PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.
Alinsunod sa utos ng Pangulong Marcos Jr. na labanan ang fake news, pinaigting ng Department of Information and Communications Technology at Google ang kanilang partnership para palawigin pa ang digital literacy sa bansa.
Sa partnership na ito, palalakasin ng Google ang AI-powered content detection/human moderation at hihigpitan ang pagpapatupad ng YouTube community guidelines.
Ang DICT naman, sa pamamagitan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center, ay magtatayo ng rapid response channel para i-flag ang mga harmful and unlawful online content para masiguro ang accountability at mabilisang aksiyon pagdating sa mga online content. Panoorin po natin ito:
[VTR]
Isa pang good news kaugnay pa rin sa laban kontra fake news: Bilang patuloy sa pagsusulong ng katotohanan at responsableng komunikasyon para sa Bagong Pilipinas para sa isang ligtas at responsableng digital Philippines, inilunsad ng Philippine National Police ang The War for Truth at ang Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC) katuwang ang Presidential Communications Office sa pangunguna ni Secretary Jay Ruiz.
Sinabi ni Secretary Ruiz na bubuo ang ahensiya ng inter-agency task force para labanan ang online misinformation at disinformation. Dagdag pa ng Kalihim na nakikipagtulungan na rin ang PCO sa DICT, PNP Anti-Cybercrime Group at DOJ para mabuo ang framework na mag-oobliga sa mga social media platform na labanan ang disinformation.
Ayon naman kay PNP Chief Rommel Francisco Marbil, tatlong uri ang kasinungalingan ang hinaharap natin ngayon: Ang una ay ang malinformation, disinformation at misinformation na sumisira sa tiwala at demokrasya. Dagdag pa ni General Marbil, hindi laban sa kalayaan sa pamamahayag ang kampaniyang ito kung hindi laban sa kasinungalingan. Nananawagan siya sa lahat na maging tagapagtanggol ng katotohanan para sa kapayapaan at kaligtasan ng bayan.
[VTR]
At ito po ang mga good news natin ngayong araw.
Bago po tayo tumuloy sa ating briefing, kasama po natin ngayon si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs of the Philippines Secretary Frederick Go para magbigay ng ilang update sa naging usapan ng Pilipinas at ng Office of the US Trade Representative. Magandang umaga, Secretary Go.
SAPIEA SEC. GO: Magandang tanghali sa inyong lahat. May dalawang good news po ako sa inyo ngayong tanghali. Unang-una po ay kababalik ko lang galing sa Washington D.C., kung saan po ay nakipag-meeting kami sa US Trade Representative. Kasama ko po si DTI Secretary Cris Roque at si Ambassador Babes Romualdez.
During the meeting, we were able to raise all the matters that have been brought up to us by our stakeholders, by the export industries dito po sa Pilipinas. At ang magandang balita po ay, I think, our discussions were very productive, and I believe that the meeting went extremely well.
Ang second good news ko po ay ang Luzon Economic Corridor po ay tuloy na po. Marami pong nagtatanong the last two months kung ano ang nangyari dito. Nakatanggap po kami ng kasulatan galing sa US Trade and Development Agency na approved na po ang loan ng Subic-Clark-Manila-Batangas Rail.
Thank you. I am open for your questions.
CHLOE HUFANA/BUSINESS WORLD: Good afternoon po, sir. Sir, last week po you said na you made sure to put the welfare of local industries at the center of the negotiations. Sir, what specific local industries are central to the negotiations? And how were their interests safeguarded during the talks? Kabilang po dito iyong semiconductor industry?
SAPIEA SEC. GO: I’ll answer your questions and … first, the first industry we discussed and where we spent the most time on was the semiconductor and the electronics industry dahil iyon po, ito iyong number one export po natin sa America.
Pangalawa po, tinake up din natin ang coconut industry. Napakahalaga po ng coconut industry sa atin dahil ito po ang number one agricultural export natin sa America. We also took up the matters na dinala sa amin ng garment industry, furniture industry at ng food processing industries. Mayroon din po iyong mga automotive parts. So, na-bring up po namin ito lahat ng mga concerns and issues ng mga stakeholders natin, and as I said earlier, I believe it was very well received.
CHLOE HUFANA/BUSINESS WORLD: Sir, were there any unexpected positive outcomes from the negotiations that have the potential to benefit the Philippine economy in the long run?
SAPIEA SEC. GO: May I ask for your patience na hintayin na lang po natin ang ano, siguro outcome po nito. What I can tell you po is that the technical working groups, so the Foreign Trade Office of the Department of Trade and Industry is taking over from here, discussing with their counterparts at the USTR office to be able to work out the details of whatever discussions we have.
CHLOE HUFANA/BUSINESS WORLD: Sir, last question from me. Sir, what strategies did the Philippine delegation employ to ensure that the welfare of the local industries remained at the forefront of the negotiations?
SAPIEA SEC. GO: Can I just say that the Philippine team went there very-well prepared. We meet with all the stakeholders of the various industries before we went. We discussed also with a lot of our Cabinet members po para pagpunta namin ay napakakumpleto po ng aming discussions at walang naiwan.
CHLOE HUFANA/BUSINESS WORLD: Sorry, sir, last na. Mayroon pa po ba tayong next na meeting with the USTR?
SAPIEA SEC. GO: The technical working groups now will be the one to meet. In particular, if you want to know, it’s Usec. Allan Gepty of DTI that will be continuing with the discussions with his counterparts at the USTR office.
CHLOE HUFANA/BUSINESS WORLD: So, mayroon pa pong next na travel to the US?
SAPIEA SEC. GO: Ako po? Ay, hindi ko pa po alam. Sila po ay—well, in this day and age, mayroon naman tayong Zoom, mayroon din tayong email, mayroon din tayong telepono. Siguro … pero to answer your question directly, I guess, there will be future trips.
NOEL TALACAY/PTV: Good morning po, sir, Noel Talacay po ng PTV. Sir, my question is about the Luzon Economic Corridor. So, despite President Trump halted the financial assistance to some countries, so still the US still supports the LEC pushing through here in the Philippines and how it will affect our economy?
SAPIEA SEC. GO: Well, iyon ang magandang balita po ‘no. Alam po natin na maraming programa ng Amerika ay natigil pero ang Luzon Economic Corridor po ay tuloy, kaya natutuwa po kami when we received the letter from the USTDA. And as you know, this Subic-Clark-Manila-Batangas rail will be very important to industry and trade kasi this will link the most important ports in our country – the Subic Port, the Manila Port and the Batangas Port – together, comprised over 80 percent of all volume of port traffic in our country. That’s why the Subic-Clark-Manila-Batangas rail is extremely important to our development.
NOEL TALACAY/PTV: Sir, one more question. How much is the loan that the US provided to us?
SAPIEA SEC. GO: Three point eight (3.8) million dollars po.
ALEXIS ROMERO/PHILIPPINE STAR: Secretary, you described the meeting with the US Trade Representative as productive and it went extremely well. Mayroon bang pinangako iyong US sa atin during that meeting given that you seem to be very happy with the outcome?
SAPIEA SEC. GO: I think at this point the technical working groups have to get together. But if I may also share po that all these trade negotiations are covered by a confidentiality agreement, so pagpasensiyahan ninyo na po kung wala pong masyadong detalyeng maibigay.
ALEXIS ROMERO/PHILIPPINE STAR: Pero given that na naging positive ang inyong naging review sa naging meeting, what concrete achievements or accomplishments were attained during those negotiations?
SAPIEA SEC. GO: Kasama na po iyon sa confidentiality agreement.
ALEXIS ROMERO/PHILIPPINE STAR: Okay, sige po salamat po.
MARICEL HALILI/NEWS 5: Hi, sir. Magandang umaga. Sir, just one quick follow up: You mentioned during our last press briefing here in Malacañang na ang best case scenario is magkakaroon tayo ng free trade agreement with the US. How far are we from that?
SAPIEA SEC. GO: I think we have to let the process take its place. We have to let the technical working groups work on a framework for discussions. I think both sides will have to work together to put a framework before the 90-day moratorium period is over. So, we should allow the process to take its place before we can go further.
MARICEL HALILI/NEWS 5: Sir, how soon natin malalaman iyong possible outcome dito sa negotiation?
SAPIEA SEC. GO: Hard for me to predict because there are two sides that need to get together to agree, hindi naman ito purely on our side kung anong gusto po natin. But there is that 90-day moratorium period, so there is a date towards which I believe both sides will work towards coming up with a framework before that period is over.
MARICEL HALILI/NEWS 5: Thank you, sir.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, you were talking about iyong 90-day moratorium period. Siguro by the end of the moratorium period with the way the discussion happens you’re very happy with the negotiations – what’s the best possible outcome that we are expecting? Do we maybe expect a reduction of the 17 percent tariff rate?
SAPIEA SEC. GO: Siguro, ma’am, we have to wait for the outcome of that process.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Thank you, sir.
PCO ASEC. VILLARAMA: Last question for Secretary Go. Sam Medenilla, BusinessMirror.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Sir, na-mention po kanina ni Ma’am Pia iyong regarding doon sa 17 percent na kung bababa iyon after noong 90-day moratorium kung bababa iyong 17 percent. So far wala pa pong naging commitment iyong US Trade regarding doon sa pagbaba noong 17 percent?
SAPIEA SEC. GO: Well, if I may just expound a little bit. If you look, many countries have already visited America ‘no nakapunta na doon si Japan, si Korea, si Indonesia, si Malaysia, si Vietnam, et cetera. At kung susundan ninyo po ang news ay wala pa naman pong kahit sino sa kanila na may conclusion on anything.
So, with that framework po as you are very well aware, the meeting I had with the USTR last Friday was our first meeting. So, I think it would be reasonable to expect that hindi naman siguro mako-conclude ang negotiations in one meeting. So, talagang let’s allow the process to take place.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Sir, ano na lang po iyong nagiging coordination natin with the ASEAN kasi ‘di ba mayroon din pong parang plano iyong ASEAN to have a consolidated negotiation with US?
SAPIEA SEC. GO: I’m not sure it’s a consolidated negotiation but I think the discussions aming the ASEAN members continue.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Thank you po.
PCO ASEC. VILLARAMA: Thank you very much, Secretary Go.
SAPIEA SEC. GO: Thank you very much.
PCO ASEC. VILLARAMA: Usec. Claire?
PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat, Secretary Go. At ngayon po ay handa na po tayong tumanggap ng inyong katanungan.
TINA MARALIT/MANILA TIMES: Good afternoon, ma’am. Ma’am, recently the Philippines achieved its highest ranking in 21 years in the World Press Freedom Index as reported by the Reporters without Borders. This was mainly attributed to the government’s boosted efforts to address media-related threats and attacks, your comments on this?
PCO USEC. CASTRO: Yes, definitely that’s good news. The President is delighted with that latest ranking of the Philippines in relation to its upholding the press freedom, okay. It shows that the President respects one’s rights of expression and the responsible journalism.
So, ito po ay maganda po na naipapakita ng Pangulo na the President is not gearing towards dictatorship. Malaya po ang pamamahayag na nakikita po natin sa kasalukuyan.
TINA MARALIT/MANILA TIMES: Ma’am, follow up lang po. How can the present administration, particularly the Presidential Communications Office and other relevant agencies, ensure that the rights of media workers in the country are upheld and recognized lalo na po’t kamakailan unfortunately ay may napaslang pong isang beteranong mamamahayag?
PCO USEC. CASTRO: Noon pa pong 2024 ipinangako naman po ng Pangulo and I quote, ang sabi po ng Pangulo: “Be assured that we are doubling down on our commitment to protect our journalists and to uphold press freedom. We stand with you hand-in-hand in this fight.”
So hanggang ngayon po, 2024 po iyon sinabi ng ating Pangulo, at ngayon po ay nakita ninyo po ang nagiging resulta. Paiigtingin pa po ng ating Pangulo, ng administrasyon, ang kalayaan sa pamamahayag. Asahan ninyo po iyan.
TINA MARALIT/MANILA TIMES: Thank you, ma’am.
CLEIZL PARDILLA/PTV: Good afternoon po. Usec. VP Sara Duterte calls the complaint against Congressman Pulong Duterte a part of the administration’s political attacks. Your reaction po?
PCO USEC. CASTRO: As I have said during the last press briefing that the Vice President should have at least leveled up in her discussions, in her responses in certain issues. But it seems that she never heard anything in regard to that or she just refuses to listen. Hindi siya nag-level up; mas parang bumaba pa. Inuulit niya muli ang kaniyang mga excuses na pamumulitika, politicking.
Kung ito ay patungkol sa kaniyang kapatid, sinabi niya po sa interview hindi pa niya nakakausap si Congressman Pulong Duterte. At malamang ay hindi niya rin po nadinig ang interview sa kaniyang kapatid at ito po ay nasama na po sa news and I quote sa Tagalog po ito pero he said it in Cebuano, “Sa aking mga kapatid na Davaoeño, ngayon nakita ninyo na naman ang video matagal-tagal na iyon nangyari. Sige lang, desisyon ninyo po pa rin kung sino ang iboboto ninyo sa pagka-congressman sa unang district. Hindi ako makikialam,” saad ni Duterte sa wikang Cebuano. Cited po ito sa isang news article ng Abante.
Now, kung inamin naman po ni Congressman Pulong Duterte, ayon sa kaniyang interview, hindi niya itinanggi ang video, papaano ipapahid ng Bise Presidente ang ginawang ito ng kaniyang kapatid sa Pangulo at sa administrasyon? Nabanggit dito na ang pagha-hire, pagkuha ng ibang mga kababaihan for their own satisfaction, ang sandaling kaligayahan, bakit ito ibibintang sa Pangulo, hindi ba dapat sagutin na lamang nila kung ano ang complaint? Definitely, Congressman Pulong Duterte is a public servant. He should know his obligations, he should know the laws, he should know what good traits of a leader should be and what good traits that a leader should describe himself.
CLAY PARDILLA/PTV: Ma’am, follow-up po. How does Malacañang see VP Sara publicly defending Cong. Pulong and their history of siding with figures involved in serious crimes like Pastor Quiboloy who’s facing sexual abuse and human trafficking charges?
PCO USEC. CASTRO: Iyon na po ang nangyayari, ganiyan po ang nangyayari kapag po kakampi, kaibigan, parang gustong agad ipawalang-sala at kailangang ibato ang kasalanan sa pamumulitika. I just would like to remind you one what of the episodes of Gikan sa Masa, Q&A, if I am not mistaken, that’s March 10, 2024. When the President was interviewed by certain media personnel or vloggers, Pastor Quiboloy, admitted that he was once complained of, of illegal land conversion wherein he could be imprisoned for six years. Ang sabi po ni Pastor Quiboloy, nagpapasalamat siya kay Mayor or tinawag niyang Tatay Digong, Mayor Digong, dahil si Mayor Digong ang lumakad, pinuntahan ang dapat puntahan. So, ano po nga ba ang nangyayari kapag ganito po ang sinasabi?
So, kung dapat may managot po dito sa ginawa po ni Congressman Pulong, since kaniya naman pong hindi dinenay, kaniya pong inamin ang video, lumalabas sa kaniyang interview, ‘di dapat managot ang dapat managot.
TINA PANGANIBAN-PEREZ/GMA NEWS: Good afternoon po, Usec. In a recent interview, Vice President Sara Duterte said every time may isyu raw po against the Marcos administration, inaatake raw po ang mga kalaban and may I read part of her quote, “Mayroong namatay sa Amerika at nandoon sa loob ng kuwarto si First Lady Liza Marcos. At nandoon sa police report, cocaine iyong sinasabing nagkalat doon sa kuwarto na iyon ay bigla na lang nilang hinila, kinuha, dinukot si Pangulong Duterte.” Your comment po, ma’am?
PCO USEC. CASTRO: Sa kaniya pala nanggaling ang fake news. Siya pala ang source ng fake news na ito na pinapakalat laban sa Unang Ginang, kay First Lady. Unang-una po, kailangan pa ba nating paniwalaan ang mga ganitong klaseng istorya na nanggagaling sa Bise Presidente? Tandaan po natin, dumating si First Lady sa Pilipinas, March 10, 2025. Kung gusto niyang alamin iyan bilang Bise Presidente ay may record po iyan. March 11, nagkaroon po ng event si First Lady with the representatives of Girl Scouts of the Philippines, that’s May 11, 2025 (March 11, 2025) – puwede po ba nating ipakita?
Makikita po natin na kasama niya ang ilan sa mga representatives ng Girl Scouts of the Philippines: Nandiyan po si Dra. Cristina Yuson, National President, Mrs. Teresita Gonzales, GSP Central Board Member at si Mrs. Roselyn Davadilla, National Executive Director. March 11 po nang naaresto or dinala ang dating Pangulong Duterte sa ICC. Papaano po ito maiko-correlate kay First Lady, samantalang March 11, nandito na siya sa Pilipinas kasama ang sinabi po nating mga representatives ng Girl Scouts of the Philippines.
Ito po ang sinabi ni VP Sara ay walang paggalang sa pamunuan, sa organisasyon ng Girl Scouts of the Philippines. Pinapalabas niya na ang event na ito ay hindi nangyari. Bilang bise Presidente, hindi po ba dapat inalam niya muna kung itong mga taong ito na nabanggit ko from the Girl Scouts of the Philippines ay totoong nagkaroon ng meeting sa ating First Lady. So tanong natin, dapat pa ngang paniwalaan ang mga sinasabi ni Bise Presidente, kung sa kanya naman pala nanggagaling ang mga fake news at disinformation na ito.
TINA PANGANIBAN-PEREZ/GMA NEWS: Ma’am, the Vice President was also asked about the alleged increasing or intensifying drug problem in the country. Your assessment po, ano po iyong assessment ng Malacañang?
PCO USEC. CASTRO: Increasing drug cases?
TINA PANGANIBAN-PEREZ/GMA NEWS: Opo, drug problem?
PCO USEC. CASTRO: Okay, unang-una po ay nadinig natin ang kaniyang sinabi, ang tanong lang natin doon sa reporter, saan po kaya niya nakuha iyong kaniyang datos para sabihing lumalala ang problema ng iligal na droga sa bansa? Maaari po ba nating ipakita ang mga naging accomplishments ng PDEA at ng PNP?
Makikita po ninyo sa screen kung ano po iyong mga nangyari at naging accomplishments po ng PDEA-PNP. So, saan po kaya nanggagaling ang datos na itinatanong kay VP Sara? Hindi po totoo na lumalala, mas marami pong accomplishments ang administrasyon po ni Pangulong Marcos Jr. Sa katunayan, from July 1, 2022 to December 30, 2024 ay 94,050 anti-illegal drug operations had been conducted which resulted in the arrest of 127,155 drug personalities and seizure of 52.49 billion pesos of illegal drugs.
TINA PANGANIBAN-PEREZ/GMA NEWS: Ma’am, last na po from my end. May quote din po si VP about you po. Ang sabi po niya, “Sumasagot lang naman ako sa kaniya, hindi ako tao na kilala na unang nakikipag-away, lagi ako ay sumasagot lang. Sinagot ko na iyan dati, garbage in, garbage out. Pumapasok sa kaniya basura, lumalabas sa kaniya basura.” Your comment po?
PCO USEC. CASTRO: Okay, noong sinabi niyang garbage in, garbage out, ang pinatutungkulan po doon na tanong ay patungkol sa pag-iimbestiga, kautusan po ng Pangulo na magkaroon ng pag-iimbestiga sa nagiging problema ng mga consumers dito sa PrimeWater na alam naman natin na pag-aari ng mga Villar. Ang ibig ba niyang sabihin na basura ay iyong pag-uutos na paimbestigahan ang PrimeWater? Sa mga kababayan nating mga consumers ng PrimeWater, ganito po ba natin ituring ang kautusan ng Pangulo na basura o walang kuwenta, walang saysay. Kaya noong sinabi sa akin ng Pangulo na ipag-uutos niya ang pag-iimbestiga at ito naman ay aking ipinahayag sa inyo, basura ba ang pag-uutos na iyon ng Pangulo?
Marahil sa kaniya ay walang kwenta ito dahil tandaan natin, hindi niya siguro alam kung ano ang mga reklamo nationwide ng mga consumers ng PrimeWater. At dahil siguro involved ang pamilya Villar, at ang sabi niya, “Ang tunay na kaibigan ay walang iwanan,” marahil ito rin po siguro ang dahilan kung bakit hindi naman agad nagkaroon ng pag-iimbestiga sa mga hinaing ng mga consumers ng PrimeWater sa panahon po ni Dating Pangulong Duterte.
PCO ASEC. VILLARAMA: Richbon Quevedo, Daily Tribune.
RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Good afternoon po, Usec. Recent incident of road rage got the attention of the President and reacted to it. Devastating accidents happened and particularly po iyong multiple vehicle collision sa SCTEX and yesterday po sa NAIA Terminal 1. Now, the Department of Transportation po is very quick in their responses and kita po natin ngayon. My question po is: Is there a particular reaction po ba coming from President Marcos?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Opo, of course ikinalulungkot ko ang mga nangyari, lalo po’t may mga buhay po na nawala, may mga kababayan din po tayong nasaktan; hindi magandang balita po ang ganitong klaseng aksidente. At dahil sa pag-uutos po ng Pangulo na mabigyan agad ng hustiya ang mga pamilya ng nasawi, umaksiyon po agad si Transportation Secretary Vince Dizon, at siya po ay nagbabala at nagbigay na rin po ng agarang pag-uutos patungkol po sa regular and mandatory drug test for public utility vehicle drivers effective immediately.
Napakagandang kautusan po iyan, at iyan din po ang direktiba po ng Pangulo para maiwasan kung anuman po ang maaari pang mangyari na aksidente. At dapat po ang mga motorista at ang mga commuters din po natin ay mag-ingat po sa pang-araw araw nilang pamamasada at pagsakay sa ating mga PUVs.
RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Follow up lang po, ma’am. Earlier po sinabi rin po ni Secretary Dizon na, and I quote po, “The people do not feel safe on our streets, and that President Marcos directed him to fix it.” May details po ba on added directives coming from the President?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Iyon po, maliban po sa sinabi natin ay magkakaroon po ng pag-aaral at alam po natin ay ipapatupad ito ng reduction of driving hours for public utility bus drivers. Dapat pag-aralan po ito, kasi tandaan po natin kapag sobra po ang oras ng pagda-drive ng isang driver ay maaari po itong makaapekto sa kaniyang kapasidad na mag-drive ng maayos at titingnan po nila kung anong oras ang nararapat. At kung kayo naman po ay magda-drive—kung anim na oras kayong nagda-drive, siguro mas maganda po iyong noong gabi na iyon bago kayo mag-drive, huwag na po kayong magpuyat o uminom. Alalahanin po natin na sa kamay din po ninyo ang safety ng mga passengers, mga commuters, mga pedestrians.
RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Thank you po, Usec.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Follow up po doon sa pag-aaral doon sa reduction of driving hours. Sa pag-aaral po ba na ito, titingnan din iyong posibleng economic implications naman pagdating sa mga drivers?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Opo, ang nasabi po ni Secretary Vince ay mukhang bababa ito from six hours to four hours. Hindi pa lang po natin alam kung ito po ngayon ay final na. Pero tama po ang inyong suhestiyon, Miss Pia, siyempre po kapag po nagbawas ng oras, bawas din po ang kita ng drivers, kaya mas maganda pong masusing pag-aralan ito para sa mga drivers at para na rin sa mga commuters at passengers.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO630: Magandang hapon, Usec. Can you confirm lang po iyong report na nagpatawag po ng spiritual at planning session si Pangulo sa mga cabinet officials nitong Sabado? Ano pong napag-usapan at nailatag na plano sa session?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Maganda po kasi nagkakaroon din po ng mga pagsasama-sama ni Pangulo at ng kaniyang mga cabinet secretaries. Opo, nagpatawag po noong Sabado at of course, nabigyan sila ng spiritual guidance para sa kanilang pagtatrabaho, hindi lang bilang isang public servant kundi bilang isang indibidwal. At hindi makakalimutan ni Secretary Sonny Angara ang sinabi ng Pangulo and I quote: ‘Walang tulong o pabor ang masyadong maliit para sa publiko at para sa isang kalihim ng departamento. God is in the details.” So, maganda po nangyari pong ito dahil unang-una po ay very light moment naman po ang nangyayari at may paggagabay po, spiritual.
CHRISTIAN YOSORES/ RADYO630: One follow up lang, ma’am. Mayroon po bang ibinilin or specific instruction si President sa mga cabinet officials lalo na po ngayon na we’re halfway na po ng administration?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Unang-una, hindi po kasi siya kasi cabinet meeting. Of course, pag-uusapan kung papaano ba maipapatupad kung ano ang dapat ipatupad para sa taumbayan. Pero aside from that, it’s more on spiritual guidance ang nangyari.
TUESDAY NIU/DZBB: Hello, ma’am, puwede pong maitanong kung sino po spiritual personality na nag-conduct sa kanila ng spiritual guidance?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Dumating po si Father Tito Caluag.
TUESDAY NIU/DZBB: And how long po iyong duration ng spiritual guidance?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa ngayon po, wala po akong detalye kung gaano katagal ang nangyari pong spiritual session.
EDEN SANTOS/NET25: Good morning po, Usec. Binatikos po ni dating Presidential Spokesperson Attorney Harry Roque iyong aniya’y lantaran katiwalian ng mga Marcos sa gitna po ng imbestigasyon ng Hong Kong sa umano’y gold-linked money laundering activities. Ito po’y nabanggit din sa isang media entity dito sa Pilipinas, bukod po doon sa mga report from Hong Kong and Taiwan. Nakarating na po ba ito sa kaalaman ng Pangulo, ano po iyong kaniyang reaksiyon kaugnay nitong panibagong allegation po na ito?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Wala pong katotohanan, iyon lang po.
EDEN SANTOS/ NET25: So, you categorically deny po ito?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Walang katotohanan.
EDEN SANTOS/NET25: Doon po sa pagdalo ng Pangulo kanina po sa One Cebu rally sa Cebu, iyon po bang presensiya ng Pangulong Marcos ay sign po iyon na iyong suporta niya kay suspended Cebu Governor Gwen Garcia ay parang sign din na sinusuportahan niya iyong paglabag or hindi pagsunod ni Governor Gwen doon po sa kautusan ng ombudsman?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Wala po tayong nakikitang ganoon.
EDEN SANTOS/NET25: Doon po sa nabanggit ninyong pitong pisong pagbaba ng Duterte administration, puwede po ba ninyong i-clarify iyon, kung talagang pitong piso—gagawing pitong piso kada kilo iyong bigas that time or iyong sinasabi po ng dating pangulo na reduced o bawasan lang ng pitong piso iyong presyo po ng bigas?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Nasa news na po iyan, maaari ninyo pong i-refer po ang news patungkol po diyan.
EDEN SANTOS/ NET25: So, malinaw po na reduced po iyong nabanggit, pero kayo sabi ninyo sa inyong vlog—vlog po ba iyon or whatever, iyong pitong piso, sabi ninyo pangako pitong piso at parang sort of ganoon. Puwede po bang linawin lang natin iyon para hindi naman pagmulan ng fake news?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa vlog po ba?
EDEN SANTOS/ NET25: Nakita, napanood po sa ano.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Hindi po yata iyon nabanggit sa press briefing.
EDEN SANTOS/ NET25: Opo, hindi po sa press briefing, parang you’re talking na pinapakita ninyo pa iyong SONA something ni PRRD, para lang po magkaroon ng ano ‘no, sa halip na…
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Hindi po iyong pahayag ng Pangulo, nandito po tayo sa ating press briefing para ihayag po ang direktiba, announcements ng Palasyo, hindi po patungkol sa akin pagba-vlog, maraming salamat po.
EDEN SANTOS/ NET25: Hindi nabanggit ninyo lang po iyong vlog, Usec, ano po para lang po hindi malito.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Miss Eden, pasensiya na po, hindi po ako makakasagot ng anumang sinabi ko outside from this press briefing. Kung anuman ang aking naging opinyon personal, pag-usapan natin sa labas at hindi dito po.
EDEN SANTOS/NET25: Kasi po parang makakaapekto rin po doon sa mga ano ng Pangulo na medyo iba iyong nababanggit na—
PCO USEC. CASTRO: Ms. Eden, kung ano po ang inyong pakay patungkol po dito, inuulit ko po, ang aking pagba-vlog ay wala pong kinalaman ang Palasyo, ang Pangulo at ang gobyerno.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec, good afternoon po. Usec, nitong weekend mukhang nagkausap si Pangulong Marcos at saka si Prime Minister Anwar Ibrahim, may we get some details kung ano po iyong napag-usapan nila aside from economic and security?
And isasabay ko na rin, Usec. Nabanggit din ni Pangulo na sabi niya, magkikita sila sa ASEAN Summit this coming May. Kailan po ang alis ng Pangulo para doon sa ASEAN Summit?
PCO USEC. CASTRO: Ang summit po ay gaganapin sa May 26 to 27. Asahan ninyo po na darating po, a-attend po ang ating Pangulo sa nasabing ASEAN Summit.
Ang napag-usapan naman nila ay iyong nakikita natin sa body language at sa magandang pagngiti ng Pangulo. Ibig pong sabihin ay napag-usapan nila ang mga hamon sa ekonomiya at seguridad na maaaring kaharapin po ng ASEAN. At nais po rin nila, kung anuman po ang issues patungkol po sa ekonomiya at seguridad ay maipagpatuloy po ito at mapag-usapan sa ASEAN Summit dito po sa Kuala Lumpur.
At kung hindi po ako nagkakamali, nabanggit din po na wini-wish po ni Prime Minister ng good luck ang ating Pangulo sa darating na eleksiyon.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec, good afternoon. Usec, reaction lang from the Palace. Sa SWS survey kasi na isinagawa noong April 11 to 14, sinasabing 93% ng mga Pilipino ang susuporta sa mga kandidato na nagtataguyod ng mas maraming oportunidad sa trabaho, pagpapalakas ng agrikultura upang dumami ang produksiyon ng pagkain sa bansa.
PCO USEC. CASTRO: Masaya po tayo, masaya po ang Pangulo na ganiyan po ang nagiging resulta dahil ang mga botante po ngayon ay nabubuksan na po ang isip kung sino ba dapat ang kanilang ibuboto. At itong mga nasabi po na mga kagustuhan ng mga buboto para sa isang lider ay nakikita po sa mga miyembro po, mga senatoriables po ng Alyansa. Alyansa na ang mga pangalan ay binanggit ni Pangulong Marcos Jr. dito lamang po sa katatapos na campaign sortie sa Cebu.
ANALYN SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec, ano po ang nakikita ng Malacañang na posibleng factors na nakapag-contribute na nag-iba po iyong pananaw ng ating mga voters po para sa mga kandidatong tumatakbo ngayong midterm election?
PCO USEC. CASTRO: Nakikita po siguro nila kung ano ang naitutulong ng pamahalaan, especially patungkol po sa agrikultura, at kung papaano po ba tinutugunan ang isyu po ng kagutuman at kahirapan. Kailangan po talaga nating iboto ang mga nagtatrabaho hindi lamang po iyong gumagawa ng intriga.
At dito po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps at magandang hapon para sa Bagong Pilipinas.
###