PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa mga magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa Bagong Pilipinas.
Kanina ay nakipagpulong si Pangulong Marcos Jr. kay Qatari Ambassador to the Philippines Al-Homidi. Sinabi ng Qatari Ambassador na pinalaya na ang 17 na inaresto sa Qatar at dinismis [dismissed] na rin ang mga kaso laban sa kanila.
Ayon kay Ambassador Al-Homidi, ito raw ang reflection ng maganda at matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa. Ang pagpapalaya ay bunsod ng utos ng Pangulong Marcos sa DMW na tulungang makalaya ang labimpito. Isa po itong good news!
Tuluy-tuloy ang programa ng pamahalaan sa pagbibigay ng dekalidad na benepisyo at trabaho sa taumbayan na pinangungunahan ni Pangulong Marcos Jr. Itong nakaraang linggo ay umikot sa probinsiya ng Rizal ang Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan para sa Bagong Pilipinas, dito ay available ang serbisyong medikal kagaya ng libreng konsultasyon, gamot at bakuna. May job fair din para sa mga beneficiaries ng 4Ps program kung saan ay posible ang on the spot hiring.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: At dagdag pa na good news: Bumaba ang headline inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Marso sa 1.8% mula 2.1% noong Pebrero. Ito ang pinakamababang headline inflation rate na naitala sa bansa simula May 2020.
Ang pagbaba ng inflation rate ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages. Bumaba ang food inflation kasunod ng mabilis na pagbaba ng presyo ng bigas na nasa 7.7% nitong Marso mula 4.9% noong Pebrero.
Ayon sa National Economic and Development Authority, ang patuloy na pagbaba ng inflation ay indikasyon na epektibo ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para ma-stabilize ang presyo ng bilihin at maproteksiyunan ang purchasing power ng mga Pilipino. Sa unang tatlong buwan ng taon, nasa 2.2% ang naitalang average inflation rate.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: At ito po ang mga good news natin sa araw na ito. Maaari na po tayong tumanggap ng mga katanungan.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Good morning po, Usec. Last week po, Friday lang po nang in-announce ni DMW Secretary na provisionally release lang po, and then in a span of three days, biglang ito, ina-announce ninyo na po na dismissed na po iyong kaso. Can you expound on that?
PCO USEC. CASTRO: Yes, iyan po ang magandang balita natin. Nakikita po natin kung gaano po ba kabilis magtrabaho ang ating Pangulo, kaya parang ito po ay taliwas sa mga bintang ng iba na walang nangyayari sa ating bansa. Ito po ay talagang tinutukan po ng ating Pangulo para po mabigyan po ng tulong ang 17 na kababayan natin dito sa Qatar, at ito nga po ang naging resulta na na-dismiss na po ang kaso at napalaya po sila.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Usec., alam na po kaya ng pamilya ng 17 na OFWs?
PCO USEC. CASTRO: Kanina lang po kasi nagkaroon ng pag-uusap at ito po ay naging pinal na po kaya ito po ay naibigay nating good news sa kanila. Malamang po kung sila po ay nanunood ngayon ng press briefing ay malamang lumulundag na sila sa katuwaan.
HARLEY VALBUENA/PEOPLE’S TELEVISION: Hi! Good morning, Usec. Regarding pa rin po doon sa 17 na Filipinos in Qatar. So, ma’am, does that mean na they can go back to their normal lives? Puwedeng magtrabaho ulit sila sa Qatar or if they choose to, they can return to the Philippines?
PCO USEC. CASTRO: Opo, sinabi naman po na sila po ay napalaya na at maaari po silang magtrabaho. Choice na po nila po kung ano po iyong gusto nila.
HARLEY VALBUENA/PEOPLE’S TELEVISION: Ma’am, another issue. The DILG earlier presented to the public iyong arrested Russian-American vlogger who harassed security guards. So, ma’am, does that mean that that will serve as a warning not just for foreign social media creators but for foreigners in general that if they play around with our laws, then they will be presented to the public and they will be meted with respective charges? Because, ma’am, sabi po ng DILG, hindi raw idi-deport and instead, he will be prosecuted here in the Philippines.
PCO USEC. CASTRO: Iyan po ay nagpapatunay lamang po na tayo po ay hindi nagbibiro; kung dapat may managot ay dapat panagutin. Hindi lamang po ito ang una malamang na mangyayari dahil nabalita na rin po na iyong mga fake news peddlers ay nakasuhan na po, sinampahan na po ng kaso – at mukhang iyon po iyong first batch. So, aalamin pa po natin kung may makakasuhan pa po na mga fake news peddlers.
PCO ASEC. DE VERA: Related to this question, Pia Gutierrez, ABS-CBN.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, regarding doon sa 17 Filipino nationals. Nabanggit po kasi last week ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac that the reason the 17 Filipinos were provisionally released was because wala pong kaso na nasampa sa kanila during the time that they were detained. May we know ano po iyong kaso na na-dismiss at kailan po ito na-charge?
PCO USEC. CASTRO: Sa atin pong pagkakaalam, ito iyong illegal assembly. So, dahil nga po sa pakikipag-usap ng ating Pangulo sa gobyerno po ng Qatar sa pamamagitan po ni Qatari Ambassador, napagbigyan po tayo na ang ating kapuwa Pilipino na nahuli o na-detain ay makalaya po at hindi na po masampahan ng kaso po.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So, tama po, the President himself made a direct appeal to the Qatari government, when was that made po?
PCO USEC. CASTRO: Sa ating pagkakaalam ay kanina po nagkaroon ng pag-uusap.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Prior to the release?
PCO USEC. CASTRO: Kanina po ay nagkaroon po ng pag-uusap at nagkaroon na po ng sinabi na magkakaroon … ito nga po iyong good news. Kung ano po iyong timeline, kung kailan sila nag-usap ay hindi po sa akin naibigay iyong pinaka-detail.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good morning. Reaction lang from the Palace. Kasi sinabi sa interview ni Ambassador Romualdez na ang pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea ang dahilan kaya bibili tayo ng mga fighter jets sa US. Pero taliwas po ito sa sinabi ni Executive Secretary Bersamin na wala po tayong tina-target na bansa.
PCO USEC. CASTRO: Ang AFP Modernization naman po ay noon pa po. Wala pa naman pong isyu sa anumang bansa, at ang pagmo-modernize po natin ng ating militar ay naaayon lamang po. Nataon lamang po at hindi nagta-target ng anumang bansa. Nagkataon lang po siguro na may mga issues po tayo na kinakaharap, at opinyon po iyan ni Ambassador. At sabi nga po natin, iyon po iyong katotohanan, talaga naman po tayo ay mayroong kinakaharap na issues. Pero iyong pag-modernize po, ito po ay naaayon naman sa batas.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Sa ibang topic, Usec., reaction din from the Palace. According to AFP Chief Romeo Brawner na they are looking at acquiring more missile system to complete the integration of their air and missile defense alongside purchasing warships and multi-role fighter jets to build a strong and reliable deterrent force. How likely po na aprubahan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. since plano po naman ito ng AFP? Kumpiyansa din po ba ang Malacañang na bago bumaba sa puwesto si Presidente ay magiging credible and reliable na po ang defense posture ng Pilipinas?
PCO USEC. CASTRO: Opo, gusto po talaga natin na hangga’t maaari ay mabili po natin ang kinakailangan natin for the AFP modernization. At ngayon po ay gusto po nila ay makumpleto itong AFP Horizon 3; at depende po iyan of course sa budget po natin kung ito din po naman ay maaayunan ng Kongreso.
So, lahat po iyan ay nanaisin po talaga ng ating Pangulo na magampanan po ang mga pangakong ito.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: So, puwede po bang sabihin ng Malacañang na magiging credible and reliable ang defense posture ng Pilipinas bago po bumaba si Presidente sa puwesto?
PCO USEC. CASTRO: Iyan po ang naisin ng Pangulo, iyan po ang naisin ng lahat. At gagawin po lahat ng paraan, pagkakataon, lahat ng kakayanin, kung may mga budget po tayong kakailanganin – iyan po ay gagawin ng ating Pangulo.
IVAN MAYRINA/GMA INTERGRATED NEWS: Usec., good morning. Does the Philippine government consider the arrest of Pinoys for suspicion of espionage as an escalation of tension between the Philippines and China specially since the NSA believes this is merely a retaliation of the Chinese side over the arrest of their nationals for the same suspicion; at kung mayroon po bang specific instructions ang Pangulo kung paano natin iha-handle ang kasong ito?
PCO USEC. CASTRO: We believe that is just the part of the initial investigation. There is no concrete evidence yet if it is really retaliation or a part of retaliation of the other country. We will not say that because there is no final investigation on that matter. But there is still ongoing investigation on that and we will just defer all the details to DFA and to DND.
IVAN MAYRINA/GMA INTERGRATED NEWS: Any specific instructions from the President? Have you taken this up with him?
PCO USEC. CASTRO: Yes. There is always an instruction to help our Filipino citizens abroad facing this kind of charges. Legal assistance will always be given. All the necessary help and assistance will be provided.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, nabanggit po ni Senate President Chiz Escudero that there will be government officials who will be attending iyong next hearing ng Senate on the arrest of former President Duterte. Sinu-sino po ang mga ito, and does this mean na nagbago na iyong stand ng Palasyo pagdating sa pagdalo ng mga opisyal sa senate investigation?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po ay according po sa office po ni ES as we speak, hindi pa po ako nabibigyan ng anumang detail kung nakatanggap na po sila ng invitation. Dapat sa invitation nakalagay po sana kung sino iyong mga tao na iimbitahan. Pero nagbigay na po ng listahan ang Office of the Executive Secretary iyong maaaring dumalo po sa nasabing hearing. Nakalista po rito si Secretary Jesus Crispin Remulla ng DOJ; Prosecutor General Richard Anthony Fadullon; and Chief State Counsel Dennis Arvin Chan; nilagay din po namin sa listahan si Department of Foreign Affairs Secretary Enrique A. Manalo; Philippines Center on Transnational Crime Executive Director Alcantara; PNP General Rommel Francisco Marbil; and General Nicolas Torre; from DMW, si Secretary Hans Cacdac; kasama rin po si Special Envoy Markus Lacanilao; and from the SEC, Atty. RJ Bernal and Atty. Ferdinand [inaudible] Santiago.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ma’am, what led the Palace to reconsider?
PCO USEC. CASTRO: Kung nagkausap man po sila ni Senate President Chiz Escudero, binigyan din po natin ng pagrespeto ang kaniyang hiling kaya provided of course ito ay hindi naman din tatalakay sa executive privilege na mga issues.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero to be clear, ma’am, these officials can still invoke executive privilege during the question and answer?
PCO USEC. CASTRO: Opo.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Thank you po.
MARICAR SARGAN/BRIGADA: Good morning po, Usec. Mahingi lang po namin iyong reaksiyon ng Palace regarding sa sinabi po ni Senator Bato dela Rosa noong nakaraan na it is moral obligation daw po ng Senate Committee on Foreign Relations to share their findings with US President Donald Trump para raw iyong owner ng chartered jet na ginamit para ihatid si dating Pangulong Duterte sa The Hague ay mapanagot regarding po ito doon sa EO na inilabas po ni Trump February 2025 to sanction iyong ICC. Ano po ang reaction dito ng Palace?
PCO USEC. CASTRO: Of course, nakita po natin, nabasa po ang executive order at tiningnan po natin ang definition ng ally/ally of the United States, sinasabi po dito na ang ally na term na ginamit po dito sa executive order ni President Trump, una, the government of a member country of the North Atlantic Treaty Organization (NATO); and a government of major non-NATO ally; as the term is defined by Section 2013 Paragraph 7 of the American Service Members Protection Act of 2002.
Noong tiningnan po natin ang definition, ang lumalabas dito sa Paragraph 3 ay parang na-enumerate po ang mga bansang Australia, Egypt, Israel, Japan, Jordan, Argentina and the Republic of Korea and New Zealand or Taiwan. Pero noong tiningnan po natin ang Paragraph 7 lumalabas po dito that the term non-NATO ally means a country that has been so designated in accordance with Section 517 of the Foreign Assistance Act of 1961.
So, nakita po rin natin na ang bansang Pilipinas ay itinuring at na-designate po na major non-NATO ally. So, lumalabas po na parte po tayo sa nababanggit po na executive order pero maliwanag din po sa sinabing executive order na dito po sa bandang—sa akin po ay page 9, okay, and I quote, “The United States remains committed to the accountability and to the peaceful cultivation of international order at the ICC. And the parties to the Rome Statute must expect the decisions of the United States and other countries not to subject their personnel to the ICC’s jurisdiction consistent with their respective sovereign prerogatives.”
So, ibig sabihin po nito ay ginagalang naman po ng bansang Amerika sa pamamagitan ng executive order na ito kung anuman po ang prerogatibo or prerogatives ng bansa na miyembro po ng ally, na tinatawag na ally ng US. So, kung anuman ang naging prerogative ng bansa natin, ito naman po ay igagalang ng bansang US.
MARICAR SARGAN/BRIGADA NEWS FM: Regarding po doon sa sinabi ni Senator Bato, the EO that was signed by US president last February 6 imposing sanction doon sa mga ari-arian kasi ang parang gusto po ni Senator Bato na kung sino daw po iyong may-ari ng chartered plane na ginamit, kung may ari-arian man daw sa US is mapanagot?
PCO USEC. CASTRO: Kaya nga po, kaya ko binasa itong provision na ito at nilalaman ng executive order, kasi iginagalang po ng bansang US kung ano iyong prerogative ng bansa. Kung ang bansa po natin at ang pamahalaan natin ay nagkaroon ng pagdidesisyon ayon sa ating RA9851 at sa pakikipag-cooperate sa Interpol, iyon naman po ay hindi naman po hahadlangan ng US at irirespeto po nila iyong sovereign prerogatives ng bansa. So, wala po akong nakikita na maaaring maging dahilan ni Senator Bato para siya ay tumakbo sa US para humingi ng tulong para ma-freeze iyong asset ng may-ari ng aircraft.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Good morning, ma’am. Itatanong lang po namin kung mayroon na pong initial update iyong administration kung ano iyong magiging sectors na affected ng reciprocal tariff from the US?
PCO USEC. CASTRO: Okay, ganito po ah, ipagpapaliban ko po muna iyong detalye patungkol diyan, dahil alam ko po ay mayroon pong aksiyong gagawin na papabor naman po sa ating bansa. Pero hindi ko po muna maibibigay iyong detalye hangga’t hindi pa po nagiging final ang mga pag-uusap patungkol dito – pansamantala po.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Pero iyong initiative po na iyon, will be led by President Marcos or the economic managers po?
PCO USEC. CASTRO: Ibibigay ko po iyong detalye, kasi alam ko po ay maganda naman po ang magiging aksiyon dito, hindi ko lang po masasabi iyong detalye. Hangga’t wala pa pong nagaganap na aksiyon, kasi mayroon na po kasing mga plano, pero saka ko po ibibigay sa iyong ang mga detalye kapag po naging final na po iyong plans.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: On another question po ulit. Do you agree that the Philippines imposes 34% tariff on US goods? Ito po kasi iyong naging basis ng US doon sa pag-impose nung 17% discounted tariff raw, iyong sabi nila 34% raw iyong in-impose natin doon sa mga US goods. Does Philippines agree doon sa computation ng 17% tariff na in-impose natin?
PCO USEC. CASTRO: Iyon po ay kasama po sa pag-aaralan, at muli sasabihin ko po sa inyo iyong detalye kung ano po iyong maaaring maging aksiyon dito ng Pilipinas. Mayroon po kasi, ang pamahalaan natin sa pamumuno po ng ating Pangulo ay mayroon po talagang plano for this.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Last na lang po for my part. May na-mention rin po ba na ang Philippines, makikipag-cooperate with other ASEAN countries for a joint response doon sa reciprocal tariff.
PCO USEC. CASTRO: Ibibigay ko po iyong detalye kapag mayroon na pong naganap na pagpupulong, kung mayroon man.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: But, Usec., can you confirm reports na nag-meeting po iyong Pilipinas with four other ASEAN countries with regard to this; at least that, mayroon ba tayong naging pagpupulong with regard to the tariff?
PCO USEC. CASTRO: Muli, gustuhin ko man pong sagutin iyan at kung anuman po iyong aking nalalaman, hindi ko pa po puwedeng masabi ang detalye, hangga’t hindi pa po sa akin ibinibigay kung anuman po ang magiging resulta sa anumang pagpupulong. Kapag po naganap na po ito, ibibigay ko po sa inyo.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Usec., kukuha lang po kami ng reaksiyon kaugnay doon po sa pagtaas ng retail compliance o iyong bilang po ng mga nagbibenta ng baboy na sumusunod doon sa itinakdang MSRP ng pamahalaan?
PCO USEC. CASTRO: Good news po iyan kung sumusunod po talaga sila sa request ng ating administrasyon, ng pamahalaan, sa pamumuno rin po ni Secretary Laurel ay napakalaking bagay po iyan. Kasi tandaan po natin, noong una ko po itong inulat ay siya po mismo ang nakipag-usap sa mga supplier po, lalo na po ng pork para po mapababa ang presyo. At maganda naman po na senyales iyan na sumunod po ang mga suppliers at iyong mga nagbibenta po sa market.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Ano pa kaya ang gagawing aksyon ng pamahalaan para mapataas po iyong supply ng baboy sa bansa sa gitna po ng mga panawagan na sana daw po mas mag-focus sa repopulation ng baboy more than sa pag-i-import po?
PCO USEC. CASTRO: Actually, ngayon po ay isinasagawa na rin po ang pagbabakuna po sa mga baboy para po maiwasan po iyong pagkakasakit nila at hindi tayo masyadong mabawasan ng supply. At maliban pa po diyan ay nagkaroon na rin po, ang DA, po ay in-announce po ang pag-overhaul ng tatlong dekada ná na MAV o iyong minimum access volume system for pork imports para po makakuha pa rin po tayo ng mas mababang presyo kung mag-i-import man tayo ng baboy.
PCO ASEC. DE VERA: Thank you very much, Usec. Claire.
PCO USEC. CASTRO: Dito po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.
###