PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw.
Simulan natin sa mga magagandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas:
Sa ating unang good news. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na makapagbigay ng mahusay at mahasang serbisyo, inaprubahan ng Department of Budget and Management ang dagdag na 1,200 na karagdagang posisyon sa Philippine General Hospital. Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng UP-PGH na palakasin ang organizational at manpower capacity ng hospital upang higit na makapagbigay ng dekalidad na healthcare services sa mga pasyente nito lalo na sa mga Pilipinong higit na nangangailangan.
[VTR]
Inaasahang makakatulong sa pagpapalakas ng turismo ang pagpasok ng Canadian airline sa bansa. Ayon sa Department of Tourism, ang hakbang na ito ay makakatulong para palaguin pa lalo ang magandang cultural connection ng dalawang bansa habang tumutulong na palakasin ang ekonomiya ng dalawang bansa.
[VTR]
At para sa ating panghuling good news sa araw na ito, kahapon ay pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang pagsira sa 3.25 bilyong pisong halaga ng mga electronic vape at accessories na nakumpiska ng Bureau of Customs bilang babala sa publiko laban sa smuggling. Upang matiyak ang tuluy-tuloy na tagumpay ng mga operasyon laban sa iligal na kalakalan, ipinatutupad ng BOC ang isang multi-pronged approach na kinabibilangan ng pinalakas na lokal at internasyonal na cooperation sa mga ahensiyang nagpapatupad ng batas, masusing pangangalap ng impormasyon, regular na pagbisita sa mga lugar ng operasyon at mas mahigit na mga hakbang sa kontrol sa pantalan.
[VTR]
Maaari na po tayong tumanggap ng mga katanungan mula sa inyo.
CLEIZL PARDILLA/PTV4: Good morning po, Usec. Usec., how does the government view the impact of additional manpower at the Philippine General Hospital on improving medical services lalo na po sa mabilis na pag-a-attend sa mga pasyente po?
PCO USEC. CASTRO: Alam naman po natin na napakarami pong mga Pilipino ang talagang pumupunta sa PGH dahil po ito’y nakakapagbigay ng magandang serbisyo at maaari pong napakaliit ng kanilang babayaran kapag po sila ay pumunta sa PGH. Kaya po minabuti po, at sa direktiba na po ng ating Pangulo, si Pangulong Marcos Jr., na madagdagan pa po ang maaaring maging manpower, ang maaaring magsilbi sa nasabing ospital para mas marami pa pong Pilipino ang mabibigyan ng magandang serbisyo.
LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Usec. Kanina po ay nagkaroon ng explosive eruption ang Bulkang Kanlaon, alam naman natin na dati pang nakatutok iyong concerned agencies dito pero may karagdagang direktiba po ba si Pangulong Marcos?
PCO USEC. CASTRO: Ngayon po, patuloy pa rin po ang pagbibigay ng serbisyo, ayon na rin sa direktiba ng ating Pangulo. Ang DSWD po, sa ngayon po ha, ngayong April 8 ay sinabi po na ang field offices po sa Western and Central Visayas ay closely coordinating po sa mga affected local government units at patuloy pa rin po ang pagbibigay ng mga provisions of family food packs and non-food items sa ating mga kababayan na naaapektuhan. At sa ngayon po, Level 3 pa rin po ayon po sa PHIVOLCS, ang alert po so nandoon pa rin po ang panawagan ng mga LGUs na huwag po pasukin iyong six-kilometer radius danger zone.
LETH NARCISO/DZRH: Ang LGU po ay humingi sa Malacañang ng additional funding para matulungan iyong mga apektadong residente, ano po ang tugon ng Palasyo dito?
PCO USEC. CASTRO: Kung kinakailangan po, ito po’y titingnan po, titingnan pong mabuti kung ano po ang pangangailangan ng mga LGUs at agad-agad pong bibigyan po ito ng tulong.
CLEIZL PARDILLA/PTV4: Ma’am, the emergency cell broadcast system was created to warn public during calamities. What is the government’s stand on reports that some candidates are using this system for political campaigning po?
PCO USEC. CASTRO: Huwag po sanang abusuhin itong emergency cell broadcast system dahil ito po, kapag sinabi pong emergency ay dapat pang-emergency lamang po. Hindi po ito dapat inaabuso ng sinuman para sa pansariling kapakanan, okay. Nagkaroon na rin po ng pag-iimbestiga ang DICT at ang NTC patungkol po dito at sinuman po na mapapatunayang nagkaroon ng paglabag sa batas ay sasampahan po ng kaso.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., good morning po. Just going back doon sa—now that we have a direct flight from Vancouver, Canada to Manila, anong positive effects sa tourism industry, as well sa ating economy iyong latest development tungkol diyan? And do we expect a much higher tourist arrival for this year compared to the previous years?
PCO USEC. CASTRO: Mas maganda po talaga kung tayo po’y magbibiyahe sa napakalayong bansa, talaga pong mas nanaisin po natin ang direct flight. At dahil dito, mas marami pong turista mula sa nasabing bansa ang maaari nating i-expect na makarating sa Pilipinas dahil sa napakagandang pagkakataong ito na magkakaroon na po ng Canadian airlines na diretsong pupunta sa Pilipinas at tayo din po ay diretso papuntang Canada. So, maganda po ito para sa ekonomiya ng dalawang bansa.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Kanina, Usec., may napakinggan ako sa balita. Magpu-put up na rin ng Kadiwa ng Pangulo sa mga pabahay project ng administration. Initially sa Rizal, San Jose Del Monte, Bulacan. Definitely this is also a good news, may plano ba na in the future ipakalat natin iyong Kadiwa sa iba’t ibang mga siyudad para mas madali iyong access?
PCO USEC. CASTRO: Mas maganda po talaga iyan at sa abot ng makakaya po ng administrasyong Marcos, iyan po ay gagawin po natin para po mas maraming maabot na Pilipino at para mas makatulong pa sa mas nakakarami.
BETHEENA UNITE/MANILA BULLETIN: Good morning po, Usec. Is Malacañang aware po doon sa massive dredging operations sa Cagayan River which has caused a decline in fish catch in the province na po and Pamalakaya is actually blaming former President Duterte for his policy to back China-led dredging operations during his time? Ano po iyong stand po ng Palace and kung may action po ba ang government to address this?
PCO USEC. CASTRO: Okay, base po sa DENR Regional Executive Director sa Cagayan Region, itong dredging po na ito ay napahinto na po. Okay, at sinasabi rin po dito ay hindi naman na po—wala na pong operations sa ngayon. At according to the statement, and I quote, “The private sector that engaged had been stopped operation or had stopped operations in 2023 pa po,” okay, “allegedly due to poor market condition of the dredged materials.” So, iyon po, matagal na po itong ipinahinto at matagal na po itong walang activity sa nasabing lugar about dredging po.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: Good morning po, Usec. Usec., recently po ay nagkaroon ng dangerous maneuvers ulit iyong China Coast Guard sa Philippine Coast Guard vessels sa waters ng Zambales two days ago or a day ago. Sabi po ay nagkaroon pa ng near collision iyong China Coast Guard ship sa Philippine vessel. So, how does Malacañang view this increasing activities ulit sa West Philippine Sea?
PCO USEC. CASTRO: Of course, concerned po ang ating Pangulo sa mga nangyayari. Pero mini-maintain pa rin po natin iyong level of professionalism na may kasama pong fearless spirit of patriotism. So, hayaan po natin na masagot ang detalye po nito ni Commodore Tarriela.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH PLUS: Ma’am, regarding naman po sa ICC case ni former President Duterte, he had an interview with Nicholas Kaufman, iyong lead counsel niya, and sinabi niya, one of the biggest challenges that they see dito sa case is a possible political manipulation. With some … na parang sabihin, with his wide support ay puwede raw po siyang i-consider as flight risk. So, how does Malacañang view this na parang sinasabi po ang challenge is political manipulation?
PCO USEC. CASTRO: Okay. We thought na the former President already requested that there should be no more statements to be made with regard to his case. But anyway, there is this declaration of Atty. Kaufman. Well, anyway, every lawyer desires and aspires to win all his cases for his clients. So, expected naman po natin na malamang ito ang magiging depensa po ni Atty. Kaufman. And siguro mas maganda rin po talaga, kasi sinabi niya po na political manipulation of arguments, so it is also better for him to know who manipulates who. And, of course, sabi nga natin, he should also be aware of the plight of EJK families of the EJK victims who are now allegedly being harassed by some of the Duterte supporters according to Atty. Conti.
So, sana malaman po niya iyan and, at the same time, we understand his opinion on this especially that he is representing the suspect, former President Duterte, who admitted his acts of killings. So, it is really … he will definitely face some difficulties in defending his client, if regarding the admissions made by his client. But we wish him all the luck because, still, we have to presume that the suspect is still innocent until proven guilty.
ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good morning. Next week po ay Holy Week na po. Puwede po bang malaman kung ano po iyong magiging event ni Presidente para sa Holy Week?
PCO USEC. CASTRO: Wala pa po tayong natatanggap kung ano ang kaniyang activity. At ibibigay na lang po namin kung mayroon po siyang listahan ng activities para sa Holy Week.
ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: Panawagan na lang po ng Palasyo sa ating mga kababayan na magsisiuwian po sa mga probinsiya ngayong Holy Week?
PCO USEC. CASTRO: Okay, mayroon po, naglabas na rin po ang DOTr. At may direktiba po sa DOTr na dapat pong paigtingin ang kanilang pagmo-monitor sa nalalapit na pag-uwi ng mga kababayan natin sa kani-kanilang mga probinsiya. At sabi nga po, nagbigay po ng order ang ating Pangulo hindi lamang po sa DOTr pero sa mga attached agency po to ensure the safety and convenience of all the passengers who will be travelling to their hometowns or will have vacations.
At magkakaroon din po ng strict inspection sa mga terminals, ports, airports so that there will be no delays ‘no to the operations prior to the Holy Week kasi po mas marami pong maaaring magkaroon ng delays kapag maraming nagbibiyahe. So, iyan po ay pinamo-monitor ng ating Pangulo sa ating mga concerned agencies.
ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: May specific instruction po ba si Presidente, ma’am, sa mga law enforcement agencies ngayong Holy Week? Thank you.
PCO USEC. CASTRO: Opo. Alam naman po natin na may mga pagkakataon na nagkakaroon pa rin, hindi maiiwasan na mayroong mangyayaring mga aksyon, mga krimen at hindi dapat matulog, iyan po ang direktiba ng Pangulo, hindi dapat matulog kahit Holy Week, kahit bakasyon ang karamihan; hindi dapat nagbabakasyon ang gobyerno. Patuloy pa rin po ang pagsasagawa ng mga monitoring at pagtulong sa ating kapuwa Pilipino.
MARIAN PULGO/RADYO VERITAS: Good morning, Usec. Tungkol pa rin po sa Holy Week. Alam naman po natin ang kalagayan ng pulitika natin sa ngayon, medyo maingay, so mayroon po bang mensahe iyong Palasyo sa nalalapit na Semana Santa, sa mga lider po at saka gayundin sa publiko at iyong mga kandidato po this Holy Week? Thank you.
PCO USEC. CASTRO: Opo. Sa pagkakaalam po natin, magbibigay po ng mensahe ang ating Pangulo most probably po sa Easter Sunday. At malamang po ay makasama na rin po diyan ang patungkol sa ingay ng pulitika. Pero, of course, ito po ay paggunita sa ating Panginoon na si Hesus.
MYLENE ALFONSO/BULGAR: Good morning po, Usec. Ano po ang plano ni Pangulong Marcos sa citizenship ni Li Duan Wang na magla-lapse into law na po sa April 13?
PCO USEC. CASTRO: Actually po, iyan po ay nabanggit na rin po natin at sa ngayon po ay pinag-aaralan ng Pangulo ang patungkol po dito sa legislative naturalization ni Li Duan Wang, at mayroon pa po siyang tatlong araw at hintayin po natin ang magiging desisyon ng Pangulo.
PCO ASEC. VILLARAMA: Last two questions – Kenneth Paciente, PTV.
KENNETH PACIENTE/PTV: Hi, ma’am. Good morning po. Ma’am, ini-report po ng PSA kanina lang na tumaas po ang employment rate sa bansa nito pong Pebrero na naitala po sa 96.2% kumpara noong January 2025 na nasa 95.7. Ano po ang reaksiyon po dito ng Palasyo?
PCO USEC. CASTRO: Good news po iyan. Kung tumaas po ang employment rate, ibig pong sabihin ay maganda po ang nagiging palakad ng ating gobyerno para po maibsan naman din po ang kahirapan ng ilan po sa atin dahil kapag po talagang mahihirapang kumuha ng trabaho, mahihirapan din po silang makakuha ng income.
So, itutuloy-tuloy po natin iyan dahil mayroon din naman po tayong programa para sa mga hiring ng mga employees, ng ating mga kababayan especially mayroon pong programa para po doon sa mga 4Ps beneficiaries na makakuha ng on-the-spot hiring. So, maganda pong balita iyan.
PCO ASEC. VILLARAMA: Finally, Alvin Baltazar, Radyo Pilipinas.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., sa Thursday, if I’m not mistaken, magkakaroon ulit ng hearing tungkol doon sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte. Sa palagay ninyo ba, Usec., malaking tulong ba kung mag-i-invite si Senador Imee Marcos ng isang expert para once and for all, matuldukan na iyong kinukuwestiyon doon sa pag-aresto, kung ligal ba o hindi ligal iyong nangyaring aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte?
PCO USEC. CASTRO: Mas maganda po talaga na hindi lamang po iisang view ang madinig ni Senator Imee Marcos. Mag-imbita po siya ng mga eksperto pa, iyong mga madalas na nai-interview na nagbibigay din ng kakaibang opinyon na kakaiba kay Atty. Alex Medina para po mas malinawagan siya. Kasi sabi nga po natin, kung isang tao lang, isang eksperto lang ang ating madidinig, hindi po natin nababalanse ang pang-unawa dito at lalo siyang maguguluhan. Katulad ng sinasabi niya, siya ay nagugulumihanan sa ngayon. So mas mabuti po – ito naman ay suggestion lang tutal ay naitanong lang po, hindi naman po tayo nag-uutos – mas maganda po na makakuha pa siya or makapag-imbita pa siya ng iba pang international law experts para po mas maliwanagan siya. Baka nga po sa pamamagitan ng ibang mga international law experts, ibang mga abogado, may mga ibang opinyon ay hindi na nga niya kailanganin ang ibang mga Cabinet members para siya ay makapagbalangkas ng batas.
PCO ASEC. VILLARAMA: That’s the last question. Thank you, Usec. Claire.
PCO USEC. CASTRO: Okay. At dito na po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang umaga para sa Bagong Pilipinas.
###