “Some lawmakers have proposed a hero’s burial for fallen COVID-19 frontliners. Will the government support calls to bury these fallen heroes at Libingan ng mga Bayani for their sacrifice and devotion to their profession?”
– Ako po, tawag naman natin sa kanila lagi ‘di ba is the real life heroes. Sila po iyong bayani ng ating bansa. So for me, for me personally, I am for it. But it has to be—we will talk about it sa IATF ‘no para mapag-usapan namin ito kung—kasi siyempre we have to review the laws ‘no kung kailangan ba ng amendment iyong sa batas ‘no. Or kung hindi naman kailangan, if it’s just a policy—it it’s a policy decision lamang at kayang gawin ng IATF, then bakit hindi. Or kahit si Pangulo man lang, bakit hindi.
From Henry Uri/DZRH: “Ano pong gagawing aksyon ng gobyerno para hindi na maulit ang nangyari sa East Avenue Medical Center na ayon mismo sa pag-amin ng ospital ay may mga bangkay ng PUI na nagdulot ng mabahong amoy dahil wala silang sapat na morgue? Nakarating na po ba ito kay Pangulong Duterte? Ano po ang reaksiyon niya rito?”
– Gaya ng sinabi ko, pinag-usapan namin ito ‘no, pinag-usapan namin ito kahapon iyong tungkol po dito sa mga namamatay. Ang kung natatandaan ninyo po, ang DILG ay nagpalabas na ng mga directives—even before this happened, may mga directives na po ang DILG pagdating sa deceased ‘no, mga namatay. Tapos ang IATF, kung naaalala ninyo, gumawa na rin ng resolutions regarding doon sa mga deceased dahil sa COVID-19.
– So ito, this is an operational matter at kaya nga po nandiyan iyong Task Group on Resource Management and Logistics at nandiyan din po iyong Task Group on Response. So tinututukan naman po namin ito at in fact, these task groups, mayroon po silang mekanismo kung saan lahat ng mga pangangailangan ng ating mga government hospitals at pati private hospitals ay agad naman… may mechanism naman na agad naman nilang maparating sa Task Group on Resource Management and Logistics or maparating agad kay Secretary Galvez mismo as the Chief Implementer.
– So kung mayroon mang mga pangangailangan ay puwede naman agad na itimbre doon sa task group or kahit kay Secretary Galvez mismo para agaran po natin maaksyunan iyan. So kaya nga ang sinasabi nga natin ‘di ba, may kumakalat na balita na di-umano hindi daw sapat ang mga body bags, ganiyan, ganiyan, tapos may na-interview, ganiyan, ganiyan. Pagdating naman sa pinaka-hepe or pinaka-chief ng East Avenue, sinabi naman na, “Hindi, sapat naman, may mga supply naman kaming darating.” So kumbaga, ang mensahe lang po natin is may mga mekanismo na po in place. So siyempre iyong pinaka-chief ng hospital, sila iyong nakakaalam kung paano pindutin iyong mechanism, iyong mekanismo. So kung may mga pangangailangan siya or nakikita niya na kulang na, eh agad naman iyan puwedeng tumimbre sa task group or kahit kay Secretary Galvez mismo.
– So in other words, huwag na lang—you know, kung may ganiyang mekanismo, then hayaan natin iyong chief to implement the mechanism ‘di ba. Kasi kung pangunahan mo tapos hindi mo naman alam na may mekanismo at hindi mo naman alam na may mga parating naman na supply, hindi pa naman nadi-deplete ang supply ‘di ba. So nakakabigay lang ng concern sa ibang tao. So okay lang naman iyan… but there is a mechanism in place. Kaya … ayon, if may mga needs po ang hospitals, agad naman nagre-respond ang ating mga task groups.
“May kumakalat na naman—from Henry Uri pa rin ng DZRH: “May kumakalat na namang balita sa social media na magkakaroon ng extension ng lockdown after April 30?”
– Hindi po, hindi po totoo iyan. Fake news na naman po iyan. So kung may nagpapakalat man nito, hindi po namin pinag-uusapan iyong extension ng lockdown ng after April 30. Hindi po iyan totoo na nakapagdesisyon na rin ang IATF na i-extend natin o kung anu-anuman diyan, hindi po iyan totoo.
“Ano po ang totoo rito? At ano bang mas mahigpit pang hakbang ang naisip ng gobyerno laban sa mga pasaway gaya ng pagpapatupad ng isang kapitan ng Caloocan sa North Cemetery noong Biyernes Santo?
– Well, sa mga pasaway, alam ninyo—may mga actions naman tayong ginagawa ‘no sa pasaway. Ito, number of persons arrested in hoarding and profiteering or manipulation of prices: ang total po as of April 9, 506 persons arrested na po dito sa mga persons committing hoarding and profiteering. And that 506 arrested – nationwide po iyan ‘no – Region I, Region II, Region III, Calabarzon; lahat po ng regions, puwera Region XII and Caraga. Pero lahat po ng mga regions ay mayroon na po tayong mga arrested na nagpro-profiteer at nagho-hoarding at nagma-manipulate ng prices. So iyan, pasaway iyan.
– Number of violators of public utility vehicles (PUVs) all over the country: 7,708 na po ang violators na inaksyunan po ng iba’t ibang mga LGUs at ng mga kapulisan natin.
– Iyong mga curfew at disobedient violators, mayroon din po tayo. Mayroong arrested, may fined, may warned. Libu-libo po iyan, mga arrested, fined and warned na mga pasaway.
– Tapos mayroon din po tayo dito na mga pinaylan na rin po ng mga gumagawa ng mga fake news. Nandito rin po iyan—ilan ba iyon? But there have been already people na in-investigate nung fake news at pinaylan na rin po ng gumagawa, nagpapalabas ng fake news dito sa bansa.
– So in other words, ang ating mga kapulisan are already doing their part. Ang pulis, ang mga LGU, lahat po iyan ginagawan nila ng hakbang to enforce the law. So kung may mga pasaway diyan ay … ayun. Alam ninyo na po na dito, under our state of calamity and because of the recent laws that were passed, mas mataas na po ang penalty ng mga nagba-violate. Okay?
From Jojo Montemayor/Malaya: “LGUs are dividing the amelioration emergency subsidy to two to three families to cover more households in their jurisdiction. One SAC form per two to three families. Is it all right or allowed?”
– Mayroon po tayong guidelines, so sundin na lang po natin ang guidelines. Kasi ang problema po kapag hindi ninyo sinunod ang guidelines, ang malalagot din dito ay iyong LGUs.
So I’d like to remind everybody na ang guidelines po dito, ganito: Iyong target beneficiaries natin ng Social Amelioration Program are: Number one, iyong 4Ps beneficiaries. Hindi na nila kailangan mag-fill up ng SAC or social amelioration card kasi automatically… at sila ang pinakaunang nabigyan na sila ng social amelioration through their cash card sa LandBank. So no need for the 4Ps beneficiaries to fill up the social amelioration card kasi napasok na po sa kanilang mga cash cards.
Ngayon, sino iyon magpi-fill up ng social amelioration cards? Families, low income families. Kasama diyan iyong low income or no income, low income or no savings na nasa informal economy tulad ng directly hired or occasional workers kasama diyan iyong… tulad ng laundry maid, subcontracted workers, home workers – katulad ng mga nasa crafts making, native delicacy production, home-based food processing including online sellers – na low income. Okay? Low income. House helpers, kasambahay, kasama diyan ang family driver, drivers of PUVs, PUJs, PUB, point to point buses, UV Express, taxi, shuttle, tourist transport service, school bus service, TNVS, motorcycle taxi, TODA, pedicab drivers—TODA drivers, operators of tricycles and pedicabs, PUVs, micro entrepreneurs tulad ng mga may sari-sari store, small businesses ng retail, food production, vending, tulad ng may-ari ng mga karinderya, fruit or vegetables vendors, vendors in streets, RTW, subminimum wage earners.
Farmers or rice farmers, one hectare and below listed under the RSBSA and other low income marginal farmers, fisherfolks, stranded workers kasama ang construction workers na stranded; indigent, indigenous peoples; underprivileged, homeless individuals na nasa poverty threshold, nandoon sa mga makeshift dwelling units at walang security of tenure; overseas Filipinos in distress, iyong mga repatriated na wala nang income or remittance, iyong mga banned from travelling or stranded na low income, okay, low income – so always go back doon sa low income.
Other vulnerable groups may include senior citizens, persons with disabilities, lactating and pregnant women provided however that the provision of the emergency subsidy program to anyone of them ‘no, will exclude other members ‘no. So ibig sabihin isa lang, isang head of the family lang ‘di ba ang mapagbigyan nitong ESP or social amelioration.
Ang hindi kasama, excluded from the ESP ‘no, na Emergency Subsidy Program ng social amelioration – elected and appointed government officials or personnel contracted kahit memorandum of agreement, contract of service, job order or other similar arrangements in any national government, GOCC, LGU… lahat po iyan, hindi po kasama, excluded po iyan.
Employees in the private sector or those in the formal economy, formal economy ‘no, employees kasama kahit iyong mga GOCCs without original charter excluded, excluded din po iyan. Retired individuals who are receiving pension excluded din po iyan, and families with independent financial capacity consistent with the intent of RA 11469 to provide ESP only to low income families. Kaya balik-balik po tayo diyan, low income families lamang po.
Ngayon, ito po ay subject to COA rules ‘no, Commission on Audit. Gustuhin man namin, hindi natin puwedeng baliktarin ang mga rules ng COA ‘di ba? So dito po tayo magkakaroon ng problema. ‘Pag hindi ninyo po ginawa iyong anuman ang nakasulat dito, ‘pag in-audit po kayo ng COA ‘di ba, kayo mamomroblema, number one. So may audit iyan eh ng COA.
Number two, ganito rin po iyan. Una iyong mga LGUs po, para ma-download or mabigay na iyong pera po sa inyo, kailangan ninyo po pumirma doon sa MOA ‘no, iyong memorandum of agreement at mag-submit na kayo ng budget proposal doon po sa DSWD. Iyon lamang po, ‘pag napirmahan ninyo na po iyong MOA at na-submit ninyo na po iyong MOA together with your budget proposal, agad na po ng ida-download ang cash assistance na fund sa inyo or isyuhan na kayo ng tseke para ma-claim ninyo na, okay.
‘Pag nandoon na sa inyo iyong pondo, doon sa LGU, puwede na ninyong ipamahagi iyan. Tapos ibabahagi ninyo iyan kasama iyong Social Amelioration Card, ‘di ba? So gagawa na kayo ng distribution process na mabigay ninyo na iyong pera together with the Social Amelioration Card para i-fill up noong head of family iyong Social Amelioration Card; para pagbigay ninyo ng pera, iyong isang kapiraso ng Social Amelioration Card, iiwan mo doon sa head of family, kasi iyon ‘yung parang ano natin, pang-check natin, pang-audit natin ‘no, number one. Iyong kalahati po, balik doon sa LGU, kasi i-e-encode pa ng LGU iyan at ita-transmit pa sa DSWD. So ganoon po iyong proseso.
Pero again, pirmahan ninyo na iyong MOA tapos ibigay ninyo na iyong budget proposal ninyo sa DSWD para mabigay na rin iyong tseke sa inyo; para ma-distribute ninyo na iyong financial assistance doon sa SAP or iyong ESP.
Nasa MOA rin po, alam ninyo iyan, na nakapaloob ho doon sa MOA iyong ano iyong rule ‘no or responsibility ng LGU. At nakapaloob din po sa MOA na kailangan, number one, kung hindi po tama ang pag-distribute ninyo, the LGU is constrained to refund kung mayroon mang pagkakamali ang LGU sa pagbibigay ng kuwarta ‘no. And refund does not absolve you from any criminal, civil or administrative liability, maliwanag po iyan.
So ito po ang problema natin diyan, kung gagawa po tayo ng ganiyan, then you know, there will be a risk because number one, kasama rin po dito sa MOA na within 15 calendar days, DSWD will have to validate iyong pinamimigyan ninyo ng pera ‘no. At kung ineligible po iyong beneficiary na binigyan ninyo ng pera, i-inform po ng DSWD iyong LGU na, “O itong mga ito, ineligible ‘to, bakit mo binigay? Hindi sila qualified.” Iyong LGU will be constrained to reimburse ‘no, reimburse iyong mga pinagbibigyan niya na hindi qualified. Tapos magkaroon pa ng investigation for determination of administrative, civil and criminal liability.
So iyon po ang gusto natin ipaliwanag na iyong LGUs po are constrained to follow what is written in the guidelines, all right? That being said, mayroon din po tayong tinatawag na grievance mechanism at appeals system, okay. So kung mayroon mang mga families na hindi napagbigyan, na masama ang loob kasi feeling nila deserving naman sila dahil po pasok naman sila sa qualifications sa tingin nila, puwede pong i-appeal iyan sa DSWD.
So you can appeal sa DSWD within 3 days, and then within 3 days, DSWD will make a decision by checking kung itong mga pangalan, itong mga families na ito ay, o pasok naman pala, qualified naman pala sila, pero hindi sila naisama doon sa pagbigay ng tulong ng LGU. So iyon po, pero ang importante po is ibigay na natin iyong tulong ‘no. That’s the number one priority right now na ipamahagi na iyan, ibigay na iyan sa ating mga kababayan. Iyong others na hindi maisama, then mag-appeal na lang tayo.
But siguro, gusto ko lang ding ipaliwanag na iyon po ‘yung limitasyon din ng LGU. They have to follow what is written here, otherwise sila rin mananagot sa COA eh and baka may civil, criminal at administrative liabilities pa silang hinaharap. Kaya intindihin din po natin na ganiyan din po iyong sistema dito sa ating gobyerno ‘no, na mahigpit po kaya kailangan sundin natin. Pero may appeal system at grievance mechanism naman po tayo, okay.
From Vans Fernandez, Police Files: “Can I ask about this news on socmed that hospitals to buy PPEs from DOH?”
– Wala po.
“And they’re taking too long to release.”
– Wala po. Bumili po ng 1 million PPEs ang Department of Health tapos we’ve been using our air assets mula sa military and we’ve been commissioning flights to bring PPEs ‘no daily. Napapadala po natin iyong mga 1 million PPEs, may outbound, inbound, outbound, inbound. Pabalik-balik iyong mga eroplano natin para dalhin iyon mga PPEs sa atin and we commissioned some airplanes also to help us. So that’s purchased by DOH, purchased by government, hindi po iyan binibenta.
From Chona Yu, Radyo Inquirer: “Bakit binago ng DOH ang classification? Wala na ang PUI and PUM, what will happen to them?”
– Ito ang tungkol sa sabi ng DOH na magkakaroon na ng bagong classification ng mga PUIs ‘di po ba. So isa rin iyan sa ipi-present sa IATF tomorrow. Ayokong pangunahan pero I think ano kasi diyan eh, the—iyong classification has to do with iyong ano, para malaman natin iyong kung sino iyong mga na-test at hindi pa na-test, okay. Kasi ang priority po natin ngayon is to test all PUIs, to test all PUIs.
– So gumawa po ng bagong classification ang Department of Health para easily ma-identify lang po natin iyong PUIs na not yet tested, iyong PUIs that have been tested but just awaiting results ‘no. And then of course, iyong positives.
From Vic Somintac/DZEC: “Pakitanong po, satisfied ba ang IATF sa performance ng DOH dahil sa lumulutang na isyu tungkol sa pagre-report ng bilang ng patay sa COVID-19?”
– Yes, so far we are satisfied with the performance ng Department of Health. Alam ninyo, siguro dapat… para to put context, tingnan ninyo po iyong bilang ng ibang bansa sa labas ng Pilipinas, iyong mga mayayaman ng mga bansa. At magugulat kayo sa dami ng COVID-19 na positives nila, sa dami na namamatay, hindi kapani-paniwala pero ganoon po iyon katindi doon sa ibang bansa.
– So iyon lamang po, kailangan matingnan din iyon eh, iyon po iyong konteksto nito na iyong ibang mas mayaman na bansa, di hamak na mas mayaman sa atin, sobrang hirap na hirap na po sila. Kaya kahit papaano tayo dito, kung ikumpara doon sa ibang bansa na iyon, ano rin eh…meaning to say, ibang level doon sa iba. So tayo, we’re doing what we can ‘no. At nagpapasalamat kami sa lahat ng mga tumutulong pati na rin sa kooperasyon ng bawat isang Pilipino dahil hindi rin naman natin magagawa ito kung wala rin po kayo.
Last, from Reina Tolentino/Manila Times: “Representative Joey Salceda is proposing a 45 billion wage subsidy program for 5.98 million small and medium enterprises employee and for freelancers. Are we considering this? And can government afford this? Are there other assistance measures being considered?”
– Sa ano kasi, doon sa mga formal workers ‘no, mayroon pong CAMP ang DOLE. Ito iyong para sa formal workers, iyong COVID-19 Adjustment Measures Program. So that’s being taken cared of DOLE. And in fact, we just approved five billion pesos ‘di ba, additional na budget para doon sa CAMP at TUPAD ng DOLE. Si Representative Salceda is proposing naman a 45 billion pesos wage subsidy.
– So, well, it’s a matter of—tingnan natin ‘no. Pag-aralan natin ito. Let the IATF study this proposal because it’s a matter of, number one, iyong funding, the budget for this; and number two, kung hindi ba matatamaan na ang mga ito doon sa ating kasalukuyang programa. Because you have to understand, we’re already talking about 18 million Filipino families ‘di ba, iyon iyong budget. So 18 million Filipino families iyan kasama na iyong nasa informal workers and then mayroon pa tayong sa formal workers, may 4Ps pa tayo tapos mayroon pa tayong tinatawag na farmers and fisherfolks sa Department of Agriculture.
– So the question is, itong grupo ba na ito ay hindi na na-capture noon. All right, next question is: Kung may mga na-capture doon, then dapat disqualified na sila sa panibagong programa kasi nakatanggap na sila. So what do we call the new program? So things like that ‘no, that’s number one.
– Number two, mayroon na rin pong nakahanda na pondo ang gobyerno para sa mga micro, small enterprises natin, pang-start up nila kapag na-lift na iyong quarantine; and that’s in place already both through DTI and through DSWD. Kasi ang DTI, siyempre mayroon siyang pondo para sa pagbabago at mayroon pa siyang ibang mga programa for micro and small enterprises. Kumbaga, tulong doon sa mga enterprises na iyon para pag-lift ng quarantine, ito iyong tulong na ibibigay sa kanila para maka-jump start na naman ang kanilang negosyo – that’s number one. DSWD also has a program na panghanapbuhay, kabuhayan program para doon naman sa mga micro enterprises, mga low income families naman. Mayroon din siyang pangkabuhayan program para diyan.
– So iyon, so sa proposal ni Cog. Joey, pag-usapan natin in the context of the programs that have already been put in place – social amelioration plus iyong assistance natin to the micro and small enterprises. And then siyempre we’re also discussing iyong paano ba natin puwedeng ipasok iyong sa mga lower middle income families.
– But we welcome all of these recommendations ‘no para mapag-usapan namin sa IATF kung anong best way for us to serve our fellow Filipino families and communities.
So sa ating mga kababayan, maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan sa inyong pamahalaan. Ang inyong pamilya ang first line of defense po natin sa giyerang ito kaya muli: Bahay muna, buhay muna.
At sa ating mga kasama sa pagpapalaganap ng tama at napapanahong impormasyon sa iba’t ibang mga media outlets – sa TV, radyo, diyaryo at online – na naka-hook up po sa amin ngayon, maraming, maraming salamat po.
Ngayon po iyong … we celebrate Easter Sunday, Araw ng Muling Pagkabuhay. Matapos iyong ilang araw na pagpapahinga po nating lahat, puwera siyempre iyong mga frontliners natin na kahit Holy Week ay nagtatrabaho. Pero ngayon po, kung anumang relihiyon po natin, ito po iyong araw na pinagkaloob sa atin ng Diyos para mabuhay muli. Lahat po tayo ay alam kung atat na ata na mabuhay muli sa panahon na walang COVID-19. Bagama’t wala pa po iyan at hindi pa natin narating iyan, sana ito’y maging inspirasyon para sa ating lahat na ipagdasal natin sa Panginoon na darating iyong araw na mawala itong virus na ito. Sana mahanapan natin ng solusyon, bakuna ba, medisina ba. Pero habang wala pa po iyan, kailangan taasan pa natin ang ating pasensiya. Kailangan siguro na mag-cooperate tayo sa pamahalaan.
Iyong sa April 30 na pinag-uusapan natin or lagi sigurong nasa isip ng ating taumbayan, what happens after April 30? Lahat naman po iyan, iyan naman po ay masinsinang pag-uusapan namin sa lahat ng mga IATF meetings natin.
Siguro narinig ninyo na rin iyong sinabi ng WHO, iyong warning nila na countries, sa mga bansa, have to be careful na hindi ka basta-basta puwedeng mag-lift na parang ganoon lang, ili-lift mo na ganiyan ang lockdown or iyong quarantine mo. Kailangan may slow, gradual transition. Iyon po iyong masinsinang pag-uusapan namin sa IATF – what happens after April 30?
So kailangan po muli ng inyong kooperasyon. Kung anuman ang magiging desisyon ng IATF, kung anuman ang magiging hakbang na gagawin namin habang wala pa iyong bakuna, na mananatili iyon social distance, mananatili iyong personal hygiene, mananatili iyong pag-disinfect, mananatili iyong pagsuot ng mask at iba pang mga remedies and practices na kailangan nating gawin para hindi muling mag-spread ang virus ay kailangan po talaga namin ng kooperasyon, pagtutulungan ng bawat isa.
Kung anuman ang mga industriya, kung anuman ang mga trabaho, anuman ang mga puwede natin gawing hakbang para maka-transition tayo doon sa bagong normal, lahat po iyan ay lalagyan namin ng strict and stringent set of rules para po hindi magkaroon ng resurgence if ever.
Ngayon po, asahan natin na within the next two weeks, mas makontrol pa natin ang sitwasyon, mas ma-identify pa natin ang mga parameters, mas makikita pa natin ang datos. And all of that will show that nasa tamang direksyon po tayo.
So hanggang sa muli, Happy Easter po sa ating lahat. At huwag po nating kalimutan ang laging pagdadasal at paghingi ng tulong sa Maykapal. Maraming salamat po. Happy Easter po muli. Maayong buntag. Daghang salamat.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)