Press Briefing

Inter-Agency Task Force Vrtual Presser with Cabinet Secretary Karlo Nograles


SEC. NOGRALES: SEC. NOGRALES: Mga kababayan, magandang umaga po sa inyong lahat at sa ating mga kaibigan sa media, sa ating mga bayaning frontliners na nagtatrabaho 24/7 para sa bayan.

Yesterday, the IATF held its regular meeting via video con and discussed several matters with regard to the government’s whole of nation campaign to contain the COVID-19 outbreak and manage its impact on our people, especially those in areas under the enhanced community quarantine or ECQ.

Please allow me to share the approved items as stated in IATF Resolution # 19:

A.) The following parameters proposed by the IATF Sub-Technical Working Group or TWG on data analytics for deciding on the total or partial lifting or the possible extension of the enhanced community quarantine in Luzon are hereby adopted:

Trends in the COVID-19 epidemiological curve which include among others the doubling time, acceleration or deceleration of new cases.
Capacity of the health care system which includes, among others, the number and availability of quarantine isolation and treatment facilities; the capability to mount contact tracing; availability of personal protective equipment (PPEs) to frontliners; and the testing capacity of the country.
Social Factors.
Economic factors.
Security factors.

For this purpose, the Department of Health is hereby directed to convene all concerned agencies and to finalize the aggregation and analysis of all relevant data applicable to the contained area subject to the deliberation of IATF and final determination by the President. Provided that the same sub-TWG is likewise directed to apply said parameters and come up with recommendations with regard to the possible implementation of a general or enhanced community quarantine in localities in the Visayas and in Mindanao.

Maalala ninyo po noong isang araw, in-announce ko po ang pagbuo ng grupo na inatasang aralin ang pagtuloy o pag-lift ng ECQ. In-approve na po ng IATF ang batayan na gagamitin nila para sa desisyong ito. Lima po ang batayan na gagamitin: Una – ang datos ukol sa mga kaso ng COVID-19; pangalawa – ang kapasidad ng ating health care system kasama ang pasilidad, kagamitan at kakayahang mag-test; pangatlo – mga batayang panlipunan; pang-apat – ang ekonomiya; at panglima – ang seguridad ng taumbayan.

B.) The Department of Health, together with the Food and Drug Administration (FDA), is hereby directed to draft the necessary guidelines for the utilization of FDA approved COVID-19 rapid test kits, such as but not limited to:

Lateral Flow Assay Kits
Rationalize testing protocols, as well as to complement the existing capacity of the country to conduct reverse transcription polymerase chain reaction or RTPCR testing.

Ang DOH at ang FDA ay inatasan na ihanda ang patakaran ukol sa paggamit ng mga rapid test kits na in-approve ng FDA.

C.) The interim guidelines on the repatriation of land-based overseas Filipinos as revised by the IATF Sub-TWG on the management of repatriated overseas Filipinos is hereby approved. The IATF Sub-TWG is directed to include the Philippine Coast Guard and the Philippine Ports Authority as members.

Aprubado na po ang patakaran para sa pagpapauwi ng mga land-based OFWs natin na nirepaso ng IATF Sub-TWG on the management of repatriated overseas Filipinos. Inaatasan ang grupo na ito na idagdag ang Philippine Coast Guard at ang Philippine Ports Authority bilang kasapi.

D.) The recommendations of the Department of Agriculture are hereby adopted, the specifics of which are as follows:

a.) The augmentation of the existing budget for the Ahon Lahat, Pagkaing Sapat or the ALPAS program of the DA to facilitate the early planting season specifically in areas with irrigation.

b.) The recognition of the authority to the Department of Agrarian Reform (DAR) to issue quarantine accreditation passes to agrarian reform beneficiaries to continue supplying agricultural products to critical areas affected by the ECQ.

c.) The granting of additional budget to the Philippine International Trading Corporation (PITC) to facilitate government-to-government negotiations in importing 300,000 metric tons of rice to the country.

d.) The continued inclusion of rice farmers listed under the DAFSRF as beneficiaries of the Department of Social Welfare and Development Social Amelioration Program.

In-approve na rin ang mga rekumendasyon ng Department of Agriculture na kinabibilangan ng mga sumusunod: Una, Idagdag ang pondo ng Ahon Lahat, Pagkain Sapat Program para masimulan na ang pagtatanim sa mga lugar na may irigasyon; pangalawa, inaatasan ang Department of Agrarian Reform na mag-isyu ng mga quarantine accreditation passes sa mga agrarian reform beneficiaries upang patuloy ang supply ng mga agri-products sa mga lugar na apektado ng ECQ; pangatlo, bibigyan po ng pondo ang Philippine International Trading Corporation (PITC) para makapag-angkat ito ng 300,000 toneladang bigas sa bansa; pang-apat, isasama na po ang mga magsasakang nakalista sa DAFSRF sa mga benepisyaryo or beneficiaries ng DSWD Social Amelioration Program.

E.) The IATF authorizes the technical visit of 12 medical experts from the People’s Republic of China who will assist government efforts in addressing the COVID-19 situation in the Philippines subject to the ratification by the Office of the President.

Inu-authorize po ng IATF ang pagpasok ng labindalawang medical experts mula sa People’s Republic of China para tumulong sa ating COVID-19 outbreak mitigation efforts.

F.) An IATF Sub-TWG is hereby created which shall be composed of the Department of Information and Communications Technology (DICT) as chair, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, the Department of Science and Technology, the Department of Education, the Anti-Red Tape Authority, the National Privacy Commission, the National Security Council, the National Telecommunications Commission, and such other agencies as the chair may deem appropriate to convene and propose information and communications technology solutions in the government’s response to the COIVD-19 situation.

Isang bagong grupo ang binuo sa ilalim ng IATF para aralin kung paano magagamit ang information and communications technology solutions sa mga programa ng gobyerno laban sa COVID-19. Kasama po dito ang Department of Information and Communications Technology (DICT) bilang chair, at ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Science and Technology, Department of Education, Anti-Red Tape Authority, National Privacy Commission, National Security Council, at National Telecommunications Commission.

G.) Health maintenance organizations or HMOs, the Philippine Health Insurance Corporation and health insurance providers shall be considered as part of health frontline services for purposes of exempting their workers in the implementation of the ECQ.

Kasama na po ang mga empleyado ng HMOs, PhilHealth at health insurance providers sa exemptions natin sa ECQ dahil ituturing sila bilang health frontline services.

Lastly, the Inter-Agency Task Force for the management of emerging infectious diseases in the Philippines denounces in the strongest of terms, acts of discrimination inflicted upon health care workers, OFWs, COVID-19 cases whether confirmed or suspected, recovered or undergoing treatment, as well as patients under investigation and persons under monitoring. Acts in furtherance of discrimination such as but not limited to: Coercion, libel, slander, physical injuries and the dishonor of contractual obligations such as contracts of lease or employment shall be dealt with criminally, civilly and/or administratively.

Local government units are enjoined to issue the necessary executive orders and/or enact ordinances prohibiting ang penalizing these discriminatory acts.

Nakakalungkot po na kailangan pa nating sabihin ito. May nakukuha kasi tayong reports, kami sa IATF, na may binabastos, may hina-harass at sinasaktan na mga health workers, iyong mga OFWs natin, iyong mga COVID-19 na suspected kahit iyong confirmed, iyong mga pasyente, mga PUMs, mga PUIs; may pinapalayas na nurse sa kanilang mga inuupahang apartment kahit may kontrata sila; mga recovered na COVID-19 patients na ayaw papasukin sa village or sa kaniyang condo unit na gusto lang naman niyang umuwi sa kaniyang tahanan; mga OFWs na tinatakwil ng bayan dahil galing lamang sa ibang bansa.

May nakuha pa nga tayong balita na may driver ng ambulance, binaril sa kamay dahil pinagsususpetsahan siya na may dala siyang sakit na COVID o siya iyong nagmamaneho ng mga pasyente na may COVID-19. Kinukondena ito ng IATF at binabalaan po namin na kakasuhan po namin ang mga taong mapatunayang gumagawa nito. Sana po tugunan ito ng LGU, at sana po ay mag-isyu kayo ng mga ordinansa na magpapataw ng parusa sa mga ganitong mga gawain.

Hindi na siguro tayo kailangang pumunta pa diyan, hindi po ba? Kung sasaktan natin ang ating mga health care workers, sino ang mag-aalaga sa atin? Hindi naman ganiyan ang Pilipino eh! Hindi naman iyan iyong asal natin, ‘di ba? Nakakalungkot lang isipin na sa panahong ito, sa krisis na ito, dito lumalabas ang ugali ng tao. Eh hindi naman ugali ng Pinoy ang gumawa ng ganiyan, ‘di ba?

Mga kababayan, lagi naming sinasabi, we are all in this together. Tayong lahat, kasama tayong lahat dito. Alam namin na marami sa inyo ay takot, hindi lamang para sa sarili ninyo kung hindi para sa inyong pamilya. Pero hahayaan ba natin na iyong takot na iyon iyong mananaig? You should not let our fear bring out the worst in us. Hindi po ito ang panahon para talikuran natin ang kapwa, ito ang panahon ng pagmamalasakit, pagtutulungan at pagkakaisa. Iyan po ang asal at diwa ng pagiging isang Pilipino. Hindi po ba?

That being said, we are encouraged by the fact that these acts of discrimination are the exemption – the exception not the rule. And that most of our kababayans stand ready to help in our time of need. Isa po dito ang 2Go who the DOTr is working with to set up a floating hospital that will be able to serve 1,500 patients, as well as a smaller ship that can handle 300 more. This is all on top of the 1,000 that can be served in the terminal alone. Sa port terminal pa lang isang libong pasyente na ang mapagsisilbihan. Altogether, it can serve 2,800 people and it will be operational by next week. Thank you. Maraming, maraming salamat 2Go!

While there are also establishments… mayroon tayong mga establishments – sadly, nakakalungkot – who have rejected some of our frontliners. But there are generous souls that have opened their doors to our doctors and nurses. The Oriental Hotel chain with branches in Legazpi, Mariveles and Leyte are opening up their hotel and offering close to 300 rooms for our health workers. Another hotel, Villa Amada in Legazpi is offering 20 rooms; while five hotels in Naga are offering a total of 111 rooms for our frontliners. Dios Mabalos po sa indo gabos.

Yesterday, we received more positive news when we learned that our brothers in the Iglesia Ni Cristo have agreed to let the government use the whole Ciudad de Victoria estate, not just the Philippine Arena itself but the entire estate, to isolate and quarantine COVID-19 cases. So kasama po dito ang Philippine Arena, ang Philippine Sports Stadium at ang Garden Suites. There will be facilities not just for patients but for our frontliners.

Once everything is readied, the whole complex will have an estimated 1,065 rooms for patients, while frontliners will be able to share 476 suites, good for two to four health workers each. Maraming, maraming salamat po, Ka Eduardo Manalo.

Binabanggit natin na sama-sama nating lalabanan ang giyerang ito. Nais din nating ipagbigay-alam na karamihan, majority, na mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Duterte ay boluntaryong ibibigay ang malaking bahagi, 75% ng kanilang buwanang sahod upang ilaan sa mga programa ng gobyerno upang sugpuin ang COVID-19 sa loob ng panahong pinapatupad ang Bayanihan Law. Ilan sa ating mga kasamahan ay boluntaryong babawasan ang kanilang mga sahod hanggang Disyembre pa ngayong taon para sa mga programang ito.

Mga kababayan, lagi nating tandaan: Kasama tayong lahat dito. Hindi tayo puwedeng magwatak-watak, hindi tayo puwedeng maghiwa-hiwalay; lahat tayo ay kasama dito. Together, paulit-ulit, together we can beat COVID-19; and only together can we heal as one.

Tandaan po natin muli: Bahay muna, buhay muna.

Maraming, maraming salamat po. At ilabas po natin ang tunay na diwa, puso, pagmamahal, malasakit at pagkakaisa ng Pilipino. God bless and protect all of us. Maraming salamat po.

Let’s now answer some questions mula sa ating mga kababayan sa media.

From Kris Jose/Remate Online: Good morning po, Cabsec. May ilang senador po na pabor na ma-extend ng dalawa pang linggo ang ECQ na matatapos po sana ngayong April 12. Ang katuwiran po nila, hindi pa raw po kasi tapos ang coronavirus outbreak sa bansa at patuloy pa po ang pagtaas ng bilang ng kaso nito. Posible po ba na maikunsidera ang ganitong saloobin ng mga senador? And ano po ba ang magiging basehan ng extension ng ECQ kung sakali po?

Gaya ng sinabi ko—actually, mataas na debate ito sa IATF so iba-iba iyong aming pananaw. Pero number one siguro banggitin ko na ang tinitingnan talaga namin dito ay iyong datos. So based talaga on the current data na hawak po natin. Pangalawa, ang data po na iyan ay ina-analyze po ng ating mga eksperto, mga scientists, epidemiologists, doctors, kahit academe kasama po diyan. So pinag-aaralan nila kung ano ang laman ng data tapos nagbibigay sila ng rekomendasyon sa IATF. So kahit doon pa lang sa mga rekomendasyon na ibinibigay nila sa IATF, una sa lahat, iyong data sa totoo lang ay hindi pa siya gaanong conclusive kaya hanggang ngayon ay hindi pa makapagdesisyon ang IATF.

Hindi pa ganiyan ka-conclusive dahil po kung titingnan mo iyong kung paano nag-o-operate iyong virus, iyong nakikita nating numero ng mga infected ngayon dahil sa pag-positive sa test ‘no ng COVID-19, infected sila … iyong test, lumalabas positive sila ngayon pero iyong infection nila ay maaaring iyong sintomas ay lumabas between five days and 14 days from the time na kumuha siya ng test ‘no.

So iyong infection niya, ika-count backwards mo pa. So kapag kina-count backwards, hindi pa ganoon ka-conclusive, ibig sabihin iyong pag-chart. Nevertheless, gumagawa ng model, modeling, pag-scale, using the current data. Tatlong models iyong nakita namin. So tatlong grupo, tatlong models using assumptions. So puro assumptions iyan using iyong data na hawak natin.

So that being said, ang ibig lang pong sabihin ay pinag-aaralan po namin ang lahat ng iyan, lahat ng datos, lahat ng recommendations, at mula sa lahat. So in other words, at the end of the day – kahapon, iyong IATF meeting namin – hindi pa kami prepared na magbigay ng rekomendasyon tungkol sa partial lifting ba or extension or iilang lugar na lang ba, etc.,etc. dahil hindi pa talaga conclusive ang data.

So natapos na lang iyong aming meeting na ang na-approve ng IATF ay iyong parameters. At kung titingnan mo iyong parameters nang magiging decision tool namin sa pagde-decide kung ano ang ire-recommend kay Pangulong Duterte, lima po iyon.

Iyong trends ng COVID-19, epidemiological curve meaning to say, iyong doubling time, acceleration, deceleration, that’s the first parameter.

Second parameter natin, iyong capacity ng ating health care system. Kaya nga kami nagre-react ng ganito — pasensiya na lang po at medyo emotional ang reaction — dahil iyong number two po natin, iyong capacity ng ating healthcare system at kasama po sa healthcare system ang ating healthcare workers, kapag hindi po natin aalagaan ang ating healthcare workers—hirap na hirap na nga tayo sa ating healthcare system mag-cope up at ginagawa natin ang lahat ng hakbang na ito kasama iyong ECQ para maka-cope up ang ating healthcare system. Kung hindi pa natin alagaan ang ating health care workers, lalo tayong mako-constrain. So that’s the number two parameter, iyong health care system natin.

Social factors. Kasama diyan iyong social amelioration natin, iyong pag-aalaga natin sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong ngayong panahon ng krisis na ito.

Economic factor. Iyong economy, lumalabas now, iyong ating mga negosyante ay nagbibigay ng kanilang mga rekomendasyon. So kasama rin po iyan sa ini-input namin sa pag-aaral ng mga parameters na ito.

Iyong seguridad, iyong security factors na tinatawag. So ang seguridad ng taumbayan. So, lahat ng ito siyempre may weight lahat iyan eh. Tapos siyempre lahat ng points to consider sa each and every factor, nilalagyan namin ng weight at nilalagyan namin ng decision tool. So, dahil nga hindi pa tayo handa na magbigay ng recommendation, patuloy pa rin iyong aming pag-aaral.

We have to be very, very certain that is why we have to be very, very careful kung ano ang irerekomenda natin.

Giniit ng mga negosyante, sa pangunguna ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion, kay Pagulong Rodrigo Duterte na ibaba sa barangay lockdown ang kasalukuyang Luzon-wide enhanced community quarantine; payagan po na mag-operate ang mga manufacturing, construction at agriculture at i-exempt sa mga checkpoint ang mga cargo delivery. Payagan din daw na magbukas ang ilang piling negosyo na magkaroon lang ng skeletal workforce or work from home arrangement, maging ang partial reopening ng mga public transportation. Sir, sa tingin ninyo po ba ninyo mapagbigyan po ang posisyong ito ng mga negosyante?

Salamat po. Siguro sabihin ko na lamang na siyempre kasama iyan sa mga rekomendasyon na tinitingnan namin and of course that goes into the economic factor.

From Aileen Taliping/Abante: Good morning. Dimisyado ang police frontliners dahil 235 pesos per day lang ang kanilang matatanggap na hazard pay during COVID crisis, instead of P500 per day batay sa inilabas na Administrative Order Number 26 ni Pangulong Duterte noong March 23. Nanawanagan sila na sana maiparating ito sa Presidente, through IATF.

Opo, pag-uusapan po namin sa IATF.

From Virgil Lopez/GMA News Online: What is your assessment so far on the implementation of the emergency subsidy program for low income households? Do you have any recommendation to improve its implementation? Has the IATF already quantified the quarantine’s cost on the economy and livelihood of Filipinos?

Iyong pag-quantify ng cost on the economy and livelihood, siyempre nandoon iyon sa isang technical working group na pinamunuan ng NEDA. So kasama doon sa forward planning, kasama sa anticipatory planning, kasama rin diyan iyong pagtingin nila sa economy and iyong cost niyan. So, it’s currently ongoing and kahit iyong sa livelihood kasama diyan, of course, with the help of DOLE and DTI.

Iyong improvement ng emergency subsidy program or social amelioration program, kaya nga po binuo natin iyong sinabi ko na technical working group headed by DICT. So itong technical working group to propose information and communications technology solutions, kasama na rin po diyan sa pag-aaral, pag-recommend nila kung ano iyong mga IT, technology and solutions na maaari nating gamitin para ma-improve natin iyong sa social amelioration package.

So that is an ongoing project that they are doing now. Pero siyempre dahil importante na mailabas na po natin at maibigay na po ang tulong-pinansyal sa ating mga kababayan na nangangailagan, itutuloy po namin kung ano iyong maaaring ibahagi na para hindi magkaroon ng delay ng distribution kasi kinakailangan nang ibigay. Then habang ginagawa nila iyan, sabay-sabay po naghahanap po ng solution iyong grupo ng DICT for information and communications technology solutions para ma-improve iyong current distribution system/network.

From Gloria Galuno/Hataw: Ano ang maitutulong ng rapid pass sa batayang sector o mga maralita na hirap na hirap maghanap ng sasakyan kapag sila ay namamalengke, bibili ng gamot o kapag may emergency sa pamilya.

Well, right now, nasa first phase pa tayo ng rapid pass. So basically iyong rapid pass system natin ay nandoon lang naka-concentrate sa mga checkpoints natin para tuluy-tuloy iyong in and out ng ating mga frontliners, kasama na diyan iyong nasa industriya, kasama na iyong nasa iba’t ibang industriya. So, that is phase one.

Later on, ang vision po namin pagdating sa phase 2, if time permits and the technology permits, although sabi nila kaya nilang gawin, iyong rapid pass po ay maaaring maibaba na natin down to the barangay and LGU level. So, that is phase 2. But, we have to perfect phase 1 muna, which is iyong sa checkpoints. But yes, iyong rapid pass system ang vision po natin ay magagawa rin natin down to the barangay.

Imbes na rapid pass, wala ba kayong balak isipin kung paano unti-unting ibalik ang mass transport para sa mga mamamayan na walang sariling sasakyan lalo na po iyong mga mahihirap? Salamat po.

Opo. So, kasama po iyan sa mga pinag-aaralan po ng technical working groups at ng IATF na kung saka-sakali iyong pagbalik ng mass transportation at ano iyong mga gagawin nating mga patakaran at anu-ano iyong mga types of transportation na papayagan pong bumiyahe ng IATF.

From Melo Acuña/Asia Pacific Daily: PRRD has mandated DSWD to take charge of the delivery of the SAP (Social Amelioration Package) benefits to the grassroots to insulate it from partisan politics. What system or mechanism would the good Secretary use to strictly adhere to the directive considering the fact that DSWD is a devolved agency to LGUs?

No, DSWD po ang in charge. Ngayon, maaaring humingi ng assistance ang DSWD mula sa LGUs. So ang in charge po dito is the national government. Pero siyempre sa implementation kung kinakailangan ng DSWD ang tulong ng mga LGUs ay siyempre maaari siyang humingi ng tulong mula sa LGUs; at obligado po ang LGUs na tumulong sa DSWD at sa national government.

How would DSWD and the Office of Secretary Galvez double check or confirm the list submitted by LGUs through barangay officials?

Iyon po iyong sa Social Amelioration Card, hindi ba dalawang bahagi po iyon? Iyong isang bahagi ay maiiwan doon sa pamilya; iyong isang bahagi ay hawak po ng gobyerno para mayroon po tayong nagagawang tally at madali na lang po iyong pag-verify kung sila ba’y nakatanggap na at iyong pag-liquidate ay mas maging madali.

Ngayon, that’s why inatasan na rin po natin iyong DICT kung ano iyong best na pinakamabilis na paraan para ma-digitalize din po natin ang mga iyon. So, since ayaw na po natin magka-delay, sige, hinayaan na lang po namin na tuluy-tuloy ang pagbibigay natin ng cash assistance pero hahanapan po ng ICT solutions ng DICT at ng technical working group para mas ma-improve pa natin iyong sistema.

In Quezon City, there are places where homes have been opened to boarders working in malls on a ‘no work, no pay arrangement.’ If they are transient residents, then chances are they are not voters and may not be included in the list with the barangay concerned. Thank you.

Let’s give our LGUs the benefit of the doubt. Wala namang nakalagay doon sa ating Joint Memorandum Circular na strictly botante lamang po ang maaaring bigyan; wala po iyan sa mga guidelines natin. So, hindi po limited to voters of a particular locality lamang ang bibigyan.

Let’s make that absolutely clear: Wala po sa guidelines iyong pagiging botante para ikaw ay mabigyan ng tulong ng gobyerno. Sabi nga ni Pangulong Duterte hindi siya papayag mahaluan po ito ng pulitika. At naniniwala naman po kami sa mga LGUs na hindi naman nila gagawain iyan, na puros botante lamang ang pagbibigayan. Lahat po ng Pilipinong nangangailangan, iyan po ang dapat nating pagbigyan.

From JC Gotinga/Rappler: How much po is the total cost of the one million PPEs from China per set and total procurement? And may we ask who the supplier is? And what does each set of PPE contain? Are they reusable or disposable?

Pagpasensyahan mo na, JC ‘no na hindi po ako iyong procuring body nito. So, siguro dapat tanungin natin kung sino iyong nag-procure po nito doon sa detalye … but wala po akong hawak na detalye ngayon.

Do LGUs have to course procurement of PPEs through the NTF or are they allowed to source these on their own independently of the NTF?

Of course, they can source it on their own. May sariling pera po ang LGU, hindi naman kailangan na magpaalam sila. In fact, binibigyan namin sila ng lahat ng leeways to source out and to—doon sa kanilang current funds. We have been giving them the—the DILG has been informing them kung ano iyong mga maaari nilang gamiting pondo during this time of calamity.

From Cecil Morella/Agence France-Presse: “When Sec. Galvez cited the number of new positive COVID-19 cases yesterday, he called it a good sign that we are winning the battle. Why is the assessment different from DOH officials who expect cases to ramp up with increased testing capacity?”

Siguro i-harmonize natin iyong sinasabi noong dalawa ‘no. Ang sinasabi lamang ni Secretary Galvez that he’s happy. Siyempre siya ang implementer, so every time nakikita niya iyong numbers na hindi ganoon kalala, that’s good news ‘di ba, for him na hindi ganoon kalaki ang spike or hindi ganoon kalaki ang numbers. Any person, any Filipino will take those numbers and somehow—although nalulungkot siya na mayroon po tayong mga kapwa Pilipino na nag-positive sa COVID-19, siyempre it’s only human for your face to light up if you see na it’s not as bad or as worse—or worse than what you are expecting.

Kasi siyempre kami sa gobyerno, nag-aalala talaga kami at tinitingnan namin ang numero. And then siyempre, you always prepare for the worst ‘di ba? And then if you see the numbers at the end of the day, parang mayroon kang sort of sigh relief na it’s not as bad or it’s not worse than what you imagine, siyempre may ganiyan.

Pero for the Department of Health at sa ating mga epidemiologists, they always temper iyong expectations ng grupo, ng lahat ng ating mga kababayan. And they always say na you know, hindi pa ito tapos, hindi pa siya—we shouldn’t rest on our laurels, we shouldn’t take this for granted.

Yes, numbers aren’t as big as you think or as you expect. Pero kailangan, we have to manage the expectations of everybody na lagi rin nilang sinasabi it’s really too early. In fact some experts say na wala pa tayo sa peak, we have not reached the peak yet ‘no. So again, those are based on assumptions, hindi pa nga natin alam. We need more time to really dissect the data that’s available.

“When Sec. Galvez said there will be mass testing of PUIs and PUMs hopefully by April 14, did he mean all PUMs and PUIs?” –

Gaya ng sinabi ko kahapon, ang priority talaga natin iyong PUIs muna. Let’s complete all of the PUIs and let’s isolate them. So PUIs, isolate-test-isolate-test – iyon po iyong ating kailangang gawin! Once we’ve been able to manage the PUIs, then we go next to the PUMs. Pero PUIs muna, iyon iyong order of priority.

From Jason Gutierrez/New York Times: “Just for the purpose of keeping track of the mega-budget announced earlier, how much of the 200 billion pesos aid or stimulus package has been dispensed and by whom?”

Currently… Saturday ngayon, all of the accomplishments and expenses are being collated by the Office of the President in preparation for the report to Congress. Once we have the numbers, we’ll report.

“Have we identified the recipients or will we just rely on the previous list from DSWD? Three weeks on and we’ve been hearing of barangays that have not received monetary/food aid.”

Well, gaya ng sinabi ko, in the first few weeks it was the LGUs in charge of providing iyong mga food assistance using their quick response fund, so sila iyong nauna. Now that we’re on the third week, it’s now the national government because napirmahan na rin iyong Bayanihan Law.

So nauna iyong 4Ps dahil sila po iyong currently na hawak na platform ng DSWD. So gaya ng sinabi namin the other day and yesterday, so ano iyong platform natin, currently ng national government, iyon muna iyong gagamitin para walang delays. And in fact, we’ve already been able to distribute through Landbank if I may refer back to my notes or hingin ko na lang ha, hindi ko alam kung saan ko nilagay. But we’ve been able to provide already through Landbank iyong para sa 4Ps.

So in fact today, Regions IV-B, V, VI, VII, IX have already been completed, sabi ng Landbank. And then yesterday, there were other regions also that have been provided. I’ll get back to on that ha, let me ask for help.

“Matapos masimulan ang pamamahagi ng tulong-pinansiyal sa Maynila at Parañaque kahapon sa pangangasiwa ng Chief Implementer na si Secretary Carlito Galvez at makatanggap ang mga 4P beneficiaries sa kanilang mga ATM cards ng top-up na subsidiya sa kanilang buwanang benepisyo, pinapaalam ng DSWD na ang mga 4Ps beneficiaries sa Region IV-B, Region V, Region VI, Region VII at Region IX ay maaari nang mai-withdraw ang karagdagang benepisyo ngayong araw.”

Okay, ano po iyong pinadala na isa?

Landbank releases emergency subsidy under the social amelioration program to 3.7 million beneficiaries. Date of release: April 3 – kahapon. Covered regions: NCR, CAR, Regions I, II, III, IV-A and ARMM; Number of beneficiaries: 1,196,634.

April 4, covered regions: IV-B, V, VI, VII and IX; Number of beneficiaries: 1,294,679.

April 5 covered regions: XIII, X, XI, XII, CARAGA Region and all other regions; Number of beneficiaries: 1,230,513. Iyon, thank you. Tuloy natin, okay…

From Raul Dancel/Straits Times: “How will the quarantine centers, PICC etcetera, be staffed? How many people? How many doctors? How many nurses? How much of the budget is allotted for the staff and food for the patients and for how long? How many beds in total would the quarantine centers have?”

In-announce ko po kahapon, PICC will have 700 beds; Rizal Memorial will have 600 beds; and World Trade will have 650 beds for a total of 1,950 beds for these 3 facilities.

But gaya ng sabi ko, we’re also looking for other facilities, and then—so dagdag-dagdag iyon, tulad noong ship, so dagdag na naman iyon; and then Philippine Arena, dagdag na naman iyon.

So, how will it be staffed?

Well currently, we have the database naman ng lahat ng mga doctors, nurses and ating mga health workers all over the country. And we know where they are, we know what regions they belong to, where they’re working so we know our current workforce capacity and we will be tapping them for these quarantine facilities.

From Trish Terada/CNN Philippines: “With our current trend, what’s your updated projection in terms of number of cases? When it can possibly peak?”

May mga nakita na kaming models, but the thing is iyong mga models na iyon are not yet conclusive. They are based on assumptions which our epidemiologists and our experts and scientists have said that it’s still—kasi iba-iba iyong ano nila eh, tatlong model iba-iba iyong nakita namin na graphs. So even silang tatlo are saying na hindi magkatugma iyong mga graphs kasi nga masyado pang hilaw iyong data. Hindi pa siya conclusive kaya hirap kami, we need more time and more data – that’s the bottom line.

“How will the worst case scenario look like in the Philippines?”

Gaya ng sabi ko, we’re looking at the different models.

“Hopefully we don’t reach that point but in case it happens, paano po naghahanda ang NAP? I understand there are quarantine facilities, pero kung magkaroon po ng surge in severe cases, may sapat po ba tayong ventilators, equipment and healthworkers?”

Ito nga iyong sinasabi natin na we need to flatten the curve. Because if you really look at the worst case scenario, it will frighten you, matatakot ka talaga! And that worst case scenario is if wala tayong gagawin.

So iyong modeling na nakikita namin, may mga assumptions diyan at iyong mga assumptions is, sige, kung ito ang gawin natin, ganito iyong magiging effect. Okay. So kailangan talaga nating i-flatten ang curve kasi kung hindi natin i-flatten ang curve, mao-overwhelm talaga tayong lahat, iyon po iyong point natin diyan. Kaya magiging sapat ang lahat ng equipment, ang lahat ng health workers, ang lahat ng ventilators natin kung ma-manage natin ito nang husto at hindi tayo aabot doon sa point na unmanageable na siya which I’m sure nakikita ninyo na nangyari sa ibang bansa. Iyon po iyong bottom line.

Imagine-in ninyo kung iyong nangyayari sa ibang bansa na worldwide, umabot na po tayo ng 1 million COVID-19 at may mga bansa po na nakikita ninyo kung gaano karami iyong COVID-19 nila, makayanan kaya natin? Hindi, ‘di ba? Kaya nga po we’re managing it in a way na, you know, ma-cope up ng ating system, iyon po iyong bottom line.

That’s why when we make decisions, these are decisions based on science and the data and the facts ‘di ba, so iyon. Right now, we’re coping; right now, we’re managing the situation. And we intend to manage it, and we intend to cope up, and we intend to defeat this with everybody’s cooperation.

Kailan po magsisimula iyong pag-transfer ng PUIs and PUMs sa quarantine facilities? And if they refuse to move to these facilities, papayagan po ba?

Siyempre hindi. Nasa Bayanihan Law natin at nasa current law natin, doon sa pag-apply natin ng public health emergency. Nandiyan po iyan na hindi po puwedeng mag-refuse.

Kailan magsisimula?

I heard, I saw na mukhang sa Lunes ay mayroon nang magbubukas. If I’m not mistaken, it’s PICC. So iyon, kapag nagbukas, as soon as it opened, then we’ll already start transferring; gagamitin na talaga natin.

So even DPWH at the whole team behind DPWH is really working doubly hard to finish all of our facilities para magamit na natin.

From Rose Novenario/Hataw: Paano po makakasiguro na hindi sasamantalahin ang rapid pass sa mga nais magpasaulot ng mga kontrabando sa checkpoint? Maraming salamat po.

Well, magra-random check ang pulis sa ganiyan. Although siyempre may balancing act ka ‘di ba na—first of all, iyong rapid pass system, na-check na iyan ng DICT at lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na hindi siya basta-bastang ma-hack, hindi siya basta-bastang ma-penetrate, hindi siya basta-bastang mapasukan ng mga hackers. So iyong integrity niyan, iyong security niyan has already been safeguarded.

So to get that pass, kailangan mong mag-apply. So kung mag-apply ka, we have your … kumbaga, at the very least, we have the most basic details of that company ‘di ba; kasi mga kumpaniya ang bibigyan natin nitong rapid pass. So if may plano kang gumawa ng iligal, kapag nahuli ka, mas madali para sa aming hulihiin ka. Ganoon na lang, and so huwag ninyo na lang gawin.

From Bella Cariaso/Bandera: Isn’t the government too lenient on Quezon City Mayor Belmonte? Protest action in Quezon City will not happen if people were given relief goods. Aside from this, QC is also number in COVID cases. Hindi ba naaalarma ang government while other cities in Metro Manila have only single digit cases, and QC halos nasa 500 cases na. Hindi ba ito considered as …

Siguro—well, number one, ang DILG ay nakikipag-ugnayan po sa lahat ng mga LGUs. Para sa lahat ng mga problema ng LGUs or sa lahat ng tulong na kinakailangan ng ating mga local government units, nandiyan ang DILG as a bridge between national government at pati mga pangangailangan ng LGU. Apart from that, iyong DILG din iyong nagri-remind; at kung kinakailangang i-remind or kinakailangan na sabihan, gawin nila. That being said, alam ninyo, iba’t ibang LGU ay may iba’t ibang problema na kinahaharap, may mga challenges silang kinahaharap. At nagpapasalamat kami sa lahat ng mga LGU na talagang lubus-lubusang tumutulong, ginagampanan ang kanilang tungkulin na napakahirap po para sa kanila to address all of the challenges lalung-lalo na kapag napakalaki po ng inyong siyudad.

That being said, I will not allow the national government to be fitted against the LGUs. Gaya ng sabi ko, magtulungan po tayo. Hindi po ito panahon na mag-away-away at magkawatak-watak po tayo. Lahat ng LGUs need all the help they can get. Nandito iyong national government to help them. Hindi namin kalaban ang LGU, hindi rin kami kalaban ng LGU; so lahat po tayo magkasama dito.

So iyon lang po siguro ang nais kung sabihin. Napakahirap po ng ginagawa ng mga LGUs. Believe me, it’s very, very difficult job. It’s not easy to do what they are doing, at saludo po kami sa lahat ng mga LGUs dahil sila po ay kasama sa mga frontliners dito sa laban na ito. Hindi po madali ang ginagawa nila. Ang kailangan po nila ay ang tulong, pagmamahal, pagmamalasakit, kooperasyon ng bawat isa. Hindi po ito ang panahon ng pulitika at pang-iintriga, hindi ngayon.

From Arianne Merez/ABS-CBNnews online: Sec. Galvez said, DOH has tested more than 16,000 for COVID-19. Where is this data from? DOH doesn’t have that info po kasi.

Yes, it’s part of what they show us. It’s part of the report that they give us every IATF. And then sa 16,000 or so na tests, 17% to 18% ang positive. So, iyon ang nakikita naming trend – seventeen, disi-siete, disi-otso… labing-pito hanggang labing-walong porsiyento ng nate-test ay positive – parang ganoon ang trend.

From Argyll Geducos/Manila Bulletin: Puwedeng pahabol? Sino iyong mga officials na nag-o-offer na bawasan suweldo nila?

Isa po ako doon at iyong ibang mga opisyales sila na lang po siguro ang magsabi kung sinu-sino sila.

From Haydee Sampang/DZAS: Galing sa concerned citizen: Paki-tanong po sana kung house to house po ang distribution ng cash assistance, kasi iyong iba ang sabi nililista ng barangay? Malinaw po kasi ang sabi ni House Speaker Cayetano na house to house? Then kung paano po i-assess at i-evaluate ng DSWD ang bibigyan para malinaw po sana sa tao kasi lahat naman po ng mga na-lockdown is affected?

Okay. Tama po, lahat affected pero mayroon po tayong tinatawag na… mayroon po tayong qualifications kung sino iyong mga beneficiaries. So, ito iyong ina-apply po ng mga LGU, ng ating national government. So, kung sino iyong kuwalipikado iyon ang inililista nila, iyon ang ibinibigay sa DSWD at iyon ang basis ng pagbigay ng cash assistance.

House-to-house? Yes, as much as possible, it’s house to house. Now, hindi ko alam kung may mga ibang LGUs na nag-a-assist na baka may ibang paraan but ideally, it’s dapat house to house with social distancing measures.

From Einjhel Ronquillo, second to the last na ito: Bakit po Maynila at Parañaque ang naunang binigyan ng pera under Social Amelioration Program? Saan po inaasahan ang susunod na lugar? Paano po ang order ng pamamahagi ng financial assistance?

Hindi ko po alam kung bakit ang Maynila at Parañaque po ang napili. I really don’t know, I cannot give an answer to the question. Kasi kung mag-ge-guess lang din ako ng answer, huwag na lang.

From Argyll Geducos/Manila Bulletin: Can we ask for comment on why recovery rate is too low compared to death? Isa lang recovery yesterday.

I would surmise na iyong recovery rate has a lot of factors to take in. Ang katawan ng tao, how well his body fights the virus, how well he responds to certain medications, kung immune o compromised or may comorbidities ba iyong pasyente. So, I think we should refer that question more to the doctors, not to me kasi ako, I will be just guessing my answers.

So, that’s the last of the questions. May nakalimutan ba akong sabihin? Nasabi ko na yata lahat. Okay.

So, pasensya na po kung naging emosyonal ako kanina. Ako lang naman po ay siyempre nababahala sa ating mga health workers. Every time we hear stories about discrimination against our health workers, nasasaktan po kami. Tapos paggising ko kaninang umaga ay iyong isang ambulance driver na padre de pamilya na ang tanging kasalanan lang naman niya ay nagda-drive siya ng ambulance. Hindi naman niya kasalanan iyon so siyempre, it gets to me, it gets to us. Iyan ay mga kapwa Pilipino natin iyan, tumutulong lang naman. Kung sino pa iyong tumutulong, iyon pa ang sinasaktan. Kung sino pa iyong gumagaling sa COVID-19, pinandidirihan. Parang hindi naman tama iyon.

So, paulit-ulit naming pinag-uusapan iyan sa IATF, siyempre nababahala kami. And it has to stop, hindi po ba? I think in a crisis like this defines who we are as a people. And I’d like to think of us as a people who are strong and may pagmamalasakit at pagmamahal sa bawat isa, hindi po ba? Gaya ng pagmamahal natin sa ating pamilya. Sana iyon din ang lalabas na tunay na pagkatao nating lahat.

So iyon lang, pakiusap lamang. Hindi naman natin kailangang pumunta pa sa ganiyan, hindi ba? I know it’s been a trying time for all of us. It’s been difficult, mahirap talaga para sa lahat. Pero lahat naman ng sakripisyo ay pagdating naman sa dulo ay may reward. Ang reward natin is, those who were not infected, laking pasalamat; those who were infected can recover, at makabalik sa normal na pamumuhay. Kung naka-recover ka tapos hindi ka makabalik sa normal dahil dini-discriminate ka at pinandidirihan ka, hindi na kasalanan ng COVID-19 iyon, hindi ba?

So, iyon lang. Magho-Holy Week pa naman ngayon, so sana ngayong panahon ng kuwaresma, panahon ng Holy Week, maaalala natin iyong turo sa atin ng Panginoon. Iyon lang.

Maraming, maraming salamat po. Daghang salamat sa tanan. Maayong buntag.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)