Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and PCO Undersecretary Claire Castro with PAGASA Weather Station Engr. Christopher Perez and Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan


Event PCO Virtual Press Briefing on the Government’s Response to Habagat with DPWH & PAGASA
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Mapagpalang araw, Pilipinas.

Isang ulat mula sa Pangulo tungkol sa US tariff negotiations. Naging produktibo ang naging pagbisita at meeting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay US President Donald Trump sa Washington D.C. Bunga ng pagiging very good at tough negotiator ng Pangulo, napababa ni President Marcos Jr. sa 19% ang unang 20% tariff rate na ipinataw ng US sa Pilipinas. Ayon sa Pangulo, maituturing na significant achievement para sa Pilipinas ang 1% na bawas sa tariff rate sa bansa.

Isa pa rin ang Pilipinas sa may mababang tariff rate na pinatawan ng US sa rehiyon. Dahil dito, mas paiigtingin pa ng bansa ang mga hakbang para maging competitive ang Philippine exports. Base sa records, hindi naman US export-dependent ang Pilipinas. Sa madaling sabi, may epekto pero hindi ganoon kalaki ang impact nito sa bansa. Ibig sabihin, 16% lang ng exports ang napupunta sa USA at aabot sa 67% nito ay galing sa electronics na kabilang sa may low or zero tariffs sa ilalim ng global trade agreements.

Kinumpirma naman ni Pangulong Marcos Jr. ang open market at zero tariff agreements ng Pilipinas at ng United States sa mga certain markets lamang. Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng alyansa ng Pilipinas at US sa pagpapanatili ng kapayapaan sa South China Sea at sa buong Indo-Pacific Region.

Pinuri naman ni US President Trump ang liderato ni Pangulong Marcos Jr. na tinawag niyang “very good” and “tough negotiator.”

[VTR]

Ngayong araw ay makakasama natin ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang bigyan tayo ng update sa kanilang mga operasyon kaugnay ng masamang panahon. Unahin po natin mula sa PAGASA Weather Station, si Engr. Christopher Perez. Magandang umaga po, Sir Christopher.

PAGASA ENGR. PEREZ: Magandang umaga po, Usec. Claire, at sa lahat po ng ating tagasubaybay. So, narito po iyong latest update natin regarding Tropical Storm na si Dante at iyong panibagong bagyo, Tropical Depression na Emong at habagat.

So, makikita po natin na ang Bagyong si Dante ay patuloy ngang kumikilos pahilaga papunta ng ating area of responsibility. Samantala, kanina hong alas diyes ng umaga, ang tinatayang sentro ng Tropical Storm na si Dante ay nasa layong 880 kilometers east of extreme Northern Luzon. Kung atin pong mapapansin ay napakalayo po nito sa kalupaan ng ating bansa at wala pong wind signal associated with Tropical Storm Dante.

Samantala, nabanggit namin kahapon iyong isa pang low-pressure area na may tendency maging bagyo – ngayong umaga nga ay naging ganap na tropical depression na at binigyan natin ito ng local name na “Emong.” At kanina ngang alas diyes ng umaga, ito naman ay nasa layong 115 kilometers west-north-west ng Northern Luzon. Dahil napakalapit din po ito sa land mass ng Northern Luzon ay mamaya babanggitin natin iyong lugar na under ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 as of 11 A.M. today.

Samantala, mapapansin natin patuloy pa rin iyong pagpapaibayo ng habagat or southwest monsoon nga nitong dalawang sama ng panahon sa nakararaming bahagi ng Central and Southern Luzon kasama na ang Metro Manila at maging sa ilang bahagi ng Visayas. Isang low-pressure din ang binabantayan natin sa labas ng ating area of responsibility.

So, unahin po muna natin ang magiging pagkilos ng Tropical Storm na si Dante. Makikita po natin sa ating latest forecast track na posibleng manatili bilang isang tropical storm pero hindi natin niru-rule out or isinasantabi iyong posibilidad na lumakas pa ito at maging isang severe tropical storm. Ganunpaman, consistent pa rin po sa ating forecast track na hindi tatama sa kalupaan ng ating bansa at inaasahan ngang posibleng bukas ng hapon o gabi ay tuluyan na itong lumabas ng ating area of responsibility.

Nabanggit din natin kanina na dahil sa malayo sa kalupaan ng ating bansa, wala pong nakataas na warning signal or wind signal na associated kay Tropical Storm Dante. Pero ito pong pagkilos nito, during this particular time of the year ay posible pang magpaibayo ng habagat sa mga susunod na araw.

Dito naman sa pangalawang forecast na pinapakita natin, ang Tropical Depression na si Emong, makikita nga po natin na halos ang kilos nito ay maglu-loop dito sa bahaging ito ng West Philippine Sea hanggang sa dahan-dahang kumilos ng pahilagang-silangan. So, dahil dito, asahan po natin na gaya ni Dante ay patuloy din itong magpapaibayo ng habagat at siyang magdudulot ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Central and Southern Luzon and possibly Western Visayas.

Pero directly maapektuhan po noong Tropical Depression na si Emong ito ngang Northern Luzon area. Dahil po kay Emong, may nakataas po tayong Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 dito po sa lalawigan ng Ilocos Norte; sa western portion ng Ilocos Sur, makikita po natin sa mga bayan ng Sinait, San Juan, Cabuyao, Santo Domingo, Magsingal, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Narvacan, Santa Maria, San Esteban, Santiago, City of Candon, Santa Lucia, Santa Cruz at Tagudin.

Samantala, Wind Signal No. 1 din po sa north-western portion ng La Union dito nga sa City of San Fernando, sa San Juan, sa Bacnotan, Luna, Balaoan, Bangar at Bauang. Wind Signal No. 1 din sa western portion ng Pangasinan sa mga bayan po ng Dasol, Burgos, Agno, Bani, Bolinao, City of Alaminos, Mabini at Anda.

So, ito pong mga lugar na may Wind Signal No. 1 ay posibleng makaranas ng mga pag-ulan at paminsan-minsang pagbugso ng hangin. Ang mga baybaying-dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

Pinapayuhan ho namin ang mga residente dito, patuloy na mag-monitor sa kanilang kapaligiran, patuloy na makipag-ugnayan sa kanilang local government officials at local disaster risk reduction managing officers para sa patuloy na gawaing-pangkaligtasan at disaster preparedness and mitigation measures dahil alam naman po natin na ilang araw na ring nag-uulan sa ilang bahagi nga ng Northern Luzon area at posibleng may mga karagdagang ulan na dadalhin po ng Bagyong si Emong ay magdulot pa rin ng mga pagbaha sa low-lying areas, maging mabagal ang paghupa ng mga tubig sa mga ilog dahil nga sa ilang araw nang umulan at mataas pa ang mga level. At iyong mga lugar na malapit po sa paanan ng bundok, maaaring malambot na iyong mga bahagi ng kalupaan at puwede ring maging sanhi ng mga pagguho ng lupa.

Samantala, as much as possible, huwag na ring pumalaot iyong mga kababayan natin diyan sa mga bahaging karagatan, iyong mga lugar na may Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.

Ngayon, tingnan naman po natin or balikan natin ano iyong mga lugar na inulan during the past three days. Makikita po natin, ito po iyong ulan na pinag-ibayong habagat bago po maging ganap na bagyo itong si Emong ay talagang makikita natin iyong concentration ng mga matitinding pag-ulan ay halos nasa kanlurang bahagi po ng Luzon at ilang bahagi ng Southern Luzon area at maging ilang bahagi ng Western Visayas at Western Mindanao.

So, kaya po natin ito pinakikita dahil ang susunod na mga slides ay nagpapakita naman ng forecast rainfall natin within the next two to three days po. Tandaan po natin iyong pattern, nasa kanlurang bahagi iyong inulan halos nitong mga nagdaang tatlong araw at sa susunod na 24 hours po inaasahan natin ay halos iyong rainfall forecast natin ay nandito pa rin po sa kanlurang bahagi ng Luzon, ilang bahagi ng Bicol Region, Western Visayas at lalong-lalo na po dito sa may bandang Palawan area.

So in the next two to three days ay makikita natin iyong similar pattern of rainfall concentration, significant amount of rain. Posibleng uulanin pa iyong ibang bahagi ng ating bansa pero ang pinakikita po natin dito ay iyon talagang posibleng makaranas ng moderate to heavy, iyong yellow na area, heavy to intense itong orange at torrential itong kulay pula.

So, bakit po may mararanasan tayong ganito karaming pag-ulan for the next two to three days? Dahil nga po bukod sa Bagyong si Emong na inaasahan natin na magiging mabagal ang pagkilos sa karagatan sa kanlurang bahagi ng Ilocos Region ay iyong patuloy na pagpapaibayo ni Emong at ni Dante ng habagat na siya namang makakaapekto sa mga lugar na outside the wind signal area. So, kapag may mga pag-ulan po na inaasahan ay nandiyan pa rin iyong banta ng mga pagbaha at pagguho ng lupa, hindi lamang po sa lugar na may wind signal kung hindi maging sa mga lugar na apektado po ng pag-ulan dahil sa enhanced habagat; bukod pa po diyan, ang habagat ay puwede ring magdulot ng paminsan-minsang pagbugso ng hangin.

Ngayong araw ay inaasahan natin, occasional gusty wind sa Zambales, Bataan, Bulacan, Aurora, dito rin sa Metro Manila, ganoon din po sa buong Calabarzon, buong Bicol Region, Mimaropa, Visayas, Zamboanga del Norte, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Camiguin, Dinagat Island, Davao Occidental at Davao Oriental.

May mga pagbugso tayo ng hangin bukas hanggang sa darating na Biyernes dito po sa mga lalawigan na babanggitin natin: Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Mimaropa, Visayas, Zamboanga del Norte, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Camiguin, Davao Occidental at Davao Oriental.

Sa darating na Biyernes, pagbugso ng hangin sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Metro Manila, Bicol Region, Mimaropa, Visayas, Zamboanga del Norte, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Camiguin, Davao Occidental at Davao Oriental.

[Inaudible] tayo sa ulan na dala ng pinag-ibayong habagat, ito pong mga pagbugso ng hangin ay puwedeng makapagpatumba ng mga ilang uri ng pananim at puwede rin pong magdulot ng maalong karagatan sa mga lugar na outside the tropical depression periphery, ito pong apektado ng habagat ‘no.

So, sa mga kababayan po nating mga mangingisda at saka iyong may maliit na sasakyang pandagat, ibayong pag-iingat po sa pagpalaot dito sa mga areas na apektado po ng mga bugso ng habagat.

I-remind din po natin ang mga kasama natin na aside from the tropical cyclone bulletin, iyong update natin sa bagyo, iyong weather advisory update natin sa rainfall associated with the tropical cyclone and the habagat, nagpapalabas din po tayo ng localized rainfall advisory ‘no or rainfall warning. Ito po iyong kanilang nari-receive sa kanilang mga mobile devices na may very alarming na sound, iyong batingting. At as of 11 A.M. today po ay mayroon tayong nakataas na orange rainfall warning dito nga sa Metro Manila maging sa ilang karatig-lalawigan – Cavite, Bataan, Pampanga at bahagi po ng Bulacan at iyong buong Tarlac; red rainfall warning naman sa Zambales; at yellow sa Batangas, Rizal, Laguna, ilang bahagi ng Tarlac at ng Bulacan.

So, ang mga rainfall warnings naman po natin, ang duration nito ay good for three hours at puwedeng ma-update from time to time, depende sa maoobserbahan po nating pag-ulan.

Samantala, ang ating Northern Luzon PAGASA Regional Services Division ay nagpalabas din po ng yellow rainfall warning sa lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra at ilang bahagi ng Cagayan. At ang atin namang Visayas PAGASA Regional Services Division ay nagpalabas din po ng red rainfall warning sa ilang bahagi ng Occidental Mindoro; at orange rainfall warning ganoon din po sa southern part ng Occidental Mindoro.

So, antabayanan din po ng mga kababayan natin not only here in Metro Manila kung hindi maging sa ating mga iba’t ibang rehiyon iyong mga isyu po ng localized rainfall warning para magabayan po kayo sa kung ano ang gagawin ninyong aksiyon during that particular time of the day.

Uulitin po natin, iyong kaninang mga weather advisories in terms of rainfall – that is good for a twenty-four-hour period, 48 hours and 72. Kumbaga, mas malawak po iyong time of coverage na magagamit natin bilang paghahanda sa mga posibleng ulan over the next three days.

Samantala, iyong rainfall warning naman po natin, ang duration po niyan ay every three hours para po makapaghanda tayo during the actual na pag-ulan sa mga forecast period.

At patuloy po tayong magbibigay ng update sa bagyong si Dante at Emong, ganoon din po sa status ng habagat. Ang susunod po nating update ay mamayang alas singko ng hapon in terms of Bagyong Dante. Samantala, ang update natin sa Bagyong Emong ay every three hours; ang susunod naming update ay mamaya pong alas dos ng hapon. Iyan po ang latest dito sa PAGASA Weather Forecasting Center.

PCO USEC. CASTRO: Yes, Engineer Christopher, tanong lang natin, ito bang Bagyong Emong at Bagyong Dante, magbibigay din ba sila ng ganoon karaming buhos ng ulan compared sa Crising? Nandiyan pa ba si Engineer? Okay, balikan po natin, balikan po natin si Engineer Christopher—nandiyan pa po ba?

Okay, so puntahan po muna natin, bigyan po muna natin ng daan si DPWH Secretary Manny Bonoan para magbigay po ng ulat tungkol sa mga kalsada at flood control operations. Sec. Manny, good morning. Napabalita po kasi at nabigyan po kami ng ulat kahapon na itong si Crising ay nagbigay ng buhos ng ulan para sa tatlong araw ay parang ikinukumpara sa isang buwan na buhos ng ulan.

Well, anyway, nandito na po si Secretary Manny Bonoan. Good morning, Sec. Manny. Ano po ang ating maiuulat sa bayan patungkol po dito sa mga proyekto po at sa mga flood control na projects po natin? Okay po ba ang ating audio? Nandiyan na po si Sec. Manny pero parang hindi po tayo nadidinig. Naka-mute po ba?

Maya-maya lamang po ay bibigyan din po natin ng mga kasagutan ang mga nagtanong po patungkol po sa Bagyong Emong at Bagyong Dante dahil kumbaga sunud-sunod po ang bagyo na dumarating sa atin at sana po ay mag-ingat tayo at hindi na po sana natin maranasan iyong lakas ng buhos ng ulan na idinulot ng Crising.

Okay, unahin ko po muna ang mga katanungan. Okay na po ba? Nakikita na po natin sa screen si Secretary Manny pero parang hindi po yata tayo nadidinig. Okay, pansamantala ay sasagutin ko muna po ang mga katanungan habang naghihintay po tayo sa ating mga piling public servants na magri-report ngayon.

May katanungan po muna dito galing kay Tristan Nodalo ng NewsWatch: Comment po sa statement ni VP Sara Duterte na nagpalala ang lack of preparedness ng Marcos administration sa nararanasan ngayong problema ng pagbaha?

Unang-una po ay hindi naman po talaga malalaman marahil ni Bise Presidente kung ano po ang pagpi-prepare ng administrasyon patungkol po dito sa Bagyong Crising dahil wala po siya sa bansa at nagbabakasyon siya sa The Hague. Dahil ang mga pagpupulong na ito na kasama po, bago po umalis ang Pangulong Marcos papuntang US, hindi po rin niya ito malamang nakita at nabalitaan. At muli, wala po ang kaniyang presensiya sa Pilipinas para husgahan kung anuman ang naging trabaho ng Pangulo at ng administrasyon at ng mga concerned agencies patungkol po dito sa Bagyong Crising.

Unang-una po, naiulat na po natin kahapon ang mga ginawa at naging accomplishments po ng ibang mga concerned agencies katulad po ng DSWD, DOTr; pati po iyong Philippine Coast Guard ay nagbigay na rin po ng libreng sakay maliban po sa DOTr na nagbigay rin po ng libreng sakay sa MRT, LRT, at iyon po ay direktiba ng Pangulong Marcos Jr. At kasama rin po diyan iyong paghahanda mismo po para po sa food packs na ibibigay natin sa ating mga kababayan na naapektuhan ng Bagyong Crising.

So, muli, hindi po maiiwasan ni Bise Presidente na mamintas dahil wala po siya sa Pilipinas at hindi po niya nakikita kung ano ang ginagawa ng gobyerno para sa taumbayan.

Pangalawa pong katanungan: Nasabi rin po ng Bise Presidente – mula rin po ito kay Tristan Nodalo – ipunin po natin lahat tapos i-deliver po natin sa Malacañang para po may mainom siya, in response sa naunang sinabi ng Pangulo to reuse flood water for agricultural purposes.

Unang-una po, kinutya niya ang suhestiyon na ito ng Pangulo na ipunin ang tubig-ulan. Marahil ay hindi po niya batid ang batas na ito, hindi po ito bago kaya nakapagtataka po tayo na Bise Presidente pero hindi po niya alam ang batas patungkol po dito sa rainwater collectors. Mayroon na po itong batas, Republic Act Number 6716 – ito pa po ay noong March 17, 1989 – An Act Providing for the Construction of Water Wells, Rainwater Collectors, Development of Springs and Rehabilitation of Existing Water Wells in All Barangays in the Philippines.

So, nakakapagtaka po talaga na wala po yatang kaalam-alam ang Bise Presidente patungkol po sa rainwater collection system at ang pinapalabas lamang niya ay pag-iipon ng tubig sa timba. Tandaan po natin, naipakita rin po ng DSWD at ng Pangulo na ang ibang mga tubig na naipon ay maaari pong inumin gamit po iyong gadget o iyong equipment na pag-filter ng water – iyan po ay naipakita naman po ng ating Pangulo.

At mayroon pa po tayong balita patungkol po sa pag-iipon ng tubig, “DPWH installs rainwater collector systems in Nueva Vizcaya schools, this is March 11, 2025 – dahil iyan naman po ay nasa batas, kinakailangan po talaga na mayroon po tayong sistema sa pagkukolekta ng tubig-ulan. At mayroon din po noon, ito po as of February 2024, mayroon pong sinusulong itong si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers noon tungkol sa pag-compel sa pagiging mandatory ng installation of rain collection systems.

So, medyo nakakatawa po ang dating ni Bise Presidente dahil hindi po niya alam ang patungkol po dito.

Okay, nandiyan na po ba si Engineer Christopher? Okay, bago po tayo pumunta kay Secretary Manny, ang tanong po natin, iyon po bang nakaraang ulan, si Bagyong Crising ang balita po natin ay sa tatlong araw na pag-ulan ay ang ibinuhos nito ay katumbas ng isang buwan, paki-explain ninyo nga po ito, sir?

ENGR. CHRIS PEREZ: Bale ang nangyari po, Usec. Claire, we have what do we call normal rainfall rate per place per month base sa historical record natin na 30-year period. Ngayon, iyong naging pag-ulan na dulot nga nitong pinag-ibayong habagat during the time of Crising in between July 19 hanggang 21 ay nalagpasan niya po iyong normal na monthly rainfall ng Science Garden in Quezon City in just a three-day period kaya nakita naman po natin iyong talagang mga pagbaha na naranasan sa nakararaming bahagi hindi lamang dito sa Metro Manila kung hindi maging sa mga karatig-lalawigan.

PCO USEC. CASTRO: So, normal po talaga kapag ganoon po karami ang ibinuhos na ulan ay talaga pong magko-cause din po ito talaga ng pagbaha?

ENGR. CHRIS PEREZ: Well, posible po iyan ‘no. Bukod pa diyan, talagang may mga pattern iyong pagbabago sa ating environment for example iyong mga daluyan ng tubig ay isang factor na rin po iyan. Pero basically, iyong malagpasan lamang ng in a span of three-day period iyong supposedly monthly normal rain ay talagang inaasahan po nating magdudulot talaga ng malawakang pagbaha.

PCO USEC. CASTRO: Sir, ito po bang Typhoon Emong at saka Dante ay magdudulot din po ba nang ganito karaming pagbuhos ng ulan katulad po ng Bagyong Crising?

ENGR. CHRIS PEREZ: Ang nakikita po natin ay posibleng magpaulan ito but it’s still early to compare pero hangga’t maaari inaabisuhan na rin po natin ang mga kababayan sa pamamagitan po noong ating pinakitang weather advisory kanina ‘no dahil nga iyong mga lugar lalung-lalo na sa kanlurang bahagi ng Luzon ay inulan na with the previous habagat episode enhanced by Crising at sa mga susunod na araw ay posible pa ring ulanin ulit ng habagat episode being enhanced naman by Emong and Dante. So, kahit minimal lang sabihin natin na hindi ganoon karami pero kung saturated pa iyong mga kalupaan ng mga area na inulan na nitong mga nagdaang araw ay posible ngang maging cause pa rin ng mga pagguho ng lupa.

At iyon nga iyong nabanggit din natin kanina na iyong pag-subside ng mga water level sa ating mga ilog ay posible ngang maging mabagal dahil nga may ina-anticipate pa po tayong mga pag-ulan sa susunod na mga araw. Kaya’t iyong paalala natin sa ating mga kababayan sa nakararaming bahagi po ng Luzon partikular na sa mga lalawigan sa kanlurang bahagi na patuloy pong mag-monitor sa latest update natin regarding mga Bagyong Dante at Emong, pati na rin sa habagat at iyon nga patuloy din pong makipag-ugnayan sa kanilang local government officials at saka Local Disaster Risk Reduction Managing Officer para sa mga patuloy na disaster preparedness and mitigation measures.

PCO USEC. CASTRO: May forecast po ba tayo sa darating na SONA ng Pangulo patungkol sa weather?

ENGR. CHRIS PEREZ: Well, inaasahan po natin na throughout this week kasi inaasahan po natin na may mga pag-ulan pa rin dito sa Metro Manila, hindi lamang sa Metro Manila kung hindi sa mga ilang bahagi pa ng ating bansa and by next week ay posibleng magkaroon na tayo ng gradual improvement of the weather also subject for monitoring pa rin dahil pinakita natin kanina na may isa pang sama ng panahon na nasa labas ng PAR at we’re not ruling out the possibility na baka pumasok din ito ng ating area of responsibility by next week.

PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat, Engineer Christopher, ng DOST-PAGASA. Makakasama po natin ngayon muli si Secretary Manny Bonoan. Secretary Manny?

DPWH SEC. BONOAN: Good morning! God morning, Usec. Claire.

PCO USEC. CASTRO: Good morning, sir. Ano po ang good news natin sa ating mga kababayan?

DPWH SEC. BONOAN: Well, ganito po, ang Department of Public Works and Highways mula pa noong Huwebes noong last week ay nagmo-monitor na po kami sa lahat ng regions all over the country na nakaka-experience dito sa habagat at saka iyong effect ng Typhoon Crising. And sa monitoring namin mula Cordillera, dito sa National Capital Region, Regions I, II, III, IV-A, Region VI, sa Negros, Region VIII and Region IX – ito iyong mga naka-experience ng mga effect ng habagat and of course dito sa Northern Luzon ito iyong Typhoon Crising.

So, from July 17 up to kanina, I think, we have reported actually a total 41 effects ng habagat na nagkaroon ng mga road closures especially sa national roads. Pero ang magandang balita naman dito iyong national primary roads natin like Manila North Road at Daang Maharlika from Cagayan all the way to Zamboanga have been open all the time at saka itong Cagayan Valley Road natin from Tuguegarao all the way to Manila. Bukas naman, wala tayong aberya dito sa national primary roads natin. Ang nakita namin na naapektuhan actually dito sa mga phenomenon na ito are mostly iyong secondary and tertiary roads.

Of course, noong Monday nagkaroon tayo ng flooding sa maraming parte ng Metro Manila. But as of today, we have all these national roads that we have reported na 41, 33 of them have already been rendered passable at mayroon pang walo na talagang minu-monitor pa namin na mayroon pang tubig-baha. Pero napapansin namin na medyo mabilis naman iyong pag-subside na ng baha dahil hindi na masyadong malalakas iyong ulan.

So, we hope that by today lahat iyong remaining eight road sections will be passable. Of course, itong sinasabi natin sa Cordillera iyong Kennon Road, for safety reason we have to render it close to general traffic muna until such time na itong phenomenon ng habagat at saka iyong effect ng dumarating na typhoon, hindi po namin pinabubuksan. So, we are recommending sa mga papunta ng Baguio na gamitin muna po iyong Marcos Highway at saka Naguilian Road for the time being.

Dito naman sa NCR, I think, the only problem na nakikita namin dito is dito sa Taft Avenue but it’s receding well; Pangasinan, ganoon din po. There are two road sections dito sa Region III iyong Bataan and Tarlac, actually, receding na rin po iyong mga floodwaters po natin.

So, ito po iyong situation natin ngayon and we continue to monitor po on an hourly basis, periodically, na nagri-report po sa amin iyong ating mga regional offices all over the country para malaman po natin kung ano iyong situation natin sa ating mga lansangan at mai-share po naman natin sa general public kung ano po iyong kailangan nilang gawin.

Sa Metro Manila po, I think, sabi nga natin it has been phenomenon iyong again iyong downpour natin kaya nagkaroon tayo ng malawakang pagbaha ulit sa Metro Manila notwithstanding that marami pa rin po iyong ginagawa ng DPWH at saka Metropolitan Development Authority para maibsan po natin iyong mga ganitong pagkakataon na nababaha ang Metro Manila.

So, ito po iyong report po namin for the time being and we continue to monitor po kung ano iyong … sa lahat ng regions throughout the country po.

PCO USEC. CASTRO: Yes, sir. Ang tanong po dito ni Harley Valbuena ng PTV: Ano na po ba ang na-accomplish natin patungkol po sa flood control projects? Kung may nagawa, may ginagawa pa, may mga kinukumpuni, at kung ano po ang naidulot ng mga flood control projects natin para mas mabilis na mag-subside iyong tubig?

DPWH SEC. BONOAN: Yes, I think that’s a good point. Actually, mula po noong nagsimula po tayo dito noong mid of July of 2022 hanggang itong May of 2025, nairi-report ko po na lahat ng flood control projects all over the country we have already completed I think 9,856 flood control projects, that have given immediate relief especially sa low-lying areas all over the country po. Sa kasalukuyan, mayroon pa rin tayong ongoing na mga projects na about 5,700 mula itong 2025 hanggang 2026, at mayroon pa rin tayong inaasahan na mga projects na naman sa 2026. Ito po iyong … this is a combination po iyong mga minor flood control projects at saka iyong mga malalaking projects in the 18 major river basins in the country and I think there has been significant relief na naidulot na po itong nagawa nating na mga flood control projects, especially in the low-lying areas po kasi sa tingin po namin, this is, of course, iyong engineering solution na isinasagawa namin are providing immediate relief.

But I think—ang sabi nga ng ating Pangulo, hindi lang po naman iyong engineering solution ang dapat nating tingnan kung hindi po iyong—it has to be done cohesively at collaboratively with the other agencies kasi may mga environmental issues. Kasi napapansin po namin lalung-lalo na iyong mga tertiary rivers natin ay silted na silted na po. Mababaw na po iyong riverbeds natin kaya halos during summer season ay natatapakan muna po iyong riverbed natin. Kaya ito po iyong pinagtutuunan din namin ng pansin sa DPWH na kailangan po natin ma-dredge, desilt para iyong carrying capacity ng mga rivers natin—Nabanggit mo kanina, Usec. Claire, actually iyong pag-ipon ng tubig baha at flood waters. Ito iyong kabilin-bilinan ng ating Pangulo na kahit pati doon sa mga flood control projects ay ini-integrate po namin ngayon ah, sa kautusan ng ating Pangulo, iyong pag-ipon ng tubig-baha. So, gumagawa po kami ng retarding basin where ever it is technically feasible para maipon natin iyong mga tubig na puwedeng gamitin sa irigasyon, kahit na sa water supply at saka kung anu-anuman kaysa sa iyong dumadaloy lang iyong tubig baha papunta sa dagat. Iyon ang sabi ng ating Presidente.

So, noong 2024 at saka ngayon, sa lahat ng gagawin namin ngayon na flood control projects, ini-integrate po namin itong mga river basin na program po namin sa lahat na ng flood control projects natin ngayon, Usec. Claire.

PCO USEC. CASTRO: Salamat po at naipaliwanag ninyo po iyan bilang secretary ng DPWH dahil parang maraming hindi nakakaintindi patungkol sa panukala ng Pangulo na maipon iyong tubig ulan at parang pinagtatawanan pa po ng Bise Presidente.

Well, anyway, Sec. Manny, ang tanong dito: Ngayong naiulat ninyo na po na marami na po kayong nagawa patungkol po sa flood control projects natin, paano ninyo po masasabi sa ating mga taumbayan na siguruhin po natin, i-assure po natin sila na itong mga pondo na naibibigay para sa flood control projects ay nagagamit po nang tama?

DPWH SEC. BONOAN: Ito po iyong kailangan po natin—well, full responsibility ng Department of Public Work and Highways na pati iyong pondo na nailalagay lalung-lalo na sa flood control projects are technically and effectively being implemented ng department para doon sa inaasahan natin na impact na pag-prevent ng floodings, especially in low-lying areas po ay nagagampanan.

Marami naman pong nagsasabi na ako, nagpapasalamat sa atin na marami na pong biyaya na naidulot iyong mga flood control projects natin. Of course, marami pa po kasi iyong mga other areas that we need to attend to, na iyong kasalukuyan po under this administration ni Presidente na kailangan pa rin po nating pagtuunan ng pansin lalung-lalo na po at iyong sinasabi natin na itong mga climate change phenomenon ay kailangan—ni-revisit na po namin iyong mga technical parameters namin kung paano namin tugunan itong climate change phenomenon.

Kaya nga noong mga nakalipas na mga taon, ang ginagamit po namin na design parameters namin ay iyong mga anywhere between 15 to 25 retain period, technical po ito. Pero ngayon po ay hindi na po namin puwedeng siguro iyon lang gagamitin namin kasi ginagamit na po namin dito mga 50 years retain period o kaya iyong mga malalaking river basin 100 year retain period na po iyong ginagamit namin under this administration po. Kaya technically, we are coping up with the iyong requirements po para matugunan din po natin itong climate change phenomenon po.

PCO USEC. CASTRO: Yes, tama po, iyan din po sinabi kanina ni Engineer Christopher dahil nga itong tatlong araw na nag-ulan ng Bagyong Crising ay parang umabot ito sa equivalent to one month na ulan na ibinuhos at talagang ito’y magdudulot ng pagbaha. Pero ang maganda po yatang balita rito, Secretary Manny, ay mas mabilis na pong humupa ang tubig dahil sa mga flood control project po ng administrasyon natin.

DPWH SEC. BONOAN: Tama po, I think especially in Metro Manila. In Metro Manila po, ang DPWH ay tinutulungan po namin ang MMDA na kumpunihin po iyong mga lumang pumping station na po nila to increase their discharge capacities. Mga tatlumpu, mga 32—If I recall, 32 pumping stations po are under upgrading. At matatapos po namin ito by next year na po lahat iyong 32 primary pumping stations po in Metro Manila para sa tingin po namin na mas malaki po iyong discharge capacities po nito.

Having said that anyway, kailangan po natin siguro pagtuunan ng pansin po iyong ibang mga rason kung bakit nagkakabaha pa rin lalung-lalo na iyong waste management at saka iyong mga kababayan natin na nandoon sa may mga gilid-gilid na mga esteros po ‘no, dapat din nating pagtuunan ng pansin.

PCO USEC. CASTRO: Tama po kayo, Secretary Manny. Sana ay magtulung-tulungan po talaga lahat considering na may nakita nga po ang MMDA na sofa at ref sa creek na nakakahadlang para dumaloy nang tuluy-tuloy ang tubig. So, iyon po.

DPWH SEC. BONOAN: Tama po, tama po, Usec. Claire. Actually, makakabuo ka ng isang bahay actually pagkadating doon sa may mga pumping station natin kasi nandudoon lahat iyong sangkap sa isang bahay actually kapag dumaloy ng mga ganoon pagbaha.

PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat, Secretary Bonoan. Baka mayroon po kayong nais ipahayag sa ating mga kababayan patungkol po sa ating mga proyekto ng DPWH?

DPWH SEC. BONOAN: Well, asahan po ninyo na sa instruction po ng ating Presidente, kailangan po pagtutuunan po ng pansin ng DPWH lalung-lalo na po iyong vulnerable areas dito sa lahat ng dako ng Pilipinas para matulungan po natin, maibsan kung papaano man lang, within this administration kung papaano namin matulungan at maibsan lang po iyong mga problems for flooding in many areas. Ito po iyong mga priorities that the President wants to pagtutuunan ng pansin ng DPWH. So, makaasa po kayo na ito iyong gagawin po namin.

PCO USEC. CASTRO: Maraming salamat, Secretary Manny Bonoan, at maraming salamat po kay Engineer Christopher Perez ng DOST-PAGASA.

At bago po tayo magtapos, mayroon po tayong good news. Ito’y mula sa NFA: Nakapag-release na po ang NFA sa DSWD dito po sa Tarlac ng 6,600 bags or sacks of rice para po itutulong sa mga kababayan natin na nasasalanta po ng bagyo. Mayroon din pong naibigay ang NFA sa lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa na 200 sacks of rice bags; LGU Palawan, three hundred. At hindi po nadanyos, wala pong danyos iyong mga stocks lalung-lalo na po dito sa Occidental Mindoro and Valenzuela warehouses.

So far po, nationwide ay walang nadanyos na mga stocks po natin na mga bigas, at ang NFA ay ready anytime to release stocks to requesting LGU and relief agencies. At sabi po ng NFA administration, super secured in terms of buffer stock ang NFA at mayroon po tayong enough stocks to last for 12 days – buong Pilipinas po ay makakakain.

At Libreng Sakay, umaarangkada na sa Cebu – 20,000 na pasahero, makikinabang kada araw. Libre na ang pagsakay na mga commuters sa mga modern jeepney sa rutang Urgello Park Mall sa Cebu simula ngayong araw matapos ilunsad ng Department of Transportation at LTFRB ang libreng sakay program. Ang programa ay tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibsan ang arawang gastos ng mga commuters sa kanilang pasahe at bigyan ng sapat na kita ang mga jeepney operator at driver.

Sinabi ng Transportation Secretary Vince Dizon na malaking tulong ang libreng sakay, lalo na sa mga estudyante dahil nasa 200 pesos kada linggo ang matitipid nila sa pamasahe. Kabilin-bilinan ng Pangulong Marcos Jr. na dapat paginhawain natin ang buhay ng mga kababayan natin.

Ang Libreng Sakay Program dito sa Cebu ay isang paraan ng pamahalaan na makatipid sa kanilang araw-araw na gastusin at magamit ang matitipid sa ibang bagay gaya ng pagkain o gamot ng ating mga kababayan, ani ito ni Secretary Dizon.

Ayon sa kalihim, ang Libreng Sakay Program ay makakatulong din sa mahigit 400 drivers at operators dahil fix na ang kanilang kita at hindi na kinakailangang humabol sa boundary sa pamamagitan ng service contracting program. Nasa 125 million pesos ang inilaang budget para sa libreng sakay sa loob ng isang taon para sa ruta ng Urgello Park Mall kung saan nasa 20,000 na pasahero ang sumasakay kada araw. Pinag-aaralan na rin ng DOTr na magbukas ng Libreng Sakay sa iba pang ruta tulad ng Talisay IT Park kung saan maraming call center agents naman ang sumasakay. Magpapatuloy ang Libreng Sakay araw-araw tuwing 6:00 to 9:00AM to 5:00 to 8:00PM hanggang 2028. Ito ang unang Libreng Sakay sa Visayas at maglulunsad din ng Libreng Sakay para naman sa mga Public Utility Bus sa Davao bukas na siya namang una sa Mindanao.

[VTR]

At dito na po nagtatapos ang ating press briefing. Magandang araw para sa bagong Pilipinas.

##

Resource