Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and PCO Undersecretary Atty. Claire Castro with ARTA Director General Ernesto Perez


Event PCO Press Briefing with MPC
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.

Pinagmamalaki ng Department of Tourism ang pagkakasama ng Entalula Beach sa El Nido, Palawan na number two, at Bon Bon Beach sa Romblon na number 38 sa World’s 50 Best Beaches 2025 List. Ang pagkilalang ito ay patunay na kahanga-hanga ang ganda ng Pilipinas at sa ating global standing bilang isa sa mga ipinagmamalaking beach destination sa buong mundo.

Mula sa mala-postcard na limestone cliffs at malinaw na tubig ng Entalula hanggang sa tanyag na sandbar at tahimik na alindog ng Bon Bon Beach, tunay na pinapakita ng ating mga isla ang pinakamaganda sa ating bansa. Kasabay ng mga layunin ng Marcos administration sa ilalim ng National Tourism Development Plan 2023-2028 at sa pamamagitan ng kampanyang “Love the Philippines,” patuloy ang DOT sa pagsusulong ng sustainable tourism hindi lang para sa ating coastal destinations kung hindi para rin sa pag-unlad ng ating mga komunidad at pagtaguyod ng ating national heritage. Panoorin po natin ito:

[VTR]

Good news din ang dala ng Department of Energy. Inutusan na ng ahensiya ang National Grid Corporation of the Philippines ang National Electrification Administration, mga electric cooperatives at private distribution utilities sa bansa na agad tanggalin ang mga nakakasagabal sa mga linya ng kuryente. Kabilang dito ang mga iligal na campaign materials at iba pang mga istrakturang posibleng magdulot ng panganib sa kaligtasan at sa tuluy-tuloy na supply ng kuryente.

Mahalagang masiguro na maayos ang daloy ng kuryente para maprotektahan ang publiko at mapanatili ang katatagan ng national grid ngayong halalan. Tugon din ito ng DOE sa mga ulat mula sa Comelec tungkol sa laganap na paglabag ng mga kandidato sa pagkakabit ng mga campaign materials sa mga poste at kawad ng mga kuryente na hindi lamang paglabag sa election rules kung hindi malaking panganib din sa kaligtasan at operasyon ng ating power system.

Ito po ang mga good news natin ngayong araw.

Sa iba pong mahalagang anunsiyo, kasama po natin ngayon si Anti-Red Tape Authority Director General Secretary Ernesto Perez para magbigay ng detalye patungkol sa kauna-unahang selebrasyon ng Ease-of-Doing Business Month. Pero bago po iyan, panoorin po muna natin ito:

[VTR]

ARTA SEC. PEREZ: Umagang kay ganda po mga kababayan. Maraming salamat po sa pagkakataon na ito. We start, of course, with the good news.

Of course, the President signed on March 4, 2025 Proclamation 818 declaring the Month of May as the Ease-of-Doing Business Month. So, of course iyong Anti-Red Tape Authority po unang ginawa, nag-campaign po tayo ‘no and nag-issue tayo ng memorandum circular under the theme “Red Tape to Red Carpet: Better Business Movement in a Bagong Pilipinas.” The theme highlights the brand of governance of this administration, creating a government that is transparent, efficient, citizen centric and business friendly.

And we have—marami pong mga activities ‘no at gusto ko pong i-share sa inyo na marami pong pakikipag-ugnayan ang mga chambers of commerce sa ARTA, even ambassadors go to us ‘no on how they can help. Ang business sector po is really very upbeat about the prospects for the Philippines; kaya po kahapon, inumpisahan natin iyong nationwide campaign to celebrate the Ease-of-Doing Business Month. But even before that, noong April 30 naimbitahan po ako sa Kapihan sa Manila Hotel, kasama po doon iyong Coalition of Business Organizations, PCCI, chamber of commerce ‘no, employers confederation, exporters federation – they really in full support sa mga programa at inisyatibo ng Anti-Red Tape Authority.

Bukas po, in fact magkakaroon po tayo ng virtual orientation on ship building, kasama po natin ang Department of Transportation at saka iyong Royal Danish Embassy at marami po. And then, sa May 13 to 15, magkakaroon po ng nationwide inspection of government agencies kasama po ang mga local government units, at dito po iha-highlight ng ating gobyerno iyong mga frontline services para maramdaman ng taumbayan iyong mga kagandahan ng serbisyo na ginagawa ng ating administrasyon.

Mahigpit po ang direktiba ng ating mahal na Pangulo for all government processes to be streamlined and digitalized. Ito po, napatunayan natin na ito po ang pinakaepektibong paraan para labanan ang red tape at corruption in the process – marami na po tayong data that will show this. For example po, iyong electronic-Business One-Stop Shop, that we are really pushing na dapat lahat ng local government units must be compliant with. In fact, out of 1,642 local government units, we have already recognized 115 local government units.

Doon po sa hindi pa naging compliant, 1,402 po nito ay partially automated—1,203. Mayroon pong 431 LGUs na pinadalhan natin ng notices to explain para i-explain nila kung bakit hanggang ngayon hindi sila tumutupad sa direktibang ito. Kaya you expect po na within the week or next week, sasampahan po natin ng kaso about 131 local government units.

Of course, iyong electronic-Business One-Stop Shop napatunayan po natin dito na iyong lahat ng LGUs na mayroong ganoon, makakapag-issue po ng business permit in a matter of minutes. Ten minutes po for instance in Malabon at saka sa Navotas; Valenzuela, five minutes lang po makukuha ninyo iyong business permit; in Metro Manila, all the 17 cities except one ‘no, hindi pa e-BOSS compliant.

At dito din po sa Executive Order 32 na pinirmahan ng ating Pangulo noong 2023, sa loob lang po ng isang taon na in-implement natin ito, tumaas po iyon number of permits na nagawa sa pag-construct ng mga telco, telecommunications tower dahil po dito, nabawasan iyong processing time from 255 to 300 days to just 59 days based on the record by Meralco; at sa number of permits issued from 6,117 in 2022, tumaas po ng 62%, by 9,856 dahil po dito ‘no, iyong internet penetration rate sa Pilipinas ay tumaas ho. Ibig sabihin, mas marami na po ang Filipinos na mayroong internet access dahil dito, 73.6% or an increase of 68%. Lalo na pong bumilis ang internet speed, for instance, in a mobile internet speed, tumaas po from 18.68 Mbps in 2022 to 27.75 Mbps in 2024. Iyong fixed internet speed po, talagang very proud tayo dito, tumaas from 46.44 Mbps to 92.19 Mbps or an increase of 98.5%.

At iyong Executive Order 59, ni-release din po ng ating Pangulo, dahil po dito ay nagkaroon ng six projects completed, big projects completed in 2024, at 13 more are expected to be completed this year. At dahil po dito sa mga reporma, gumanda rin po ang ating performance dahil iyong ating United Nations Electronic Participation Index ay tumaas by 16 spots ‘no—or 31 spots. Doon naman po sa e-government development index, tumaas po ng 16 spots.

Complaints hunting po, we’re very proud of this ‘no na iyong ating legal department, ang resolution rate po ay napakataas – out of 25,988 complaints that we received from 2018 up to the latest, March 2025, ang resolution rate po natin ay 99.7%. Dahil po dito, lalo pa po nating paiigtingin ang pagdinig sa mga reklamo ng ating taumbayan. This year po, we will be launching the Electronic Complaints Management System. With the use of artificial intelligence, we will be able to receive complaints 24/7, at atin rin pong mamo-monitor ang status po nito. Ito po ay ating ginagawa, lahat po tayo ay gusto natin sama-sama ‘no, dapat po ay patuloy tayo sa pagbigay lang ng mga magandang balita sa taumbayan.

Pero kung mayroon pa rin po kayong reklamo, madali po ang magreklamo – i-ARTA po ninyo. Tumawag kayo sa 8888 or sa hotline 12782 o kaya mag-email lang po sa ating sa ating email complaints@arta.gov.ph.

In fact, marami po tayong naririnig na mga testament ‘no, testimonials from … in fact, during our Kapihan sa Manila Hotel po, si Sergio Ortiz-Luis mismo, president ng Exporters Confederation [of the Philippines] (ECOP), sinabi po niya, at least tatlong kaibigan niya, sinabi lang may problema sa isang ahensiya, sinabi, “I-ARTA namin kayo,” inaksiyunan po kaagad ito. This is not the first time that I heard of it.

So, iyon po ang aking talagang … sana ipaalam natin sa taumbayan, sa ating mga kababayan – maganda po ang potensiyal ng ating bayan. Marami po ang nag-expect dito; ang private sector support po, iyong mga businessmen natin, mga chambers of commerce, even ambassadors go to us ‘no – ‘ano po ba ang puwede naming maitulong sa inyo?’ Ganito po kaganda ang prospect ng ating bayan.

In 2028 po, ang ating gusto ay lahat po ng local government units should be compliant with electronic-Business One-Stop Shop (e-BOSS) because we know that by attracting businesses to come in, that’s why we’re replacing red tape with red carpet, because this is the number one concern amongst the businessmen – “Dito po ba sa Pilipinas, ready tayo for business?” Kapag napaalam po natin sa buong mundo na ang Pilipinas ay ready for business, dadagsa po ang mga negosyante dito; dadami po ang negosyo, dahil dito, we will have more business and livelihood opportunities for our people.

PCO ASEC. VILLARAMA: Thank you very much, Secretary Ernesto Perez. We now open the floor to questions. Alvin Baltazar, Radyo Pilipinas.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: DG Perez, magandang umaga po. Kanina po nabanggit ninyo, sabi ninyo mayroon pang mga LGUs na hindi pa compliant, nasa 131, at sabi ninyo sasampahan ng kaso. Anong kaso ang isasampa natin sa kanila, DG?

ARTA SEC. PEREZ: Una, we observe due process ‘no. Doon po sa … mayroon kasi tayong eight regional field offices, may report po sila [tungkol sa] mga LGUs sa ating Compliance Monitoring Evaluation Office. Ang una po nating pinuntahan ay iyon talagang walang e-BOSS or Electronic Business One-Stop Shop, hindi po talaga … wala talaga. Ang pinadala po natin ng notices to explain ay 431, in two batches: Una po nating pinadalhan, 149 ‘no; and then second batch, 282. Sumagot naman po; unfortunately, hindi lahat sumagot.

So, out of that 431 LGUs na pinadalhan natin ng notices to explain, 134 ang hindi nag-respond. Alam ninyo ba na as early as the Salonga Law ‘no, doon sa Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees, kapag tayo ay hindi sumagot sa isang question, concern, complaint within 15 working days from receipt, liable na po sila. Iyon po ang ating gagamiting ano—hindi lang po dahil required sila ng Ease-of-Doing Business Law for all local government units to set up and operationalize an electronic business one-stop shop, sinasabi rin po doon na ang heads of agencies, the mayors are responsible for not complying with the Ease-of-Doing Business Law. At dahil hindi po sila sumagot, iyon po ang ating legal basis. Hindi po kami natatakot na sampahan sila ng demanda because we have a legal basis for it.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Anong parusa dito, DG?

ARTA SEC. PEREZ: We leave it to the Office of the Ombudsman po to determine kasi siyempre ang ARTA po, ang aming mandato ay mag-imbestiga, to conduct an investigation. And whatever finding we have, we will refer it to the Office of the Ombudsman. Ang Ombudsman po ang magdi-determine kung ano talaga iyong dapat. Dahil may violation, mayroon kang equivalent penalty.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: DG, ihabol ko na lang po ito. Nabanggit ninyo po kanina iyong sa mga reklamo. Ano ba iyong mga pangkaraniwang reklamo na nakakarating sa ARTA?

ARTA SEC. PEREZ: Ito po, karamihan talaga – kasi doon sa Ease-of-Doing Business Law, lahat po ng government  agencies ay required to process within standard processing time of three – seven – twenty (3-7-20) working days – ang karamihan po dito ay iyong failure to act within the standard processing time. Out of that number, mayroon pong 7,692 ang hindi nag-process within the standard processing time.

Mayroon din po iyong failure to issue official receipts; failure to set up a current or updated Citizen’s Charter. Pero karamihan din po ay iyong mga not within the jurisdiction of Anti-Red Tape Authority, but ito po ay niri-refer po natin sa kanilang Committee on Anti-Red Tape.

Alam ninyo po, iyong Anti-Red Tape Authority ay bagong agency, hindi po natin ma-cover nationwide kaya tayo po ay naglabas ng circular requiring all government units and local government units to set up Committee on Anti-Red Tape kaya binabato po natin iyong complaint doon sa kanila at sila po muna ang mag-iimbestiga noon. Kaya mataas po ang resolution rate dahil at that level niri-resolve na nila. Kapag hindi na-resolve babalik sila sa ARTA, mag-iimbestiga po tayo kaya maliit na lang iyong percentage na natitira.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Good morning, sir. Ano po ba iyong common na rason noong ilang mga LGUs na hindi nakapag-comply sa pag-establish ng electronic Business One-Stop Shop System kaya hindi po sila makapag-establish?

ARTA SEC. PEREZ: Well, ang usual po na rason nila ay mahina iyong internet connection, ang sagot naman natin napabilis po natin ito through Executive Order 32. Ang iba lang po talaga ay wala ‘no, ang sabi nila walang pera but mayroong data to show na kahit po iyong sixth class municipality ay nakapagtayo ng electronic Business One-Stop Shop. Kaya wala po talagang dahilan dahil as early as 2021 ay naglabas po tayo ng Joint Memorandum Circular with the DICT, DILG at DTI kung saan nilatag po natin ang guidelines para mabilis sa kanila ang mag-comply dito sa requirement ng electronic Business One-Stop Shop.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: May itatakda po ba kayong deadline para doon sa ibang puwede pang humabol sa pag-establish po ng e-BOSS system?

ARTA SEC. PEREZ: Of course. Due process po; partner agencies natin sila po, kina-capacitate natin sila kasama po natin ang DICT dito at ang atin pong timeline ay up to 2028. Uunahin lang po muna natin iyong wala talagang even a co-located electronic Business One-Stop Shop. Iyon pong mayroong mga partially automated electronic Business One-Stop ihuhuli na po natin iyon, uunahin muna natin ang talagang compliance. Kaya dito po sa ating gagawin, 134 LGUs will be charged for failure to setup an electronic Business One-Stop Shop.

SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Sir, kailan po tayong magsisimulang mag-file ng kaso doon sa 131?

ARTA SEC. PEREZ: Within the week po iyong aking utos sa legal department. Even before the election kasi hindi po dahilan iyon kasi this is something that is being directed by the President, sabi nga niya ay wala pong exemption dito, kaya po kami malakas ang loob because we have the President on our side always telling us, “Labanan ang red tape.”

Hindi lang po ito ginagawa ng ating Presidente publicly, even sa aming meetings po sa Cabinet meeting kapag ako po ay nakaka-attend palaging sa mind ng ating Presidente na tanggalin natin iyong pahirap sa taumbayan; unnecessary requirements should be removed; replace red tape with red carpet – ganoon po ka-sincere ang ating mahal na Pangulo. Kaya kami all out kami sa suporta dahil po sa direktiba ng Presidente for all government processes to be streamlined and digitalized as the best way to fight red tape and corruption.

SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Tapos, sir, out of doon sa 1,483 LGUs, ilan na po doon iyong nakapag-comply sa e-BOSS?

ARTA SEC. PEREZ: One hundred fifteen po as of March 31 this year have complied with. Seventy seven po this year, we are very positive makakapag-comply except lang po with issue with the Bureau of Fire Protection. Kaya po tayo ini-encourage po natin iyong Bureau of Fire Protection na magkaroon ng memorandum of agreement with the local government unit kasi iyon na po iyong hinihintay nila. These 77 LGUs will be able to comply with if the Bureau of Fire Protection will agree.

SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Last na lang po for my part. With the expectation to attract more investments in the Philippines given the relocation of plants happening due to the tariff imposition by US, how is ARTA preparing the EODB (ease-of-doing business) climate in the Philippines?

ARTA SEC. PEREZ: We see it as an opportunity, as a challenge, as an opportunity just like the Chinese [unclear]. Last week po, bumisita sa atin iyong Federation of Filipino-Chinese Investors – iyong founder po ng Hapee Toothpaste, sabi niya, “We look at it as an opportunity.” So, therefore ini-expect natin iyong businesses to transfer from Vietnam, Cambodia coming to us kaya po tayo hinahanda na natin iyong Pilipinas na magkaroon po ng business-friendly environment. Kaya po ang theme natin sa Ease of Doing Business Month is “Red Tape to Red Carpet: Better Business Movement in a Bagong Pilipinas.”

SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Follow up lang, sir. How is the ARTA preparing for doon sa pagpasok po noong expected na additional investment, ano pong preparations natin?

ARTA SEC. PEREZ: We are working closely with the DTI, iyong mga Department of Energy, Department of Environment kasi po may focus nga on—kagaya po last week nagkaroon tayo ng workshop sponsored no less by the Asian Development Bank on digital infrastructure at saka renewable energy.

Ang ARTA po nagpa-facilitate lang. We coordinate and we recognize iyong lead agency like for example sa digital infrastructure para mapabilis lalo pa iyong internet and we cover the entire Philippines. We recognize po the DICT as the lead agency.

In renewable energy, ang concern po ng mga businessman mataas iyong energy, electric cost – para po mapababa ito ini-encourage po natin to harness our potentials for renewable energy kaya nagkaroon po ng workshop mismo sa Asian Development Bank. At by June, we will have a study that will recommend to further expedite the permitting process in order to encourage investors to really come in and we’re really preparing for it.

SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Thank you, sir.

CLEIZL PARDILLA/PTV: Good morning po, Secretary. Balikan ko lang po iyong processing of documents for the awareness of everyone. Ano po iyong hanggang tatlong araw dapat maproseso na and what assistance can the government provide doon po sa mga partially compliant pa lamang sa e-BOSS? Thank you po.

ARTA SEC. PEREZ: Iyong Ease-of-Doing Business po specifically requires all government agencies including local government units to classify their services or transaction into simple. Meaning, kapag ministerial lang for them to act on it – three working days lang; kapag medyo requires some discretion – seven-working days; kapag kailangan ng study, implications to life, safety – 20-working days subject only to one extension.

Very clear po ang batas na kapag ang application ay complete with all the requirements at required po sila to declare that in their Citizen’s Charter at bayad na po iyong fees nila – lahat po ng ahensiya are required to process or to act on the application, we mean that standard processing time subject only to one extension.

At kapag hindi po ito naaksiyunan, magreklamo po kayo dahil mabigat po iyong penalty dito: First offense pa lang, six months suspension; second offense – dismissal from service, forfeiture of benefits, perpetual disqualification from service, may kulong pa po na one to five years, may fine na 500,000 to two million. Kaya ganoon kami ka-effective dahil alam ng government official or government employee na mabigat po ang penalty nito at ang ARTA po ay umaaksiyon kaagad, iniimbestigahan kaya po iyong ating resolution rate 99 percent ayaw na po nila umaabot po doon sa formal complaint at isampa natin iyong demanda sa Office of the Ombudsman.

AILEEN TALIPING/ABANTE: Good morning, sir. Follow up lang doon sa sinabi mo kanina, dito sa Metro Manila isa lang iyong hindi pa compliant. Ano po iyong reason niyan, iyong mahinang internet din ba o walang pera or reluctant lang siya na mag-ano?

ARTA SEC. PEREZ: Hindi ko nga po maano kasi identify na lang natin – Pateros. Iyong Pateros, kaya po municipality hanggang ngayon ‘di ba out of the 17 cities in Metro Manila, iyong Pateros. Pinapuntahan na po natin ng tao iyan, in-inspect, pina-explain bakit hanggang ngayon ay hindi pa sila nakapag-setup. So, ang susunod po noon ay…

AILEEN TALIPING/ABANTE: Kasama po ba siya kakasuhan within this week?

ARTA SEC. PEREZ: Hindi po kasi hindi natin napadalhan ng notice to explain muna kasi binigyan natin sila ng pagkakataon na mag-setup unfortunately hindi po tumupad, so expect po na after the election we will.

AILEEN TALIPING/ABANTE: We will.

IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: DG, 115 LGUs complainant as of March out 1,483 that’s not even 10 percent mangangalahati na po ang termino ng Pangulo. Anong gagawin natin para i-accelerate ito? What are the steps being taken to make more LGUs compliant?

ARTA SEC. PEREZ: Ang target po before the term of this administration ends in 2028, all LGUs must be compliant kaya po tayo – partner po natin dito ang DICT, DILG at saka DTI – patuloy po ang ating orientation. Ready po kami, kapag sumulat sila sa amin asking, tapos wala po silang dahilang pinansiyal dahil mayroon pong libre na system na dinevelop ang DICT.  Nag-umpisa po ito sa IBPLS, Integrated Business Permitting and Licensing System. Ngayon po ay in-improve pa ng DICT, mayroon na pong e-gov.ph. Libre po ito, ang una lang pong gagawin ng LGU is apply. Ngayon, iyong mga LGUs po na mayroong pera, mayroong silang hinayr [hired] na third party service provider.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: But is that even a realistic goal, DG, kalahati tayo, tapos wala pang 10% and then at the end of the term, lahat compliant?

ARTA SEC. PEREZ: Well, dahil in-intensify po natin, kaya po tayo nagpadala ng 431 notices to explain at kakasuhan po natin iyong mga 134 LGUs na talagang hindi sumagot. Kasi base po sa ating experience, kapag alam nila na serious ang any government agency and will file charges, they will act on it. I hope na hindi na nila hintayin na file-an natin sila din naman ng kaso bago sila umaksiyon.

MARICEL HALILI/NEWS 5: Sir, magandang umaga. Iyong sinabi po ninyo na 131 LGUs na kakasuhan, saang areas iyong karamihan dito?

ARTA SEC. PEREZ: Nationwide po ito, kasi we have eight regional field offices at iyong atin pong regional field offices, sila po iyong nagbibigay sa atin ng data, pinapa-inspect and we just have to make sure na talagang hindi sila sumagot.

MARICEL HALILI/NEWS 5: Karamihan po ba nasa Luzon, Visayas or Mindanao?

ARTA SEC. PEREZ: I’m sorry, hindi ko po maibigay muna iyong data. But you will find out when we file with the Office of the Ombudsman.

MARICEL HALILI/NEWS 5: No, sir, the reason why I asked that is because I wonder kung lahat ba talaga ng mga areas na iyan, okay na iyong internet connection because I understand, hindi rin naman 100% iyong connectivity natin nationwide until now?

ARTA SEC. PEREZ: Hindi po dahilan iyong walang internet connection, kasi we will make sure po na iyong ating kakasuhan ay hindi po nila gagawing dahilan iyon.

MARICEL HALILI/NEWS 5: Sir, ipu-push ko lang iyong kay Ivan. How optimistic are you doon sa 2028 na 100% compliance kasi kapag tiningnan natin ngayon iyong ratio, masyadong maliit?

ARTA SEC. PEREZ: We have a roadmap. In fact, on May 22 po, ilo-launch natin iyong Philippine Ease-of-Doing Business Reform guide book para even those areas na not covered with internet ay mako-cover natin and ito po iyong inaabangan  din ng ating mga investors in collaboration with the World Bank. I think we are the only country in the world na magkakaroon po tayo ng formal ease-of-doing business roadmap at ilo-launch po natin.

Ginawa po natin in collaboration with all government agencies, kasama po natin iyong private sector kaya very optimistic po tayo na talagang ma-attain natin ang objective na ito dahil kasama po natin iyong private sector, iyong mga business people who are really the drivers of our economy.

VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES TONITE: Good afternoon, sir. Paano po magko-complain diyan sa ARTA, how do we complain sa ARTA?

ARTA SEC. PEREZ: Simple lang po, tumawag sa hotline 12782 o kaya 8888 o kaya mag-email po sa complaints@arta.gov.ph. At mayroon pong sasagot, iga-guide ang sinumang magreklamo, kahit walang alam, mayroon pong sasagot na ready at iga-guide po ano iyong mga dapat gawin, ano iyong mga isa-submit na form.

VANZ FERNANDEZ/POLICE FILES TONITE: Gaano kabilis po ang response?

ARTA SEC. PEREZ: Within 24 hours po. Kapag mayroon, ireklamo ninyo kami, ganoon po kami ka-confidence sa ARTA.

PCO ASEC. VILLARAMA:  Thank you very much, Secretary Perez.    

ARTA SEC. PEREZ: Maraming salamat.

PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat, Secretary Perez. Maaari na po tayong tumanggap ng inyong mga katanungan.

RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Good morning po, Usec. COMELEC urged President Marcos Jr., to declare May 12 as a holiday. May decision na po ba ang Malacañang tungkol dito?

PCO USEC. CASTRO: Opo. Makakaasa po kayo, mamaya po ay ibibigay na po ang proclamation, ibibigay po namin sa inyo, today. Opo, in-announce ko na po.

IVAN  MAYRINA/GMA NEWS: Usec, bukod sa driver’s error, isa sa mga sinisisi sa nangyaring aksidente sa NAIA na ikinamatay ng dalawang tao ay ang hinihinalang substandard na bollard na dapat sana ay napigilan iyong SUV at naprotektahan ang  mga tao roon. What does the Palace have to say about this as well as the implied corruption in government contracts?

PCO USEC. CASTRO: Opo, nakakalungkot po may mga nasawi dahil sa diumanong depektibo na bollards na na-install po sa NAIA Terminal I. At ito po, na-install sa panahon po ng dating administrasyon at sa panahon po ni Transportation Secretary Arthur Tugade, ngayon po ay pinaiimbestigahan; ito po ay July 2019 noong na-install po ang mga ito. Pinaiimbestigahan na po kung paano po ang naging procurement pati iyong specifications, iyon po ay sa pag-uutos po ng Pangulo at ito po ay tutugunan kaagad-agad ni Secretary Vince Dizon. At pati po ang pag-i-inspect sa mga bollards at ang mabilisang pagpapalit po dito para sa safety po ng nakakarami.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: Good morning, Usec. Usec, ngayon po nagsasagawa ng kilos-protesta iyong iba’t ibang grupo po pagdating sa sitwasyon ng PrimeWater. Sabi po ng Kabataan Partylist, may mga  estudyante  daw po na mas gusto at namimili between pagtulog o tubig dahil po sa hirap ng problema sa San Jose Del Monte, Bulacan and may nag-file na  rin po ng investigation sa Senate at sa House of Representatives to look into the PrimeWater situation. Sa parte po ng Palace, may deadline po bang ibinigay ang Pangulo para sa result ng ginagawa ring investigation ng LWUA?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po ay nag-iimbestiga na po at titingnan po natin kung kailan po ito matatapos. Pero dapat po ay agaran po ito; hindi po pinatatagal ang anumang maaaring danasing kahirapan ng taumbayan. So, makakaasa po kayo ng mabilisang pag-aksiyon po dito ng Pangulo.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: On connection po sa PrimeWater, iyong si senatorial candidate Camille Villar and in recent Alyansa Rally po, hindi na rin po siya nabanggit ni Pangulong Bongbong Marcos. Connected pa rin po ba itong sitwasyon ng PrimeWater doon or nagkakausap pa po ba ang Pangulo at si senatorial candidate Villar?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, hindi po natin alam kung nagkakausap sila. Hindi po, ako personally, hindi po ako nakaka-attend ng campaign sortie. So, nung sa Cebu, kung hindi  siya naka-attend, so probably at that time, hindi sila nagkausap.

TRISTAN NODALO/NEWS WATCH PLUS: And even, before that po may isa pa pong rally na hindi rin nabanggit si senatorial candidate Villar.

On another topic na po, last na lang po, doon sa drug testing na in-order din po ng Transportation department. Bukas po ba iyong Palace to reconsider iyong decision ng drug testing, kasi po sabi ng PISTON, mahirap po iyon dahil iyong pera nga po, iyong kinikita nila apektado kapag ipinatupad iyong mandatory drug testing para sa PUV drivers. Si former Senator Tito Sotto, sabi niya after more than 24 million drivers were tested only 0.06% tested positive and it’s simply money-making, pag-aaralan po kaya ito?

PCO USEC. CASTRO: Dapat pong pag-aralan, kasi ito po ay kailangan din po. Tandaan po natin ang inaalagaan po dito iyong safety po ng commuters, ng mga passengers, ng mga tao na gumagamit ng kalsada, including na rin po iyong mga drivers, hindi po ito basta-basta maaaring sabihin na huwag na lang gawin kung ito  naman po ay makakasamá sa safety. So, pag-aaralan pa rin po ito at huwag naman po natin agad husgahan na ito ay isang money-making device or strategy.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec, sa panayam po kay Vice President Sara doon sa Zamboanga, sinabi niya na posible raw iyong bentahan ng P20 na bigas, pero ayaw niyang ibahagi kung papaano gagawin iyong pagbibenta ng P20 kada kilo ng bigas, kasi ayaw niyang tulungan si Pangulong Marcos. Ano po ang reaksyon dito ng Malacañang?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Lumalabas po kasi kung ano po ba talaga ang anyo ng ating Bise Presidente, lumalabas ang tunay na kulay ng Bise Presidente bilang isang public servant. Sa pag-amin niya, nandito po ang kaniyang sinabi na ‘imposible talaga ang bente pesos na bigas, pero puwede siya, hindi ko lang isi-share sa inyo, kasi ayaw kong tulungan si PBBM,’ iyan po ang tugon ni Bise Presidente, ng Vice President.

Sa pag-amin niya pong ito na hindi niya isi-share kung anuman ang kaniyang kaalaman, kung mayroon man talagang kaalaman. Dahil nga sa ayaw niyang pagtulong sa ating Pangulo, ito’y nagpapakita ng isang makasarili. Tandaan po natin kung anuman po ang kaalaman na mayroon kayo para sa taumbayan, ito po dapat ay agad-agad na isinasagawa at hindi po dapat ito tina-timing. Hindi ba nga po naiisip ng Bise Presidente ang kapakanan ng taumbayan lalo na po’t iyong iba ay nahihirapang bumili ng bigas kahit na nga po mababa ang presyo ng bigas.

Tandaan po natin, ang paglilingkod sa bayan ay hindi isang laro. Ang gobyerno, ang bansa ay hindi isang malaking playground, huwag naman po sanang maging asal bata ang Bise Presidente.

PCO ASEC. VILLARAMA: Thank you, Usec. Claire.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: At bago po tayo magtapos, isa pa pong good news para sa miyembro ng Pag-IBIG.

Dala ng patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro, mas pinalaki at pinadali na ang pag-qualify sa Pag-IBIG Multi-Purpose Loan. Sa ilalim  ng mas pinaigting or pinagbuting Pag-IBIG MPL, maaari nang makahiram ang miyembro ng hanggang 90% ng kanilang kabuuang Pag-IBIG regular savings. Mas mataas ng 12.5% kumpara sa dating 80%. Para sa mga miyembro, dinagdagan at in-upgrade ang kanilang regular savings, lalo pang tataas ang kanilang loan amount dahil nakabase sa kanilang ipon ang kanilang mahihiram.

Sa kabuuan, mas malaki ang maaaring matanggap ng mga miyembro mula MPL upang lalong makatugon sa kanilang pangangailangan. Ang mga pagbabagong ito, gaya ng mas mataas na halaga at mas mabilis na eligibility ay ipapatupad din sa ibang short-term loan programs ng Pag-IBIG tulad ng health and education loan programs at calamity loan. Pinaigsi na rin ang panahon para maging eligible ang miyembro sa pag-avail ng loan. Maaari nang mag-loan ang mga aktibong miyembrong may labindalawang buwan hulog sa Pag-IBIG na mas mabilis ito kumpara sa dating requirement na dalawampu’t apat na buwan. Dahil dito mas maaga na maka-access ng pondo ang mas nakakaraming miyembro para sa kanilang mga agarang pangangailangan. Panoorin po natin ito:

[VTR]

PCO USEC. ATTY. CASTRO: At malugod ko pong ibinabalita na kanina ay inulat ng Philippine Statistics Authority na bumagal sa 1.4% ang ating headline inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Abril, mula 1.8% nitong Marso. Ito na rin ang pinakamababang inflation rate na naitala sa bansa simula noong Nobyembre 2019 na nasa 1.2%. Mula Enero hanggang Abril 2025, nasa 2% naman ang average inflation rate.

Ayon sa PSA, bumaba ang inflation rate dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages na nasa 0.9%. Ito ang pangalawa sa may pinakamalaking share sa pangkalahatang inflation sa bansa. Nakatulong din pagbaba ng presyo ng transport na nasa negative 2.1% bunsod ito ng mabilis na mabilis na pagbaba ng presyo ng gasolina.  Ang pagbaba ng inflation rate ay patunay na patuloy ang pagsisikap ng Pangulong Marcos Jr. at ng administrasyon na palakasin ang ating ekonomiya. Panoorin po natin ito:

[VTR]

PCO USEC. ATTY. CASTRO: At dito po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.

 

###