PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps, at welcome sa ating press briefing ngayong araw, March 5.
Magandang balita: Inulat ng Philippine Statistics Authority na bumagal sa 2.1% ang inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Pebrero mula sa 2.9% noong Enero. Ito na ang pinakamababang antas na naiulat simula noong Setyembre 2024.
Ang mas mababang antas ng inflation ay bunsod ng mas mabagal na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages na nasa 2.6%. Ang pagbagal naman ng presyo nito ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng gulay at iba pang produkto. Kasunod ng mas mababang inflation rate, nanatili sa 2.5% ang average inflation rate ngayong 2025 na pasok pa rin sa full year target ng gobyerno na 2 to 4 percent.
Ayon sa National Economic and Development Authority, ang patuloy na pagbaba ng inflation rate ay indikasyon na epektibo ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno kontra sa tinatawag na inflationary pressures. Sisikapin din ng ahensiya na panatilihing mababa ang inflation rate at tugunan agad ang mga posibleng pagtaas ng ibang commodities.
At isa pang good news: Available ang higit dalawang-libong trabaho mula sa iba’t ibang industriya kasama ang ICT, aviation-tourism at service sectors. Maaaring makita ang mga available na trabaho sa www.jobs@clark.com – dito ay puwede nang mag-register para mai-match ang mga trabaho sa mga aplikante.
At para magbigay ng iba pang detalye, kasama natin si Clark Development Corporation Communications Manager Astrud Aguinaldo. Ma’am…
CDC COMMS. MGR. AGUINALDO: Maraming salamat, Atty. Claire. Good morning po sa inyong lahat at tama iyong sinabi ni Atty. Claire, magandang balita mula sa Clark Development Corporation.
To be exact, mayroon tayong 2,280 job vacancies mula sa 30 investors o locators. Ang mga trabahong ito ay ang mga sumusunod: ICT industry, mga business process outsourcing; mayroon din sa industrial, mga engineers ang hinahanap nila dito, technicians, welders, machine operators, human resource at iyong mga magtatrabaho sa warehouses; mayroon din sa service industry – mga bus drivers naman ang hinahanap, conductors, sewers/mga mananahi at sa sales; gayundin sa tourism and hospitality – mga hotel staff, security, marketing at casino dealers; mayroon din sa commercial and retail, ang hinahanap nila dito ay mga sales associates, cashiers at store managers; at lastly, sa aviation and health care, mga nurses naman, medtechs at physical therapists po ang hinahanap dito.
Para mag-apply, puwede po kayong pumunta sa jobs@clark.com at puwede ninyong i-upload ang inyong mga CV (curriculum vitae), ang inyong biodata, ang inyong résumé, pati ang inyong litrato. At mula doon, makikita ng mga investors ang inyong profile at from there, puwede na kayong kontakin. Maraming salamat po.
PCO USEC. CASTRO: Thank you very much po, Ma’am Astrud Aguinaldo.
Mayroon pa po tayong good news: Nagkaroon po kami kanina ng meeting with Secretary Laurel dahil aasahan po natin ang pagbaba ng presyo ng bigas. Sa darating po na… by March 31—sa ngayon po, ang presyo ng bigas kada kilo ay pumapalo po sa 49 pesos pero by March 31 po ay aasahan po natin ang pagbaba nito ng 45 pesos. Pati na po ang presyo po ng baboy ay maaari po itong maibaba din po by March 10 sa halaga po… ito po ay sinabi in particular ni Secretary Laurel – ang parte po ng kasim at pige ay bababa po between P350 to P360 per kilo at ang liempo naman po ay maibababa po ng P380 per kilo.
Maliban po diyan, marami pa po tayong sasabihing good news pero most probably po ay bukas na po dahil marami pong napag-usapan kanina sa meeting with DA Secretary Laurel.
Handa na po tayong tumugon sa inyong mga katanungan.
PCO ASEC. DE VERA: First question: Maricel Halili, TV-5.
MARICEL HALILI/TV5: Magandang umaga po. Usec., follow up lang po doon sa sinabi ninyo na expected natin na pagbaba ng presyo. May we know what are the reasons kung bakit po aasahan natin iyong pagbaba ng presyo sa bigas at saka sa baboy?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, ang sabi po ni Secretary Laurel ay bumaba po ang world price; kung nagkakaroon po kasi ng pagtaas talaga [ng presyo] ng bigas, ito po ay… ang nagiging basehan, ang one of the factors dito ay iyong world price. Kung noon po ay may halaga po na pumapalo sa 700 to 740 dollars per ton, ngayon po ay bumaba, kung hindi po tayo nagkakamali ay parang bumaba po sa 400 or lesser, or 380 dollars per ton. So, iyon po ay isa sa mga nakikita natin pong dahilan—isa lamang po iyan sa nakikita nating dahilan para po bumaba ang presyo ng bigas.
MARICEL HALILI/TV5: Ma’am, iyong sinasabi po ninyo na from 49 pesos to 45 pesos, ano pong uri ng bigas ito, ma’am?
PCO USEC. CASTRO: Okay. Mayroon po kasing binabanggit si DA Secretary about doon sa DT8 na klase po. Ito po ang sinabi niya ay pumalo nga raw po sa 470 dollars per ton. Pero may mas mahal po na 504 ay 4oo—ay, mas mababa po ito, mas mababa. Iyong 504 ay pumapalo po sa halaga na 400 dollars per ton. So, kaya lang po, ang karamihan daw po sa mga Pilipino ay mas gusto nila iyong mas mahal na uri, iyong DT8 – iyon daw po talaga ang mas hinihingi ng mga consumers natin.
MARICEL HALILI/TV5: And how about on pork, ma’am?
PCO USEC. CASTRO: Iyon po, iyong binanggit ko po kanina na presyo, opo, iyong sinabi po niyang mga parte ng pork.
MARICEL HALILI/TV5: Also, because of the world price, ano po iyong dahilan bakit po bumaba?
PCO USEC. CASTRO: Wala pong nabanggit—pasensiya na po kayo, basta sinabi lang po niya sa atin ang good news. At titingnan po natin at kakausapin nating muli si Secretary Laurel kung ano naman ang naging reason kung bakit nakaya nating ibaba ang presyo ng pork.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, ma’am. Magandang umaga. Ma’am, regarding iyong sa pag-collapse ng bridge sa Isabela, is the President asking for or directing an investigation on this specially to find out whether corruption was involved?
PCO USEC. CASTRO: Yes po. Noong nagkaroon po kami ng pakikipag-usap kay Secretary Bonoan, nagkaroon na po talaga ng imbestigasyon but it’s initial investigation. Ang nakikita po, sabi nga po natin, ito ay nag-start noong 2014 at lumalabas po na 90% ay naisagawa ito sa panahon po ni dating Pangulong Duterte.
Ang sabi po ay nagkaroon po ito, dahil sa mga earthquakes at kung anumang … sa tagal ng panahon, hindi na siya naging matibay at kailangang i-retrofit sa panahon po ngayon. Ang nakikita po so far ay nagkaroon ng under-design; lumalabas din po sa imbestigasyon na ito po talaga ay para sa mga light vehicles ayon doon sa disenyo. So, lumalabas din po na iyong dumaan na trak – tatlo po raw iyong dumaan na dump truck – puro boulders ang laman, ang karga, nagkaroon po talaga ng hindi tama na—noong dumaan, hindi naging maayos dahil may dumaan na ganito mga heavy vehicles na hindi po naaayon doon sa kakayanan ng tulay.
Kaya po isa sa mga sinasabi po ni Secretary Bonoan ay maaari po – hindi po natin ito …hindi pa po ito conclusion – maaari lamang po na mapanagot din iyong may-ari ng … or korporasyon na may-ari ng dump trucks dahil tatlo po ang nasabi na dumaan na sunud-sunod. So, iyon pa lang po ang initial investigation. But ang sabi nga po ay hindi lamang po ang nakaraang administrasyon ang puwedeng panagutin dito – lahat po, hanggang sa ngayon kung sino po ang maaaring maging may liability dito, kung mayroon man, lahat po iyan ay dapat managot.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Nabanggit ninyo, it’s just an initial investigation, so magkakaroon po ng mas malalim na imbestigasyon dito?
PCO USEC. CASTRO: Opo, kasi titingnan po talaga iyong sinasabing under-design. Anong naging cause kung bakit hindi kakayanin iyong mga heavy vehicles? Eh lumalabas nga po sa initial investigation, ayon sa design ay pang light vehicles lang siya – ayon po sa initial investigation.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Also, ma’am, on another topic. Hingi lang po kami ng reaksiyon doon sa statement ni Supreme Court Associate Justice Antonio Kho during the third round of oral arguments on the PhilHealth issue. Kasi he said that the President must release an order reversing the transfer of the 60 billion excess funds to the National Treasury. He said that the money could be used to expand the state insurer’s benefits package to hire more people to implement its programs and to answer to the public’s needs. Iyong sagot lang po ng Malacañang dito?
PCO USEC. CASTRO: Kung ano po ang ipag-uutos ng Supreme Court, iyan po ay susundin natin. Hindi po natin tututulan, hindi po natin lalabanan kung ano po ang inuutos ng Supreme Court.
MARICEL HALILI/TV5: Ma’am, on other issue, may we know the reason why is there a change in leadership of the Presidential Security Command? Bakit po na-terminate si Commander Morales?
PCO USEC. CASTRO: Na-terminate po iyong kaniyang command dahil po ililipat po siya ng ibang duty – iyon lamang po ang maaari nating sabihin patungkol po diyan sa PSC.
MARICEL HALILI/TV5: Just to clarify, wala po bang kinalaman dito iyong mga issues na lumabas sa news before because there are concerns about Chinese spies na nakatutok doon sa mga presidential facilities? Does it have something to do with this decision, ma’am?
PCO USEC. CASTRO: Wala pong nabanggit sa atin na ganoon. Lumabas na lamang po na iyon nga po ang kaniyang command will be considered terminated dahil mayroon na pong papalit bilang PSC Commander.
MARICEL HALILI/TV5: And one final question, ma’am, about the issue. I understand kapag po kasi election period mayroon tayong ban doon sa appointment, so nagkaroon po ba ng exemption prior to the appointment of the new PSC Commander?
PCO USEC. CASTRO: Ayon po naman sa date na iyan hindi naman po nag-violate ng anumang polisiya or order or batas. So, naaayon pa rin po iyan.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Hi, ma’am, good morning po. Ma’am, yesterday nag-order si US President Trump na i-suspend iyong military aid sa Ukraine. And knowing na close allies natin ang US and we rely heavily pagdating sa military support sa US, are we at all concerned na, you know, the shifting of policies could somehow affect our military alliance with the US?
PCO USEC. CASTRO: Iyang issue po na iyan ay minabuti namin po na si DFA Secretary po ang sumagot para po—iyon po naman ay foreign policies, so mas maganda po na si DFA Secretary po ang tumugon diyan.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Pero po ang sabi ni Ambassador Babe Romualdez, we should be ready to beef up our own because sabi niya po ay ironclad today but you know hindi natin maa-assure kung ironclad pa rin tomorrow. So, ang policy po ba is to continue iyong self-defense ng sarili natin, iyong modernization?
PCO USEC. CASTRO: Yes, dapat lamang po. May ally tayo o wala tayong ally kailangan din po nating i-prepare iyong sarili natin.
Iyong AFP modernization ay talagang kailangan po natin iyan para hindi naman tayo masyadong umaasa sa ating mga allies.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Thank you, Usec.
PCO USEC. CASTRO: Okay. I just want to have a clarification. On my previous statement about the alleged ownership of Secretary Jay of Digital 8, if I could still remember I was asked by Miss Anna Bajo [sinulat ko ito eh]. Okay. She had this statement, “Ma’am, mayroon pong report na ang media company kung saan co-founder si Secretary Jay Ruiz ang nakakuha ng 206 million na halaga ng kontrata sa PCSO ilang buwan bago po siya maging PCO Secretary. ‘Di pa po ba nag-divest si Sec. Jay?” Iyon lang iyong question. Ayaw ko kasi na ma-twist ng ibang mga vloggers so I really want to clarify this. My answer was—it’s very general, ang batas naman po natin ay allowed po na mag-divest ng shares, interest sa anumang kumpanya na pag-aari niya bago siya nag-assume ng posisyon. At alam naman po niya ang batas – lahat ng gagawin natin dito ay dapat na naaayon sa batas.
So, I neither confirmed nor denied any if there is any ownership or shares or interest Secretary Jay over this Digi8. I never mentioned the word Digi8 as a matter of fact. It’s very general: Kung anumang kumpanya mayroon siya [ni-record ko ito]. Okay, ulitin natin, allowed po na mag-divest ng shares, interest sa anumang kumpanya na mayroon siyang shares. So, within 60 days from the time na siya ay nag-assume ng position.
So, there are some vloggers I don’t know other media ha. I will not consider it as misquoted because there might be a misunderstanding but if you will just read the lines or listen to the words I said, it’s very clear – lahat po ay dapat lang pong mag-divest within 60 days sa anumang kumpanya na mayroon siyang shares.
So, with Digital 8 I do not have any…I did not say anything about the Digi8. So, I just want to have it cleared because nagagamit ito as if we have conflicting statements on the alleged Digi8. Iyon lang po.
###