PCO DIR. VILLONCO: Current developments, presidential directives, accurate and reliable updates straight from the Palace. Sitting-in for Daphne Oseña-Paez, this is Cris Villonco for Malacañang Insider.
To build affordable and decent houses for millions of Filipinos, that’s the marching order of President Ferdinand R. Marcos Jr. under the Pambansang Pabahay Para sa Pilipino housing program.
To give us more updates on the housing programs and efforts in addressing the country’s housing gap, we are joined today by the secretary of the Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino “Jerry” Acuzar.
Good afternoon, good morning, good day, sir. How are you?
DHSUD SEC. ACUZAR: Good afternoon. I’m good.
PCO DIR. VILLONCO: Puwede ninyo po ba kaming bigyan ng kaunting updates sa flagship, Pambansang Pabahay Para sa Pilipino o 4PH Program.
DHSUD SEC. ACUZAR: Iyong 4PH Program o iyong Pambansang Pabahay Para sa Pilipino, ito po ay gumagalaw na. Ongoing construction na po tayo diyan. Mayroon po tayong almost 55 projects all over the country, mga 170,000 units ‘ito more or less ano. Gamit nito ay private funds ano. Iyong private funds, kapag kinuwenta mo lahat ng gastos dito na hindi galing sa gobyerno, ang funding na nakuha natin sa private funds, almost 170 billion.
In other words, gumagalaw ang housing projects natin ngayon na hindi tayo gumagamit ng government funds. Ang ginagamit po natin ngayon ay private funds kaya po naisipan po ng ating department na mag-isip ng bagong formula kung paano magkakaroon ng pondo ang housing.
PCO DIR. VILLONCO: So, speaking po ng ating formula na ginawa po ninyo to develop this and to be able to achieve this, sino po ba iyong mga katuwang natin dito sa 4PH Program? Mayroon din po ba tayong mga LGUs?
DHSUD SEC. ACUZAR: Oo. Ikukuwento ko sa inyo iyong about what is 4PH Program. Ito, nag-umpisa ito doon sa usapan namin ni Presidente Marcos na siya po ay nagsabi sa akin na, “Kung pupuwede, Secretary, unahin natin iyong mahihirap.” So, since ako ay dating developer, ang alam ko kasi iyong nakakabayad muna – siyempre iyong mga teachers, iyong mga sundalo, iyong mga pulis – mayroong suweldo ngang medyo malaki para makabayad.
Ang problema po rito, iyon kasing ganoong sector, ginagawa na po ng private sector iyon eh. Nakikita ninyo po iyong mga Pag-IBIG members, makita ninyo iyong mga housing ni Villar, iyong housing po ng mga developers diyan. Iyan po, ang kaya ng market, ang kanilang bini-vision ay iyong mga middle income, lower middle income and upper middle income. Iyon may gumagawa noon, wala tayong problema doon.
Ang pinakamalaking problema po natin ay iyong urban poor – iyon pong mahihirap, iyon pong mga squatters, iyong mga minimum wage. Paano ba makaka-avail iyong 16,000 pesos ang suweldo o 17,000 pesos – wala pong nabibiling bahay iyan at wala pong nakakatulong diyan. Hindi magawaan ng paraan ng private sector at even the ibang developers, hindi nila makita kung paano nila bibigyan ng bahay iyong mga ganoong sectors ano.
So, noong sabihan po ako ni Presidente Marcos na, “Puwede ba, Secretary Jerry, puwede bang tingnan mo rin iyong sector na iyan?” Kaya po noong… kami po nasa department na pag-aralan po namin kung paano natin matutulungan iyong mga mahihirap lalong-lalo na po iyong mga squatter o iyong mga ISF (Informal Settler Families) nandiyan po sa mga waterfront, iyong Pasig River, mga esteros at lahat po ng slum area po sa buong Pilipinas – iyan po ang pinauuna sa atin ni Presidente. Kung maaari sana, magawan ng paraan iyan at tingnan kung paano matutulungan.
So, iyong ganoon pong instruction sa atin ng Presidente, naggawa po kami ng mga program at pinag-isa-isa po namin kung ano maitutulong at ano ang makukuha naming resources sa gobyerno. Kasi, as a private sector, mayroon kaming sariling resources – limited din. Kasi kami, ang ginagawa namin as a private sector, ang ginagawa namin – bibili kami ng lupa. Pagbili namin ng lupa, lalagyan namin ng plano. Kapag gumawa kami ng plano, magpi-pre-selling kami. Kapag nag-pre-selling kami at nakita naming may buyers na, pupunta kami sa bangko. Pagpunta namin sa bangko, ikukuwento namin sa bangko ito ay mabibenta at mababayaran namin iyong utang – hihingi kami ng developmental loan.
Kasi hindi kakayanin ng kahit sinong negosyante ang magtayo nang magtayo nang hindi mangungutang. Kailangang mangungutang at kailangan umikot iyong pera mo. So, iyong ganoong setup sa housing, iyon ang ginagamit natin ngayon. Ang kagandahan nito ay iyong focus ng ating pamahalaan dito sa housing lalong-lalo na po ang ating Presidente.
Kaya po noong magsabi kami at makakita kami ng formula kung paano matutulungan iyong mahihirap, siya po ay tuwang-tuwa noong sabihin po namin, “Sir, may solution na po kami.” Noong iprinisenta po sa Gabinete iyong amin pong solusyon at tiningnan po ng ating Presidente ang solution, siya po ay agad-agad po niyang inaprubahan po iyong aming solusyon para dito sa 4PH.
Alam mo ba iyong solution noon na napag-usapan? Ang sabi po namin, ang problema po ng housing is affordability. Tapos affordability naman, anong susunod? Access to funds. Affordable naman pero wala namang pondo, hindi rin magagawa. So, kailangan iyong dalawang components na iyan para pagdugtungin natin at magawan [ng paraan] ang backlog sa housing at magkaroon ng tunay na programa – at ang programang ito, sustainable.
So, talagang ang pinakamagandang pondo, iyong private funds. Iyong private funds, kahit sa abroad, kahit sa ibang bansa iyon ang gamit sa housing. Kahit iyong America, iyon ang ginagamit – mangungutang ka talaga sa bangko.
PCO DIR. VILLONCO: So, when we say private funds, can you give us a brief explanation as to what this is with regards to the developments of DHSUD?
DHSUD SEC. ACUZAR: Kung private funds, hindi ito iyong gobyerno nanghihiram ah [laughs]. Ito iyong sistema na ginagawa ngayon ng mga pribado kasi private funds, bangko ‘di ba, capital market – hindi tayo kukuha doon. Ang nanghihiram diyan, iyong mahihirap, iyong mga tao – hindi gobyerno nanghihiram. Ang nanghihiram diyan iyong mga mahihirap, iyong mga beneficiaries – tumutulong na lang ang gobyerno para maidugtong siya doon sa private funds.
Para malinaw tayo ha, hindi po gobyerno ang nanghihiram dito ha, hindi gobyerno. Ang nanghihiram po dito iyong mga bibili ng bahay doon sa 4PH. Kaso hindi sila makakabayad, kulang ang pambayad. Ang ginagawa po ng ating gobyerno, dinudugtungan lang po ito para maka-access sila sa private funds. Malinaw po, ang nangungutang po dito ay iyong mga mahihirap, hindi po gobyerno. Tinutulungan lang po ng gobyerno para makautang iyong mahihirap para doon sa mga bangko.
PCO DIR. VILLONCO: So, just to make that clear, kapag nangungutang din po sila sa bangko, iyan of course it’s also appraising or a plan which is puwede namang it is affordable for them to be able to give back.
DHSUD SEC. ACUZAR: Oo, ginagawaan namin ng paraan. Ano ang kailangang gawin? Mayroon kang access to funds, private funds nga – kailangang affordable. Eh, ang mahal ng construction ‘di ba lalo in-city, paano aabot iyong pera mo kung minimum wage ka? Paano ka makakabayad sa gobyerno? Iyon din ang sinasabi sa atin ng Presidente at alam po ng ating Pangulo iyon.
Kaya po ang instruction niya lagi sa akin ay, “Puwede ba ilagay mo kung saan ang trabaho at saan ang eskuwelahan at saan ang mga facilities para ang mahihirap ay hindi na mamroblema.” So, nag-isip kami ng in-city uli. Biro mo, in-city na naman kasi iyon ang tama eh. Pero laging problema, pera – pondo, pondo, pondo. Eh kung maraming pera, walang problema lahat iyan. Pondo na naman iyong puproblemahin mo. So, anong gagawin mo na naman?
So, tiningnan din namin iyong price. Iyong presyo ng mga developers natin ngayon kamukha ng kunwari sabihin natin Robinson, SMDC, kung ano-anong mga developers diyan, ito presyo niya – mga five to six million iyon pong 25-square meter na binibenta po nila na maliliit. Eh, wala kang choice kung hindi tumira diyan kasi in-city kayo naman. So, kapag tiningnan mo iyong presyong iyon, hindi kakayanin iyan ng minimum wage lalo na po iyong mga urban poor, mahihirapan po iyan.
So, isip ka na naman. Ano ba ang dapat naming gawin? Ang ginawa po natin at prinisenta uli namin sa Presidente. Ano pong tulong ng Presidente ano, sabi niya, “Sec. Jerry, sige humanap ka ng…” lahat ngayon gagawin natin iyong ibibigay natin sa housing. Gumawa siya ng EO35, iyon po iyong idle lands. So, lahat po ng idle lands ngayon ng buong gobyerno, ibibigay sa DHSUD at ibibigay sa housing, pinirmahan po ng ating Presidente iyon. At tutok na tutok po ang Pangulo dito sa ganitong programa kasi po pangmahirap.
Anyway, noong mabuo na po namin iyon at masabi po namin sa kaniya na ang ganoong programa, “Ano pa ang kailangan mong magawa dito, Jerry?” Ang sabi ko, “Sir, balik na naman uli po kami sa problema na naman.” Isa pong problema na naman dito na… sinabi namin iyong access to funds, pumayag naman iyong bangko basta kailangan ay makabayad. Ang sabi ko sa Presidente po, ang sabi po namin, kailangan po ng interest subsidy. Iyon pong interest subsidy, iyon po iyong pagdugtong ng mahihirap para maka-access sa pondo ng bangko. Kaya noong bigyan kami ng interest subsidy ng ating Pangulo at pumayag po siya dito, gumaan po lahat ng usapan kasi ito po iyong nagpaganda po ng programa, na naidugtong niya po ang pangangailangan ng mga mahihirap para sa pondo ng private funds. So nagdugtong iyong dalawang iyan. By doing that, nagkaroon na kami ng program.
Kaya nga iyong ginawa po naming program ngayon, ang gumagalaw po almost 200,000 units, iyan po ay private funds ngayon – inuumpisahan na po namin. Kaya iyong proof of concept na makikita ninyo po after one year and a half at nagtatayo na po ang building.
Problema naman pagtayo, paano mo maitatayo ng mga private developers and contractors? Iyong private developers/contractors noong una kaya tuluy-tuloy, kaya iyong 200,000, almost two years iyan eh so hindi matatapos sa panahon ng ating administrasyon. Ngayon, ang mangyayari ngayon niyan, pumunta ulit kami sa Presidente, hingi na naman kami ng tulong. Ang sabi namin, ‘Sir, kapag ganito pong sistema ang ginawa po natin, babagal po iyong delivery.’ So ang kailangan nating gawin ngayon, ang developers ngayon po ay gobyerno na. Kasi ang pinapautang natin dati, private company. Ngayon po ang gagawin po natin ngayon, ang uutang na po ngayon ay iyong gobyerno. Sino? Iyong SHFC at saka NHA para pabilisin po ang construction. Ngayon, kapag pinautang po natin ang NHA at SHFC, ipapakontrata na lang po niya iyan sa mga contractors, at bibilis; hindi na po iyong mga contractors ang mangungutang – si NHA at si SHFC na.
Ano po ang ginawa po natin ngayon? Pinag-aralan po namin na magkaroon po kami ng sovereign guarantee para dito po sa NHA at as SHFC. Iyon po ngayon ang aming ginagawa.
PCO DIR. VILLONCO: Okay, sir, balik po tayo sa in-city, in land, nakikita po naman natin, you were explaining po the differences about kung sinuman ang kukuha, who will reside in the residences ‘no within the city. So paano po ba tayo makakasiguro na itong mga housing units natin are economically-priced compared to the other residential units in the market?
DHSUD SEC. ACUZAR: Okay, dating impression na iyan eh. Kapag tiningnan mo iyong presyo ng ibang developers, five million. Iyong presyo natin, 1.8 – same size, same location.
PCO DIR. VILLONCO: And walang isyu iyon?
DHSUD SEC. ACUZAR: Walang isyu iyon, wala iyon. The same, ibig sabihin, pare-parehong building noon. Kasi nawala na iyong mga selling cost, production, iyong marketing cost; nawala na rin iyong cost of money ng mga negosyante – nawala na iyon eh. Ngayon, sa 4PH, tinanggal namin lahat iyon, so nabawasan namin iyong presyo. At dito, ang developers nito ay gobyerno.
So, kung gobyerno ang developers, nawala na iyong developer’s profit; ang mayroon lang ay contractor’s profit. So ang laking bawas din noon, kaya napababa namin iyong presyo. Ngayon, napababa mo na iyong presyo, nagkaroon ka pa ng interest subsidy. So napagdugtong mo iyong dalawang iyon, kaya umubra sa in city.
PCO DIR. VILLONCO: And addressing talaga po the housing gap that we have.
DHSUD SEC. ACUZAR: Opo.
PCO DIR. VILLONCO: Okay. So up next, mga programang ilulunsad pa ng DHSUD ating pag-uusapan sa pagbabalik ng Malacañang Insider.
[COMMERCIAL BREAK]
PCO DIR. VILLONCO: You’re still watching Malacañang Insider. Still with us is Secretary Jose Rizalino “Jerry” Acuzar.
Building safe and secure communities for every Filipino, ano po ang mga plano ninyo on the sustainability of 4PH program beyond 2028?
DHSUD SEC. ACUZAR: Iyong programa po ng ating administrasyon, tatapusin po ito. Kapag nagawa po iyong ganoong sistema, tapos na iyong programa. Kahit sino po ang pumalit dito, tuluy-tuloy pa rin iyong ating pambansang pabahay. Imagine po, kung magagamit iyong private funds, iyon po, hindi ka na mangangailangang humanap ng government funds. Iyon lang ang kailangan, private funds kasi umiikot iyong pera doon.
PCO DIR. VILLONCO: And usually naman po, a lot of the programs and policies din po ng ating Presidente is really for sustainability and to look forward towards after 2028 kaya po it’s such a great thing that you are addressing this even now.
DHSUD SEC. ACUZAR: Kamukha ng aming target. Ang target po namin, kung magagawa po naming ay three million plus during his term. Pero magagawa rin po iyong six million, pero ilalatag kasi may formula na. Kasi iyong pabahay, kailangan doon pera lang eh. The moment na ihanda mo iyong pera at naiayos mo iyong funding, tuluy-tuloy na po iyan.
PCO DIR. VILLONCO: Actually, Sec., gusto kong tanungin ‘no: When we’re referring to housing units, resettlements, we’re not just referring to one person eh. We are also referring to families, to communities. Do we even have a figure to know how many are actually going to be helped by this program?
DHSUD SEC. ACUZAR: Isang good example ‘no, iyong ginagawa namin doon sa Pasay, para doon sa slum ha. Puro mahihirap ang pinag-uusapan natin kasi okay na kami doon sa upper middle na housing – ginagawa na ng private sector. So, ang government ngayon ay nakatutok doon sa mga mahihirap, sa mga slum areas – kami ngayon ay nakatutok diyan.
Isang good example namin, naggagawa na po diyan sa Caloocan; at sa Quezon City, nag-uumpisa na rin po kami diyan; at sa Pasay. Isang good example, gagawa na rin kami ng isang parang pilot project kung paano ia-address iyong mga slum area at paano sila tuturuang mamuhay doon sa in city, doon sa bagong building. Kasi iyong pinapagawa po ng ating Presidente, hindi lang po basta building. Talagang ito po ay talagang community, township – may eskuwelahan sa baba, mayroong health center, may livelihood center at may swimming pool at may playground. Kung ano po ang ini-enjoy ng mga may pera, mai-enjoy din po ng ating mahihirap kasi po iyon ang utos ng ating Presidente na bigyan sila ng magandang kapaligiran at magandang amenities.
In other words, bigyan mo sila ng isang playground na maganda, maglalaro ang mga bata, at isang swimming pool. Kapag may pool—ipinabibigay namin kasi nga, anong gagawin ng mga tao sa building kung ang nakikita mo ay apat na pader sa bahay mo. So kailangan mo, pagbaba mo, makikita mo iyong green, nakakatakbo iyong mga bata, nakakalaro. Kamukha ng nakikita sa ibang lugar – sa Singapore, sa Hong Kong, pagbaba mo may mga parks. So ganoon din po ang nakikita namin, iyong program.
Kaya po ako, napakadami po naming iniisip na parks ngayon. Kung tayo po ay magbi-vertical, kailangan po marami tayong parks. Kasi talaga pong mababaliw ka kapag nakatira ka sa building na puro pader lang ang makikita mo. Kailangan pagbaba mo, may makikitang mga parks at mga basketball courts, badminton area, swimming pool at may garden para may nakikita kang maayos. Iyon po ang ating ginagawang program at iyon po ang utos sa atin ni Presidente.
PCO DIR. VILLONCO: So hindi lang facilities, amenities, kung hindi also future, what they want to do for the future also.
DHSUD SEC. ACUZAR: Imagine mo kapag natanggal natin ang lahat ng slum areas sa Metro Manila, tingnan mo iyong itsura. Isip-isipin natin ha, kapag itong mga slum areas na ito ay ma-convert natin into a new development all over the place, tingnan mo ang itsura ng Pilipinas – gaganda ‘di ba?
PCO DIR. VILLONCO: Yes.
DHSUD SEC. ACUZAR: So pagkakataon na po natin ito na ang ating administrasyon na nakatutok ang ating Presidente, na gaganda na po ang ating kapaligiran.
PCO DIR. VILLONCO: Hindi lang po ganda eh. Hindi na tayo magiging “lang”, may pag-asa na talaga.
DHSUD SEC. ACUZAR: Oo, hindi lang pangako.
PCO DIR. VILLONCO: Hindi lang pangako, may pag-asa talaga.
DHSUD SEC. ACUZAR: Katotohanan na.
PCO DIR. VILLONCO: Yes, absolutely. So, target po ng Pangulo ‘no, correct me if I’m wrong, is ang anim na milyong housing units hanggang 2028. How will you [unclear] this out hanggang 2028? Paano po natin ito maisasakatuparan?
DHSUD SEC. ACUZAR: Ganito iyon eh, ang reality, mahirap ‘di ba? Unang-una, puproblemahin mo iyong pagpapatayo, iyong construction. Iyong program, nagawa na eh; iyong six million nandiyan na eh, nabuo na eh. Iyong what is important is the program na may pera, may pondo na gagamitin – iyong ang kailangang iayos mo eh. Nakaayos na iyon eh. Ang malaking problema lang namin dito ay iyong implementation, iyong construction. Kasi kapag sabay-sabay mong tinayo iyong anim na milyon, kukulangin tayo ng contractors, kakulangin tayo ng workers – marami tayong puproblemahin.
Kaya itong ginawa nating solution ay step by step. Inuna natin iyong funding; inuna natin iyong plano; inuna natin iyong regulation na dapat kapag nagtayo ka ng building ay may parks. So nabuo natin lahat ng plano. Ngayon, nagtatayuan na ang mga iyan. Ngayon, kaunting pasensiya na lang po kasi nasa construction na tayo. Alam ninyo kasi ang building hindi puwedeng madaliin.
PCO DIR. VILLONCO: Siyempre naman po hindi naman po natin mapagkakaila that there’s also accountability and responsibility with regards to strengthening infrastructure and everything and all the plans that you’re making kaya siyempre naman…
DHSUD SEC. ACUZAR: Kamukha nang sinabi ko sa iyo kanina na ang tatlong milyon tingin ko tatayo iyan sa panahon ni Presidente Marcos.
PCO DIR. VILLONCO: Yes. Fantastic.
DHSUD SEC. ACUZAR: Iyong another three million, ilalatag iyan – may plano, may contractors, may nakalatag na, gagawin na lang – iyon ang ginawa ng ating administrasyong Marcos, nilatag niya ang lahat ng programa.
PCO DIR. VILLONCO: Yes. Okay. Ito naman po, ito iyong isa sa mga favorite na projects ko po, iyong how about iyong Pasig River Rehabilitation project – Pasig: Bigyang Buhay Muli. Mayroon po ba tayong mga new updates? Kasi lagi po nating nakikita ito ‘no, lagi po nating nakikita sa ating PCO, sa RTVM, sa President Bongbong Marcos pages and of course First Lady pages kung ano ang nangyayari po dito. Mayroon po ba tayong mga updates?
DHSUD SEC. ACUZAR: Noong nakaraang lang ‘di ba nag-inaugurate si Presidente Marcos doon sa Pasig. Alam ninyo po itong Pasig River, nag-umpisa iyan kay First Lady. Si First Lady po talaga ang nakatutok diyan eh. Sinabihan niya lang ako na kung may magagawa tayo eh di gawin natin. At ang sabi niya, baka pupuwedeng mapag-aralan iyan. At ang Pasig River hindi lang po iyan iyong promenade na nakikita mo – lahat ng squatters, lahat ng ISF sa tabi niyan ginagawan na rin po ng pabahay.
PCO DIR. VILLONCO: Yes.
DHSUD SEC. ACUZAR: Sabay iyan eh. Kasi ang panget naman tingnan ang ganda-ganda ng lugar makikita mo iyong mga mahihirap nandoon sa ilalim ng pusali ng Pasig River dahil naglalaro iyong mga bata – hindi magandang tingnan iyan, kaya sabay iyan. Habang ginagawa mo iyong Pasig River Promenade, inaayos mo iyong housing noong tatamaan nila kasi hindi magandang effect sa community iyan.
So, ngayon kung titingnan po mayroon po tayong tinatayong pabahay diyan sa PPA, diyan sa Port area – almost 40 or 50,000 units iyan ang ginagawa, ongoing na po iyan, nagtatayo na po diyan. Para wala pong masabi na pinapaganda natin iyong lugar, pinapabayaan naman natin iyong mga mahihirap na nakatira doon sa mga ilalim ng tulay, doon sa mga tabi ng ilog at sa mga estero.
PCO DIR. VILLONCO: Yes.
DHSUD SEC. ACUZAR: Malapit na rin pong matapos iyon at lilipat na rin po iyon doon.
PCO DIR. VILLONCO: So, marami po talagang nakikinabang sa proyektong ito, hindi lang naman just for its purpose of the rehabilitation ng ating Pasig River but also for those that are surrounding it that can benefit from it also. So, perfect talaga po iyan. Pero, sir, okay. Paano po natin masasabi kailan po, may target date po ba ito or may latag din po ito after 2028?
DHSUD SEC. ACUZAR: Iyong usapan po namin ni First Lady at ni Presidente Marcos ay three years.
PCO DIR. VILLONCO: Okay. So, how will this help po, paano po ba ito makakatulong sa ating traffic problems along the Pasig River – iyong mga seamless connection po between road and water transport? Alam ko nagsisimula na rin po iyan eh.
DHSUD SEC. ACUZAR: Iyong kagandahan dito kasi nakadugtong iyan eh Manila Bay at saka Laguna de Bay. Iyan, apat o five cities ang tatamaan diyan so magba-bike lane ka diyan – may bike lane iyan at mayroon iyang pedestrian. So, ngayon ang mangyayari niyan instead na sumakay ka ng jeep papuntang Makati galing kang Manila, maglalakad ka na lang along Pasig River o magba-bike. Puwedeng scooters lahat iyan, mayroong mga gamit na pang-transportation diyan. Puwede mo ring gamitin iyong ferry.
Ang Pasig River kasi parang ginawa po naming parang EDSA. So, lahat ng area puwede kang bumaba. So, puwede kang pumara ng taxi, sasakay ka, bababa ka sa kabila.
PCO DIR. VILLONCO: So, parang water taxi? Iyong ganoon, iyon iyong sinasabi mo?
DHSUD SEC. ACUZAR: Water taxi along Pasig River na wala ng istasyon, puwede kang bumaba along the way. Para kang nasa Venice.
PCO DIR. VILLONCO: Oo, yes po. Or actually any other place or city na mayroon pong tubig. Usually, mayroon naman talagang water taxi na puwedeng ibaba ka or parang water shuttle kumbaga na ginagawa naman nila.
DHSUD SEC. ACUZAR: Kasi maganda na iyong lugar eh.
PCO DIR. VILLONCO: At magandang tanawin.
DHSUD SEC. ACUZAR: At saka safe.
PCO DIR. VILLONCO: Yes, yes. Absolutely. So, considering po sa dami ng proyekto ng DHSUD sa ating mga kababayan, may parting message po ba tayo sa kanila? Ano ang dapat pong maaasahan ng ating publiko?
DHSUD SEC. ACUZAR: Iyon pong mga naghihintay, kamukha po noong mga nandito naghihintay sa pabahay ay kaunting pasensiya lang po. At least po nakita ninyo po iyong ating gobyerno nakatutok po, lalo po ang ating Pangulo, na mabigyan po kayo ng magandang pabahay. Iyan po, nandiyan na po nasa tabi na natin at tumatayo na po, ang kailangan lang po ay maghintay kasi po building ito eh hindi puwedeng madaliin. Ang construction po nito ay two years to years and a half. Makikita ninyo na po kung saan-saan kayo nakatira all over the country na mayroon po tayong pambansang pabahay at iyan po ang programa ng ating gobyerno ngayon.
PCO DIR. VILLONCO: Sa nakikita po naman po natin na aside from program, planning and development, iniisip din natin lagi ang kapakanan ng ating mga kababayan.
DHSUD SEC. ACUZAR: Ang mensahe namin, ito po ay hindi libre – malinaw po ito. Kasi po ang gamit nito ay private funds. Iyong private funds po kailangang bayaran. Ang ginawa po ng ating gobyerno, binigyan kayo ng access sa private funds para makabayad; binigyan kayo ng interest subsidy. By giving interest subsidy, nagkaroon kayo ng access sa bangko.
At isa pang maganda nito, hindi na rin po kayo masyado paghihigpitan sa documentation. Pinakikiusapan po namin iyong bangko kung pupuwede sana i-relax din ang documentation. By doing that, ginawa din po namin iyong recourse para kung sakaling hindi makabayad iyong mahihirap/iyong mga beneficiaries, ibalik po sa amin at kami po ang magbebenta ulit sa labas para pumasok iyong private money at gumaan ang documentation.
Alam mo iyong mahihirap kapag nag-documentation, hindi papasa sa bangko – so, iyon din ang problema namin, kailangan naming ayusin din iyong documentation na requirement para sila makasali.
PCO DIR. VILLONCO: Of course. Thank you very much. Once again thank you for joining us Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino ‘Jerry’ Acuzar.
DHSUD SEC. ACUZAR: Maraming salamat.
PCO DIR. VILLONCO: Maraming salamat po. Department of Human Settlements and Urban Development is not just building houses and developing cities, it is creating a future where every Filipino can thrive in a safe, secure and sustainable environment towards a stronger and progressive Bagong Pilipinas.
We bring you in-depth views of the latest issues and regular Palace updates. Sitting-in for Daphne Oseña-Paez, this is Cris Villonco for Malacañang Insider. Have a great day.
##