Press Briefing

Laging Handa Public Briefing hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar & PCOO Undersecretary Rocky Ignacio with Philhealth President and CEO Ricardo Morales; Batangas Vice Governor Mark Leviste; and Infectious Disease Specialist Dr. Rey Salinel


Event Public Briefing #LagingHanda
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao – Ako po si PCOO Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  Ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Bilang pagtupad sa ating mandato na maghatid ng mahalagang balita at impormasyon sa ating mga kababayan, binuo ng buong puwersa ng PCOO ang programang ito upang magsilbing plataporma para sa mga mahahalagang usapin tungkol sa patuloy nating paglaban sa banta ng COVID-19.

USEC. IGNACIO:  Ang programang ito ang magbibigay daan para maitanong ang mga mahahalagang katanungan ng mga kasama natin sa media at ng mg mamamayan, agad naman pong sasagutin ng mga kawani ng ating pamahalaan.

SEC. ANDANAR:  Samahan ninyo po kami sa isa na namang makabuluhang talakayan ngayong araw dito sa Public Briefing #LagingHandaPH. Ngayon po naman ay diretso na tayo sa ating mga kasama sa labas po ng ating studio sa ‘Tanong Bayan’, atin pong makakausap via phone patch interview sina PhilHealth President and CEO Retired Brigadier General Ricardo Morales. Handa na ba si General Morales? Makakasama rin natin si Batangas Vice Governor Mark Leviste maya-maya lamang at si Dr. Rey Salinel via VMIX.

USEC. IGNACIO:  At mula naman po sa iba’t ibang sangay ng PCOO, makakasama rin natin sa pagbibigay ng pinakahuling ulat sina Alexia Tinsay ng Philippine Information Agency, Dennis Principe ng Philippine Broadcasting Service, Rachel Garcia mula po sa PTV-Baguio, Roderey Salas mula sa PTV-Davao, John Aroa mula sa PTV-Cebu at si Ryan Lesigues ng PTV-News mula po sa Muntinlupa at PTV correspondent rin Allan Francisco mula sa Farmers Market, Cubao.

Narito naman po ang update sa bilang ng kaso ng COVID-19, as of March 25, 2020, umabot na po sa 636 – anim na daan at tatlumpu’t anim ang dami ng kasong naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa buong bansa. Samantala sa huling tala ng DOH kahapon, nasa 38 na po ang nasawi, habang 26 naman po ang naka-recover sa COVID-19.

Ayon naman po kay John Hopkins Coronavirus Resource Center as of 7:30 A.M ngayong araw, March 26, 2020 mayroon ng 467,594 confirmed cases ng COVID-19 sa buong mundo, kung saan 21,181 naman ang bilang ng mga nasawi. Habang nasa 113,770 naman ang naka-recover mula a COVID-19.

Sa kanilang tala ang sampung nangungunang bansa na may pinakamaraming naitala ng kaso na nagpositibo sa COVID-19 ay ang mga sumusunod: Nangunguna pa rin po ang China na mayroong 81,661 confirmed cases; pangalawa po ang Italy with 74,386 cases; pangatlo ang United States   na may 65,285 na kaso; pang-apat ang Spain na may with 49,515 cases. Nasa ika-lima naman po ang Germany na may 37,323 cases; ika-anim ang Iran with 27,017 cases; pang-pito ang France  na may 25,600 cases; nasa ika-walo naman ang  Switzerland with 10, 897 cases; pang siyam ang United Kingdom na may 9,640 cases; pang-sampu po ang South Korea with 9,137 cases.

Samantala po ang Pilipinas ay nasa ika-43 puwesto sa may pinakamaraming kaso na sinusundan ng bansang Singapore at Qatar. Kaya naman po amin pa ring panawagan sa aming mga kababayan ang pananatili sa loob ng bahay. Stay at home po muna ang lahat para sa kaligtasan ng bawat isa. We stay at work for you, stay at home for us.

SEC. ANDANAR:  Samantala Rocky, ilang araw matapos ang pag-aanunsiyo ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon, marami pa ring tanong ang ating mga kababayan. Kaya naman nagtalaga na po ang DOH ng COVID-19 hotline. Sa pamamagitan ng linyang ito, puwede kayong kumonsulta kung ano po ang inyong nararamdaman – may sintomas ba o wala. Puwede rin kayong humingi ng assistance kung sakaling kayo ay kilalang na-exposed sa mga confirmed cases or patient under investigation. Kaya huwag po kayong mag-atubiling tumawag, bukas po ito para sa lahat ng ating kababayan. Tumawag po kayo sa numerong 02-894-26843 o 1555. Para po sa ating PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers.

USEC. IGNACIO:  Samantala naglabas na rin po ng pahayag si Senator Bong Go tungkol sa kasalukuyang kondisyon ni Congressman Eric Yap. Aniya, nag positibo na nga ang Kongresista sa COVID-19. Isa po si Senator Bong Go sa mga nakahalubilo ni Congressman Yap sa isang meeting noong nakaraang Sabado. Kaya naman po ang senador na mismo ang nag-initiate ng contact tracing sa iba pa nilang nakasama sa nasabing pulong.

Dagdag pa ni Senator Bong Go, wala raw itong nararamdamang sintomas sa sakit pero bilang pagsunod po sa protocol sa mga taong directly exposed sa nagpositibo sa COVID-19 kakailanganin muna ng senador na mag-undergo po ng self-quarantine.

SEC. ANDANAR:  Nitong Linggo, March 22, 2020, nagkaroon ng briefing si Cabinet Secretary Nograles tungkol sa resolution no. 15.  of the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Aprubado na po ang National Action Plan for COVID-19 na may layuning makapagbigay ng tapat at napapanahong impormasyon para sa mga mamamayan ng bansa. Kasama rin diyan ang pag-adopt ng mga precautionary measures upang mapigilan ang pagkalat ng naturang virus.

Kaugnay nito, ipinapanukala rin dito ang pansamantalang National Task Force Organizational Structure upang maibsan ang dalahin po ng IATF: Ang IATF ang siyang magsisilbing policy making body ng operasyon, habang ang NTF-COVID-19 ay magiging operational command na pangungunahan ng Secretary of National Defense, at ang National Incident Command ang mamamahala sa daily concerns and operations laban sa COVID-19.

USEC. IGNACIO:  At para naman po magbigay sa atin ng huling update narito si PTV Correspondent Ryan Lesigues mula sa Muntinlupa.

[NEWS REPORTING]  

SEC. ANDANAR: Ngayon po ay makakausap natin via phone patch si PhilHealth President and CEO Retired Brigadier General Ricardo Morales. Magandang araw po sa inyo, sir.

GEN. MORALES:  Magandang araw sa inyo, Secretary and sa lahat nang nakikinig sa ating mga kababayan. Magandang umaga sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR:  Ano po ba ang tulong na maaaring ibigay ng PhilHealth sa mga biktima ng COVID-19 dito sa ating bansa.

GEN. RICARDO MORALES: Sa madaling salita ay babayaran ng PhilHealth ang mga medical expenses. Especially iyong ating mga public health workers, gusto nating bigyan sila ng confidence at saka peace of mind para sila ay makapag-focus sa kanilang trabaho. Wala silang aalalahanin kung sila ho ay magkakasakit, sasagutin ng PhilHealth lahat ng kanilang medical expenses.

 

USEC. IGNACIO: Kailan po inaasahang mari-release naman ang 30 million budget para sa mga ospital?

GEN. MORALES: Tuluy-tuloy na ito. As of kahapon, nakapag-release na kami ng 1.6 billion sa mga hospital at tuluy-tuloy dumadating iyong mga dokumento na pinu-process namin. At bukod sa 1.6 billion, this is part of iyong 30 billion na kinasa ng PhilHealth para maka-preposition tayo ng pondo sa lahat ng mga hospital pati na mga hospital na may mga sanction, may mga violation sa PhilHealth ay hindi muna natin aasikasuhin iyong mga atraso na iyon. Ang importante ay mayroon silang pondo para kung may kinakailangan, may magagamit na kaagad sila.

SEC. ANDANAR: General, anu-ano po ba iyong exact benefit packages na ipinagkakaloob ng PhilHealth sa mga miyembro nito?

GEN. MORALES: Sa ngayon kasi, hindi pa natin napu-focus lahat iyong kung ano ang gagastusin, kasi iba-iba naman iyong mga protocol na ginagamit sa iba’t ibang ospital. May sarili silang procedure doon, may mga posting, may private, may public hospital. Pero sa ngayon ang safe na masasagot ko diyan, whatever it takes – whatever it takes, sasagutin ng PhilHealth.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano po iyong magiging proseso sa free testing at pag-claim sa health insurance benefit, General?

GEN. MORALES: Iyong mga hospitals ang magpu-process niyan. Iyong mga testing naman, it has to be prescribed by a health professional. So hindi natin sinasagot muna iyong self-administered testing kasi sa pagkakaintindi ko, kailangan ng lab procedure ito eh. So dapat dadaan sila sa mga ospital, sa mga clinics, iyong mga identified na testing centers na ina-identify ng Department of Health. At ang mga ospital ang magsa-submit ng kanilang billing sa PhilHealth, at sasagutin ng PhilHealth iyong mga babayaran.

SEC. ANDANAR: Okay, ano po ang proseso ng ‘No Balance Billing’ policy – sinu-sino po ang kasama dito, General?

GEN. MORALES: Lahat ng may balance billing kasi ngayon universal healthcare na tayo eh. So lalo na ang mga tatamaan ng COVID-19, wala silang dapat na ilabas na pera. Lahat ng gagastusin, whether public or private hospital, sasagutin ng PhilHealth!

USEC. IGNACIO: May tanong po ang aming kasamang si Arianne Merez ng ABS-CBN online: Ano daw po ang specific coverage ng PhilHealth for COVID-19 patients; at ano po ang requirements o dapat gawin para ma-avail ito? Ang mga PUM po at PUI na hospitalized po ba ay covered ng PhilHealth?

GEN. MORALES: Lahat ng hospitalized, lahat ng hospitalized ay sasagutin iyan. Kasi mayroon naman tayong mga naka-confine sa bahay ‘no, nagka-quarantine sa bahay ay hindi natin masasagot iyan dahil unang-una ay hindi naman natin alam kung iyong mga ginamit nilang mga gamot o iyong kanilang ginamit na process. Iyon lang naku-confine, iyon lang ang masasagot ng PhilHealth kasi prescribed iyong mga gamot at saka iyong mga procedure na in-apply doon sa pasyente.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Rosalie Coz ng UNTV: Is it true na hindi daw po nagri-release ang PhilHealth ng payment for hospitals? Hirap daw sila sa pasuweldo sa staff and other operating expenses; Once a week daw po ang release ngayon; ayaw mag-release kasi sarado ang office – baka po marami hospitals ang magsara.

GEN. MORALES: Hindi totoo iyan because this week alone, we have already released 1.6 billion. Actually, ang ku-cover nito, mga 5,000 hospitals, clinics, lahat ng levels – including iyong mga (unclear) center at saka iyong mga dialysis clinics, mga lying-in clinics, ito covered na ito. Siguro ha, kung ma-identify specifically, alin bang hospital, ibigay ninyo sa akin iyong pangalan at ipa-follow natin. Kasi gusto nating mabigyan ng liquidity iyong ating mga health facilities para handa sila magresponde dito sa COVID-19 pandemic.

USEC. IGNACIO: Opo, hihingiin po natin iyan sa ating kasamang Rosalie Coz para makarating—

SEC. ANDANAR: Siguro kunin natin iyong kanilang hotline. General, mayroon po ba kayong hotline na puwedeng tawagan ng ating mga miyembro?

GEN. MORALES: Oo, mayroon kaming hotline. Ito iyong trunkline namin: 632-637-6177

SEC. ANDANAR: Okay. So 632—

GEN. MORALES: Ito iyong action center. Ito iyong action center na ibibigay ko, ito 24/7 ito—

USEC. IGNACIO: General, ulitin po namin iyong number: 632-637-6177

GEN. MORALES: Oo, correct.

SEC. ANDANAR: Parang ang haba po nito, General.

GEN. MORALES: Correct, tama iyan.

USEC. IGNACIO: Tama daw po iyon.

SEC. ANDANAR: Okay, ganoon kahaba? All right, mayroon pa bang ibang number, General?

GEN. MORALES: Ito sa action center namin: 02-8441-7442

SEC. ANDANAR: Alright, uulitin ko po: 02-8441-7442.

GEN. MORALES: Correct, tama iyan.

SEC. ANDANAR: Sige po, atin pong i-flash sa screen dito sa PTV every hour. Maraming salamat sa inyong panahon PhilHealth President and CEO, Ret. Brig. Gen. Ricardo Morales. Mabuhay po kayo!

GEN. MORALES: Maraming salamat. Magandang umaga sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala mayroon din po tayong mga nakalap na mga katanungan mula sa ating mga kababayan, narito po si Alexia Tinsay ng Philippine Information Agency.

ALEXA TINSAY: Magandang umaga po, Secretary Martin at Usec. Rocky. Mayroon po tayong dalawang tanong at ang unang tanong ay mula kay Mayor Armando Lauro ng Tublay, Benguet. Panoorin po natin si Mayor Lauro…

MAYOR LAURO: Vegetable producer po ang Benguet, iyon po ay …nandoon na po nakalahad na po sa order ni Presidente under sa EO niya na 929 whereby iyong mga gulay, iyong mga necessities ay puwede pong i-deliver po sa ibaba, sa Maynila. Ano ba iyong parang assurance din po ng mga truckers dito po na galing sa amin? Kasi pagkatapos po na nabili na po iyong mga gulay, may mga ano raw po na … hinaing ng mga truckers, drivers na sila po ay hindi na po pinahihintulutan na umakyat na po pabalik po sa amin?

SEC. ANDANAR: Bawal po iyan na hindi pinahihintulutan na makabalik iyong driver, iyong pahinante at iyong truck na dala nila. Ang sabi po ng Department of Agriculture, basta mayroon po kayong receiving copy – hindi ho ba mayroon kayong, number one, delivery receipt. Ipapakita ninyo sa pulis. Tapos kayo ay papahintulutan na bumiyahe, point A to point B. At para naman makabalik kayo sa Point A from Point B, ipakita ninyo po iyong receiving copy na natanggap na iyong inyong diniliber na mga goods, pagkain o kung anuman na essential sa mamamayan – ay kayo po ay dapat payagan na makabalik. Alexia?

ALEXA TINSAY: Maraming salamat, Secretary. Para sa pangalawang tanong naman po, ito po ay manggagaling kay Mayor Trina Firmalo-Fabic ng Odiongan, Romblon.

MAYOR FABIC: Gusto lang po namin itanong kung within the situation ng enhanced community quarantine ay puwede pong mapayagan ang mga estudyante na nagbu-board dito sa amin sa main campus ng university na makauwi sa kani-kanilang mga lugar within the province?

SEC. ANDANAR: Mayor, pupuwede po – pupuwede pong makauwi. In fact, iyan nga po iyong ini-encourage, iyong mga estudyante, iyong mga nasa dorm eh kung iyong kanilang hometown naman ay within the province lamang ay puwede pong pauwiin iyong mga estudyante. Mas mainam na ang mga estudyante ay nandoon sa kanilang mga tahanan kaysa nandoon sila sa dorm at—pampabigat din kasi siyempre iba ang iniisip ng eskuwelahan, iba ang iniisip ng may-ari ng dorm. So mas mainam na kasama nila ang kanilang mga pamilya. Basta within the province!

Now, kung ang estudyante naman ay nakatira sa labas ng probinsya, then you would have to get a specific letter mula po doon sa eskuwelahan at mula din po sa munisipiyo or sa siyudad kung nasaan po iyong eskuwelahan para maipakita sa pulis na kailangan makauwi na iyong estudyante. As long as it is within Luzon, okay. Kapag lumabas po ng Luzon, iyon po, magkakaproblema po tayo!

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa ating kasamang si Alexia Tinsay mula sa Philippine Information Agency.

ALEXA TINSAY: Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin ang ating kasamahang si Rachelle Garcia mula sa PTV Baguio. Rachelle?

[NEWS REPORTING BY PTV 4 CORDILLERA CORRESPONDENT RACHELLE GARCIA]

USEC. ROCKY: Okay. Maraming salamat Rachelle Garcia!

SEC. ANDANAR: Samantala, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Mula sa Philippine Broadcasting Service, makakasama natin si Czarinah Lusuegro.

PBS CORRESPONDENT CZARINAH LUSUEGRO: Maraming salamat, Secretary Martin at Usec. Rocky. Narito na ang mga balita mula sa iba’t-ibang lalawigan mula sa Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORTING BY VERNA BELTRAN]

[NEWS REPORTING BY CARMEL MATUS]

[NEWS REPORTING BY SHIRLEY ESPINO]

PBS CORRESPONDENT CZARINAH LUSUEGRO: At iyan po ang pinakahuling balita mula dito sa Philippine Broadcasting Service, ako po si Czarinah Lusuegro. Back to studio with Secretary Martin and Usec. Rocky.

USEC. ROCKY: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.

SEC. ANDANAR: Thank you Czarinah! At sa bahagi naman pong ito makakausap natin via Viber video call ang isang OFW mula sa Malaysia. Magandang araw po sa inyo, Mr. Anthony Balando.

[AUDIO PROBLEM]

SEC. ANDANAR: Mayroon tayong kaunting audio problem, so balikan natin mamaya. Diretso na tayo?

USEC. ROCKY: Opo. Nais muna nating pasalamatan ang Radyo Inquirer o Inquirer Radio, si Chona Yu na naka-hook-up din po sa atin at magbi-birthday siya sa March 29.

SEC. ANDANAR: Happy birthday, Chona.

USEC. ROCKY: Malapit kay Presidente.

SEC. ANDANAR: Oo.

USEC. ROCKY: Si Presidente malapit na rin ang birthday.

SEC. ANDANAR: At pasalamatan din natin iyong Radyo Agila, sila ay naka-hook-up din sa atin. Nakapadaming naka-hook-up sa atin. Nandiyan din iyong ating mga kaibigan sa Sonshine Radio na naka-hook-up din sa atin.

USEC. ROCKY: FEBC, iyong DZAS. Ang DZBB, DZMM.

SEC. ANDANAR:  Radyo Pilipino, Bombo Radyo, DZRH at marami pang iba.

USEC. IGNACIO:  May mga regional pa po na naka-hook-up po sa atin.

SEC. ANDANAR:  Oo, mayroon. Lahat ng KBP member-stations naka-hook-up po sa atin. Samantala ay makakausap natin via VMIX video call is Dr. Rey Salinel, isang infectious disease specialist. Magandang araw po sa inyo, Doc.

SALINEL: Magandang, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR:  Ang tanong po ng karamihan, bakit ganoon na lang kabilis ang pagtaas ng confirmed cases ng COVID-19 sa Pilipinas?

SALINEL: Siyempre matigas ang ulo ng Pilipino eh, hindi ba. Sinasabi na nga na social distancing, na home quarantine, self-quarantine. Marami pa rin pong naglalakad at nasa kalye pa rin. Alam ninyo po kasi sinasabi ko nga po doon sa mga una kong interview, ang virus will only replicate or multiply kapag nakalipat agad sa buhay na bagay. So kung nakakalat po talaga tayo at magkakadikit tayo, magkakasama tayo – marami pong malilipatan po iyong virus, magmu-multiply siya at dadami pa at nakakahawa nga po.

Well at the same time, iyon din pong—teka, let me bring down the—kasi nahihirapan po akong magsalita. Iyon pong availability po ng mga testing kit po sa mga panahon na ito, medyo dumadami na po, dumadami na rin po ang mga ospital at nagiging aware na rin po ang mga tao pagdating po sa mga signs and symptoms po ng pagkakaroon po ng COVID-19. Kaya naman po kaunting sore throat, itchiness, konting fever tumatakbo po kaagad sa ospital at natse-check po kaagad kaya po—hindi ako magtataka po kung lolobo pa ho talaga ang numbers po ng positive cases po sa mga susunod pong mga araw. Kasi nga po dahil marami na po tayong natatanggap po na mga test kits coming from our friendly neighbors na nagdo-donate po ng test kits.

USEC. IGNACIO:  Pero Dr., ano po iyong pinakatamang gawin kapag nakakaramdam na ng mga sintomas ng COVID-19? Kasi iyong iba I understand, medyo natatakot lumabas dahil katatakutan sila… papaano po ba?

SALINEL: Alam mo magandang tanong iyan Usec., ‘no. Gusto ko lang po sabihin po sa atin pong mga kababayan na iyon pong mga viral infection po, mauuso sa mga oras na ito – common colds po, flu, influenza po at iba pa hong mga rhinovirus po. Sa umpisa ho kasi magkakamukha iyan eh, magkakamukha po kasama po iyong coronavirus po natin. Medyo huwag na ho tayong mapraning ‘no kung saka-sakali, unless otherwise talaga po na ma-test at ma-check kayo na positive kayo sa COVID-19.

Pero gusto kong sabihin, kung mild lang po which about 80 to 85 percent po ng corona cases po na lumalabas po sa pag-aaral ay mild po ‘no. Ang mga manifestations, simpleng sinat, itchiness o dry cough po ang nararamdaman nila. Sa bahay lang po tayo, boost your immune system, iyon po ang lagi nating sinasabi, malinis ang kamay po at naka-mask po, gawin po natin. Ang kinakailangan po sa panahon na ito maging vigilant po tayo.

SEC. ANDANAR:  Mas makabubuti po ba ang pagkakaroon ng mass testing sa kasalukuyang lagay ng bansa, Doc.?

SALINEL: Well sa pag-aaral po kasi, parang hindi pa ho natin—ngayon po kasi Secretary, mahihirapan po tayo doon sa sinasabi ninyong mass testing kasi dahil nga po piling-pili po ang mga laboratoryo pong pinapayagan na magsagawa po ng mga test, okay. Number two, hindi natin po ipinapayo po kasi iyong mga rapid testing na wala pa hong approval kasi nga po pupuwede pong magkaroon tayo ng false positive o false negative.

Now sa pag-aaral po kasi, hindi pa rin po ganoon ka-epektibo iyon pong mass testing unless otherwise talaga po na mayroon tayong mga kuwalipikadong mga laboratoryong magsasagawa po nito. Kapag nasa ayos na po siguro lahat, iyon pong mga test kits at saka iyong mga laboratoryo at mayroon tayong mga qualified and capable po na mga technician, siguro puwede po natin itong pag-aralan.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Dr. Rey Salinel. Sir, mabuhay po kayo!

SALINEL: Marami pong salamat.

USEC. IGNACIO:  Salamat at nakakapanayam natin iyong mga doktor na katulad niya, kasi totoo naman talaga nakakapraning. Ako nga parang kapag nakakaramdam ka ng medyo sisipunin ka, natatakot ka na eh. Pero buti po na naririnig po natin na—siyempre ang ating mga kababayan na magpahinga lang, sa bahay lang. Kung simpleng sinat lang, huwag tayong magpa-panic dahil pa rin sa COVID-19 – napakahalaga po iyong talagang malakas ang ating katawan.

At sa bahagi po namang ito ay makakausap natin via Viber video call ang isang OFW mula po sa Malaysia – magandang araw po, Mr. Anthony Balando.

BALANDO: Magandang umaga po sa inyong lahat; Magandang umaga po, Secretary Andanar.

USEC. IGNACIO:  Kumusta na po kayo diyan sa Malaysia?

BALANDO: So far po, medyo maayos naman po ang kalagayan namin. Ang nagiging problema lang po ng mga Filipino OFWs dito is iyong lockdown na extended na until April 14. Ang nagiging main issue po namin dito is kung papaano kami lalabas at bibili ng aming mga pagkain lalo na po iyong mga manggagawang Pinoy na nagtatrabaho sa pribadong sektor.

SEC. ANDANAR:  All right. Ano po ba ang precautionary measures para sa mga OFW na ipinapatupad diyan sa Malaysia?

BALANDO:Kung pag-uusapan po natin ay precautionary measure na galing sa pamahalaan ng Malaysia, napakalinaw po ng instruction nila na walang lalabas, ipatupad ang social distancing at kailangan lagi kaming magtse-check ng body temperature namin. Kung pag-uusapan naman po natin iyong precautionary measure na nanggagaling sa ating embahada, so far po wala po kaming naririnig sa kanila. Nakikibalita lang po kami sa kanila base doon sa mga pino-post nila sa kanilang Facebook account.

USEC. IGNACIO:  Pero mayroon po ba kayong kinakailangang tulong mula sa gobyerno? Kasi dito po sa programang ito, at least mapapaabot na po natin.

BALANDO: Siguro po ang pinakakailangan naming tulong lalong-lalo na iyong mga OFW na nagtatrabaho sa pribadong sektor na nangungupahan sa sarili nilang mga bahay ay iyong pagkukunan namin ng pagkain. Kasi dito po sa Malaysia, sobrang higpit po ng pagpapatupad nila ng lockdown period, pati po mga kapulisan ay nakikibahagi na sa panukala ng Prime Minister ng Malaysia.

Kami po, hindi po kami masyadong priority ng mga groceries kapag kami ay bibili, so nauuna po lagi iyong mga lokal na nakatira dito. Kapag nagkaroon na ng pagkakataon na kami na eh halos ubos na po lahat ng paninda – So iyon po iyong nagiging problema namin. Humihingi po kami ng tulong kung saka-sakali lalo na sa aming embahada na kung makakapagbigay sila ng tulong na pang-supply ng pagkain para po makatulong sa amin.

USEC. IGNACIO:  Opo, ipaaabot po natin sa ating DFA ang inyong pangangailangang tulong diyan sa Malaysia. Mag-ingat po kayo Mr. Anthony Balando, magandang araw pong muli.

BALANDO: Yes po. Maraming salamat po sa inyong lahat at magandang araw din po.

SEC. ANDANAR:  Puntahan naman natin ang ating kasamahan na si Roderey Salas, live mula sa Davao. Maayong buntag kanimo!

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO:  Okay, maraming salamat, Roderey Salas. Samantala ngayon naman po ay ating makakausap si PTV correspondent Karen Villanda mula sa Valenzuela City.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Secretary Martin, mula sa DZRH – Henry Uri. Nagpapasalamat po tayo sa Radyo Natin, 100 daw FM nationwide ng Manila Broadcasting Company naka-hook up po sa Laging Handa since day one po. Maraming salamat!

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Pareng Henry, at ganoon din sa Radyo Pilipino at kay Boss Dan Cura ng FEBC – saying hello to you, Rocky. Bukas daw ang FEBC sa mga announcements mula po naman sa gobyerno at ganoon din po… Uy! Assalamualaikum kay Ma’am Baby Lincano ng DXGD AM, Radyo Pilipinas-Bongao, Tawi-Tawi. Sabi niya, audience sa AB bracket and we are watching PTV televised program especially capital town of Bongao. But in the 11 island municipalities, they listened to our radio station. Kaya naka-hook up po kami sa inyong programa. – Salamat at mabuhay po kayo!

USEC. IGNACIO:  Kumusta ka rin daw po sabi ni Joseph Morong ng GMA7, Secretary.

SEC. ANDANAR:  Joseph iyong clarification na gusto mo ay ipo-forward ko sa DepEd para makapaglabas sila ng guidelines at maibigay namin sa inyo. Samantala, makakausap naman natin via VMIX video call si Batangas Vice Governor Mark Leviste. Magandang umaga sa iyo, Vice?

VICE GOV. LEVISTE:  Magandang umaga, Sec. Martin, magandang umaga Usec. Rocky. At magandang buhay sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR:  Ano po ang lagay ng buong Batangas ngayon, Vice? Ilang bayan na po ang under, well iyong talagang stringent measures ng Office of the Governor?

VICE GOV. LEVISTE:  Well, first of foremost [distorted audio] hanggang ngayon nananatili sa 11 confirmed cases or patients dito po sa lalawigan ng Batangas. Subalit mayroon po kaming sinusubaybayan na dalawa pa na inabiso sa amin ng RITM at DOH. Ipinaalam po sa amin ito, subalit wala pa po sa amin ang mga detalye ng mga pasyenteng ito. Ang mga bayan na mahigpit na nagpapatupad ng safety measures, ganoon din iyong Enhanced Community Quarantine ay iyong mga malalaking bayan tulad ng Batangas City, Lipa City Tanauan City, Sto. Tomas City, Lemery at siyempre kami po sa kapitolyo ang nangangasiwa ng overall activities and updates para po sa buong probinsiya.

Sapagkat as early as February 5, ay nagbaba o nagtatag na po ng kautusan ang ting Punong Lalawigan, Governor Dodo Mandanas    directing the institution of precautionary measures against then local coronavirus respiratory disease in the province of Batangas. And on February 12, the governor also gave an executive order creating an Inter-Agency Task Force for the management of emerging and re-emerging infectious diseases in the province of Batangas. So, kahit noong wala pa po kaming mga kaso ay inagapan na po namin ang pagharap, pagtugon sa corona virus or COVID-19.

USEC IGNACIO:  Vice Governor, kami po ay natutuwa kasi sa ngiti mo pa lang ay talagang nakaka-inspire kahit ganito ang nangyayari sa ating bansa ano po. Pero alam naman po ng lahat na bago po iyan eh ang Batangas eh nangyari ang Taal eruption. Papaano po iyong ginagawang recovery ng inyong lalawigan, dito naman po na ganito naman may banta ng COVID-19?

VICE GOV. LEVISTE:  Sa tunay na buhay, hindi pa kami fully recovered. Sa katunayan, na-dalawahan nga po kami, habang kami ay nagre-recover, rehabilitate mula sa Taal Volcano eruption, ito naman ang coronavirus o COVID-19. Pero sabi nga ni Governor Mandanas sa isang interview dati, tila na-practice po kami, ayaw ko sanang isipin sa ganoong paraan, pero napaghandaan na po namin ang aming sarili, ang aming kapitolyo, ang aming mga tauhan sa mga kaso or situations tulad po nito.

As a matter of fact, kanina nabanggit ko po iyong maagap na mga desisyon na ginawa ng ating Governor Dodo Mandanas. Ganoon din sa Taal Volcano Eruption, maagang nagtatag   ng Task Force at Inter-agency office ang provincial government, within a couple of hours, mula noong sumabog o pumutok ang Bulkang Taal. So kung ano man po ang aming mga best practices at magandang ginawa sa aming naging karanasan sa pagputok ng Bulkang Taal, iyon po ang aming ipinagpapatuloy sa pagharap sa COVID-19 kung hindi man, mas pinag-iigihan pa nga.

SEC. ANDANAR: All right. Vice, speaking of best practices, alam po natin na …nabanggit nga natin kanina, napag-usapan natin ang experience sa Taal, hindi po lahat ng probinsiya sa buong Pilipinas ay sanay sa mga ganitong klaseng trahedya, delubyo. At speaking of best practices, ano po ang inyong maipapayo doon po naman sa mga probinsiya na hindi sanay? Halimbawa na lamang sa food distribution para hindi magkagulo, ano po ang ipapayo ninyo, Vice?

VICE-GOVERNOR LEVISTE: Ang amin naging karanasan sa Taal Volcano eruption, nagtatag rin po kami ng drop-off center for relief goods and other donations para po sa iba’t-ibang bayan o bahagi ng aming lalawigan. Iyon din po ang aming ini-implement sa pagharap sa COVID-19. At sa pamamagitan ng ating Inter-Agency Task Force, tayo po ay nagkaroon ng centralized receiving area for anyone, any personality or organization who wishes to contribute or donate to our first responders, frontliners at iba’t-ibang mga ospital and barangay health workers dito po sa aming probinsiya. At ang aming tanggapan para sa Inter-Agency Task Force ay nasa provincial health office. Isa po iyon sa aming mga best practices.

Hindi po namin nililimitahan ang ating mga kababayan na dumirekta sa iba’t-ibang mga ospital sa iba’t-ibang lugar. Subalit kung gusto po nila nang mas maayos na sistema, puwede po nilang i-course through sa aming inter-agency dito po sa pamahalaang panlalawigan sapagkat namo-monitor po namin kung ano na po ang critical areas tulad ng ospital na tila nauubusan na po ng kagamitan katulad ng mga PPEs, face mask at alcohol at iba pang mga pangangailangan ng ating mga frontliners.

SEC. ANDANAR: Para sa mga kababayan mong Batangueño, Vice-Governor Leviste, mayroon po ba kayong hotline na puwedeng tawagan kung saka-sakaling kailangan po nila ng responde mula sa inyong opisina?

VICE-GOVERNOR LEVISTE: Opo, mayroon po kaming hotline at iti-text ko po sa inyong tanggapan upang matulungan ninyo kami na i-disseminate ito at mai-flash sa pamamagitan ng inyong programa. Subalit active din po ang aming Facebook page, puwede po silang bumisita sa Batangas PIO (Provincial Information Office). Ang aming PIO ay 24/7 active po na nagbibigay ng updates at tumatanggap ng mga inquiries mula sa ating mga social media users.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong panahon, Vice-Governor Mark Leviste. At napaabot ko na rin po sa ating general manager ang inyong gustong … wishes to volunteer dito po sa ating PTV para sa ating programang Laging Handa. Mabuhay po kayo, sir.

VICE-GOVERNOR LEVISTE:  Maraming salamat po, tulad po ninyo, ako ay Laging Handa. At congratulations po sa inyo at Usec. Rocky sa napakagandang programa. More power to you!

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po. Pinasasalamatan din natin si Monsi Serrano. Ang sabi niya, the Philippine business and news supporting siyempre sa ating Laging Handa. Samantala, makibalita naman tayo kay Alan Francisco mula sa Farmers Market, Cubao.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Alan Francisco, nag-uulat mula po sa Cubao.

SEC. ANDANAR: Alam mo, Rocky, gusto ko lang i-emphasize itong Bayanihan Act dahil dito sa Section 6 ay nandito nakasulat iyong penalties para doon sa engaging in hoarding, profiteering, injurious speculations, manipulation of prices, product deception and cartels, monopolies or other combinations in restraint of trade or other pernicious practices affecting the supply, distribution and movement of food, clothing, hygiene and sanitation products, medicine and medical supplies, fuel, fertilizers, chemicals, building materials, implements, machinery equipment and spare parts required in agriculture industry and other essential services and other articles of prime necessity whether imported or locally produced or manufactured. Ito po ang parusa: In addition to acts or omissions already penalized by existing laws, the following offenses shall be punishable with imprisonment of two months or a fine of not less than 10,000 pesos but not more than one million pesos, or both.

USEC. IGNACIO: Iyan, iyan iyong nagti-take advantage.

SEC. ANDANAR: At kasama rin diyan iyong mga nagpapakalat ng fake news.

USEC. IGNACIO: Kasi sa panahong ito, bakit nila naiisip gawin iyong mga ganiyang bagay, Secretary? Hindi ko lang maintindihan kasi. Sana payapain natin ang kalooban ng marami instead na gawin iyan ay kung anu-ano pa ang ginagawa ninyo kasi nandoon lang kayo sa bahay. Pero huwag naman po kayong magpapakalat pa ng mga hindi tamang balita na magpapakalat din ng takot sa bawat mamamayang Pilipino.

SEC. ANDANAR: It is our civic responsibility ngayon na magtulungan at huwag magpakalat ng fake news, at iyong mga negosyante ay huwag namang abusuhin at huwag namang mag-over pricing.

Sabi nga ni General Eleazar – ‘di ba bisita natin siya, siya iyong Chairperson ng Task Force COVID para dito sa pinagsamang puwersa ng PNP, AFP, etc. – ay sasampulan talaga nila.

USEC. IGNACIO: Yes, talagang matindi iyong babala ni General Eleazar. Secretary, mayroon lang nagtatanong dito: Ano daw ang patakaran ng pamamahagi ng quarantine passes? Dito raw sa may Cainta, particular daw sa isang barangay doon sa isang … Isidro, Sto. Domingo, hindi daw po yata nakakaabot sa mga homeowners hanggang ngayon iyong kanilang quarantine passes.

SEC. ANDANAR: Iyong pamamahagi po ng quarantine passes ay nakadepende sa inyong LGU. Kung ano po ang patakaran ng inyong LGU, iyon po ang masusunod. Now, bagama’t ito po ay ini-encourage ng Department of Interior and Local Government na magkaroon ng quarantine passes ay depende pa rin po iyan sa inyong LGU kung sila ay mamamahagi ng quarantine passes o hindi.

So the best bet is to go to your barangay at doon po kayo magtanong. Kung hindi po kayo makalabas dahil wala nga kayong quarantine pass, ang gawin ninyo po ay tawagan ninyo ang inyong barangay captain or inyong mga barangay kagawad.

Muli, maraming salamat po sa ating mga na-interview ngayong araw bilang pagtugon sa mga katanungan ng ating mga kababayan. Marami na naman tayong mga katanungan na nabigyan ng kasagutan kaya naman maraming-maraming salamat pong muli kina PhilHealth President and CEO Retired Brig. Gen. Ricardo Morales, Dr. Rey Salinel, Batangas Vice-Governor Mark Leviste at mga kasamahan po natin sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno.

USEC. IGNACIO: Secretary, mayroon ding nagtatanong, concerned citizen. Tinatanong nila: ano daw ang possibility na ma-extend ang enhanced community quarantine?

SEC. ANDANAR: Well, that is a very speculative question. As much as possible, sana hindi na ma-extend. Kaya the best thing to do is stay at home, social distancing, physical distancing, sundin po natin ang ating pamahalaan nang sa ganoon ay mapigilan po natin ang pagkalat nitong COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Nandito naman po ang PTV, ang ating mga kasamahan pa sa ibang network, ang mga radio para po ipaabot sa inyo ang mga balita mula po sa pamahalaan. At dito lang talaga ninyo kukunin, huwag na iyon sa mga iba pang maling balita, siyempre sa tulong pa rin po ng PCOO.

SEC. ANDANAR: Pilipinas, dito nagtatapos ang ating Public Briefing ngayong araw para sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas at buong mundo. Asahan po ninyo na patuloy kaming maghahatid ng mahahalagang impormasyon sa ating patuloy na paglaban sa banta ng COVID-19.

Kaya naman muli, taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga walang sawang nagseserbisyo para sa kapakanan ng mga mamamayan, iyong mga frontliners po na walang tigil na nagtatrabaho para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

USEC. IGNACIO: Sa atin pong mga doktor, nurses, medical staff, sa ating mga sundalo at pulis at pati na rin po iyong patuloy na nagtatrabaho katulad namin dito upang maiabot ang agarang tulong para sa ating mga kababayan, maraming salamat po at mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR: Lahat po tayo ay magkaisa at magtulungan para tuluyang masugpo ang COVID-19 sa ating bayan. Ako po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Magkita-kita po tayong muli dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)