Press Briefing

Malacañang Insider hosted by Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama with Department of Finance Director Euvimil Nina Asuncion


PCO ASEC. VILLARAMA: Current developments, presidential directives, accurate and reliable updates straight from the Palace. Sitting-in for Daphne Oseña-Paez, I’m Assistant Secretary Joey Villarama for Malacañang Insider.

Formulating revenue policies that will ensure funding of essential programs of the government and accelerating economic growth and stability of the country, these are the commitments of President Ferdinand R. Marcos Jr. since his very first day of serving as the leader of the Philippines. Through the implementation of strategic policies, programs and initiatives, his goal is to strengthen the economy and promote welfare among Filipinos.

We have with us today Department of Finance Director Euvimil Nina Asuncion. Magandang umaga, Dir. Nina. Welcome sa ating programa.

DOF DIR. ASUNCION: Magandang umaga, Asec. Joey, a very good morning.

PCO ASEC. VILLARAMA: Pag-usapan po natin itong isyu ng sleeping funds. Mayroon po kasing mga kumakalat na fake news sa social media, pero sa speech ni Secretary Recto, dinebunk [debunked] niya iyong ilan sa mga fake news na ito, particularly iligal daw po itong pangungolekta ng sleeping funds. Ano po ba iyong paliwanag dito ng DOF?

DOF DIR. ASUNCION: Yes, the Department of Finance, the use of the unused funds is legal. Kapag ang pagbalik po ng unused funds to the National Treasury is alinsunod ‘no, it is in accordance with the provisions of the General Appropriations Act of 2024 where sinabi po doon na kung mayroon po tayong makita na unused funds in our GOCCs, ibalik po natin ito sa National Treasury para magamit po natin sa ibang programa at proyekto ng ating mga ahensiya at mga GOCCs.

PCO ASEC. VILLARAMA: So malinaw, Dir. Nina, na nasa batas siya. Pero have you sought further legal opinion on this issue?

DOF DIR. ASUNCION: Yes, of course. The Department of Finance ‘no, even with the provision, we sought legal opinions of the OGCC at ng GCG ‘no, and we even asked COA kung paano namin iri-report ito sa ating budget.

PCO ASEC. VILLARAMA: Mayroon ding kumakalat, Dir. Nina, na fake news na gagamitin daw itong kinukolektang sleeping funds para sa Maharlika Investment Fund. Gaano po katotoo ito?

DOF DIR. ASUNCION: Hindi iyan totoo. Iyan iyong sa isa sa mga bagay na dinebunk [debunked] talaga ni Secretary Recto – wala pong kinalaman ito sa MIF. Ang Maharlika Investment Fund, wala po siya sa line items ‘no na nasa unprogrammed appropriation. Nakalista po kung saan po gagamitin itong mga unused funds ng GOCCs.

PCO ASEC. VILLARAMA: Siguro iyong pinakamalawak o pinakamalaking fake news na kumakalat lalo na sa mga naghuhulog ng kanilang premium sa PhilHealth gaya natin ay mababangkarote raw ang PhilHealth dahil binabawi itong sleeping funds?

DOF DIR. ASUNCION: That is not true. Even if we take away the 89.9 billion from PhilHealth, mayroon pa pong matitirang 550 billion pesos sa kanilang pondo. Ito po ay enough para mag-answer po sa increase ng benefits of around 30%, ito po iyong prinamis [promised] ni President noong kaniyang SONA na mangyayari ngayong taon na ito; and even to answer for the claims two to three years down the line.

PCO ASEC. VILLARAMA: So you mentioned 89.9 billion iyong sleeping funds, bakit po ba nagkakaroon ng sleeping funds ang isang GOCC?

DOF DIR. ASUNCION: Maraming rason, depende rin on which GOCC. But for PhilHealth, ang nangyari po kasi dito, noon pong panahon ng pandemya, ang gobyerno iyong gumagastos ‘no, national government ang gumagastos para po sa vaccines. Umutang po tayo from our development partners, also, mayroon din po tayong mga nakuha from other government-owned and controlled corporations ‘no. Si PhilHealth, hindi po nagamit iyong mga pondo na nasa kaniya, even po iyong government subsidies that we provided them, naipon lang po at ang nangyari ay nakatulog na nga po doon sa kanilang coffers.

PCO ASEC. VILLARAMA: Siguro, Director, in connection to the fake news na mababangkarote iyong PhilHealth kapag binawi itong sleeping funds, mayroon ding tanong: Hindi po ba makakaapekto itong pagkuha ng sleeping funds sa kontribusyon at iyong benefits ng PhilHealth members?

DOF DIR. ASUNCION: Hindi. Iyon nga, as I mentioned earlier, two to three years down the line, kaya nilang sagutin iyong claims. And even with the 89.9 billion, going back to the government, kaya pong palakihin and i-expand po ni PhilHealth iyong kaniyang benefits package at this time.

PCO ASEC. VILLARAMA: So kapag nakuha na po itong sleeping funds or iyong excess funds sa GOCC, I understand hindi lang PhilHealth, pati PDIC, so saan po gagamitin iyong pondong ito? Paano po naa-identify iyong agencies na paggagamitan ng pondong ito?

DOF DIR. ASUNCION: So lahat ito ay nakalista sa GAA. So mayroong balita na sinasabi, wala pong list ‘no kung saan pupunta ito. Nasa GAA po iyong listahan, and kasama po doon, nakalista doon iyong pagtaas ng suweldo ng ating mga kawani sa gobyerno. Forty billion will go to the Salary Standardization VI. Also, the first tranche na ni-remit po ng PhilHealth sa atin, ginastos na po natin iyan at nabayaran po natin iyong health emergency allowance ng ating mga healthcare workers na prinamis po natin sa kanila noong time ng pandemic.

Aside fr0m that, we also have programs ‘no na foreign-assisted projects. Ito po ay mayroon on nutrition para po matapos na po ang malnutrition lalo po sa ating rural areas. Mayroon po tayo sa education, TESDA—I think mayroon pong innovation program ang TESDA, and we are supporting that as well using these funds. Tapos mayroon din po tayong on agriculture, iyong kanilang Philippine Rural Development Program wherein aim po nila na itaas iyong kanilang kita ‘no ng ating mga farmers at mangingisda by 30%. Aside from that, of course, infrastructure – mahaba ang listahan ng infrastructure at malaki rin po ang impact nito dahil we are connecting people, we’re connecting farmers to commercial centers. And, of course, iyong interconnectedness of our islands – nandiyan iyong Panay-Guimaras Island Bridge, of course, malaking isyu, flood management and flood control. We are also supporting iyong program ‘no on flood control in Metro Manila, as well as iyong ating river basins in Luzon and as well as those in Mindanao.

PCO ASEC. VILLARAMA: Kasi one concern, Dir. Nina, is tinanggal ninyo mula sa isang, kumbaga, health-related agency pero nabanggit ninyo, babalik sa health workers. Mayroon din yata, I think nakita ko sa list, gagamitin sa health infrastructure ito. So, and now you are mentioning, education and then flood control. So marami naman palang paggagamitan, so in effect, at the end of the day, makikinabang naman ang buong sambayanan.

DOF DIR. ASUNCION: Yes, that is true. I think iyong pinaka-important message is, may natutulog na pera, kung hindi natin ito gagamitin, hindi mararamdaman ng mga tao kung ano iyong benepisyo na dapat naibibigay ng pondo na iyon na nilaan ng gobyerno.

PCO ASEC. VILLARAMA: You mentioned kanina na first tranche, so hindi pala iyong buong 89.9 billion iyong ibabalik sa DOF. So bakit ganoon pong may schedule?

DOF DIR. ASUNCION: Hindi pa po naibabalik ang buong 89.9 billion. Yesterday, nagdagdag na po sila ng 10 billion, so right now we have 30 billion from PhilHealth na remittance po ng kanilang unused funds. This amount po, of course, it is in tranches kasi po also they also need to look at their fund … iyong ano po ‘no, liquidity. So if they have amounts to remit, puwede po nilang i-submit o i-remit depende po doon sa schedule.

PCO ASEC. VILLARAMA: Gaano po, since we’re talking about tranches ‘no, so it has something to do with liquidity. So gaano po ba kaimportante iyong tamang pag-handle sa proseso ng re-allocation sa sleeping funds sa iba’t ibang ahensiya? So kailangan po bang talagang busisiin kung [technical problem] …

DOF DIR. ASUNCION: … issued ‘no, si Department of Budget and Management has already issued mga SARO allocating … already releasing the funds ‘no. And some of those beneficiary agencies are DPWH, ang NEDA at ang DOH.

PCO ASEC. VILLARAMA: Dahil usaping pondo po ito, Dir. Nina, so mayroon po bang challenges na nai-encounter in terms of how to re-allocate these funds?

DOF DIR. ASUNCION: I think, wala naman kasi nakalista lahat talaga ito sa GAA, itong mga proyekto na ito. It’s more of iyong readiness of the agencies talaga to use the funds and to be able to already go with the project.

PCO ASEC. VILLARAMA: So, ayan, malinaw na-debunk natin iyong ilan sa mga fake news na lumalabas sa social media at malinaw rin na may legal basis itong pag-reallocate ng tinatawag na sleeping funds.

Up next, ano ang mga hakbang at direktiba na ginagawa ng pamahalaan sa isyu ng excess funds ng PhilHealth. We will be right back.

[COMMERCIAL BREAK]

PCO ASEC. VILLARAMA: You are still watching Malacañang Insider with Director Euvimil Asuncion of the Department of Finance. Director, na-establish natin na legal itong pagkuha or pagtake back noong excess or sleeping funds, na-debunk natin iyong ilan sa mga fake news na kumakalat. Pero gusto pa ring malaman ng mga tao, kasi bakit ba nagkakaroon ng sleeping fund. Saan ba nanggagaling ito? Sinabi natin kanina, hindi ito galing sa mga kontribusyon natin sa PhilHealth member. So, saan nanggagaling ito?

DOF DIR. ASUNCION: So, the sleeping funds na kinukuha natin from PhilHealth right now is iyong subsidies from the national government. Nag-earn si PhilHealth ng sizeable amount of unused funds, kasi po noong pandemic nga po, hindi nila nagastos iyong mga subsidiya na ibinibigay natin.

PCO ASEC. VILLARAMA: Bakit kailangan na i-subsidize in the first place, kasi mayroon siyang pondo, mayroon siyang budget na na-allocate at may contributions ang members. Bakit kailangan pang i-subsidize ng gobyerno?

DOF DIR. ASUNCION: So, itong mga sabsidiya na ito ay galing din sa other provisions of other laws, that says na magbibigay ka ng certain amounts to PhilHealth. So, kasama diyan iyong SIN tax law na rin and then iyong sa funds po ng PAGCOR.

PCO ASEC. VILLARAMA: So, kung ganoon, tinatanong din siyempre ng publiko, eh kung mayroon naman palang subsidy, bakit kailangang magtaas ng kontribusyon ang PhilHealth members?

DOF DIR. ASUNCION: Okay, so ito isang mahalagang tanong iyan ‘no. Pero, basically, ang nangyayari dito, iyong universal health care law, provides na dapat magtaas si PhilHealth every so often. So, mayroon pong period of time na dapat po mag-adjust siya and sakto po, this year iyong pag-adjust niya ng premiums, kaya po itinaas po niya iyong kaniyang premiums at the early part of this year.

PCO ASEC. VILLARAMA: So, naaayon din naman kasi doon sa kumbaga, batas na nag-create sa PhilHealth, iyong pag-increase ng kanilang premiums at hindi naman ito directly correlated din sa subsidy na ibinibigay ng gobyerno.

DOF DIR. ASUNCION: Yes, and I would like also to add ‘no, noong senate hearing natin with PhilHealth, DBM, nag-attend din po sila doon, nagsabi po ang PhilHealth na they will work on really lowering iyong kanilang premiums and we advised them also na sana i-expand iyong package. I think iyon iyong mas importante, mas kailangan ng mga tao na ma-expand iyong package, ma-include po iyong preventive care, hindi na po kailangan or nako-confine ka na. Dapat nagagastos natin iyong premiums natin na ibinabayad natin, dapat napupunta ito sa pag-establish ng good health at the beginning, hindi iyong ‘pag too late na, saka ka lang sasagutin ng gobyerno.

PCO ASEC. VILLARAMA: Let’s look at the bigger picture naman, in terms of the economy, Director Nina. So, itong paggamit ng sleeping funds, ano ba ang magiging epekto nito? Kasi as you mentioned, kapag nakuha ito, gagamitin ito, let say sa infrastructure, sa education. So, ano iyong magiging tulong nito to spurs up the economy?

DOF DIR. ASUNCION: Okay, so for iyong benefit niya. Simulan siguro natin sa benefit ng paggamit ng funds na ito. Kung gagamitin natin iyong funds na ito, we are looking at .7% GDP growth. So, lalaki ang ekonomiya natin, ibig sabihin nito, mas marami tayong jobs na mabibigay sa mga tao, ang tinitingnan namin around 600,000 jobs ang mage-generate nito. Additional revenues din ito for the government, when you spend for programs or projects, this translates to revenues din, so may tax collection din tayo dito, around 23 to 24 billion pesos.

PCO ASEC. VILLARAMA: Would you say kapag ikukumpara natin iyong pros and cons, mas matimbang ba iyong magiging benefits nito talaga sa ordinaryong mamamayan?

DOF DIR. ASUNCION: Yes, kasi at the end of the day, if hindi natin gagamitin itong unused fund ng PhilHealth o ng iba pang GOCC. Ang mangyayari eh, parang instead na gamitin natin kung ano na iyong nandiyan, mangungutang tayo or kailangan po nating magtaas ng buwis. Kung magtataas ng buwis, iyan ramdam ng lahat iyan, magtataas ka ng VAT or income tax or magdadagdag tayo ng excise taxes, ramdam ng lahat iyan. Pero on the other hands, kung ang gagawin natin is, we will use what is already there, hindi natin kailangan to look at taxes. Aside from that, mangungutang tayo, kapag hindi natin ginamit iyong unused funds and of course, this would also increase iyong debt to GDP ratio natin and ayaw na natin iyon, of course as much as possible, we keep iyong mga utang natin na binabayaran natin ng malaking-malaking interes on, eh at the minimum.

PCO ASEC. VILLARAMA: Director Nina, kanina pinag-usapan natin iyong ligalidad ng paggamit niyong excess or sleeping funds mula sa isang GOCC papunta sa mga programa na na-identify ng gobyerno na puwedeng paglaanan nito. Pero mayroon ding nagtatanong about the effects of using funds na hindi naman intended for its original purpose. So, ethical ba itong paggamit ng sleeping funds para sa mga ibang mga proyekto?

DOF DIR. ASUNCION: To the Department of Finance, it is very ethical, we think that it is more unethical to not use iyong unused funds, dahil natutulog lang iyong mga pondo na ito sa coffers ng ating mga GOCC na dapat na-translate ito into programs and projects na makikinabang ang mga tao. In the case of PhilHealth, sana na-expand iyong ating health coverage, as well as, iyon nga napababa sana ang ating mga premiums, pero hindi ito nagawa.

Nonetheless, the government still providing subsidies to PhilHealth in the next year, sa susunod na taon, actually mayroon tayong P70 billion na nakalaan for PhilHealth in subsidies. Kung hindi natin gagastusin, iyon nga magkakaroon tayo ng maraming utang, puwede tayong tumaas an gating mga buwis, pero kung gagastusin natin ito, lalong lumalago iyong ekonomiya, makakapagbigay tayo ng mga trabaho, sa ating mga mamamayan, hindi natin kailangang umutang, kikita ang gobyerno at nararamdaman ng mga tao kung saan dapat iyong mga pondo na ito napupunta.

PCO ASEC. VILLARAMA: Kasi ang main argument o contention ng mga pumupuna dito sa pag-reallocate is dapat tit for tat. Kunwari kung galing siya sa isang health related GOCC, dapat gamitin din for health care services and so on and so forth. And nabanggit naman natin kanina na ganoon din naman ang paggagamitan among other thing. Siguro naisip ko rin, ‘no, parang kung ethics iyong pinag-uusapan natin, parang may naisip akong parable ba siya sa bibliya, iyong Parable of the Talents, iyong binigyan sila ng pera ng kanilang master, pero iyong isa ibinaon lang sa lupa. So, parang ganoon din siguro na mas mabuting gamitin siya, because, puwede siyang mag-spurs up at puwede siyang magpalakad ng ekonomiya kung gagamitin, imbes na natutulong as you said.

DOF DIR. ASUNCION: Correct, that is very correct.

PCO ASEC. VILLARAMA: Siguro, Director, para mawala na rin iyong agam-agam ng ating mga kababayan na medyo mayroon pong reservation about this issue, kasi iniisip nila na hindi nga ito dapat gawin. Pero as we discussed, may legal basis, ethical siya, may paglalaanan na makikinabang ang mas maraming kababayan natin, siguro mensahe na lamang po, para doon sa mga kababayan natin na hindi pa masyadong kumbinsido sa mga paliwanag na ibinigay ng DOF?

DOF DIR. ASUNCION: Okay, so ang DOF nakikinig naman po sa mga agam-agam ng mga tao ‘no. Lalo po ang ating health sector, marami po kaming naririnig na illegal nga po ito. Sana po sa health projects din po mapunta, baka po i-fund lang po ang pork barrel, lahat poi to ay hindi po totoo, gusto po naming sabihin ito sa mamamayan natin. At the basic idea is, iyon nga every peso na hindi po nagamit na binadyet natin is benefit denied to Filipinos, disservice siya to the Filipino people, to the 115 million Filipinos na umaasa sa pagbibigay ng serbisyo a benepisyo mula sa PhilHealth at sa other ahensya rin ng government.

PCO ASEC. VILLARAMA: With that, thank you very much po sa mga paliwanag ninyo, Director Euvimil Nina Asuncion ng Department of Finance. Maraming salamat po.

DOF DIR. ASUNCION: Thank you po, Asec. Joey. Maraming salamat po.

PCO ASEC. VILLARAMA: Pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kalagayan ng ating bansa at pagpapatibay ng estado ng ating ekonomiya, ito ang hangarin ng pamahalaan upang tiyakin na ang Pilipinas ay magkakaroon ng progreso sa misyon nitong bigyan ang bawat isang Pilipino ng mas ligtas, panatag at mapayapang Bagong Pilipinas.

We bring you in-depth views of the latest issues and regular palace updates. I am Asec. Joey Villarama, your Malacañang Insider. Have a good day.

##

 

Resource