Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and PCO Undersecretary Claire Castro with Local Water Utilities Administration (LWUA) Administrator Jose Moises Salonga


Event PCO Press Briefing with LWUA
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang araw, Malacañang Press Corps.

Pangulong Marcos Jr. nagpahayag ng suporta sa fishing industry sa GenSan. Nagtungo si Pangulong Marcos Jr. sa General Santos City upang iparating ang kaniyang suporta sa matatag at produktibong fishing industry.

Sa isang mensahe sa mga mangingisda at empleyado ng General Tuna Corporation, hinirang ng Pangulo ang mahusay at kahanga-hangang trabaho ng mga ito. Aniya, hindi alintana ng mga mangingisda ang init sa GenSan maging ang alon ng Celebes Sea at Pacific Ocean makapag-uwi lamang ng huling isda.

Binigyan-diin ng Pangulo na tutulong ang gobyerno sa patuloy na pagpapaunlad sa fishing industry sa GenSan sa pamamagitan ng pagpapalawak sa kampaniya kontra sa iligal na pangingisda at overfishing; pagsulong sa makatao at modernong pamamahala sa fishing sector; pamamahagi ng mga mas mura at accessible na fishing input para sa production; pagpapatayo ng karagdagang cold-storage facilities; at pagpapaigting sa research and development upang paunlarin ang kakayahan ng industriya. Dahil sa Bagong Pilipinas, tuloy ang trabaho para sa pag-asenso.

[VTR]

PCO USEC. CASTRO: Lagay ng mga mangingisda sa GenSan personal na inaalam ni Pangulong Marcos Jr.

Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mangingisda sa GenSan Fish Port Complex upang alamin ang kanilang kalagayan at kinakaharap na mga hamon. Ayon sa Pangulo, nararapat lamang na mapakinabangan ng ating mga mangingisda ang [bunga ng] pagod at sakripisyo nila tuwing sila ay pumapalaot. Giit pa ng Pangulo, dapat sulit ang kita nang hindi mabalewala ang kanilang pinaghirapan.

Nag-inspeksiyon ang Pangulo sa nasabing fish port at nakadaupang-palad ang mga mangingisda. Dininig ng Pangulo ang mga dulog ng mga kababayan at nag-abot ng tulong gaya ng pamamahagi ng motorized at fiberglass boats; financial support at karagdagang training, at pagpapatayo ng deep-water port at mga mas malaking cold-storage facilities.

Binigyan-diin ng Pangulo ang direktiba ng DA at Philippine Fisheries Development Authority, patuloy na palakasin ang cold-chain industry ng bansa; paigtingin ang research sa mga modernong solusyon upang pagandahin ang buong proseso sa paghuli ng isda hanggang makarating ito sa merkado at siguraduhing patas ang presyo sa pagbili sa kanilang mga produkto at accessible ang mga pamilihan sa mga mangingisda. Halimbawa ito ng pagtupad ng pamahalaan sa pangako na lahat ay kasama sa pag-unlad ng Bagong Pilipinas.

[VTR]

PCO USEC. CASTRO: At para sa ating coconut farmers: Inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kongkretong solusyon ng pamahalaan bilang suporta sa coconut industry.

Sa kaniyang tour and inspection sa coconut plant ng Century Pacific Agricultural Ventures Inc. sa GenSan, inilahad ng Pangulo ang mga probisyon ng Revised Coconut Farmers and Industry Development Plan. Sa ilalim ng plano ay target na magtanim ng 100 million coconut trees bago matapos ang 2028. Patuloy na pinag-aralan at pinapalakas ang pagsugpo sa mga peste at patuloy ang pamimigay ng fertilizers para mapaganda ang ani at tumaas ang kita ng ating farmers.

Dagdag pa ng Pangulo, kasalukuyang inaaral ang pag-amyenda sa Coconut Farmers and Industry Fund Act para malaman ang mga susunod na hakbang para paunlarin pa ang coconut industry kagaya ng pagsulong sa effective and responsive programs para sa pagpupunla at pagpapalawak ng mga pananim. At habang hinihintay na maisabatas ang panukala, patuloy ang pagtalakay ng paggamit sa coco levy fund na angkop sa mga pangangailangan ng coconut farming sector.

Nagbigay din ng direktiba ang Pangulo sa DA, DTI at Philippine Coconut Authority na palawakin pa ang mga seed farms, communal nurseries at distribution ng hybrid seedlings; patuloy na hikayatin ang pangangapital sa coconut industry; at pag-aralan ang mga produktong puwedeng malikha gamit ang niyog; at bantayan ng maayos na pagpapatupad ng Revised Coconut Farmers and Industry Development Plan; at paigtingin ang massive coconut planting and re-planting program para pataasin ang coconut production sa bansa.

Maaari na po tayong tumanggap ng inyong mga katanungan.

IVY REYES/BILYONARYO: Hi! Good morning, Usec. We received the photo of Senator Erwin Tulfo and PCO Secretary Jay Ruiz with one of the whistleblowers in the missing sabungero case Alyas Brown. What’s the Palace’s take on this, ma’am?

PCO USEC. CASTRO: Ang nakausap po natin mismo ay si Secretary Jay Ruiz, at tinanong natin kung ano iyong affair kung saan siya naruroon at nakuhaan ng litrato. Ayon sa kaniya, ito raw ay kaarawan ng isang social content creator, social media content creator. At kung siya man ay nakumbida, ito ay kaniyang pinaunlakan. Pero kung sinuman iyong mga nakasama doon na kinumbida ng nagsi-celebrate ng birthday, hindi na po niya hawak iyon.

IVY REYES/BILYONARYO: And, ma’am, just a follow-up. We reached out to Sec. Jay about this and it appears that the Secretary blocked me when I asked for clarifications about this. And we remember the President saying that his administration is open to dialogues and questions and even criticisms. So, what does the Palace make of this situation, ma’am?

PCO USEC. CASTRO: For a while, blocked or bluffed?

IVY REYES/BILYONARYO: Blocked.

PCO USEC. CASTRO: Hindi ko po iyon natanong mismo kay Secretary Jay. So, aalamin natin kung paano ba nangyari na kung—tawag ba iyon? Text or what?

IVY REYES/BILYONARYO: Message, ma’am.

PCO USEC. CASTRO: Ah, message, and then … so, tanungin po natin. Hindi ko po iyan naitanong. Ngayon ko lang po iyan narinig. Pero makakarating po sa kaniya.

TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: Hi, Usec. Good afternoon. Usec., si Lithuanian Defense Minister Dovilė Šakalienė ay dumating sa Pilipinas for a 4-day visit. And when we had a chance to interview her, sabi niya po, pinuri niya iyong transparency initiative ng Marcos administration sa West Philippine Sea. Sabi niya, “The Philippines’ documentation and reportage of harassment by China of fishermen can be considered as a gold standard and showed how China is gaslighting you and gaslighting your people.” So, ano po ang pananaw ng Malacañang sa ganitong papuri ng Lithuanian government?

PCO USEC. CASTRO: Nagpapasalamat po tayo sa bansang Lithuania at kay Defense Minister Dovilė Šakalienė, kung tama po ang aking pagkaka-pronounce. At nakikita po ang ginagawang trabaho ng Pangulo, kung paano ba ipagtanggol ng Pangulo at ng administrasyong kasalukuyan ang karapatan ng mga mangingisda natin at iba pa nating mga kababayan patungkol po dito sa West Philippine Sea. Masarap pong pakinggan na mula sa isang banyaga ay nakikita nila at nari-recognize nila ang mga ginagawa ng Pangulo at ng administrasyon – masarap po iyong pakinggan.

Ang masakit pong pakinggan kapuwa natin Pilipino o kaya Filipino public servant ang hindi magkaroon ng stance patungkol sa West Philippine Sea at nakukondena pa ang ibang mga ginagawa ng ating Pangulo pagdating sa pagtatanggol sa mga mangingisda at karapatan natin sa West Philippine Sea.

TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: On another topic naman po. Duterte’s lead counsel Nicholas Kaufman had an interview po sa The Hague kahapon kung saan tinanong siya about the statement of Justice Secretary Boying Remulla na tini-turnover na raw nila sa ICC iyong investigation ng drug war dahil po may mga na-destroy nang evidence dito sa Pilipinas so they could no longer push through with the investigation. But ang sabi ni Kaufman is, “What I do know is that my client, former President Duterte had nothing to do with destroying any evidence in relation to the drug war.” Ano po ang komento ng Palace dito?

PCO USEC. CASTRO: So, if that’s what he knows then so be it. Iyon siguro iyong kuwento sa kaniya kaya iyon lang din ang lalabas sa kaniyang mga pananalita.

TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: Follow up lang doon sa question na iyon, may mga nakarating po sa Palasyo na iyong drug war evidence ay mga nasira na rin po or hindi na talaga maimbestigahan din based on mga pinasang impormasyon sa Palasyo?

PCO USEC. CASTRO: Wala pa pong pinakadetalyeng nababanggit si SOJ Boying Remulla at aalamin natin kung ano pa itong mga ebidensiyang kaniyang nabanggit, pero of course kinikilala natin ang naging findings nitong si SOJ Boying Remulla.

TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: Thank you po.

PCO USEC. CASTRO: Okay. Ivan?

IVAN MAYRINA/GMA INTEGRATED NEWS: Sorry, if I may? Hingi lang po ako ng update baka mayroon po tayong announcements on resignations that have been accepted. Baka may update po kayo?

PCO USEC. CASTRO: Yes, mayroon po tayong update: Tinanggap na po ang resignation ni Miss Ana Puod. At iyong pangako ko sa iyo tungkol sa gusto nating pag-graduate at makapunta sa upper middle-income country, nakapagbigay po ng mensahe sa atin at isi-share ko na lang siguro sa iyo mamaya. Isa lamang dito, ibubuod ko na lamang: Ang gagawin ng pamahalaan ay lalong palakasin ang macroeconomic foundation at ipagpatuloy pa po ang mga reporma sa infrastructure, education, innovation at digitalization pati na po ang Ease of Doing Business like the CREATE MORE Act, pati po ang PPP or Private-Public Partnership Code.

So, makaasa po tayo na magiging positibo tayo para po makamit natin at makarating po tayo sa upper middle-income group sa panahon po ni Pangulong Marcos Jr.

HARLEY VALBUENA/PTV4: Hi. Good afternoon, Usec. Usec., earlier today, the parents of Mary Jane Veloso, together with some groups, went here at Malacañang to file a petition urging the President to grant amnesty to Mary Jane. They are wishing po na sana before the SONA of the President this July ay ma-grant na iyong amnesty. So, your thoughts on this po?

PCO USEC. CASTRO: Wala po ako ngayong kaalaman in particular kung kailan po nadala iyong sulat pero makakarating po ito sa Pangulo. At kung wala naman tayong malalabag na batas at ito ay ikakabuti ng ating kababayan, makakakuha naman tayo po malamang ng positibong reaksiyon dito.

Good news mula sa DOE at DOH: Mga hakbang para pababain ang konsumo ng kuryente at gastos ng mga healthcare facilities sa bansa, ikinasa na. Sa layunin na ma-reduce ang energy use at cost ng mga public healthcare facilities, lumagda ng isang memorandum of agreement ang Department of Energy at ang Department of Health nitong Huwebes.

Layunin din ng kasunduan na paigtingin ang pagpapatupad ng Solar Solutions for Government: Energy Efficiency and Renewable Energy in Public Buildings Program. Sa ilalim ng kasunduan, mas bibigyan-diin ang paggamit ng energy efficient and renewable energy technologies katulad ng solar panels, LED lighting, inverter-type air conditioners at smart meters. Ayon din ito sa Government Energy Management Program na target ang 10 percent cut sa electricity and fuel consumptions sa lahat ng mga government buildings.

Magbibigay ng libreng technical assistance at equipment installation ang DOE, samantalang ang DOH naman ang mag-a-assign ng coordination sa bawat pasilidad para masiguro ang maayos na implementasyon ng programa.

[VTR]

PCO USEC. CASTRO: Mas maraming trabaho, parating na para sa mga Pilipino. Thirty-one food security projects na nagkakahalaga ng 18.7 billion pesos, binigyan ng green lane certification ng DTI alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang local production at magbukas ng hanapbuhay sa bansa. Mahigit 7,000 na trabaho ang aasahan matapos na i-grant ng Department of Trade and Industry ang green lane certification sa 31 food security projects as of June 30. Kabilang sa mga proyektong ito ang pig production facilities, feed mill, cold storage, greenhouse vegetable production, dairy farm at wean-to-finish farm.

Kasama rin sa nabigyan ng certification ang ilang malalaking coconut processing facility na inaasahang makakapagbigay ng 4,725 na trabaho at isang set ng quail farms na magbibigay ng trabaho sa higit isanlibong mga Pilipino.

Sa ngayon, 17 projects na ang nasa pre-development stage; pito ang under construction; anim ang operational na; at isa naman ang pre-operational.

Batay sa datos ng DTI, mula February 2023 ay nasa 222 projects o katumbas ng 5.75 trillion pesos na ang nabigyan ng green lane certification na inaasahang magbubukas ng 319,000 na trabaho sa bansa. Layon ng green lane na mapabilis ang key investments sa bansa alinsunod sa development goals ng Marcos administration.

[VTR]

PCO USEC. CASTRO: Kanina po ay nagkaroon kami ng pagpupulong kasama po ang pamunuan ng LWUA sa pamumuno po ni LWUA Administrator Jose Moises Salonga, ang OGCC led by Government Corporate Counsel Solomon Hermosura, pati na po ang ibang mga kasama po natin sa Office of the President para po mapag-aralan ang kasalukuyang sitwasyon ng mga consumers ng PrimeWater.

Nabatid natin ang malawakang problema na naidulot ng kakulangan ng PrimeWater. Mas dumami ang mga joint venture agreements ng PrimeWater taong 2019, panahon ng nakaraang administrasyon at noong mai-attach ito sa DPWH na noon ay pinamumunuan ni Secretary Mark Villar.

So, ibibigay po ni Admin Jose Moises Salonga ang mga naimbestigahan patungkol po dito.

LWUA ADMIN. SALONGA: Good morning po.

PCO USEC. CASTRO: Good morning, sir.

LWUA ADMIN. SALONGA: Katulad ng sinabi ni, Usec. Claire, natapos na po kami sa imbestigasyon namin. Ang initial investigation namin regarding sa mga complaints against PrimeWater Joint Venture Agreements. Nabigay po namin ang aming recommendations, findings and the ways forward kung papaano natin maiibsan, matatapos itong issues na ito.

Ang importanteng tandaan sa imbestigasyon na ito at naging focus ng pag-uusap namin kanina is not about finger-pointing or blaming. The issue there is how we put water in those people’s pipes; papaano tayo magpaparating ng tubig sa kanila kasi the finger-pointing can follow. The issue now is where do we get the water and how do we deliver it to them?

Natapos naman po, matagal. I think exhaustive naman. All avenues are open. Pinag-usapan lahat ng recommendations and I think, in a few, kaunting oras na lang ay we will be able execute ang ating mandate to deliver water sa mga apektadong water districts.

LIAN BUAN/RAPPLER: Good afternoon, sir. Sir, puwedeng pa-expound lang iyong sinabi ni Usec. na attached to the DPWH. Ano po iyong attachment? And my actual question is, kasama ba sa scope of investigation how this JVAs came about because many of them are unsolicited? The things I heard on the ground, they are saying, there are serious accusations of irregularity kung bakit napirmahan. Nagkaroon po ba iyon ng contract review? Bakit hindi na-flag kaagad seeing that successive audit reports flagged disadvantageous clauses?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: We have also provided the historical context on how these joint ventures came to be, including those things na iyong possible issues on our board of directors. Those things nailagay namin and we have made it known to the people who were making kasi technically iyong appointments niyan, mayroon pang nagri-review, previously pa before our time. So papaano nakalusot iyon, regarding possible issues, kung papaano napamunuan ito, kailan ba dumami, nabigay namin and there has been a report. The report actually mentions something about that.

As to your comment na there are irregularities on the ground, that has also been addressed in the report and the people concerned have been put on notice that this should be considered and most likely reformed and corrected within the next few days once we act.

LIAN BUAN/RAPPLER: Sir, iyong DPWH lang, paki-expound?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Kasi po there was a time when LWUA was under, as an attached agency of DPWH. The possible conflict doon sa mga namumuno doon and LWUA. So, let us just expound when the time comes.

LIAN BUAN/RAPPLER: Sir, you said, you want to focus on the ways forward how you get, kasama po ba dito sa pag-terminate na ng mga PrimeWater JVAs? I understand mahabang proseso ito, mayroong arbitration. Will you terminate or iko-compel ninyo iyong PrimeWater na mag-provide?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Kasama iyan sa strategies namin – termination, compulsion will not put water there. We are here to act first; finger-point later. Iyon ang gagawin namin.

TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Hi, sir. So sabi ninyo, sir, in a few hours puwede nang magkaroon ng tubig. Anu-anong mga areas, sir?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Hindi naman in a few hours; bigyan mo lang kami ng oras. Napakabilis noon eh. Utility scale po tayo.

TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: But anong mga areas po ang priority na magkaroon ng water supply?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: Ang unang titingnan natin ay iyong mga water districts na gustong kumalas, iyong maiingay na iyon. Ngayon, medyo politically charged iyang issues na iyan. Kanino? Magkakaroon kami ng matrix kung alin, ano. It’s also a matter of logistics eh ‘di ba, saan available ang assets namin na madi-deliver kaagad.

So, we can inform you the schedule, alin ang uunahin. At ayaw rin naming magkatampuhan, sino ang inuna, sino ang hindi. Kung kaya naming sabay-sabay iyan, of course, we will do that. But we will inform you kung alin ang unang binagsakan ng tubig.

TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: How soon, sir, iyong tubig na makakarating sa mga consumers?

LWUA ADMINISTRATOR SALONGA: As soon as everything is finalized from the top. But we are ready already. We will immediately let you know. We will coordinate.

PCO USEC. CASTRO: Thank you, Admin Jose Salonga. At dito na po nagtatapos ang ating press briefing. Magandang araw para sa Bagong Pilipinas.

 

###

 

Resource