PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa mga magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.
Mahigit dalawampung benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na miyembro rin ng indigenous group mula sa Santa Ana, Cagayan ang nakatanggap ng 375,000 pesos na halaga ng supplies mula sa Department of Social Welfare and Development. Ang nasabing supplies gaya ng fish smoking machine, sealing machine at iba pa ay para sa kanilang fish processing business. Bukod dito, nagbigay din ng karagdagang tulong ang lokal na pamahalaan ng Santa Ana para sa pagpapatayo ng pasilidad para makatulong sa nasabing negosyo. Ayon sa DSWD, layon ng assistance package na ito na makatulong sa pagpapalawak at pagpapatibay sa kabuhayan ng mga benepisyaryo. Panoorin po natin ito:
[VTR]
Isa pang good news. Nasa 45 pesos kada kilo ang maximum suggested retail price (MSRP) ng imported rice kasunod nang patuloy na pagbaba ng global rice prices. Ayon sa Department of Agriculture, simula nang ipatupad ang MSRP nitong Enero, 19 pesos na ang kabuuang ibinaba ng presyo ng bigas. Ayon naman sa Philippine Statistics Authority, malaking factor ang MSRP sa pagbaba ng presyo ng bigas. Nakatulong din ang mas mababang presyo ng bigas sa pagbagal ng inflation rate nitong Pebrero sa 2.1% mula 2.9% noong Enero. Naipatupad ang MSRP matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbawas sa rice tariffs sa 15% mula 35% noong Hulyo 2024.
[VTR]
At ito po ang mga good news natin sa araw na ito. At sa puntong ito nais ko pong ipakilala ang makakasama natin sa briefing ngayong umaga para pag-usapan ang mga preparasyon sakaling tumama ang tinatawag na “The Big One.” Narito sina PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol…
PHIVOLCS DIR. BACOLCOL: Good morning. This is my first time here and anyway I’ll talk about the Philippines being a disaster-prone area because, you know, we’re part of the Pacific Ring of Fire and every now and then we have earthquakes, we’ll be jolted by earthquakes, volcanic eruptions and sometimes tsunamis.
And, for all these disasters, the best course of action is always preparedness and when we talk about preparedness, we have to make sure that our buildings, our houses are earthquake resilient – meaning, we have to follow the minimum engineering standards when we construct our houses or buildings.
And also, although we do regular earthquake drills ‘no, quarterly, ang laki ng naitulong ng NDRRMC sa pagpukaw ng kamalayan ng mga Filipinos when it comes to earthquake preparedness but these are not enough kasi even if you do the duck, cover and hold, if the building will collapse – hindi rin siya effective. So, again, we just like to emphasize that the best course of action, first and foremost, is to make sure that we follow the minimum engineering standards.
PCO USEC. CASTRO: At narito rin po si DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
DPWH USEC. CABRAL: Good morning po sa lahat, ako po si Usec. Maria Catalina Cabral ng Department of Public Works and Highways.
Kami naman po sa DPWH ay tuluy-tuloy ang paghahanda para sa ating earthquake preparedness. In fact, every year po may programa kaming structural improvement in strengthening ang mga infrastructure particularly public buildings at school buildings ‘no, mga tulay; napakaimportante niyan.
We have already completed more than, I think, 124 assessments and retrofitted mga public buildings in Metro Manila. Mayroon na rin po kaming nakaprogramang 500-plus public buildings na funded po ng aming local fund and ODA. Mayroon kaming partnership sa World Bank, ito ay para sa 425 pang public building to retrofit and strengthen these public buildings to make sure they are aligned with international earthquake standards.
In terms of readiness of equipment, ang DPWH po ay mayroong more than 2,000 equipment na nakakalat sa iba’t ibang rehiyon hindi lang dito sa Metro Manila. But for Metro Manila, we have 500-plus equipment na tinatawag naming Quick Response Assets for the immediate response in case of calamity.
Mayroon din kaming mga technical assistance sa iba’t ibang national government – like for example LRTA, we have already assisted DOTr para i-assess po ang structural integrity ng ating mga railway at saka light rails and MRTs.
And, ang emphasis lang po namin ay tayong lahat ay dapat maghanda especially po iyong mga kailangan natin ng suporta ng ating mga kababayan, ang mga local government officials, local government units to make sure that the public infrastructure and private infrastructures are ready in case of any calamities in the country.
Maraming salamat po.
PCO USEC. CASTRO: At makakasama rin po natin si OCD Administrator Ariel Nepomuceno.
OCD USEC. NEPOMUCENO: Good morning to everyone. Bilang paghahanda doon sa posibilidad ng malalaking lindol partikular dito sa lagi nating pinag-uusapan, iyong The Big One wherein kung baka gumalaw iyong West Valley Fault system, tatlong bagay ang ginagawa ngayon ng pamahalaan.
Unang-una, pinagbubuti pa natin lalo iyong lagi ninyong naririnig na National Simultaneous Earthquake Drill. Hindi lang po ito iyong duck, cover and hold ano, ipaliwanag ko lang – ang lagi lang nating nakikita na mas prominent is the public participation on the duck, cover and hold which will help save the citizens within the first few minutes of the earthquake.
Subalit kasabay niyang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED), ang hindi natin nakikita is the drill among the responding government agencies with regard to our capability to still communicate with each other during the earthquake and the aftermath of the earthquake. Importante iyong kakayanan ng ating pamahalaan na lagi pa rin—na ma-establish namin iyong tinatawag na command and control during the incident.
So, pinag-iigi natin iyan at gumagawa rin tayo sa NSED ng iba’t ibang scenarios bilang pagpapabuti pa o pagpapaigting nitong ating exercise. Ibig sabihin, hindi lang natin gagawin ito sa umaga or tanghali, sa next earthquake drill halimbawa, gagawin natin iyan sa gabi kasi kung sa gabi halimbawa mangyari ang lindol, lahat kami kasama rin naman kami except with some personnel of the AFP, nasa bahay po tayong lahat.
So, it is also important that we do different scenarios and we will also incorporate for example a tsunami preparedness during NSED dahil may mga lugar na may banta rin ng tsunami in case magkaroon ng malaking lindol.
So, number one is NSED improvements, more scenarios that will be practiced by all agencies – both national and local government units plus the participants from the private sector.
Pangalawa, iyong kapasidad mismo ng pamahalaan, both in the national government and the local government units, binabantayan natin na lalo pang mas dumami iyong ating mga kasamahan that will be given the special skills especially for the collapsed structure rescue. So, marami naman ho tayo: Ang backbone namin will be, of course, the Armed Forces of the Philippines, meaning, Army, Navy, Air Force. Kasama rin namin ang PNP, Philippine Coast Guard and the BFP – sila iyong ating backbone – plus the volunteers from the local government units. Marami naman tayong sanay na, subali’t padadamihin pa natin sila upang sigurado tayo that once needed they are ready bilang paghahanda, including the equipment and, again, the communications capability.
And lastly, we are now leveling up public participation. We are already institutionalizing partnerships with the private sector. For example, we have formally signed agreements with the chamber of mines, the academic community such as UP and other educational institutions. And then, we are strengthening our partnership with the association of civil engineers of the Philippines – organizations like that so that the government will not be doing the management for disaster alone. Kailangan namin ang mas malawak at mas malalim na partisipasyon ng private sector. Because, again, I assure you, we assure you, based na rin ito sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na pagbutihin natin ang paghahanda subali’t kailangan din natin ang tulong ng private sector. And this is the norm worldwide – the government, private sector, civil society will have to work hand in hand with regard to huge incidents.
Thank you.
PCO ASEC. DE VERA: Maaari na pong magtanong ang ating mga kasamahan sa media. Racquel Bayan, Radyo Pilipinas.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Good morning po. To ma’am, to DPWH po. Kanina you mentioned, ongoing na po iyong retrofitting natin. Sa Metro Manila alone, ma’am, mayroon po ba tayong data kung ilang percent na po ng mga public infrastructure iyong na-retrofit at ilang percent pa po iyong tututukan natin?
DPWH USEC. CABRAL: Tuluy-tuloy naman po ang aming pag-a-assess ‘no. Hindi lang po iyong mga public infra, pati po iyong mga school buildings, mga public school buildings, including health facilities. So, as of today po, nakapag-assess na kami ng more than 21,000 public buildings, at marami rito ay irirekomenda namin for retrofitting. Pero mayroon na rin kaming natapos na retrofitting. Ang ibig lang sabihin ng retrofitting ay iakyat ang kaniyang standard para sa international earthquake standards, iyon po.
We can provide data ho, the actual numbers. But ang sinasabi po namin sa DPWH, tuluy-tuloy po ang programa, at hindi lang po iyong mga buildings kung hindi pati mga tulay. Importante po iyong mga tulay especially in Metro Manila kasi very important po ang National Capital Region to the economy.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Sorry, ma’am, how about sa nationwide level, ma’am?
DPWH USEC. CABRAL: Lahat po, may instruction na po ang aming regional directors. Ongoing naman po, hindi lang ngayon, hindi lang ho dahil may nangyari sa Myanmar kung hindi taun-taon naman po, kami ay may programa na lahat na ho ng tulay, national roads especially, national bridges ay dapat i-asses every year at tingnan ang kaniyang structural integrity para maiprograma natin kung kinakailangan iyang i-repair, i-rehabilitate o kailangan na niyang palitan o kailangang i-retrofit. So, mayroon po kami sa budget po namin ng programa para sa mga tulay.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: May we know, ma’am, kung how much po iyong budget?
DPWH USEC. CABRAL: Hindi ko maibigay ang actual amount ngayon but we can provide PCO with actual amount ng budget namin for this year, including those that were funded previously.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Then, ma’am, you mentioned earlier ay nagsasagawa po kayo ng assessment sa mga LRT and MRT, nasimulan na po ba or sisimulan pa lang?
DPWH USEC. CABRAL: Humingi po ng tulong ang LRTA sa DPWH kasi kami naman po ay nagbibigay ng technical assistance hindi lang po sa local government unit, pati sa ibang ahensiya kapag hinihingian po kami ng tulong para i-assess iyong kanilang mga public building, iyong kanilang mga buildings, iyong kanilang mga assets. So, nakapag-provide na po kami ng report sa LRT.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec. Cabral, i-follow-up ko lang po, nabanggit ninyo po kasi iyong MRT at LRT. Base doon sa initial assessment natin, kaya bang i-withstand ng MRT, LRT iyong 7.2 magnitude quake?
DPWH USEC. CABRAL: Kailangan po nating makipag-ugnayan sa DOTr, sila po iyong namamahala ng MRT at saka LRT. Pero kapag hiningian po nila kami ng tulong para tulungan ang mga inhinyero nila at i-assess iyong structural integrity ng mga infrastructure, including ports, airports, kami po naman ay handang tumulong. So, mayroon po silang sariling technical team, at minsan ay humihingi po sila sa amin, especially in the review of the plans at assessment ng kanilang mga infrastructure.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: May timeline ba tayo, Usec., kung kailan natin dapat na ilabas iyong assessment na iyon?
DPWH USEC. CABRAL: Actually po ay nakapagbigay na po kami sa kanila ng mga reports, sa LRT.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Kay OCD Administrator lang po, Nepomuceno. Nabanggit ninyo kanina, sir, nakipagpulong na kayo kay Pangulong Marcos. Any specific orders coming from the President?
OCD USEC. NEPOMUCENO: Instructions niya po iyon given to us specially. Pero kasi patuloy naman po ang pakikipag-ugnayan namin kay Pangulong Bongbong at sa Office of the President tuwing may mga kalamidad kagaya ng bagyo, lagi iyang may mga side instructions at lagi-lagi niyang binibilin that we have to prepare the country especially for the possibility of big calamities.
So, ang specific instructions niya lagi, number one, kapag nagkaroon ng malaking insidente, dapat tuluy-tuloy iyong pagtulong natin sa mga mamamayan bilang unang pagtugon kapag may mga kalamidad. Iyan, pinagbibilin niya iyan.
At pangalawa naman, lagi naming hanapan ng long-term solutions iyong mga hindi natin maiiwasan na kalamidad. Again, iyong long-term solutions, hindi iyan madaling gawin subali’t there’s a roadmap doon sa iba’t iba nating binabantayan. Halimbawa, kasi that time, although hindi iyon ang topic natin ngayon, Kanlaon, pinahanap niya kami diyan ng long-term solution. So, we are posed to submit that; ang deadline namin ay this week.
So, with regard to the preparations for earthquake, iyon nga, nabanggit naman iyan ng OP last week, through Atty. Claire, na iyong pagpapatibay ng ating mga istraktura, so tumutulong din ho kami diyan. So short-term solutions and long-term solutions po iyong binabanggit ni Pangulong Bongbong.
LUISA CABATO/INQUIRER.NET: Good morning po. For OCD: May direktiba po ba si President for the stricter approval ng mga building permits para masigurado na matibay ang mga itatayong structure? And may panawagan din po ba siya para masugpo iyong mga under the table na approval nito kung mayroon man?
OCD USEC. NEPOMUCENO: Kailangan po talaga iyong pagpapatibay ng mga istraktura. Hindi lang ho iyong mismong istraktura iyong dapat pagtibayin, ano ho. Kasi pinapaliwanag nga ho namin, halimbawa lang, iba-ibang level po iyan ‘no. Iyong duck, cover and hold na pinaliwanag namin, kahit magawa po natin iyan perpekto kung iyon namang istraktura ay mahina baka doon din kayo delikado sa istrakturang iyon dahil baka kayo ay maguhuan.
Pangalawa naman, kailangan matibay na istraktura, dapat kaya niyan ang 8.5 magnitude earthquake.
Subali’t, ang pangatlo, kailangang ang istraktura din naman ay nakatayo doon sa tamang lugar. Huwag dapat doon sa landslide-prone area or sa … tama, sa mga “no build” zones; huwag din doon sa liquefaction-prone area. Ngayon, may mga datos naman na available na, iyon ang magandang balita. Maganda naman iyon eh, puntahan lang natin iyong sa MGB ng DENR, mayroon tayo diyang hazardhunter.ph or dot Philippines. In fact, i-type ninyo diyan iyong address ninyo mismo, kayo mismo, malalaman ninyo kung gaano kayo kalayo, kalapit doon sa mga tinatawag na iba’t ibang hazards or iyong mga peligro. Hindi lang iyong bahay ninyo, halimbawa, magbabakasyon kayo, puwede ring tingnan ninyo upang makapagplano.
So, iyong tungkol naman sa pagpapatibay ng mga bahay, I think that was announced already by OP that it has—that the Palace has requested the LGUs to help us with regard to strengthening the structures within their jurisdictions.
PIER PASTOR/BILYONARYO: Sa OCD pa rin po. Hi, sir. Last time, nakapag-assign na po ng places kung saan magkikita-kita. Like for example, iyong Quezon City, sa Veterans po ba; tapos sa mga taga-Pasay, sa Villamor Airbase. Iyon pa din po ba?
OCD USEC. NEPOMUCENO: Tama po, pero ina-update po natin ngayon. Actually, ganito po ang magandang balita ‘no, although we focused on the three major improvements that I discussed earlier, ang maganda naman pong balita, iyong mga plano naman po ay nakalatag, iyong Oplan Yakal, Oplan Ligtas ng Armed Forces of the Philippines; and then may mga individual plans, halimbawa, again, iyong binanggit ko Army, Navy, Air Force – may mga individual tactical implementation plans lahat including ang BFP, ang Bureau of Fire.
Ang trabaho naman po namin sa NDRRMC is to make sure, and we already did that, pinagsama-sama na po iyan, ang tawag po iyong harmonization of all the tactical implementation plans of the different responding agencies – iyon naman po ang magandang balita. Ang natitira naman pong dapat gawin of course is to make sure that all these planes will be communicated well to the public so that the communities that might be affected if this happens ay alam po nila ang gagawin nila.
Anyway, the short answer is ina-update ngayon iyong mga plano na iyon – hinati kasi sa four quadrants ang Metro Manila, hindi lang po Metro Manila-NCR – Greater Metro Manila po kasi the ‘Big One’ is being prepared also for some towns in Bulacan and Laguna, so may mga iba-ibang lugar po hindi lang po Metro Manila.
TUESDAY NIU/DZBB: Good morning, to Usec. Nepomuceno, sir. Sir, nabanggit ninyo po kanina na bukod doon sa mga earthquake drills, mayroon kayong mga ginagawang hindi naman nakikita ng public like iyong communication, ‘ika ninyo, na capability for communication during earthquake – papaano po ito gagawin, sir? In what way at ano ang sistema o ano ang mga equipment na kailangan ninyo para diyan?
OCD USEC. NEPOMUCENO: Ang buong istorya po, actually iyong National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ay ginagawa po natin every quarter. Pero ang buong istorya po talaga even in between that three-month period lagi hong nagsasanay ang iba’t ibang ahensiya especially again the backbone of the response – ang AFP and other uniformed services.
So, doon sa partikular po na tanong po, ma’am, pagdating communications equipment natin or capability ay gumagamit kami ng redundancies – ibig sabihin, ang una nating magagamit of course iyong ating cellphone and the traditional landlines ‘no; subalit kapag iyan ay pumalya naman ay ready naman tayo sa ating satellite capabilities; at kapag iyon ay pumalya pa rin, ready naman po tayo doon sa ating usual the most dependable and reliable UHF and VHF radio systems.
So, magdi-deploy po tayo may redundancies iyan “napa-practice iyan” tuwing may mga iba tayong kalamidad kagaya ng bagyo pinapadala namin doon para napa-practice na rin iyong aming mga equipment. May mga mobile satellite equipment tayo na every now and then kapag may mga kalamidad ay dini-deploy ho natin iyan, mayroon ho tayong iba’t ibang mga equipment. Ang magandang balita po, all regions have this kind of capability. So, pagdating ho sa communications maganda po iyong paghahanda natin diyan.
TUESDAY NIU/DZBB: Okay. Another follow up, Usec., ang sabi ninyo kanina iyong ating mga paghahanda, mayroon tayong four quadrants sa Greater Metro Manila; of course, ang Metro Manila ay malaki ang damage na makikita natin – huwag naman sanang mangyari pa – pero sabi ninyo may mga makikita sa HazardHunter iyong mga places na ligtas at hindi. Pero dahil congested na po ang Metro Manila, papaano kung iyong mga lugar na iyan ay natayuan na ng building, mayroon ba tayong mga measures para iyong mga bahay diyan o building structures ay ngayon pa lang ay masabihan na kailangan nilang lumipat? So, ano po iyong mga plano para doon?
DPWH USEC. CABRAL: Tama po, ma’am. Unahin ko po muna iyong itatayo pa lang para malinawan natin. Iyong itatayo pa lang ang dapat talaga sundin na nito iyong strict provisions of the Building Code ‘no na matatag ito, sapat para kahit gaano kalakas ang lindol, hanggang 8.5 magnitude kayanin. So, iyong itatayo pa lang, iyon iyong hiningi ng tulong ng ating Office of the President na iyong mga LGUs natin ay nasa balikat po nila iyan primarily – tulungan tayo, masigurado na ang ibibigay nilang construction permits ay tama at iyong occupancy permits ay dapat tama rin – meaning, iyong plano ay ginawa, kasi iba po iyong plano, iba sa implementation. So, iyong mga itatayo pa lang dapat sigurado tayong tama po iyon.
Ngayon, iyong mga nakatayo naman na po ngayon, may mga engineering solutions naman po. Of course, hindi lang ang national government ang gagawa niyan ‘no. Ang engineering solutions na number one na available to everyone of course hindi po iyan libre and this has to be done professionally, meaning by engineers – iyong retrofitting po ng mga istruktura. Ang kayang gawin po ng national government and the LGUs of course iyong sarili naming mga istruktura halimbawa ang mga ospital—ang magandang balita naman po, kausap namin kahapon si Secretary Ted Herbosa ng Department of Health, mayroon silang Safe Hospitals Program na minodify po nila at in-upgrade naging Green and Safe Hospitals Program – ang ibig sabihin, pina-inspect na po nila iyong mga ospital nila kasi importante iyan ‘no at niri-retrofit na rin nila po iyong mga ospital nila.
So, sa parte po ng pamahalaan, iyong mga structures na pagmamay-ari po ng pamahalaan ay puwede naming unahin po iyon. At doon naman po sa private sector, makipag-ugnayan of course sila sa kanilang mga professional engineers to get the evaluation and the possible engineering solutions or retrofitting ibig sabihin, pagpapalakas ng istruktura po nila.
EDEN SANTOS/NET 25: Sa Phivolcs po muna, kailan po nagsimula na magbigay ng babala or impormasyon ang Phivolcs sa gobyerno at sa mga government agencies kaugnay po nitong The Big One, kung naaalala ninyo pa po?
PHIVOLCS DIR. BACOLCOL: Iyong The Big One was originally coined for the West Valley Fault, and I think we know about the presence of the West Valley Fault even before. Early 1990’s nag-perk up iyong interes ng mga tao about the West Valley Fault and after that we’ve been telling the people that this is capable of generating this magnitude 7.2 earthquake because that’s the length of the fault. Iyon, if I answered your question.
EDEN SANTOS/NET 25: So, mga 7 point something po iyong The Big One?
PHIVOLCS DIR. BACOLCOL: That’s right, magnitude 7.2.
EDEN SANTOS/NET 25: Nag-level up na po ba ito sa much higher na magnitude?
PHIVOLCS DIR. BACOLCOL: No, because the magnitude is based on the length of the fault and hindi naman nag-i-increase iyong length ng fault so that’s the maximum magnitude earthquake that can be generated by the West Valley Fault.
EDEN SANTOS/NET 25: Sa OCD po, kay Administrator Nepomuceno. Baka po kasi kayo alam ninyo kung magkano iyong budget na kailangan para po sa pagsiguro na matugunan natin sakali, huwag naman sana na magkaroon po ng The Big One, magkano po iyong kailangang budget para maging handa po ang bansa dito po sa The Big One na pinaghahandaan ng pamahalaan?
OCD USEC. NEPOMUCENO: Sorry po, wala po akong ganoong data. But ang puwede po nating i-assume, iyong iba’t ibang ahensiya po na mayroong responsibilidad na tumugon kaagad kagaya po again ng uniformed services meaning AFP, PNP, Coast Guard. May kaniya-kaniya naman po kaming MOOE na kasama po sa aming annual budget iyong pagresponde sa mga malalaking kalamidad at mayroon din pong budget naman po ang NDRRMC – mayroon tayong NDRRM fund na more less ay nasa 20 billion iyan kasi may continuing budget din na natira from last year, so nasa 20 billion po iyon na just in case kailanganin po nata-tap po namin iyan, pero iyon po ay budget that needs the approval of the Office of the President.
So, iyong mismong partikular para sa The Big One, wala naman pong ganoon na alam kami but different agencies we are capable of operating kapag kinakailangan po.
EDEN SANTOS/NET 25: So, kailangan pa po ba ng mas malaking budget para dito kung sakali po?
OCD USEC. NEPOMUCENO: Iko-consider po nating alamin, aaralin kung kailangan po ng particular for that. But again, going back with what we have sa GAA po natin, naka-integrate naman po iyong pagresponde po talaga ng iba’t ibang ahensiya para sa malalaking kalamidad, kasama po iyan.
EDEN SANTOS/NET 25: Follow up na lang po. Sabi ninyo po iyong long-term solution ay hindi po madaling gawin. Iyon po bang sinabi ng Phivolcs na 1990’s pa nag-start, nagbigay na sila ng babala, warning about sa The Big One, hindi pa po ba sapat na panahon iyon para sana nakapagbuo na tayo ng mga dapat na measures, gawin para po kung sakali, huwag naman sana, magkaroon po ng The Big One dito sa ating bansa?
OCD USEC. NEPOMUCENO: Actually, hindi po sa hindi madaling gawin – matagal lang po talagang gawin kasi napakaraming bahay at hindi naman po pagmamay-ari iyan ng pamahalaan.
So, if we will do things correctly starting today, matagal din po iyong proseso kasi it involves millions of houses that would need possibly retrofitting, evaluation; iyon pong tinatawag na structural integrity audit will take time. So, hindi po sa mahirap gawin, matagal lang po gawin talaga.
Ngayon, kung sinimulan na noong 90s iyong pag-aaral kasi about The Big One, iyong 2004 iyan, may mga ginawa na hong aksiyon, at least, sa parte po ng pamahalaan, kaya po nagkaroon tayo ng Oplan ‘Yakal’ bilang pagtugon dito sa posibilidad na malaking lindol. At ang Armed Forces of the Philippines at iba’t ibang ahensiya, gumawa rin po ng kaniya-kaniyang corresponding implementation plans to react just in case at hinarmonize (harmonized) ng NDRRMC at ina-update po natin ngayon iyan along with the help of the MMDA.
PCO ASEC. DE VERA: Thank you. Usec. Claire?
PCO USEC. CASTRO: Sana po ay natugunan namin ang inyong mga katanungan patungkol po sa ating paghahanda kung tatama man itong tinatawag nating the ‘Big One’. So, maraming salamat po kay OCD Administrator Ariel Nepomuceno, DPWH Usec. Maria Catalina Cabral at PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol. Salamat po. At handa na po tayong tumanggap ng inyong mga katanungan.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Usec., regarding po doon sa Senate probe on the arrest of former President Duterte na naka-schedule po bukas, nabanggit po ni ES na hindi lilitaw iyong ating mga opisyal bukas at sinabi naman ni Senator Marcos na iyong executive privilege daw po is not blanket, meaning hindi po nito saklaw lahat. At puwede naman daw pong kung sakali ay kada topic naman iyong puwede ninyong i-invoke iyong executive privilege, hindi iyong outright hindi sisipot ang ating mga opisyal. Ano po ang masasabi ng Malacañang doon?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Gusto lang po nating liwanagin iyong sinabi po ni Senator Imee Marcos, natanggap po niya ang letter, mula sa opisina po ni Executive Secretary noong March 31 ng gabi, so as of March 31 ng ating press briefing ay wala pa pong nagiging desisyon patungkol po dito. So, iyan po ay liliwanagin lamang po natin, pero iyon nga, sabi po ni Senator Imee Marcos, natanggap po niya iyong letter ng gabi na po ng March 31.
At ayon nga po sa napagdesisyunan, alam na po ng mga cabinet members, mga cabinet officials natin na sapat na po, sa kanilang pananaw ay sapat na po ang kanilang mga nasabi, naibigay na facts, mga data sa naunang hearing ni Senator Imee Marcos. At iyon po, sa tingin po namin ay sapat na po considering the fact na nagkaroon na rin siya ng kaniyang preliminary findings.
So, iyon po at hindi po natin masasabi na hindi naman po tinugunan ang mga katanungan kung ito po ay in aid of legislation. So, malamang po ay sapat na po ang mga nasabi ng ating mga cabinet officials para makagawa na po siya ng kaniyang batas patungkol po dito.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Sabi ni Senator, it would have been an opportunity daw po sana sa administration to prove na walang tinatago ang inyong administrasyon hinggil sa pag-aresto.
PCO USEC. CASTRO: Wala naman pong tinago, dahil sapat na po iyong napakahabang oras noong unang hearing para po masabi ang dapat na masabi po ng ating mga cabinet officials patungkol po doon sa pag-surrender kay dating Pangulong Duterte sa ICC.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: and she said, she would ask for reconsideration, so obviously—Will there be a change in the stance of Malacañang with regard to this and looking forward, magiging ganito na po ba iyong magiging patakaran kapag may mga hearing na may kinalaman sa administrasyon?
PCO USEC. CASTRO: Tingnan po natin kung ano po ang mangyayari; kung siya po ay nag-a-ask ng reconsideration, wala pa pong tugon dito si ES Bersamin.
ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good morning. Reaksiyon lang po ng Malacañang sa naging pahayag po AFP Chief of Staff General Romeo Brawner na pinaghahanda po niya ang mga sundalo, especially po iyong Northern Luzon Command kung sakaling may sumakop po sa Taiwan dahil posibleng maapektuhan po ang Pilipinas. Kasalukuyang nagsasagawa ng military exercise ang China sa may bahagi po ng Taipei.
PCO USEC. CASTRO: Opo, napakinggan po natin at nabasa rin po natin ang statements po ni AFP Chief Romeo Brawner at sa aming pagtanto ay hindi naman po dapat mabahala ang taumbayan patungkol po dito. Tama lamang po na magkaroon po siya ng reminder sa buong troops, pati na rin po sa taumbayan na we should always be prepared in all contingencies, iyon lamang po.
At kung may mga detalye pa po patungkol dito ay hahayaan na lamang po natin si Secretary Teodoro at saka si AFP Chief Romeo Brawner ang sumagot po diyan.
ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: Sa panig po ng Palasyo, pinag-uusapan na po ba ang mga posibleng scenario lalo na at may mga Filipino rin sa Taiwan?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Muli po, ang anuman pong detalye patungkol dito ay manggagaling po sa ating Defense Secretary at saka po kay AFP Chief Brawner.
ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: also, Usec., ano po ang plano ng ating pamahalaan para sa 250,000 na mga kababayan natin na nasa Taiwan, lalo na sa usaping posibleng repatriation?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Sa mga ganiyang contingencies, kung magaganap po, kung magaganap lagi po tayong handa. Katulad po ng sinabi ni AFP Romeo Brawner, lagi tayo dapat handa sa anumang contingency. Kung mangyari man po iyan, hindi po tayo dapat magtulog-tulog sa ating posisyon at sa trabaho, lagi po tayong handa. Pero again, ang detalye pong iyan ay ibibigay po natin sa ating Defense Secretary at kay AFP Chief Brawner.
ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: Lastly na po, Usec. Amidst this development, ano ang mensahe ng pamahalaan sa ating mga kababayan sa Taiwan at sa taumbayan? Thank you.
PCO USEC. CASTRO: Stay put. Basta po tandaan po nila, ang gobyerno po ay handang tumulong sa anumang oras para sa kanila.
MARICAR SARGAN/BRIGADA FM: Good morning po, Usec. Naglabas po ng travel advisory kahapon ang Chinese Embassy sa mga citizens po nila dito sa Pilipinas o iyong mga nagbabalak pong pumunta dito sa bansa to conduct daw po a thorough risk assessment because aside sa binanggit nila na nagkakaroon ng increased political gatherings, they also cite na iyong frequent incidents of harassment and inspection daw po sa mga Chinese citizens and businesses by our law enforcement agencies. Nakikita po ba ng Palasyo na magkakaroon po ito ng blow sa ating tourism, and nakikita rin po ba ng Palasyo na may kaugnayan po ito sa recently na pagbisita po ni US Defense Secretary Hegseth?
PCO USEC. CASTRO: Ang kanilang mga travel advisory ay it’s just a normal consular function of China. At we can assure China na hindi na po tayo nagta-target ng particular nationality or particular national na para i-harass. Tandaan po natin, lahat po dito ay welcome, except po of course kapag gumagawa po ng krimen. I-implement po natin kung ano po ang batas. Malamang po nasasabi po nila ito dahil sa ating pagpapatupad dito sa POGO na dapat ay mawala na sa atin, at karamihan po dito ay mga Chinese nationals. So, malamang po ay isa ito sa nagiging isyu po. Pero muli, ang DFA ay open po for discussion regarding this at i-assure nating muli ang China na wala po tayong tina-target na particular national.
CLEIZL PARDILLA/PTV 4: Good morning po, Usec. Usec., how is the government reaching out and extending help assistance to Filipinos detained in Qatar for unauthorized political protest? May mga na-release na raw po na minors, but their parents are still detained, may mga kamag-anak po ba sila roon?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Okay. Ayon po kay Secretary Hans Cacdac, patuloy pa rin po ang ating pakikipagtulungan sa ating mga kababayan sa Qatar at mayroon po talaga na mga minors, mga bata, pero as of the moment, itong mga bata daw po na ito ay hiniling po ng ating embahada na kung ating maaaring maalagaan. Pero iyong ibang mga parents po ay iniwan daw po ang ibang mga bata sa kanilang napagkakatiwalaang mga kaibigan sa nasabing bansa. Pero—Umasa po ang mga kababayan natin, kahit po iyong mga kamag-anak nila dito na nasa Pilipinas, hindi po titigil ang ating pamahalaan na tumulong sa mga detained dito sa Qatar na mga kapwa nating Pilipino.
PCO ASEC. DE VERA: Ivan Mayrina, GMA7.
IVAN MAYRINA/GMA7: Usec., the Trade Union Congress of the Philippines is appealing to the President to push for the urgent passage of the legislated wage hike 200 pesos, citing the dire living conditions of workers. Is this something that the President has already considered and is discussing with his cabinet?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Actually, ang direktiba lamang po ng ating Pangulo ay sundin po kung ano iyong nasa Labor Code at nagbigay narin po siya ng kautusan na i-review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang mga salary or wages ng ating mga kababayan sa bawat rehiyon. At sa kasalukuyan po, nagkaroon na po ng pagri-review sa labing-anim na rehiyon at may mga rehiyon na rin po na nagtaas ng mga suweldo. Ibibigay ko na lamang po sa inyo ang mga detalye kapag nasa akin na po ang kopya, so iyon po iyong pinaka-good news po natin sa ibang mga kababayan po natin.
At sa ganito po kasing pagtataas ng suweldo po, kinakailangan din po natin kasing madinig lahat – ang employers, employees para po mabigay po natin ang mga mas maganda at rasonableng suweldo po para sa kababayan natin.
IVAN MAYRINA/GMA7: So, wage boards pa rin po? As to the legislated hike, the President is not keen on pushing for that?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Iyan po ay nasa—ngayon po ay pending po, kung hindi ako nagkakamali, sa Kongreso. So, hintayin na lamang po natin kung mayroon po silang magiging resulta sa kanilang gagawin po na legislation.
IVAN MAYRINA/GMA7: So, iyong forthcoming na isi-certify as urgent ng Pangulo, ito ay hindi pa po natin nakikita?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Wala pa po, as of the moment po ha, wala po sa akin pang naibibigay kung anumang direktiba patungkol po diyan. Pero minadali po kaagad ni Pangulo, ang direktiba po dito sa ating RTWPB.
IVAN MAYRINA/GMA7: Thank you.
PCO ASEC. DE VERA: Usec., we have one follow-up question from Alexis Romero, Philippine Star.
ALEXIS ROMERO/ PHILIPPINE STAR: So, Usec., given the directive of the President to review the wages from the wage board, so it means that, the President prefers the wage board as a mechanism for the adjustment, rather than congress, tama po ba iyon?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Kasi po, ang saklaw po ng ating Pangulo, ay of course, iyong nasa ehekutibo. Mas madali po kasing magbigay agad direktiba para po sa taumbayan kung ano po iyong makaka-ginhawa sa ating mga kababayan. Sa kongreso po, ito po ay kumbaga—sa congress po natin inilalaan ang trabaho pong ito.
ALEXIS ROMERO/ PHILIPPINE STAR: But in terms of preference, what the President refers?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Kung ano po ang makakabuti sa taumbayan.
ALEXIS ROMERO/ PHILIPPINE STAR: Wage board?
PCO USEC. ATTY CASTRO: Kasi, mas madali po kasi silang mapakiusapan, mabigyan ng direktiba, kasi mas paganoon po, mas madali po nating maibibigay ang benepisyo sa ating mga kababayan.
ALEXIS ROMERO/ PHILIPPINE STAR: Okay, salamat po.
PCO ASEC. DE VERA: Usec. Claire?
PCO USEC. ATTY CASTRO: At dito po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat Malacañang Press Corp. at magandang tanghali para sa bagong Pilipinas.
###