USEC. ROCKY IGNACIO: Good afternoon, MPC. Ito ang Laging Handa Press Briefing. Kasama na natin si Secretary Karlo Nograles
CABSEC NOGRALES: Maraming, maraming salamat Usec. Sa ating mga kababayan; the members of the Malacañang Press Corps; our friends from the media; sa ating kasamahan sa Gabinete – si Secretary Mon Lopez ng Department of Trade and Industry, at si Usec. Alain Pascua ng Department of Education; sa atin pong lahat, magandang umaga.
Last night, President Rodrigo Duterte gave a national address that sums up the broad swath of measures government will be implementing to slowdown and contain the spread of COVID-19. This morning, we would like to provide additional details regarding these precautions.
Unang-una, regarding the suspension of domestic air, land and sea travel to and from Metro Manila that will be implemented starting midnight of Sunday, March 15 until April 14. We would like to stress that the transport of goods to Metro Manila from the provinces and vice versa will remain subject to guidelines. This means that residents of NCR should not worry about the supplies of produced foods and other goods in our markets, groceries and retailers.
Kaya po uulitin po namin: Huwag po tayong mag-hoard ng pagkain at iba pang kagamitan. Hindi po tayo mauubusan, tuluy-tuloy po ang supplies natin dito sa Metro Manila.
Concerns have been raised also about workers living outside NCR who need to travel to Metro Manila for work and vice versa. To address this, we will submit the issue to the Inter-Agency Task Force’ discussion so we can arrive at a clear policy; and guidelines will be finalized later during our IATF meeting.
Regarding international flights – Flights from Metro Manila going to and coming from abroad will be allowed subject to travel restrictions that are currently in place. If you are a Filipino citizen and you are coming from abroad, you will be allowed to come home subject to strict quarantine guidelines.
On the other hand, foreign nationals who want to fly home from Metro Manila to their respective countries will be allowed to do so. However, very strict and stringent travel restrictions will be imposed upon those traveling from countries with localized COVID-19 transmissions.
Ulitin ko: Filipino citizens, including their foreign spouse and children, holders of permanent resident visas and holders of diplomatic visas issued by the Philippine government are welcome to the Philippines.
Anyone flying in from abroad via NAIA will remain in Metro Manila until the domestic travel ban is lifted; and again, that begins on March 15. If the ultimate destination is in the provinces, we suggest you fly in via Clark, Cebu and other airports not under quarantine so you can proceed to your ultimate destination in the provinces. Allow me to reiterate that the suspension of domestic travel will be reviewed on a daily basis and may be lifted earlier if the situation allows it or extended further if the situation requires it.
Again, strict quarantine restrictions will be imposed on foreign nationals coming from countries with localized COVID-19 transmissions. Details of this policy for international travelers will also be fleshed out later during our IATF meeting.
Pangalawa, with regard to the stringent social distancing measures to be implemented from March 12 to April 12, aside from the suspension of classes during this period, work in the Executive Department is likewise suspended during the said period in order to reduce opportunities for exposure to the COVID-19. As the President said last night, we hope our counterparts in the Legislative and Judicial branches of government adopt similar measures. Skeletal staffing patterns will be put in place and telecommuting and tele-work may also be considered in order to ensure that public services continue uninterrupted while these measures are in place. Again, iyong frontline services po ng gobyerno ay tuluy-tuloy pa rin po.
For the private sector, we urge employers to adopt the flexi work arrangements that were outlined in a labor advisory that was issued by the Department of Labor and Employment. The DTI has also recommended that manufacturing, retail and service establishments as well as banks remain open to the public on the condition that they undertake the various precautions advised by the Department of Health.
Mass transport systems like the LRT and PNR train systems – the MRT will also remain operational with the Department of Transportation tasked to institute measures that will protect the riding public from the COVID-19 virus such as regular disinfection protocols and social distancing measures.
In line with these measures, the government is also strictly prohibiting mass gatherings during this period. This include concerts, large seminars and conventions, sporting events and social gatherings; and we will provide more details about this later particularly as regards masses and worship services and religious gatherings.
Alam namin malaking ano ito… adjustment ‘no, malaking adjustment po ito para sa atin dito sa Metro Manila but we ask everyone to cooperate because the consequences of allowing these gatherings during this crucial time could be more painful in the long run. These are all part of Metro Manila community quarantine efforts that we believe will slowdown the spread of the COVID-19 virus. The resolution enumerates the conditions wherein LGUs outside Metro Manila can also enforce the same measures and we advice LGU chief executives to abide by these guidelines without prejudice to the implementation of other measures that they may deem necessary within the bounds of the law.
As the Resolution No. 11 states, these stringent social distancing measures will be subject to review and as the President said last night, the IATF will be meeting daily to regularly monitor and assess developments in this campaign to contain the outbreak.
We would like to assure the public that the concerned agencies involved in implementing these measures are now working out the issuances necessary to operationalize the directives of the IATF resolution. Right after this briefing, members of the IATF will be meeting to discuss these details so that these can be shared with the public at the soonest possible time.
We wish to reiterate a point made by the World Health Organization: If countries detect, tests, treat, isolate, trace and mobilize their people in the response, those with a handful of cases can prevent those cases from becoming clusters, and those clusters from becoming community transmissions.
This challenge will force us to change our routines and require us to modify our behaviors. Government will not stop us from going about our business but we have to understand that it cannot be ‘business as usual’ if we hope to overcome this public health threat.
Your government is resolute in its efforts to contain this outbreak and we thank all the medical and government personnel at the frontlines helping us keep COVID-19 at bay, but we in government cannot do it alone. The cooperation of everyone is a crucial component of our campaign to beat this disease if we remain calm, remain vigilant and take the necessary precautions.
Mga kababayan, magtulungan po tayong lahat. Kaya po natin ito. Maraming salamat po.
SEC. LOPEZ: Thank you everyone. For the DTI, nabanggit na po ni CabSec. Karlo ang mga… those matters about trade. Let me just reiterate at least of the private sector, the business sector. Work continues, may trabaho po… precisely that is—this is why we have to keep it na para ho ang trabaho, ang pangkabuhayan ng ating mga kababayan will continue. May continuity po ‘no, so mayroong opisina, may mga restaurants, mga malls… lahat ho noong mga napupuntahan natin ay bukas po iyon.
At dahil bukas po iyon, definitely iyong mga pag-supply ho, the supply of goods, both food and non-food, mga cargos can move in and out of Metro Manila. And because of that, the importance of that is to secure the continuity in supply. Importante ho may supply parati tayo sa ating lugar kahit kinuwarantin (quarantined) po iyan, there is food even iyong mga ibang pangangailangan natin: personal goods, personal care products, etcetera. So iyon ho ang importante diyan.
So mayroon hong—idedetalye na lang sa guidelines how we will implement this but generally speaking, basta cargo ho ang dala noong driver at pahinante ay allowed po iyan. Pati paglabas nila, may delivery receipt naman po. There are ways to prove na iyon po ay may mga cargo deliveries na ginawa in Metro Manila. So importante ho dito, no business disruption and therefore supply of goods will be assured and at the same time, prices will be assured.
SEC. LOPEZ: Ganoon din po sa mga ibang opisina na bukas din, banks will be open, offices, factories, mga manufacturing, operations will continue. Ang ini-encourage na lang po would be a flexible work arrangement, especially sa offices. That doesn’t mean walang trabaho iyong wala sa office, kasi nga with the technology now, we all know, marami ang nakakatrabaho kahit mula sa bahay. So iyon ang ini-encourage, the bottom line is less movement of people. So, hindi na sila lalabas ng bahay, maaaring kalahati or one third ay iro-rotate po, puwedeng by batch ang pagkaroon ng skeletal force sa opisina bawat araw o bawat linggo. Para ho talagang mabigyan ng pagkakataon lahat din dito sa scheme na ito. So puwedeng i-rotate iyan, skeletal workforce at mayroong work from home. Ganoon din sa mga ibang offices and operations. Banks will be open at saka iyong mga stock markets, lahat po iyan tuluy-tuloy.
As mentioned, cargoes, food, non-food will continue. Sa mga workers din po, marami hong katanungan diyan, and in-assure po natin na marami po talaga mga nakatira outside Metro Manila at everyday nagko-commute sila, so magpakita lang ho ng ID. Iyong mga kumpanya, we would require them to issue IDs to their employees, lalo na those living outside Metro Manila, or show proof of employment.
Isa rin pong nakikita naming mga coping mechanism dito, I’m sure iyong ibang kumpanya will just encourage their people, their employees to find a place muna dito sa Metro Manila; umupa muna sila para less ang movement ng tao. Sa ganoong paraan din, malilimitahan talaga iyong pasok at labas ng mga tao dito sa Metro Manila.
Other related item sa mga produkto po, as you know, nag-declare po ng public health emergency so immediately nagkaroon po tayo ng price freeze for 60 days. Ito po would be true for food, iyon pong mga nasa SRP natin, of course mga medicines, medical devices – so naka-price freeze po iyan for 60 days.
Sa DA, may mga covered na mga agricultural products na kasama diyan – rice, corn, cooking oil, fresh dried and other marine products, fresh eggs, fresh pork, beef, poultry meat, sugar at saka mga fresh vegetables. Iyong iba nga po dito, nalagay na sa under SRP noong dati po tayo nagpaliwag dito under DA.
Sa DTI, would be the list of those basic necessity and prime commodities that are covered by the SRP system. Ang DOH naman po, mga essential drugs; at ang under DoE iyon naman pong kanilang mga LPG and kerosene. Isa lang hong papaalala rin ho natin, para po ma-intensify ang paghahanap sa mga nagsasamantala, mga hoarders, profiteers, nagkaroon po tayo ng pakikipagtulungan sa mandato na rin po ng ating Pangulo na isama ang DILG, ang PNP, kapulisan at ang NBI para mahanap natin, matukoy natin sino talaga iyong mga negosyante na nagsasamantala, nag-iimbentaryo ng malaki, hoarding sa kanilang mga warehouse. At iyan po ay talagang ipapakita natin iyong paghabol sa kanila.
Ganoon na rin ho sa mga nagbebenta online, ipapahanap din po namin kayo, lalo na kung ang binebenta ninyo ay mga medical products at illegal po iyon dahil unang-una, hindi kayo certified seller, hindi po kayo drugstore at saka ang binebenta ninyo ay malamang ay walang FDA seal; at kung may seal man iyan, hindi natin alam kung tampered na iyan at adulterated – ibig saibihin, may halo na ang therefore hindi effective at fake na bale iyong produkto na binebenta ninyo.
So we are talking to the buyers: Huwag tangkilikin iyong mga online sellers ng ganiyang produkto. And to the sellers: Ihinto na po ninyo iyan at ipapahanap po namin kayo.
Sa mga supermarkets, again, we remind the public not to panic buy. Huwag hong mag-panic buying dahil lalo ho talagang magka-artificial shortage – hindi ho totoong shortage, artificial – for the day kapag may namamakyaw, mauubos talaga iyong laman ng grocery or iyong shelf. Iyan po ay siguradong mari-replenish dahil maraming stocks ang mga manufacturers. Huwag po silang mag-panic. Mauubos na ho ang pera nila sa wallet nila, hindi pa ho mauubos ang supply ng alcohol dito sa Pilipinas. Kaya huwag po silang mag-apura diyan at saka intindihin po natin iyong mga kababayan natin nakapila rin doon o may gusto ring bumili niyan. Kaya ngayon naglabas din kami ng directive na sa mga supermarkets ay limitahan iyong number of bottles, dalawang bottles lang bawat mamimili ang iisyu na sa pagbenta ninyo ng mga alcohol. At saka ganon din po, kung alcohol, medicines, marami din hong stocks, kaya huwag din tayong mag-apura o mag-hoarding niyan. Thank you.
USEC. PASCUA: Magandang umaga po sa inyong lahat. Sa Kagawaran ng Edukasyon o sa Department of Education, dalawang linggo na lang po ang klase ng mga bata sa public school – itong linggong ito at sa susunod na linggo. Sa susunod na linggo ay nakatakda ang pagti-take ng fourth quarter examinations ng mga bata. Sa mga lugar na maliban sa Kamaynilaan at doon sa mga walang suspension, ang fourth quarter examination ay gagawin sa mga eskuwelahan on a staggered basis. Ibig sabihin po, ang mga bata ay pupunta lang sa eskuwelahan next week para lang mag-take ng examination pero staggered basis kung saan kung kailan lang sila magte-take ng exam, doon lang sila papasok. This is one measure that we have made in consonance to the social distancing measures that we are implementing. So iyan po doon sa mga lugar na hindi suspended ang klase katulad ng Kamaynilaan.
Dito naman po sa Maynila na suspended ang klase na, at dito sa mga karatig lugar din na suspendido ang mga klase, mayroon pong tinatawag ang DepEd na transmutation formula. Iyong pong transmutation formula ay iko-compute iyong grado ng mga bata magmula noong first, second at saka third quarter, at iyong remaining standing nila, less at wala doon iyong fourth quarter and then we will be having iyong kanilang class standing. Iyan po iyong transmutation formula na inaayos ngayon ng departamento. May formula po iyan, at iyang formula na iyan ay ilalabas natin sa pamamagitan ng DepEd order o kaya DepEd memorandum.
Ngayon, mayroong mga options din po diyan na ang mga bata, kung hindi naman sila satisfied doon sa kanilang magiging grado ay magkakaroon din po ng online examination. Isa ito sa gagawin ng DepEd dito sa Kamaynilaan on the assumption na ang Kamaynilaan ay mga 98 to 99% dito ang penetration ng cellphone at ang penetration ng wifi o ang internet.
So we could administer online examination by introducing to our teachers and our learners iyong tinatawag namin ngayong DepEd commons. We have a DepEd commons where lesson for the remaining quarter, itong last two weeks ay ma-access ng mga bata at saka mga teacher. Magkakaroon din sila ng review for the fourth quarter. And then they can also take the examination online, if the students are not satisfied on the transmutation formula that we will be undertaking or the teachers will be undertaking. Ito po iyong dalawang measure na ginagawa ngayon ng Department of Education para sa ganoon, matugunan natin itong threat ng COVID-19 sa mga lugar na hindi suspendido ang klase at sa mga lugar din na suspendido ang klase.
VIC SOMINTAC/NET 25 AND DZEC: Sir, ang concern lang po namin is iyong doon sa restriction tungkol sa mga religious gathering. Eh alam niyo naman iyong Iglesia ni Cristo, aktibo talaga, talagang sinusunod iyong pagsamba ng Miyerkules, Huwebes, Sabado and Linggo. Kung magkakaroon ng restriction, ako, nasisiguro kong hindi susunod ang Iglesia sa ganoong patakaran. Anong magiging aksiyon ng gobyerno?
SEC. NOGRALES: Unang-una sa lahat, nasimulan na namin iyong discussions na ito kahapon, ano po. Hindi po namin natapos iyong discussions tungkol dito kaya nga po ipagpapatuloy namin mamaya. Ang pakiusap ko po is, kung mayroon pong desisyon ang pamahalaan tungkol po dito ay sana sumunod po ang lahat.
VIC SOMINTAC/NET 25 AND DCEZ: Kung hindi sumunod, ano ang magiging parusa?
SEC. NOGRALES: Wala pa po tayo doon. Again, pag-uusapan muna namin, mag-i-impose kami ng mga regulations. At ang pakiusap po namin ay sundin po iyong mga regulasyon at mga patakaran, mga guidelines na ilalabas ng gobyerno.
VIC SOMINTAC/DZEC: Ipinatawag na po ba iyong mga concerned religious leaders diyan sa pagpupulong na iyan, Secretary?
SEC. NOGRALES: Ang unang gagawin na hakbang ay siyempre ay pag-uusapan namin sa ating inter-agency task force. Ibi-bring up po namin kay Pangulo ang lahat ng mga options. Magdedesisyon po ang Pangulo. Mag-i-impose po kami ng aming resolution or ang pronouncement ng Pangulo, magbibigay siya ng direktiba. At pagkatapos po niyan ay iyong pakikipag-ugnayan natin sa mga stakeholders na tinatawag.
MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Good morning. Sir, clarification: Kasi nakalagay po doon sa guidelines kahapon na once na nagkaroon ng two or more cases per city or barangay, naka-lockdown na rin sila or naka-quarantine. In the case of Marikina and Quezon City, does it mean that automatic they will be on quarantine?
SEC. NOGRALES: Iyong inisyu kahapon is already a quarantine for the entire NCR. So iyong buong NCR, as a community, ay naka-community quarantine na po iyan. Ngayon, mayroon nga pong tinatawag na possibility na iyong LGUs within NCR ay baka mag-impose ng kanilang sariling quarantine in their respective LGUs.
Ang pakiusap po namin sa mga LGUs—and I think the Metro Manila mayors are meeting today ‘no, outside of our IATF meeting ‘no, may sarili po silang meeting today. Ang pakiusap ko po sa mga NCR mayors, kapag sila po ay nag-impose ng quarantine sa kanilang LGU, sana po ay makipag-ugnayan sila sa IATF. Kasi necessarily, if they impose a quarantine in their LGU ay may implications po iyan sa buong community ng NCR at maging iyong enforcement na kinakailangan natin i-coordinate with the IATF, primarily with the DILG at ang ating mga kapulisan.
So I think maaari naman kaming magkaroon ng kasunduan between the NCR mayors and the IATF and, of course, ang DILG led by Secretary Año.
MARICEL HALILI/TV5: Kasi, sir, I think the concern is: What if iyong mga residenteng nakatira ng Marikina and their office work ay nasa Quezon City, so does it mean na hindi sila puwedeng mag-transfer from one city to the other?
SEC. NOGRALES: Iyon na nga po, kasi if you look at our guidelines, ang sabi nga natin, ang general rule is that no domestic land, sea, air travel ‘no. So let’s stick with the land. Sa land travel, ang general rule is no travel to and from Metro Manila. Tapos maglalagay tayo ng exemptions, iyon ang pag-uusapan namin today. Anong exemptions? Pasyente, mga workers, government officials; sa private sector, paano ang ating exemptions doon. So lahat iyan ay gagawan namin ng guidelines today.
So those guidelines can also be the guidelines to be adopted by the NCR mayors if they impose their quarantine. Kailangan coordinated ang lahat. Kasi alam naman po natin, iyong mga nasa Quezon City ay maaaring nagtatrabaho sa Makati, sa Pasig, and so on and so forth, vice versa. So there has to be a close coordination among the LGUs of NCR. But ang guideline or ang direktiba lang ni Pangulo, as a community, NCR is on community quarantine.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, you mentioned about the patients. So kasama sila doon sa mga exemptions especially iyong mga galing sa provinces na, for example, nagpapa-dialysis dito sa Metro Manila. So ano lang iyong mga proof na kailangan nilang ipakita?
SEC. NOGRALES: Iyon din po ang pag-uusapan namin, iyong paano iyong exemptions at sino ang exempted in terms of patients ‘no, at ang mga conditions for them to fall under the exemptions. Kasi as much as possible, kung kaya naman nilang magpagamot doon sa kanilang probinsiya at mayroon naman facilities, we will try to limit them sa kanilang probinsiya. Pero kung talagang iyong special care ay nandito lamang sa Metro Manila, then they will fall under the exemptions to the rule.
MARICEL HALILI/TV5: Thank you, sir. Secretary Lopez, iyong sa social distancing po, how can we prevent that especially now na … iyon nga, iyong iba kasi medyo nagpa-panic buying sa mga supermarket. Will there also be a limit doon sa dami ng mga tao na papapasukin natin sa mga grocery stores?
SEC. LOPEZ: Oo, tama iyan. Kahapon nga po ay pinag-uusapan namin iyong… in a way, mechanism niyan. And in principle, if you will allow social distancing as a principle, any establishment at alam niya ang square meter ng kaniyang lugar, mai-estimate naman nila ilan ang tao dapat sa loob na iyon at any given point and time – maximum number. So that kapag na-determine nila iyon, let’s say sa lugar na ito, maaaring sabihin natin na 25 lang dapat ang tao dito at any given point and time.
So iyong … kaniya-kaniya ho iyang ano eh estimate. Hindi naman idi-determine ng DTI iyan eh. It’s really just to encourage the social distancing. And of course, they have their security guard at parang sasabihin, “Oh, 25 na iyang nasa loob, huwag muna kayong pumasok.” Parang iyong nakikita natin sa mga sale ‘no na pipigilin muna kasi uubusin muna iyong tao doon or kapag may lumabas, sige, pasok. So ganoon ho iyong ilalagay natin sa guidelines, that in principle ganoon ho. That is the only way we can encourage and adopt iyong social distancing.
KRIS JOSE/REMATE: For Usec. Pascua, sir. Sir, regarding din po sa social distancing. Malapit na po iyong graduation rites. Mayroon po ba kayong order dito?
USEC. PASCUA: Iyong mga graduation rites at saka moving up ceremonies ay ini-schedule na namin iyan ng April 13 to 17, ibig sabihin mga isang buwan pa ngayon. Tatamaan iyan ngayon ng one month na community quarantine natin dito sa Metro Manila. Kaya mag-a-adjust kami accordingly para sa ganoon … para lamang dito sa Maynila at saka sa mga areas na may mga suspension of classes.
But we have already given the instruction—or the Secretary has already given the DepEd order that graduations rites or moving up rites will be held between April 13 to 17; ito ay mai-implement natin outside of Metro Manila. Pero dito na sa mga lugar naman na mayroong suspension o mayroon quarantine or mayroong community quarantine, ia-adjust lang namin ito accordingly.
And then every school can have its own ceremony or its own what we call graduation or moving up ceremony in accordance to the framework of social distancing. Kaya’t sila-sila mismo iyong mag-i-implement niyan.
Then again, ito ay… ang assumption dito, ginagawa ito o ini-schedule ito dahil sa kasalukuyang kalagayan. Kung may mangyayari ulit na development, mag-a-adjust na naman kami accordingly.
KRIS JOSE/REMATE: For CabSec Nograles. Sir, iyong sa social distancing ulit. Hindi naman po lahat sumasakay ng MRT, PNR and LRT. Karamihan po ng masa ay sumasakay ng dyip. Paano po iyong process noon?
SEC. NOGRALES: Iyong DOTr po iyong mag-iisyu ng guidelines tungkol dito. Kahapon kasi, iyong napag-usapan lang po namin was the MRT, LRT ‘no and PNR. So naubusan na rin kami ng oras to discuss iyong other public utility vehicles kaya ito po iyong iku-continue namin today dahil nga sa dami ng pinag-uusapan kahapon. So today po, hopefully, mapa-finalize ng DOTr iyong kanilang proposed guidelines na aming ipi-present kay Pangulo Duterte.
KRIS JOSE/REMATE: Kasi, sir, ang concern ng mga jeepney drivers ay iyong boundary na binibigay nila sa mga operators nila. Paano po kaya?
SEC. NOGRALES: Isa rin iyan sa mga issues and concerns na pag-uusapan natin, of course, kasama and Department of Labor and Employment. Kaya ito iyong kagandahan ng task force namin. It’s inter-agency, para lahat ng aspeto nung lahat ng decisions namin ay napag-uusapan. At ang directive nga rin ni Pangulo is to expand already the membership ng IATF para iyong ibang mga members ng Gabinete ay puwede na ring isama dito sa mga pag-uusapan.
AC NICHOLLS/CNN PHILS: Good morning po. Sir, I know you’re still threshing out the details of the guidelines. But just to clarify some things, kasi from last night, Sec., mayroong mga conflicting info na pumapasok po. Mayroon pong officials na nagsabi na iyon pong sa community quarantine in Metro Manila, wala pong magiging exemptions. And then ngayon, we’re hearing na … particularly for the workers, as long as they can provide company IDs kahit for example sa Rizal sila nakatira, puwede silang pumasok sa mga work nila in QC or wherever in Metro Manila. For now, mayroon na po bang sigurado doon for that particular aspect lang po, iyong workers who live outside Metro Manila?
SEC. NOGRALES: Gaya ng sinabi ko, ipi-flesh out pa natin iyong details. Kasi the general rule is by March 15, travel to and from Metro Manila ay tigil na but maglalagay kami ng exemptions ‘no.
CABSEC NOGRALES: Siyempre pag-uusapan natin: Number one, gaya ng sinabi ko iyong sa pasyente ‘no; number two, iyong sa cargo, iyong cargo supplies and supplies. Obviously hindi naman makakarating iyan dito kung walang driver at walang helper, so maglalagay tayo ng exceptions diyan. And then of course, for government officials, tulad namin na kailangan namin pumunta ng iba’t ibang mga regions, who are the government officials exempted ‘no from the general rule and then sa private sector.
Sa private sector, ima-map out natin ano bang companies, anong industries and exempted. Tapos paano iyong mga ipo-profile iyong mga workers, iyong mga workers galing saan, tapos anong proof ang ipapakita ‘no. Because all of that will now—ang importance kasi niyan will come into effect during the enforcement ‘di ba? So during the enforcement, it has to be very clear to the DILG and to our police, the PNP lalo na and to our local government units ‘no – sa mga mayors at sa kanilang—the enforcement authorities down to the LGUs, very clear kung ano iyong exceptions to the rule and how they will fall under these exceptions.
AC NICHOLS/CNN PHILIPPINES: Okay. Sir, just about the travel restrictions naman ‘cause domestically, ‘di ba hindi na makakagalaw po? Can you explain to us lang iyong thought behind na iyong domestic hindi na po talaga allowed but puwede pa rin pong mag-travel abroad. Kasi some people are asking na doesn’t that defeat the purpose of the community quarantine if for example we’re just not allowed to travel in the provinces here in the Philippines pero puwede naman akong pumunta ng ibang bansa.
CABSEC NOGRALES: Kasi nalagay na natin iyong mga medical and health protocols eh sa lahat ng ports natin – airports, seaports – it’s already in place. So iistriktuhan pa natin iyong mga protocols na ‘yan. So because the mechanism is in place, iyong travel to and from iyong abroad, nandoon na, naka-setup na kasi iyong mga protocols. So parang iyon ‘yung thought process doon and we’re very strict ‘no; and we’ll even become even more stricter lalung-lalo na kung mula sa mga countries that have positive transmission ng COVID-19. Lalo pa naming iistriktuhan iyong quarantine and safety and health protocols doon sa airports and seaports po natin, going to and from, iyong sa abroad.
USEC. IGNACIO: Okay, question lang muna sa AP, kay Jim: “Can you elaborate on the entry restrictions to be imposed on foreign travelers coming from countries with local transmission?”
CABSEC NOGRALES: Mayroon po tayong bini-benchmark so that—the Department of Foreign Affairs is benchmarking with other countries. So other countries have been already imposing mga strict travel restrictions and quarantine restrictions. So ito iyong ibi-benchmark natin ‘no, anong ginagawa ng ibang bansa when it comes to foreign travelers. So iyon ‘yung benchmarking process na gagawin ng DFA and then they will present to us later.
USEC. IGNACIO: What if daw po nag-insist iyong foreigners na lumipad pa rin dito?
CABSEC NOGRALES: Well, if they fly here, may strict quarantine tayo sa kanila, number one; and number two, hindi rin sila maka—well, they will be in Metro Manila, hindi sila maka-travel domestically ‘no. They’ll be here in Metro Manila, iku-quarantine natin sila, hanggang dito lang sila, hindi rin sila makakapunta sa mga probinsiya. At ang other way out nila is foreign travel out.
USEC. IGNACIO: Okay. Pero kung hindi daw po infected, puwede pa rin papasukin na… ang safe naman?
CABSEC NOGRALES: May triage kasi iyong DOH ‘di ba, may matrix sila na ‘pag galing sa ganitong bansa na may local transmission, may symptoms, dito pupunta; walang symptoms, dito pupunta, mag-self quarantine. So mayroon nang outlined and very detailed matrix at step-by-step process na sinusunod ang DOH and being implemented strictly by the Bureau of Immigration.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir, first of all, since you’re going to thresh-out pa everything, what will be expected from this? Will you be issuing an IRR, or will the President lay down everything in an executive order? And when it will be released?
CABSEC NOGRALES: Okay. So based on our practice, the IATF will come up with a resolution ‘no. As we always do, after every meeting may resolution iyan. The resolution will be presented to the President for the President’s approval. At we will adjust accordingly, kasi iyong resolution namin is merely recommendatory to the President and the President will make the final decision doon sa mga resolutions.
After he makes the final decision, then it will be embodied in a memorandum. Hindi na kailangan ng EO kasi ang napag-usapan namin kagabi, kapag Executive Order, may delays po ‘yan, may publication requirement pa. But because of the needs of the time na kailangan immediate, through a memorandum adopting whatever recommendations ng IATF is already as good as law ‘no. Because when the executive order creating the IATF came out, very clearly defined doon ang powers ng IATF, and iyong adoption ng President through a memorandum is enough to have the force and effect of a law.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: So the memorandum will contain everything, the nitty-gritty of—
CABSEC NOGRALES: Yes. So iyong ilalabas namin mamaya is a memorandum.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Mamaya, sir?
CABSEC NOGRALES: Oo. Iyong sa sinabi ni Pangulo kagabi, it will be embodied in a memorandum.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Okay, sir. Sir, about the concerns about travel restrictions. The resolution says that its domestic travel – land, sea and air, to and from Metro Manila – while Metro Manila is under a community quarantine. Pero as Maricel asked, LGUs in Metro Manila can also impose localized community quarantine din, tama?
CABSEC NOGRALES: Yes, basta in coordination with the IATF. Kasi kami rin ang mag-e-enforce together with the LGU, so mas maganda may coordination kami.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Okay. So iyong inter-city travel for now in Metro Manila will be allowed as long as wala pang LGUs in Metro Manila who will declare a community quarantine in their areas, correct?
CABSEC NOGRALES: Yes. Because we are community quarantined as the NCR being one whole community.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir, as to iyong pag-a-allow ng exemptions, may it be for food and cargo, workers, patients, ano po iyong—well, aside from the police power, ano po iyong assurance natin or what measures will be imposed to ensure na they are not transmitting the virus themselves? For example, magkakaroon po ba ng … sa borders po ba ng Metro Manila or—
CABSEC NOGRALES: Yes.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Halimbawa, kung magkaroon ng community quarantine dito, magkakaroon po ba ng triage? Mag-i-inspect po ba sila for symptoms, temperatures? Kasi being allowed to go back to work to Metro Manila is one thing, pero there’s also the risk that they might be carrying the virus outside or inside of Metro Manila.
CABSEC NOGRALES: Doon papasok iyong inputs ng Department of Health, ano po iyong mga precautions na gagawin natin for travelers ‘di ba. So off the top of my head, siyempre iyong thermal scanner is one ‘no and then titingnan iyong kalagayan kung may sintomas. But the more detailed list of what precautionary measures will be imposed will be given to us by the Department of Health kasi sila iyong expert dito.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Kasi for cargo, sir, for food and cargo, for example, siyempre … paanong mangyayari iyon … iyong driver mismo?
CABSEC NOGRALES: Yeah, driver and helper.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Okay. So sila din mismo, i-screen sila papasok ng Metro Manila?
CABSEC NOGRALES: Opo.
SEC. LOPEZ: May I, CabSec? So iyong doon, siguro ili-layout natin mamaya sa guidelines at puwedeng random iyon, hindi naman lahat kasi to facilitate ano. Iyon ang mga pag-uusapan, randomly. Kasi imagine-in ninyo, dati nga free moving lahat ‘yan, ‘di ba, wala naman tayong restrictions dati. Pero at least ngayon with this move, malaking kabawasan ng probability na may mga lumalarga or nagkakalat ng may sakit pala ‘no, with the limitation in this movement, with the… iyong itong mga nasa guidelines natin so I think to me, ang puwede nating marekomenda diyan ay iyong magkaroon na lang ng at least random checking lang. Malaking kabawasan na iyon sa probability ba na hinahabol natin na walang magkahawahan.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Last question lang, sir. In terms of visuals, kasi if you’re going to place Metro Manila under community quarantine, what will it look like on the road? May closure? May checkpoint? Paano—what should people expect?
CABSEC NOGRALES: Napag-usapan iyan a bit kahapon ano, because siyempre ang magli-layout niyan lahat will be DILG. But yes, obviously we’ll have to put men in uniform, mga pulis doon sa mga borders natin. When I say borders, I mean borders between NCR and different regions ‘no. So parang ganoon ang mangyayari – visually ‘no.
JULIE AURELIO/PDI: Sir, one last question. Given na may restrictions tayo at the same time may exemptions on who will be allowed to travel to and from Metro Manila. Do we have like an estimate of by how much can we cut down or minimize iyong pag-travel ng tao, given Metro Manila’s population kung magkakaroon tayo ng community quarantine, ilang porsiyento po iyong mababawas po sa free movement ng mga tao, 50%, 25%? And did the DOH say anything about this being effective enough to stem the curb or to stem the spread of COVID-19?
SEC. NOGRALES: That is why we have to take it day by day. Kasi siyempre hindi natin mapre-predict din iyong reaction ng private sector and ng public sector ng ating mga kababayan. This is day one kumbaga, of course it will be stricter come March 15.
So kung mayroon kaming number on the estimates, wala pa naman, hindi pa namin na-determine iyan. But obviously, we have to take drastic measures ‘no, because noong pinag-usapan nga iyong mga probabilities of infection and looking at the rate of infection, ito na iyong pinaka-kumbaga consensus. Of course there were more drastic measures that were discussed and then someone wanted more lenient, but at the end of the day, si Pangulo po ang nag-decide.
IAN CRUZ/GMA7: Hi, sir. Good morning po. Sir, marami po ang nagtatanong by text messaging or sa social media sa amin. Bakit daw po noong inilabas iyong resolution ng IATF at inilabas ng Pangulo sa pamamagitan ng public address kagabi, bakit hindi pa binalangkas muna iyong guidelines para hindi na nagkaroon ng kalituhan, para sabay-sabay na at wala ng—
SEC. NOGRALES: Kasi mauubusan din tayo ng oras, you would imagine na nagsimula kami ng umaga, nag-presenta kami kay Pangulo noong hapon, doon sa pag-presenta namin kay Pangulo ay mahabang discussions din. At at one point, we had to just give the… in the words of the President broad strokes muna, para lang everybody knows ano iyong general rule. And then all the guidelines, lahat iyan pag-uusapan, kaya araw-araw po ang meeting natin, sadya po iyong araw-araw kasi we have to adjust every day. We have to be able to adapt every day, we have to be able to react if need be every day. Kaya sabi nga niya araw-araw kaming magkikita, Sabado at Linggo, wala na rin kaming weekend. He is preparing us for an everyday meeting na gusto niya siya iyong nandoon.
But before we present to the President in the morning, mayroon na kaming mga technical working groups, mayroon na kaming mga staff work na gagawin, ipe-presenta sa mga Secretaries ng ating mga respective staffs. We will present it to the big group and then pag-uusapan and then… we’ll come up with the resolution and then we will present to the President and the President will make the decision. So ganoon araw-araw, parang ganoon ang magiging pattern po natin. We will look at the numbers, we will look at the mga positive numbers, we will look at may trend bang umaakyat, bumababa ba ito, are we being successful, tama ba itong ginagawa natin or do we have to stringent here, we have to stringent there. Titingnan natin kung may clustering, etcetera, etcetera. So kailangan day by day, hour by hour kung puwede.
IAN CRUZ/GMA7: Sec, doon naman sa exemptions nabanggit ninyo ‘no. Ang media po ba mai-exempt dito? Kasi alam naman natin lagi kaming lumabas, kami rin po iyong mga nasa area na kailangang puntahan, dahil kailangan naming magbalita.
SEC. NOGRALES: Binubulungan ako ni Sec. Mon. Sabi niya, pag-isipan muna natin. Pag-usapan namin.
IAN CRUZ/GMA7: So, wala pang definite sa media, so far?
SEC. NOGRALES: Wala pa, so far.
IAN CRUZ/GMA7: Sir, iyong mga government transaction natin, GSIS, BIR magkakaroon na ng sa April din ang deadline sa tax filing. Paano iyong magiging guidelines nila doon sa social distancing?
SEC. NOGRALES: Yeah, hihintayin din namin ang recommendations ng BIR at ang Department of Finance. Siyempre, social distancing importante dito. Siguro i-app natin iyong E-filing system nila, we will try to encourage more e-filing pagdating sa BIR. Kung hindi naman kaya sa e-filing, gagawa tayo ng mga protocols kung saan nandiyan pa rin iyong social distancing as much as possible. We will try to encourage everybody to file as early as possible, avoid the lines, we will have no lines as much as possible, di ba bawal iyong linya-linya. So, DoF po at ang BIR gagawa ng regulations po diyan.
IAN CRUZ/GMA7: Sir, last na po kay DTI. Nasa economic cluster kayo, baka alam po ninyo ito. Sa Italy, iyong mortgage nila sinuspend dahil doon sa nangyayari. Is the government also keen na gawin ito sa Pilipinas na i-suspend muna iyong mga pagbabayad?
SEC. LOPEZ: Mayroon tayong listahan ng mga posibleng support sa mga kampanya, but we will have to discuss it with the regulatory agencies up to what point we can really require. But of course, we will parang moral suasion dito sa mga private companies, the banks for example na luwagan iyong let say amortization, sa kanila naman galing na, sige iyong one month ngayon like April due—‘if March, April puwede nating i-slide,’ may mga ganyang paraan… or bawasan ang interest cost, i-discount natin iyan. In fact, may panawagan din kami sa mga malls, obviously matumal ang tao ngayon sa malls at iyong mga tenants doon, iyong mga retail shops ay malaki ang kinakargang operation cost. So pagdating diyan nakikiusap kami sa mga malls na alam naman natin malalaki naman ang kita nila na sana bigyan nila ng discount o reprieve iyong mga tenants nila, dahil mahal ang binabayad ng mga renta ng mga ito at kumbaga sa kita ng mall mas napakalaki naman versus sa kinikita ng baa SME or bawat tenant. So, may mga ganito rin na kung manggagaling sa private sector iyong pagpapaluwag para doon sa mga negosyo nila. So, we are talking of bank loans, amortization, interest rates, pati sa mga leasing.
IAN CRUZ/GMA7: So, magbibigay kayo ng guidelines sa mga bangko, sir?
SEC. LOPEZ: Well, iyon ang ide-discuss namin sa Central Bank, sa BSP at saka DoF.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Kay Cabinet Secretary. Sir, you said that iyong travel restrictions will be assessed daily. At one point will we parang… ano po iyong magiging batayan natin to determine whether itong mga travel restrictions by land, air and sea are not effective already and kailangan na rin siyang tanggalin, sir?
SEC. NOGRALES: Mayroon kasing technical advisory group ang IATF, they are composed of expert epidemiologist of the country, sila po iyong magbibigay sa amin ng recommendations. So sila iyong kumbaga scientifically and medically speaking titingnan nila iyong numbers, sila iyong nag-aaral ng numbers at ang trends, possible surges or clustering, sila iyong nagbibigay ng technical, medical and scientific advice po sa amin.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Like for example sir, if iyong cases magkaroon ng localized transmission inside and outside Metro Manila, doon titingnan pa rin natin if there is a need sir to sustain iyong mga travel restrictions na ganyan.
SEC. NOGRALES: Kaya nga kung nakita ninyo iyong pronouncement kanina, iyong LGUs outside Metro Manila, nagbigay na kami ng guidelines sa kanila that they can already impose their own self quarantines even down to the barangay level. If two households in a barangay nagkaroon na ng infection ng COVID-19, barangay, you can already impose your quarantine; ganundin sa city, if two barangays naman ang magkaroon ng separate COVID-19 positive, city, municipality, impose your quarantine agad; and then the province ganundin, kung dalawang component cities or municipalities magkaroon ng dalawang positive impose agad. So, ito iyong guidelines na ginagawa natin para may self-defense mechanism agad iyong mga LGUs. At pag nag-impose na sila, they can already declare a state of calamity. And they can already use their quick response fund. Kailangan mabilis ang aksiyon dito, hindi puwede pabagal-bagal.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Also, sir, marami po kasi iyong mga nagulat doon sa pronouncements ni President Duterte. Iyong mga nandoon po sa probinsiya, I understand marami po ngayon iyong are scrambling to get flights going in Metro Manila, mga Metro Manila residents. What if, sir, hindi sila makaabot doon sa March 15, sir. Mayroon po ba tayong exemption sa kanila?
SEC. NOGRALES: Hindi namin napag-usapan iyon kahapon. We wanted to set a deadline, obviously there was—pinag-usapan iyong how many hours, pinag-usapan anong date. Tapos the President wanted to be specific, dapat may oras, dapat may date at may oras para talagang iyon ‘yun, so hanggang doon na lang iyong pinag-usapan, because there was a lot of debate on terms of the number of hours or the date or the time and then nagkaroon ng decision.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So if ever sir – so far sir, habang wala pang napag-uusapan iyong IATF, kapag naabutan ka ng deadline – March 15 – at ikaw ay Metro Manila resident, lockdown ka, hindi ka puwedeng makapasok sa Metro Manila?
SEC. NOGRALES: Unless you fall under the exceptions ‘no.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Kay Secretary Ramon Lopez. Sir, what about iyong mga workers na belonging to the informal sector na nagtatrabaho din po sa Metro Manila na hindi po makapagbigay ng ID or makapag-present ng proof ng employment, ano po iyong gagawin natin para sa kanila, sir?
SEC. LOPEZ: Generally speaking, kapag informal sector, iyon kung mismong sila iyong negosyante, doon na lang sila ibang lugar muna magnegosyo; huwag na sa Metro Manila ‘no. Hindi naman sila registered eh – technically puwede silang magnegosyo kahit saan – kaya, dapat mag-register sila, ‘no.
Tapos ganoon na rin doon sa workers na iyon, kasi importante na may ID eh. I-limit talaga natin iyong movement – anyway, one month. So i-encourage na lang natin silang either mag-register sila or doon sila sa lugar kung saan sila nanggagaling; huwag nang pumasok sa Metro Manila because iyong general principle po, tulad ng sabi ni CabSec, talagang ma-minimize iyong movement. So iyon lang.
Mayroon lang nag… may phone-in question lang. May nagtatanong kasi, doon sa bangko: Uulitin natin, iyon bangko ay tuloy po ang operation niyan. Kasi nagpa-panic yata iyong ibang tao, naghahaba ang pila sa mga ATM, so may replenishment po iyan. Huwag po silang mag-alala, hindi mauubusan ng pera ang mga bangko at nire-replenish po iyan. Normal operations po tayo sa bangko, sa mga ibang mga business establishments.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, also nabanggit ninyo rin po sa mga workers outside Metro Manila, suggestion ninyo po sa kanila, mangupahan na lang po dito sa Metro Manila in the meantime. May tulong po ba tayong ibibigay sa kanila kasi not all can afford?
SEC. LOPEZ: Actually, ito naman ho ang mga puwedeng gawin ng kanilang mga employers, na sila ang … kusa nila na mag-upa lang ng mga kuwarto diyan na sagot na nila – bed spacing – hindi naman ganoon kalalaki. But kung gusto nilang matulungan iyong mga nagtatrabaho para sa kanila, mga suggestions lang ito ng mga puwede nilang gawin. Hindi naman kailangan lahat ay manggaling sa gobyerno. I think iyong mga negosyante, malalaki naman iyan na puwedeng tulungan iyong kanilang empleyado [para] ma-minimize lang iyong movement, in and out ng mga workers. Pero kung wala talaga, eh di go through the process.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Last na lang po, kay CabSec. Sir, kasi marami din po iyong nakapagplano na ng kanilang mga social functions, like for example po iyong mga ikakasal sa panahon na ito. Ano po iyong payo ninyo po sa kanila, sir?
SEC. NOGRALES: Prohibited po. Pasensiya na po. We have to—
SEC. LOPEZ: Siguro iyong kasal, ako, i-guideline natin iyon ‘no. Pero ako ho, ang tingin ko ho, iyong kasal ay hindi po mapipigilan ang pag-ibig. Bawasan na lang nila iyong guests or we will suggest, iyon nga, iyong …makakatipid pa sila, ‘di ba. Pero iyong social distancing ang kailangan ma-observe. Bawal ang mass gathering eh, iyon ang bawal eh! Kung hindi nila mapigilan or i-move ang kasalan, I think iyon, puwede ho nilang gawin iyong bawasan na lang.
Pero ganito po ang sinasabi rin natin, iyong mga … may tanong ho kasi kanina rin related to that: Paano iyon, magka-cancel sila ng mga binuk nila na hotel o restaurant? So dapat ho may refund kasi force majeur po iyon. So huwag silang matakot na, “Naku, paano ito, nag-down na kami?” tapos ayaw i-refund. Puwede ho silang mag-file ng complaint sa DTI, consumer complaint 1384 hotline – papanigan po sila ng DTI para mag-refund iyong establishment.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Last na lang, sir. Iyong guidelines baka …kasi may ibang gusto talagang ituloy iyong kasal nila. Hanggang ilang guest po ang puwede para masabi na hindi siya pasok sa large gathering, sir?
SEC. NOGRALES: Depende nga sa lugar ‘no. Noong hindi pa nag-sublevel 2 ‘no, nag-code red sublevel 2, internally among us in government, ang parang informal number na inu-offer sa amin was in a room – 50. Pero siyempre iyong 50 na iyan, ang tanong, depende rin sa size ng room eh.
Ang social distancing kasi po talaga is really, kasi wala naman tayong lahat may mga rulers ‘no, so siguro arm’s length ang sinasabi namin lagi. Arm’s length ang distancing ng bawat isa. Siyempre sa wedding ang daming ano ‘di ba, paano magki-kiss iyong couple, paano iyong distansiya ng couple? Ang daming adjustments na kailangang gawin, that’s why hindi pa namin talagang masinsinang pinag-uusapan ang wedding per se; doon pa kami sa general mass gathering. Pero siyempre, kapag kinausap mo iyong mga doctor, mga epidemiologists, alam mo napakaistrikto ng mga iyan, kapag sinabing prohibited, prohibited talaga ang gusto nila.
So ito nga iyong struggle natin ‘no, but this is reality, the reality of life. Kaya nga ang panawagan namin ni Sec. Mon at ni Usec. Alain, alam natin na timeless at boundless naman ang pag-ibig, what is one month postponement for love?
Q: To Sec. Nograles po. Sec, isi-simplify ko lang iyong tanong. Kasi may nag-aabang na galing sa ibang bansa. Filipino pero doon sa bansang pinanggalingan niya ay mayroon nang record ng local—pupunta rito ng 15 and babalik ng 28. Can they still go to the Philippines?
SEC. NOGRALES: Oo, sinabi naman ni Pangulo na hindi natin ipagbabawal ang mga kapuwa nating Pilipino na umuwi ng bansa. Pero ang masasabi lang po namin, pagdating po nila dito sa bansa, mayroon po tayong mga very strict and stringent quarantine health protocols.
Q: Yeah, they’re not from Metro Manila. They’re from Bulacan.
SEC. NOGRALES: Ganoon po ba? Ganoon pa man, pagdating nila dito, they’ll have to undergo all of these very strict quarantine measures.
Ang tanong mo ba ay makakapunta ba sila ng Bulacan?
Q: Makakapunta ba sila ng Bulacan because within the span …iyong holiday nila is until March 28. So iyong 14 days, quarantine if ever. Hindi na sila makakapunta doon, sir?
SEC. NOGRALES: Oo, puwede silang Clark. Puwede silang mag-Clark. Pero siyempre, pagdating nila ng Clark, nandiyan pa rin iyong mga protocols ha. Baka isipin ng kababayan natin, pagdating ng Cebu, Clark or any international airport outside of Metro Manila, wala tayong mga quarantine—
Q: So what will be the best advice for them, for the Filipinos?
SEC. NOGRALES: Iyon na nga, if they can go to Clark, kung gusto nilang—ang ultimate destination nga po nila is another province, they can go to the other international airports that are not under the community quarantine of NCR. Pero pagdating nila doon, they have to undergo all of these measures – self-quarantine or more stringent quarantine, kasi galing sila sa ano eh—
Q: Canada.
SEC. NOGRALEZ: Oo. So today, i-outline ng IATF kung ano iyong mga bansa na considered may locally transmitted COVID-19 in that country. So pag-outline natin ng mga bansa na iyan, i-impose na natin iyong strict, stringent health and quarantine protocols. So i-outline din namin iyan. Bansa muna, identification of the countries then what strict and stringent protocols are … we will put in place, benchmarking on the strict protocols being imposed by other countries as well.
Q: Thank you, sir. To Secretary Lopez, one more. Sir, kasi sabi ninyo is limited lang iyong alcohol – two bottles per person. Pero I witnessed isang lugar diyan sa supermarket, they hoard, actually pinuno nila iyong cart nila. And then pagdating sa counter, pinipilit nila, “The customer is always right.”
SEC. LOPEZ: No, no, the customer is not always right. Pagdating sa ganiyan na may rule na tayo. And the supermarket, binilinan pa ng DTI, ipapairal nila iyong rule na iyon. Hindi po limitless, unlimited ang ‘customer is always right’.
Q: Yes, sir. Kaya, will you ask the supermarket owners or iyong mga supervisors na palabasin na lang sila kapag ganoon ang asal nila?
SEC. LOPEZ: Hindi, bentahan nila ng dalawa. Bentahan nila ng dalawa, iyon ang limit eh.
Q: Ayaw nga, sir.
SEC. LOPEZ: Eh di huwag. Simple lang, simple lang. Labas na sila para may makapasok na iba.
Q: Yeah, because they’re making a scene inside the supermarket also.
SEC. LOPEZ: May security guard po sila, ipalabas po nila iyan. Pasensiya na ho kasi talaga hong… emergency nga eh. Sila ang dahilan nang maraming artificial shortage – artificial dahil hindi naman talaga siya shortage.
USEC. IGNACIO: May phone in question lang para kay DTI Secretary Lopez. From DZMM Junry Hidalgo: Ano daw po ang aksiyon ng government sa napakahabang pila ngayon sa grocery? May sinabi siya ditong lugar, ipakita ko na lang mamaya sa inyo. And then si Tuesday Niu ng DZBB: Ano daw po ang aksiyon ng government sa transactions, like iyong sa SSS, PhilHealth, GSIS?
SEC. LOPEZ: Iyong pila ho sa grocery, we will encourage nga ho iyong social distancing. Ang ating mga kababayan ay marunong din naman silang … kung makikinig ho sila, makiki-cooperate sa gobyerno, alam naman ho nila huwag na nilang siksikan iyong mga katabi nila. Ganiyan, you maintain a distance ‘no. So kung may pila, wala tayong magagawa ho, may pila at maraming bumibili but maintain the distance. Masasanay din tayo doon.
USEC. IGNACIO: Okay. Iyon pong sa government transaction, Secretary.
CABSEC NOGRALES: Ah oo, tuloy pa rin po ‘no. Ang sinasabi naman nating skeletal workforce, so each and every agency ngayon because of the directive of the President will have to determine for themselves kung ano iyong ibig sabihin ng skeletal workforce doon sa kani-kanilang mga ahensiya. But ang ano diyan, colatilla diyan is ‘pag frontline services ay tuluy-tuloy pa po ‘no. So frontline services, idi-determine din po ng mga ahensiya ano iyong mga essential at the frontline services ng kani-kanilang mga ahensiya. Tuloy pa rin po iyan, so—but transactions with government must continue and it will continue.
ROSALIE COZ/UNTV: Hi po, Secretary Nograles. Sundutin ko lang po iyong binanggit ninyo na may skeletal force pa rin po sa mga pangunahing ahensiya ng gobyerno. Exemption din po ba iyon kung may appointment ka sa mga government agencies na ito kung manggagaling ka sa probinsiya?
CABSEC NOGRALES: Oo. We’ll have to determine again who are the government officials and workers exempted from the general rule.
ROSALIE COZ/UNTV: I mean, sir, kung halimbawa po taga-probinsiya ako, may transaction po ako sa PhilHealth or SSS or any—na ang main office po ay dito sa Metro Manila.
CABSEC NOGRALES: Kaya nga kailangan ayusin na po natin, ma-utilize natin iyong technology, kung kaya sa technology. Let’s not—kung paper lang iyan na kailangan ipadala, hindi na kailangan siguro ng physical presence. So iyon iyong ating gustong i-impose sa mga government agencies. We can—if puwedeng dokumento, hindi na iyong tao ‘di ba, para limited na po iyong movement.
ROSALIE COZ/UNTV: Sir, do we expect within the day iyong plantsadong regulations ay mai-release and how will the public know about this po?
CABSEC NOGRALES: Ah, ia-announce namin agad. Of course, mayroon tayong ano ‘di ba, siyempre ang constraints natin today obviously is time ‘di ba, kaya nga araw-araw ‘yan eh! As much as we want to detail everything, sabihin ko na ngayon na maaring hindi namin madetalye today, mayroon pang tomorrow. Mayroon pang—magtatrabaho nga kami hanggang… everyday nga iyan eh.
So, as much as we can flesh out as many details as we can, ipi-flesh out namin tapos ilalabas namin. Kung kulang pa, ‘di bale okay lang ‘yan, tuluy-tuloy pa naman mga meetings namin; tapos, siyempre magkakaroon tayo ng feedback mula rin sa public and we value the feedback. Participatory governance nga ‘to ‘di ba, so we value the feedback, baka maaaring may mga senaryo kaming hindi na-take into consideration, pag-uusapan naman namin then we’ll put some more guidelines.
ROSALIE COZ/UNTV: Thank you, sir.
SEC. LOPEZ: Iyong sa amin ho doon ano, like on the part of the business, iyong mga sasama ho sa guidelines, parang reading document ho, nakikita natin ito. It’s a working document na kapag mayroon tayong ma-agree-han ngayon, ito ang polisiya. But we will still subject it to the stakeholders then we can improve on it. So that is how we will operate ho dito dahil kung bibigyan ninyo kami ng isang araw, hindi natin—hindi ho magiging perfect iyan – magiging continuing po iyan.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary Lopez, magandang umaga po. Secretary doon sa issue ng hoarding, may mga tinututukan ba kayong mga hoarders base na rin doon sa mga complaint na nakakarating din sa inyo?
SEC. LOPEZ: Mayroon hong—actually iyong ating Consumer Protection Group at saka iyong NBI, mayroon ho silang mga minamanmanan ngayon. Actually kahapon nga, pumasok na rin—nakapasok na sila sa ilang establisyimento pati—hindi lang iyong tindahan, pati iyong loob, iyong mga warehouse napuntahan nila. Mayroon silang nakita pero hindi naman hoarding. Ibig sabihin… I mean, nakakita sila ng mga 13,000 pieces ng mask. Eh pero that’s a very small amount ano, so akala nga nila hoarding na iyon. So iyong mga ganoon, it’s a normal number. Pero ang hoarding is something like kung nagho-hoard ka, may isang milyon ka diyan na hindi mo binibenta. Pero itong 10,000 it’s like a daily requirement lang at in fact, pa-deliver na pala kaya kumbaga, false alarm din ‘no. So, but ibig sabihin inumpisahan na ho natin iyong pagpunta sa mga warehouses nila at tuluy-tuloy na ho iyan.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Kay Secretary Nograles. Sir, kasama ninyo ba sa meeting ninyo sa IATF iyong mga church leaders mamaya?
CABSEC NOGRALES: Ay, hindi po. Gaya ng sinabi ni Secretary Mon, ang proseso po natin diyan is iyong after nagkaroon ng resolution at maaprubahan, then we’ll go and discuss it with the stakeholders. Pero mamaya, strictly government lang po.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Pero ikokonsulta natin iyong ano, sa mga—
CABSEC NOGRALES: Opo, lahat ng stakeholders naman po. Gaya ng sabi ni Sec. Mon, pati mga business stakeholders kakausapin po natin, i-involve natin sila sa discussions. So ganoon din sa simbahan.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Kay Usec. Pascua. Usec. Pascua, paano nga pala iyong mga teachers saka ano, na teaching personnel, ngayon suspendido iyong klase, anong magiging routine nila?
USEC. PASCUA: Iyong mga teachers na nasa mga eskuwelahan na suspended ang klase, hindi na sila inire-require na mag-report sa school nila. But there are certain learner-related matters na puwede silang papuntahin sa eskuwelahan para gawin iyon kung hindi ito magagawa online o kung hindi ito magagawa sa kanilang mga tahanan ‘no, mayroon tayong ganiyan. At ang mag-o-order sa kanila na pabalikin sila sa kanilang mga paaralan kung saka-sakali man at kung importante man na kailangan nilang pumunta sa eskuwelahan ay iyong Superintendent, iyong Division Superintendent.
Iyon iyong ginagawa namin ngayon iyong process nito, iyong DepEd memorandum para sa ganoon ay malinaw at walang magiging conflict dahil iyong iba, ang sabi nga nire-require daw silang pumasok para mag-disinfect ng paaralan at other non-teaching related matters. Gusto naming klaruhin through a DepEd memorandum na ang mga guro natin sa mga lugar na suspended ang pasok ng mga bata ay hindi na sila ire-require na pumasok ng paaralan, maliban lang kung may mga learner-related matters na kinakailangan silang pumunta sa eskuwelahan dahil hindi nila magagawa iyan online o hindi iyan magagawa sa bahay o sa tahanan – pero ang mag-o-order po niyan ay iyong Division Superintendent ‘no. Inaayos natin iyong DepEd memorandum para sa ganiyang patakaran.
SEC. LOPEZ: Usec., may input si Sec. Sonny Dominguez. Kasi naka-self quarantine siya, nagtatrabaho pa siya… So nakikinig ho siguro siya kaya nandito, may input lang ho siya sa atin, para sa ating lahat na may katanungan yata kanina tungkol sa pag-file ng income tax. Kaya dito sabi niya: “We cannot extend the April 15 deadline. It is in the law but we can allow amendment of returns without payment of interest subject to certain conditions like iyong no variants of more than 25%. This will be in line with the SEC’s extension of deadline of filing of audited FS of 60 days.” Iyon naman ang input kay Secretary Dominguez.
USEC. IGNACIO: May tanong lang sandali iyong DZRH, si May. Iyong brother daw po died March 11, naka-book po sila, Australia to Manila arriving on March 18 and will return—ang return flight po, March 24. Australian citizen na po ang kapatid niya, kung puwede daw po umuwi and then iyong may mga relatives po daw from Cavite/Laguna pupunta ng wake, kung puwede daw po iyon.
CABSEC NOGRALES: Ah, Australian. Hindi siya dual?
USEC. IGNACIO: Iyon lang po iyong sinabi niya. Naka-book sila from Australia to Manila pupunta – Australian citizen po iyong sister niya.
CABSEC NOGRALES: Australian na, foreign na. So iti-treat iyan as foreign national, so nandoon iyong ano natin, nandoon na iyong mga policies and mga patakaran ‘di ba, in terms of quarantine, cannot travel outside of Metro Manila if it’s not ano… So iyon nga, ang encouragement nga natin, if ganoon, maybe they should go to another airport, international airport na wala sa NCR.
MARGAUX(?)/SONSHINE MEDIA: Hihingi lang ako ng reaksiyon doon sa statement ni SP Sotto na itong lockdown is a case of over reaction?
SEC. NOGRALES: Ah, hindi po ito lockdown, it’s a community quarantine. At ide-define namin mamaya sa Inter-Agency Task Force meeting kung ano iyong definition ng quarantine, ano ang do’s and don’ts ng quarantine; ano ang implication ng quarantine. This is not a lockdown.
Kasi iba iyong connotation ng lockdown eh, pag sinasabi mong ‘lockdown’ ang daming interpretation, hindi naman siya a technical meaning. But if you say ‘quarantine,’ may technical, medical meaning po iyan. And that’s why we avoided using the word lockdown, kasi ang imagination ng iba, pag lockdown, wala nang cargo, wala nang papasok na food supplies, kaya nga nagpa-panic. So, deliberately we don’t used the word lockdown, because kung anu-anong lumalabas sa social media na ibig sabihin ng “lockdown.”
So perhaps, with all due respect to the senator and Senate President Sotto, baka kasi ang ibig niyang sabihin ng lockdown is iyong connotation nga na iyon na cut off na iyong food supplies natin, etcetera, etcetera, sarado na ang lahat ‘no. That is why iyong community quarantine as a technical term will be defined later ng IATF.
MARGAUX(?)/SONSHINE MEDIA: Pero iyong pag-prevent po natin ng travel to and from Manila, ang sinasabi po dito tayo nag-over react iyong Palace?
SEC. NOGRALES: Hindi naman, that is why like I said, may general rule and then we will put the exceptions to the rule, para naman, gaya ng sinabi ni Secretary Mon, siyempre iyong exceptions on terms of the work, in terms business, cargo di ba labas pasok pa rin, food supplies, di ba. All of that will—
SEC. LOPEZ: Tingin ho namin, medyo balanced na ho… iyon nitong inisyu ni Presidente, matagal ho actually debate, usapan, diskusyon iyan, the whole day yesterday, mula umaga hanggang noong gabing lumabas si Presidente, even with the President joining the discussion. At napakahirap na decision, pero alam n’yo naman po ‘pag pinag-usapan public health, maraming mas strikto pa na dapat ginawa actually. Pero in consideration also of iyong mga… itong mga economic activities, kaya ho binalanse rin po ang lumabas dito, pero ang pinaka-suma tutal po nito, siyempre pagdating nga ho sa public health mangunguna ho iyan kaysa sa economic activities. At naging wisdom na rin ho ng ating Pangulo na sabi niya kahapon time is of the essence.
Sa experience ng mga ibang country, kung hindi mo gagawan talaga ng isang drastic measure – hindi pa nga ito super drastic measure eh – ay makakalat pa, dahil narinig din niya iyong possible output ng pagkalat ng COVID-19 na exponential. Pag tinamaan ang isa, apat ang puwedeng mahawa, iyong bawat apat na iyon may apat din na puwedeng mahawa bawat isa, so nag-exponential siya. Kaya the earlier the better, kasi kung hindi nga raw puputulin kaagad ngayon ay possibleng humarap tayo sa libu-libo pang kaso niyan in just in a few days.
Kaya ho, this is really a measure parang kung hindi ngayon, kailan. Baka tumagal pa at by that time ay libu-libo na iyong maging problema and too late at—ito rin ho learning din po, mahabang diskusyon kahapon, learning nung ibang bansa na hindi masyadong nag-istrikto sa umpisa, eh ngayon eh more than 1,000, 10,000 iyong kanilang may sakit. So para hindi tayo umabot doon, it’s a learning na huwag na nating gayahin iyong mga ginawa nila at mas mag-strikto tayo. Iyong ibang nag-strikto na-control ho kaagada nila.
Kaya ho kami din po sa economic team, una ho nag-o-object kami sa ganitong klaseng quarantine but in the end ho siyempre po pag nag-decide na iyong… iba ho ang wisdom ng Pangulo – ay makikita ninyo na tama nga iyong kanyang naging desisyon. Pero ang maganda ho nakita natin with minimal disruption dito sa mga pagkain, sa goods, sa negosyo, sa trabaho especially, nandiyan pa iyong kabuhayan. Kaya balance na rin po.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: To CabSec Nograles please. According to Senator Joel Villanueva, he is appealing to the government to pay also these contractual workers during this quarantine period, kasi even nagre-report sila sa kanilang trabaho. Will the government do this?
SEC. NOGRALES: Unang-una sa lahat, ang aming pakikiramay, condolences kay Senator Joel Villanueva at sa kanyang pamilya.
Doon sa suggestion niya, pagdating kasi sa government agencies ano po, gaya ng sinabi ni Pangulo ang pronouncement niya is skeletal force but frontline services will continue, so it’s really up to the agencies kung paano nila i-define iyong skeletal force at sino iyong magbubuo ng skeletal force. So, kasama na po diyan sa paggawa nung guidelines ng kanya-kanyang ahensiya iyong treatment niya doon sa contract of service, job orders. So we leave it to the different agencies to make the necessary adjustments and decisions when it comes to their own work force. Iyon po.
VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES: Okay, sir. Isa lang po, sir ‘no. On another issue, kasi sinasabi ninyo may mga checkpoint. Let say galing sila sa mga provinces, pumasok ng Metro Manila, how will you know kung totoo itong IDs nila? Mamaya may peke dito.
SEC. NOGRALES: Iyon na nga, so siguro ito na rin po iyong pakikipag-ugnayan natin with the private sector. Sa government madali lang naman iyan ‘no. But with the private sector, ito iyong kailangan ayusin din natin iyong pakikipag-ugnayan with the private sector in terms of validating somewhat iyong mga ID or certifications na i-isyu po nila. Again, it’s something na in the works, kasi paano mo nga ise-certify, so dapat may kaugnayan with maybe DOLE or DTI. So dapat mayroon ding some sort of a proof also ‘no or certification din from government agencies. Again, iyong detalye po niyan ay pag-uusapan mamaya.
AC NICHOLLS/CNN PHILS: Hi po. Doon lang po sa technical word na ginagamit natin. So klaro po community quarantine?
SEC. NOGRALES: Yes.
AC NICHOLLS/CNN PHILS: Pero bakit po nagamit ni Pangulo iyong word na lockdown kagabi?
SEC. NOGRALES: Hindi, parang ano lang iyon eh, parang iyong kanyang comment lang doon na… parang it’s like, I think the exact word that he say, it’s like a lockdown. He didn’t also want to use lockdown, kasi na-explain nga na may technical meaning. So, parang sabi, for all intents and… parang lockdown na rin ito. But it’s not really the lockdown kasi nga iyong technical term ng lockdown has not been defined and cannot be defined by our medical experts. But if you say quarantine, doon na papasok na expertise ng ating epidemiologist, ng DOH at ng ating health advisers on how to technically define quarantine; but lockdown, they cannot define what lockdown is.
AC NICHOLLS/CNN PHILS: In terms of the info dissemination lang, medyo magiging magulo lang ito kasi you mentioned everyday if there can be changes in the guidelines, parang if you come up with one today, that doesn’t mean na it will be iyong ia-apply for the rest of the month—
SEC. NOGRALES: That is why importante po ang media at dapat iyong correct, tama, valid legal media at not the fake news. That is why your role is very important. That is why we appreciate forums like this kung saan maibabahagi po ng official government and state workers kung ano iyong ibig sabihin ng ating mga direktiba.
AC NICHOLLS/CNN PHILS: Kasi po, we are also being bombarded with questions. So ano po bang plano noon. Every after ng IATF meetings po kaya, can we expect briefings from the IATF?
SEC. NOGRALES: Yes! PCOO is making the arrangement na we will be… sabi in Pangulo, let’s be as transparent as possible to our people. That’s his order.
SEC. LOPEZ: And if ever, iyong basic principles naman po diyan ay nasi-set na iyan eh; ang nagbabago na lang ay iyong fine tune, fine tuning. Katulad po ng mga tanong po ninyo, it will be a good guide for us to be able to answer. And this will be covered or answered also by the guidelines.
VIC SOMINTAC/DZEC: Clarification lang po tungkol doon sa travel restriction, kasi kanina ang pinag-uusapan natin iyong sa public vehicle. What about the private vehicle na ginagamit ng mga tao na nasa Metro Manila?
CABSEC NOGRALES: Oo, the same pa rin ‘di ba. So kung private vehicle, alamin natin kung kasama sila sa exceptions ‘di ba tapos ang mag-e-enforce would be the, our law enforcers ang mag-e-enforce po niyan. But siyempre, hindi ka puwede lumabas/pumasok until may mapakita kang proof na ikaw ay kasama doon sa exceptions.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir sorry, follow up lang doon sa question ko kanina about iyong—sa workers residing out of Metro Manila. May figures po ba tayo like ilang workers might be affected by the community quarantine.
SEC. LOPEZ: Millions iyan eh. Kasi may kasabihan na ‘di ba, ang Metro Manila, ilan, 11 million by ano ‘no—or 12 or 14 million by day, 11 million by night, something like that. So milyon po iyan, kaya si PNP is preparing also na marami talaga at all roads ay ma-cover ho nila iyan.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Pero as to a specific figure, sir wala po tayong hawak?
SEC. LOPEZ: We can give you the data later. Hindi ko lang maalala ngayon.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Okay, sir. Sir napansin ko lang, doon sa resolution na nilabas ng IATF, marami pong measures directed towards the public pero there was no mention of protection for health professionals who are actually dealing with COVID-19 on the frontlines. Ano po iyong assurances natin for them, like financial support, psycho-social support lalo na sa mga—kumbaga iyong talagang nagda-diagnose or nagta-triage ng cases? Also funding sir, at this point enough po ba iyong funding natin, 1.6 na in-approve ng Congress, iyong binigay ng PAGCOR, enough po ba iyon for the 1 month community quarantine to address any possible surge on cases?
SEC. LOPEZ: We cannot answer for that, si DOH Secretary dapat iyon. But as far as I remember, mayroon siyang mga pina-approve na additional funding last Friday sa Economic Development Cluster. I think ito iyong binabanggit ninyo na manggagaling sa PAGCOR at mayroon pang additional na 400 million. Iyon una ay parang 1-point-something billion na nadagdag. So, sa funding, we are assured mayroon tayong funding. Oo, the amount of course, Secretary Duque would know.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Last na lang on my part. Sir you’ve mentioned earlier na dapat you are supposed to implement even more drastic measures. But this is not as drastic talaga – maraming concessions, may exemption, etcetera – during the discussions with the IATF, ano po ba iyong talagang gusto noong technical advisory group, walang exemptions?
SEC. LOPEZ: This is close to what the technical advisory group has recommended, na may ganitong travel ban in Metro Manila. Of course iyon iyong pinaka-critical dito, kita ninyo ang daming question tungkol dito at saka ito iyong pinakamahirap ding ma-implement. Sa totoo lang, iyong Economic Cluster ayaw nito, iyon. Ito iyong matagal na usapan na ano ‘no, this particular part ‘no at dito ho may mga concerns tayo. Subalit ito na nga, ito na nga iyong naging measure pero sabi ni CabSec, ang pinaka-drastic pa talaga nito, walang galawan, talagang nasa bahay lahat, nasa building lahat, bakante ang—parang iyong Wuhan model; that’s another model na hindi pa natin na-implement, iyon ang talagang drastic na…
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: But that came up…
SEC. LOPEZ: Sa usapan, because it’s a model na puwede nating i-consider. But that’s really, you know, super drastic. Kung libo-libo na iyong naging kaso kaagad, palagay ko iyan na iyong extreme.
JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Super last, sir. Sir you said earlier na—iyong memo will have the effect of a law. What will happen to violators of this community quarantine, for example, someone who will insist on going out of Metro Manila, makalusot; someone who will insist on hoarding – ano iyong magiging penalties po for violators of this community quarantine because people may not take it seriously because they think it’s just restrictions pero walang punishment?
CABSEC NOGRALES: Narinig ninyo iyong lecture ni Pangulo kagabi? ‘Di ba sabi niya, “Policeman, a law enforcer is a person in authority. Sundin mo iyong sasabihin ng person in authority, ‘pag hindi mo sundan then it’s a violation of the law.”
SEC. LOPEZ: Tapos doon naman sa mga overpricing, hoarding… may ibang batas ‘yan na talagang may penalty ‘yan at may criminal charge pa.
IAN CRUZ/GMA7: Kay Secretary Mon Lopez, sir patanong lang po ito ‘no. Kasi nag-raid ang NBI yesterday doon sa isang warehouse ng mask.
SEC. LOPEZ: Oo, ito iyong kinukuwento ko kanina.
IAN CRUZ/GMA7: Oo. Tapos sir, nini-namedrop daw iyong pangalan ninyo na clear daw sa inyo iyon, na hindi sila nagho-hoard and yet nakita nga ng NBI na marami.
SEC. LOPEZ: Ito iyong kinukuwento ko na 10,000 pieces lang iyong nakita. Hindi po iyan hoarding quantity at ang pagka-report ho sa amin, in fact nakasakay na siya sa van for delivery. So ibig sabihin it’s not a hoarding amount, so it’s not really an issue. Kaya ho iyon naman—pinatanong ko kailan pa iyong inventory, gaano kalaki and all that so wala pong issue iyon.
IAN CRUZ/GMA7: So iyong sinasabi sir na maraming nakita doon, pasok pala iyon sa bracket na allowed natin na hindi hoarding?
SEC. LOPEZ: Oh yes, oo. Ang hoarding naman kasi iyong, you know, nagkaka-shortage na sa labas pero mayroon kang ilang milyon or milyun-milyon na mga boxes na nakatago lang sa warehouse. I think iyon—we have to look at it as to the operation eh: Ano ba ang daily operation nila. Palagay with that amount, that’s even very, very low on a daily requirement as you all know ‘no, ang daming requirement; may milyon pa nga ang sigurong requirement. Ten thousand, that’s very small. I think part of—wala pang daily iyan, baka isang oras maubos iyon. Imagine ha, more than 2,000 ang number of branches ng isang company pa lang. Drugstore, maybe another 3,000. Malay mo 3,000… tig-ilang piraso lang bawat branch ‘no ang maaabot ng 10,000.
CABSEC NOGRALES: Let’s take this day-by-day ‘no. Gaya ng sinabi namin, nagbigay lang po ng broad general rules si Pangulo kahapon/kagabi. And then today, ipi-flesh out natin iyong details and so on and so forth. So siguro ang panawagan natin sa bawat isang Pilipino hindi lamang mula sa NCR na let’s cooperate ‘no with government. Magtulungan po tayo, iyon ang pinakaimportante sa lahat. We all have to do our share, both public sector and private sector, lahat po tayo magtulungan. Sama-sama, kaya natin ito!
SEC. LOPEZ: Well, I’ll just reiterate ‘no. Iyong sa trade ay maki-cooperate po iyong mga nasa tindahan, mga sellers sa supermarkets/groceries to price within SRP, observe no price change. Sa mga kababayan nating namimili ay let’s think of others din ‘no, concern for others. Huwag nating ubusin iyong paninda ‘no at bumili lang nang tama.
USEC. PASCUA: Iyong nasabi kanina natin na hindi na pinapupunta iyong mga teachers sa loob ng paaralan during the suspension of classes, ini-expect pa rin natin na gagawin nila lahat iyong mga kinakailangan nilang gawin at iyong mga kinakailangang tapusin dahil magtatapos na iyong school year katulad ng computation of grades, preparation of other documents ‘no. We expect that they should be finishing all these materials or all these documents or requirements doon sa kanilang mga tahanan at sa—through online na processes ‘no.
At gusto rin ng Department of Education, ang Kagawaran ng Edukasyon na bigyan ng assurance iyong mga delegado ng National Schools Press Conference at saka iyong mga National Festival of Talents na nasa Isabela pa at saka nasa Cagayan pa, na inaayos na ng Kagawaran iyong mga kinakailangang mga proseso at mga pangangailangan nila para makaalis sila sa Metro Manila bago mag-start ang community quarantine ng NCR sa March 15 ‘no. Inaayos na natin lahat iyan at lahat ng ahensiya ay nakikipagtulungan para sa ganoon ay iyong mga taga-Visayas at saka mga taga-Mindanao ay makalipad o maka-travel nang husto before the imposition of travel restrictions.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Usec. Pascua. Thank you, Secretary Nograles, Secretary Lopez. Thank Asec. Queenie Rodulfo, Asec. Bam Garcia, Director Pebbles Duque.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)