Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and Undersecretary Atty. Claire Castro


Event PCO Press Briefing of Palace Press Officer and Undersecretary Atty. Claire Castro
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw, March 3.

Magandang balita ang ibinahagi ng Department of Budget and Management. Dahil sa epektibong pamumuno ni Pangulong Marcos Jr., bumaba sa 5.7% o 1.5 trillion pesos ang budget deficit ng bansa nitong 2024. Pinakamababa ito mula noong taong 2020 at nagpakita ng mabuting pagtatrabaho ang economic team ng administrasyon. Umabot naman sa 16.72% ng GDP or 4.4 trillion pesos ang government revenues sa nakaraang taon.

Alam natin, alam ninyo na po kung ano ang ibig sabihin ng budget deficit. Pero doon sa mga kababayan natin na mas gustong maintindihan ito, halimbawa na lamang po, kapag po ang ating revenue, ang kinita ay halimbawang hundred pesos pero kung ang proyekto po ng pamahalaan o ng isang tao at aabot lamang po sa 90 pesos, so makikita ninyo po iyong paggastos ay mas maliit kaysa doon sa nakuhang income so magkakaroon pa po iyon ng savings. Kumbaga, hindi na po kakailanganin na umutang pa ang gobyerno kung bumababa po ang ating budget deficit. So, iyon lang po ang pinaka—para sa mas maunawaan ng taumbayan kasi medyo technical iyong word na budget deficit.

Ngayon po ay handa na po akong sumagot sa inyong katanungan.

JEAN MANGALUZ/PHILSTAR: Good morning po. So, over the weekend, US President Trump’s confrontation with Ukraine President Zelensky shocked the world. Does the Palace feel nervous about the country’s allyship with the US following the shift in attitude when it comes to Ukraine?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa ngayon po ay wala pong reaksiyon ang Pangulo, ang Palasyo. Mas mabuti po kung ating aalamin ito sa ating DFA Secretary Enrique Manalo.

JEAN MANGALUZ/PHILSTAR: Following the change in the US position in the Ukraine-Russian war, do we still feel confident that the US’ position in the West Philippine Sea will remain the same?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Mas maganda po na ganoon sana ang mangyari pero as of now po, tangi lamang po si DFA Secretary Enrique Manalo ang mas maganda pong makasagot po niyan para mas detalyado po.

ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Ma’am, good morning po. Ma’am, may we just get your quick reaction sa recent pronouncement ni former Spokesman Harry Roque na “Kahit gaano ka kagaling na salesman kung hindi maganda ang produkto, mahihirapan kang ibenta.” Good luck daw po sa inyo ni Secretary Jay Ruiz.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Naniniwala po talaga kami na mahirap ibenta ang bulok o masamang produkto. Mahirap po talagang ibenta kapag ang ibinibenta mo ay kailangan mo pang linisin ang mga sinasabi. Mahirap ibenta ang mga tao na ang laging nababanggit ay joke lamang iyan.

Hindi po kami salesman dito. Kami po ay messenger. Ang salesman po kasi ay kailangan na maganda ang bokadura mo; kailangan na ibenta kahit na minsan ay hindi totoo iyong mga sinasabi mo para lang mabenta ang isang tao o isang produkto. Okay, sa amin po, messenger kami; hindi po kami nagbibenta ng pangulo o ng gobyerno. Pinapakita lamang po namin at inilalahad namin kung ano ang maaaring makuha ng taumbayan sa ating gobyerno, kung anong puwedeng itulong ng ating gobyerno sa taumbayan. So, hindi po kami salesman; kami po ay messenger.

ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Ma’am, on another matter lang po. Ma’am, mayroon pong report na isang media company kung saan isa sa co-founder ay si Jay Ruiz ang nakakuha ng 206 million na halaga ng kontrata mula sa PCO ilang buwan bago po siya maging PCO Secretary. Hindi pa po ba nagda-divest si Secretary Jay?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Ang batas naman po natin ay allowed po ‘no na mag-divest ng shares or interest sa anumang kumpaniyang pag-aari niya within 60 days from the time na siya ay nag-assume ng posisyon. So, iyan po ay parating na po at alam naman po niya iyong batas at lahat po naman ng gagawin natin dito ay dapat naaayon sa batas.

CLEIZL PARDILLA/PTV4: Good morning po, Usec. Senate President Chiz Escudero refused to comment on your opinion how to fast-track Vice President Sara Duterte’s impeachment trial. Ang sabi niya po, patawarin na lang natin siya baka bago pa at excited pa. Your reaction po.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Yes, opo. Masayang-masaya pa po ako na nadinig natin iyan dahil parang kahit hindi pa po tayo nagkakasala at hindi ko pa po alam kung ano iyong nagawa nating mali ay patatawarin na niya tayo. Maganda pong gesture po iyan.

At kung sinabi po niyang excited po ako, aminado po ako, excited ako. Excited ako every second of my life, hindi lamang ngayon, sa araw-araw ay dapat maging excited lahat po tayo lalung-lalo na po iyong mga taga-gobyerno dahil mayroon po tayong task or obligasyon na dapat gawin para sa taumbayan at para sa bansa. Hindi ko po ikakaila na halos araw-araw ng buhay ko, hindi lamang po ngayon, excited po ako.

TUESDAY NIU/DZBB: Good morning, Usec. Claire. Last week po ay iniharap po sa amin dito ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang pambansang pulisya especially iyong anti-kidnapping group, si Colonel Elmer Ragay. Lumabas po nitong weekend from PNP na hindi naman daw po pala anti-kidnapping group ang nakapag-rescue doon sa 14-year-old na foreign national na bata kung hindi ibang grupo. Hindi po kaya nabigyan ng fake news si Secretary Remulla na siya naman niyang naibahagi din o nai-report kay Presidente dahil iba nga po iyong lumalabas na balita ngayon? Eventually, parang may third party raw po na mayroong partisipasyon kaya po napalaya iyong bata.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay. As of now, kung iyan po ang nababalita, titingnan po natin, ang ibi-verify po natin kung ano po talaga ang katotohanan dito. Kung anuman po ang katotohanan, manggagaling din po iyan sa amin. Iku-confirm lang po natin kay Secretary Jonvic Remulla para po mas detalyado ang ating pagsagot.

EDEN SANTOS/NET25: Usec., kanina po ay nabanggit ni Acting Secretary Jay Ruiz na kailangan pong … pag-aaralan iyong pagkakaroon ng regulatory body sa social media para maiwasan po, malabanan iyong mga fake news. Can you elaborate po regarding doon sa kaniyang binanggit, medyo hindi po kasi masyadong kumpleto, kung papaano po ang gagawin natin?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Actually po, dapat makipag-ugnayan din po tayo, makipagtulungan po tayo sa mga mambabatas po sa Kongreso kasi sila din naman po iyong gagawa ng batas dito. Iyon pong sinasabi natin na magkaroon ng regulatory body, sa palagay po namin ay napapanahon dahil tayo po sa mainstream media, tayo po ay sakop at nari-regulate po ng MTRCB; kung tayo po ay miyembro ng KBP, mayroon pa rin po tayong KBP.

So, sa tingin po natin, sa ating palagay, ang pagkakaroon ng regulatory body, separate na regulatory body for the social media ay napapanahon din po para po maiwasan iyong mga pang-aabuso. Hindi po natin pipigilan iyong mga opinyon na naaayon naman po sa batas, kumbaga, opinyon na lehitimo; kung ito man ay kritisismo, iyan po ay dapat lang na irespeto. Pero iba po kasi iyong sinasabi natin na paninira nang walang basehan at kung ginagamit man po itong mga troll army sa paninira, ibang usapin po iyon. Dahil kung mayroon man pong troll army pero ang adbokasiya nila ay magpalabas at mag-share ng tamang balita, hindi po iyan pipigilan. Ang pipigilan lang po natin ay maabuso dahil po kapag po naabuso ito, mayroon po itong effect sa taong maaaring siraan, maaaring ang mga organisasyon, ahensiya na maaaring siraan na walang basehan, malaki pong impact ito lalo na kung paniniwalaan ng mga tao.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: So, mas maganda po talaga na magkaroon, iyon lang po ang aming suhestiyon – matuloy po sana at magkaroon talaga ng regulatory body para din po malaman natin ang bawat isa kung content creator ito, vlogger, blogger, malaman din po natin iyong identity at hindi sila nagtatago sa mga dummy accounts. Ganoon po.

EDEN SANTOS/NET 25: Sa tingin ninyo po iyong ginagawang hearing ngayon ng Quad Comm ba iyon or Tri Committee sa Kamara tamang-tama para mai-pursue po itong pagkakaroon ng regulatory body kung sabi ninyo nga ay kailangang dumaan sa paggawa ng batas?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Opo. Napapanahon po ito dahil hindi na po biro iyong mga ginagawa po ng mga troll armies. Sabi nga po natin, kapag ka po kasi binabayaran lang ang mga tao para magsalita ng paninira na walang basehan – hindi po iyon freedom of expression kasi binubulungan lang sila noong taong nagpapasuweldo o nagbabayad sa kanila, so kakaiba po iyon sa tinatawag nating freedom of expression.

EDEN SANTOS/NET 25: Ma’am, since medyo baka matagalan pa po kung magkaroon ng batas hihintayin natin, ano po iyong mga immediate na mga plano ng PCO para malabanan ito? Mayroon na po ba tayong mga ebidensiya, mga documented na magpapatotoong itong mga vloggers na ito, itong particular na lumalabas sa socmed ay talaga pong mga troll armies ito, mga fake news lamang iyong kanilang ginagawa at sinasabi?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Actually, siyempre po bago po tayo magbintang, alam naman natin we have to presume them innocent until proven guilty. So, ang bawat isa po kumbaga ibi-verify muna po iyan bago natin sabihin, “Ay parte ka ng troll army,” kasi wala pa po tayong batas patungkol sa sinasabing troll army. Ito lang ay mere description kung papaano iyong kanilang ginagawa.

So, kapag po na-verify – let’s say po tayo ay nagsasalita dito at sandamakmak na po ang kumakalaban at nagpapakita at nagba-viral na mali. Mapapansin ninyo po kahit na iyong ibang mga organisasyon ay nagpa-fact check. So, kung kakayanin po ng ibang mga pribadong ahensiya or korporasyon na magkaroon at magsagawa ng fact checking ay ganoon din po ang gagawin ng PCO. Pipilitin po nating maayos po iyan at maisagawa nang maayos.

EDEN SANTOS/NET 25: So far po, wala pa kayong na-verify na masabi na ito talaga ay nagpapakalat ng fake news, troll army po ang mga ito?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Wala pa po in particular pero inaaral na po namin kaya po iyong mga ibang mga sinasabi nating fake news ay atin pong sinasagot hangga’t sa makakaya natin.

EDEN SANTOS/NET 25: So, hindi naman din po kayo kabilang doon sa mga masasabing nagpapakalat din ng fake news since wala naman po palang mga verified batayan iyong inyong mga sinasabi?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Ganito po iyan, kapag sinabi po nating fake news, mayroon na kayong naging basehan. Fake news, alam na natin kasi may dokumento. Halimbawa sinabi ko po, “Si Miss Pia ay dalaga,” when in fact there’s a record na she’s married. So, sinabi ko, “Dalaga iyan, dalaga iyan,” is that fake news? Of course, kasi may batayan.

So, bago naman po namin sabihin na fake news dapat mayroon po kaming batayan. 

EDEN SANTOS/NET 25: Thank you po.

EVELYN QUIROZ/PILIPINO MIRROR: Good morning. Usec., may mga lugar po sa bansa na nakararanas ng mataas na heat index kagaya ng Palawan, Nueva Ecija at ibang parte ng Quezon City. Nag-suspend na rin po ng klase iyong ilang area sa CAMANAVA dahil po sa inaasahang mataas na heat index. Puwede pong malaman kung may mga preparasyon, aksiyon or contingency plans po ang pamahalaan dito? 

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Opo. Nagpalabas na rin po ng pahayag ang DOH patungkol po dito at iyon nga po nagpapaalala ang DOH laban sa mga sakit na may kaugnayan po sa init na nagiging laganap na po sa matinding temperatura.

So, as of now po, iko-collate pa rin po namin iyong iba pa po na mga action plans patungkol dito pero nauna na po ang DOH na magpalabas po ng kanilang mensahe patungkol dito.

INA MARALIT/MANILA TIMES: Good morning, ma’am. Ma’am, Major General Nelson Morales has reportedly been reassigned to head the Philippine Air Force Air Education Training and Doctrine Command. Is this confirmed? And may napili na po bang kapalit si Pangulo bilang bagong hepe po ng Presidential Security Command? 

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Noong nakita ko na ito ay maaaring maging issue today, tinanong ko po – wala pa po talaga sa aming naibibigay kung anuman po ang direktiba o order patungkol po dito. Kapag ka po mayroon na po, pangako ko po na ilalabas po agad namin kung anuman po iyong pinaka-latest na balita patungkol po dito or any order or memorandum.

INA MARALIT/MANILA TIMES: Okay po, ma’am. Another question po, PNP Chief General Rommel Marbil was reportedly summoned by the President this morning to talk about the crime incidents in the country particularly kidnapping. Totoo po ba ito at kung may mga detalye po noong naging pag-uusap?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: As of now, hindi ko pa rin po nakakausap ang Pangulo kung sila ay nagkausap. Aalamin ko pa po kasi medyo maaga pa rin po ngayon. So, wala po akong latest pero most probably as time, as day progresses baka mayroon na po tayong balita patungkol po diyan.

INA MARALIT/MANILA TIMES: Thank you, ma’am.

ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Usec., balikan ko iyong heat index, considering na kakasimula pa lang po ng taon, Marso pa lang, ano iyong nakikita ng Malacañang na potensiyal na epekto nito sa ating ekonomiya?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay. Kahit po hindi pa po namin napag-uusapan dahil sabi nga ninyo po ay ngayon lang po talaga nag-i-start pero siyempre po lagi pong maghahanda ang pamahalaan patungkol po dito. Kung ito po ay makakaapekto sa ekonomiya natin ay tayo po ay laging maghahanda tungkol diyan.

ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Pero, mayroon na bang assessment kung gaano kaseryoso iyong magiging epekto nito sa ating goals?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Wala pa po kaming report kung gaano ito makakaapekto sa atin, mula sa PAGASA, pero iyon na nga extreme caution po ang sabi ng PAGASA na dapat nating gawin. So, siguro po after this kapag nagkaroon na po kami ng meeting kung ano po ang gagawin ng PAGASA, DOH at ibang ahensiya ay ibabalita po agad namin sa inyo.

DARRYL ESGUERRA/PNA: Good morning, ma’am. Ma’am, may we just get Malacañang’s resection doon sa—there are claims or narratives being peddled on a Chinese social media app saying that Palawan is historically part of China.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay. Kapag ganiyan po tayong mga issue mas mabuti po na alamin natin ito sa DND at saka sa DFA para po mas kumpleto po ang aking masasagot sa inyo.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Follow up lang po sa question ni Darryl. Pero ano po kaya ang posisyon ng Palasyo dito sa parang panibagong claim na naman po ng China sa ating territory despite na mayroon nang decision iyong International Court of Arbitration na kumikilala po sa ating mga teritoryo sa bansa?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay. Ang naging desisyon po ng International Court of Arbitration ay napakahalaga po, hindi po ito puwedeng itapon lang sa basurahan. Ipaglalaban at ipaglalaban po natin kung ano ang ating karapatan sa ating teritoryo at sa ating maritime rights katulad po ng nabanggit noong nakaraan po ng ating Pangulo. Kung anuman po ang kaniyang demands sa China patungkol po doon sa Typhon missiles ganoon pa rin po ang ating stance.

LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Usec. Ma’am, may reaksiyon po ba si Pangulo or ang Malacañang doon sa ulat na diumano iyong mga Chinese spies ay may donasyon sa PNP? 

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay. As of now ay pag-aaralan po natin iyan. Kung ito man po ay naging donasyon in good faith, kailangan po talaga nating malaman dahil hindi naman po masama ang tumanggap ng donasyon.

Okay, sa panahon po ng pandemya, nabalitaan po din natin na marami pong natanggap na ambulance, mga sasakyan—tama ba, o ambulansiya especially Davao City. Parang maraming naibigay ang China sa Davao City sa panahon po ni Mayor Sara at that time.

Wala pong masama kung tatanggap tayo ng donasyon if it’s done in good faith. So, kung ito naman po pala ay parang ibinigay pero mayroong kakaibang dahilan for that kailangan po nating imbestigahan iyan at kung sinuman po iyong mga tumanggap na mga opisyal ng LGU dapat siguro po ay malaman natin para hindi na po maulit kung sila man ay nagagamit kung hindi man nila alam na nagagamit sila.

LETH NARCISO/DZRH: At may alegasyon din, ma’am, na iyong mga Chinese raw na gumagawa ng iligal sa bansa ay may padrino o kumpare sa top brass ng PNP or intel group?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Hindi po iyan pababayaan ng Pangulo. Talaga pong kapag ganiyan po ang balita at nakarating sa atin iyan kailangan po talagang imbestigahan iyan. Hindi po ito dapat palampasin.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Usec., I understand you mentioned that Secretary Quiz has 60 days to divest upon assumption to office. Clarify ko lang, has he already divested or is he still in the process s of divesting?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa pagkakaalam ko ay in the process na po, kasi pini-prepare na po niya iyong kaniyang mga papers regarding that.

IVAN MAYRINA/GMA: Does the Secretary have a statement of course allegations—no, not allegations but those who are pointing out that there is clear conflict of interest in the situation?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Yes, kung mayroon pong conflict of interest na ngayon na siya ay na-appoint as Secretary ng PCO, talagang dapat matanggal po iyong conflict of interest, kaya kailangan po niyang mag-divest. Kung naman po ang mga naging negosyo niya ay hindi pa po siya na-appoint as Secretary of PCO, so wala naman po tayong nakikitang mali doon dahil kailangan din naman niyang kumita. So, ngayon po na kami po ay na-appoint, kailangan po talagang mag-divest kung ang interest po ay may conflict. So, kailangan po talagang mag-divest.

IVAN MAYRINA/GMA: In a chance interview this morning, binanggit din in Secretary Ruiz na may binabanggit po siyang leakages dito sa Presidential Communications Office. What can you tell us about these leakages, intrigues and how does he intend to get to the bottom of this and respond to it?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay, hindi ko po yata nadinig, saan po niya sinabi iyon?

IVAN MAYRINA/GMA: Kanina po.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa inyo?

IVAN MAYRINA/GMA: Hmm.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay, siguro po siya na po iyong magandang sumagot niyan, hindi ko po nadinig at hindi ko po alam kung ano iyong ibig niyang sabihin. 

PCO ASEC. DE VERA: Alexis Romero, Philippines Star.

ALEXIS ROMERO/PHIL. STAR: So, for the record, Usec, do you know the status of supposed deals involving the company of the Secretary, iyong government contracts?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Wala po akong particular na alam especially kung ito naman ay nagawa bago siya na-appoint. 

PCO ASEC. DE VERA: Eden Santos, NET 25.

EDEN SANTOS/NET 25: Balik lang po ako doon sa heat index, Usec., kasi alam naman po natin na sa nakalipas na mga taon ay matindi po ang naging epekto ng tag-init, iyong El Niño sa ating mga magsasaka, even sa mga mangingisda po. Ano po iyong mga hakbangin o plano ng ating pamahalaan habang hindi pa ganoon katindi ang epekto nitong tag-init sa sektor po ng agrikultura?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Ma’am, as of now talaga po ay hindi pa po kami nakakapag-usap patungkol diyan, pero kung ito po talaga ay nakikita po, nababanaag po ang matinding epekto po, kikilos po talaga agad ang ahensiya para po matugunan kung anuman ang magiging problema sa mga susunod na araw nitong napakatinding init na nararamdaman natin.

EDEN SANTOS/NET 25: So, so far po wala pa talagang plano, program ang ating administrasyon?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Mag-i-start pa lang po kami kasi magkakaroon po kami ng meeting para po mas detalyado. Most probably po, hindi pa lang po naibababa sa amin kung ano po iyong action plans ng DA, DSWD, DepEd, dahil nga kababalita pa lang po nito. So, most probably nag-uusap na po sila at titingnan ko po ang pinaka-status nito mamaya po pagkatapos ng press briefing natin.

PCO ASEC. DE VERA: Haidee Sampang, FEBC.

HAYDEE SAMPANG/FEBC: Good morning po, Usec., kasunod lang po nung kaka-implement lang na increase po sa toll fees sa NLEX po. Mayroon pong pangamba na mag-domino effect po ito sa mga presyo po ng mga produktong iniluluwas lalung-lalo na po sa mga agricultural products at ito po ay makakaapekto po sa ating mga mamimili. Mayroon po bang naiisip na intervention po ang ating pamahalaan?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Kapag po talagang nagtataas ang isang factor sa pagdi-deliver or manufacture ng mga items, hindi po talaga maiiwasan na mayroon itong epekto sa produkto. Pero katulad po ng ginagawa natin, pati po ng DTI ay itse-check po natin iyong presyo at kung magtataas man po ay dapat lamang reasonable. Pero pag-aaralan pa po iyan at para po hindi masyadong makabigat sa taumbayan, ‘kung’ mayroon man, ‘kung’ magkakaroon man po ng increase.

HAYDEE SAMPANG/FEBC: Pero isa rin pong pinupunto ng grupo po ng mga truck owners and organizations na bakit daw po nag-i-increase, eh hindi pa po sila satisfied sa service po sa NLEX?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Okay, titingan ko po kung bakit nagkaganoon at ibi-verify ko rin po kung ano iyong kanilang mga hinaing, para mapaabot natin ito sa Pangulo at sa kinauukulang ahensiya para po mas maganda po ang aming maging aksyon, kasi dapat madinig po talaga namin kung ano pa iyong hinaing pa ng ibang tao para mas maganda iyong aming  maging solusyon  sa ganitong mga klaseng sintemyento.

PCO ASEC. DE VERA: We have our last question from Jean Mangaluz, Phil. Star.

JEAN MANGALUZ/PHIL STAR: I would like to follow-up on the earlier question about fake news. So, legislation and regulation can take some time and it’s actually quite tricky. So, what other measures can the government enact to strengthen the population’s resistance to fake news?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa amin po, since wala pang nagagawang batas, wala po tayong gagawin kung hindi talagang magsipag at ipapaalam sa tao. Hangga’t maaari, bago po maniwala sa mga sinasabi, lalo na iyong sa mga YouTube channel natin, sa Facebook, mas maganda po sana, ini-encourage namin, nating lahat na bago po maniwala ay tutal kayo naman ay gumagamit ng internet ay i-research po muna ninyo. Mas maganda po na ang bawat napapakinggan ninyo ay i-research ninyo through mainstream media. Kasi po kapag sinabi po nating mainstream media, ito po ay verified, ito po ay kumbaga, talaga pong inaaral bago po ito mailabas sa publiko. So, mas maganda po sana maniwala talaga, okay, hindi ko po sinasabing huwag maniwala sa mga social media platforms na ginagamit po, hindi po nating sinasabing ganiyan.

Pero kung sila ay may pagdududa, kung ang sinasabi ng isang influencer o vlogger, kung tama ba, mas maganda po na tingnan din nila, i-verify nila sa mga nababalita na mula sa mainstream media.

JEAN MANGALUZ/PHIL STAR: Ma’am, follow-up lang po, iyong K-12 program, may media literacy program and may politics and governance program. But some people don’t know—some people don’t even know the basic functions of government agency. So, do you think that’s a reflection on the effectiveness of these types of education programs?

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa mga nangyayari po kasi, minsan ang mga nangyayari sa paligid ay hindi po minsan concern ng iba, ‘di ba? May mga ordinaryong tao na hindi [nila] concern iyong nangyayari sa paligid natin. Mas preferred nila na manood ng mga katatawanan, even that will make them happy, that will make them smile. So, itong mga nangyayari po sa paligid natin, siguro po talaga mas maganda eh, makasama rin po ito sa pag-aaral ng mga estudyante para maging aware din po sila kung ano ba talaga iyong parte ng history or parte na nangyayari sa atin, sa current events.

JEAN MANGALUZ/PHIL STAR: Will the PCO push for reforms in these programs, since baka nga hindi masyadong—

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Oo, mas maganda pong suhestiyon, makakarating po iyan. Maganda po talaga lalo na sa mga kabataan natin na ma-involve sa mga nangyayari sa atin sa bansa.

PCO ASEC. DE VERA: Thank you, I think, we don’t have any more question, Usec.

PCO USEC. ATTY. CASTRO: Thank you very much. Ayan, so dito po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps at magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.

 

###