Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and Pco Undersecretary Claire Castro with Department Of Health Secretary Teodoro Herbosa, National Kidney Transplant Institute Director Dr. Jose Dante Dator, PhilHealth President & CEO Dr. Edwin Mercado


Event PCO Press Briefing with DOH, PhilHealth & NKTI
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang araw, Malacañang Press Corps.

Kahapon nagpunta ang Pangulo sa San Francisco High School sa Quezon City para personal na makita ang pinsalang dulot ng sunog sa lumang gusali. Agad niyang inatasan ang mga ahensiya na simulan ang pagpapatayo ng mga mas ligtas at mas maayos na silid-aralan. Layunin nitong matiyak na hindi maaantala ang pag-aaral ng mga bata at mabigyan sila ng mas maayos na kapaligiran.

Kasabay nito, inilunsad ng DepEd at DOH sa Esteban Abada Elementary School ang PhilHealth Konsulta registration. Mahigit 400 individuals ang nabigyan ng libreng konsultasyon, laboratory test at gamot kasama ang 125 students, 123 teachers, 56 non-teaching staff at 84 parents. Sa Konsulta, simpleng rehistro lang ang kailangan para makakuha ng libreng serbisyong-medikal. Isa itong hakbang para masiguro na ang kalusugan ng mga bata at guro ay hindi magiging sagabal sa kanilang pag-aaral.

Samantala, sa kaniyang pagbisita sa Flora A. Ylagan High School, binigyang-diin ng Pangulo na hindi dapat hadlang ang kawalan ng internet sa pag-aaral ng kabataan. Nakipag-ugnayan ang Pangulo sa mga estudyante mula sa ilang malalayong paaralan sa pamamagitan ng Zoom, kabilang dito ang mga mag-aaral mula sa Chavayan Elementary School sa Basco, Batanes; Tibagan Elementary School sa San Miguel, Bulacan; Caigdal Elementary School sa Unisan, Quezon; Duyay Elementary School sa Boac, Marinduque; Lipata Integrated School sa Caramoan, Camarines Sur; Salamanca National High School sa Ginatilan, Cebu; Tigbawan Integrated School sa Maasin City; Nalil Elementary School sa Bongao, Tawi-Tawi; Dalingap Elementary School sa Clarin, Misamis Occidental; Bay-ang National High School sa Ajuy, Iloilo; Malungon Elementary School sa Makilala, North Cotabato; Cabawa Elementary School sa Dapa, Surigao del Norte; Tanglagan National High School sa Calanasan, Apayao.

Ang pakikipag-usap na ito ay patunay na pagtutok ng pamahalaan at ng Pangulo na kahit ang mga nasa malalayong lugar ay may pagkakataong makamit ang dekalidad na edukasyon gamit ang teknolohiya. Tinitiyak po ng administrasyon na walang batang maiiwan sa pag-unlad ng edukasyon.

Sa tulong ng Bayanihan SIM, satellite internet at iba pang inisyatiba ng DepEd at DICT, unti-unting naisasakatuparan ang pangarap na maabot ng teknolohiya ang bawat sulok ng bansa.

[VTR]

Iyan ang Pangulo, trabaho lang.

Hindi rin po tumigil ang Pangulo sa pagtutok sa mas malalim na isyu ng kalusugan. Sa National Kidney and Transplant Institute, inilunsad ang PhilHealth Benefit Package para sa adult at pediatric post-kidney transplant patients. Mula sa 600,000 pesos, umabot na sa 2.1 million pesos ang transplant coverage. Tumaas din ang benepisyo sa dialysis sessions na umaabot na ngayon na halos one million pesos kada pasyente. Kasama sa package ang maintenance medicines at lab tests na dating mabigat na pasanin ng mga pasyente at kanilang pamilya.

[VTR]

Ngayong araw ay makakasama natin sina Health Secretary Ted Herbosa at NKTI Director Dr. Jose Dante Dator para sagutin ang inyong mga katanungan tungkol sa benefit package ng PhilHealth para sa kidney transplant patients. Kasama rin po natin si PhilHealth CEO Edwin Mercado para magbigay ng karagdagang impormasyon. Bago tayo magsimula, panoorin po muna natin ito:

[VTR]

PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Magandang hapon po sa inyong lahat.

Alinsunod sa tungkulin ng PhilHealth na paliitin at bigyan ng kapanatagan ang ating mga pangamba, patuloy naming ipinatutupad ang adhikain ng ating mahal na presidente, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bigyan ng pag-asa at bagong buhay ang mga Pilipinong nagtitiis sa kanilang mga dinaramdam.

Katuwang ng aming kalihim, Secretary Teodoro Herbosa, at ang ating NKTI Executive Director Dr. Dante Dator, hatid namin ang bagong benepisyong naglalayong ipagpatuloy ang alagang PhilHealth para sa mga pasyenteng sumailalim na ng kidney transplantation. Matutulungan nating siguruhin ang pagbalik ng dating lakas at sigla ng ating mga kababayan, kasama na rito ang tulong sa mga donors na nagkaloob ng kanilang kidneys. Nais natin ang isang normal at matiwasay na buhay para sa lahat sa kabila ng anumang karamdaman.

Para naman sa ating mga katuwang na providers, mga doktor at mga espesyalista, ospital lalung-lalo na ang National Kidney and Transplant Institute na kumakalinga sa daan-daang pasyente, bata man o matanda, saludo kami sa inyo at nawa’y sa pamamagitan ng bagong benepisyo na ito, mas marami pang makatatanggap ng bagong buhay sa isang Bagong Pilipinas.

Iyon lang po at magandang araw po. Kami po ay handang sumagot sa inyo pong mga katanungan.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Dr. Mercado, magandang hapon po. Dr. Mercado, gaano kalaki iyong porsiyentong nakalaan sa health care fund ng PhilHealth para matugunan natin iyong gamutan ng mga CKD patients natin and paano natin ito masu-sustain?

PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Salamat po sa tanong. Mayroon po kaming taunang sini-set aside na kung tawagin po namin ay Corporate Operating Budget at kasama po doon iyong mga benepisyong inilalaan natin para sa ating mga pasyente. So, kapag ito pong mga bagong benepisyo po ay binabalangkas, gumagawa po kami ng kung tawagin po’y actuarial projection base po doon sa dami ng mga pasyenteng may ganitong uri po ng sakit. So, ang amin pong estima ay hindi naman po ganoon kalakihan kaya po ito’y kayang-kayang punan ng amin pong benefit package budget po for this year.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Kay Secretary Ted Herbosa. Very alarming na po ba, Secretary, iyong kaso ng CKD kasi pati mga bata yata nag-a-undergo na rin ng dialysis and saan natin ina-attribute ito?

DOH SEC. HERBOSA: Tama iyan ano, mayroon ding bata na nakita si Presidente kanina doon sa dialysis center at inutos niya doon sa kaniyang talumpati, sinabi niya na gawan din ng programa sa prevention ng CKD. Ang CKD natin ngayon, karamihan ay dahil sa diabetes at hypertension. Kaya sinabi niya nga, inatasan ako na palakasin iyong primary care prevention part.

Sabi niya nga, mataas siguro iyong sugar content ng ating mga kinakain, gawan ng paraan para mabawasan ito, iyong ating mga kabataan mabigyan ng tamang ehersisyo or active kasi kadalasan nasa front na lang ng LCD. So, sa talumpati niya doon sa NKTI, sinabi niyang lakasan ang programa sa primary care at prevention ng CKD, at mas mura iyon. Kapag ang tao ay kumakain nang tama, hindi masyadong matatamis, hindi magkaka-diabetes iyan. Kapag hindi nagka-diabetes iyan, hindi magkakaroon ng chronic kidney disease. So, tututukan din natin iyon. Pero habang hindi pa sumisipa iyon, mayroon tayong serbisyong mas maganda sa nagkaroon ng chronic kidney disease.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO630: Good morning po. Kay Dr. Mercado po. Na-mention ninyo kanina, sir, na sapat naman iyong budget natin for benefit packages this year. Magkano po ba ang allotted [budget] under 2025 budget ng PhilHealth?

PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Sa ngayon po, dahil mayroon pa po kaming mga inilalabas pong mga benepisyo – at ito po ay hintayin natin sa mga susunod pong mga araw at mga linggo – ang huli po naming tantiya ay aabot na po ng mga 300 billion po ang aming total benefit package na nakalaan po ngayong taong ito. Kasama na po itong kidney—post-KT benefit package po natin.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO630: And sa pagsisimula po ng bagong Kongreso, maglalatag po ulit ng budget for next year. Magkano po kaya ang hihilingin natin na pondo para sa benefit packages for 2026?

PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: So, mayroon din po kaming projections base nga po doon sa tinatawag naming prevalence or incident rate; pangalawa po, iyong tinatawag na ramp up. Kasi kapag may bago po kaming benepisyo, iyan po ay mayroong lag time kapag po nilatag namin; hindi naman po agaran din iyang tini-take up dahil may mga front end—may mga ano pa po iyan eh, ipapahatid pa po sa ating mga miyembro itong mga bagong benepisyo.

So, mayroon na po kaming nakalaan, iyon pong projection namin po ay sa susunod na tatlo o apat na taon, iyon po ay ihahatid na po namin sa Kongreso kapag kami po ay nag-present ng aming budget.

ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: Dr. Mercado, good morning. Sir, doon po ba sa Z Package ninyo, kasama na po ba dito iyong doctor’s fee? Kasi kapag sasailalim sa isang procedure, like sa transplant, dalawa po iyong inaano ninyo – charity and private. Kung private po ba, iyong professional fee ng doctors ay ano po ba iyon, paano po iyon, kasama po ba doon sa package?

PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Iyon pong tinatawag namin na Z Package, kapag po doon sa mga ward accommodation, contracted out ho iyong ano natin eh, services, dapat po ay wala nang babayaran. Kapag po doon sa mga pribadong kuwarto, ito po ay negotiated with the doctors. Kaya po bago po gawin iyong isang procedure, mayroon pong parang kontratang pinipirmahan ang ating pasyente at iyong atin pong mga doktor kung magkano po iyong napag-agree-han na karagdagan kung sakali pong mayroon mang karagdagan.

ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: Pero kasama po doon sa two million ang halaga doon sa mga professional fee po sakali pong mag-private po ang isang pasyente?

PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Substantially po, yes. Pero iyon nga po, iyon pong excess or co-pay na tinatawag, mayroon pa hong parte na kailangan pong pag-usapan kapag bago po gawin iyong isang procedure, for private po, kasi—

ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: For private, Dok, 50% ang professional fee or depende po sa napag-usapan?

PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Iyong amin pong rules po ay ang co-pay ay hindi po hihigit doon sa actual coverage. So, kung tutuusin po, para ngang maximum po iyon, 50%, kung dudoblehin man po nila iyong coverage na prinovide na ng PhilHealth. Pero iyon po nga ay base pa rin po doon sa pag-uusap.

ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: Okay. Thank you, Dok.

SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Good afternoon, sir. Balik lang po ako doon sa budget. Isa po doon sa priority legislation po ng Marcos administration ay iyong amendment doon sa Universal Health Act na parang niri-reduce iyong premium for PhilHealth from five percent to three percent or 3.5%. Na-factor na po kaya iyon ng PhilHealth? Nakagawa na po ng actuarial study kung makakaapekto iyon sa pag-deliver ng benefits sa nabanggit ninyo na three to four years?

PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Salamat po sa tanong. Medyo po hindi ho yata natuloy iyong bicam dito po sa Kongresong nakaraan at mukha nga pong magsisimula ulit iyong discussion for the 20th Congress.

Pero sa katanungan po, gumawa po kami ng pag-aaral, iba-iba pong scenario – may 3.5%, may 4%, may 4.5%, may 5% – at tiningnan po namin iyong impact po doon sa lifespan po ng pondo. At natiyak din po namin kung ano po iyong sa tingin po namin na kailangan naming kolektahin sa ating mga direct members. Kaya mayroon din po kaming pagpaplano ng collection efficiencies at saka po iyong papaano po ipapahatid sa ating mga miyembro na dapat naman po ay lahat po tayo ay sumuporta dito sa ating pondo.

Pero iyon pong portion din na tinatawag natin sa indirect contributors or iyong mga poorest of the poor, iyong mga subsidized po ng ating national government, mayroon na din po kaming [unclear], at iyon po ang aming ipipresenta nga sa pagdating po ng ating budget hearing. So, iyon po ay naka-project na in the next four or five years po.

SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Doon po sa mga ano, sa ginawa po nilang study, ano po doon iyong parang pinaka-ideal na reduction doon sa premium at saka kung ano po iyong magiging lifespan ng PhilHealth kung iyon po iyong mai-implement na rate? Thank you po.

PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Iyon pong … segun po iyon doon sa paglalatag po namin ng mga bagong benepisyo. So, kapag po napag-aralan namin kung ano po iyong mga benepisyong talagang makakatulong sa ating mga mamamayan, at ito po ay in-approve ng ating board – at buti nga nandito ang ating butihing Secretary of Health – ay doon po namin pagbabasehan kung magkano po iyong puwedeng i-reduce or puwedeng imintina kasi po iyon po ay depende doon sa aming projected na gagastusin. So, iyon po ay gumagalaw pa kasi nga po nagbabalangkas pa po kami ng mga karagdagang benepisyo as we go along. Hindi po iyon napapako nang kung ano po iyong benepisyo natin ngayon, ito rin po iyong pagbabasehan namin ng aming kailangang i-raise na pondo sa mga susunod na taon.

IVAN MAYRINA/GMA7: Kay Dr. Mercado pa rin po. Four months ago, when you’re appointed, humarap din po kayo sa amin. Ang sinabi ninyo ay aaralin ninyo kung saan posibleng i-improve pa iyong proseso sa PhilHealth. Para po sa mga pasyente at para sa mga ospital na nagpo-provide ng serbisyo, may mga improvements na ho ba tayong nai-implement para mas mapadali ang availment nitong mga bagong benepisyo ninyo?

PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: Salamat po sa tanong. Iyong akin pong mga reach out sa ating mga providers noong mga nakaraang linggo at mga buwan, napaka-positive po ng kanilang response. Ramdam po nila iyong pag-iigsi ng claims cycle po namin. Sabi nga nila, kaya naman palang gawin bakit hindi pa nagawa dati. So, iyon po ay hinahabol pa naming paigsiin; parang ngayon po ay nasa 23 days eh. Mayroon pong mga regions, kaya na po ng 15 days eh; pero ang akin pong marching order ay ibaba namin ng seven days.

Pangalawa po, iyong aming proseso po ng pagki-claim, lalagyan po namin ng proseso na doon pa lang po sa front end, kapag ni-load po iyong claims sa aming computer system, maa-identify na po kung ano po iyong kakulangan para po – tawag namin front loading na, parang quality control po ng aming claims – para po iyong mga kakulangan, like attachment or hindi napunan na puwang doon sa mga forms, mapi-pick up na po. Para kapag sa ganoon po, hindi iyong tutuloy iyong claims tapos aabutin ng 40 days, babalik sa inyo dahil kulang iyong claims. So, kalahati po ng RTH ay doon nanggagaling eh, so ilalagay na po namin ng front end iyon para doon pa lang po ay naiibsan na o nagagawan na po ng paraan ng mga providers iyong completion ng chart nila.

May kausap din po kaming mga bangko na kung saan po kini-credit iyong mga claims ng ating ospital na kung puwede po ay gawing araw-araw iyong pag-download ng kanila pong payment. Kasi ngayon po, parang batch loading, every once a week lang po eh.

So, iyon po iyong mga low-hanging fruits na mukha pong magagawa na namin or nagawa na po pala namin iyong iba at iyong iba po naman ay magagawa na namin sa susunod na mga buwan po.

IVAN MAYRINA/GMA7: Sa ngayon po, nasa magkano ang mga unpaid claims, siguro iyong mga kinu-contest pa natin? And how much lower is this from when you assumed the leadership of PhilHealth?

PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: So, iyon pong una naming ginawa po nga sa aming board ay iyong flexibility claims payment kung saan po iyong mga denied claims ng mga nakaraang taon, mula 2018 hanggang December of 2024, ay prinocess po ulit namin, lalo na po iyong mga dahilan lamang ay sumobra ng 60 days doon sa prescribed period of filing.

So, iyon po ay aabot ng almost nine billion; at iyon pong going forward, ang amin pong datos ay ang RTH po at saka denied claims ay bumababa na po, nasa at least four percent doon sa datihan pong more than ten percent.

Ang susunod ko pong ipo-focus ay iyon naman pong mga nakaraang taon at buwan bago po ako umupo. So kumbaga po, ginawa po namin iyong prospective eh, iyong mga pumapasok na claims. Ngayon po na medyo nahabol na namin, iyon naman pong pabalik ang aming tututukan.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: If I may please address a question to the Secretary? Sec, I will go off-topic. Itatanong ko lang ho, what can you tell us about Nimbus variant of COVID-19 that appears to be driving the number of cases in other countries?

DOH SEC. HERBOSA: Okay. So, may bago ngang variant na na-discover – NB1.8.1 – and ang sinasabi nila, it was the one causing the drive in countries in Southeast Asia. And it seems iyong vaccines na ibinigay before are still effective on them. So, if you were vaccinated during the previous COVID pandemic, you are still protected. So, iyong mga unvaccinated ang …. And then wala naman tayong increase pa rin dito. We are monitoring our COVID cases kasi nga season natin ang influenza-like illnesses and COVID is one of those influenza-like illnesses. Minu-monitor po ng ating Epidemiology Bureau itong cases na ito and then naka-monitor kami from the other countries.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Mayroon na ho ba tayong confirmed case dito ng variant na iyan? At saka tulad ng nabanggit ho ninyo uso ho iyong sore throat halimbawa ngayon, iyong razor-blade sore throat na tinatawag nila based on the articles – mayroon na ho ba tayong kaso nito?

DOH SEC. HERBOSA: Wala pa akong nakuhang report but now we will be monitoring that now that’s reported – iyan iyong importance na nagri-report iyong ibang countries what their variant is. So, that means, magsu-surveillance kami, we will select samples at ipapagawa namin sa RITM iyong genome sequencing para malaman namin kung iyong variant na iyan ay lumalabas na dito.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Thank you.

PIER PASTOR/BILYONARYO: For Dr. Dator, babalik lang po ako sa CKD. Short lang po, Dok. Bukod sa lifestyle po iyong dahilan, pero iyong mga batang dumadami paniniwala ko it’s Type 1 diabetes, paano po siya nakakaapekto doon sa kidney at bakit po dumadami, Dok?

NKTI EXEC. DIR. DATOR: Ang mga bata, bukod doon sa Type 1 diabetes na alam ninyo na isinilang sila na mayroon na noon, ang sinisira po noon ay iyong maliliit na ugat sa loob ng kidney – so, ang tawag po namin doon nephrosclerosis – sumasara iyon nagkakaroon na po ng end stage renal disease kung tawagin.

Pero hindi lang po diabetes ang sa bata, iyong tinatawag na glomerulonephritis – iyon iyong sarili mong katawan lumalaban doon sa mga laman ng kidney katulad noong mga pinakita kanina mayroon po doong bata na dina-dialysis, mayroon din iyong bata na na-transplant na; pagkatapos mayroon din po iyong mga infection sa bata na paulit-ulit po dahil may mga bata pong pinanganak na mayroon silang kapansanan na nagkakaroon sila ng mga infection na umaakyat sa kidney.

So, marami po doon gusto naming madiskubre habang bata kasi maiiwasan po natin na magtuluy-tuloy iyon doon sa end stage renal disease na mangangailangan ng tinatawag na renal replacement therapy which ranges from dialysis at one end to kidney transplantation at the other end, and kasabay din po iyon iyong iminumungkahi ni Secretary Herbosa iyong front end ng spectrum, meaning primary care.

So, hindi lang po sa matanda, sa bata po mayroon po tayong edukasyon, sa mga paaralan malamang – sasabihin natin iyong tamang nutrition para maiwasan po iyon.

So, iyong programa pong iyon malawakan po iyon, hindi lang po Department of Health, National Kidney, DepEd at saka iba pa hong ahensiya. So, malaki po ang matitipid natin doon sa primary and prevention pero iyong investment na ito for 10 to 20 years from now. Pero dapat po tuluy-tuloy iyan para makita natin iyong resulta para hindi na masyadong marami ang dina-dialysis natin.

Maraming salamat po sa tanong ninyo at naimungkahi namin iyong aming iniisip na paraan para po natin magawan ng solusyon ito.

PIER PASTOR/BILYONARYO: Thank you, Doc.

NKTI EXEC. DIR. DATOR: Salamat po.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Kay Dr. Dator pa rin po. Sir, dahil nabanggit po ng NKTI na iyong incidence ng CKD sa Pilipinas is higher than the global average, gusto ko lang pong malaman gaano po kalaki iyong demand for kidney donors for patients with end stage renal disease particularly po sa NKTI and how are we addressing this demand po?

NKTI EXEC. DIR. DATOR: Salamat po sa tanong ninyo para maipakita namin iyong aming ginagawa being the lead hospital for kidney diseases. Unang-una po, at any given point mahigit po 100,000 ang nagda-dialysis – at any given time, the whole Philippines.

In National Kidney [and Transplant Institute], every day almost 220 to 250 ang dina-dialysis every day; at iyan po ay paulit-ulit, iyan iyong umaabot nang 156 sessions within a year. So, ang kapasidad po namin ay nasa mga limampu at animnapung silya na nagda-dialysis. Pero may plano na padamihin pa iyon hanggang 200 pero katulong po namin iyong ibang dialysis centers na punung-puno. In fact, President Mercado, iyon na bang pinakamalaking binabayaran ng PhilHealth sa dialysis?

PHILHEALTH PRES/CEO DR. MERCADO: [Inaudible]

NKTI EXEC. DIR. DATOR: Iyon po. So, kung makakadami po iyong magpapa-transplant, mababawasan po iyong magda-dialysis.

May isang punto doon, marami po doon sa nagda-dialysis takot magpa-transplant kasi pagkatapos po ng transplant, bukod sa mayroon na kayong benepisyong 2.1 million, pagkatapos po ng transplant ay iyong mga gamot. Ito po iyong programang ginawa ngayon front to end para mas maengganyo ang mga taong nangangailangan ng transplant na tumuloy na. Kasi kung minsan may donor, pinakamaganda nga iyong kamag-anak mo kasi malamang mas kakaunti ang kakailanganin mong gamot. So, mababawasan po iyon pero ang haba po ng list ng mga nangangailangan ng transplant.

Iyon pong lahat ng nagda-dialysis na iyon marami doon mas maganda ang quality of life kung kayo po ay magpapa-transplant kasi kapag ikaw ay nagpa-transplant nakatali ka na doon every three days ang schedule ng buhay mo pabalik-balik ka doon. Kapag nagpa-transplant ka at maganda, mayroon kang gamot, puwede ka nang magbiyahe, hindi ka na nakatali doon sa makina.

So, iyon po ang aming ngayong parang mission and target. Hindi po siya mission impossible – it is possible with all your help everybody.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: May programa po ba tayo to encourage mag-donate po ng kidney?

NKTI EXEC. DIR. DATOR: Opo. Mayroon po kaming tinatawag na HOPE – Human Organ Preservation Effort at palagi po naming sinasabi sa aming mga pasyente sa NKTI na kayo po ay pumunta doon, bibigyan po kayo ng impormasyon kung paano po kayo malalagay sa listahan ng magdo-donate or mangangailangan ng transplant.

Pinaalala po ni Secretary Herbosa, tingnan ninyo po iyong mga lisensiya ninyo, doon po sa likod noon check-an ninyo, “Are you willing to be an organ donor?” Hindi po napapaliwanag iyon sa LTO kasi renew lang tayo nang renew.

Pero alam ninyo bang mayroon tayong programa iyong tinatawag na Cadaver Organ Donation – that’s the gift of life. Iyon, let’s say may aksidente, madala sa ER tinitingnan po nila iyon kung iyong tao na hindi na makakausap o mahihingan ng consent nandoon, sisikapin po namin na ma-retrieve iyong organ especially the two kidneys, puwede rin iyong liver, puwede iyong iba pa na magamit. Mayroon ngang isang poster eh, “Don’t bring your kidneys to heaven. We need them here.”

MICHELLE GUILLANG/ALLTV: Hello po. Good afternoon. Kay Doc Dator pa rin po. Doc, in 2024 may ni-raid po iyong NBI na isang bahay sa Bulacan. Nurse daw po siya sa NKTI na allegedly mastermind sa iligal na pagha-harvest ng kidneys. So, iyong mga donor daw po ay binabayaran ng 200,000 pesos. Ano na po iyong update sa kaso na ito?

NKTI EXEC. DIR. DATOR: Okay. Iyon pong nurse na iyon, natanggal na po iyon; napaimbestigahan po ng NBI. At iyong mga doktor na supposedly nag-aahente siya, hindi po sa NKTI nagagawa iyong transplant – iyon po iyong pagkakaalam ko. Iyong official na imbestigasyon na padala sa NBI pero sa private hospital po nagawa. Iyan po ay hindi lang nangyari noong 2024. Kung matatandaan po ninyo, matagal na po iyan, ang original yatang nag-ano niyan ay si Jessica Soho. Sunud-sunod po iyan, kasi hindi po natin maiiwasan iyong ibang kapit na sa patalim, kailangang-kailangan nila at io-offer. Tapos mayroon naman po tayong mga kababayan na gipit na gipit, kailangan nila iyong pera. Ang ayaw lang po namin ay iyong may middleman. Kasi katulad ng sinabi mo, ang report sa iyo, P200/P250,000. Ang susunod na itatanong ko, magkano ang napupunta doon sa kawawang pasyente? So, nababawasan.

So kami po sa National Kidney and Transplant Institute, against po kami doon, hindi po kami ano doon. Sinusuri naming mabuti iyong aming ethics committee na mayroon pong relasyon at mayroon pong rason kung bakit magbibigay itong isang taong ito, at kadalasan po ang gusto namin kamag-anak po.

Iyong isang bata kanina, maganda ang kuwento, tinanong namin, “Kanino galing iyong kidney mo?” Sa kaniyang yaya. Iyon po ha, hindi kamag-anak pero mayroon kang attachment. So as much as possible po, kalaban naman din iyan, ayaw namin iyong commercial, iyon po.

MICHELLE GUILLANG/ALL TV: Doc, ano po ang ginagawa ng NKTI to prevent a similar incident from happening again?

NKTI EXEC. DIR. DATOR: Sinusuri po ng ethics committee, lahat ng magdo-donate, tinitingnan iyong ano, at niri-reject po. Niri-reject po, hindi puwede iyan dito. Ang hindi po namin kayang kontrolin sa ngayon, unless magkakaroon ng panibagong order, eh iyong mga sa private hospital.

MICHELLE GUILLANG/ALL TV: Thank you, Doc. Question lang po for Secretary Ted Herbosa, just another topic, Sec., about rabies po. I just want to ask if you have received the report of the case of a six-year old boy from Gumaca, Quezon Province who got bitten by his pet puppy last month. He completed the three doses of anti-rabies vaccine, but he unfortunately died po last week. Have you received this report po?

DOH SEC. HERBOSA: I haven’t received this report, but it’s either iyong vaccine didn’t work—kasi it’s not a vaccine, iyon ang misnomer eh. What we give to mga bata na nakagat ay iyong tinatawag na post-exposure prophylaxis, but everybody calls it a vaccine. But to me, it’s like the shot for tetanus, when you get wounded we give you an anti-tetanus serum. It’s antibodies that will actually protect you in case may rabies iyong asong kumagat sa iyo.

So, ang mababalita ko tungkol diyan is we discovered, there are vaccines coming in that are not registered with FDA. So, in fact, I had a meeting yesterday with the Bureau of Quarantine, the FDA and CIDG because we have discovered, there are private vaccine facilities, iyong tinatawag na animal bite center, iyon iyong private na nagbebenta at an alarmingly low price ng bakuna. And when we checked them, hindi siya registered with our FDA, so mukhang smuggled. So, ang tawag namin doon, contraband. Whether they are real or not, if they didn’t pass through the FDA, hindi dapat iyon maibenta. And then, iyan ang problem, if they are given to people na nakagat, baka hindi effective kasi, number one, baka fake or baka under dose.

So that is the reason pinapa-strengthen namin itong panghuli and baka by a few days from now, makarinig tayo ng mga establishment na matsi-check sila kung mayroon talaga silang vaccine.

Pangalawa, 54 percent of our rabies cases – we have about 400 deaths last year – double from the previous year, na dati 200 lang, 54 percent ay galing sa pet owners. Ano ang ibig sabihin noon? Hindi nila pinabakunahan iyong alaga nilang hayop.

So, I am now pushing for responsible pet ownership. Every March, nagka-campaign ang DOH para pabakunahan ang mga alagang aso at pusa. Mura lang siya, parang 100 pesos lang yata; at sa ibang LGU ay binibili nila ito, mayroong city veterinary na bumibili. Pero important, nakikita namin sa datos namin sa mga animal bite center, mas marami iyong nakagat ng aso nilang walang bakuna. Iyon ang bakuna sa rabies, iyong bakuna sa aso.

Unfortunately, dati po bumibili kami ng bakuna sa aso, pero na-audit po kami kasi bawal kaming bumili ng bakuna sa aso. Ang kailangan po, ang Bureau of Animal Industry o LGU ang bibili ng bakuna kasi ang allowed lang kami, iyong pera, para sa tao, which is the post-exposure vaccine/bakuna which is more expensive. Parang P4,000 a dose yata iyon, napakamahal. Mas mura po pabakunahan natin iyong aso natin every year.

So, siguro iyon ang request ko sa ating media to really bring this out na kung nag-aalaga kayo ng aso, make sure responsible pet owner ka. Sa ibang bansa, may fine – kapag may alaga kang aso, ang fine sa Singapore, 1,500 dollars kapag nahuli kang hindi current iyong bakuna ng alaga mong aso. Tayo, mababait tayong Pilipino eh – askal, pusa, alagaan natin, papakainin natin pero dahil medyo siguro kahirapan din, hindi madala man lang sa vet. Diyan makakatulong iyong City Health Office na may veterinarian na can provide free, 100 pesos per animal.

So kahit ako, noong private citizen ako, nagdo-donate kami. Rotary club namin, nag-i-inject kami every March ng mga pet owners sa Quezon City, doon sa UP Diliman. So, kung wala silang pera, may mga private organizations ding nagdo-donate.

So, importante lang malaman ng tao na malalabanan natin itong rabies kung lahat ng nag-aalaga ng aso at pusa, pabakunahan iyong kanilang mga aso at pusa.

MICHELLE GUILLANG/ALL TV: Asec., follow-up lang po. Kasi ito pong case ng six-year-old, nagsi-circulate na po sa social media, nagdudulot ng kaba sa mga social media users na doubting the efficacy of the anti-rabies vaccine. So, Sec., just to clarify: Is it possible that a person bitten by a dog or a cat would die even after completing the required doses of vaccine?

DOH SEC. HERBOSA: Yes, because the required vaccination, iyong post-exposure vaccination is not 100 percent. So that depends on how rabid the animal is; ano iyong timing ang binigay mo; was it given early or was it given late. Mayroon tayong, I think last year or two years ago, iyong girl na dinocument niya iyong symptoms niya dahil tinago niya sa parents na nakamot yata siya sa ng pusa and turns out noong nagri-research siya ng symptom na-discover niya, rabies. And she documented it, talagang very nakakaiyak iyon; in fact, it’s preventable.

All the 4o0 deaths in 2024 on rabies are all preventable had the pets been vaccinated. So iyon lang ang message ko diyan, pabakunahan ninyo iyong mga aso ninyo, please. Kayo, baka may mga alaga kayong aso, pabakunahan ninyo kung hindi pa ninyo napapabakunahan.

MICHELLE GUILLANG/ALL TV: So, Sec., from the exposure, gaano po ba kabilis dapat ikaw magpa-vaccine?

DOH SEC. HERBOSA: Even after a month, puwede pang magpa-vaccine. Pero, of course, immediately gusto namin. Kasi hindi lang rabies, mayroon ding mga infection, so binibigyan din namin ng anti-tetanus; nililinis iyong sugat; tinitingnan kung saan part. There are parts of your body na kapag iyon ang nakagat, like your face, your hands, your groin, tawag namin diyan high-level, kahit vaccinated iyong dog, nagri-recommend kami, sige bakunahan na rin natin iyong child just to be sure.

So iyon ang beauty, parang panigurado. Pero kung vaccinated iyong dog, less ang chance talaga. Kung minsan linisin mo lang iyong sugat and then wala ka nang gagawin lalo na kung hindi naman naging rabid talaga iyong aso.

So, the other advice is, iyong 40 percent, 47 percent na nagkaka-rabies naman, galing sa asong kalye or stray dogs. So iyon ang recommendation ko naman for publicly ay huwag kayong basta lalapit sa stray dog. We have a story of this Swedish girl who was a tourist in Cebu, went to a cute little cat, kitten, nilaro niya nakamot siya, when she got back to Sweden, she was dying of weird symptoms and they couldn’t diagnose her because they have never seen rabies. And soon after she died, they discovered it was rabies and they related to that cat na nilaro niya sa Cebu na nakamot siya.

So very important, tell our children, huwag ding makikipaglaro sa asong kalye, iyong mga pusa na nagkalat lang diyan.

EDEN SANTOS/NET25: Sec, kanina po ay parang it seems like promoting iyong ano ni PBBM doon sa Ilocano diet, ano po. Clarification lang, kasi po kapag sinabi mong pagkain ng mga Ilocano, hindi po ba mostly mga pinakulong gulay iyan sa bagoong isda na maalat, alam natin na puwedeng pagmulan ng sakit ng bato. Puwede bang i-clarify lang iyon para po mas makuha ng tama ng public iyong gustong sabihin ng Pangulo?

DOH SEC. HERBOSA: Well, let me correct: There are diets in the country that are also healthy; hindi lang Ilocano diet. And our regular diet is actually healthy if it’s rich in vegetables than the fatty or fried foods or a lot of rice or too much rice. So, iyon ang dapat nating ma-correct ‘no. We call it “Pinggang Pinoy”. So, you go to our National Nutrition Council website, you will see the recommended Pinggang Pinoy which is a plate that has vegetables and fruits, rich in vitamins and minerals. It has the carbohydrates, maybe half a cup of rice, and the protein source which is either fish or chicken or meat or pork or beef. So, basta may protein ka, may vegetable ka and then may proportion iyon, dapat mas colorful iyong plate mo and a third of each lang. Hindi pupuwedeng buong plato mo kanin tapos may kaunti lang na … So, ganoon iyon.

So, if you look at the Ilocano diet, the fish, the bagoong is actually a protein source. Siyempre, timplahin mo iyong salt noon; too much salt is bad. Actually, too much of anything, too much rice is bad, magkaka-diabetes; too much salt is bad. But the fact that it has gulay, it has fish and protein source and then you eat it with rice, it’s actually a healthy diet. So, very important, diet—ano iyan tatlo iyan eh: Tamang pagkain, Ehersisyo at Disiplina sa katawan. So, iyon iyong TED, iyong pangalan ko. Tamang pagkain – bawal ang maalat, matataba at matatamis; Ehersisyo – 30 minutes every day, do some warm of exercise or house chore; and Disiplina sa katawan – bawasan iyong mga bawal, sigarilyo, vape, alcohol at saka droga. Thank you.

EDEN SANTOS/NET 25: Thank you po.

CHLOE HUFANA/ BUSINESS WORLD: To PhilHealth po, sir, totally unrelated question. But what is PhilHealth’s net income target for this year? And what are the key factors expected to drive this performance?

PHILHEALTH EDWIN MERCADO: So, gaya po ng naipahayag ko doon po sa ibang mga conferences din po, dahil nga po kami ay mayroon pong mga surplus fund – iyon po iyong kung tawagin sa private sector na retained earnings – noong mga nakaraang taon ay expected po namin this year, negative po iyong aming net income. Kasi talaga pong magdi-deep na po kami doon sa aming mga surplus fund na nararapat naman po kasi ang isa pong social health insurance, dapat po hindi ho iniipon iyong pera kung hindi po gamitin para sa mga benepisyo ng ating miyembro.

At iyon na nga po iyong mandatong binigay sa amin ng ating mahal na Pangulo at iyon din po naman ang naaayon po sa best practices for social health insurance. May tinatawag pong capital loss ratio or iyong porsiyento po ng nakukolekta nating mga ambag ng ating mga miyembro, pati po iyong mga subsidiya na nanggagaling sa national government na ang kalimitan po ay 85 to 90 percent po ang dapat gamitin. So, iyon po ang amin pong pinalalawig ngayon.

Kapag nga po may nakausap akong mga ibang head ng social health sa ibang bansa, sabi niya, “Ano iyong reserved fund?”. Kasi hindi kami required magkaroon ng reserved fund at hindi kami required na mayroong ipunin, dapat gamitin natin para doon sa benepisyo ng ating mga mamamayan, at iyon naman po iyong aming ginagawa po ngayon.

CHLOE HUFANA/ BUSINESS WORLD: Sir, nabanggit ninyo iyong reserved fund, mayroon na po ba tayong update sa Supreme Court issue natin noon, the 90-billion fund transfer case?

PHILHEALTH EDWIN MERCADO: Wala pa pong naipapahatid po sa amin at kami po at ang DOH po ay susunod naman po kung anuman po ang desisyon ng ating mga mahal na justices sa Supreme Court po, dahil po ang pinagdaanan namang proseso ay patas at lahat ng panig naman po ay napakinggan.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Thank you so much, Dr. Dator, PhilHealth president Edwin Mercado and, of course, Secretary Ted Herbosa.

So, handa na ba kayo mag-donate ng inyong organs? Ako willing, except my heart. Ang puso ko ay para sa asawa ko lang.

Okay, ready na po tayo sumagot ng inyong mahihirap na katanungan, MPC.

CHLOE HUFANA/ BUSINESS WORLD: Hello po, Usec. As the Israel-Iran entered its seventh day of air strike, do we see any effect of their prolonged conflict in terms of OFW remittances and deployment?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Nakausap po natin si Usec. Alu ng DOF at sinasabi po niya na sa ngayon po ay wala pa pong impact na ganoon sa OFW remittances. Ang sabi po niya, and I quote, “The impact on remittances remains limited for now, given the remittances from Israel and Iran amounted to 106.4 million U.S dollars in 2024, .03% of total remittances. However, and escalation that could include the rest of the Middle East will have a substantial effect on overall remittances.”

Ayon sa kaniya po, malamang po talaga ay magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng krudo at maaapektuhan mas malamang ang house of consumption at ang economies … economic growth prospect. Iyon po sabi niya dahil kadalasan po, kapag tumataas ang presyo ng krudo, tumaas din po ang bilihin sa merkado.

CHLOE HUFANA/ BUSINESS WORLD: Thank you po.

EDEN SANTOS/ NET25: Good afternoon po, Usec. Kaugnay po ng sikat na Scatter na binabanggit po ano. Alam naman natin na hindi lang po shabu, cocaine o iba pang illegal drugs ang nakakaadik, sabi po, marami sa ating mga kababayan iyong nalululong na rin dito sa tinatawag na Scatter dahil madali lang po ma-access online. Marami iyong nababaon sa utang at nasisira iyong buhay at maging iyong kanilang pamilya dahil po sa online sugal. May mga viral post na po sa socmeds kaugnay nito. May mga endorsers din po ng mga kilalang mga personalidad, may mga billboards pa nga po na nakakalat sa EDSA. Ito po ba, iyong negatibong epekto ng online na sugal, ay nakarating na sa Pangulong Marcos? At ano po iyong maaaring gawin ng ating gobyerno tungkol dito para po maiwasan iyong mas malala pang negatibong epekto nito?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Opo, nakakalungkot po dahil marami sa mga kababayan natin ang nagugumon sa sugal. Kung gagamitin lamang nila ang kanilang utak, ang kanilang pagdiskarte, hindi na sana sila puproblemahin ng gobyerno. But dahil hindi nila makontrol ang sarili nila sa pagkagumon sa sugal ay kailangan pa silang intindihin. But anyway, ang pamahalaan naman ay para sa kababayan natin.

Nakausap po natin si Attorney Jeremy Luglug, ang AVP ng Electronic Gaming Licensing Department particular dito sa larong Scatter. Ayon po sa kaniya, ang Scatter po ay isang game na ino-offer ng mga licensed gaming website. So, kapag po ito ay in-offer naman ng isang licensed gaming website, nako-control po ito, namo-monitor po ito. At kung ang pamilya man ay nagkakaproblema sa kanilang kamag-anak dahil nagugumon sa sugal, maaari po sila agad pumunta sa PAGCOR para po ma-ban ang tao na ito sa paglalaro.

Ang problema po ngayon ng gobyerno ay marami pong illegal na gaming website, at mayroon na po silang 7,000 website na naipasara. Ito ay ipinapaalam po sa DICT para po maipasara. Iyon lamang po, kapag po naipasara, mag-iiba na naman ng website. So, pero hindi po titigil ang PAGCOR at ang DICT sa pagtanggal ng mga ganitong klaseng website, kaya lamang po ay magiging paulit-ulit dahil paulit-ulit silang nagbabago ng kanilang website.

So tandaan po natin, hindi rin po tutulugan ng gobyerno ang ganitong klaseng mga problema. Sabi nga po natin, patuloy po silang nagtatrabaho para po ito ay masawata. At sa tulong po rin ninyo, doon sa mga nag-iendorso kung ito naman po ay hindi lisensiyado, huwag ninyo na pong patulan ang ganitong klaseng mga puwedeng pagkakitaan.

EDEN SANTOS/ NET25: Usec., since sinasabi ninyo po paulit-ulit lang kahit na ipasara, wala po bang plano ang administrasyon ng Pangulo para po ito ay ipatigil na lang din kagaya ng ginawa sa POGO na pina-ban po?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Hindi po kasi siya maiko-compare sa POGO. Sabi nga po natin, ito po ay nanggagaling sa illegal website. So, ang tangi lamang po nating gagawin ay laging patanggal, ipasara through the DICT itong mga illegal website na ito. So, iyon po iyong nagiging problema nito. Pero hindi nga po ito titigilan, kahit paulit-ulit silang pumapasok, iyong website nila at naa-access ng mga kababayan natin, paulit-ulit din po silang tatanggalin.

Pero ang pakiusap ko sa ating mga kababayan at sa mga pamilya: Kung ang inyong mga kamag-anak naman po ay nagugumon na sa sugal, ipag-alam lamang po ninyo sa PAGCOR, at mabilis po itong aaksiyunan.

EDEN SANTOS/NET25: Mayroon po bang hotline or ano na puwedeng puntahan ng mga kapamilya nila or personal silang pupunta sa opisina ng PAGCOR?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Mayroon po sa website po ng PAGCOR, kung papaano po ito maa-access dahil mabilis daw po. Kapag inyong inireklamo ang inyong kamag-anak na nagugumon sa sugal, madali po nilang mapapatanggal at maba-ban ang kamag-anak sa anumang platforms.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, ma’am. Hingi lang po kami ng detalye sa upcoming trip ni Pangulong Marcos sa Japan?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay, kaaalis lang po ng Pangulo patungong Japan. Opo, ngayong araw. Sa pagkakaalam ko po, siguro habang nag-i-start po tayo dito ay papalipad na po ang eroplano papuntang Japan.

Q: [Inaudible]

PCO USEC. ATTY. CASTRO: More or less, more or less. So, ang magiging caretaker po ay ES Lucas Bersamin, Secretary Conrado Estrella at si Secretary Sonny Angara.

Ang pagpunta po ng Pangulo doon ay para po pasinayaan, puntahan at ipagmalaki ang pavilion ng Pilipinas sa nasabing World Expo Osaka 2025 dahil ito po ay nagtatampok po ito ng mga … of course, iyong mga mayayaman natin kultura at magaganda nating landscape. At ito po ay isa sa parte para po mas lalong mapalawig natin ang turismo sa bansa.

Maliban po dito ay magkakaroon po ng business meetings ang ating Pangulo at magkakaroon din po ng pag—ang oras po ay ilalaan niya para sa mga kababayan natin sa nasabing bansa.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Until when siya doon, ma’am?

PCO USEC. CASTRO: By this weekend po siguro ang balik ng Pangulo.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So, may meeting siya with the Filipino community?

PCO USEC. CASTRO: Yes, mayroon po.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Mayroon din po ba siyang pagpupulong sa mga opisyal sa Japan?

PCO USEC. CASTRO: Ang pagkakasabi lamang po natin ay business meetings, so iyon lang po muna ang mabibigay kong detalye.

MARICEL HALILI/TV5: Magandang hapon, Usec. May we know kung sinu-sino po iyong kasama ni PBBM sa Japan?

PCO USEC. CASTRO: Parang hindi ko po naitanong kanina. Maliit lang po iyong delegado na kasama po ng Pangulo. Bibigyan ko po kayo ng detalye kapag nabigyan po ako. Hindi ko po nahingi, oo.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Usec., before I go to my question, just one related on the Japan trip. Bakit ho kaya na-withhold itong mga information na ito, tungkol sa detalye ng trip ng Pangulo?

PCO USEC. CASTRO: Na-with—wala po—

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: I mean, we were’nt told about it until today that you said na nakaalis na po, which is unusual because usually when the President goes on a foreign trip, may pre-departure briefing.

PCO USEC. CASTRO: No. Sa pagkakaalam ko po’y nabalita naman kung kailan po ang kaniyang pag-alis—

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Hindi po.

PCO USEC. CASTRO: Hindi lamang po siguro—mayroon po akong nakita sa isang news kung saan po, opo, nakapagbigay ng impormasyon. Opo, mayroon naman po.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Oo, coming from DTI but not officially from Malacañang.

PCO USEC. CASTRO: Hindi po siguro pa ako natanong, ngayon lang, oo. Kahapon nag-press briefing tayo kahapon.

MPC: [Off mic] Kagabi lang namin nalaman, ma’am, sa Viber.

PCO USEC. CASTRO: Hmm. Ah, wala po tayong siguradong tugon para diyan dahil ito naman po talaga ay na-schedule because of the expo, para sa pavilion na pinagmamalaki ng Pangulo.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: If I may proceed to my question, ma’am. The UN Special Rapporteur has called on the Philippine government to ratify international human rights treaties specifically the International Convention for the Protection of Persons from Enforced Disappearance.

PCO USEC. CASTRO: Yes, oo. Nabasa ko po iyong artikulo na ito at natutuwa at kinasisiya po natin na napapansin internationally ang ginagawa ng Pangulo at ng pamahalaan para paigtingin ang karapatang-pantao at para maaksiyunan at pigilan ang enforced disappearances and extrajudicial killings na nagaganap noong nakaraang administrasyon.

Nabasa ko rin iyong tungkol sa freedom of expression at siguro naman po ay walang duda na ang freedom of expression ay namamayagpag sa atin ngayon dahil ang Pangulo pa mismo at ang gobyerno minsan ang siyang biktima ng fake news. Pero ang sinabi po at ang suggestion po ng UN Rapporteur, ito po ay magandang suhestiyon at pag-aaralan po kung talaga pong dapat pa ring sumapi, right, mag-join sa ICC at i-ratify iyong ibang international human rights law. So, pag-aaralan po itong mabuti ng ating Pangulo.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Yes. Ito hong, yeah, there is indeed a call from the Special Rapporteur for the Philippines to open discussions for rejoining ICC.

PCO USEC. CASTRO: Yes.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Is this something that’s under consideration?

PCO USEC. CASTRO: Sa aking palagay, opo, at kaya lang hindi po ngayon napag-uusapan ang bagay na iyan. Pero sa mga ganitong suggestion, open naman po ang Pangulo para po ito ay mapag-usapan.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Mayroon din pong panawagan na mag-issue ng formal denouncement ang administrasyon sa practice of red tagging and penalize those who violated.

PCO USEC. CASTRO: Makakarating po iyan sa Pangulo. kung anuman pong sitwasyon iyong pagri-red tagging po, mas maganda po siguro kung mabigyan po kami ng detalye patungkol po diyan para maipaabot natin sa Pangulo.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, si Justice Secretary Remulla said that The Netherlands has denied the asylum request of former Secretary Harry Roque who is now seeking asylum daw po in Germany. Now, he has denied it and said that it is fake news pero hingi lang po sana kami ng reaction sa Palasyo lalo na at nanawagan na rin po kayo noon na umuwi na siya sa Pilipinas at harapin iyong kaniyang mga kaso.

PCO USEC. CASTRO: Opo. Tandaan po natin, sinabi nga daw po ni Atty. Harry Roque na fake news si SOJ Remulla. Siguro po ay huwag nating kalimutan na may intelligence assets ang Department of Justice at ibinibigay nila ang mga karampatang impormasyon sa Department of Justice. At nagpapasalamat tayo because Atty. Harry Roque has been telegraphing his punches, and the government and DOJ, we are ready for you.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Usec., clarification lang just so we’re clear. Ito ho sa openness, to open discussions to rejoin ICC. Is this the President’s position or your opinion?

PCO USEC. CASTRO: Open po siya. Noong huli po kaming nag-usap dahil noon pa po natin ito napag-usapan, sinabi po niya na open naman po siya.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Thank you very much.

PCO USEC. CASTRO: At isa pa pong balita: One hundred percent internet connectivity, maaasahan sa lahat ng public schools sa Pilipinas alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ayusin pa ang edukasyon sa bansa. Paiigtingin ng Department of Information and Communications Technology ang pagkakabit ng internet sa lahat ng public schools sa bansa. Ang pangako ng ahensiya, walang paaralan o estudyanteng maiiwan.

Target ng DICT na mai-connect sa internet ang 80% ng mga pampublikong paaralan ngayong July, 90% sa August at 100% naman sa katapusan ng taon. Prayoridad ng DICT ang mga eskuwelahan sa mga liblib na lugar na madalas ay hirap abutin ng serbisyo gaya ng mga last-miles schools.

Malaking tulong ang stable internet connection sa pag-aaral ng mga estudyante dahil mas madali na nilang maa-access ang updated online learning materials. Ang school digitalization initiative ng administrasyon ay naglalayong gawing future-ready ang mga mag-aaral at i-expose sila sa mga mas makabagong learning process. Dahil sa Bagong Pilipinas, walang iwanan sa digital bayanihan.

[VTR]

Kinilala ng United Nations ang Pilipinas bilang isa sa 12 countries na may pinakamalaking improvement sa digital government mula taong 2022 hanggang 2024. Nakakuha ng ‘very high’ na grado ang Pilipinas sa E-Government Development Index at mahigit labinlimang puwesto ang inangat mula noong nakaraang tala ng UN. Tumaas din ng 15% sa Online Service Index ang bansa.

Dahil sa mga nasabing improvement sa digital government, makakatanggap ng parangal ang Pilipinas sa nalalapit na United Nations Department of Economics and Social Affairs na gaganapin sa Uzbekistan sa June 25.

At bago po tayo magtapos, mayroon pa po tayong importanteng mensahe, ipapabatid lang po natin kung sino pa po ang mga opisyales na na-retain at iyong mga natanggap po ang courtesy resignation.

Ang mga na-retain po: GSIS President and General Manager Jose Arnulfo Veloso; Landbank of the Philippines President and CEO Lynette Ortiz; Development Bank of the Philippines President and CEO Michael de Jesus; National Irrigation Administration Administrator Eduardo ‘Eddie’ G. Guillen; Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Melquiades Robles; Philippine Health Insurance Corporation Acting President and CEO Edwin M. Mercado.

Ang mga tinanggap naman po ang courtesy resignation: PLLO Presidential Adviser on Legislative Affairs Mark Llandro Mendoza; Presidential Adviser on Military and Police Affairs Roman Felix; PNOC Renewables Corporation President and CEO John J. Arenas.

At diyan na po nagtatapos ang ating press briefing. Magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.

##