PCO ASEC. VILLARAMA: Current developments, presidential directives, accurate and reliable updates straight from the Palace. This is Assistant Secretary Joey Villarama for Malacañang Insider.
A robust agricultural sector is part of President Ferdinand R. Marcos Jr.’s 8-point agenda. The implementation of strategic policies, programs and initiatives will play a big role in creating a food-secure and progressive Bagong Pilipinas.
To give us more information on this, we have with us today Department of Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu-Laurel Jr. Magandang araw po, Secretary, and welcome po sa ating programa.
DA SEC. TIU-LAUREL: Magandang araw, Joey. I’m glad to be here.
PCO ASEC. VILLARAMA: Sir, katatapos lamang po ng PSAC (Private Sector Advisory Council) meeting. So, how did it go and what were the directives of the President?
DA SEC. TIU-LAUREL: Well, maraming napag-usapan. It was quite lively ‘no, at it started with iyong agri-coops, kung paano natin mapapalakas ito and mapapadali ang proseso; pinag-usapan din ang ASF and the vaccines; iyong SIDA (Sugarcane Industry Development Act) Law rin for the sugar industry, kung paano mapa-prop-up iyong sugar industry so that we can produce more sugar and hopefully have less imports in the future ano, among others. And, tobacco industry din, may proposal to expand the hectarage ‘no using iyong tobacco funds na nakokolekta for up to 20,000 hectares. Kasi iyong tobacco is clearly a money-making… puwedeng kumita ang farmers diyan so among others iyong mga napag-usapan.
PCO ASEC. VILLARAMA: Let’s go deeper into the PSAC meeting ‘no. So, you mentioned iyong nakukuha pong revenue from tobacco taxes. So, saan po gagamitin ang mga ito?
DA SEC. TIU-LAUREL: Iyong idea is to get a portion ‘no, ang recommendation is up to 20% of the taxes that was collected, iyong tobacco para magkaroon ng increase of 5,000 hectares of plantable area every year for four years – so an additional 20,000 hectares. So, iyong pera na iyon is supposed to, you know, buy machineries, seeds, fertilizers to grow tobacco.
PCO ASEC. VILLARAMA: And, I guess you also mentioned po iyong African Swine Flu. I understand Batangas Province has declared a state of calamity kasi more than 40 towns I believe have been affected. So, ano po iyong plan of action given that… sa August pa po ba natin makukuha iyong doses ng vaccines?
DA SEC. TIU-LAUREL: Iyong state of emergency or calamity is not province-wide – it’s only municipal level. Sa ngayon, walong munisipyo pa lang ang nagdeklara at ang DA is procuring ‘no, the needed vaccines sa emergency procurement system natin but it will take up to first week of September bago nga makuha iyan dahil sa proseso ng burukrasya natin. Meanwhile, luckily iyong ating supplier nag-donate ng 2,000 doses at darating dito sa Biyernes at hopefully ang target namin is maumpisahan na iyong pagbakuna by Tuesday next week.
PCO ASEC. VILLARAMA: Should we be alarmed po na ganito na po iyong sitwasyon sa Batangas or do you think iyong interventions po ng Department of Agriculture at this time will keep the situation at bay?
DA SEC. TIU-LAUREL: Well, tomorrow, mayroon tayong mga checkpoint or inspection stations na itatalaga sa mga affected areas ‘no – sa eight municipalities so that ma-control natin iyong spread. So, it’s not that alarming because the vaccine is on the way. So, hopefully ma-contain natin ito. But, of course, it will not be easy ‘no but we will do our best.
PCO ASEC. VILLARAMA: In terms of long-term projects, sir, nagsagawa po tayo ng pag-aaral sa DA and it shows that mayroon pong 27-year backlog in terms of iyong imprastrakturang agrikultural. So, ano po ang plano ng DA para po maka-keep up naman po tayo in terms of agricultural infrastructure?
DA SEC. TIU-LAUREL: Ipo-focus natin ang ating spending ano na hindi sabog at, of course, ang isang pinakamalaking kailangan nating mag-invest is in irrigation because 1.2 million hectares of flat land is not irrigated eh. So, less than 50 percent is irrigated and to increase production, we really need more irrigation. But, not only [unclear], iyong usual irrigation ‘no – we will also do solar irrigation para mabilis ma-implement at maka-increase tayo ng hectarage.
Mayroon din tayong makinang investment sa mga driers at silos and rice mills para ma-increase iyong ating recovery na tinatawag. Sa ngayon, ang recovery natin using old systems or drying sa kalye at sa mga ibang lugar, 50% lang ng bigas ang nakukuha natin sa palay eh ‘no. Pero kung may mga drying systems tayo, puwedeng umakyat iyan up to 70% eh. So, may kinse hanggang bente porsiyentong madadagdag sa ating buffer stock without increasing production, iyong mga ganoon ba at marami pang iba, oo.
PCO ASEC. VILLARAMA: So, having said those things, sir, are we on track in terms of increasing food production kasi iyan ang isa sa mga prayoridad talaga ng ating Pangulo lalo na when he was agriculture secretary? So, mayroon pa po bang mga nakalaan na programa to increase food production in the coming years?
DA SEC. TIU-LAUREL: Halos 70% ng ating budget ‘no, aside po iyong mga pasuweldo is focused on increasing production. And, yes, we are on the way to that trajectory of having more production. The best thing that happened talaga is si Presidente iyong naging DA secretary, iyong first one and a half year dahil nakita niya lahat ng problema at na-increase niya ang budget ng DA exponentially to address the problem.
PCO ASEC. VILLARAMA: So, dito sa mga nabanggit ninyo, sir, can we expect po na mababawasan po iyong pag-aangkat natin ng bigas for example?
DA SEC. TIU-LAUREL: So, initially, maybe hindi pa mababawasan iyan dahil nga iyong mga solusyon natin is hindi short-term eh, medium-term iyan eh para maramdaman natin iyong epekto. But, of course, may issue rin ‘no iyong ating growing population, although given na iyan, but siyempre kailangan naming habulin eh iyong increase ng production. We have to produce more food than the increase in production, so iyon ang challenge.
PCO ASEC. VILLARAMA: Kanina, sir, you mentioned budget po. Sapat po ba iyong budget na nakalaan sa ngayon at iyong hihingiin ninyong budget in the coming fiscal year, sapat po ba ito para sa mga programa na nakalaan?
DA SEC. TIU-LAUREL: Iyong sa NEP natin, na-increase-an naman from last year, 2024 – itong 2025 papasok, naka-increase tayo ng NEP from about 35 million if I’m not mistaken. But, of course, sana mas malaki pa and hopefully mabigyan pa tayo ng dagdag sa both houses dito sa bicam na darating.
PCO ASEC. VILLARAMA: Naalpasan natin, Sec. Kiko, ang El Niño. Ngayon, pumasok na po ang rainy season, nakatatlong bagyo na tayo, siguro in the coming weeks – September, October, November – baka La Niña naman. So, ano naman po iyong mga programang nakalaan para matulungan po iyong ating mga magsasaka at mangingisda sa haharapin nating La Niña?
DA SEC. TIU-LAUREL: Well, iyon ang nakakatakot sa La Niña eh, tamaan lang tayo ng isang malakas na bagyo then it might affect iyong production natin. And, what we are doing now para mabawasan iyong epekto niyan, the NIA has been giving out backhoes na para magkaroon ng kaniya-kaniyang ayos ng kanilang mga lugar at magkaroon ng water impounding.
Iyong DA, mag-i-emergency procurement din ng additional backhoes and bulldozers para sa mga usually flooded areas para ma-minimize itong epekto nito; then, pinapalakas din natin ngayong iyong insurance natin through our Philippine Crop Insurance para kung sakaling tamaan man iyong mga lugar na dadaanan ng bagyo ay mabigyan kaagad sila ng pera through the insurance at makapag-plant sila ulit.
PCO ASEC. VILLARAMA: Nabanggit ko kanina, Sec., iyong El Niño at nasa transition period tayo between El Niño and La Niña, in terms of recovery po, nakakabangon po ba ang ating mga magsasaka at mangingisda sa naging epekto ng El Niño?
DA SEC. LAUREL: Well, may epekto talaga iyong production sa El Niño ‘no at bumaba talaga iyong production sa first half because of sobrang init at dry ‘no. I believe naman, okay naman iyong mga presyo ng palay, if you talk about it, iyong palay during El Niño time mataas ang presyo, tingin ko naman kumita naman ang majority noong mga farmers na nagpu-produce ng average per hectare. So, ngayon may pera naman para mag-plant for this coming wet season, so I think we will be able to recovery what we have lost in the first half – huwag lang iyong bagyo nga na malakas.
PCO ASEC. VILLARAMA: Mahalaga po iyong nabanggit ninyo iyong presyo ng palay – palagi pong tanong iyan hindi lang ng mga mamamahayag o pati na rin ng mga mamamayan. So, in the coming season can we expect na magiging stable naman po ang presyo ng palay at ng bigas?
DA SEC. LAUREL: Well, inatasan natin…nag-compute kami ng NFA at nagdesisyon kami na during this next harvest season ang magiging presyo ng palay for wet would be 20 pesos per kilo and for dry is 23 pesos per kilo. Sa aking computation ay kikita pa rin ang farmer sa presyong ito.
PCO ASEC. VILLARAMA: Tatalakayin natin ang mga programa ng DA na naglalayong hikayatin ang mga kabataan na pumasok sa sektor na ito. We will be right back.
[COMMERCIAL BREAK]
PCO ASEC. VILLARAMA: Ang Kadiwa ay isa sa mahahalagang programa ng ating Pangulo. Paano ito palalawakin, sir, at para mas marami namang makinabang na mga kababayan natin lalo na talaga doon sa tinatawag na poorest of the poor areas?
DA SEC. LAUREL: Well, as of the moment Kadiwa has about 230 sites na irregular operation; ang regular operation pa lang is 17 – dadagdagan natin iyan almost every month. We will be standardizing iyong operating hours, operating days para alam ng tao pati of course information dissemination.
Kapag na-establish na naman iyong smooth logistics flow ng goods at saka iyong takbo ng transaksiyon ay ie-expand na natin iyan in the next four years up to, ang target ko is 800 to 1,000 stores. Of course, hindi ganoon kadali iyon but we will also do Kadiwa franchising – we will allow private sector operators or cooperatives to use the Kadiwa name in selected sites as long as they abide by the rules and guidelines or policies of DA. At ang importante, nandiyan iyong mga Kadiwa at magbenta sa risonableng halaga.
PCO ASEC. VILLARAMA: So, balikan natin, Sec., napag-usapan natin iyong African Swine Flu, so medyo napupuntirya o naaapektuhan iyong livestock sector kasi hindi lamang may African Swine Flu, mayroon ding Bird Flu, mayroon din foot and mouth disease. So, ano po iyong mga programa ng DA para po naman matulungan ang specific sector na ito?
DA SEC. LAUREL: Well, besides the vaccine, we are strengthening iyong laboratories natin and research and hopefully we can also manufacture the vaccines in the Philippines in the near future. Then mayroon din tayong indemnification program na mapa-finalize na namin iyong policy for the pork. Dati kasi parang kung magkakatay ng baboy na may ASF, 5,000 lang ang ibinibigay regardless of the size of the pig ‘no. Ngayon, ginawa naming tatlong classification – mayroong pangbiik, may pang-medium size, mayroong pangmalaki iyong benta o iyong mga breeder. So, iyong maliliit, 4,000 pesos ang ibibigay sa mga kakatayin na may ASF; iyong medium size, 8,000; iyong malalaki, 12,000 para hindi na sila ma-force na i-fast break iyan dahil lugi sila.
Of course, ang problema na challenge natin ngayon, ang budget ngayon is only 150 million pesos for indemnification. So, naghahanap pa kami ng additional budget para hopefully umakyat iyan up to 300 hundred million at mas maraming matulungan na livestock operators na maaapektuhan.
PCO ASEC. VILLARAMA: Sa isang panayam with DMW Secretary Cacdac, sabi niya po, marami daw pong OFW na gustong maging farmer pero po ang problema naman from within the Philippines iyong hindi po nanggaling sa ibang bansa parang kakaunti po talaga iyong gustong maging magsasaka. So, siguro taking off from what has been said before na ang kabataan ang pag-asa ng bayan paano po natin mahihikayat iyong mga kabataan ngayon na maging magsasaka – kasi iniisip nila mahirap na trabaho ito or hindi angkop sa lifestyle nila ngayon. So, how do we push younger people to become farmers?
DA SEC. LAUREL: Nag-usap kami ni Sec. Cacdac diyan dahil of course may problema nga tayo sa age of ageing population ng ating farmers. So, DA is coming out with a policy not only for young farmers, but it should also address iyong kanilang ano, na we have to make farming profitable ‘di ba. It’s not easy, but it is possible dahil mayroon naman talagang mga farmers, let’s say sa Nueva Ecija ng rice, mayroong coconut farmer sa Quezon, kumikita eh, or tobacco farmer.
So, we have to give them, of course the complete training, number one. Number two, iyong mga inputs, basic inputs na kailangan, but of course hindi kayang suportahan ng gobyerno ang lahat ng inputs. But ang pinakamalaking ginagawa ngayon natin sa DA is magkakaroon ng programa which is going to be called Agri-Puhunan at Pantawid, meaning nagkakaroon ng credit facility na low interest na maa-avail nila through maybe DBP or Landbank para iyong iisipin na lang iyong farmer ay magtanim at alagaan iyong tanim at to maximize production, hindi na niya iisipin kung saan siya uutang, paano siya magkakapera para pambili nito, pambili niyan. So, iyong programa na iyon.
Then lastly, we will have to—we cannot do the same thing over and over again. We have to do things differently na, like using technology. Katulad sa mga vegetables, iyong may kaunting greenhouse na kaunti, may drip irrigation na isu-supply din ng DA doon sa mga qualified beneficiaries.
Sa rice naman ay of course, all the equipment that they would need from the tractors, direct seeders, and of course iyong sinasabi nating post-harvest facility kanina. Para magkaroon sila ng sariling ecosystem nila sa kanilang probinsiya or barangay nang magawa na nila lahat doon sa loob, then I think, kikita iyong farmers sa ganoong sitwasyon. But it’s a whole of DA concept na kailangang magtulung-tulong lahat ng kawani ng DA and of course, kasama iyong mga other government agencies and government banking institutions.
PCO ASEC. VILLARAMA: Nabanggit ninyo, Sec. Kiko, iyan ilalatag po natin iyong technology, ilalatag natin iyong imprastraktura, may tutulong from financial institutions, pero kailangan po ba nating baguhin iyong perception, kasi iniisip iyong magsasaka talaga is, kumbaga sa hierarchy ng mga trabaho ay hindi talaga siya tinitingala. Although ang Pangulo natin, siyempre sinasabi na mahalaga ang magsasaka at mangingisda, kasi wala tayong kakainin kung wala sila. Pero iyong perception ng kabataan na, “Ay magsasaka, ayaw ko iyan.” So, paano po natin, babaguhin?
DA SEC. LAUREL: Yes, kailangan talagang baguhin ang perception, sa totoo lang, napag-usapan din sa PSAC ito kanina na dapat ang mga bayani ng Bagong Pilipinas ay ang ating mga farmers and fisherfolk, so we have to make them proud. Sa totoo lang, marami ngayong mayayaman sa Makati ay nagpa-farming na eh. And we have to make farming profitable and tinatawag na sexy, for it to be attractive.
PCO ASEC. VILLARAMA: So, to change perception, siguro mahalaga iyong role ng komunikasyon at iyong information dissemination. So ang Presidential Communications Office pati ang DA po ay mayroon pong collaboration, ito po iyong Usapang Agrikultura na umiere sa Radyo Pilipinas every day, from 5 to 6 AM.
So ano po ba iyong layunin ng mga ganitong programa or more importantly, ano iyong kahalagahan ng mga ganitong programa? Nabanggit ninyo kanina, kailangang ibida natin iyong mga magsasaka sa Nueva Ecija dahil sila iyong nagtatanim ng palay; ang farmers ng Bicol, dahil sa tabako and so on and so forth. So, iyong mga ganito pong programa, paano po siya makakatulong para mas maging mulat ang ating mga kababayan sa kahalagahan ng mga magsasaka natin?
DA SEC. LAUREL: Iyong mga show or programa na ganiyan, napakaimportante iyan because it will show iyong ating mga farmers and fisher folks kung ano iyong mga success stories sa iba’t ibang lugar eh. So sa laki ng agriculture sector, marami – may cacao, may seafood or shrimp, may coffee, may sugar, so ang daming puwedeng gawin eh. So, hindi naman lahat ng lupa—iyong lupa mayroon iyan puwedeng itanim at mayroong hindi puwedeng itanim, para malaman nila kung ano iyong puwede at kung ano ang hindi. And of course, we can also share technology, best practices na sinasabi at iyong mga success story, it gives hope and even inspiration ‘di ba. And it also teaches our farming communities and fisher folks, kung ano iyong mga bagong trend sa industriya.
PCO ASEC. VILLARAMA: Sir, tatlong buwan na lang, magse-celebrate na kayo, celebrate ng first anniversary ninyo as DA Secretary, so ano pa po iyong mga gusto ninyong gawin in terms of improving the agricultural sector?
DA SEC. LAUREL: Well, actually marami pa, maraming kailangang gawin, I just need budget and of course, I have the budget na for this year and the following year. May roadmap na tayo sa lahat ng gagawin, ang hirap i-explain in a short time eh. It’s so detailed, but we have a plan, we just have to implement it for the next four years or three and a half years, hindi ko lang maalaala hanggang kailan but we definitely have a plan moving forward and we aim to implement it to the letter and mararamdaman sana ito ng ating mga mamamayan by mid to late next year, iyong ating mga efforts.
PCO ASEC. VILLARAMA: Sec. Kiko, you said there is a plan, there is a roadmap. So, mayroon ba kayong gustong sabihin sa mga taga-agriculture sector at mensahe sa ating mga kababayan para sama-sama nating ma-achieve itong roadmap na binabanggit ninyo?
DA SEC. LAUREL: Well, basically, I need everybody’s cooperation. At of course kaunting pasensiya pa ng kaunti, dahil iyong mga kailangang gawin ay hindi iyan overnight na kapag itinanim mo, bukas nandiyan na eh. Kagaya ng irigasyon, solar powered irrigation it will take you six months to one year to implement, iyong mga solar powered cold storage, ganoon din ‘di ba. Iyong real irrigation like a dam, will take you three years, small water impounding will take you one and a half year. Iyong mga drying systems, silos na sinasabi natin, from time of bidding until completion, 12 months.
So iyon ang itatayong maraming imprastraktura, maraming investment talaga eh! But makikita iyan, physically makikita mo iyon, kapag nandoon na at magagamit na ng ating mamamayan once natapos iyong mga iyan at iyon mararamdaman talaga. So, kaunting tiis na lang po, mga kasama, at hopefully matuluy-tuloy naming gawin itong mga kailangang gawin in the next four years.
PCO ASEC. VILLARAMA: So, we wish you good luck at thank you very much, Secretary.
DA SEC. LAUREL: I need good luck.
PCO ASEC. VILLARAMA: With that, thank you very much po, Secretary Francisco Tiu-Laurel for joining us today at kahit papaano ay nahimay pa natin iyong mga programa at iyong mga nais ipatupad ng Department of Agriculture. At siyempre iyong nais ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa ating mga magsasaka at mangingisda. Thank you very much, sir.
Isang Bagong Pilipinas na may sapat na pagkain at maginhawang buhay para sa bawat Pilipino, iyan ang target ng Department of Agriculture, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos. Para matupad ito, layon ng DA na palakasin ang produksiyon ng sektor ng agrikultura, paunlarin ang ekonomiya ng bansa at maiangat at estado ng pamumuhay ng mga magsasaka.
We bring you in-depth views of the latest issues and regular Palace updates. I am Assistant Secretary Joey Villarama. Have a good day.
###