PCO USEC. CASTRO: Magandang araw, Malacañang Press Corps.
Upang mas mapanatili ang tuluy-tuloy na supply ng kuryente, nagpapatuloy ang Malampaya Phase IV Drilling Project sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makatutulong upang palawakin ang supply ng kuryente sa bansa. Layon din nitong patatagin ang energy security para sa mas tuluy-tuloy, sapat at abot-kayang kuryente para sa taumbayan. Personal na nagsagawa ng flyby si Pangulong Marcos Jr. kahapon sa Malampaya Phase IV Project area.
Ang Malampaya ang nagbibigay ng 20% na kuryente ng Luzon na siya namang nagpapailaw sa ating mga tahanan, paaralan, ospital at mga tanggapan. Ngunit paubos na ang reserba nito dahilan upang isagawa ang Phase IV drilling project para makakuha ng panibagong energy source at mapanatiling tuluy-tuloy ang supply ng kuryente para sa mas mura at maaasahang elektrisidad.
Habang pinapalawak ang paggamit ng renewable energy, binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan ng mas abot-kayang kuryente at pagbibigay ng seguridad sa supply ng enerhiya sa bansa. Ang mga hakbang na ito ni Pangulong Marcos Jr. ay pag-usad tungo sa minimithing mas maliwanag at mas maunlad na Bagong Pilipinas.
[VTR]
Para paunlarin ang ekonomiya at pagandahin ang passenger experience, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony ng bagong passenger terminal building sa Caticlan Airport. Ayon sa Pangulo, makakaasa ang mga pasahero na matatapos ang Megawide Construction Corporation ang pasilidad sa loob lamang ng dalawang taon. Giit pa ni Pangulong Marcos Jr., layunin ng new airport terminal project na paunlarin ang tourism industry ng Pilipinas at mag-iengganyo ng mga turista mula sa iba’t ibang mga mundo.
Magkakaroon ang bagong terminal ng enhanced check-in counters, high-tech security screening areas, modern baggage handling systems at improved boarding gates upang mapaigsi ang pila at waiting time ng mga pasahero. Inaasahan na makakatulong sa lokal at national economy ang bagong passenger terminal lalo na’t 8% ng kabuuang GDP ng bansa ay galing sa industriya ng turismo.
Binigyang-diin naman ni Transportation Secretary Vince Dizon ang kahalagahan ng public-private partnership upang pagandahin pa ang transport infrastructure sa bansa. Ayon sa kalihim, malaking ginhawa ang mabibigay ng makabagong transport infrastructure projects gaya ng New Caticlan Airport Terminal sa ating mga kababayan lalo na’t maraming domestic at international passengers ang dumaraan dito upang makarating sa Boracay.
Nitong 2024 lang ay four million passengers ang dumaan sa Caticlan Airport ngunit inaasahang aabot na sa seven million na biyahero ang kayang i-accommodate nito kada taon sa oras na matapos ang bagong building. Makakaasa ang mga pasahero sa malinis at ligtas na pasilidad, mas maayos at mabilis na daloy ng mga pasahero at maginhawang paglalakbay sa bagong Caticlan Airport Terminal.
[VTR]
Ngayong araw ay makakasama natin si Energy Secretary Sharon Garin at Transport Secretary Vince Dizon upang magbigay sa inyo ng detalye ukol sa Malampaya Project at New Caticlan Airport Terminal. Magandang araw po, Sec. Sharon and Sec. Vince.
DOTR SEC. DIZON: Magandang hapon po.
DOE SEC. GARIN: Good afternoon po.
Kahapon po, pumunta kami sa Malampaya – lumipad lang kasi hindi pa puwedeng bumaba tayo doon pero we visited the platform ng Malampaya. Ang Malampaya po is 23 years old na and ito po nag-supply noong umpisa 40% of the Luzon requirement, now is down to 20% kasi kumukonti na rin iyong reserve. Pero ang pagbisita ng Presidente was purposely also to visit iyong nagdi-drill na ship na dumating. It’s drilling now, three wells – Camago, Malampaya East and then ang Bagong Pag-asa. Dalawa po maganda iyong prospects, iyong Bagong Pag-asa po is parang prospective pa lang – titingnan pa natin kung mayroon pero we are very excited kasi mukhang maganda iyong mga chances ng ating mga wells ngayon.
I wanted to show sana iyong isang slide. Puwede nating pakita iyon? But, I’ll show it to you later ano. So, I’ll turn it over to Vince muna.
DOTR SEC. DIZON: Magandang hapon.
Kahapon din nagpunta ang ating Pangulo sa Boracay, Caticlan Airport at kagaya noong nakuwento ni Sec. Sharon kanina, iyong kuwento sa Caticlan ganoon din ‘no – matagal nang pinaplano ito. Sabi nga ni Mr. Ramon Ang ay 2009 pa dapat sinimulan, nakalipas ang tatlong administrasyon at hindi nagawa, hindi natapos kaya nagpasalamat si Mr. Ramon Ang sa ating Pangulo na finally magagawa na ang bagong terminal despite all of the challenges over the past more than ten years ay magagawa na – at hindi lang masisimulan kung hindi ang commitment ng San Miguel at ng Megawide ay matatapos siya sa loob ng dalawang taon.
So, by 2027, tapos na ang bagong terminal na napakaganda at napakalaki para sa Boracay, Caticlan. So, ito’y nakaka-excite at nakakatuwa lalong-lalo na para sa ating mga turista na talagang minamahal ang Boracay bilang one of the most beautiful tourist destination, one of the most beautiful beaches in the world, magkakaroon na ng world-class passenger terminal by 2027.
DOE SEC. GARIN: So, ito pong ano… balik lang ako doon sa exploration natin. So, nagdi-drill sila today ‘no. Dumating sila a few weeks ago lang, itong Viking na nagdi-drill. Magdi-drill iyan mga isang kilometro ng lalim and then it will drill around two kilometers more so mga three kilometers iyan – ganoon ka-impressive ang tinatrabaho nito. Tatlong wells pa iyan, hindi lang nag-iisa.
So, anong expectations natin? Within the year we will know kung mayroon nga o wala, kung ano iyon pressure diyan sa wells natin especially the two – Camago and Malampaya East. Ang isa we’re hoping and I think we are quite optimistic about it, itong Bagong Pag-asa na additional na source natin.
What is the importance ng mga wells na ‘to or ang ginagawa ng Malampaya? Kasi this provides energy also to the country and it’s indigenous. Kahit maggiyera man kung saan-saan na part ng mundo eh safe tayo, mapuproteksiyunan natin kasi atin iyon and the prices we can maintain and the supply we can maintain. Mapi-predict natin, hindi iyong dependent tayo na nag-i-import palagi tayo kasi like iyong gasolina natin ngayon, ini-import natin from middle eastern countries, nagkagulo doon, paakyat-pababa na naman siya. But if we have our own source, which is basically actually electricity ‘no, this will make sure that our prices are steady.
And then ang second is once we know na mayroon nga, siguro mga kailangan lang nila ay mga anim o isang taon para ikonek na iyan sa Malampaya natin. And then by next year, late next year, we will have electricity from the new wells already.
Do we have the slide already or wala pa? O explain ko lang? So, ang isa ko lang na i-emphasize, ang Malampaya was awarded in 2001 – if we have the slides, just show it – 2001 iyan. Nag-operate siya—no, 1989 na-award; nag-operate siya 2001, more than ten years ang development niyan. Ten years siya na para i-construct, lahat, study and everything. And then, hanggang ngayon, nag-o-operate pa rin iyan, supplying so much of our electricity. But nakikita ninyo sana iyong kung ilan ang mga contracts na ginawa ng mga previous administration, si President Marcos, 30 contracts; ang sunod niyan, pakaunti nang pakaunti. Ayan, nakikita ninyo ba? Thirty contracts during—no, 158 contracts during Marcos Sr. Then, during Aquino, kumukaunti siya, 34 contracts; Ramos, 38 contracts; during Estrada time, 18; Arroyo, 22; Aquino, 16; Duterte, 6 – talagang bumabagsak siya.
We should have done the Malampaya extension and exploration ten years ago, at the very least. If it takes ten years to develop Malampaya original, siguro naman dapat naisip na natin iyan, kakaunti na. And that is why this—not just because I’m here standing in front of you ‘no as a secretary, pero I think this is commendable in a sense na nagawa ngayon ang extension and it will extend Malampaya for another ten years. Kung hindi ito ginawa ngayon, mauubusan tayo ng gas.
So, with this administration, we have three contracts already given out and we have eight more pending, dalawa diyan the first hydrogen contracts – first in the world; dalawang contracts for BARMM, first time also. So, walo iyong total niyan. And that’s what the government needs to do eh, at na-recognize ng Presidente natin na if we want energy security, if we want security where we get our power, then we need more drillings. So, hopefully, Malampaya will be more successful, will be successful. And I think, with the trend ngayon na padami nang padami na iyong mga kontrata na we are awarding, then I think the President is not just concerned of your energy needs today or until 2028. I think he is concerned of the long-term needs of our country na ito, ten years pa ito, alam niya ten years pa ang epekto nito pero he wants this to secure the future of our next generation.
So, that’s why he went there, and I think he deserves such ano … talagang tama iyong ginawa niya, in-extend kaagad ang Malampaya contract because now, we are secure for the next ten years, up to 2037.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: Hi, Sec. Good morning. Kay Energy Secretary Garin po. Sec., apart from Malampaya, ano pa po iyong mga energy sources na tinitingnan because during an interview with Secretary Manalo early this year, sabi niya po, open pa rin ang Pilipinas for a joint oil and gas exploration with other countries including China. So, ang posisyon po ba ng DOE ay tuluy-tuloy pa rin itong mga joint oil and gas talks po with other countries and even with China?
DOE SEC. GARIN: It’s not about who is exploring, where we are exploring ‘no. Mahirap kang mag-explore, mag-invest ka ng $1 billion kung medyo disputed ang area. So, on the safe side, let’s say, we have many possible investors; ito iyong mga bagong contracts. For example, we have a company from Australia, from Israel, from the US—ano pang mga countries that … UAE, so different companies, different countries ‘no.
For example, sasabihin ko lang na ang investment nito, total nito, iyong bago, mga 43 billion—$43 billion ba ito—US dollars ang potential ng mga bagong ano …. So, malaking investment ito sa mga foreigners. But, they’re very interested in the Philippines. I think, nakita nila iyong magandang investment opportunity, not just the opportunity pero iyong climate natin na it’s time for them to come in. So, nakita nila na we have the right policies and leadership para mag-invest ng $43 billion. So, kaya marami po, hindi lang po Chinese ang interested kung hindi marami pong ibang countries.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: Just a follow-up, ma’am. So, is it right to say na hindi po natin ipa-prioritize iyong mga areas na disputed at the moment because sabi mo, parang sayang din ang time and effort kung disputed pa iyong area? Because Justice Carpio said na iyong Reed Bank, hindi natin nai-explore dahil po sa kulang iyong political will. Ano po ang stand ng DOE?
DOE SEC. GARIN: We have offered those areas but there are no takers. So, I don’t think the investors would risk it also. Mayroon nga tayong existing din na contract na nandoon na, on that line but it hasn’t been explored yet because there are still uncertainties ‘no.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, magandang tanghali po. Secretary, kahapon nga nag-flyby si Pangulo doon sa Malampaya area ‘no. And sabi niya rin doon sa social account niya, social media account, na papaubos na nga iyong reserve. Ang tanong, Secretary, bakit ngayon lang sinimulan iyong drilling operation?
DOE SEC. GARIN: Magandang tanong at tamang tanong po iyan. We should have started the drilling by ten years ago, I would say. Kasi paubos siya by 2027 eh. Mauubos na siya by 2027. So—o 2030, mga 2027 or between 2027 to 2030, depende kasi kung sino iyong expert ang kausap mo ‘no. Pero ngayon, buti na lang in-extend ng Presidente ang kotranta ng Malampaya, inobliga nga sila na mag-drill ng new wells.
What is impressive with this new contract, with this extension, ay magagawa po ng Malampaya natin, they’ve started … they were extended 2023, nag-drill sila today and they will discover this year, they will find out if there is gas there. And if there is gas, puwede na silang magbato ng gas sa power system natin. So 23 hanggang 2026, three years lang, under the leadership of the President because minadali kasi kailangan niyan kasi may Coast Guard ka na nagpo-protect diyan; there is a BOC that has to … kailangan mag-import sila ng equipment, immigration sa mga tao. So, well-coordinated kasi ang gobyerno natin ngayon so kaya mas mabilis at this is the first time it’s an all Filipino consortium so kaya I think, for the love of the Philippines kaya mas mabilis sila.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Secretary, kanina nabanggit ninyo na maganda iyong prospects natin doon sa drilling operation. Anong indication iyong nakita natin para sabihin nating maganda iyong prospects sa atin?
DOE SEC. GARIN: Based on the studies done, ang geology ng area, hindi ko lang ma-technical iyon kasi hindi ko rin siya ma-technical. Pero according to the survey, the studies na ginawa ng ating operator ng Malampaya, there is a good possibility at saka parang mayroon silang observations na because they are drilling already. Mayroon silang observations everyday they are more positive about the prospects. So, I’m not sure if I have the liberty to disclose all that eh pero iyon lang maganda iyong prospect because the studies have shown it and then iyong findings nila while drilling it mukhang maganda iyong prospect niya. On the two wells ha – Camago and…iyong isa kasi prospective but I think we will find out this year also.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Salamat po, Sec.
CLEIZL PARDILLA/PTV: Good morning po, Secretary Garin. How prepared is the government kung wala pong makita or kaunti lang iyong supplies sa mga dini-drill? What will happen to our power supply? Thank you.
DOE SEC. GARIN: We will continue and I think ayaw kong isipin na wala but our plan is to have a good energy mix, it’s not just purely gas. If we want more gas then we can also import ‘no that doesn’t make us energy secure pero at least that will ensure that we have. Kasi mayroon na tayong mga dalawang…on this term of the President there are two new the only regasification facilities have been completed – so, kaya nating mag-import na ngayon.
Now the other option is to push more renewables because there is so much interest in the Philippines on renewable energy and as you know already 85 percent of the foreign direct investment is on renewable energy. So, mayroon po, marami pong gustong mag-invest dito sa Pilipinas. But on the other side we still have coal, gas, renewable and all other technologies pero mayroon pa rin tayong options. But we will know ‘no, we need to recalibrate our targets if we find out this year that medyo kaunti siya.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Kay Secretary Dizon sana. Sec., magandang tanghali po. Kahapon nagpunta rin si Pangulo doon sa Caticlan Airport and we heard na matagal na pala na request na ayusin iyong airport, Sec. And my question is anong deciding point ng government para finally maayos na ito and kayang ayusin ng two years?
DOTR SEC. DIZON: Alam mo tingin ko ito iyong commonality nitong dalawang binisita ni Pangulo kahapon – itong Malampaya at itong Caticlan at marami ding iba pang mga proyektong ganito na sad to say, nakakalungkot na na-delay nang na-delay dahil nga hindi naaksyunan nitong mga nakaraan na administrasyon, for whatever reason hindi natuloy. Pero ang sabi nga ng Pangulo sa amin ni Secretary Garin noong magkasama kami kahapon, kailangan talaga itong mga matagal nang nabinbin na proyekto na napakalaki ng benepisyo sa ating mga kababayan ay kailangan matuloy na finally. Isipin ninyo na lang iyong Malampaya, sabi ni Sec. Sharon kanina 10 years pala dapat nakapag-drill na tayo kung na-extend lang iyong kontrata unfortunately hindi nangyari iyon.
Itong Caticlan nakuwento ni sir Ramon Ang kahapon na nagsimula ang San Miguel diyan 2009. Maraming challenges pero sabi niya sayang ang panahon sabi niya at maraming mga nagawa sana dati. Pero ang importante hindi na siguro dapat tayong bumalik pa ‘no, ang importante ngayon is nagdesisyon ang Pangulo, sinabi ng Pangulo tapusin na iyan para sa kapakanan ng ating mga kababayan – sa electricity at ngayon dito sa Boracay, Caticlan. So, I think it’s the President’s decisiveness, his boldness and his quick action to finally put things into motion.
Ang Caticlan ay matatapos na sa 2027 – ang bagong terminal, ang tagal na. Alam naman nating lahat kung gaano kaliit ang terminal sa Caticlan, hirap na hirap ang ating mga kababayan, hirap na hirap ang mga turista. Sayang napakagandang destinasyon ang Boracay pero at least ngayon sigurado na tayo na 2027 may world-class terminal na ang Boracay at hopefully this year malalaman natin na mayroon tayong dagdag na gas sa Malampaya.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Sec., if you may, ano ba iyong mga naging challenges for the past 10 years doon sa Caticlan?
DOTR SEC. DIZON: Madami, right-of-way is number one. Maraming mga pagbabago dahil siguro sa pagbabago ng administrasyon, ayaw ko nang pumunta sa mga detalye. Siguro naman naaalala ninyo pa naman iyong mga nangyari noon, nakukuwento diyan iyong sinimulan na ng San Miguel ang isang terminal building pero dahil yata nagkaroon ng pagbabago sa leadership ay hindi natuloy iyon – kaya may makikita kayo ‘di ba pagpunta ninyo ng Boracay may mga poste doon na nangangalawang na ‘di ba, so, sayang lang. Pero ang maganda ngayon is sabi ng Pangulo, “Tuloy na natin iyan ngayon.” At ang commitment ng San Miguel at ng Megawide is by 2027 ay tapos na. So, finally matatapos din.
CHLOE HUFANA/BUSINESSWORLD: Secretary, pardon me po for stirring away for the Caticlan topic but I would like to ask po what happened during the CAB and Australia meeting po noong July 11 regarding sa plan natin to increase iyong seats for Australia fights?
DOTR SEC. DIZON: I’m not at liberty to say that/to inform the public about that yet because there are still ongoing air talks. So, we will make the proper announcements very soon in the same way that we made the announcements when other air talks were concluded kasi makukompromiso rin iyong posisyon natin kapag tayo nagsalita.
CHLOE HUFANA/BUSINESSWORLD: Kailan po iyong target natin, sir?
DOTR SEC. DIZON: Hopefully, real soon in the next couple of weeks matatapos na.
CHLOE HUFANA/BUSINESSWORLD: And kay Secretary Garin po. Also stirring away from the topic of Malampaya, Secretary. Si ERC Chair Mona resigned last week, so ano po iyong reaction ninyo and ano na po ang mangyayari sa ERC since mahihirapan na po silang mag-reach ng quorum?
DOE SEC. GARIN: Opo, but ERC is actually not under DOE; it’s our regulator. So, it’s not under us; it’s under the Office of the President. There will be complications nga ‘no kung wala siya kasi mababawasan kasi I think two will retire and then there’s the Chair, so parang dalawa na lang sila ‘no. So, wala silang quorum. So, I think the Office of the President will act swiftly naman to address that.
Thank you for the question kasi I don’t want the stakeholders to think that there is a major overhaul of the energy industry. Kahit po sa DOE po kahit kakaumpisa ko pa lang lahat po ng mga directors namin, usec., asec., we will continue with the same, meaning also we will continue with the policies na bakit kami na-successful in attracting all the investors. We will keep that up, we will continue with the policies that are effective, we will do away with the policies that are not helpful to the country.
So, as far as DOE is concerned, we want to maintain continuity and we want to assure our stakeholders, our possible investors that there will now be major changes in the policies of DOE. Ang ERC I think is it’s the same, it just so happens na magri-retire iyong dalawa kaya nagkataon lang iyon but it’s not within our jurisdiction actually to comment. Thank you.
CHLOE HUFANA/BUSINESSWORLD: Thank you po, sir and ma’am.
JEAN MANGALUZ/PHILIPPINE STAR.COM: Good afternoon. Question for Secretary Garin. I’d like to follow up on a question about the dispute of investments in disputed areas. Is it safe to say that tensions with China have caused us potential investments in energy?
DOE SEC. GARIN: Definitely, because no investor will risk million or billions of pesos when they are not sure kung secure sila. Even Malampaya which way within the nine-dash line binabantayan din iyan po ng ating mga Coast Guard, even the Department of National Defense is well-informed of their activities just to make sure that they are safe not just from our neighbors but also any other elements ‘no. So, kailangan talaga kasi major activity and major investment iyan. So, in that sense, kung nandoon ka sa disputed area or near it the legitimate investors will shy away from that.
JEAN MANGALUZ/PHILIPPINE STAR.COM: May rough estimate tayo kung how much iyong potensyal na nawala sa atin?
DOE SEC. GARIN: I cannot say that now, we can give it to you and get back to you, pero alam ko lang mayroon kaming isang project na service contract 72 na parang nandoon siya. So, they are still figuring out, it has good potential, pero hindi pa sila maka-decide kung paano nila umpisahan.
JEAN MANGALUZ/PHILIPPINE STAR.COM: Sa West Philippine Sea po iyong?
DOE SEC. GARIN: Opo, sa nine-dash line.
PCO USEC. CASTRO: Thank you very much, Sec. Vince and Sec. Sharon. Okay, puwede na po tayong tumanggap ng inyong mga katanungan.
IVY REYES/BILYONARYO ONLINE: Hi, Usec.. Good afternoon po. News of the late Paolo Tantoco’s death reveals cocaine overdose and remains an open investigation. Since he is part of the First Lady’s entourage, may we know if the First Lady will comment on this? And from the Malacañang po, the presidential sister released a statement. Senator Imee is calling for a comprehensive report from the Palace to dispel further speculation.
PCO USEC. CASTRO: Nakakalungkot dahil iyong mga pribadong tao na nagluluksa ay nadadamay sa pamumulitika. Ginagamit ng ibang obstructionist para masira ang First Lady, ang Pangulo at ang administrasyon na ito. Nakakahiya ang kanilang mga ginagawa. Unang-una, si Mr. Paolo Tantoco ay hindi po kasama sa official entourage ni FL o ni First Lady, ng unang Ginang. Nakakahiya dahil gumawa sila ng pekeng police report, naturingang journalist, mga dating Spokespersons, hindi marunong mag-imbestiga ng sarili. Hindi sila nagiging journalist, kung hindi nagiging propagandista ng kanilang mga sinusulong na interes.
Ang sinasabing police report na nai-post sa Facebook ay isang malaking kasinungalingan. Kahit kayo po mismo ay maaaring mag-imbestiga sa nasabing lugar, sa Beverly Hills Police Department, para malaman ninyo na iyong inilagay sa Facebook na may guhit na color pink, kung hindi ako nagkakamali, ang parteng iyon ay idinagdag lamang. Nag-start ang mga salitang, “And the cause of initially suspected to be drug overdose” up to the word Miro, iyan po ay idinagdag lamang. Ito ay mga gawain upang masira ang Unang Ginang, ang Pangulo at ang administrasyon na ito. Para sa pang-personal na interes. Tandaan po natin, ang Unang Ginang po, noong siya ay nasa Los Angeles ay mayroon po siyang security service na provide ng US at mayroon din po siyang kasamang PSG. Hindi rin po siya nag-stay sa nasabing hotel ni Mr. Tantoco. Iba po ang kanyang hotel.
At mayroon po siyang mga activities, March 8, kung puwede po nating makita, maipakita sa monitor. March 8, makikita po ninyo sa screen na mayroong konsyerto para sa Filipino. Makikita ninyo sa larawan din, Secretary Christina Frasco, March 8 iyan ginanap, hapon hanggang gabi. Paano masasabi ng mga obstructionist na ito, ng mga Facebook peddlers na ito ang patungkol sa nakita nilang mga tao doon sa vicinity, kaya po iyan ay idinagdag lamang.
Nandito naman po iyon sa Facebook ng Unang Ginang. Pero kahit ito po ay nasa Facebook, at ito po ay nairi-report naman, pilit nilang binabago ang kuwento at nakakalungkot dahil kapwa Filipino ang kanilang niloloko para sa kanilang personal na interes. So, muli sa mga journalist na nagpapanggap na kayo ay journalist pero lumalabas na kayo ay propagandista, maawa po kayo sa bansa, maawa po kayo sa taumbayan. Huwag po ninyong lokohin ang mga Filipino.
KRISTINA MARALIT/MANILA TIMES: Good afternoon, Usec. Last July 12, the country commemorated nine years of the arbitral ruling on the West Philippine Sea favoring the Philippines. The Chinese Foreign Ministry again refused to recognize this and remarked that the arbitral decision is nothing but a piece of waste paper and fundamentally flawed with obvious mistakes. What is the Palace’s take on this?
PCO USEC. CASTRO: Parang nadinig na po natin iyan noong nakaraan pa, na ang sinasabing arbitral award ay isang papel na dapat lamang ibasura. Hindi po ganyan ang paningin at pananaw ng kasalukuyang administrasyon. Nagsalita na po si Secretary Tess Lazaro, nagsalita na rin si Secretary Gibo Teodoro pati na po si Secretary Año. Isang tagumpay po na mapaalam sa buong mundo kung no ang pinaglalaban natin at kung ano ang para sa Pilipinas at para sa taumbayan. Muli, ang Pangulo, hindi isusuko ang soberanya, ang karapatan ng bansa at ng taumbayan kahit kanino pa man.
KRISTINA MARALIT/MANILA TIMES: What would the Palace like to convey to the countries who continue to stand by the Philippines with regard to the issue on the WPS?
PCO USEC. CASTRO: Muli, tayong lahat ay Filipino, dapat po tayo ay nagkakaisang ipaglaban kung anong mayroon tayo. Manatili po tayong maging pro-Philippines, makabansa, makabayan. Huwag nating tularan ang iba na not pro any country.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Usec., a year after the ghost employees scandal of the Bangko Sentral. The two former monetary board members Aquino and Tolentino have not faced any charges. The BSP said no legal action was taken against them as the matter now lies with the Office of the President. Since the President already emphasized the need to ensure accountability in the government. Will he push for the filing of charges against the two former Monetary Board Members of BSP?
PCO USEC. CASTRO: Patungkol po sa mga criminal cases, iyan po ay sagot na po ng Ombudsman, ang patungkol naman po sa administrative case ay sakop po ng Office of the President, sila po ay natanggal at moot and academic na po ang patungkol sa administrative case. Tingnan na lang po natin kung may maisasampang kaso sa kanila na nagmumula sa Ombudsman.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: But will the Office of the President support any effort to file legal actions or criminal complaints against the two former officials of the Central Bank?
PCO USEC. CASTRO: Pag-aaralan po iyan, dahil sa ngayon po tinanggal sila at iyon naman po ang nais ng Pangulo. Ang nais ng Pangulo ay maging malinis ang kanyang administrasyon at kung may dapat na managot, dapat managot.
RICHBON QUEVEDO/ DAILY TRIBUNE: Clarify ko lamang po, ma’am, iyong resignation po ni ERC. May reason po ba siya na ibinigay? O ano po iyong surrounding—ano po ba siya, was it forced resignation, part of the courtesy resignation or on her own decision po?
PCO USEC. CASTRO: Irrevocable resignation po kasi ang kanyang ibinigay at iyon lamang po ang aking maibibigay sa kasalukuyan.
RICHBON QUEVEDO/ DAILY TRIBUNE: Question lang din po, Usec., kasi may statement po si Senator Raffy Tulfo about online gambling, he is hoping that in the upcoming SONA magkaroon po ng somehow decision si President Marcos regarding the banning of online gambling.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Ang mga pagpapasyang ganito po ay talagang pinag-aaralan kung ito ba’y makakaapekto sa ekonomiya, makaapekto sa mamamayan at hindi po tayo maaaring magpadalus-dalos po dito dahil minsan po, kapag po mismo ang legal at licensed na mga online gaming sites ang iyong iba-ban, mas dumadami ang mga illegal na online gaming sites at iyan po ay mas nakakaapekto sa ekonomiya. So, pinag-aaralan po iyan ng Pangulo.
RICHBON QUEVEDO/ TRIBUNE: So, wala po, ma’am, na ongoing po, ma’am, currently po, ma’am, may discussion po ba with the President Marcos and concerned agencies regarding po dito sa issue na ito kasi nagba-viral na po siya and across … all industries na po parang naapektuhan na rin siya? May discussion po ba rito?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Opo, pinag-aaralan po siya.
RICHBON QUEVEDO/ TRIBUNE: Last on my part na lang po Usec. In relation to the upcoming SONA, may last time po kasi nagkaroon ng parang letters na natanggap si President Marcos from mga supporters niya, iyong mga gusto pang magpahatid ng mga mensahe. This time po ba may ganoon po ba ulit na pangyayari, something that the Filipinos would want to hear from the President or something that would help the President decide on his agenda in the next three years, may ganoon po ba?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Mayroon po, mayroon pong ganiyan.
RICHBON QUEVEDO/ TRIBUNE: Malalaman po namin dito, Usec., or abangan na lang po namin sa …
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Mas masarap iyong exciting part sa SONA.
RICHBON QUEVEDO/ TRIBUNE: Thank you, Usec.
DEXTER CABALZA/ Inquirer: Good afternoon po, Usec. About po doon sa Maltese passport po ni Secretary Gibo Teodoro. Kahapon po nag-clarify na iyong DND na Secretary Teodoro already renounced his citizenship, Maltese citizenship back in 2021. And they said na the motive of this rumor is clear and known to Sec. Teodoro, the timing of the article ads to this motive. Can the Palace comment on this? And what do you think, what does the Palace think na motive for this rumor?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Ang makakasagot po ng motibo na iyan ay tanging si Secretary Gibo Teodoro. Ang masasabi lamang po natin ngayon, the President gives the confidence to Secretary Gibo. Secretary Gibo still enjoys the trust and confidence of the President.
DEXTER CABALZA/ Inquirer: But alam po ba ito ni President Marcos beforehand?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Opo, alam po, kasi nasa records naman po iyan. Even the Comelec, pati po iyong Commission on Appointments, alam po nila.
MARICEL HALILI/TV5: Usec., magandang hapon. Just to follow up on Tantoco case. I would like to reiterate that Senator Imee Marcos issued a statement urging the Malacañang to release a comprehensive report about what happened, the whereabouts of the First Lady. Do you see a need for this or you going heed to this call?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Nagsalita na po ako ngayon, pinaliwanag na po natin lahat ng mga katotohanan. So, huwag po tayo kasi maniwala masyado sa drama, sa gimik, sa gawa-gawang kuwento. Siguro din tayo po, bilang miyembro ng media, kaya din po natin alamin kung ano ba talagang katotohanan. So, sinasabi ko na po, iyang police report na iyan, it’s a fake document.
MARICEL HALILI/TV5: Pero how’s the First Lady, Usec.?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay lang siya. Alam niya kasi po iyong katotohanan. Sa totoo lamang po ay ayaw niya sana itong lumaki pa dahil ang administrasyon na ito ay para ipakita ano bang ginagawa ng Pangulo, anong trabaho ng Pangulo at paano ba kami magtrabaho para sa taumbayan. Pero pilit na ginigiba pati ang Unang Ginang para maapektuhan ang Pangulo at ang kasalukuyang administrasyon. Pero wala pong ikinababahala ang Unang Ginang dahil alam po niya ang katotohanan at makikita mismo ang mga records na iyan. So, ang dapat mabahala dito ay iyong mga naninira sa kanila dahil hindi nila magigiba sa gamit na ito ng mga fake news na ito ang administrasyong na ito.
CRIS JOSE/ REMATE: Good afternoon, ma’am. Ma’am, tumaas po iyong trust rating ng Pangulo – noong May, 38%; ngayong June, 48%. Ano po iyong nakikita nating factor o factors na nakatulong para po tumaas iyong trust rating ng Pangulo despite po ng political noise iyong pamumulitika laban sa kanya at sa administrasyon po?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Oo nga ‘no kahit na sobrang panggigiba sa kanya ng mga obstructionist na ito na walang magawa kung ‘di manira ng manira at hindi makita ang magagandang trabaho ng Pangulo. Sa ating palagay, iyong mga taong … mga respondents dito na siyang naging parte ng survey na ito ay nakita nila kung ano ba ang ginagawa ng Pangulo at ng administrasyon. Pero tulad po ng sinabi natin, masaya naman na nakikita na po ng taumbayan ang ginagawa ng administrasyon. Pero muli, uulitin po natin, ang numero po ay hindi po magiging factor para sa Pangulo na magpakampante dahil kahit ano pa pong numero ang lumabas sa survey, tuluy-tuloy lang po ang ating Pangulo at ang administrasyon na ito na magsilbi at magtrabaho.
CRIS JOSE/ REMATE: So, ma’am, parang sinasabi ninyo po na numbers lang naman ito po. Kasi, ma’am, si VP Sara po ay 61% po ang trust rating niya. Ano po kayang gagawin ng gobyerno para man lang makadikit doon sa trust rating na iyon?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Wala po kaming gagawin kung ‘di magtrabaho. Magtatrabaho po kami ng magtatrabaho at hindi po kami magbabakasyon hanggat sa kakayanin. Trabaho lang ng trabaho.
CRIS JOSE/ REMATE: Thank you, po.
CHLOE HUFANA/ BUSINESSWORLD: Hi, Usec. Update lang po sa upcoming Washington trip ni PBBM. Sinu-sino po iyong mga imi-meet niyang mga community? And three days, four days lang po siya doon or balak niya pa pong lumipad sa iba pang ng U.S.?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay, sa ngayon po, hindi po natin mabibigay iyong detalye pero pagdating po niya, ibibigay namin ang report. Iyon naman po ang dapat, kapag kayo’y nagbibiyahe, ibibigay namin ang report kung anong dapat na i-report para sa taumbayan.
CHLOE HUFANA/ BUSINESSWORLD: So, after na po ng trip niya iyong updates?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Yes, opo.
CHLOE HUFANA/ BUSINESSWORLD: Thank you.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Asahan ninyo po na magri-report siya.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Hi, ma’am. Follow-up lang po doon sa resignation ni ERC Chair Dimalanta, may confirmation na po ba kung tinanggap ito ni Pangulo?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Actually, iyon din po ang tinatanong ko kanina. Wala pa pong sagot sa akin. At kapag po nagsabi na sa akin, kahit wala pong press briefing, mamaya po ay maibibigay ko sa inyo, once na maibigay po sa akin iyong katugunan patungkol diyan.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Thank you, po.
TUESDAY NIU/ DZBB: Hello, ma’am. Follow-up po, ma’am, sa SONA. Sabi ninyo last week ay baka itong following weeks makapagbigay na kayo ng other details. May we know, ma’am, kung ano ba ang magiging tema ng SONA ni Presidente, kung siya na mismo iyong gumagawa ng kanyang magiging speech or ano po iyong iba pang mga detalye ng SONA niya?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa ngayon po muli at hindi pa rin po ako nabibigyan ng anong detalye, pero ito po ay pini-prepare na po ng Pangulo. Siya po mismo ang nag-aaral at kung ano kanyang isisiwalat at iri-report sa SONA. At kapag po nabigyan na po ako, kahit hindi ninyo na po ako tanungin, ilalagay ko po agad sa press briefing natin.
TUESDAY NIU/ DZBB: Thank you, po.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, quick follow up lang doon sa Tantoco. Are legal actions being contemplated lalo na doon sa mga nagpakalat nitong fake na police report, especially that this concerned the First Lady po?
PCO USEC. CASTRO: Pag-aaralan po iyan. Mukhang napapanahon po pero pag-aaralan po. Hindi po dapat manatiling ganito na dahil isang journalist o isang parte ng media nagsasabi ng kasinungalingan, maaaring paniwalaan ng mga kapuwa nating Pilipino. So, nakakalungkot po iyon at medyo nakakahiya.
Para sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, sang-ayon sa paninindigan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na ipinaglalaban ng pamahalaan ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng diplomacy, capability, building international partnerships, at mapayapang pamamaraan.
Patuloy din na hinihikayat ng Marcos administration ang taumbayan na suportahan ang gobyerno upang igiit ang 2016 South China Sea Arbitral Award bilang pundasyon ng national sovereignty.
Sa Pulse Asia Survey na ginawa noong June 26 hanggang June 30, 73% ng mga Pinoy ang gustong ipagpatuloy ng pamahalaan ang sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Kasalukuyang ginugunita ng bansa ang 9th anniversary ng Arbitral Award, patunay na nagpapatuloy na commitment ng Pilipinas sa rule of law at sa UN Convention on the Law of the Sea or UNCLOS. Ang nasabing award ay nagpawalang bisa sa historic rights an nine-dash line claims ng China, isang kumpirmasyon sa sovereign rights ng Pilipinas sa loob ng exclusive economic zones sa bansa. Nilinaw din dito ang maritime status ng ilang mga features sa South China Sea at nakukondena sa panggugulo sa mga Filipino vessels at environmental destruction na dulot ng pagbuo ng mga artificial islands.
Naninindigan ang Marcos administration na nananatiling legally binding at nagsisilbing cornerstone ng international maritime law ang arbitral ruling na siya ring nagsilbing gabay sa national policy kabilang na ang Philippine Maritime Zones Act, at nagpapalakas sa legal at operational posture ng bansa.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard ang dalawang Chinese PLA Navy warships at ang China Coast Guard vessel na namataan sa layong 69 nautical miles sa Cabra Island, Occidental Mindoro sa loob ng exclusive economic zones ng Pilipinas.
Sa 9th anniversary ng 2016 na South China Sea arbitral award, nababahala si Foreign Affairs Secretary Maria Teresa Lazaro sa patuloy na hindi pagkilala ng China sa nasabing ruling at sa illegal coercive at aggressive actions nito. Naniniwala si Secretary Lazaro na ang pagpapatatag ng kaayusang nakabatay sa mga alituntunin at mga pagsulong ng arbitral award ay nakasalalay sa diplomasya. Sang-ayon din dito si Defense Secretary Gilberto Teodoro, at naniniwala na ang pagdipensa sa sovereign rights at jurisdiction ng Pilipinas ay hindi isang act of provocation kung hindi isang sacred at fundamental duty ng bansa at pagpapakita ng responsibilidad ng pamahalaan para sa bayan.
Binigyan-diin din ni Secretary Teodoro na ang liderato ni Pangulong Marcos Jr. ay kumikilala sa international law hindi bilang isang principle kung hindi bilang isang lifeline, isang matibay na deklarasyon na ang tanging lehitimong gabay sa kilos ng mga bansa ay sa pamamayani ng batas at hindi kailan man ang pamumuwersa ng kapangyarihan.
Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, hindi mabubura ang anumang uri ng pananakot at misinformation ang final at legally binding arbitral ruling. Kabilang na ito sa matatag na pandaigdigang batas at patuloy na nagsisilbing tanglaw para sa lahat ng peace-loving countries na nagtataguyod sa rule of law.
Sa ilalim ng Marcos administration, kasama ang kapangyarihan ng international law, hindi aatras ang Pilipinas para sa laban sa soberanya sa West Philippine Sea.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: Sa layuning mapataas ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at pagaanin ng pamumuhay ng mga Pilipino, inaprubahan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang 6.793 trillion pesos proposed budget para sa susunod na taon.
Sa ginanap na Cabinet meeting sa Malacañang kaninang umaga, binigyan-diin ni Pangulong Marcos Jr. na sisiguruhin na ang 2026 budget ay hindi lamang pang-economic growth kung hindi maiangat ang buhay ng bawat Pilipino at ang susunod na mga henerasyon.
Sa ilalim ng Marcos administration, mahalaga ang kapakanan ng bawat isa at ang kinabukasan ng taumbayan tungo sa mas progresibo at maunlad na Bagong Pilipinas.
At dito na po nagtatapos ang ating press briefing. Magandang araw para sa Bagong Pilipinas.
###