Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and PCO Undersecretary Claire Castro


Event PCO Press Briefing with MPC
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang tanghali, Malacañang Press Corps.

Problema sa kuryente sa Siquijor at Tacloban, tinutukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Iyan ang ating pag-uusapan sa ngayon; at galit at dismayado ang ating Pangulo sa kondisyon po ng Siquijor. Hindi na po kasi biro ang sitwasyon sa Siquijor, araw-araw may mga brownout at tumatagal ng higit sa limang oras. Dahil sa kakulangan sa kuryente, hindi makapasok sa paaralan ang mga kabataan, hindi makapagtrabaho ang ating mga kababayan. Bagsak din ang kabuhayan at napapahamak ang kalusugan ng mga pasyente sa mga health facilities; problema na rin ang supply ng tubig. Dapat managot ang mga nagpabaya kaya umabot tayo sa sitwasyon na ito.

Ang sabi, dulot ito ng kakulangan sa power supply at lumang power facilities. Kulang din ang pondo upang bumili ng spare parts at ayusin ang sirang generators. Hindi katanggap-tanggap sa Pangulo ang mga dahilang ito kaya’t agad pong naglabas ng direktiba ang Pangulo para tugunan ang problemang ito. Una, inutos niya ang immediate deployment ng karagdagang generator sets. Parating na ang isang dalawang-megawatt modular genset bunga ng koordinasyon sa pagitan ng National Electrification Administration (NEA) at Palawan Electric Cooperative (PALECO). Parating din ang isa pang rental genset mula sa Siquijor Island Power Corporation (SIPCOR). Target po ng mga ito na mabawasan ang brownout habang inaayos pa ang mga planta.

Pangalawa, inatasan niya – ni Pangulo – ang NEA na pamunuan ang crisis response kasama dito ang technical support at araw-araw na koordinasyon sa LGU at sa power distributors.

Pangatlo, ipinag-utos ng Pangulo ang full legal review at audit ng kasunduan sa pagitan ng SIPCOR at Province of Siquijor Electric Cooperative (PROSIELCO). Layon din nitong alamin ang naging pagkukulang, at pananagutin ang dapat managot at tiyakin na hindi na ito mauulit.

Bukod sa agarang aksiyon, inutusan rin ng Pangulo ang Department of Energy at NEA na bumalangkas ng pangmatagalang energy plan para sa Siquijor na dapat po ay matatag, maaasahan at sapat ang serbisyo. May inilatag ding six-month timeline ang Pangulo, ito po ang tinatawag niyang short term solution period kung saan gagamitin ang mga genset para matiyak ang tuluy-tuloy na supply habang pinaplano ang pangmatagalang solusyon.

Sa loob ng anim na buwan, dapat nang mailatag at maipatupad ang permanenteng sistema para sa kuryente sa Siquijor kasama rito ang pag-ayos ng mga planta, transmission lines, fuel logistics at technical standards. At malinaw po ang babala ng Pangulo: SIPCOR has to live up to its commitments. Kung hindi nila magawa, hindi puwedeng hindi maibigay. We are losing the opportunity to grow Siquijor.

[VTR]

Ayon din sa Pangulo, pinabilis ang aksiyon sa San Juanico Bridge rehabilitation, sa Tacloban naman. Tiningnan ng Pangulo ang kalagayan ng San Juanico Bridge, araw-araw po itong dinaraanan ng mga residente para makapasok sa trabaho, makakuha ng pagkain at makapunta sa ospital.

Pinakinggan ng Pangulo ang mga residente; ramdam niya ang pagkadismaya ng mga tao. Nakarating sa Pangulo ang pangamba at pagkadismaya ng mga residente sa mga lumalalang isyu ng kaligtasan sa tulay kaya’t agad na nagdeklara ng state of calamity ang Pangulo para mapabilis ang galaw ng mga ahensiya at masigurong ligtas ang mga dumaraan sa tulay habang isinasagawa ang mga kinakailangang pagkukumpuni.

Personal ding sinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Amandayehan Port sa Samar upang matugunan ang abalang dulot ng limitadong daloy ng San Juanico Bridge. Makikita ninyo po ang pagbisita ng ating Pangulo sa nasabing port at siya po ay sinalubong ng ating mga kababayan.

Iniutos ng Pangulo ang pagpapatuloy ng clearing operations hanggang Oktubre at pagtatapos ng karagdagang RoRo ramps ngayong taon upang mas maraming truck at sasakyan ang makakasakay sa mga ferry. Kasama rin sa kaniyang direktiba ang pagkabit ng navigator aids ngayong Hunyo gaya ng mga ilaw, marker at buoy na magsisilbing gabay sa mga sasakyang pandagat upang masiguro ang ligtas na biyahe sa port area.

Ang mga aksiyong ito ay bahagi ng mas malawak na direktiba ng Pangulo sa pamahalaan – mabilis at epektibong trabaho para sa bansa at para sa taumbayan.

Malinaw ang layunin ni Pangulong Marcos Jr. sa sitwasyon sa Siquijor at Tacloban – maibalik ang kuryente at tubig, maayos ang tulay at higit sa lahat, maibalik ang tiwala ng taumbayan na ang gobyerno ay kumikilos at tumutupad.

Handa na po akong sumagot sa inyong mga katanungan.

LETH NARCISO/DZRH: Good afternoon, Usec. Ma’am, may we get the stand of the President on the proposal to extend the terms of office of Barangay and Sangguniang Kabataan elections from three years to six years?

PCO USEC. CASTRO: Actually po, ang extension ng terms ay nasa pagdi-discuss pa po sa Kongreso at iginagalang naman po ng Pangulo ang legislative process. Pero nais din pong ipabatid ng Pangulo kung anuman ang pagbabago, ito po ay dapat na naaayon sa adhikain na magkaroon ng mabuting local governance at pag-unlad ng komunidad. Pero sa ngayon po ay hindi po natin masasabi kung anong stance ng ating Pangulo, kailangan pong maibigay sa kaniya muna ang kumpletong detalye patungkol po dito.

LETH NARCISO/DZRH: Ganoon din po ba doon sa possibility ng postponement ng BSKE na dapat naka-schedule December 2025 po?

PCO USEC. CASTRO: Tuloy po iyan hangga’t wala pong naibibigay na batas kung ito ay ika-cancel or ipapa-postpone.

EDEN SANTOS/NET25: Good afternoon po, Usec. Regarding po sa mataas na presyo ng baboy sa bansa especially po iyong farmgate na binabanggit ng mga hauler, 250 to 265 pesos daw po, medyo hindi na nila kaya. Ang presyo po ng baboy sa palengke ay nasa higit sa 400 pesos. Ano po ang direktiba ng Pangulo para po mapababa ang presyo ng baboy sa bansa?

PCO USEC. CASTRO: Lagi pong ninanais ng Pangulo na maibigay ang pinakamababang presyo sa mga pangunahing bilihin sa merkado. Ayon naman po kay Secretary Tiu-Laurel, ang pagtaas po sa ngayon ng presyo ng baboy—pero aalamin po natin muna rin ang detalye rito kung gaano nga ba tumaas, tumaas nga ba o pareho lang. Pero ayon sa kaniya, tumataas minsan ang presyo ng baboy dulot na rin po ng African Swine Fever. Pero dahil po diyan ay tumutugon po ang DA, at mayroon pong programa tungkol sa hog repopulation program at ang pag-rollout po ng ASF vaccine.

At ayon din po kay Secretary Tiu Laurel, nag-allocate na po ang DA ng halagang 1.6 billion pesos para po makabili ng 13,000 finishers at 30,000 breeders to produce one million finishers while waiting for the ASF vaccine. Ilan lamang po ito sa kanilang magiging gawain para po maibsan po kung anuman po ang nararanasang pagmahal ng presyo ng baboy sa kasalukuyan.

EDEN SANTOS/NET25: Follow-up lang po. Ang sinasabi pong dinadahilan nga raw po ng mga hog raiser at saka iyong dinadahilan din ng DA iyong ASF. Ang sabi po ng mga haulers at saka iyong mga mamimili, sila rin naman po ay apektado ng African Swine Fever. So, hindi po ba maaaring makausap din ng ahensiya, especially ng DA, ang mga hog raisers para po iyong presyo tila hindi yata controlled po ng DA iyong pagpipresyo po ng mga hog raisers sa farm gate price ng buhay na baboy?

PCO USEC. CASTRO: Katulad din po ng sinabi ng ating Pangulo, hindi tayo basta-basta po magdidikta kung ito naman po ay makakaapekto sa ibang mga stakeholders. Inaaral po ito para balanse po ang maging resulta – balanse sa consumer, balanse po rin sa mga hog raisers.

SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Good afternoon, ma’am. Doon po muna sa na-mention po nila na legal review sa agreement between SIPCOR and PROSIELCO, ano po ang magiging conditions po ng review? At saka mag-i-start po ba iyon after nang six months na binigay ni Pangulo or before, kahit ngayon po mag-i-start na iyong review?

PCO USEC. CASTRO: Ngayon po, pinapaumpisahan na po ang tungkol sa SIPCOR at mayroon na pong direktiba ang Pangulo. At kung anuman po ang mangyayari po dito sa malalimang pag-iimbestiga, maaari pong magkaroon ng pag-cancel ng anumang kontrata pero depende po iyan. Hindi ko po sinasabi na ito ay maaaring mangyari, depende pa po iyan sa pag-iimbestiga, kung ano po ang kalalabasan nun.

SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Tapos, ma’am, magpa-follow-up na lang rin po ako doon sa na-mention ni Pangulo kahapon, iyong regarding po sa LWUA, iyong sa Bulacan naman po. Mayroon na pong update regarding po doon sa ano?

PCO USEC. CASTRO: Mayroon. At ahil nga ipinag-utos kaagad ng Pangulo na magkaroon ng pag-iimbestiga ang LWUA at base na nga rin po kay President Joy Salonga, mayroon na pong naganap na pag-uusap sa pagitan po ng City of Malolos Water District at kasama po ang PrimeWater; sa Malolos po ito.

Okay, ayon po sa kanila, kailangan pong magkaroon ng improvement sa water supply service sa dalawang affected barangays. Nangako po ang PrimeWater na iri-repair ang pump station by June 13, 2025. At makikipag-coordinate din po sila sa drainage contractor para po maisaayos din po. Ito po ay sa pagitan din po ng CMWD and PrimeWater para ma-restore po iyong damaged mainline.

Water is expected to return to normal levels upon completion of the repair and restoration of damaged pipelines before school opening. So, abangan po natin ang magiging trabaho ng PrimeWater kung tutupad sila sa kanilang pangako sa LWUA.

SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Paano po kapag hindi po na-achieve iyong target po ng PrimeWater?

PCO USEC. CASTRO: Tingnan po muna natin, bigyan natin sila ng chance. Although, marami nang nagrireklamo sa PrimeWater, bigyan natin sila ng chance dahil ang sabi naman po nila ay sila’y naglilingkod sa bayan.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., mukhang decided talaga si Pangulo na papanagutin iyong SIPCOR kung hindi makakatugon doon sa problema. Ano ang posibleng hakbang, Usec., iyong pupuwedeng gawin ng pamahalaan kung saka-sakaling hindi makatugon ang SIPCOR doon sa obligasyon nito?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po binanggit po natin, mabilisang pagtugon sa problema para po maibsan ang dinaranas na hirap ng mga kababayan natin sa Siquijor. So dahil nasa ilalim na ng state of calamity ang Siquijor, maaari na pong magamit ang calamity fund para sa agarang aksiyon, at para mabawasan din ang delay sa implementasyon ng mga proyekto at mapigil din po ang labis na pagtaas ng presyo ng bilihin.

At iyon nga po, iyong mga genset po ay ipapadala, iyan po ang pinakamabilis na maaaring maisagawa ngayon para maibsan po ang kahirapan ng ating mga kababayan sa Siquijor.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., for the record: Sino po ba ang may-ari ng SIPCOR?

PCO USEC. CASTRO: Ang SIPCOR po, kung saan po nakakaranas …kung sino po ang nagma-manage at nagmamay-ari—sorry, sorry. Ang SIPCOR po na siya pong nagma-manage ng kuryente or iyong power provider sa Siquijor ay pag-aari pa rin po ng Villar Group of Companies – ang SIPCOR ay pag-aari rin po ng Villar Group of Companies. Kaya po minamadali po ng Pangulo na makausap po ang SIPCOR para sa mas mabilisang pagtugon sa problema dahil kung tutuusin po, hindi po ito bagong problema; dapat noon pa po ito natugunan. Ang sabi nga po nila, ang tunay na kaibigan ay walang iwanan. We hope that they will not abandon their obligations to their friends in Siquijor.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., follow up lang. Gaano na ba katagal iyong problema doon sa Siquijor?

PCO USEC. CASTRO: Tayo po ay nagpapaimbestiga pa dahil mukhang matagal-tagal na rin po ito kaya nga po nagdeklara na po ng state of calamity. At mayroon po akong records dito at ibibigay ko na lang po sa inyo siguro ang mga detalye.

CLEIZL PARDILLA/PTV: Good afternoon po, Usec. Usec., nabanggit ninyo po na puwedeng makansela iyong kontrata. Pero what violations or consequences pa po SIPCOR may face for failing to provide 24/7 power supply and what case can be filed? Also po, na-assess na po ba, masasabi po ba that Siquijor is losing millions of money dahil po sa crippling power crisis?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon hindi ko po masasabi iyong pinakadetalye kung ano ang maaaring solusyon dahil definitely po ang gobyerno ngayon ang tumutugon para maibsan ang problema sa Siquijor na supposed to be dapat hindi po sinasagot sana ng gobyerno dahil nga mayroong private companies o kooperatiba na dapat tumutugon sa problema ng mga kababayan natin sa Siquijor. Pero ngayon po, ito ay papasanin ng gobyerno – karagdagang gastos sa kapabayaan ng iba. So, titingnan na lang po natin ang mga detalye patungkol po dito.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, iyong sa LWUA. Before the midterm elections, President Marcos has ordered an investigation into the operations of PrimeWater. So, may update na po ba dito? Ongoing pa rin po ba iyong investigation ng LWUA at may commitment na rin po ba iyong PrimeWater para ayusin iyong kanilang serbisyo, at least even for the Province of Bulacan po?

PCO USEC. CASTRO: Ayaw kong pangunahan pero most probably malapit-lapit na po na makapagbigay ako sa inyo ng detalye patungkol diyan. Hindi po ito tinutulugan, lagi naming pina-follow-up ang pag-iimbestiga rito. Bigyan ninyo lang po kami ng kaunting panahon baka ilabas na po namin.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: May timeline po ba na binigay si Presidente sa investigation?

PCO USEC. CASTRO: Ayaw ko pong magsabi by next week pero … basta medyo malapit na po. By next week, basta malapit na po.

MARICEL HALILI/TV5: Hi, ma’am. Magandang hapon po. Ma’am, ano po iyong masasabi ninyo doon sa naging hakbang ng Senado last night to remand iyong articles of impeachment at ibinalik po sa Kongreso?

PCO USEC. CASTRO: Mensahe ba ng Pangulo? Wala po. Alam naman natin, uulitin natin, kung tungkol sa impeachment ang pag-uusapan, ang Pangulo po kasi kung tutuusin ninyo ngayong umaga ang dami niyang pinuntahan. So, kung ang Senado may mga ilang senador na busy sa pagtatanggol sa procedure at may mga senador na busy sa pagtatanggol sa Bise Presidente, ang Pangulo po ay busy sa pagtatrabaho. Gusto niya sana, katulad ng ating sinabi niya kanina maibigay ang mababang presyo ng bigas, makapagbigay ng mababang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado at maibsan kung anuman pong paghihirap ang nararanasan ng ating mga kababayan sa ngayon – iyon po ang focus ng ating Presidente.

Hindi po niya pinapansin sa ngayon kung ano ang nangyayari sa Senado dahil ang trabaho po ng Senado, kung anuman po ang mangyari diyan ay sila naman po ang mananagot sa taumbayan.

MARICEL HALILI/TV5: But, ma’am, as a lawyer aren’t you concerned of the worries of other lawmakers na this might lead to constitutional crisis?

PCO USEC. CASTRO: As a lawyer, opinyon ko na ito ha, okay – for me, depende po iyan eh, depende. So, ang pagri-remand ba dahil iyan naman ang napagdesisyunan nila, may punto po kasi na kung mayroon lang silang naguguluhan they can ask the House of Representatives, “Ano ba ito, certified ba ito?” Kasi when you say it’s certified, may verification, at naipasa iyan considered iyan na may presumption iyan of regularity ‘di ba? So, it can be an issue during the trial if they want pero to remand back kung anuman iyong kanilang adhikain hindi po natin masasabi. Pero since nasa kanila naman po iyong jurisdiction, ang Senado na po talaga ang maaaring magdesisyon diyan.

MARICEL HALILI/TV5: Thank you, Usec.

IVY REYES/BILYONARYO: Good afternoon, Usec. Follow up lang po sa impeachment, may nasabi na po si President or ang Palasyo sa usap-usapang dismissal ng impeachment at saka did he ever express any concern on the political effects he may face?

PCO USEC. CASTRO: Political effect that he may face? Parang, will it give a negative impact to the President because of the dismissal of the complaint against VP Sara, ganoon po ba iyon? Hindi, hindi I’m just clarifying. Ganoon po ba – kung magkakaroon ng negative impact kung madi-dismiss?

Unang-una po, hindi po kasama ang Pangulo sa debate doon sa Senado. Makikita po ng taumbayan kung sino po ba kaya nag sumusunod sa procedure or sino ang naglalaro sa procedure para makaiwas o para maituloy ang impeachment trial.

Sa Pangulo po sa ngayon uulitin po natin, hindi po kasi focus ng Pangulo ang impeachment pero ayon din naman po sa Pangulo – ito po ay pangkalahatan – kailangan din po talaga ng transparency, accountability sa lahat ng public servants hindi lamang po sa usaping impeachment trial.

So, kapag sinabi po ng Pangulo na proseso, dapat sundin ang batas, dapat sundin ang Konstitusyon, huwag paglaruan ang mga procedure. Iyong naaayon lang po ang paggamit ng procedure at rule of law para ito sa taumbayan, para sa interes ng taumbayan.

So, wala po tayong nakikitang anumang negative impact na mangyayari sa Pangulo dahil hindi po siya kasama sa anumang pagtatagisan ng talino sa debate dito sa Senado.

So, kung ito man ay ma-dismiss, sabi nga po natin, taumbayan po ang huhusga sa Senado kung ano po ang ginawa nila during the impeachment trial.

IVY REYES/BILYONARYO: Thank you po.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: No, not impeachment. Babalikan ko lang ho sinabi ninyo kanina iyong—you challenged SIPCOR na kung – sinabi ninyo – walang iwanan, sana huwg iwanan ang mga tao sa Siquijor, something like that. Clarify ko lang ho, ito ho ba ay in reference to Senator-elect Camille Villar’s statement thanking the Vice President for her support?

PCO USEC. CASTRO: In general dahil kapag kaibigan ka nagsiserbisyo ka, hindi ka lang dapat para sa kita para magsilbi ka sa taumbayan at ang dapat ang lahat ng mga pinagsisilbihan mo ituring mong kaibigan. So, kung ikaw ay magiging kaibigan at magsisilbi, tuparin mo.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Thank you.

EDEN SANTOS/NET25: Usec., regarding po doon sa impeachment pa rin ‘no, sabi ninyo po kailangang sundin iyong procedure, iyong Konstitusyon, dapat po ito rin ang sundin ng Kamara de Representantes kapag po nag-file ng impeachment complaint against the President po – kasi ‘di ba mayroong finile [file] before iyong Duterte Youth pero hindi po binigyan ng pansin or hindi na po napagtuunan ng pansin ng Kamara na isa po doon sa kinukuwestiyon din ni Senator Alan Peter Cayetano?

PCO USEC. CASTRO: Mas maganda pong itanong ninyo iyan sa spokesperson ng House of Representatives; hindi po natin saklaw iyan. Thank you.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Ma’am, balik lang po ako doon sa SIPCOR kasi nabanggit din po sa report na nagbabayad naman pala iyong local authorities doon sa SIPCOR. Mayroon po bang figure kung magkano iyong nalugi from the LGU side dahil nagbabayad sila at the same time hindi napu-fulfill iyong duties ng SIPCOR dahil nga po nag-cause nang malawakang blackout?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, hihingin ko po iyong pinakadetalye at ongoing pa po kasi iyong imbestigasyon, iyong mas malalimang pag-iimbestiga. Kapag po tayo ay nagkaroon ng pinakadetalye patungkol po dito sa pag-iimbestiga ay ibibigay ko po sa inyo kaagad-agad.

CHLOE HUFAMA/BUSINESS WORLD: Good afternoon, Usec. Mayroon na po ba tayong priority bills for the 20th Congress?

PCO USEC. CASTRO: Actually, marami po. Mayroon pong mga priority bills napag-usapan po ito sa nakaraang LEDAC, common legislative agenda. Nandito po unang-una siyempre uunahin po natin iyong National Government Rightsizing Program at Amendments to the Rights-of-Way Act – dalawa lang po ito sa pinakamahalagang dapat sana na maipataguyod na dahil malaki pong bagay kapag ito ay naisabatas, malaking bagay po ito para sa gobyerno. Nandiyan din po iyong The Konektadong Pinoy Act at pati po iyong The Amendments to the Universal Health Care Act. So, ilan lamang po ito, marami po kasing batas na nais maipasa pero iyan lang po muna ang aking mababanggit dahil iyan iyong pinakaimportanteng dapat sana na maipasa.

CHLOE HUFAMA/BUSINESSWORLD: Sa wage hike naman po, Usec. The DBCC just released a position paper warning against the legislated across the board minimum wage hikes of 200 pesos and 100 pesos. Last time the President said he needs to weigh pa the economic impact of this. So, does this mean po na the DBCC’s study does not reflect po the stance of the President?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po ay tatanungin ko iyong Pangulo kung kaniya na pong nabasa iyong sinasabi dahil sa ngayon ako personally po, wala pa po kong kopya noong inyong sinasabi pero hindi ko pa po kasi naitanong sa Pangulo ang patungkol diyan. Baka po kapag nagkaroon kami ng pagkakataon maitanong ko po iyong tanong na iyan at ibigay ko po agad sa inyo ang sagot.

CHLOE HUFAMA/BUSINESSWORLD: And last question, if lawmakers pass the bill tonight, may chance po ba na ma-veto ito ni President since essentially alter ego niya po ang mga DBCC heads and mukhang hindi sila sang-ayon sa wage hike?

PCO USEC. CASTRO: Hindi ko po masasagot sa ngayon, kailangan mabasa pa rin po ng Pangulo ang mga detalye patungkol diyan. Kung ito naman po ay makakabuti sa mga manggagawang Pilipino malamang ay maayunan ng Pangulo pero ang sabi po niya kailangan po talagang aralin bago siya sumang-ayon kasi marami pong stakeholders’ concern na dapat din pong madinig sa parte na iyan.

CHLOE HUFAMA/BUSINESSWORLD: Thank you, Usec.

PCO USEC. CASTRO: Okay. So, bago po tayo magtapos, 53 Wi-Fi sites sa Tawi-Tawi. Ito ang tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.: No Filipino is left behind. Kaya ang DICT ay naglunsad ng 53 Wi-Fi sites sa 25 locations sa Tawi-Tawi na ngayon ay may access na sa libreng internet. Pagpapatupad na rin ito sa Free Wi-Fi for All Program ng Pangulo at DICT.

Patunay nito na ang ‘Digital Bayanihan’ kahit malayo ka sa sentro kasama ka sa pag-unlad ng bagong Pilipinas. Mula trabahong digital sa Batanes, ngayon sa Tawi-Tawi connectivity at sa susunod naman ay Dumaguete para sa e-Commerce.

So, iyan lamang po. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang hapon para sa Bagong Pilipinas.

##