SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Samahan ninyo po kami muli para sa talakayan ng mga maiinit na usapin ukol sa ating laban kontra COVID-19.
USEC. IGNACIO: Kasama pa rin po ang iba’t ibang kawani ng pamahalaan na patuloy na naghahatid sa atin ng mga importanteng impormasyon. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: At ako naman po si Secretary Martin Andanar, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya po ay makakasama natin sa programa sina Department of Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.
USEC. IGNACIO: Samantala, makakasama rin po natin sa paghahatid ng mga ulat ang PTV correspondents mula po sa iba’t ibang probinsiya.
Para naman po sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
Samantala, para po sa ating unang balita: Nagsilbi pong motibasyon para kay Senator Bong Go ang paalala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kaniya na unahin ang interes ng bawat Pilipino. Kaya naman bilang mambabatas, sa natitirang halos dalawang taon na paninilbihan, sisikapin aniya ng Senador na masugpo ang anumang iregularidad o anomalya sa paggamit ng public funds. Dagdag pa ng Senador, sinisiguro rin aniya nito na hindi magiging hadlang ang pagkakaibigan at pulitika sa pamamaraan ng Pangulo upang labanan ang korapsiyon.
Para sa iba pang balita, Senator Bong Go nagbigay naman ng pahayag kaugnay sa kahalagahan ng pagbibigay importansiya para sa mga nagtatrabaho bilang freelancers. Aniya, ngayong panahon ng pandemya, sa pamamagitan ng Freelance Protection Act ay masisiguro ang kanilang proteksiyon at mga karapatan.
SEC. ANDANAR: Ngayon, pag-uusapan po natin ang COVID-19 vaccine at clinical trials na pangungunahan po ng DOST. Para alamin ang mga detalye at katotohanan ukol sa mga isyung nakapaloob dito, makakausap natin si DOST Secretary Fortunato dela Peña. Magandang umaga po sa inyo, Sec. Boy.
SEC. DELA PEÑA: Magandang umaga, Sec. Martin at sa ating mga tagasubaybay.
SEC. ANDANAR: Naatasan po ang DOST na i-lead ang mga gaganaping COVID-19 vaccine clinical trials. Nasaang parte na po ba tayo ng proseso ng paghahanda para dito?
SEC. DELA PEÑA: Mayroon na kasing kumpanya from the different countries na nagpakita ng interes, separate pa ito doon sa WHO Solidarity Trials, although, it’s possible na itong mga ito ay makasama rin sa WHO Solidarity Trials. Sa kasalukuyan, mayroon na tayong pitong kandidatong vaccines na nakipagpirmahan sa confidentiality data agreement. Ibig sabihin, willing silang ibigay ang lahat ng datos na may kinalaman sa trials na ginawa nila sa kanilang bansa. Kung alinman iyong pinakamataas na level na narating nila ay sakop iyon, kung Phase 1, Phase 2, o kaya naman Phase 1, Phase 2, Phase 3 na ang natapos nila.
Ang unang-unang data agreement, confidentiality data agreement ay naganap with the Gamaleya, iyong Russian, tungkol sa Russian vaccine. At sumunod dito ang isa naman na galing sa US. At mayroon pang lima na nakipagpirmahan na, isa ay bakuna from Taiwan, dalawa sa China at isa sa pa uli sa Russia at saka isa sa Australia.
So ang ating sistema kasi, kapag iyan ay ibinigay nila ang datos ay susuriin iyan ng ating vaccine expert panel na kasama namin sa sub-TWG on vaccine. And kung maganda ang kanilang resulta ng pagsusuri ay ipapasa na iyan sa FDA natin para naman maaral ng FDA kung bibigyan na ng go signal for clinical trials. Of course, it is assumed that the trial is – we will do it would have already – by that time, secured the authority of the ethics group, okay.
SEC. ANDANAR: Kapag nagsimula po ang clinical trials, gaano po karami ang kailangang volunteers at saan pong mga lugar sila manggagaling? Paano po sila pipiliin?
SEC. DELA PEÑA: Oo, so dalawang klase iyan, Sec. Martin. So ito iyong tinatawag na independent trials, iyon ay hindi kasama sa WHO Solidarity Trials. Doon kasi sa WHO ay mas kukonti ang kailangang volunteers kasi there are, I think, 80 other countries who will be doing it. Kung hindi man sabay-sabay, basta maraming bansa ang magta-trials na sabay-sabay. So ang pagkakaalam namin for the WHO Solidarity Trials, we may need only around 1,000 volunteers.
Pero kung ito ay independent trials na dito lang gagawin, halimbawa, at walang kasabay ay mangangailangan ng around 6,000 volunteers, maliban na lang kung may kasabay din sa ibang bansa. Katulad, halimbawa, nung sa Sputnik 5, kung halimbawang ito ay bibigyan ng go signal ng FDA, mayroon silang apat na bansang kasabay sa Phase 3 trials ng Sputnik 5 vaccine. Kasama dito ang trials sa Russia, sa Brazil, sa Saudi Arabia at sa United Arab Emirates. So that will also reduce the number of volunteers that’s being required.
So, iyan ang ating mga bilang. Inaprubahan na rin ng ating IATF ang rekomendasyon natin tungkol sa zoning. Hindi puwedeng magkaroon ng dalawang trials sa isang zone. So in-enumerate na namin ang walong zones – lima doon ay sa Metro Manila, ang isa ay sa CALABARZON at ang isa ay sa Cebu. So anim sa Metro Manila, isa sa CALABARZON, isa sa Cebu. Hindi puwedeng magdoble ang clinical trials sa isang zone. At ang priority sa zoning ay sa WHO Solidarity Trials pero titiyakin natin na iyong mga independent trials ay magkaroon din ng trial zones.
Ang pinipili kasing lugar ay iyong mataas ang incidence ng COVID-19. So iyong mga barangay na naruroon o malapit doon, usually it will require anywhere between five to ten barangays for a trial. At ang pipiliin nga ay iyong mga lugar na mataas ang COVID-19 cases. Kung hindi kasya doon sa napiling mga barangay, maaari pang mag-overflow sa karatig na barangay. Importante kasi na iyong lugar na pipiliin ay malapit doon sa mga lugar na mataas ang incidence o ang cases dahil ating susubukan ang efficacy nang bakuna.
SEC. ANDANAR: Ano po ang mga guidelines na inaprubahan ng IATF para masigurong magiging ligtas po ang clinical trials na gagawin, kung mayroon pong guidelines na napag-usapan?
SEC. DELA PEÑA: Iyon nga po ay noon pa naman napag-usapan na kahit aling bakuna ay magdadaan, unang-una, doon sa evaluation or assessment ng vaccine expert panel natin. Tapos, kung okay doon sa vaccine expert panel ang nakita nila, iyan naman ay i-endorse sa FDA natin na susuriin pa rin iyong rekomendasyon ng ating vaccine expert panel at iyong mga datos na kasama noon.
Pero may pangatlo pang approval, iyong sa research ethics board. Kung alinmang ethics board ang nakakasakop sa kanila ay kailangang magdaan sila doon para masiguro na may adequate protection ang mga babakunahan dahil ito po ay mga human – human ito! Hindi ito iba pa na bibigyan mo ng bakuna kung hindi mga tao kaya kailangang tiyak na ligtas.
Halimbawa, kung sa isang lugar ay doon kukuha kailangan ay talagang residente doon, hindi puwedeng mga transients kasi kailangan ay ma-monitor sila pagkatapos maibigay ang mga bakuna. Medyo matagal din ang monitoring niyan at iyan ay naaayon naman sa ating WHO protocol at iyan ay bilang pagsuporta din sa probisyon ng ating Universal Healthcare Act.
So, there are companies kasi na bagama’t advanced na sila, ayaw naman nila sumali sa WHO Solidarity Trial kaya iyon iyong mga independent trials na ating tinatawag. Mayroon din kaming rekomendasyon na inaprubahan na magkakaroon ng harmonization in terms of the compensation that will be given to volunteers. Iyon namang compensation hindi naman suweldo iyon, iyon ay pagbibigay lamang ng kompensasyon sa araw na mawawala doon sa mga taong babakunahan dahil sila ay hindi makakapagtrabaho sa araw na iyon, kailangan sila bigyan ng meal allowance, bigyan ng transportation allowance kung sila ay magbibiyahe.
So, iyan ang ating mga basic patakaran para dito sa ating vaccine trial. So, iyong zoning pati iyong alin-aling zones iyon ay inaprubahan na. Halimbawa, sa Maynila ang trial zone areas ay ang PGH at saka ang Manila Doctors. Halimbawa, sa Quezon City it would be St. Luke’s Quezon City at kung hindi ako nagkakamali ay itong Lung Center. At doon naman halimbawa ay diyan sa gawing south ay diyan sa Asian Hospital at saka St. Luke’s BGC. So, iba-iba.
Doon naman sa gawing CALABARZON ay iyong De La Salle University sa Dasmariñas at sa Cebu ay iyong zone naman na iyon ay covered ang Vicente Sotto Medical Center at ang Chong Hua Hospitals. So, iyon ang ibig sabihin namin ng zoning.
SEC. ANDANAR: Sec. Boy, marami ang nagtatanong paano po ba isinasagawa ang Phase 3 ng clinical trials sa isang bansa? Ano po ba ang mga prosesong pagdadaanan? Mayroon din pong mga nagsasabi na kailangan ito ay WHO approved. Ano po ba ang sistema, Secretary Boy?
SEC. DE LA PEÑA: May protocol naman talaga at iyon namang protocol ng WHO, iyon din ang ating protocol ng DOH ano at iyan ay may kinalaman sa kung anong edad ang pipiliin sa volunteers at kung ano iyong kanilang health condition, iyan ang kailangan at iyon nga, kailangang ma-monitor sila. Kaya kung magkaroon tayo ng problema sa mobility up to the time na mayroon tayong vaccine trials ay iba-ibang paraan ang gagamitin para sila ay ma-monitor.
So, puwedeng doon patulungin ang mga barangay health workers, puwedeng gamitan sila nitong pang-monitor through technology, ang ating cellphones o email at iyan ang mga pamamaraan na sila ay ma-monitor para sigurado tayo na walang mangyayaring masama sa ating mga magpa-participate sa vaccine trials. Iyon ang ating mga sinusunod na patakaran at inuulit natin, ang prinsipyo na ating sinusunod, number one is safety; number two is efficacy; ang number three is transparency. So, iyon ang mga prinsipyo na sinusunod natin.
SEC. ANDANAR: Gaano po katagal bago magkaroon ng resulta ang Phase 3 ng clinical trials na gagawin based on historical facts o iyong mga iba pang vaccine na dumaan po sa third phase?
SEC. DE LA PEÑA: Iyon kasing kaibahan lang ng Phase 1, Phase 2 at Phase 3, ay sa size ng sample. So, iyong Phase 1 kasi magsusubok ka muna sa kaunti muna, gusto mo munang makita kung ano ang magiging reaksiyon. Kapag maganda, pupunta ka doon sa Phase 2 na marami-rami na ang kukuhanin mo; at pagdating sa Phase 3, talagang maramihan na, libo na ang pinag-uusapan ano.
Ang—ano nga ba ulit iyong tanong mo, Sec. Martin?
SEC. ANDANAR: Opo. Gaano po ba katagal bago magkaroon ng resulta?
SEC. DE LA PEÑA: Ah, katagal. Estimate nila, anywhere between three to six months. So, kung halimbawa—
SEC. ANDANAR: So, if we—
SEC. DE LA PEÑA: —let us say iyong WHO na nag-announce na magsisimula sila ng Oktubre, siyempre simula naman niyan ay marami pa ring preparasyon. Iyong pagre-recruit at pag-aayos ng mga facilities iyan ay baka magsimula ng… pinakamaaga na iyong Nobyembre. So kung magbilang ka ng six months from November, iyon ang ating mga estimate. Hindi pa rin naman nababago iyong ating tantiya na second quarter of 2021 ang pinakamaaga.
SEC. ANDANAR: Mayroon na po bang listahan ng mga vaccines na papayagang magsagawa ng clinical trial dito sa ating bansa? Kung mayroon man po, ilan po ang mga ito?
SEC. DE LA PEÑA: Iyong sa WHO ay hindi pa lumalabas at iyan ang mino-monitor ng ating vaccine expert panel. Kasi paglabas niyan ready naman tayo, nakahanda na iyong ating mga trial sites for the WHO at nakahanda na rin iyong ating budget para diyan. We have allocated over P89 million para diyan sa Solidarity Trials. Ngayon, iyong independent trials ay sila ang gagastos sa sarili nila. At kung sa dami, ang gusto kong pagbasehan ay iyong mga pumirma ng confidentiality data agreement na aabot na sa pito.
SEC. ANDANAR: Para po sa ating mga kababayan, Sec. Boy, ano po ba ang dahilan kung bakit wala po tayong sariling vaccine na idini-develop dito sa ating bansa? Ano po ba ang dapat gawin para ma-improve pa ang pasilidad ng bansa para sa vaccine development?
SEC. DE LA PEÑA: Depende iyan kasi noong araw naman ay—ang alam ko nagpo-produce ng bakuna sa RITM ano at ito, iyong pagkaalam ko, iyong mga karaniwang ibinibigay sa mga bata na… anong tawag doon? Iyong immunization sa mga bata, iyong mga bakuna na iyon. Hindi ko alam kung gumagawa pa ba sila noon or natigil na pero iyong kasing mga sakit o diseases na dala ng mga bagong virus katulad ng COVID-19 na bagung-bago ay wala tayong kakayahan pa na gumawa ng bakuna para diyan.
At iyan nga ang aming dahilan. Unang-una, wala pang facilities, walang talagang definite organization na tututok sa paggawa at pag-reasearch sa bakuna at saka, iyon nga… iyong human resources ay hindi pa tayo handa. Kailangan ay mayroon ka talagang mga full time diyan na magri-research. Bagama’t tayo ay nakapag-develop na ng mga PhD at MS through our DOST scholarships na handang-handa na rin kung magkakaroon na tayo ng sarili nating institusyon na idi-devote sa viruses at sa pag-develop ng mga gamot o kaya ay diagnostic kits or bakuna para diyan.
Kaya nga ating isinusulong ang pag-aapruba doon sa aming iprinopose at sinuportahan naman sa parehong Houses – sa House of Representatives at sa Senado – sinuportahan by way of sponsorship of the Bill on the Virology Science and Technology Institute of the Philippines.
Sinuportahan din tayo ng infrastructure cluster sa Cabinet sa pamamagitan ng pag-apruba nila kahit wala pa nga iyong approval ng batas on the creation of the institute ng a certain amount, almost half a billion para itayo ang infrastructure and facilities for that virology institute.
Ang BCDA naman ay mabilis na tumugon na mag-identify ng lugar na kung saan itatayo iyong facility na ito kasi kailangan medyo malaki din dahil marami tayong high level biosafety laboratories na kailangang i-construct kasama na diyan iyong mga animal houses para doon sa pre-clinical trials. At nagpapasalamat din kami kasi ang DBM kahit nga wala pa iyong batas ay nag-set aside ng almost three hundred million kung sakaling maaprubahan na iyong batas ay magagamit na para sa pag-procure ng initial ng laboratory equipment at magagamit na rin sa mga unang research na gagawin.
Tandaan natin na itong virology institute na ito ay hindi para lang sa virus na uma-attack sa tao, kasama din dito ang virus na umaatake sa mga hayop at sa ating mga crops na inaatake din ng iba’t ibang peste. So iyon ang dahilan kung bakit malaki ang aming hangad na maitayo ang virology institute na iyan. At doon naman sa provision ng prinopose na bill ay naka-outline naman kung ano ang magiging relasyon at role ng mga existing organizations with the research institute. So okay naman, nagbigay na ng endorsement halimbawa ang DOH, ang RITM, ang Genome Center of the Philippines at iyong mga professional organizations katulad nang mga involved sa microbiology at saka diyan sa infectious diseases.
So nagdaan na kami sa dalawang hearing at umaasa kami na ito ay mabibigyan ng prayoridad dahil hindi natin alam, kung matapos man itong pandemic na ito, kung titingnan natin ang nagdaang panahon wala pang sampung taon ay mayroong dumadating na bagong umaatakeng virus. So naranasan natin iyan noong umatake ang Ebola, noong umatake ang SARS CoV 2 at ngayon nga ay itong COVID-2019.
Ganoon din naman sa hayop, hanggang ngayon hindi pa natin alam kung papaano ang solusyon sa ating ASF bagama’t mayroon na pong agreement ang DOST at DA sa pamamagitan ng kanilang Bureau of Animal Industry para bilisan ang research para sa ASF. Dahil hindi lang po COVID-19 ang problema natin, malaki pa rin ang problema natin sa ating mga livestock na piggery.
USEC. IGNACIO: Opo. Bigyang-daan lang po natin Secretary ang tanong ng ating mga kasamahan sa media. Ito po iyong unang tanong, mula po kay Joseph Morong ng GMA-7: How many companies daw po or government are interested in conducting vaccine trials here in the Philippines and what are the proposed schedules?
SEC. DELA PEÑA: Maraming [garbled] sila, ang aking binanggit lang ay iyong mga nakipagpirmahan na doon sa confidentiality data agreement na sa aking listahan ay umabot na sa pito at mayroon pang mga pending na apat pa, iyong pending na agreement. Mayroong mga interesado na walang balak mag-clinical trial sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Joseph Morong ng GMA-7: What have we done so far to make sure that we will get vaccines once they become available? For example daw po iyong Mexico has signed an agreement with Russia for a supply of vaccine enough for 23% of its population.
SEC. DELA PEÑA: So far ang ating ginawang commitment ay iyong ating pagpirma din doon sa COVAX Facility at sumang-ayon ang DOH na pumirma diyan sa pagsu-subscribe doon sa certain percentage for vaccines. Ang allowed lang kasi na i-commit doon ay anywhere between 3% to 30% of the country’s population, so it will now depend on the decision of our DOH kung ilan ang kailangan. Dahil sabi nila ay para daw magkaroon ng health immunity, kailangang 60% ng ating populasyon ay mabakunahan.
Iyon din ang dahilan natin kung bakit gusto natin itong WHO solidarity trials dahil ito ay makapagbibigay sa atin ng ika nga assurance na magkakaroon tayo doon sa mga vaccines na papasa diyan. At iyan naman ay kasama na rin doon sa kanilang pipirmahang agreement with the Research Ethics Board.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pa rin po siyang tanong: May we know iyong mga companies daw po from the mentioned countries, ano po ang pangalan din ng vaccine?
SEC. DELA PEÑA: Ay, hindi ko po alam ang pangalan ng vaccine. Ang alam ko lang na may pangalan ay iyong Sputnik V pero iyon pong mga centers ano doon sa ibang bansa na matagal na rin namang nakikipag-usap at okay na sa kanilang makipagpirmahan ng confidentiality ay iyong Adimmune ng Taiwan, iyong Sinovac at Sinopharm ng China, iyong Seqirus ng Australia at iyong RDIF ng Russia. Hindi ko alam kung itong RDIF ay ito rin iyong Sputnik V.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, iyon daw pong 6,000 or 6K is commulative or only one vaccine lang? Iyong kanina po yatang nabanggit ninyo.
SEC. DELA PEÑA: Ang sabi kasi sa akin doon sa aming expert sa aming Council for Health Research and Development at through the vaccine expert panel, kung halimbawa sa isang lugar lang gagawin iyong clinical trials ay 6,000 volunteers pero kung sabay-sabay halimbawa sa iba’t ibang lugar na parang pinaghahatian iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano na lang po ang inyong mensahe sa ating mga manonood at mga kababayan po natin?
SEC. DELA PEÑA: Eh iyon pong ating tungkol sa bakuna, maski araw-arawin natin ang tanong, hindi natin mamamadali kaya tayo po ay sumunod sa mga sinasabi nating pag-iingat ng ating pamahalaan – iyang distancing, iyang mask, iyang mga face shield at ang pag-aalaga sa ating kalusugan at umiwas doon sa mga lugar na nirirekomenda nilang iwasan para nang sa ganoon bumaba ang probabilidad ng transmission.
Pero ganoon pa man ay ang gobyerno naman ay gumagawa ng hakbang para unti-unti tayong makabalik sa ating ‘ika nga economic activities para naman tayo ay mabuhay ano, dahil kailangan din nating kumita. So kailangan lang tayong magtiyaga at kagaya nga ng sabi ko kahit araw-araw ninyong itanong eh hindi natin mamamadali dahil ang bakuna po ay kailangang maging safe. Tandaan po natin, importante na maging safe ang bakuna.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, DOST Secretary dela Peña.
SEC. DELA PEÑA: Salamat din po.
USEC. IGNACIO: Ngayon naman po ay kumustahin natin ang sitwasyon sa Valenzuela City at pag-usapan po natin ang mga epektibong istratehiya ng lokal na pamahalaan upang po labanan ang COVID-19. Narito po, makakausap natin si Mayor Rex Gatchalian. Good morning po, Mayor.
MAYOR GATCHALIAN: Magandang umaga at magandang umaga rin sa lahat ng nanonood ng inyong programa. Thank you for having me ma’am, thank you po.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kumusta po iyong bilang naman ng COVID-19 cases sa Valenzuela City at ano po iyong kasalukuyang mga pagsubok ng lungsod sa pag-control po ng COVID-19 sa inyong lugar?
MAYOR GATCHALIAN: Well ang total reported cases na natin as we speak is 5,549 pero ang active na lang po diyan 1,100 at lahat po sila nasa isolation facilities natin or nasa mga hospitals natin kapag mayroon ho silang mga sintomas.
Now pagdating ho sa challenges, siyempre nandiyan pa rin iyong—mayroon pa ring mga matitigas na ulo na ayaw sumunod doon sa mga minimum health standards ‘no – iyong pagsuot ng mask, social distancing, iyong paghugas ng kamay. Marami pa ring mga matitigas na ulo kaya patuloy pa rin kaming nanghuhuli.
Ang sabi ko nga, kung iyong mga tao susunod na lang, iyong effort natin matutuon na lang sa pagtulong doon sa mga nagkasakit na eh. Pero nadi-distract tayo kasi mayroon pa rin talagang mga matitigas ang ulo maski papaano.
USEC. IGNACIO: Opo. Kahapon po nagkaroon po ng turnover ceremony ng bagong COVID-19 isolation facility sa Valenzuela City. Mayor, kumusta po iyong facilities nito at kailan po magsisimulang magamit?
MAYOR GATCHALIAN: Yeah. Well ma’am, iyan ang panlabing apat natin na facility. We are currently running 13 right now. Ang total na natin 1,200 plus na mga kama. Kapag sinama iyan, that’s another 44 beds and then nagtatayo pa iyong pamahalaang nasyonal ng dalawa pa, dalawa pa na isolation facilities as we speak. Iyong tinurn-over kahapon napakaganda kasi iba siya, it really gives you that sense na may privacy iyong pasyente.
Kasi alam naman natin, ngayon ang ginagamit namin iyong drug rehab facility namin na brand new at saka iyong mga paaralan natin. Maski na naglalagay tayo ng mga isolation pods sa loob katulad ng nakikita ninyo sa picture, siyempre nothing beats iyong ginawa ng DPWH, ng IATF na may sarili siyang toilet, may aircon siya sa loob, maliit man, cute nga siya pero functional and it gives you that sense of privacy.
We’re looking forward to doon sa dalawa pang itinatayo na ganiyang facility kasi mas maiengganyo pa natin iyong mga mamamayan natin na magpunta sa isolation facilities. Kasi ‘no home quarantine’ tayo dito sa Valenzuela and it makes our jobs easier kapag kaaya-aya iyong paglilipatan nilang isolation facility for 14 days.
USEC. IGNACIO: Opo, makakatulong po ng malaki iyan doon sa mga nakakaramdam pa rin ng masamang pakiramdam. Mayor, sapat po ba iyong kapasidad ng ating mga medical facilities para sa COVID-19 patients sa lungsod at mayroon po ba kayong target na makapagdagdag pa ulit ng isolation facilities kung kinakailangan pa po ba?
MAYOR GATCHALIAN: Sa lungsod iyong mga hospitals natin medyo bumababa na iyong operating capacity nila, admittedly noong mga last one month medyo laging punuan ano, pero ngayon, unti-unti ng nagno-normalize, kasi nakikita naman natin ngayon doon sa numero sa buong Metro Manila na pababa na. Eh iyong Valenzuela iyong numero namin is not as bad as a couple of weeks ago na we were averaging mga 60 to 80 in day; ngayon, nasa 30 to 40 na lang tayo and marami pa asymptomatic. So. unti-unti ng nagno-normalize iyong operations ng mga hospital natin, pero just the same kasi nagri-refer rin tayo sa mga malalapit na mga tertiary hospitals, katulad ng East Avenue at Tala.
Noong nagpunta nga dito iyong IATF, may mga ibinigay pa sila sa atin na mga hospitals kung saan tayo puwedeng mag-refer outside Valenzuela City.
Now, pagdating naman sa pagdagdag pa ng isolation facility, sana hindi kailangan, ibig sabihin, sana hindi na dumadami. Pero nakahanda tayo, may buffer pa tayo na mga 200 beds at any time puwedeng mag-operate ang mga iyan; pero sana huwag na nating gamitin.
USEC. IGNACIO: Mayor, bigyang-daan ko lang po iyong mga tanong ng ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Jinky Baticados po ng IBC 13. Ang una po niyang katanungan. Valenzuela City was commended daw po by the national government COVID-19 response for the holistic action against the pandemic. In spite of being the benchmark of other LGUs on your pandemic response, ano daw po iyong challenges you are facing for you to be able to meet your goal of a COVID free city?
MAYOR GATCHALIAN: Tatlong bagay. We have been focusing on testing, tracing and isolating. Aminado kami, talagang doon namin binubuhos lahat ng effort natin. Pero may pang-apat na aspeto na pino-point out lagi ng pamahalaang national, iyon iyong education. Meaning, bago pa dapat ma-infect iyong mga tao, huwag na nating paabutin na kailangan niyang mag-test at mag-contact trace, kung hindi kailangan mapalitan natin iyong mindset nila. We should ingrain in their minds na the minimum health standards – wearing your mask, wearing your face shield – kailangan part of lifestyle na iyan, hindi na iyan optional.
Aminado tayo na hindi pa perpekto sa ganoong anggulo, but kailangan natin talagang mapukpok ng mapukpok. So we are going to make a significant investment in changing mindsets and kumbaga kailangang magkaroon ng paradigm shift na itong mga minimum health standards are not an exception or a special thing that you do, but rather it’s a way of life. And in order to do that, we really have to push hard on educating the population, ingraining it in their mindsets.
So, we are going to add a fourth cog which is investing in education, kasi sabi nga ng IATF the preventive steps are cheaper than what we are doing right now and mas malaki iyong tiyansa na matapos natin itong pandemya kung iyong mga tao susunod doon sa minimum health standards.
USEC. IGNACIO: Pangalawang tanong po ni Jinky Baticados, we know that in your city daw po you first implemented the no home quarantine, iyong sinasabi nga ninyo nga kanina, no home quarantine policy. Can you tell us about it and your reaction now that the national government through DILG and DOH has a joint memorandum to implement this policy?
MAYOR GATCHALIAN: Ma’am, ako, I will have to first admit na idea really came from DILG. Noong mga February pa lang, kung matatandaan natin si Secretary Año iyong naglunsad, nag-push sa mga LGUs na magtayo ng central isolation units. Doon namin talaga nakuha iyong konsepto na iyon. Kaya nga sabi ko ang lifesaver sa Valenzuela, iyong Central Isolation Units namin.
So, na realize namin early on na mas magiging epektibo kami sa pag-stop ng chain of infection kung lahat ng nagpa-positive nasa Central Isolation Units.
So that is why we implemented the no home quarantine protocol and natutuwa kami na maski papaano eh nabibigyan tayo ng kredito doon sa pag-implement niyan. Although uulitin ko, the idea came from the national government. Kami we merely followed. Sabi ko nga marami sa mga ini-implement namin dito sa Valenzuela or kung hindi lahat ay pagsunod lamang sa mga alituntunin na mula sa pamahalaang national.
The experts are all in the national government, they came up with all these protocols; meaning, napag-aralan nila iyan. Ang kailangan lang gawin ng mga local government units is to implement. And kami that is what we did, we implemented it to the dot and I think magandang hakbang iyong ginawa ngayon ng DOH at ng DILG na talagang ipatupad na iyong no home quarantine. In Valenzuela City, we started doing that noong pumutok pa lang iyong pandemya. Dati nga noon, dalawa lang iyong isolation unit namin, nanganak na lang ng nanganak dahil nga hindi talaga kami pumapayag na nasa bahay iyong mga nagpa-positive.
Kaya we are in the course of six months, iyong population natin medyo nasanay na doon sa kultura na kapag nagpa-positive sila alam nila mag-impake na dahil susunduin sila, ililipat sila sa isolation unit. It is for their own good and it’s for the safety for their families as well.
USEC. IGNACIO: Okay, kasama rin po ang Valenzuela, Mayor, sa mga nag-upgrade ng contact tracing efforts gamit po iyong teknolohiya. Ano po iyong strategy ninyo rito at paano rin ninyo balak na ma-improve pa ito?
MAYOR GATCHALIAN: Well unang-una, ang ginawa natin nagtayo tayo ng mega contact tracing center. Iyong mega contact tracing center natin, 160 na contact tracers ang nandiyan. So, naka-ingrain iyan sa population na kapag ikaw ay may nararamdaman or na-expose ka, tawag ka kaagad sa CESO number at mayroong mga health practitioners, kasi lahat ng mga sumasagot sa call center are health practitioners or coming from allied medical fields. Lahat sila they are ready to help you assess if you need testing and then ipapa-test ka namin kung kailangan, pero ang ginagawa namin, home swabbing kami. We don’t let them leave their houses anymore. Once ma-swab sila, habang inaantay ang resulta, two days nila-lockdown namin iyong bahay nila, as in literally may bantay doon. Kapag nag-positive, tulad ng nasabi ko nga, huhugutin natin iyong nag-positive at ililipat sa isolation unit. Para talagang nakakasigurado tayo na nako-contain natin iyong mga PUI, PUM na mga suspects or probable.
Now, hindi lang sapat iyong physical na nagdagdag tayo ng contact tracers, alam namin na kailangan automated din, that is why we have our own Valenzuela contact tracing app. Itong app na ito is leered sa mga mapa namin, sa GIS maps namin, sa mga tax maps namin to give us an idea kung nasaan iyong mga clusters, nasaan iyong mga relations, para alam namin kung mayroon kaming kumakalat na cluster na puwede naming i-lockdown. It gives us a better idea on making policies for governance actually.
Now, how to improve it further, we are actually working with the DOST right now, sila iyong big brother ng Valenzuela, Secretary Dela Peña on a predicative predictive tools. Mayroon sa DOST iyong faster app, na iyon ang tinatrabaho ng Valenzuela LGU pati ng DOST na ma-link namin iyong aming contact tracing app sa faster app ng DOST para nakakagawa kami ng mga predictive models – case doubling time, other economic models, faster security models na mayroong faster. We are linking up the two systems as we speak right now.
USEC. IGNACIO: Target po rin ng lungsod nga na makapag-test ng 10% ng inyong population gamit po iyong RT-PCR testing. So, ano na po iyong ginagawa ninyo dito para po maabot iyong target ninyo, Mayor?
MAYOR GATCHALIAN: Well, right now, kung matatandaan natin, iyong Valenzuela iyong isa sa nauna or nauna na LGU na nag-localize testing. Ang ginawa namin noong Holy Week, nag-partner up tayo sa mga pribadong laboratoryo at katulad ng Medical City, Detoxicare, Singapore Diagnostic at High Precision, nag-partner up kami, sa kanila kami nagpa-process. We bought the test lists from the FDA approved list of test kits and the we send it to them for processing. We do around 260 to 300 plus test a day.
Now, as we speak right now, we are already at 4% of our population. Para mapabilis namin iyong target at ma-hit natin iyong 10%, we are going to open our own molecular laboratory. Right now, habang nag-uusap tayo, nasa last stage na sila ng licensing natin, iyong proficiency test, So kapag pumasa sila diyan mapapatakbo na natin sa madaling panahon iyong laboratory natin, which can process as much as 700 swabs a day, kasi dalawa iyong PCR niya at fully automated siya. Sa ganoon paraan mapapabilis natin iyong target natin na 10% ng population.
Right now, we have done 24,000 individual PCR test, we have not done a rapid test, puro PCR and that’s 4% of our population, 6 more percent we would hit our target already.
USEC. IGNACIO: Opo, Mayor kumusta naman po iyong ating mga healthcare workers sa lungsod ng Valenzuela, regular din po ba iyong swab testing nila at namo-monitor din po ba ninyo kung tama iyong hazard pay na natatanggap nila, Mayor?
MAYOR GATCHALIAN: Sa tulong ng MMDA na-link up nila kami sa Philippine Red Cross; actually project din ito ng IATF. Binigyan kami ng additional na 200 test a day, iyang 200 a day na iyan pina-process ng Red Cross, dinedicate natin iyan sa mga frontliners natin both medical and non-medical.
So may nakalaan na 200 plus for our constituents and another 200 for our medical and non-frontliners. Sa tulong iyan ng IATF, Red Cross at saka ng MMDA. Ngayon pagdating naman doon sa economic packages nila, kami, we made sure na sumunod kami sa memo na nanggaling sa mga kinauukulan sa pamahalaan nasyonal and we paid out our hazard pays, iyong special allowances for frontliners. Sinisigurado natin na well taken cared-of sila. Ma’am, hindi naman perpekto, pero we are making sure na kung mayroon mang isyu, naa-address natin kaagad, iyong hindi tumatagal.
USEC. IGNACIO: Opo, mayroon po din kayong cash for work program, Mayor, para po sa mga nawalan ng hanapbuhay sa lungsod sa dahil sa community quarantine. So gaano na po karami ang natutulungan nito, Mayor?
MAYOR GATCHALIAN: Ma’am, actually programa iyan ng pamahalaang nasyonal, programa ng Department of Labor and Employment. Dinownload lang dito sa Lunsod ng Valenzuela, sabi ko nga maraming mga programa mula sa iba’t iba nating mga ahensiya ang nakakatulong ngayon sa mga mamamayan ng Valenzuela City. Umabot kami sa DOLE at ang dinulog namin doon iyong mga kasamahan natin sa public transport na hindi nakakabiyahe fully ngayon. So, mga libo na rin iyan, mga 2,00o na iyong napagbigyan ng DOLE sa kanilang cash for work and alam ko marami pang padating mula sa Department of Labor and Employment. Kaya nga sabi ko, nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan sa pamahalaang nasyonal sa mga iba’t ibang klaseng programa na ibinibigay, hindi lang for COVID pati na rin sa recovery, economic recovery.
USEC. IGNACIO: Opo, Mayor kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo para sa ating manunuod at siyempre para po sa inyong mga kababayan diyan sa Valenzuela City?
MAYOR GATCHALIAN: Sa mga kapwa kong Valenzuelanon, nais kong samantalahin ang pagkakataong magpasalamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa programa ng lokal na pamahalaan, mula doon sa home quarantine na bawal sa atin. At nais kong pasalamatan dahil nagko-cooperate kayo, kapag sinabing no home quarantine, kayo pa mismo ang nagpa-follow up kung kailan kayo susundin, sana patuloy ang partnership ng mamamayan at ng local na pamahalaan, dahil hindi kakayanin ng lokal na pamahalaan ang pagsugpo sa COVID, kung hindi po ninyo susuportahan.
Gusto ko rin hong samantalahin iyong pagkakataon na pasalamatan iyong mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaang nasyonal – DILG, DPWH at saka ang DOLE at saka DOST, iyong big brother namin. Patuloy silang gumagabay, patuloy na tinutulungan ang local na pamahalaan na makaraos dito sa pandemya na ito, especially doon sa guidance na ibinibigay ng IATF sa iba’t ibang mga isyu na hinaharap namin mula testing, isolating at saka sa tracing. Lahat iyan nagagawa ng lokal na pamahalaan dahil sa gabay ng pamahalaang nasyonal.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Mayor Rex Gatchalian and stay safe, Mayor.
MAYOR GATCHALIAN: Ma’am, thank you po. Maraming salamat, stay safe also.
USEC. IGNACIO: Samantala, upang bigyang-daan ang Hatid Tulong Program na layon pong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil po sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program. At para po sa ibang detalye, panuorin po ito.
(VTR)
SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin si Jorton Campana mula sa PTV Cordillera.
[NEWS REPORT]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Jorton Campana.
USEC. IGNACIO: Mula naman po sa PTV Davao, may ulat din si Regine Lanuza. Regine…
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Regine Lanuza.
SEC. ANDANAR: Mula sa PTV Cebu may ulat si John Aroa. John…
[NEWS REPORT]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Aroa.
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health as of September 9, 2020 umabot na sa 245,143 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 3,176 new COVID-19 cases; naitala rin kahapon ang 70 na katao po na nasawi kaya umabot na sa 3,986 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa; ngunit patuloy pa rin po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 185,543 with 376 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 55,614.
Samantala tulad ng ating araw-araw na paalala, maging BIDA solusyon laban kontra COVID-19. Ugaliin po ang pagsusuot ng face mask dahil sa pamamagitan nito napipigilan ang pagkalat ng droplets mula sa inyong bibig at ilong. Nababawasan din nito nang 67% ang chance na makahawa at mahawa ng sakit at bukod sa ating kaligtasan, ang pagsusuot ng mask ay nagpapakita rin ng respeto at courtesy sa mga taong ating nakakasalamuha. Simpleng paraan pero iyan po ay malaki ang naitutulong para labanan ang COVID-19.
SEC. ANDANAR: Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maari ninyo pong i-dial ang 894-COVID o kaya’y 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.
At iyan ang mga balitang nakalap po nating ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
SEC. ANDANAR: Asahan ninyo po ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
USEC. IGNACIO: Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: At muli mula rin po sa PCOO, ako po si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po tayo uli bukas para sa isa na namang #LagingHandaPH Public Briefing.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)