PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa magandang balita na hatid ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.
“Job well done,” ito ang sabi ng ilan nating kababayan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Akala kasi nila noon, haka-haka lang ang bente pesos kada kilong bigas pero riyalidad na ito ngayon sa ilalim ng “Benteng Bigas Mayroon Na” o BBM Na program. At dahil sa murang bigas na available sa mga Kadiwa ng Pangulo, nakakabili na ang mas marami – mas masarap at mas masustansiyang ulam ang ating mga kababayan. Panoorin po natin ito:
[VTR]
“Dapat laging may nakikitang pulis,” iyan ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa DILG at PNP. Kaya naman pinaigting ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang police visibility nito bilang bahagi ng recalibrated campaign laban sa kriminalidad. Ayon sa NCRPO, 21,532 personnel ang kanilang dineploy para mas makita, marinig at maramdaman ng ating mga kababayan na ligtas ang ating mga lansangan. Narito po ang video:
[VTR]
Alisunod pa rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapagaan at mapaganda pa ang commuting experience ng ating mga kababayan, patuloy ang mga pagbabagong ipinatutupad ng Department of Transportation para makita at maramdaman ito. Pinaghahandaan na rin ng DOTr ang nalalapit na EDSA Rebuild Project.
Para bigyan tayo ng karagdagang detalye, kasama natin ngayon si Transportation Secretary Vince Dizon. Secretary Vince, good morning.
DOTR SEC. DIZON: Magandang umaga po. Magandang umaga po sa Malacañang Press Corps. Magandang umaga sa lahat ng ating mga tagapanood.
Magbibigay lang po ng maikling update ang Department of Transportation sa mga pinag-utos po ng ating mahal na Pangulo nitong mga nakaraang buwan at linggo para maibsan natin nang kaunti kahit papaano. Sabi nga ng ating Pangulo, kahit papaano lang matulungan natin kahit papaano iyong mga kababayan natin sa kanilang araw-araw na pagku-commute ‘no – na alam naman nating lahat na hindi ganoon po kadali ‘no.
So siguro po, papaandarin lang ho natin itong ating maikling presentation para lang po makita natin iyong ating mga ginagawa nitong mga nakaraang buwan. Unahin po natin iyon sigurong sinabi ng ating Pangulo:
[VTR]
So, ayon na rin sa direktiba ng ating Pangulo na mag-focus po tayo sa mga pang-araw-araw na—minsan naiisip natin maliliit na bagay pero sa mga kababayan natin hindi iyan maliliit ‘no, malalaking bagay iyan dahil araw-araw po nilang dinadaanan iyan. Ito po, nakita po natin iyong ginawa natin nitong mga nakaraang linggo para po mapaigsi at maibsan ang hirap ng mga kababayan natin sa pila sa MRT.
So, ito po makikita ninyo iyong comparison ‘no, North Avenue Station po iyan, iyan po ang isa sa mga pinaka-congested na istasyon ng MRT tuwing rush hour lalo na sa umaga between 7 to 9 o’clock ng umaga o 6 to 9 ng umaga. Makikita po natin, napakalaking diperensiya ‘no – dati po umaabot ng halos isang oras ang pila diyan, minsan lampas pa ng isang oras. Pero dahil po sa mga ginawa natin base sa direktiba ng ating Pangulo, ngayon po ay minuto na lang po ang binibilang ng mga kababayan natin sa mga istasyon sa MRT na ginawa na natin iyong ating mga pagbabago ‘no.
Nakita po natin iyong pagdaragdag ng mga tren, pagtatanggal doon sa mga x-ray pero pinapanatili pa rin natin ang seguridad ng mga istasyon at ng mga kababayan natin – nagdagdag po tayo ng mga K-9 sniffing dogs, mga mas madaming mga armed personnel ng ating Philippine Coast Guard at dahil doon po ay safe pa rin ang biyahe ng mga kababayan natin pero makikita naman natin na mas mabilis na ang kanilang pagpipila.
Can you imagine po ‘no, kung dati isang oras iyan mahigit ‘no so dalawang beses iyan sa isang araw – isa papunta, isa pauwi eh dalawang oras po halos ang nasi-save ng mga kababayan natin. Napakalaking bagay po niyan lalong-lalo na para sa kanilang mga pamilya, para sa kanilang mas productive na araw sa trabaho ay napakalaking bagay po noong dalawang oras na iyan na masi-save nila araw-araw. So, pipilitin pa po natin ‘no, hindi pa po ito ang huli sa mga ginagawa nating mga pagbabago dito sa ating mga tren.
At mayroon din po tayong ginawa sa airport naman ‘no, iyong susunod na ano nag—noong nakaraan po, dito po, ginawa po natin ‘to bago mag-Holy Week kasi nga sabi ng Pangulo ay kailangan gawin nating mas kumbinyente ang biyahe ng mga kababayan natin. Example lang po ‘no, iyong nasa pong video – April 10, 2025 iyan, roughly the same time ‘no, madaling araw. Iyan po ang rush hour ng NAIA international departures at makikita natin ‘no iyong diperensiya talaga noong nakipagtulungan po tayo sa Bureau of Immigration bago mag-Holy Week at nakita po talaga natin iyong diperensiya na kaya talaga nating paigsiin ang pila sa NAIA, sa Immigration ‘no.
And, ang maganda pa diyan, gaganda pa po ito lalo dahil nga sa mga e-gates na papadating ‘no. Magbibigay po ng donation ang San Miguel Corporation at tingin ko po within the year, bago mag-Pasko eh magdadagdag tayo ng e-gates sa NAIA – lalo pang mawawala ang pila sa Immigration sa NAIA alinsunod na rin sa utos ng Pangulo.
And ito nakita natin ‘no, ito iyong mga ginawa natin–bibilisan ko na lang po ito. Noong umpisa po, inayos natin lahat ng timers sa busway lalong-lalo na ‘no dito nga sa padating na pag-aayos ng DPWH ng EDSA, ng pag-rebuild ng EDSA ng DPWH. Malaking bagay po ito ‘no dahil tuluy-tuloy na po iyong daloy ng mga kababayan natin dahil nga naayos iyong mga timers sa EDSA.
Inayos din po natin iyong mga elevator at nagdagdag tayo ng mga iba pang magagamit ng ating mga kababayan na may kapansanan, mga PWDs. Siyempre nagdagdag din tayo ng mga PCG personnel, ito po iyong ginawa natin ‘no noong mga ilang—I think last week lang pala ito ‘no, last week lang ‘to. Napagana na po natin iyong 18 elevators sa busway. Lahat po ng elevators sa kasalukuyan ng MRT ay gumagana, wala naman pong nasisira at nagdagdag po tayo ng isang wheelchair lift sa isang istasyon na tinesting natin pero ngayon, since nakita na natin na epektibo, pinapadagdag na po natin sa lahat ng busway stations sa EDSA.
Iyong mga iba pa, siyempre iyong pagdagdag natin ng tren, nasa 23 trains na po tayo ngayon. Pero kagaya po ng inanunsiyo natin this week, gusto pa nating magdagdag ng tatlo pa sana. Tayo po ay kasalukuyang nakikipag-usap sa Sumitomo Corporation ng Japan para madagdagan pa lalo ang mga tren natin, of course, without compromising the safety of the system, the safety of the trains.
At alam ninyo naman din, nagdagdag din tayo ng operating hours, ng isang oras sa gabi a few weeks ago, and ito iyong epekto noon:
[VTR]
DOTR SEC. DIZON: So, ito po nakikita natin ‘no iyong sinabi nga ng Pangulo noong podcast niya last week na iyong mga maliliit na bagay kailangan talagang pagtuunan ng pansin din ng gobyerno, hindi lang iyong mga malalaki. Alam ko sa DOTr, inaasahan ninyo rin na mag-report kami doon sa mga malalaking proyekto, gagawin namin iyon pero sabi nga ng Pangulo, kailangan talagang mag-focus tayo doon sa mga bagay na minsan hindi natin nabibigyan ng tamang pansin pero ito iyong mga bagay na pang-araw-araw na kailangan na-i-address para sa ating mga kababayan.
So, tuluy-tuloy tayo ‘no doon sa—ito, malaking bagay din ito ‘no. Nagtaka nga ako bakit hindi ito kaagad na-implement, iyon pala kaya naman palang i-implement agad-agad, itong cashless option sa MRT. Matagal na pala niyan pero …in fact, na-implement ito, I think, in two weeks na nakabitan agad-agad ng GCash ito. At ang maganda nito, mayroon kaming parating na mas gaganda pa lalo, ito na iyong cashless turnstile. Meaning, iyong—sorry, iyong turnstile na puwedeng tumanggap ng iba’t ibang klaseng payments. I think, mga bandang July ito ‘no, if I am not mistaken, i-implement na natin sa MRT at sa ibang mga tren natin. Alam ko, pati credit card puwede na, ita-tap mo na lang ‘no; iyong phone mo, ita-tap mo na lang, hindi ka na kailangang bumili ng Beep. Nakikita naman na natin ito sa ibang bansa. So, iyon ang sabi ng Pangulo, gawin na rin natin iyong mga modern facilities sa ibang bansa dito para sa mga kababayan natin.
And then iyong Libreng Sakay, ito, ito iyong [VTR] ito iyong mga obviously … malaking bagay po ito, Labor Day, iyong sinabi ng Pangulo natin. So, we can proceed.
And siyempre ‘no, ito iyong mga inspeksiyon natin. Ni-report nga namin dito, ito pong naalala ninyong ito na medyo ikinagalit natin nang kaunti, sarado na po ito, this has already been closed. Hindi na po iyan nagagamit. Ipinagbawal na po ng LTFRB iyan na gamitin and to date, it is closed. Ito po iyong mga notices.
And sa kasalukuyan, nag-isyu rin tayo ng 60-day notice sa lahat ng mga bus companies na pagandahin nila at ayusin nila ang mga terminal nila. So, siguro after 30 days ay iinspeksyunin natin iyan kung talagang ginagawa na nila iyan, at they have, I think, 30 more days to comply. At kapag hindi sila nag-comply, sabi po natin sa kanila ay pasensiyahan po tayo, ipapasara po natin iyong mga terminals na iyon at baka may iba pang sanctions na i-impose doon sa mga bus companies na iyon.
And finally, I think, siyempre po iyong tulong natin sa – inutos din ng Pangulo ito ‘no – we had to really make sure na iyong mga victims ng Solid North accident pati na rin iyong aksidente sa NAIA get the justice that they deserve ‘no, ito iyong sinabi ng Pangulo natin ‘no after the May 1 incident and after the NAIA incident noong May 4. Ito, nag-file po tayo, hundred thirty million po ang total na damages na pinayl natin on behalf of the victims – hiwalay pa iyong sa NAIA.
And then, I’m sure you all recall also iyong insidente ng harassment sa airport, kay Mommy Ruth at kay Kai noong sila ay papuntang Vietnam. Iyan din po, alam ninyo naman po, na-terminate na po iyong mga taong iyan. At nagpapasalamat tayo sa ating OTS, since then there have been very few reports now or practically no more reports of these incidents happening again dahil talagang nag-crackdown po si General Arthur Bisnar ng OTS to make sure na hindi na uulit iyong mga iyon. Pero kung mayroon pa ring mga reports, please po, ipaabot ninyo lang po sa amin, we will act on them very swiftly.
So, iyon po iyong mga alinsunod sa utos ng Pangulo na focus tayo sa mga maliliit pero hindi naman talaga maliliit na bagay para sa ating mga kababayan.
Ngayon po, sa mga susunod na linggo, susunod na buwan, babalik po kami rito para naman mag-report po, Ma’am Claire, doon naman sa mga malalaking projects – iyong North-South Commuter Rail, iyong subway, iyong mga airports natin, at iba’t iba pang mga talagang mga game changing na proyekto na sinabi ng Pangulo na kailangan nating matapos at talagang mapakinabangan na ng ating mga kababayan. Kasama na rin iyong common stations, MRT 7, iyong mga regional airports natin tulad ng Caticlan, ng Siargao and others ‘no. So, separate na lang po tayo doon para makapagbigay po kami ng reports sa inyo.
So with that po, maraming, maraming salamat and God bless po. Kung may tanong po, I’ll be more than happy to answer your questions.
JONNEL MARIBOJOC/UNTV: Sir, iyong pagtatanggal ng screening devices sa ilang MRT stations, ia-apply din po ba ito sa LRT?
DOTR SEC. DIZON: Opo, ang ginawa lang ho natin … kasi alam ninyo naman ‘no, may mga security concerns iyan. Actually, sinimulan natin ito one month ago pa eh, nagsimula tayo mag-pilot sa North Avenue at saka sa Taft. Pero matagal na coordination iyon with the Office of Transport Security, with the Coast Guard, with the MRT 3, with the PNP, marami po tayong ginawang preparasyon diyan. Hindi naman basta-basta nating ginawa ito nang mabilisan.
Iyong K9 sniffing dogs, very important intervention iyon. Kaya kung maalala ninyo, nag-isyu kami ng mga pictures ‘no na in-inspect ko personally iyong K9 academy sa Clark – doon po tini-train ng Coast Guard ang ating mga K9 sniffing dogs. There are almost 700 dogs there that are being trained. And iyon po, doon po tayo—actually, nakakatuwa po ‘no, kasi grumadweyt po iyong ating mga K9, iyong mga aso po natin grumadweyt sila, I think three weeks ago. And then iyon pong mga grumadweyt sa training, sila po ang dineploy natin sa MRT.
So, MRT 3, mag-uumpisa tayo doon pero nagpa-pilot na rin tayo sa kasalukuyan sa LRT 1, nagpa-pilot tayo sa Taft Avenue Station ng LRT 1 – tinitingnan natin iyong resulta noon over the next few weeks – and nagpa-pilot din tayo sa Recto Station sa LRT 2
JONNEL MARIBOJOC/UNTV: Sir, iyong mga unnecessary signages, may mga pinatanggal yata kayo, sir?
DOTR SEC. DIZON: Mayroon pong nag-viral ‘no, ito ay donation noong, I think, noong dating operator ng MRT 3. Nag-d0nate sila ng signages, eh napakapangit po eh, napakasama – hindi mo makita. Parang tarpaulin na ginawa sa Recto lang eh. So, unfortunately po, although nagpapasalamat tayo sa donation, pero kung hindi ito papasa sa standards—kasi may standards naman po talaga. May global standards ang signages sa mga public facilities na kailangang sundin.
So, pinatanggal po natin iyon. At ipapabago natin iyan at gagawa po tayo ng tamang standards at tamang signages, so iyon po ang gagawin natin. Pinatanggal po natin iyan the other day sa Shaw.
JONNEL MARIBOJOC/UNTV: Sir, last na lang. Iyong mga esthetic, iyong sa labas ng istasyon, iyong mga nasa poste, iyong mga advertisement, titingnan din ba iyon?
DOTR SEC. DIZON: Kasama don po iyon sa—iyong signages kasi at saka iyong way finding, it’s really a science eh. In fact, mayroong mga specialty groups or consultants that really that’s all they do ‘no – the colors, the font, the way they are printed, lahat iyan ay pinag-aaralan eh. So, iyon ang ginagawa natin ngayon. So, iyong mga iyon, temporary lang lahat iyan and aayusin natin iyan kapag natapos na iyong designs ng ating gagawa, and iyan ay ipu-produce at ia-apply na iyan sa lahat simula sa MRT.
LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Sec. Sir, binanggit ninyo po iyong timer sa busway. Isa po sa mga concern ng mga motorista naman ay iyong traffic light doon sa implementation ng NCAP, possible din daw po ba kaya na malagyan lahat ng traffic light ng countdown timer?
DOTR SEC. DIZON: Ipaparating ko po sa MMDA, sila po kasi ang nagma-manage ng ating traffic lights along EDSA. So, ipaparating ko po iyan, I think nakarating na sa kanila at ang sabi naman nila, narinig ko sa balita na sinabi nila na papalagyan nila iyan lalo na ngayon in preparation for the rebuild, so I think gagawin nila iyon.
Very important iyon, kasi—in fact, sa ibang bansa, konektado na iyan sa CCTV kasi tinitingnan na rin nila iyong base sa volume, hindi lang iyong mano-mano, depende na iyan kung gaano kadami iyong volume, lalo na ngayon may AI na, napo-program na iyan ng AI kung gaano katagal ba dapat iyong timers, depende sa volume ng mga sasakyan. I think iyon po ang gagawin ng MMDA.
CHRISTIAN YOSORES/DZMM: Sir, na-mention po ninyo kanina iyong MRT common station, ‘di ba recently ibinasura na, tinerminate na iyong contract, pero ano po iyong sinet nating timeline para makapag-grant ng bagong kontrata at ilang percent pa iyong hahabulin para fully matapos siya?
DOTR SEC. DIZON: Actually, hindi na ganoon kalaki, parang mga nasa between 75 to 80% na iyong completion ng common station. So kaunting-kaunti na lang. Pero siyempre hindi matatapos iyan kung hindi natin tinerminate iyong lumang kontrata at hindi tayo naka-move on. So, nagawa na natin iyon, last week, tinerminate na natin, ngayon ay magmo-move on na tayo. Ang goal natin ay kapag pumasok na ang bagong gagawa this year at ang goal natin ay matapos iyan by the beginning of 2027, mga thereabout, so mga first or second quarter of 2027. Kasi gusto natin iyang isabay sa pag-operationalize naman ng MRT-7.
So, iyon ang ideal scenario natin na kapag tapos na ang MRT-7 at gumagana na, magagamit na ng mga kababayan natin, tapos na rin ang common station para magagamit na lahat – MRT-7, common station at ko-connect na rin ng LRT-1 at MRT-3 doon.
CHRISTIAN YOSORES/DZMM: One follow-up lang, sir. Ano po ang plano natin doon sa previous contractor na kinontrak natin na tinerminate, ano ang mga magiging kahihinatnan po nila?
DOTR SEC. DIZON: Ongoing po iyan. Alam naman ninyo legal issue na iyan, so ayaw kong pangunahan iyong proseso. Pero ang importante sa akin, habang umaandar iyong mga prosesong legal na kailangang mangyari between DOTR and previous contractor is makaka-move on na tayo kasi terminated na iyong kontrata.
TRISTAN NADALO/NEWS WATCH: Hi, Sec., good morning po. So, balikan ko lang iyong EDSA rebuild, I’m sure lagi pong natatanong kung paano po iyong mga affected workers because may mga labor groups na nagri-raise po ng concern. Ang sabi nila, parang laging afterthought daw po iyong mga workers, kasi parang while iyong iba nagpo-propose ng flexible working scheme, iyong mga ganoon, iyong mga may trabaho po talaga na onsite, such as factory workers na hindi puwedeng mag-work from home. So, ano po kaya iyong—mayroon bang social preparation sa part ng government to at least help iyong mga affected workers, once na mag-start po iyong EDSA rebuild, apart from iyong sa SMC, iyong mga ganoon, sir?
DOTR SEC. DIZON: Tama po iyon, ako I will disagree na afterthought. In fact, on the part of DOTR, iyong dalawang major interventions na inutos ng Pangulo are for the workers, kasi nag workers natin, sila din ang mga commuters natin. And ang unang-una nating prinopose, unang-una iyong pagdagdag ng mga bus sa bus way, malaking bagay po iyon. Nagdagdag na po tayo ng limampung bus last month, magdadagdag pa tayo in the coming weeks ng mahigit isang daan pang bus, iyon po para sa workers talaga iyan.
At iyong proposal din po natin na pinipilit natin ngayon na magdagdag ng tren at hopefully makapag-extend pa tayo ng kahit kaunti ng hours sa umaga para din po sa workers iyan. So, those are very important interventions na tingin ko po ay malaking bagay po iyon, in fact, iyon po ang inuna natin. Hindi pa nga po in-announce ang EDSA rebuild ay sinisimulan na nating gawin iyon. Iyong ginagawa natin para maibsan ang pila sa MRT at sa bus way, para sa mga workers din po natin iyon.
And by the way, for the workers, maganda rin po is magkakaroon din po kami ng consultation na in-organize ni Secretary Benny Laguesma ng Department of Labor, mamayang hapon po, alas dos, we will be working with the workers group at employers groups, mamayang hapon ng alas dos. So, iyon po ang mga inuna natin talaga para sa ating mga trabahante, sa ating mga workers.
TRISTAN NADALO/NEWS WATCH: Apart from your meeting with the workers, is there a plan from the government na mag-organize po ng isang, sabi po kasi nung SENTRO na Labor group din, parang better na may emergency summit, kung saan lahat ng stakeholders nandoon na or talaga pong ano is separate meetings po for all?
DOTR SEC. DIZON: Idudulog ko po iyan sa Department of Labor. We will ask them to—I think they will be in the best position to organize something like that.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Sec., I remember during your first briefing with us three months ago. You talked about low-hanging fruits, three months in, what low hanging fruits have we already picked and do we have empirical measurable results in terms for example travel time ng daily commuters natin?
DOTR SEC. DIZON: Opo, thank you, Ivan. Iyong low-hanging fruit, talagang pinokus namin nitong first three months, while we are also working on the bigger projects, iyon talaga ang ipinokus namin, and iyong mga prinesent natin ngayon, iyon ang mga naging resulta na visually nakikita naman natin iyong epekto, iyong mas maikling pila sa MRT, iyong mas maiksing pila sa airport na ngayon ay nararamdaman na ng mga kababayan natin. At although wala pa tayong empirical, kailangan ng medyo mahaba-habang pag-aaral niyan, in terms of travel time, pero doon pa lang, halimbawa sa pila, dati isang oras, ngayon sampung minuto, doon pa lang makikita na natin at nararamdaman na ng mga kababayan natin.
At ako mismo naramdaman ko, kasi ako nung unang nag-MRT ako nung March sa Taft station ako sumakay at roughly about 6 A.M., 30-plus minutes akong pumila noon, noong sa Taft. Pero ngayon because of the interventions that have been done, nandoon ulit sa Taft noong tsinek ko, noong tinanggal na iyong x-ray, dumami iyong tren, ano lang eh, mga 5 or 7 minutes lang ang nagging pila ko, nagulat talaga ako eh, kahit ako. So, that really is a ‘see-change’ for our people on a daily basis para sa mga kababayan natin.
Pero ang message natin sa mga kababayan natin, ang message ng ating Pangulo is, tuluy-tuloy tayo dito, hindi tayo titigil, hindi tayo makukontento dito sa nakikita ninyo ngayon. Kung puwede pa nating pabilisin iyan, kung puwede pa nating mawala na totally ang pilang iyan, iyon po ang gagawin natin.
HARLENE DELGADO ABS-CBN: Good morning, Sec. Sec., we just want to get your reaction po sa suggestions ni Architect Jun Palafox for one, regarding the alternate routes? He suggested, Sec., to open up roads inside gated communities and even military camps that are parallel to EDSA and also build pedestrian/bicycle bridges parallel to EDSA. He said, Sec., this should have been done before construction starts, since hindi raw po enough iyong existing alternate routes. Your comment, sir?
DOTR SEC. DIZON: Opo. I think pinag-aaralan na ng MMDA iyan, lalo na iyong pagbubukas ng mga subdivisions. I think that is very valid from Architect Jun that the government should push for that. Kasi ano na iyan, kumbaga para sa public good na iyan. And I think our private subdivisions have to understand that the public good always prevails over private rights. So, I think MMDA is already looking into that.
PCO ASEC. VILLARAMA: Anymore questions for Sec. Vince? If there are none, thank you very much, Sec. Vince Dizon of DOTR.
DOTR SEC. DIZON: Ako ay babalik para naman sa mga big ticket projects, I think that is something to look forward as well, thank you very much, good morning.
PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat, Transportation Secretary Vince Dizon.
Bago tayo tumungo sa ating question and answer, balikan natin ang matagumpay na pagkuha at pagbalik sa bansa sa puganteng si dating Congressman Arnulfo Teves Jr. Sa pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos kagabi, una niyang nalaman na handa ang Timor-Leste na pabalikin si Teves sa Pilipinas mula kay Prime Minister Gusmão noong ASEAN Summit. Panoorin po natin ang video na ito:
[VTR]
PCO USEC. ATTY. CASTRO: At para po bigyan tayo ng mas detalyadong kuwento patungkol po dito, narito po ngayon sa ating harapan si Asec. Erel Cabatbat na kasama po natin dito sa government team na sumundo po kay dating Congressman Teves.
ASEC. EREL CABATBAT: Maraming salamat po, Usec. Claire. Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Bilang pagtugon sa utos ng ating mahal na Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ay maayos, mapayapa at matagumpay po natin nauwi sa ating bansa ang pugante at dating Negros Oriental Representative Arnulfo Teves, kanina pong madaling araw.
Pero hayaan ninyo po muna akong magbigay na kaunting kuwento lamang po sa ginawa pong pagkuha po sa dating mambabatas.
Alas-diyes po ng gabi noong Huwebes ay nagpulong po ang mga miyembro ng extraction team kasama na po rito sina Asec. Eliseo Cruz ng DOJ, NBI Director Jaime Santiago, at mga kinatawan po ng DOJ, Bureau of Immigration, National Bureau of Investigation at ang magigiting po na piloto at crew ng Philippine Air Force, 10:27 po ng gabi nakumpirma po na puwede pong dumaan ang Philippine Airforce 142 na eroplano sa airspace po ng Indonesia at 11:30 po kami po ay tumungo papuntang Cebu para daanan ang isa pang key member ng ating extraction team. Dumating po kami ng 2:01 ng umaga sa Cebu at 3:14 po ng umaga ay lumipad naman po kami papuntang Davao para sa refueling po kasi po medyo malayo po ang Davao papuntang Timor-Leste.
Pero hindi po kaagad kami nakaalis kasi 6:35 po ng AM doon lang po namin na-receive o natanggap ang clearance na puwede pong bumaba ang ating eroplano sa Dili, Timor-Leste. Mayroon na po kasing verbal agreement, pero in-insist po ng ating mga piloto na dapat mayroon talagang nakasulat na clearance para hindi po magkagulo. So, bumiyahe po kami 12:30 po Manila time, dumating po kami sa Presidente Nicolau Lobato International Airport sa Dili, 1:11 PM po, pormal pong nai-turnover sa atin si former Representative Arnie Teves.
May initial na pong usapan na pagdating po doon ay ibibigay sa atin kaagad si Representative Teves, pero may kaunting changes lamang po. Pero sa kabila po nito naging maayos po iyong turnover, nagpirmahan lang po ng ilang dokumento at noong maayos na po iyong dokumento, inilabas po si former Rep. Teves na nakaposas po at naka … may ano po siya, naka-shackle po pati mga paa niya. So, pagka-turnover po sa atin, may guhit kasi po doon sa terminal, so paglagpas ng guhit kinuha po ng ating mga kinatawan at tinanggal po iyong posas at pinosasan pa rin ng mga taga-NBI.
May request po si dating mambabatas Teves na kung puwede daw po ay huwag na sana siyang posasan kasi nga po masakit na daw ang kaniyang mga kamay. At sinabi pa rin niya na pabiro po na ‘saan naman daw siya pupunta, hindi naman daw siya gagawa ng anumang gulo.’ Pero hindi po ito pinagbigyan kasi nasa protocol pa rin po. So, pagpasok po niya sa eroplano, pinaupo siya, kinausap po siya ni NBI Director Jaime Santiago, at pagkalipas ng ilang minuto ay binasahan siya ng kaniyang Miranda Rights ng kinatawan naman po ng NBI.
So, habang binabasa po iyong Miranda rights, nakikinig naman po si former Rep. Teves. Pagkatapos siyang basahan ng Miranda rights niya ay binasa naman po ang mga pending na arrest warrants sa dating mambabatas. Sa pagkakaalala ko po, parang sampu po iyong mga kasong binasa para sa kanya. So, hindi po kami nakalipad din kaagad kasi nagkaroon ng kaunting problema sa eroplano po natin, pero dahil mahusay po at magaling naman po ang staff po, ang crew ng Philippine Airforce ay naayos po iyon.
So, nakaalis po kami 2:42 ng hapon, Manila time, departure from Dili to Davao. Medyo challenging po iyong biyahe pabalik kasi paglabas po ng Indonesian air space, maayos ang weather, pero pagpasok po ng Pilipinas, malakas po ang ulan at medyo matagtag po ang biyahe. Sa kabila po niyan, 7:27 po kagabi nakalapag po kami sa Davao, nagkaroon po doon ng refueling ulit kasi masyadong malayo iyong biyahe. Medyo natagalan lang iyong pagre-refuel kasi sobrang lakas po ng ulan. So, 8:27 nakaalis po kami at 11:19 po ng gabi, kagabi ay lumapag po kami sa Villamor. Alas-dose po ng hatinggabi o 12:03 ay pormal pong nadala ang dating mambabatas na si Arnie Teves sa NBI.
Ready na po akong sumagot sa inyong mga katanungan.
PCO ASEC. VILLARAMA: Question for Asec. Erel Cabatbat. Eden Santos, Net25.
EDEN SANTOS/NET25: Asec., good afternoon po. Iyon pong proseso po ng pagsundo kay former Congressman Arnie Teves, magkano po iyong nagastos ng ating gobyerno dito?
ASEC. EREL CABATBAT: Hindi kita masasagot diyan, Eden, siguro puwede nating itanong sa DOJ, pero as far I’m concerned libre iyong—maliban sa fuel, iyon lang po ang binayaran po natin sa pagsundo po kay dating mambabatas Arnie Teves.
EDEN SANTOS/NET25: Dahil po iyong ginamit na eroplano ay sa Philippine Airforce po?
ASEC. EREL CABATBAT: Philippine Airforce 142.
EDEN SANTOS/ NET25: Sige po, thank you.
PCO ASEC. VILLARAMA: Tristan Nodalo, NewsWatch.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Hi, Asec. Sir, tanong ko lang, paano po naparating sa Pangulo na nandito na, hawak ninyo na si Representative Teves, and may marching orders ba siya sa law enforcement agencies po noong na-turnover na finally si Teves po?
PCO ASEC. VILLARAMA: Actually, namo-monitor po ng Pangulo ang development sa pagkuha kay dating mambabatas Arnie Teves. Siya po ay nakabantay, nakaantabay sa development po. Ang alam ko po, bago pa lang po kami mag-briefing, bago umalis ay namo-monitor at napapaalam po kay Pangulo ang nangyayari. Kapag iyon po ‘yung pagkuha namin o pag-turnover formally ng Timor-Leste Bureau of Immigration sa dating mambabatas ay naipagbigay-alam kaagad sa kaniya. Medyo challenging lang po kasi ang connection po sa airport, hindi gaya natin na malakas ang signal, doon po ay medyo challenging po siya. Tapos noong nakarating na kami rito sa Davao pa lang ay inabisuhan din kaagad ang ating Pangulo, the moment na nag-land po iyong eroplano.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Sir, pagdating ninyo po doon sa Timor-Leste, nagkaroon ba ng paliwanagan pa on bakit po nagbago iyong posisyon nila on handing Teves, because before talagang nag-a-avail pa po ng legal rights si Representative Teves. But this time, bakit mabilis bigla iyong naging desisyon?
ASEC. EREL CABATBAT: Hindi po ako privy sa naging usapan, pero maaaring nakatulong po ang ginawang pakikipag-ugnayan ng ating Pangulo sa Presidente at Prime Minister ng East Timor. Pero regardless po kung may naging pag-uusapan man o paano naman siya napabilis ay ito lang po ay natural flow ng batas. Masasabi po natin na naging matagal, frustrating to some degree at marami po ang nagagalit, marami pong naiinis, pero hindi po ito tinantanan ng ating mga kinatawan ng DOJ, ng NBI at ng Bureau of Immigration. Sinasabi nga po natin, naging mabagal ang proseso, pero noong nabigyan po tayo ng pagkakataon para maipatupad ang ating batas ay ginarab (grab) po natin ito, with both hands and we never let go.
PCO ASEC. VILLARAMA: Any more questions? Eden Santos.
EDEN SANTOS/NET25: Ewan ko lang, Asec., kung puwede rin po kayong sumagot sa tanong ko. Sabi po kasi noong anak ni former Congressman Teves ay kinidnap iyong kanyang tatay, iyong proseso po ng pagdakip sa kanya doon sa Timor-Leste?
ASEC. EREL CABATBAT: May kanya-kaniya po tayong opinion at nirerespeto po natin ang naging pahayag ng anak ni dating mambabatas Rep. Teves na si Axl Teves. Pero ito po kasi ay pagpapatupad po ng ating batas, may mga arrest warrants po na inilabas at kailangan po nating ipatupad po iyon. Nanggaling po dito sa Pilipinas ang arrest warrant at kung familiar po kayo sa court proceedings kung saan po galing ang search warrant, doon din po ibabalik.
EDEN SANTOS/NET25: Mayroon daw kasing ex—wala raw kasing ano, iyong extradition na binabanggit niya, hindi puwede i-extradite.
PCO ASEC. CABATBAT: Iyon po ay isang usapin na puwedeng sagutin po ng Department of Foreign Affairs pero sa panig po ng extraction team, kami po ay nagpapatupad lamang ng batas at ginawa lang po namin ang aming tungkulin.
PCO ASEC. VILLARAMA: All right. Thank you very much, PCO Assistant Secretary Erel Cabatbat. Usec. Claire…
PCO ASEC. CABATBAT: Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali.
PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat, Asec. Erel. At handa na po tayong tumugon sa inyong mga katanungan.
LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Usec. Ma’am, ipinagpaliban po ng Senado iyong presentation ng articles of impeachment laban kay VP Sara sa June 12 imbes na June 2. Napag-usapan po ba sa LEDAC meeting kahapon iyong tungkol sa impeachment?
PCO USEC. CASTRO: Hindi po, wala pong nabanggit.
LETH NARCISO/DZRH: Okay. Doon na lang po sa binanggit ni Senate President Chiz Escudero na iyon ay para mas matutukan nila iyong mga natitira pang priority legislation. Nagbigay po ba ng commitment ang Kamara at Senado kay Pangulong Marcos na ihahabol iyong mga nakabinbin pang priority bills?
PCO USEC. CASTRO: Yes, opo. Actually napag-usapan po, may apat po na priority bills na napag-usapan sa LEDAC at ito po iyong National Government Rightsizing Program, kasama din po iyong Amendments to the Right-of-Way Act, Amendments to the Cooperative Code at pati po iyong Proposed National Disease Prevention and Management Authority.
Ayon nga po sa report, ito pong National Government Rightsizing Program, ito po ay aprubado na po sa House of Representatives at maganda po talagang ito ay maipasa. Sa kasalukuyan, ito po ay naka-pending po sa Senado at mas maganda po ito ay maisabatas na po dahil kapag po ito ay naisabatas, mas magiging maganda po ang serbisyong maibibigay sa taumbayan dahil matatanggal na po ang mga redundant, overlapping, unnecessary functions and programs ng ibang mga ahensiya at mapapalakas pa ang ibang ahensiya na mas kakailanganin pa ng additional na pondo.
Iyon lang po muna ang aking maibibigay na detalye.
EDEN SANTOS/NET25: Good morning po, Usec. Sabi po noong lead counsel po ni former President Rodrigo Duterte na si Atty. Kaufman and I quote: “The real prosecutor in this case is actually in Manila, sitting in his palace, he’s the person who threw President Duterte over here to The Hague.” Any comment po from the Palace?
PCO USEC. CASTRO: Is that you, Atty. Harry Roque, talking? You thought it was Atty. Harry Roque making such comment.
Well, anyway, it is very apparent and very obvious that Atty. Kaufman is being surrounded by fake news peddlers. He doesn’t know the timeline; he doesn’t know the facts of the case. He should be concentrating on his job as a counsel, not in engaging in rumor-mongering. Thank you.
HARLENE DELGADO/ABS-CBN: Good afternoon, Usec. Usec., we would just like to get a comment sa pinost ni Senator Imee Marcos. It was a photo with Atty. Nicolas Kaufman and in her caption she said—allow me to quote her, Usec.: “Hindi ako naghintay ng 39 years para lang magkamali muli. May Marcos na natuto sa kasaysayan.” Any response po?
PCO USEC. CASTRO: Masaya po na umaamin po si Senator Imee Marcos sa kaniyang mga pagkakamali pero noong aking tanungin po ang Pangulo patungkol po diyan, ang kaniyang sinabi po ay, “No comment.” Iyon lang po.
KRIZEL INSIGNE/IBC13: Usec., makailang beses na po sinabi ng Pangulo na ayaw niya sa impeachment. Eh, may nagsasabi rin po na parang iyong pag-ayaw daw po ng Pangulo sa impeachment ay kahulugan na ayaw niya ng transparency and accountability, ano po reaction ng Palace po?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Maliwanag po ang sinabi ng Pangulo na sa simula po ay ayaw niya talaga po ng impeachment dahil maaaring mayroon pong ibang mga legal na pamamaraan kung dapat mapanagot ang dapat mapanagot. Pero ngayon po, ang Bise Presidente po ay impeached na, wala na po sa kamay ng Pangulo ito. Iyon naman po ay kaniyang suggestion lang, kung maaari ay ayaw niya ng impeachment. Ang sabi po ng Pangulo, proseso.
Tandaan po natin, sana po bago mag-analisa sa bawat sasabihin ng Pangulo, ilahad po ang kaniyang mga sinasabi – hindi lamang po sa sinasabi niyang ayaw niya ng impeachment. Tatandaan po natin, sinabi niya doon sa presscon sa Kuala Lumpur before the Malacañang Press Corps sa Kuala Lumpur, sinabi po niyang hindi siya tumatakbo sa laban. At kanina sinabi rin po niya noong naibalik na po si dating Congressman Arnie Teves, sinabi rin po niya na, “The people are assured that lawlessness will not go unpunished.”
Sa pagkakataon pong ito ng impeachment trial, alam po natin that impeachment trial is not the business of the Executive. Hindi po makikialam ang Pangulo patungkol po diyan pero sinabi po niya na dapat umandar ang proseso, irespeto ang due process. So, ito po ay nasa kamay na ng mga prosecutors, nasa kamay na po ng Senado.
Kapag sinabi po nating proseso, dapat ay sundin ang batas. Ang taumbayan na po ang titingin at maghuhusga sa mga taong nasa loob or maaaring gumalaw para sa impeachment trial. Ang mga prosecutors dapat gampanan ang kanilang trabaho bilang prosecutors; ang mga senador bilang judges ay dapat ding gampanan ang kanilang trabaho bilang senators-judges. Proseso po ang nais ng Pangulo, huwag po nating kalimutan iyan.
At sabi nga po natin, tao na po ang magsasabi kung ang mga senador po na siyang magsisilbing husgado/judges/hurado ay gagampanan ang kanilang trabaho nang naaayon sa batas at proseso.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: Hi, Usec. May comment lang po si—although nag-release na po si Executive Secretary Bersamin ng second wave of mga bagong pangalan and na-retain sa Cabinet positions, but for Senator Lacson, sabi niya the President should do it quickly, iyong matapos po iyong Cabinet performance review because the season for juggling for position has intensified with the circulation daw po of white papers and floating of names of applicants to fill up the unvacated post. Uncertainty often leads to inefficiency and divisiveness in the ranks. Comment lang po.
PCO USEC. CASTRO: Alam po ng Pangulo ang kaniyang ginagawa, alam niya po kung paano mapabilis at sabi nga rin po ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sa trabahong ito dapat mas mabilis – kung kailangan i-deliver ang tinapay, masarap na tinapay ang dapat na i-deliver. So, makakaasa po kayo sa mas mabilis na pag-i-evaluate patungkol po dito sa mga Cabinet members at Cabinet secretaries and heads of agencies.
PCO ASEC. VILLARAMA: Thank you, Usec. Claire.
PCO USEC. CASTRO: At bago po tayo magtapos, mayroon pa rin tayong good news.
Bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na labanan ang fake news at protektahan ang mga Pilipino online, isang breakthrough app ang na-develop at nagwagi sa kauna-unahang OpenGov Hackathon sa bansa noong May 22. Tinawag itong “Tunai” ng developer na si Bryl Lim at kaniyang team.
Gumagamit ng artificial intelligence at naka-embed mismo sa Facebook ang fact-checking tool na ito. Kaya nitong ma-spot-an ang fake news in real time, ma-verify ang facts at ituro ang mga user sa legitimate news sources. Ayon sa DICT, patunay ang paglikha sa “Tunai” sa talento ng mga Pilipino at kakayahan nating isulong ang katotohanan sa pamamagitan ng mga teknolohiyang ito. Tunghayan natin po ang video:
[VTR]
At dito na po nagtatapos ang ating briefing ngayong araw. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.
###