Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and PCO Undersecretary Atty. Claire Castro with Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian


Event PCO Press Briefing with DSWD
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa good news na hatid ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.

Pasasalamat kay Pangulong BBM ang nais iparating ng mga kababayan nating salat sa pagkain dahil nakakakain na sila ng mura pero masarap na klase ng bigas. Magtuluy-tuloy raw sana ang pagbibenta nito sa KADIWA ng Pangulo para tuluy-tuloy rin ang kanilang ginhawa. Panoorin po natin ito:

[VTR]

PCO USEC. CASTRO: Good news naman sa ating mga magsasaka sa Bulacan: Bumibili na ulit ng palay ang National Food Authority sa inyong probinsiya. Nabakante na kasi ang NFA warehouse diyan kaya puwede na muling punan ng NFA ang grain reserves na gagamitin sa Bente Bigas Mayroon Na (BBM Na) program. Hanggang 5,000 sako ng palay ang puwedeng bilhin sa mga magsasaka at iimbak sa NFA warehouse. Dahil dito, hindi lang madadagdagan ang kita ng ating mga magsasaka, mapagtitibay pa nito ang buffer stock ng ahensiya na kakailanganin sa panahon ng kalamidad.

Sinabi rin ni Pangulong Marcos Jr. na dapat lang maibalik sa dating gawi ang NFA bilang siyang bumibili ng palay sa magsasaka, nagmo-monitor ng presyo upang mas mapaganda ang pagbili nito sa mga farmers. Nais niya pang maibalik ang mandato ng NFA na makapagbenta ng bigas diretso sa consumers para maging matatag ang presyo nito. Narito po ang video:

[VTR]

PCO USEC. CASTRO: Epektibo at nararamdaman ang epekto ng Walang Gutom Program ng Department of Social Welfare and Development sa pagpapababa ng hunger level sa bansa. Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makamit ang zero hunger sa bansa.

Sa resulta ng isang SWS survey, nasa 300,000 na dating food poor families ang nakakakain ng sapat at masustansiyang pagkain. Partikular na bumaba ang kagutuman sa Negros Oriental at Occidental, Cotabato City, Zamboanga del Norte at Surigao del Norte. Isa lamang ang Walang Gutom Program sa mga prayoridad ng Pangulong Marcos Jr. para mapabuti ang kalagayan ng ating mga kababayan. Panoorin po natin ito:

[VTR]

PCO USEC. CASTRO: At para bigyan tayo ng detalye sa tagumpay na ito, kasama natin ngayon si DSWD Secretary Rex Gatchalian; Jay Sandoval, vice president ng SWS; at Yoly Crisanto, ang chief ng Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe. Sec. Rex, magandang umaga po.

DSWD SEC. GATCHALIAN: Magandang umaga. Tulad ng nasabi ni Undersecretary Claire, alinsunod sa utos ng ating Pangulo na wakasan ang kagutuman, nilunsad ng DSWD noong 2023 ang Walang Gutom Program. Ito iyong tinatawag na Philippine Food Stamp Program.

Ang unang 300,000 na miyembro nitong program na ito ay nakakakain na ng maayos at unti-unti nang bumababa ang incidence ng kagutuman among the food poor. Ngayong umaga, kasama natin, tulad ng sinabi ni Usec. Claire, si Yoly Crisanto, ang Globe Chief Sustainability and Corporate Communications Officer. Maaaring nagtatanong kayo kung bakit nandito ang Globe, dahil ang Globe ang nag-commission ng monitoring and tracking study. Ginawa nila ang SWS, na kasama natin ngayon na kumakatawan si Jay Sandoval na SWS vice president, para ipaliwanag ang study na nangyari or a methodology na ginamit nila.

So, muli, kami ay natutuwa sa DSWD dahil unti-unti nang bumababa ang hunger incidence. At hahayaan ko siguro ang Globe na magpaliwanag ng kanilang partisipasyon pati na ng SWS tungkol sa kanilang methodology.

MS. YOLY CRISANTO: Good morning. Maraming, maraming salamat po, Secretary Rex and Usec. Claire.

Kami po ay … we are deeply, deeply grateful for being here and for the partnership that we have with the DSWD. Alam ninyo po, this is a shared objective ‘no with Globe because, I don’t know if you’re aware, ang Globe po way back in 2022 also launched Hapag Movement which is also a private sector-led movement by Globe and its other partners in terms of addressing involuntary hunger.

So noong nilapitan po kami ng secretary natin ng DSWD through the Management Association of the Philippines, we were only too glad to help ‘no and raised our hands and said, “Kailangan po natin ng magandang-magandang programa na katulad nito that can scale.” And more than that, we also need data kasi kailangan po nating makita kung ano po talaga ang naging impact ng naging programa natin.

And here to prove that the data is sound and the intervention is correct, nandidito po ang SWS para i-discuss po nila kung ano ang naging resulta ng kanilang mga pagsusuri and surveys. Jay?

SWS VP SANDOVAL: Magandang umaga. Salamat po, Secretary Rex, Usec. Claire at saka Ma’am Yoly.

Ang Social Weather Stations po ay masaya na naging bahagi kami ng pag-aaral na ito: Dalawang survey ang ginawa ng Social Weather Stations; isa ay ginawa noong October 7 to 18, 2024 at ang pangalawa ay noong December 1 to 10, 2024.

Sa unang survey, nagkaroon kami ng 2,011 respondents at noong pangalawang survey ay nagkaroon kami ng 1,980 respondents. Ngayon, ang mga respondents sa survey na ito ay prelisted, batay ito sa pagpili sa konsultasyon. At itong mga respondents na ito ay hinanap namin sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas; pinuntahan namin sila sa mga bahay nila at in-interview face-to-face. Isa sa mahalagang tanong ay tinanong namin kung sila ay nakaranas ng gutom.

Ang tanong na ginagamit sa SWS tulad ng survey na ito ay isa lamang, pareho ng implementasyon, na ang tanong ay: Nitong nakaraang tatlong buwan, nangyari po ba kahit minsan na ang inyong pamilya ay nakaranas ng gutom at wala kayong makain? So, ito iyong tinatawag na involuntary hunger.

Ngayon, iyong mga nagsabi ng ‘Oo, nakaranas kami,’ ang follow-up question ay: Nangyari po ba iyan nang minsan lamang, mga ilang beses, madalas o palagi? At ito, tulad ng sinabi ko, ay batay doon sa mga ilang surveys na ng SWS, iyong standard question namin. At nitong huling survey, noong March of 2025, ang resulta ng national survey ng SWS sa general population households, nakakuha kami ng 27.2 na porsiyento na nagsasabi na sila, ang kanilang pamilya ay nakaranas ng involuntary hunger.

Ngayon, dito sa resulta ng survey na ginawa para sa DSWD na sinuportahan ng Globe, nakita namin na ang resulta ay about 50% — 47% siya overall noong wave one at 46.4 siya noong wave two. So, kung ikukumpara natin, iyong national ay mas mababa kumpara dito sa targeted areas kung saan kami nag-interview para sa DSWD na nagpapatunay na iyong mga respondents dito sa survey na ito ay talagang iyong mga food poor, iyong mahihirap at nakakaranas ng gutom dahil nga mataas iyong porsiyento.

Iyon lamang po. Magandang umaga.

PCO ASEC. VILLARAMA: Thank you very much, sir. We now open the floor to questions for Secretary Gatchalian, Mr. Sandoval or Ms. Crisanto. Christian Yosores, DZMM.

CHRISTIAN YOSORES/DZMM: Good morning, Secretary. Doon po sa survey na lumabas, iyong mga kinategorize [categorize] nila iyong mga sarili nila as food poor, ano po ba iyong nabanggit nilang mga dahilan kung bakit hindi sila nakaka-experience ng pagkain in a day?

DSWD SEC. GATCHALIAN: Siguro I let SWS answer that kasi bahagi iyan ng questionnaire nila.

SWS VP SANDOVAL: Una, iyong hunger tinanong namin kung nakaranas sila ng pagkagutom ‘no; iyong food poor naman, may mga tanong din kami na nagsasabi kung sila ay food poor pati iyong food insecurity may mga indicators kami na ang tanong ay, “Nangyari ba na ang inyong pamilya ay walang pagkain? Gaano kadalas nangyari na ang inyong pamilya ay natutulog nang gutom at hindi kayo nakakakain?” So, may mga indicators na nagpapatunay o nasusukat kung sila ba ay food insecure among other items.

CHRISTIAN YOSORES/DZMM: Natukoy po ba doon, sir, kung sila ba ay kulang iyong sahod nila, wala silang pambili ng pagkain?

SWS VP SANDOVAL: Alam ninyo, may mga indikasyon din doon sa survey na tinatanong kung gaano iyong inyong income, gaano ang inyong mga gastusin para sa iba’t ibang mga bagay at nako-compute din naman.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Kay Secretary Gatchalian, sir. Nakita ko ho isa sa mga key components ng programa ay iyong employment promotion. Ito hong mga naiangat natin mula sa gutom, 300,000 of them, how are we capacitating them helping them to tend for themselves kasi hindi naman ho siguro habambuhay ay nasa programa sila.

DSWD SEC. GATCHALIAN: Tama. Alinsunod sa utos ng ating Pangulo, itong mga social welfare na intervention ay temporary lang, para maitawid lang sila. In this case sinisigurado natin na may pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino.

Ngayon, alam natin na may exit ito, katulad ng lahat ng programa natin may exit ito. Importante ngayon na nakakakain na kayo, dapat samahan ninyo na kami sa productive workforce para makapagtrabaho tayo at kapag may karagdagang income or stable income na sa pamilya ay puwede nang mag-exit.

Paano natin ginagawa iyan? Si TESDA kasama namin at ang DOLE. Ang TESDA kasi alam natin kulang sa skills ang iba nating benepisyaryo, gusto man nilang magtrabaho wala silang angkop na mga kakayanan or kaalaman. So, pumapasok ang TESDA to give them the skills na kailangan nila, ini-enroll namin sila; pangalawa, may mga job fair na idadaos ang DOLE para sa mga beneficiaries natin, purely for our beneficiaries para ma-match iyong type ng companies na pupunta sa job fair para masigurado natin na angkop naman doon sa mga kakayanan  at kapasidad ng ating mga beneficiaries. So, kumbaga ang importante dito may nakakain, may trabaho.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Papaano ho iyong ano natin dito…at what point do we let them go?

DSWD SEC. GATCHALIAN: Kung matatandaan mo, Ivan, I was here two years ago when we launched this, magkakasama rin tayo dito, na-explain namin iyong exit mechanism: una, papasok na iyong community-based monitoring system o iyong CBMS ng PSA – that’s an annual survey. Lalabas na ang DSWD, iyong Listahanan namin, hindi na iyon gagamitin; pangalawa, mayroon din iyong Family Income and Expenditure Survey na ginagawa ng PSA. Itong mga ito ay enough para makita namin kung itong mga pamilya na ito ay maka-categorize pa natin na food poor.

Pero sa aming project design, ngayon na kumakain na sila nang maayos, paiigtingin iyong programa, i-expand. Kasi remember, ang food poor niyan 750,000, naka-first 300,000 pa lang tayo; so within the year, idadagdag natin iyong other 300,000; next year, another 150,000. And as they progress, dahil may trabaho na sila, hindi na sila gutom, puwede na sila maging produktibo, kasama natin sa workforce, mag-i-exit naman tayo nang mag-i-exit using those tools that I mentioned.

HARLEY VALBUENA/PTV: Good morning, Secretary. Sir, do we have a plan to integrate the 20 pesos rice to the ‘Walang Gutom’ program? Baka puwedeng iyong vouchers ng beneficiaries magamit din na pambili ng 20 pesos rice?

DSWD SEC. GATCHALIAN: Eksakto iyong tanong mo. Utos ng Pangulo na walang sariling departamento na gagalaw nang hindi in coordination with other departments. Kahapon lang ng hapon, nag-usap kami ni Secretary Laurel at kukunin na iyong mga listahan ng mga accredited retailers – ito iyong mga KADIWA ng Pangulo, mga malilit na agri coop kung saan nagri-redeem ng pagkain iyong mga food poor beneficiaries natin. Bibigyan sila ng supply noong bente pesos na bigas para iyong food credits nila mas marami pa silang mabili.

HARLEY VALBUENA/PEOPLE’S TELEVISION: So, sir, kailan po kaya puwedeng mag-start iyon?

DSWD SEC. GATCHALIAN: Nag-i-start na. Binigay na namin iyong listahan sa Department of Agriculture and they are now going to make sure na iyong mga retailers  na ito, around 1,000 of them for now, ay makatanggap na noong murang bigas para iyon ang maibigay naman nila doon sa mga food poor nating beneficiaries.

EDEN SANTOS/NET 25: Good morning po, Secretary. Tanong ko lang po kung ilan po iyong porsiyento ng mga pamilyang Pilipino ang nagsasabing gutom po sila? Iyon ba iyong 27 point something na binabanggit po ng SWS?

DSWD SEC. GATCHALIAN: Palagay ko mas maganda SWS ang sumagot niyan.

SWS VP SANDOVAL: Iyong 27.2 percent ay batay sa isang national survey ng SWS noong March of 2025. Dito sa survey na ito para sa DSWD, ang nakita namin noong wave one on the overall, 47.1 percent ang nagsabi na sila ay nakaranas ng involuntary hunger; nitong wave two, nakita namin na 46.4 iyong nagsabi na nakaranas sila ng kagutuman. So, kung ikukumpara natin iyong resulta na ginawa ng SWS para sa DSWD, mas mataas iyong porsiyento na nagsasabi na sila ay nakaranas ng gutom kumpara doon sa average Filipino household batay sa national survey ng SWS.

EDEN SANTOS/NET 25: Paano po natin ipapaliwanag iyong hindi magkatugma iyong bilang ng mga nagugutom pong mga Pilipino?

SWS VP SANDOVAL: Okay. Iyong survey ng SWS nitong March 2025 ay general households, sa buong Pilipinas. Iyong survey na ginawa ng SWS para sa DSWD ay targeted iyong responders natin – sila ay nanggagaling sa mga mahihirap na probinsiya; sila ay mga mahihirap na sambahayan. So, kaya expected nga na mas mataas iyong kanilang pagkaranas ng kagutuman kasi sila iyong galing sa mas mahihirap na bahagi ng lipunan.

EDEN SANTOS/NET 25: Iyong numbers po, ilan po iyong katumbas ng 44 point something percent and 46 point something?

SWS VP SANDOVAL: Wala akong numero pero puwedeng mag-compute. So, iyong 47 percent of the 2,011 households so that’s about mga almost 900 households ang nagsabi na sila ay nakaranas ng involuntary hunger.

EDEN SANTOS/NET 25: So, ibig pong sabihin, mas marami pa rin po iyong mga Pilipinong gutom na dapat matugunan iyong kanilang kagutuman doon sa target po ng DSWD na 750,000? 

SWS VP SANDOVAL: Tama. Pero maganda rito batay doon sa survey ay bumaba iyong karanasan, iyong report nila na sila ay nakaranas ng gutom – bumaba siya ng 4.1 percent na nagpapatunay na iyong ‘Walang Gutom’ na programa ay nakatulong para mabawasan ang kanilang karanasan ng pagkagutom.

EDEN SANTOS/NET 25: Kay Secretary Gatchalian po.

DSWD SEC. GATCHALIAN: Eden, bago ko lang ano madagdagan ko lang iyon. That’s why sa instruction ng ating Pangulo dapat sa mabilis na panahon ay palawakin iyong programa kasi nakita na natin doon sa first 300,000 na iyong intervention works. So, ngayon kapag pinalawak pa natin iyong programa some more at maabot natin iyong 750,000 alam natin na it will also work lalung-lalo na sa mga food poor families.

EDEN SANTOS/NET 25: So, ito pong programang ito sabi ninyo ay temporary lang naman, ano po iyong ating long-term solution?

DSWD SEC. GATCHALIAN: Lagi ko ngang sinasabi ang buong pangalan ng departamento namin ay Social Welfare and Development – iyong long term iyon iyong development, kadalasan ang napag-uusapan iyong social welfare. Sa development side, iyon iyong pinag-usapan natin kanina ni Ivan. We’ll make sure na makahanap ng trabaho itong mga pamilyang ito para may stable income, maiangat na natin sila sa level ng antas ng pamumuhay para hindi na nila tawagin iyong sarili nilang mga mahihirap.

Kasi, Eden, right now sa pag-aaral namin gutom sila eh, wala silang sapat na enerhiya para mag-participate in a productive manner sa nation building dahil gutom sila at the same time naghahanap sila ng kakainin. So, ngayon na binibigyan na sila ng gobyerno ng pagkain, tinutulungan na sila ng gobyerno na makabili ng pagkain, puwede na natin silang mahasa ng iba’t ibang mga skills para makapagtrabaho.

EDEN SANTOS/NET 25: Thank you po.

TUESDAY NIU/DZBB: Good morning, Secretary. Sir, in three years’ time, ano ang projection or nakikita ninyo pagkatapos nitong programa na ito na ‘Walang Gutom’?

DSWD SEC. GATCHALIAN: Well, para sa food poor families ang goal natin wala nang gutom – iyon ang vision ng ating Pangulo, iyon ang instruction nga ting Pangulo at sisikapin ng DSWD na gawin iyon araw-araw.

TUESDAY NIU/DZBB: And iyong budget, sir, for the program is sustainable naman?

DSWD SEC. GATCHALIAN: Yes. Sa katunayan, bago nag-Holy Week, nag-post kami na naaprubahan ng NEDA itong programa na ito kaya mayroon na siyang sariling line item sa budget. At na-assure rin ng Pangulo na sisiguraduhin na may sapat na pondo itong programa na ito, patakbuhin in the next three years para maibsan na natin o mabawasan o ma-zero out natin ang kagutuman.

TUESDAY NIU/DZBB: Thank you, sir. Puwede po sa Globe? Good morning, ma’am. Ano ang nagtulak sa inyo para i-pursue itong ganitong klase ng project ng gobyerno? Mayroon namang other projects, bakit po ito?

MS. YOLY CRISANTO:  So, tulad ng nasabi ko kanina, it is about shared objectives. Like, I mentioned earlier, three years ago, specifically immediately after the pandemic, nag-launch kami ng Hapag Movement which is about involuntary hunger alleviation.

So, in the whole of the private sector, marami tayong naging tulung-tulong in terms of community pantries. Natatandaan po ba ninyo iyon, noong panahon ng pandemya, nagtulung- tulong tayo diyan. But after that, we also saw na marami pa, hindi pa tapos.

So, we launched that, we raised money through our partners, even our customers, doon sa inyong mga Globe rewards and all that. And we started giving out food with partners – Ayala Foundation, SOS, Tzu Chi. Marami tayong foundation na ka-partner. And then, lumapit po sa atin ang Management Association of the Philippines kasi nga through the intercession of our department secretary and we said, since we are doing this anyway, this is our chance to do a program to alleviate hunger at scale kasi ang ka-partner mo na DSWD na. But we said, we needed more, that more means we need to understand, ‘Does the intervention work?’ Kasi for private sector, siyempre kailangan din natin makikita iyong datos. That is very important.

So, we needed to know kung talagang tama iyong ginagawa; at kung hindi, then we go back to the secretary and say, ‘Secretary, we need to tweak the program a little bit.’ But owing to the iyon nga, results ng ating commissioned study from the SWS, the intervention does work. And we are very happy doon sa naging results ng ating intervention.

SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: For Sir Gatchalian po. Mayroon na po ba tayong result ng study to adjust iyong P3,000 monthly food voucher? Magkano iyong adjustment at saan po iyong possible funds, sir?

DSWD SEC. GATCHALIAN: Bago ko sagutin iyan, gusto ko lang i-point out na may pangatlong wave itong tracking study ng Globe at ng SWS. The data collection is happening right now and we will make sure na kapag bumalik na iyong resulta, we also announce it. Tulad ng sinabi ni Yoly, tracking is important. Ngayon sa departamento, sa utos ng ating Pangulo, sisiguraduhin dapat na lahat ng programa ay nakakamit niya iyong objective niya – ang objective nito, mawala iyong kagutuman.

Now, iyong tinatanong mo, mayroon kaming ongoing pilot tungkol nga sa pag-aaral kung paano pa i-improve iyong programa. Pero dito pa lang sa programang ito na P3, 000 na food credits, tumatalab na iyong gamot eh.

So iyon, we are looking for enhancements; wala pa iyong resulta. And we will also make sure na kapag natapos iyong pilot na iyon sa madaling panahon, inilathala rin namin iyong napagkaalaman pa namin kung paano mapaganda iyong programa.

SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Last na lang from my part, sir. Na-mention po nila na parang plano na eventually mag-graduate iyong mga beneficiaries na ito. Doon sa 300,000 po na beneficiaries ngayon, ilan po doon iyong parang ongoing na iyong para grumaduate sila?        

DSWD SEC. GATCHALIAN: Masyadong maaga pa sabihin iyan. Kasi nga tulad ng sinabi ko, we are still training them, we are making sure na may sapat silang skills sa tulong ng TESDA at ma-job place sila. Very new pa itong programa, pero ang assurance namin sa inyo, nakatutok rin kami doon sa exit mechanism, kasi panandaliang pantawid lamang itong programa na ito; ang pangmatagalan, trabaho.

JEAN MANGALUZ/PHIL. STAR COM: Good morning. Sa SWS survey, it says that there is still a high prevalence of severe hunger. Do we have the percentage on this? And later to Sec, can we ask, what are the interventions for severe hunger?

SWS VP SANDOVAL: Okay, batay doon sa survey, ang nagsabi na nakaranas sila ng severe hunger ay 15.6%  noong wave one at 12.1% noong wave two; so bumaba. Kapag kinumpara natin iyong beneficiary households at saka non-beneficiary households, makikita natin na mas bumaba iyong karanasan ng severe hunger among beneficiary households. So, nagpapatunay din ito na iyong Walang Gutom na program, naa-address niya iyong severe hunger ng beneficiary households.                   

DSWD SEC. GATCHALIAN:  Iyong sa second question, so the solution, kung mahiram ko iyong words ng ating kaibigan sa Globe na si Yoly, the intervention is working so kailangang ipagpatuloy, palawakin at katatagan. Iyong tatagan, iyon nga iyong tinatanong, mayroon kaming ongoing na study kung paano pa namin mai-improve. Bahagi noon, iyong nutrition development sessions, turuan natin ang ating mga kababayan na ano ba nag ibig sabihin ng mga iba’t ibang klaseng food groups. Kasi alam natin tayong mga Pinoy, doon tayo sa matamis at maalat all the time. Pero tinuturuan natin sila, ano ang healthy eating.

Iyang mga bahagi na iyan, culture change iyan, behavioral change, so iyan nag-i-invest tayo diyan. Bukod doon sa trabaho at skills, part ng kundisyon nitong programa na ito ay um-attend sila ng nutrition development sessions para maturuan silang kumain ng tama, maghanda ng tamang pagkain.

VAN FERNANDEZ/POLICE FILES TONITE: Good morning, sir. Sabi ninyo walang gutom, now who are qualified with 2025 social amelioration program, because sinasabi natin na may mga membership, they would like to social amelioration program, sir.      

DSWD SEC. GATCHALIAN: Ma’am, wala na tayongall of these are social amelioration program, which one in particular po?

VAN FERNANDEZ/POLICE FILES TONITE:  The one who are going to reapply, do they need to reapply again?      

DSWD SEC. GATCHALIAN: Ma’am, wala na po tayong tumatakbo na—iyan social amelioration, iyan iyong SAP noong COVID. Wala na po iyan, matagal na pong wala.

VAN FERNANDEZ/POLICE FILES TONITE:  Anong mga sakop nito, sir?

DSWD SEC. GATCHALIAN: Ma’am, wala na po iyong social amelioration, tumigil po iyan during COVID. That was the intervention of the department during COVID. But if you wanna categorize all our programs a social amelioration iba-iba po iyan – may 4Ps, mayroon AICS, mayroong tayong AKAP. But iyong SAP program itself, tumigil po iyan noong COVID. Last na po iyon noong COVID.

VAN FERNANDEZ/POLICE FILES TONITE: So, walang gutom, sir?     

DSWD SEC. GATCHALIAN: Ma’am, magkaiba po iyong Walang Gutom sa SAP. Iyong SAP, matagal na po tumigil iyon. Ang tinutukoy po ba ninyo ay iyong Walang Gutom?

VAN FERNANDEZ/POLICE FILES TONITE:  Yes, sir.

DSWD SEC. GATCHALIAN: So, ang tanong po ninyo ay kung paano mag-apply sa Walang Gutom? Ma’am, hindi po nag-a-apply. Tulad po ng sinabi natin, ginagamit natin iyong database na mayroon ang gobyerno. Sa unang round ng 300,000, ginamit natin iyong Listahanan na database. But kung matatandaan ninyo sa batas, sinabi na dapat papasok na this year iyong community-based monitoring system (CBMS). So, doon na tayo hahango ng mga bagong beneficiary for the next 300,000.  Iyang CBMS, ang may pangangasiwa po niyan PSA, hindi na po DSWD.

VAN FERNANDEZ/POLICE FILES TONITE: Yes, sir. On another issue, sir, kasi alam natin nagba-viral itong nasa Makati na isang humingi ng tulong and you gave them about P80,000. Now, may mga tao na gusto ring humingi ng tulong DSWD. Will you allow them to—?

DSWD SEC. GATCHALIAN: Una po, araw-araw, libu-libong mga mamamayan natin pumupunta sa aming tanggapan at ang utos Pangulo, lahat ng nangangailangan ng tulong, tutulungan, whether it’s medical assistance, burial assistance at iba’t iba pang klaseng tulong.

Gusto ko lang linawin iyong sa nag-viral. Bahagi po ng responde noon ng programa nating ‘Pag-abot’ noong 2023 rin, ang instruction ng ating Pangulo, ni isang pamilyang Pilipino dapat walang nakatira sa lansangan, kaya inilunsad iyong Pag-abot Program noong 2023 kung saan mahigit sa isandaang social workers araw-araw ang umiikot sa lansangan ng Metro Manila para hikayatin ang mga pamilyang nakatira sa lansangan at indibidwal na na nakatira sa lansangan na sumama sa amin para mabigyan ng intervention – temporary housing,  livelihood assistance.

Iyong P80,000 na iyon ay base sa guidelines ng DSWD at sa assessment ng social worker. Iyong guidelines, may range po ng presyo kung ano ang kaya nating ibigay na grant, iyon ang pinakamataas, at ang nag-assess noon ay ang licensed social worker natin.

Iyong mga guidelines na iyan, naka-publish po iyan at I want to point out na iyong babae, si Rose, bigyan  natin, iyon ang pangalan, hindi siya unique, limanlibo na ng mga pamilyang nakatira sa lansangan o indibidwal na nakatira sa lansangan ang natulungan ng ‘Pag-abot Program’. Iba-iba ang kanilang natanggap, may iba P80,000, may iba P10,000.

Gusto kong i-point out na may kundisyon ito. Hindi ito ibinibigay ng isang bulto, katulad dito kay Rose, in tranches siya ibibigay at may supervision at monitoring ng social worker, so ibig sabihin, binabantayan ng social worker iyong progress niya. Hindi ibinigay tapos goodbye, kung hindi ay pagbigay, sinamahan pa siya sa tindahan para makabili ng pauna niyang mga stocks ng kaniyang tindahan. Pagkatapos noon, may mga home visits ang ating mga social worker para ma-check kung gumaganda na unti-unti iyong buhay ni Rose.

So, gusto kong i-point out na lahat tinutulungan, hindi special case si Rose, mayroon tayong guidelines, at sa lahat ng kuwentong ito, social worker ang nag-a-assess at nanaig ang boses ng social worker.

VANS FERNANDEZ/POLICE FILES TONITE: Pero, sir, mayroon din na—let’s say, talagang iyong may bahay nga sila, nakatira sa mga informal settlers, wala rin silang makain pero nais nilang maka-avail nitong sinasabi ninyo na gusto nilang magkaroon ng tindahan katulad ni Rose.

DSWD SEC. GATCHALIAN: Tama, mayroon kaming ibang programa para sa kanila, ang tawag doon iyong Sustainable Livelihood Program ng DSWD. Dalawang klase iyon, una, tinutulungan natin silang makapagsimula ng maliliit ng negosyo; pangalawa, tinutulungan natin silang maging employable, skills-base. So puwede nilang i-avail iyon at lahat ng detalye niyan ay nakalathala sa aming mga social media accounts kung paano, sino at kung ano ang dapat gawin. Basta ang gusto naming i-point out, lahat tinutulungan ng DSWD.

PCO ASEC. VILLARAMA: Follow up – Nel Maribojoc, UNTV.

NEL MARIBOJOC/UNTV: Sir, follow up kay Rose. May nagsasabi na unnecessary and parang unjustified iyong paggagawad daw po ninyo bilang honorary social worker?

DSWD SEC. GATCHALIAN: Una sa lahat, hindi ho ako ang naggawad noon; hindi ako ang nagbigay ng term na iyon. Iyong social worker namin na kasama ang mismong nagsabi na she is – sa mata niya – has the making of a social worker. Noong ginamit iyong term na iyon ng social worker na kasama namin, ang nakita niya doon hindi iyong skills, kasi alam natin na walang skill set si Rose. Malinaw sa atin iyon dahil grade two lang ang natapos niya. Pangalawa, walang official na conferment na nangyari dahil wala naman sa kapangyarihan ng secretary iyon, more so ng department; symbolic iyong pagkakasabi noon.

Ang paliwanag nga namin, ang nakitaan sa kaniya ay iyong mga katangian ng isang magaling na social worker. The social worker who coined the term na kasama ko, ang tinutukoy niya doon iyong value set na mayroon si Rose. Alam ninyo iyong social work, it’s the most noble profession there is. It is the profession with biggest heart; bukod sa skills, may puso ito. At si Rose ay nakitaan nila ng puso na iyon, una, empathy; pangalawa, compassion; pangatlo altruism – ibig sabihin gusto niyang tumulong kahit siya mismo kailangan ng tulong. Kaya nga kinabukasan, sabi niya sasamahan namin kayo kasi nakita ko nagtatakbuhan iyong mga nasa street dwellers kapag nakikita kayo. Hayaan ninyo na ako ang kumumbinsi na tumutulong ang gobyerno, hindi dapat katakutan.

So, iyon lang iyon, sabi ko nga sa isang panayam kahapon, it was not meant to demean anybody dahil why will we demean when the term came from a social worker herself. Ang amin lang, kumbaga it’s a symbolic title because of the values na mayroon siya. Pero hindi namin sinasabi na registered social worker siya, hindi namin sinasabi na social worker siya. Ang sinasabi lang namin, she has the making of a good social worker. At sana, sabi nga niya ay gusto niyang mag-ALS, sana kapag natuloy iyon, iyon ang kurso na kunin niya.

PCO ASEC. VILLARAMA: Christian Yosores, DZMM

CHRISTIAN YOSORES/DZMM: Sir, clarification lang po doon sa nabanggit ninyo na may sinambit kayong listahan sa DA doon sa mga… ano ang ibig sabihin noon, sir, iyong mga food for beneficiaries?

DSWD SEC. GATCHALIAN: No, no, no. Remember, iyong mga food poor natin, nag-a-avail sila sa mga accredited retailers, normally mga KADIWA ng Pangulo ito, mga maliliit na agriculture coops, mga MSMEs. Iyan iyong isa pang benepisyo nitong programa na ito eh, natutulungan iyong local economy kasi doon din bumibili iyong mga food poor natin na mga benepisyaryo. Ang hiningi sa amin ng Department of Agriculture iyong listahan ng mga retailers para puwede nilang suplayan ng bente pesos na bigas. Kasi tatandaan ninyo, iyong credit, food credit, tatlonlibo iyon. So bumaba iyong cost ng mga bilihin, like iyong rice, mas marami silang mabibili.

CHRISTIAN YOSORES/DZMM: Puwede nilang magamit, sir, iyong food credit doon sa mga retailers na iyon to buy iyong twenty pesos per kilo?

DSWD SEC. GATCHALIAN: Ngayon ginagamit na nila iyong food credits na iyon sa mga accredited retailers. Ang magiging bagong dimension nito, susuplayan ng Department of Agriculture iyong mga retailers na iyon ng murang bigas.

CHRISTIAN YOSORES/DZMM: Okay po. Thank you, sir.

PCO ASEC. VILLARAMA: Any more questions? No more questions. Thank you very much, Sec. Rex, Mr. Sandoval and Miss Crisanto. Usec. Claire?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Yes, thank you very much, DSWD Secretary Rex Gatchalian, Sir Jay Sandoval of SWS and Ma’am Yoly Crisanto of Globe. Thank you very much. Okay, so mukhang marami na po kayong natanong sa ating mga bisita ngayon.

Bago tayo magtapos, paalala lang po na búkas na búkas na ang 51 BUCAS o Bagong Urgent Care And Ambulatory Services centers. Nandiyan po ang mga listahan para po—makikita ba natin sa monitor? Nasa 33 provinces ito sa buong bansa – 26 na BUCAS centers ay nasa Luzon, walo sa Visayas at 17 sa Mindanao. Ayan po ang listahan sa inyong mga screen, at kung kayo po ay malapit po diyan ay maa-avail ninyo po ang services na iyan. Kayang-kayang serbisyuhan ng libre ng mga ito ang pangangailangang medikal ng 500 patients kada araw.

Sa mga special medical procedure naman, maliit lamang pong halaga ang kakailanganin po. Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sisikapin gawin 24/7 ang serbisyong handog ng mga BUCAS centers dahil walang pinipiling oras ang sakit.

Samantala, sakaling nakagat o nakalmot kayo ng inyong mga alagang aso at pusa, nangangamba sa rabies, libre po ang pagbabakuna sa mga government hospital. Sa mga dudulog naman po sa private hospitals, may animal bite package naman ang PhilHealth.

At paalala rin po, libre po ang bakuna para sa ating mga anak mula zero to five years old. Kabilang sa mga libreng bakuna ang BCG, Hepatitis B, Pentavalent Vaccine, PCV, Oral Polio, and MMR vaccines. Pumunta lang po kayo sa ating mga government hospital or heath center para rito.

So, tandaan po natin, ilan lamang sa programa ng ating Pangulo ang bigas at BUCAS.

At dito po nagtatapos ang ating press briefing ngayong araw. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.

 

###